[Published Book] Three Words...

By Girlinlove

25.6M 304K 75K

Now a published book under Summit Media. Php 195.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) 3W8L... More

Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?
[1] Chanel Courtney Chua is.. Dead.
[2] Elle. The Little Miss Murderer.
[3.1] Calvin.. Knight in Shining Armor?
[3.2] Goodbye.. Kean.
[4] New Place. New World. New Elle?
[5] A really bad day.. Or not?
[6] Getting to know.. HIM :)
[7] Concerned din naman nagsusungit pa. :)
[8] All good things must come to an end.
[9] Now, everybody hates me. :(
[10] Meeting his friends :)
[11] Meet Kurdapya and Bakekang :)
[12] I hate happy endings.
[13] Its not the end that hurts, but the flashback that follows.
[14] Bye Patrick. :)
[15] Bakit ba hindi na pwedeng bumalik ang dati? Ako? Tayo?
[16] He's back. Comparisons. His Story.
[17] SMP = ICL? First LQ. </3
[18] Start of Something new?
[19] Calvin vs. Dylan
[20] A new beginning and a sad ending for their FRIENDSHIP.
[21] I'm Elle. The Great Btch. Pero bakit pagdating sayo, nanghihina ako?
[22] A ghost from my past.
[23] I have died everyday waiting for you.
[24] Time to reveal the story.
[25] Love me for who I am. I am not a rebound.
GUYS ATTENTION ;)
[26] Torn Between Two Lovers.
[27] A sad ending for a very happy day.
[28] Great Ditcher.
[29] Kean.. Three Words, and one last cry.
[30] Leaving on a jet plane.
[31] Double Date? Yeah Right!
[32] Garden or Rooftop?
[33] Happy Birthday Elle Clemente.
[34] Karma + Wrong Decision = Pain.
[35] And again, he was my savior.. And lover?
[36] Part 1: Introducing Mira
[36 Part 2] Elle Clemente vs. Mira Tan Chan
[36 Part 3] I can't make you love me, Calvin Klein Go.
[37] Bros before Hoes?
[38] Don't let me go. Please.
[39] Welcome Back, Chanel Courtney Chua :)
[40] Grand Reunion! Welcome back Gian!
[41] Not all story ends with a happy ending.
[42] I was never the right guy for you :(
[43] Three Words Nation. Girlinlove City Wattyland.
[44] THE BIG REVEAL :O
[45 Part 1] Wala na ba talaga? Pagod ka na ba?
[45 Part 2] Kilig Kilig Moments ng COUREANS. PBB Teens?
[46] DATE. Hahawawamapasasapa :D
[47] CKEANELLE </3
[48] Kean's Journal.
[49] Cassandra, Barkada and Lola D to the rescue.. And oh wait. WHO?
[50] "Three Words, Eight Letters. If I say it will I be yours?"
[51] Graduation day. And a special trip?
[52] Pesteng Damit Na May Bigote. The Shoe-nga Couple.
[53] Hindi lang kami ang may karapatan magkaroon ng happy ending.
[54] Gab, Dara and a ruined date?
[55] Love vs. Career
[56] A special mall tour that might change almost everything.
[57] Lahat nga ba magiging masaya? A heartbreaking chapter. </3
[58]The confrontations and the goodbyes.We're near the end.Why are we like this?
PLEASE READ! FINAL REMINDERS BAGO ANG ENDING!
[60] 3W8L The Last Chapter. Finally, We Say Goodbye.
[Epilogue] Goodbye 3W8L. :(
3W8L Special Chapter
3W8L Special Announcement #3W8LBookRelease
Girlinlove 5th MEETUP (Despedida)
Book 3

[59] Twist of story leading to its ending.

392K 7.5K 2.2K
By Girlinlove

Chapter 59

Kean's POV



*KEAN PATRICK PADUAAAA!! BABE!! Gumising ka naaaaaaaaaa!!!*

=_____-

Alarm.Boses ni Courtney. 

O____O 

Napabangon ako. Tama ba yung ginawa ko kagabi? :| Totoo lang naman ang sinabi ko eh.

Kaya kung mahal niya ako at gusto niyang makasama ako tatanggapin niya yun. :(

Sana..

*KEAN PATRICK PADUAAAA!! BABE!! Gumising ka naaaaaaaaaa!!!*




"Psshhh. Ito na Babe gising na." 

Papatayin ko sana yung phone ko ng--

Anak ng!! 8A.M ang alarm ko ah! Ano to?! 1:00 PM na ah!! Ang tagal ko nama natulog! At sinong gumalaw ng alarm clock ko?!

Bumaba ako. Topless. 

"ATEEEE! BREANAAA!!"

"What?! Why are you screaming! What's your problem?!"

"Ginalaw mo ba phone ko?!?"

"Paano ko gagawin yun eh ang damot mo!!"

"Ate--"

"Isa pa.. May lock code kaya yan! Ilang linggo ko na tinatanong kung ano ayaw mo naman sabihin! Kaya--"

Lock Code?! Ang lock code ko 3W8L = 3985.

At isa lang ang nakakaalam nun.. 

"ATE!!"

"ANO NA NAMAN BA?! Bingi ba ang mga kausap mo dito??"

"Ate mamaya na ha! Nagpunta ba dito si Courtney?"

"Di ko alam. Kauuwi ko lang eh. Tanong mo kay Papa!"

"Nasaan si Papa?"

"Obvious ba?"

"SAAN??"

"Di ko din alam! Kakauwi ko nga lang! Tingin mo sa akin may tracking device?! Pwede ba magbihis ka! Nakikita ko yang taba mo!"

=___=+ Tengene. Pilosopo na nga sinungaling pa. ABS YUN!! Taba daw psh! Ay naku. Kapatid ko talaga to! 

Umakyat ako sa kwarto ko. Sigurado ako pumunta dito si Courtney!

Sure ako..

O____O

May note sa bedside table ko. 

=___=+ Nagisip pa ako may note naman pala! BV ah. 

Kean,

Go to my house at exactly 1:38 PM Or else we're over! 

Chanel.

Napatingin ako sa orasan ko. 1:08 na! 30 minutes para magpapogi!! Nagmadali akong maligo.. Magbihis at mag-ayos.

1:25 PM na. Katapat ko lang naman sina Courtney. Pero mas okay ng maaga kesa late! Buti nga hindi siya galit eh. 

Bababa na ako ng hagdan ng biglang.. 

Nakita ko si Bianca at Steve. :/

Oh anong ginagawa ng dalawang ito dito?! Pagkakita nila sa akin na pababa ng hagdan tumayo sila at..

*Booogsh*


Owww. GG! Natapunan ni Bianca si Steve ng Tang na Juice..

Teka..

Tang na Juice?? HEHEH. Tangna Juice. HEHEHE. >:) Sa mga nakagets.. Anak ng. Mga kampon! Magsitipon kayo! >:)

PERO TEKA NGA! BALIK SA EKSENA!

Bianca: Sorry!

Steve: Psh! Matutuyo ba ako ng sorry mo?!

O____O!!

Teka, ano to? Déjavù?!

Alam ko yang linya na yan ah!! 

Steve: Oh Kean! Nandiyan ka pala. 1:34 PM na. 1:38 ang usapan niyo ni Chanel. Dalian mo na! 

O___O



*blink blink*

Biglang back to normal. Nu ba tong mga shungang to?! Trip ba nilang asarin ako ngayon?! Pero malalate na ako! Mamaya na ako gaganti sa kanila! 

Dumeretso ako sa bahay ni Courtney.. Walang tao.

Tumawag lang ako. Wala talaga. Tapos may narinig ako na sigawan sa labas.. 

Nandun si Ivy at Cholo.

Ivy: Mahal mo ako? Bakit? Paano? Hindi! Hindi kita kayang mahalin! Galit ako sayo!!

Cholo: Dahil lang doon hindi mo ako hahayaang mahalin ka? 

Ivy: Hindi ko kaya. I'm sorry. Wag na lang.

Cholo: Ganun ba kataas ang pride mo? I'm sorry! For everything!! Please! Let me love you!

*HUG*

O___o? 

Ano bang nangyayari? April Fools ba ngayon? Balita ko April 14 na. 

Ivy: Uy! Kean! Andiyan ka pala.

Kean: Hindi wala. Ano bang trip ng barkada ha? 

Cholo: Huh? Ano bang sinasabi mo. 

Kean: Ewan ko sa inyo. Wag niyo akong pagtripan. Asan si Courtney?

Ivy: Ay kaalis lang.

Kean: ANO?! GALIT BA?! Late ba ako?!

Cholo: Chill pare.

Kean: Eh kung chillchillin ko yang mukha mo!

Chill chill! Pag nagalit si Courtney sa akin lagot sa akin ang mga to! Kung ano ano kasing ginagawa eh! 

Ivy: Hindi! May binigay nga siyang letter eh.

Tapos inabot niya sa akin. Kinuha ko agad.

Kean, 

Ang tagal mo. Deretso na ako sa principal's office sa school natin noong high school. May papers ako na kailangan ayusin. Doon mo ako kitain.




SCHOOL?! Sira ulo ba si--NAKAKAINIS NA.

Ginagantihan ba niya ako? =___=+ 

Umuwi ako sa bahay namin at kinuha ang sasakyan ko. Dumeretso na din sa school. Baka magalit pa sakin si Courtney. 

Dumeretso ako sa Principal's Office. Nandito daw kasi si Courts.

Pagpasok ko..

Gian: Chanel.. Let's Break up.



Anika: So ganun na lang yun?! Itatapon mo yung apat na taon--Wait. Mali. Since 7 years old ako ikaw na ang mahal ko! Bakit ganito Gian? Ayos naman tayo ah? Bakit nakikipagbreak ka? Di mo ba ako mahal?

Gian: Mahal kita.

Anika: Eh bakit ganito?! 

Gian: I'm so sorry Chanel. :( 

Anika: Ayos lang. Sige. Kakayanin ko to. Kakayanin ko yung wala ka. Kakayanin ko yung mag-isa.

Tapos nagwalk out si Anika.

Pagtingin niya sa akin.. May binigay siyang sulat. At umalis na.

Kean,

Pinabigay ko na lang to kay Anika. Kaalis ko lang kasi. Late ka na naman! Katetext lang sa akin ni Papa. Punta ako sa restau. 

Alam kong may kakaibang nangyayari. Pero hindi ko alam kung bakit ginagawa nila ito. Makikiride na lang ako. Kaya nga dumeretso ako sa restaurant namin. Nakita ko si Papa at Mama nakaupo kaya dumeretso ako..

"Papa! Mama! Si Courtney--"

Papa: Tamang tama iho! Nandito ka! 

Ako: Opo. Si Courtney? Nandito--

Mama: Bakit mo kilala ang anak ko?

Ako: Ho? Mama.. Eh si Court--

Papa: Tamang tama! Kilala mo na siya! Hindi na ako mahihirapan! Kasi ang anak ni Camille ang fiancee mo!! 

(_ _") Pati sila?! Kasali dito?! Ano bang plano ni Courtney. Psh! Sige makiride. 

Mama: Pero wala dito ang anak ko eh.

Ako: Nasaan po?

Mama: Nasa rooftop ng school niyo noong highschool. 

Ako: HUH? Seryoso ba yan? Nandun talaga siya? 

Papa: Siguro. Kaalis lang niya dito eh.

So nagpunta nga si Courtney dito?! Ay ewan! Sayang sa gas tong si Courts! Babalik na naman akong school! 

Pagbalik ko sa school dumeretso naman agad ako sa rooftop. Pagdating ko doon, may table na nakaset up. Rooftop? Table?

Yael: NASAAN. SI. COURTNEY?

Cass: Bakit ba hinahanap mo pa siya?! Ako naman ang nandito ah! Mahal kita Kean!! Si Chanel ginagamit ka lang naman niya na pabakip butas kay Gian! Kaya ako na lang!!

Yael: NASAAN SI COURTNEEEY!!!!! 

Cassandra: NASA MAY AIRPORT!! 

Toiinks. Airport? Mali naman yung sinabi ni Cassandra eh. Sa sitwasyon na ito si Courtney nasa freezer ng school canteen. Airport? Psh. -_____-

Cassandra: Nasa airport si Chanel ngayon. Kaalis lang niya dito. Dapat kasi kakausapin ka niya Kean--

Napatingin ako kay Cass. Si Yael pa rin pala ang kausap.

Cass: Kaya nga may handa dito oh. Pero late ka naman. Kaya napagpasyahan na din lang namin na gayahin ang ginawa ng barkada kaya--

O____O!!

NASA AIRPORT NGA SI COURTNEY?!

Yael: Kapag nalate ba ako sa airport magagalit si Courtney?

Cassandra: Baka!

Noong marinig ko yun agad agad akong bumilis ng takbo! Hindi ko na naiintindihan ang nangyari pero agad agad akong nagdrive papuntang Airport. Baka nga dumadaan lang si Courtney tapos umaalid agad. Baka mapagod yun. Magalit sa akin. At..

Nandito na ako sa airport. Bababa na sana ako ng--

"UY! Ria! Luke!" 

Tinawag ko sila! Kumaway sila! Don't tell me nagrorole play din sila!

Ria: Uy Kean! Anong ginagawa mo dito?

Kean: Ako? Sabi kasi ni Cassandra nandito daw si Courtney eh.

Luke: Ah. Oo. Kasama namin kanina. 

Kean: Huh? Eh anong ginagawa niya?!

Ria: Nagpasama kasi ako kasi ihahatid namin yung pinsan ko. 

Kean: Teka nga-- Hindi ba kayo kasali sa roleplay ng barkada?

Luke: Pre anong roleplay?

Mukhang hindi nga sila kasali.

Kean: Kasi ung barkada pati nga si Mama at Papa ginagaya yung mga nangyari dati sa amin ni Courtney.

Ria: Ah! Nasabi nga nila sa amin yun. Hayaan mo na sila! Bored lang.

Buti naman tapos na yung roleplay na yun! 

Kean: Oh eh nasaan si Courtney?

Ria: Nauna na! Umorder.

Kean: Huh? Ng? Saan?

Luke: Nasa KFC dito sa airport! 

KFC? Airport??

Ria: Naikwento niya na dati daw sa KFC kayo kumain noong sinundo niyo yung Mama at Papa niyo. Tapos nakita niyo si Gian.

Kean: Ah oo.

Luke: At sabi niya, KFC daw ang sinabi mong kainan. Kasi daw..

Ria: KFC means..

Luke: Kean for Chanel. 



Kean: Oo na. Dami niyo alam! Psh. Oh eh nasaan na si Courtney? 

Ria: Nasa KFC nga! Nagutom kasi--

*toot toot*



Lahat natahimik. Bigla kasing may nagtext kay Ria. Tapos tiningnan niya ako at pinabasa sa akin.. 

From: Chanel.

Ria! Umuna na ako ah. Nagtake-out na ako. Pupunta lang ako sa school natin dati. May naiwan ako sa music room natin dati. Naglilibot kasi ako kanina eh. Sorry!




Ria: Ayan. Mukhang wala si Chanel sa KFC.

LITONG LITO NA AKO! Ibig sabihin.. Trip lang talaa ako lokohin ng ibang barkada?

Pero.. Pumupunta si Courts sa place na sinasabi niya?!

ANO BA! =____=+ Pag ako naasar.

Luke: Punta ka sa school. Music Room daw. Baka makita mo sya doon. 

Ria: Oo nga! Kean! Una na kami ah! Gutom na ako eh! Sige bye!

Tapos umalis na sila. Si Luke at Ria mukhang hindi naman nagroroleplay. So tapos na dapat dito? Kaso may naiwan si Courts?! ANO BA TALAGA?! Babalik na nga lang ulit ako sa school!!

After 20 minutes nasa school na ulit ako. Walang traffic buti na lang. Pagpasok ko, takang taka yung guard kung bakit alis balik alis balik ako.

Manong.. Pati ho ako hindi ko alam ang nangyayari dito. Biktima din ho ako. Dumeretso ako sa music room.. Pagpasok ko..

"Sir Marco?!"

Napatingin siya sa akin at ngumiti.

"Aba Kean! Kamusta ka na? Ang tagal na nating di nagkikita. Dati binata ka lang ngayon mama ka na ah! "

"Ayos po.. Dati pogi ako. Ngayon gwapo na! Teka.. Si Courtney??"

"Ah! Si Chanel ba? Ayos ah. Kayo pa rin pala talaga!"

"Sabi niya nandito siya. Di niyo po nakita?"

"Actually. Kakaalis lang niya."

ANO?! Nakakainis na ah! Hindi ko maabutan si Courtney!! 

"Ho?! Ano hong ginawa niya dito? Bakit umalis agad?"

"Nakita ko siya, may kinuhang envelope eh. Naiwan daw niya at binalikan. Tapos nagkwentuhan kami."

"Tungkol saan?"

"Wala. Yung mga nangyari dati dito sa mismong classroom na ito. Na ako yung teacher niyo tapos mga binata at dalaginding lang kayo noon.. Na simpleng lovelife iniiyakan. At bawat asaran nagkakadevelopan."

Napangiti ako. Oo nga. Dati. Sa room na ito, andaming nangyari. Dito kasi madaming nangyari noong bumalik si Anika at Gian eh. Daming awkward moments. 

"Tanda ko, kayo ni Chanel ang mahilig magcut ng subject ko! Tapos nahuli pa kayo ng D.O na nagcucut! Muntik na ako noon! Pasaway kayong dalawa!"

Sabay kaming tumawa. Si Sir marco ang best prof namin! Astig sobra! 

"Sa Music class nagaganap lahat ng awkward moments niyo ni Chanel. Dati kay Gian.. Tapos noong next term si Dara naman!"

Ah. Oo. Pagkatapos kay Gian, si Dara naman ang naging issue. Haay. Sarap balikan. Bata pa kami noon. Ibang iba sa kung ano kami ngayon. Dati ang liit lang ng problema, selosan lang. Sino bang makakapagsabi na andami naming pagdadaanan ni Courtney pagkatapos noon?

"Pero nakakatuwang isipin na kahit na ilang taon na ang lumipas.. Babalik kayo sa room na ito. Nandito ako. At aalalahanin natin lahat ng nangyari. Kakatuwa."

Pinat ko lang si Sir. 

"Kayo kaya ang pinakamagaling na teacher!!"

"At kayo ang pinakapasaway na estudyante.. Teka nga. Baka gusto mo na bilisan?"

"Bakit ho?"

"Kaalis alis lang kasi ni Chanel. Mukhang hinahabol mo. Eh baka hindi mo na maabutan sige ka!"

"BAKIT DI NIYO AGAD SINABI! Sige ho!"

Tatakbo na sana ako para umalis pero--

"KEAN!!"

"Ho?!" Sabi ko na nagmamadali na.

"Matanda ka na nga pero yung dating Kean parin ang nakikita ko sayo."

"Kayo din ho. Sige!" Paalis na talaga ako kaso..

"KEAN!!"

"ANO BA SIR MARCO?! Pag kami nagbreak ni Courtney lagot kayo sakin!"

"Hinamon pa ako! Alam mo ba kung saan ka pupunta?"

Huh? Oo naman-- Sa.. Saan?? 

Tumawa na lang si Sir at sinabing..

"Sabi ni Chanel maglilibot libot daw siya sa school. Namiss daw niya! Kaya malamang hindi pa nakakalayo yun! Sige na bilis! Goodluck!"

Nagbye na lang ako at tumakbo. Kaso.. Hiningal ako. Isa pa. Hindi ko alam kung saan talaga pupunta kaya naglakad na lang ako. Inisa isa ko.. Mula mga rooms hanggang canteen. Pero hindi ko makita si Courtney.

Tapos napangiti ako.

Alam ko na kung nasaan siya.. 

E di sa paborito naming lugar dito sa school. Sa may garden. Sa likod. Kaya dumeretso na ako doon.

"Courtney! Alam kong nandiyan ka--O___O Gian?! Anika?! Anong--"

Gian: Kelan ba magiging ako Courtney? Kelan ba?

Anika: Kean.. Ano bang sinasabimo? Galit ka ba sa akin? Sorry kung si Gian ang pinili ko. Kasi kapag umii--

Gian: STOP! Tumigil ka na nga!!

Anika: Kean..

Gian: Bakit ka ba ganyan?! Ha?! Lagi mong inuuna ang iba! Dahil ba sa alam mong nandito lang ako? Na hindi kita iiwan ha? Kaya si Gian ang palaging pinipili mo? Nakakainis ka!! Pero kahit ganun.. Isang sorry mo palang tatanggapin ko na.

Nagrorole play na naman yung dalawa! Bakit ba kasi--PAANO NILA NALAMAN NA DITO AKO? Baka tinext nila si Courtney kung nasaan siya. Alam naman nilang hinahabol ko si Courts. Lakas ng trip! Kakainis!! Pero sige. Masaya naman magbalik tanaw. Naks. Makata! 

Anika: Kean.. Sorry.

Gian: COURTNEY! Bakit ba kasi hindi mo ako hayaan na..

Anika: Na?

Gian: Na ako ang maghawak at magbantay diyan sa puso mo.

Natawa na lang ako. Baduy ko pala dati? Goosebumps potek. Pero ayos din tong trip ng barkada ah. Siguro nalaman nila na magkagalit kami ni Courtney kaya gumagawa sila ng paraan. Naks. Galing nilang umarte ah! 

Gian: Handa akong gawin lahat para sayo. I want to love you.

Anika: WEH?!

Hahahahaha! Natawa ako! Naalala ko pa yung itsura ni Courtney nung sinabi niya yun. At kung gaano ako nainis dahil sa yun lang ang sinabi niya =___=+

Gian: Courtney.. Three Words, Eight Letters. That's what I feel for you.

Natawa ako. Siguro si Cassandra may plano nito. At inaasar niya si Gian. Ang ironic kasi. Si Gian pa talaga nagsabi ng linya na yan ah.

Anika: Then say it!! Ano ba yung three words na yun?

Gian: Wag na. Wala ring magbabago kapag sinabi ko--

Anika: Meron! Merong magbabago!

Gian: Ano ang magbabago?

Anika: Three Words. Eight Letters. Say it and I'm Yours.


Amp! Ito yun eh! Hindi ko makakalimutan ang eksenang yun! Sa lugar na ito! Ayos ang barkada ah! Siguro pinapamukha nila sa akin yung mga napagdaanan na namin ni Courts at dapat.. Dapat balikan ko siya. At yun ang gagawin ko! 

"HEP!! Alam ko ang kasunod niyan! Kaya bago kayo magkissing scene.. Sabihin niyo.. Nasaan si Courtney?"

Natawa si Anika. Napakamot si Gian. Lul! Nainis pa ata at binitin ko sila. Mamaya na nga sila magPBB Teens. Kailangan kong malaman kung nasaan si Courtney. 

Anika: Pumunta sa bahay niyo si Chanel!

Kean: ANO?! Psh!!

Gian: Tinawagan daw siya ni Ate Breana. 

Bahay naman namin?! KAKAINIS! andami dami! Hindi ko naman maabutan! Osige. Sa bahay. Pero bago ako makauwi finull tank ko muna yung kotse. Paubos na. Courtney talaga! 

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay..

"HOY KEAN! Ang tagal tagal mo!"

"Bakit? Umalis na naman ba si Courtney? At anong ginagawa mo dito?  Ha, Lola Daisy?!"

"Abaaa. Hanggang ngayon wala ka pa ring galang!"

Tapos lumapit siya sa akin at piningot ako! ARAY! 

"Teka lang lola! Nasaan muna si Courtney?"

"Hindi ko alam. Kausap ko lang kanina."

"Tungkol saan? May nasabi ba tungkol sa akin? Galit ba?"

"BAKIT BA ANDAMI MONG TANONG?!"

"BAKIT BA DI MO NA LANG SAGUTIN?!"

Psh. Maglola nga kami. =___=+

"E di sagutin. Dali naman ako kausap. Kaw lang to mainit ang ulo!"

"SAGUTIN NIYO NA!! Po!"

"Oo na. Naguusap kami tungkol sa inyo kanina."

"Sa amin?"

"Ano bang narinig mo? Sa kanila? Ano bang sabi ko? Hindi ba sa amin?!"

Sakanya nga ata ako nagmana. Jusko. Di kami matatapos dito. Sige hindi na ako magsasalita.

"So? What did you two talked about?"

"Yung tungkol sa una naming pagkikita."

"Huh?"

"Nakalimutan mo na ba? Una kong nakita si Chanel noong kinidnap ko kayo ^___^V Tapos pinagtraining ko kayo. Laba. Plantsa. Luto. At pinagpagawa ko kayo ng bahay! Tapos tanda mo pa si Calvin Gian? Binatilyo na nga yun eh! Yung batang inaaway mo dahil ayaw mo sa pangalan. =____=+ Kanino ka ba nagmana?!"

ABA NAGSALITA ANG MATANDA! Kung kanino daw ako nagmana. HINDI BA SAYO? Kaya masama ka din. HAH!

"Nakakatuwa. Batang bata pa kayo noon. Ibang iba sa kung ano kayo ngayon.. Pero Kean.."

Mukhang seryoso ah.

"Mas matured ka dati."

"Po?"

Kapag ganitong kaseryoso si Lola. Dapat makinig. Matalino tong matandang to. Dito ako nagmana eh.

"Dati. Hindi ka takot na magcommit kay Chanel. Ikaw pa ang masaya na ikakasal ka sakanya. Bakit ngayon.. Sabi ni Chanel, ayaw mo daw siya pakasalan?"



Hindi ba nasabi ni Courtney ang dahilan?

"Natatakot ka daw. Nasaktan ka daw kasi niya kaya natakot ka na."

Natahimik na lang ako. 

"Kean. Alam niyong ako ang presidente ng COUREANS. Pinagsama ko kayo sa iisang bubong. Noong may problema kay Alessandra, tinulungan ko kayo. Nawala ako ng dalawang taon, namatay ka pa! (_ _)" Tapos kinuha ko si Chanel at sinabi kong balikan ka.. KEAN PATRICK TOLENTINO PADUA! Ang tagal tagal ko ng gusto magkaapo! Nadelay na ng nadelay! Siguro dahil sa kamamadali ko! Kaya hinayaan ko kayo.. Pero hindi ko hahayaan na ganun ang maging desisyon mo."



"Hindi mo naman maalis sa akin yun--"

"OO MAALIS KO! Wag ka ngang bading apo! Nasaktan? Natatakot? Lul!"

O___O Laaah.

Si Lola! Lolang Kalye! Kahit kelan talaga napaka Cool nito.

"Oo, siguro nga nasaktan ka. Pero.. Hindi naman ganun si Kean. Hindi ganun ang mga PADUA. Di tayo duwag. We do everything for love. Wag kang gumaya sa papa mo! Sa huli magsisisi ka. Alam mo naman na ginawa ni Chanel na iwan ka dahil may dahilan siya. Kaya wag kang tanga na matatakot ka pa ngayong alam mong sigurado na siya."

Nilapitan niya ako at pinalo. Sabay tapik sa balikat.

"Mahal niyo ang isa't isa. Andami dami ng nangyari. Utang na loob naman. Bigyan niyo naman ng happy ending ang storya niyo. Ang tagal na naming mga COUREANS na naghihintay sa ending niyo eh!"

Natawa na lang ako. Pasaway talaga si lola. Kaya kiniss ko siya.

"Nga pala apo."

"Po?"

"Narinig ko sabi ni Chanel may iniwan siya sa kwarto mo."

O____O MATANDANG TO!

Alam naman na nagmamadali ako! Psh! Umakyat agad ako sa kwarto ko. 

Pagbukas ko.. Ay anak ng!

"MM!! JACOB! ANONG GINAGAWA NIYO--"

Napatingin ako sa left. Yun pala yun! Naririnig ko kasi ang boses ko. Kumakanta ng Runaway ni Bruno Mars. Tapos yung dalawa nagsasayaw. KASALI NA NAMAN SILA SA PLANO NG BARKADA!! 

"JACOB! HOY!"

Nagsasayaw lang sila! Lalapit na sana ako sa player para patayin kaso..

"Merry Christmas Chanel."

"Merry Christmas Kean! Our first christmas together." 

Tapos inabot ni MM yung scrapbook. Yung scrapbook na yun. Noong nawala ako pinuno ko yun ng picture niya. Masyadong mahalaga ang regalo niya sa akin. Kaya nanood na lang ako sa dalawa.

"Bakit di puno?!"

"Eeh. Ikaw magpupuno niyan!"

At oo nga. Pinuno ko yun. Ng picture ni "ELLE".

Maya maya natapos na yung kanta. 

Jacob: Oh pareng Kean. Anong ginagawa mo dito?

Kean: Kwarto ko to. =__=+ 

MM: Oww. Sorry! But we're going na since cuz told me to meet her--

Kean: Cuz? Si Chanel? Saan?!

MM: Sa house niya! ^__^ 

Kean: Eh samahan ko na kayo!!

Ingleshera pa rin talaga tong si MM! Buti di nanonosebleed si Jacob. Tapos bumaba na kami. Papunta na sana kami sa bahay nina Chanel ng--

O____O 

ANONG GINAGAWA NG BARKADA DITO?! 

Palapit palang ako ng makita kong kasama na ng buong barkada si MM at Jacob. Paglapit ko biglang..

"I'm a big party crasher here right?!" 

O____O

Ate Breana?! Siya ang nagplaplay ng role ni Mama? At kasali siya sa larong ito?!

"Anong nangyayari dito?! ALESSANDRA?!" sabi ni Yael. So siya si Papa?! 

"Nandito ako para kunin ang anak ko." Sabi ni Ate. 

Naalala ko ang nangyari lahat dito. Ang sumunod pa dito umalis ako at malaman ko na lang na muntikan ng malunod si Courtney. :| Ito yung bad era naming dalawa. :(

Maya maya biglang nag unfreeze lahat. Kasi natahimik. Tapos biglang nagtawanan.

Cass: HAHAAHAHA! Intenseeeee! Damang dama ko pa rin! Kaya hindi sumali si Chanel eh!

So tapos na ang roleplay?! 

Sumigaw ako.

"CASSANDRA NASAA--"

"Kean. Nasa sementeryo!"

ANO?!?! ANONG GINAGAWA NIYA DOON?!

"Sundan mo na lang. Ito naman ang gusto mo. Para makuha mo siya. Maghirap ka."

Naparoll eyes na lang ako at dumeretso sa sasakyan ko. At dumeretso na sa sementeryo. Gabing gabi na ah!! Psh! Nagmadali ako pumunta sa sementeryo. Alam ko wala si Courtney dito pero para matapos na!

Pagdating ko.. Sa may puntod ng papa niya. 

Yung isa pa sa ICL Koala. Si.. Clyde? Tapos yung kapatid ni Intsik! Si.. Chloe? Basta sila! 

Maya maya kumanta na si Clyde ng Marry your Daughter. At kinausap ang puntod ng Papa ni Courtney. 

Clyde: Ako po si Kean Patrick Padua. Nandito nakatayo para hingin ang kamay ng anak niyo. 

Si Chloe naman nakasmile lang. Tapos kinausap din yung puntod ng Papa ni Courtney.

"Papa. Kilala mo ba siya? Siya si Kean! Mahal na mahal ko po siya. Kaso po.. Nahihirapan po ako."

Teka. Ano? Nahihirapan?

"Mahal ko po siya pero nahihirapan ako sa gagawin kong desisyon." 

Desisyon saan?!

"Kinausap ako ng Mama niya. May cancer daw po. Kung pwede daw igive up ko na si Kean. Pero papa mahal ko po si Kean. Pero ayaw ko pong siya pa mismo ang magalit sa akin kasi.. Naging madamot ako sakanya eh buhay ng Mama niya ang nakataya. Ayoko pong siya ang mag give up. Pero ayoko po siyang igive up. Papa.. Please give me a sign." 




Ganun.. Pala.. Yung rason ni Courtney kung bakit siya umayaw sa proposal ko dati. Kaya pala. Dahil kay Mama. :( Sorry Courtney naipit ka pa. 




Maya maya.. May bumagsak na card. Pagopen ko..

"Meet me. School. --Chanel."

Pumunta ulit ako ng school. Pagdating ko.. Nagulat na naman yung guard. Pabalik balik na kasi ako! Sensya na! 

Hindi ko alam kung saan ako maghahanap. Pero papunta pa lang ako sa mga rooms nakita ko na sa Central Plaza si.. 

Intsik.


(Now Playing: KUNDIMAN by Silent Sanctuary)



"CK."

"Kean. ^__^V" 

Nakangiti na naman siya. Palagi na lang masaya to. Umiyak na ba to?! 

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko.

"School pa rin naman namin to."

"Sa inyo to?!"

"Yep ^___^V"

Bakit di siya nagaral dito?! :| Lah. Labo.

"Dito.. Dito ako unang binato ni CC."

"CC?"

"Chanel. Dito kami una nagkita. Tapos dinala niya ako sa clinic. At pagkatapos noon.. Napakarami ng nangyari. Ginamit niya akong fake na manliligaw. Para hindi kayo mabuko. Secret lovers. Pero.. Wala lang sa akin yun kasi, ang gusto ko lang noon ilibre niya ako ng ice cream. Pero.. Hindi ko alam na lalalim pala yung pagsasamahan namin. At pati feelings ko for her."

Nakikinig lang ako sakanya. Totoo naman. Isa siya sa pinakakaribal ko kay Courtney.

"I was there for Elly when you left her. Hindi ko alam kung anong reason mo why you left, pero alam kong reasonable kasi tinanggap ka pa rin ni Elle kahit na sobrang nasaktan siya sayo."

Alam ko. Alam ko :( 

"I was there. Ako nagkakarga sakanya sa bahay pag lasing siya. Ako ang nagpapanggap na boyfriend kapag may lalaking gusto bastusin siya. Ako ang kumakausap sa producer na kuhanin si Elle kahit ayaw nila kasi mean girl siya. Ako yung laging nakikinig sakanya. Ako ang sumasalo sa bawat luha niya."


Oo. Alam ko CK. At hindi mo alam kung gaano ko kagusto maging nasa posisyon mo noong mga panahon na yun. :(

"Likod ko ang sumasalo sakanya kapag hindi na niya kaya. Kamay ko ang pumupunas ng bawat luha na pumapatak sa mata niya. Tenga ko ang nakikinig sa bawat iyak at sa masasakit na salita na binibinitawan niya dahil sa mga nararamdaman niya. Mata ko ang nakakita kung gaano siya nagdusa. Gaano siya nasaktan. Pero ang higit sa lahat.. Puso ko yung nakaramdam.. Na kailangan niya ako kaya nangako ako sa sarili ko na hindi ko siya pababayaan." 

"I took her as my responsibility. Kahit pagod na ako, I have to be there for her. Kasi.. Iniwan na siya ng lahat. That time.. Ako lang ang meron siya. Kaya ayokong pati ako iiwan siya, ayokong pati ako mawala sakanya. Ayokong idisappoint siya. Kaya kahit pagod ako sa lahat ng schedule ko.. Handa ako sa kahit ano. Basta para kay Elle." 


"I was her shoulder to lean on,  I was her brother, her father, her boyfriend and her bestfriend. I was her knight in shining armor, but you were the prince. And she was the princess. And you two were the one whose suppose to have a happy ending."



"It was very hard for me to let her go. That time, we both know na.. Hindi namin gusto ang maghiwalay. Sabi ko noon, hindi pa siguro oras. Akala ko.. Kaya ko pang kausapin si JM at sabihin na kami ni Elle.. Pero, huli na ang lahat. Bumalik ka na eh. Kaya pala hindi umulan. Kaya pala hindi pwedeng maging kami.. Kasi may kayo. Kasi babalik ka pa. Kasi babawiin mo pa siya."

"Hindi mo alam kung gaano kasakit lahat to. Bakit ganun? Bakit kailangan sa akin tumakbo si Elle? Bakit kailangan ko siyang alagaan? Bakit noong naattach na ako. Hihiwalay siya? Bakit kung kailan gusto ko na.. Bawal na."

"Bakit ba kapag magmamahal ako.. Hindi ako pwedeng mahalin?"


Nakita ko. Umiiyak na siya. Mali pala ako. Hindi pala siya palaging masaya. Mahirap din pala ang pinagdadaanan niya. 


"Bakit kailangan ko pang makilala si Elle?! Bakit kailangan mahalin ko siya kung babalik ka pa? Bakit kailangan ko pang umasa?! Lagi na lang akong nasasaktan!"

"Lagi akong masaya. Akala nila okay ako. Akala nila tapos na. Pero hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako. Kapag naiisip ko. Na ginamit lang ako ng tadhana para sa inyo. Bakit ako pa? Bakit kailangan ako pa?"

Hindi ko siya masisi. Hindi ko kayang magalit. Mabait na tao si CK. Alam ko kung gaano niya inalagaan si Courtney noon. Si C.H ako. Kaya alam ko.. Masasaktan talaga siya. 

Siya siguro ang pinakanasasaktan ngayon. Si Dylan naman.. Hindi gumawa ng mga bagay na ginawa ni CK para kay Courtney. Siguro masyado nga lang nagtatago si CK. At ngayon lang niya nilabas. Siguro dahil ngayon lang talaga kami nagkaharap. 

"Mahirap. Pakawalan si Elle. Hanggang ngayon, she brought with her a piece of me. Kaya never na akong mabubuo. Unless bumalik siya."

Tumingin siya sa akin. Seryoso. 

"Pero.. Alam kong hindi mo siya sasaktan. Kapag iniisip ko yan, napapalagay na ako. Ikaw naman ang kailangan ni Elly slash CC eh. Hindi naman ako. Hindi na ako."

"Kaya tama na sa akin yung minsan naging ako yung pinakaimportanteng lalaki sa buhay niya. Na minsan, minahal niya ako. Na minsan naging akin siya. Na sayo si Chanel Chua. Pero akin si Elle Clemente." 

Lumapit siya sa akin. At ngumiti. 

Ito na naman siya. Ngumingiti kahit na sa loob naman niya halos mamatay na siya sa sakit. 

"Kaya alagaan mo siya ah. Mas pa sa ginawa kong alaga sakanya. May sampung bagay na dapat kang tandaan kay Elly. Si Elly mahilig magshopping. Gusto niya bumibili ng accessories, sapatos, at damit. Kaya masanay ka ng tumayo at maghintay. Magipon ka na din ng mga adjectives para sa iba't ibang damit na susuotin niya. At kahit naiinis ka, pagpasensyahan mo na. Doon siya sasaya eh."

"Si Elly, ahilig siyang magayos. Kaya kahit na boring para sayo, hintayin mo siya. At pag nakita mo siya, pansinin mo ang kahit isa sakanya. Buhok. Damit. O kahit hikaw niya, sasaya siya."

"Si Elly, sumasaya kapag minamasahe ko yun sa likod. Kaya minsan, kapag super pagod siya. Masahihin mo.. Para mawala stress niya."


"Si Elly, ayaw na ayaw niyang kinikiliti siya. Tatawa siya pero pag nainis na hindi ka niya kakausapin. Kaya kung gusto mo mangulit, pakiramdaman mo kapag naiinis na siya."


"Si Elly, gusto niyang nagluluto siya at sumasaya siya kapag nasasarapan yung pinapakain niya. Kaya kahit busog ka, kainin mo yung pagkain na lulutuin niya at sabihin mo na masarap para matuwa siya."


"Si Elly, mahilig manggulo ng buhok, mangipit, maglagay ng make-up, at maglagay ng nail polish. Kaya kahit ayaw na ayaw mo noon tiisin mo na lang lalo na kung badtrip siya kasi nakakalimutan niya yung mga yan.


"Si Elly, malakas uminom! Nagiinom siya kapag sobrang malungkot siya. Matagal siya malasing tapos kapag nalalasing madali mawala yung pagkalasing kaya wag mong hahamunin sa inuman yan. Seryoso ako. Wag mong papainumin si Elly. Masama sa kanya yun."


"Si Elly, mabilis umiyak. Lahat iniiyakan. Palaka nga iniiyikan niya. Pero kapag sobrang nasasaktan siya pipigilin niya umiyak. Kaya kapag hindi siya umiiyak matakot ka. Hindi sa sinasabi ko na paiyakin mo siya! Pero maging sensitive ka lang kung nasasaktan siya.


"Si Elly mahilig magkwento. Madaldal siya. Lalo na kapag naiinis siya o may magandang nangyari sakanya kakausapin ka agad niya. Kaya kahit pagod ka, makinig ka. O magpretend ka na makinig para di siya malungkot."


"At higit sa lahat.. Si Elly, isa lang ang gusto niya. At yun ay ang makasama ka. Kaya wag mo na ulit siyang iiwan ah. Kasi siguradong sa akin yun tatakbo. Ayoko ng magamit ulit. At sisiguraduhin kong.. Hindi na ako magpaparaya."




Inabot niya ang kamay niya.. 

"Kaya Kean. Please. Alagaan mo sya. Kaya kapag nagsasawa ka na.. Isipin mo na lang.. Na may Calvin Klein Go na gustong maging nasa posisyon mo. Kaya wag mo siyang iiwan. At wag mo siyang sasaktan."

Inabot ko ang kamay niya. Ngumiti siya.

"Alam mong sa loob ko sobrang nasasaktan ako. Sa ginagawa kong to. Pero.. Wag mong kakalimutan lahat ng sinabi ko. Kasi nagparaya ako. Kahit na halos ikamatay ko."

Imbis na shake hands lang, niyakap ko siya.

"Minsan lang to. Pero sorry. Sa pagiging gago. Sa paghahabilin sayo si Courtney tapos babawiin ko. Sorry kung naipit ka pare. At salamat.. Kasi, hindi mo pinabayaan ang babaeng mahal ko."

Tinap niya yung likod ko.

"Akalain mo nga naman intsik.. Dati inis na inis ako sayo. Biruin mong.. Ganito tayo ngayon."

"Pero, wag mo naman akong gagawing best man sa kasal niyo!"

"Lul!" 

Tapos nagtawanan kami. Biruin mo nga naman.. Dati inis ako sa intsik na ito. Tapos ngayon katawanan ko pa. 

Mabait talaga si Calvin Klein Go. 

(_ _") Narealize ko talaga na kung ikukumpara sakanya, isa akong masamang damo. 

"Speaking of kasal. Nasa simbahan ngayon si Elly."

Muntik na akong masamid sa laway ko sa gulat. ANO?! Saan?! At anong ginagawa niya doon?

"Gusto kasi niya puntahan yung simabahan kung saan kayo kinasal ni Dara." 

"Bakit daw?!"

"Ewan. ^___^V Sige ah. Una na ako. Tunaw na yung ice cream ko sa sasakyan eh. Lagot ako sa ICL Koala."

"Sige. Ingat. Intsik."

"Ikaw din. Habulin mo si Elly. Kung hindi.."

"Ano?!"

"T^TV Wala. Diyan ka na nga!"

Tapos umalis na siya. Balik na naman siya sa pagiging CK niya.



Elibs ako sakanya. Ang strong niya. Wag kang magalala Calvin Klein Go, hindi ko sasayangin ang pagpaparaya mo. 


Buti na lang din at nagparaya ka, kasi kung may isang lalaking kinakatakot ko na baka maagaw si Courtney, ikaw yun. Ikaw ang lalaking kung mawala man ako ibibigay ko si Courtney. Sana makahanap ka ng babaeng deserving ng pagmamahal mo. 

Kaya umalis na rin ako at dumeretso sa Manila Cathedral. Doon yung simbahan kung saan kami ikakasal sana ni Dara. Ano naman kayang ginagawa ni Courtney dun?! 

Pagdating ko doon. Nakita ko yung babae na nakawedding gown. Nasa gitna ng simbahan. Hindi sa harap ng altar. Nasa gitna ng simbahan talaga. Si Courtney ba yun? Bakit siya nakapangkasal?! Ayoko nga magpakasal sakanya eh. Ano to? Forced?! Lumapit ako.. 

Pag harap ko..

O___O

"Ito yung same position ko noon when I was about to be the happiest the woman on Earth." 

Humarap siya sa akin. 

"Pero you came to me, pinigilan pa kita. Sabi ko don't do that to me. Wag mo akong ipahiya. Wag mo akong saktan. Wag mo akong iwan. Sa harap ng altar, sa gitna ng simabahan."

"But you said you were sorry. You left. My world crashed. Why? You were my bestfriend. At ang lalaking pinakaminahal ko. Greatest Love kita eh. Pero iniwan mo ako. You didn't know how hurt I was."

"Bata pa lang tayo, ikaw na savior ko. Kahit na wala kang ginagawa. I was very happy na you were there. I was very selfish lalo na pagdating sayo. Ayokong may aagaw sayo. Ayokong mawawala ka.."

"Pero lahat naman ng nangyari, fault ko. I left you first. Akala ko kasi, hihintayin mo ako. Akala ko, pagbalik ko, andiyan ka pa. But i was wrong. Nakilala mo si Chanel."

"That time, sabi ko.. Andami kong inaway to guard you, pero maagaw ka rin pala. Sana hindi kita iniwan. Pero, wala na eh tapos na. Kaya I tried so hard na ibalik ang dati sa atin. To be the best fiancee. Pero.. Hindi na tayo mga bata. I can't keep you to myself. You belong to Chanel na. You're not mine anymore. :("

Lumapit siya sa akin tapos piningot niya ako! 

"Aray! Dara!"

"It's Dara Koleen!"

"Psh."

"Pero I want to thank you!"

"Para sa?"

"Kasi.. I found him."

Tumuro siya sa right. Bigla na lang sumulpot si Gab. 

"Hello Kean!!! ^___^"

Lagi bang masaya ang ICL KOALA? =__=+ Mana sa leader. 

Gab: Gusto ko ring magthank you sayo kasi.. Sa akin napunta si Dara!! ^___^

Dara: Alam mong no choice ako.

Gab: Luuuuuh. Tanggi ka pa diyan! Masaya ka sa akin ano! Sabi mo nga sa akin na super love--

Tapos tinakpan ni Dara bibig ni Gab. Ayaw talaga ni Dara lumabas na hindi cool. Natawa na lang ako. Nakakita na ang bestfriend ko ng katapat niya.

Gab: Salamat din sa inyo ni Chanel kasi tinulunan niyo kami sa problem namin. Ngayon.. Love na love niya ako! 

Dara: YABANG!!!

Natawa na lang ako. Inakbayan ko si Gab.

Kean: Kaya nga alagaan mo yang bestfriend ko. Kung ayaw mong mabugbog. Ha? 

Dara: Hindi mo nga ako inalagaan eh!

Aray naman. Basag ako doon ah. Sensya na. Hindi ako perpekto. At isang tao lang ang kayang mahalin ng puso ko.

Gab: Kasi nga.. Ako ang nakatakdang magalaga sayo!! 


Dara: Oo naaa! Pero Kean..

Tumingin siya sa akin. Serious na.

"Siguro nga, naging panira ako sa inyo ni Chanel kaya sorry. Ito din, ito ang naging dahilan kung bakit kayo naghiwalay ng halos isang taon.. Dito. Pagkatapos ng kasal na ito. Sa Car accident. Kaya.. I'm really sorry. Sa paghadlang sa inyo."

"Wala kang kasalanan doon Dara. Sorry sa pagiwan ko sayo sa altar. Siguro hindi lang talaga ako ang tamang lalaki na dapat makatabi mo doon."

"KASI AKO YUN!" sabat ni Gab! Kinurot siya ni Dara. Battered husband yan sureball. 

"Pero.. Dito na nagsasara ang Book 1 niyo ni Chanel. Kaya kung gusto mo ituloy ang kwento, puntahan mo to."

Oo nga. Dito nagtapos yung unang kabanata namin ni Courtney.

Tragic Ending.

Pero.. Mahaba pa pala yung itatakbo ng storya namin. Mahabang mahaba pa. 

Umalis na yung dalawa. Si Gab hawak hawak yung mahabang gown ni Dara. Kawawa. Tiningnan ko yung Card. 

Ano bang mapa to?! Parang dinrawing ng two years old.

Sabi.. Paglabas sa simabhan.. Sampung step para makarating sa bahay kubo.

1.. 2.. 3.. 4.. 5.. 6.. 7.. 8.. 9..

"OY LAMPAS NA!!!!" narinig kong may sumigaw.

Tapos nagtago sa kubo.

(_ _") Sabi sampu. Hindi ata naestimate ang haba ng legs ko. Pagpasok sa kubo. 

May isang lalaki na nagsuot ng matandang costume. Yung isa naman, lalaki na matanda pero babae. 

ANONG TRIP TO?! 

"Oh Tom. Dito na daw muna titira sa atin si Elle." sabi nung lalaking nagpapanggap na lola. Tapos nakita ko si.. JM? Yung manager nina CK. Siya yung gumaganap na Chanel. 

"Ganun." sabi noong isa.

Bigla siyang binatukan nung isa. Tapos bumulong..

'Hindi yan yung line mo ano ka ba!'




Tapos binulungan sila ni JM..

'Travis! Jano! Umayos kayo.' 

Tapos nag ahem ahem yung Travis. Siya yung nagpapanggap na Lola.

Travis: Bale, ako si Lola Lisa. T^T Kean!! Pinagsuot nila ako ng girl. Please. Sabihin mo stop na!!

JM and Jano: TRAVIS!! 

Travis: Ayoko na talaga nito!!! 

JM: Tapusin na lang natin! Ay naku. 

Tapos nakinig siya. Naks. Masunurin sa manager.

JM: Lola Lisa. Lolo Tom. Salamat po sa pagpapatira sa akin dito. Kailangan ko kasi lumayo para magbagong buhay.

Travis: (boses babae) Hihi. Ayos lang iha. 

Tapos nagflash si Jano ng cartolina na may nakalagay na.. "After sometime.."

JM: Lola!! Lola!! Bakit niyo kami iniwan!!

Tapos si Travis nakahiga na. 

Jano: KASALANAN MO LAHAT TO! UMALIS KA!! ALIS!! 

Nagtapon siya ng mga damit. Tanda ko to. Nakigulo ako sa mga tao noon. Pero hindi naman ako napansin ni Courtney. Gusto ko na talaga patumbahin si Lolo Tom noon. Pero buti na lang di ko ginawa. 

Maya maya.. May dumating. 

Babae. Nakabihis lalaki. :|

Uso palitan?! Teka nga.. Ito yung Denise ah.

Denise: Ako si Dylan. Tutulungan kita Elle. Tumira ka muna sa bahay ni Kurt. Ipapakilala kita sa mga friends ko.

Hindi ganun ang natatandaan ko. Naalala ko masama ugali ni Dylan na yun sa Courtney ko. Kaugali ko siya. 

JM: Salamat!

Nagflash na naman ng Cartolina si Jano. Ganun ulit nakalagay. 

=___=+ Buti na lang banda sila at hindi actors. Ang panget ng play na to. At least yung sa barkada maayos. 

JM: Sige aalis na ako. Babalik na ulit ako Manila. Salamat sa lah--

"Ano ba yan. Tigil niyo na nga yan. Lalo lang nagulo lahat ng nangyari. Hala uwi."

Natakot naman yung apat kaya nagsialisan. Tapos lumapit sa akin si Lolo Tom.

"At ikaw naman iho. Pakisabi kay Elle, sorry sa masamang pagtrato ko sakanya. Sana maintindihan niya na.. Hindi ko ginusto yun. Malabo lang pagiisip ko noon."

"Atsaka.. Pasensya na kung dahil sa akin akala mo nakapatay ka. Kailangan ko lang ng pera noon para kay Lisa. Kaya pasensya na."

"Hindi po Lolo Tom. Ako po ang dapat magsorry. Sa ginawa ni Mama. Hindi po tama yun. Sana po mapatawad niyo siya. At salamat po sa pagiging ligtas. Dahil doon, nawala lahat ng alinlangan ko na balikan si Cour--Elle. Kaya salamat po."

"Wala yun. Oh siya. Bilisan mo na. Ano bang pagkatapos nito? Saan ka ba pupunta? Teka nga.. OY IHA. Yung may malaking mata."

Tapos tinuro niya si JM.

"Bakit ang laki ng mata mo iha?"

"^___^ Hindi ko rin ho alam."

"Ano na sunod nito?"

"Ah. Sa condo po. Yung tinirhan ni Elle."

"Oh iho, rinig mo? Hala dali. Ng maabutan mo si Elle."

Tapos tinulak niya ako. E di umalis ako. Hindi ko pa nga natatanong kung bakit nila ginagawa ito. Pero siguro.. Para ipamukha na andami na naming pingaadaanan ni Courtney.

Kaya nga ayoko siyang pakasalan..

Ayos na kami eh :| 

Siguro babawiin ko na lang siya. 

Maya maya nandito na ako sa condo ni Courtney dati. Pagpasok ko..

O___o? 

May babaeng nakahiga. Sa table. Sino to? Teka.. Namumukhaan ko siya. 

Ah!! Yung Ising! Yung may ari ng restaurant! 

"WAG!! Wag po!! Tulooooong!!"

Sigaw siya ng sigaw. Wala namang tao. :| Lakas ng tama. 

"KEAAAAAAAAAAAN!!!"

Maya maya may tumabig sa akin--Aba't!! 

Tapos lumapit siya at inalis ang mga tali. 

Ising: Kean?

Lalaki: Hindi.

Teka.. Ito yung may gusto din kay Courtney!

Yung kaibigan ni Dylan. Si K.. K.. Katunog ng kurot yun eh. Ano nga..

Lalaki: Ako si Yohann. Yohann Salazar.

Ising: Imposible! Ikaw si Kean! Hindi ako pwedeng magkamali! Hindi!

Lalaki: Ako si Yohann. Ito mga papeles oh. Isa pa.. Wala akong balat sa--

Ising: Ay dali! Itaas mo na--

Lalaki: ATE ISING!!! >___<

Ising: Sensya naman! Naexcite ako eh! Ang cute mo din Kurt eh!

AYUN! Kurt! Sabi na! Katunog ng Kurot yun! Napatawa tuloy ako.. At tumingin sila sa akin. Si Kurt nanlaki ang mata si Ate Ising.. Ayun.. NGANGA! 

Ising: OMG! Kurt! Kurt!

Kurt: Oh ano po yun?

Ising: Maka po si Kuya?! 

Kurt: Eh ano ba yun?! 

Ising: SIYA ATA SI KEAN!! 

Lumapit sa akin si Kurt. Itinapat yung picture ko na hawak nila sa mukha ko at..

"Ako nga si Kean. =___=+" 

Kurt: ^__^

Ising: *O* 

Ising: HARU JUSKO!! TAO KA BA? O diyos ng mga griyego?! Bakit ang gwapo mo?! Akala ko cute na si Kurt, ng dumating si Dylan.. Akala ko gwapo na siya ng dumating si Poging CK! At ngayon.. Ikaw?? TAPOS HINDI PA MASAYA SI ELLE?! ANO BA?! Di marunong makuntento?! Nangongolekta ng gwapo?! 




Napakamot na lang ako ng ulo. -__-" Maya maya.. 

"Ang lamiiiig. Kean. Hug mo ko. Hug mo ko. IPBB Teens mo ko dali!"

Ano raw?! 

"HOY! Ate Ising! Kung nilalamig ka magkumot ka! Hindi yang ganyan!"

"Ito naman!! Minsan lang eh! Kainis to!"

At nagsagutan na sila. Gabi na! 9:30 na! Kanina pa ako nagiikot ikot! Nasaan na ba si Courtney.

"Oy. San si Courts?"

Kurt: Sa school nina Pareng Dylan! Sa Garden. 

School naman namin ngayon?! Sa Claret. E di drive naman ako. Pagdating ko doon.. Sabi ng guard sa garden daw. Pati yung guard kasali na sa pangongonsensya sa akin?! 

Pagpunta ko sa garden. Nandun si Ethan at Liam. Anong ginagawa ng playboy at ng obsessed sa sarili niya dito?!

Liam: Yohann. 

Nagboses babae pa ang loko. Nakaclip pa sa bangs. Natatawa ako big time. Pero sige. Panuorin ang hinandang palabas. 

Ethan: Elle. Salamat ako ang pinili mo. 

Naknang. Ayoko ng scene na to. =___=+

Maya maya naglagay ng tubig sa mata si Liam. HAHAH. Para kunwari umiiyak.

Ethan: Elle. Bakit ka umiiyak. Wag kang umiyak. Ako ang pinili mo. Dapat maging masaya ka. 

Di ko naman ata sinabi yun?! Ito talagang narcisstic na to! Tapos yung playboy naging babae?! :| Kung sino mang umisip nito may sayad. 

Hinawakan ni Ethan ang kamay ni Liam pero binatawan ni Liam.  Tengene. Kahit na kalokohan lang to.. Ramdam ko pa rin kung gaano kasakit yung mga nangyari noon. :( Kung paanong hindi na naman ako pinili ni Courtney :( 

Kaya umalis na agad ako. Rinig kong sinasabi nilang hindi pa tapos. Ayoko. :( Hindi ko kaya. Ayoko na balikan pa yan. 

Umakyat na ako sa rooftop. Doon naman talaga pumunta si Elle na sunod. Kasi si Dylan ang pinili niya. :( 

Sa rooftop. Nandum si Josh. Chase at Denise. 

Nakayakap si Denise kay Josh. Si Josh yung gumaganap na Dylan. Tapos may pinatak si Chase na gumaganap na Elle. 

Nakita ni Denise, lumapit kay Chase na may clip din at niyakap siya. 

"Elle. Kami na ni Dylan. Kami na."

Umiyak si Chase. Naks. Ayos ang acting ah. Pero.. Ganito pala ang nangyari noon. Kay Courtney :( 

Chase: Congratulations.. Denise, Dylan. Sana.. Maging masaya kayo. 

Tapos umalis siya at hinabol ni Josh.

Josh: Elle.

Chase: Sabi mo mahal mo ako?! Bakit kayo na ni Denise? Ano yun? Ginago mo ako?!

Josh: Mahal kita Elle.

Chase: EH GAGO KA TALAGA! Mahal mo ako pero kayo?! Ano yun?! 

Josh: Mahal kita kaya ko ginagawa ito.

Ito pala ang nangyari. Kaya siya pinaraya ni Dylan kasi.. Sinabi ko na ako si Kean. :( Madami pala talagang nasaktan dahil sa pagkakamali ko. 

Umalis si Chase. Pagalis niya.. May nahulog siya--Mali. Sadya niyang hinulog na sulat sa tapat ko. Pagpulot ko.. 

Kean,

Punta ka sa 143 Three Words Nation St. Girlinlove City, Wattyland. 



Sa bahay ni Ate? Dahil gabi na.. Nagmadali na ako. Ayoko ng patagalin pa to. :| Andami ko narerealize. 

After 30 minutes nakarating na ako.. 

Nakita ko si Mira at si Avan. Si Mira hawak hawak ang scrapbook. OY INGATAN MO YAN!! 

Tapos binagsak niya.

ANAK NG! Sabi ng ingatan!!! 

Avan: Courtney??

Mira: Kean?? Ikaw si.. C.H?! At Yohann?!

Tapos umalis si Mira hinabol ni Avan.

"Let me explain please."

"Explain?! Na naman?! Sorry. Pero pagod na ako. Magtiwala at maniwala! Hindi na kita kilala! Hindi na kita kayang paniwalaan!"

"Ibabalik kita! Promise!"

"Don't stress yourself."

Lumabas si Mira sa may garden.. Lumabas din ako. Pagtingin ko..

ANO GINAGAWA NI INTSIK DITO?!

Mira: CK. Miss na miss talaga kita

Tapos niyakap niya si CK. Enjoy na enjoy si Mira. Si CK naman nagahem. Tapos kumalas si Mira. 

Mira: Pwede bang wag mo na akong iwasan?

CK: Hindi kita iniwasan. Ikaw ang lumayo.

Mira: Bestfriend na lang ulit kita? Please.

CK: Mahirap yun. Hindi na natin kayang ibalik ang dati. Kasi may feelings na.

Mira: Pero.. Kailangan kita.

CK: Minsan, yung mga kailangan mo.. Hindi mo nakukuha. Kasi, dapat kung hindi na maksiksik wag ng ipilit.

Mira: Pero CK.. 

CK: Isa pa nandiyan na si Kean.. Hindi mo na ako kailangan.

Mira: Paano kung.. Paano kung nag-iba na?

CK: Si Chanel ay para kay Kean. Walang Calvin Klein Go.

Tapos biglang humarap sa akin si Intsik. 

"11:10 PM na. Ano bang wish mo?"

"Ako?"

Sabi ko sabay turo sa akin.

"11:11. WISH NA DALI!"


"Sana.. Mapatawad ako ni Courtney."

Tumawa na lang si CK.

"Bawal sabihin ang wish! Tsk tsk!! ^__^V Pero.. Ito na. Malapit ka na sa dulo. Pumunta ka sa kung saan nagtapos ang lahat. At ayusin mo. Magsimula ka ng bagong alaala!"

Nalito naman ako. 

"Saan?"

"Isipin mo!" Sabi niya habang kumakamot sa ulo niya. 

Napansin ko si Avan nakatitig kay Mira. Si Mira nakatitig kay CK.

"Oy pareng Avan. Tunaw na."

Naguluhan yung dalawa. Si Avan namula ako naman tumawa.

Pero.. Saan ba ako pupunta?! At bakit ba nila ginagawa to?!

"CK! Para saan ba lahat to?! Tska saan ako pupunta?!"

"Para sayo lahat to. Para sa wish mo. Sinakto naming 11:11 lahat to. Kaya bilisan mo na. Pumunta ka na sa lugar kung saan nagtapos lahat."

Kung saan nagtapos lahat?!

"Sa simbahan? Sa airport? Doon ba ako pupunta?"

Kaso hindi sila sumagot. 

"Kapag wala ka pa doon ng 12:00. Wag mong asahan matutupad ang hiling mo. Goodluck Kean."

Tapos umalis na sila! TEKA LANG!! 

Napatingin ako sa relo ko. 11:14 na!! Tumakbo agad ako sasakyan at dumeretso sa kotse ko papunta sa Manila Cathedral! Doon nagtapos lahat diba?! 

Inabot ako ng 20 minutes sa byahe! 11:34 na! Bumaba agad ako! Kaso mukhang wala namang tao. Umikot pa ako kasi baka nandoon si Courtney kaso mukhang wala. Kaya mukhang sa airport nga! Kasi doon natapos lahat!

Kaso noong paalis na ako. May shadow ng lalaki ang nagpakita sa akin.

O____O 

"Kasali ka din pala dito?"

Tumingin siya sa akin at nagsmirk. 

"Bakit hindi? Halos kalhati ng Book 2 tungkol sa akin? Mawawala ba ako?"

=___=+ Ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw. No wonder inis ako sakanya. Magkaugali kami. 

"Anong ginagawa mo dito? Nagmamadali ako! Kelangan ko hanapin si Courtney."

"Nandito ako para gulpihin ka at pigilan ka para bawiin si Elle."

Nagtitigan kami. Naghanda na ako. Baka nga bugbugin ako nito. Madilim pa naman.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

Bigla na lang siya tumawa. ANONG PROBLEMA NIYA?! 

"Nagbibiro lang ako. Kabado ka na agad! Paano pa kaya kung totoo!"

Tengene. Nagsasayang lang ng oras to!! Aalis na sana ako kaso.

"Talaga bang wala kang pasensya? Psh. Nandito ako para.. Kausapin ka."

"Hindi pa ba tayo nag-uusap?!"

"Tungkol kay Elle."

"Oh? Ano tungkol sakanya?!"

"Alam mong nagpaubaya ako sayo."

"Alam ko. Sisingilin mo ba ako?"

"Gusto ko sana. Pero wala ka namang ibabayad."

"Psh."

"Pag sinabi ko bang ilet go mo si Elle ngayon gagawin mo tulad ng ginawa ko?"

"Huh? Siyempre hindi."

Nagsmirk siya. Lalo lang ako nainis. 

"Just as I expected. Ngayon ko narealize na mas mahal ko siya."

"ANO? Hindi mo alam kung gaano ko kamahal si Cour--"

"Sobrang mahal ko si Elle na kaya ko siyang igive up para maging masaya siya. Kasi sayo siya sasaya. Sobrang mahal ko siya na kahit pwede ko siyang ipaglaban, na kahit pwede ko siyang ipagdamot hindi ko ginawa kasi.. Mahal ko siya. At ang gusto ko sumaya siya."

Natahimik na lang ako. Kailangan ko siyang pakinggan.

"Alam kong hindi ako expressive. Wala akong masyadong nagawa para sakanya. Madalas inaasar at inaaway ko siya. Lahat ng ginagawa ko para sakanya hindi niya nakikita. Kasi puro maliliit na bagay yun na para sa akin malaki kasi.. Sakanya ko lang ginawa yun."



"Sobrang minahal ko talaga si Elle. Hindi ko alam kung paano, kung bakit pero alam ko na mahal ko siya. Wala ng iba pang dahilan."



"Pero.. Dahil ayokong makonsensya siya kasi nasaktan niya ako sa pagigive up ko sakanya ng dahil sayo, para sumaya siya, nagsinungaling ako sakanya. Hindi ko sinabi ang totoo sakanya."



"Balak ko lang ibaon yung feelings ko parasakanya. Yung tipong wala ng makakaalam. Ako na lang. Yung ako na lang ang masasaktan basta wag siya. Na palihim na lang akong iiyak at sa harap niya ipapakita kong masaya ako kahit na sa totoo lang.. Bawat ngiti niya unti unti nababasag ang puso ko."


"Ganun Yohann. Ganun ko siya kamahal. Kaya kung hindi mo mapapantayan yun.. Wag mo na siyang mahalin. Kasi may mga taong mas kayang mahalin siya."



Mahal ko si Courtney!! Mahal ko siya.

"Kasal lang?! Hindi mo kayang ibigay?! Buhay ko nga handa kong ialay.. Ikaw? Kasal lang sasaktan mo pa siya?!"

Ouch. Basag. Tinamaan ako. :| 

"Kaya magisip isip ka. Wag kang madamot. May mga taong handang ibigay ang lahat para kay Elle lahat para maging masaya siya. Kaya ikaw.. Mapressure ka. Higitan mo yung kaya naming gawin. Kasi magkamali ka lang. Mabitawan mo lang siya.. Madaming sasambot sakanya. Tandaan mo yan."




Tapos umalis siya.

Mali siya. Mas mahal ko si Courtney. Kasi kung ako siya.. Ipaglalaban ko pa rin siya. Kahit na alam kong talo ako. Kahit na mas sasaya siya sa iba. Bakit? Kaya ko namang pasayahin si Courtney.. Bakit ko iaasa sa iba ang kaligayahan niya? 

Pero hindi ko pa rin kaya.. Na pakasalan siya. :( Natatakot ako. Duwag ako masyado. 

Napatingin ako sa orasan ko. 11:42 na!! Sobrang nagmamadali ako! Beating the red light na ako. Nyemas! Buti na lang walang pulis. Pagdating ko doon. 

11:53na!!!!! 

Sht! Tumakbo ako! Ang daming tao sa airport!! Paano ko hahanapin si Courtney dito?! Paano?! 

Nagtatakbo lang ako. Nasasayang ang oras ko!! Paano kung hindi pala ito yung place?! Sht naman. 

Paalis na sana ako ng..

May mga babae na lumapit sa akin. 11 sila. At isang lalaki. At isa pang.. Lalaking pusong babae. Hindi ko sana papansinin kaso..

Eloisa- OMG! Kean?! Ikaw ba yan?!

Napatingin ako! O ito yung officemate namin ni Courtney ah! 

Ako: Eloisa! Anong ginagawa niyo dito?!

Khate: Papunta kami sa meetup ni Girlinlove sa MOA. 

Ako: Meet up? Girlinlove? Sino yun? 

Kei: HELLO?! Hindi mo kilala si Girlinlove?! Siya lang kaya yung magandang writer!! 

Kim: Korek! Mabait pa! Tapos charismatic pa! Tska.. Wala akong masabi! Maganda talaga! 


Aya: Magaling pa kumanta! May mga kinompose pa siya na kanta para sa story niya!!

Ako: Eh ano bang story yan?! At anong konek niyan sa akin?

Trixia: EH TUNGKOL KASI SAYO YUNG STORY NIYA!

Ako: HUH?! Sa akin? Stalker ko siya?! 

Rows: Hindi naman sa stalker! Siya kasi ang gumawa sayo! Siya ang author ng kwento mo! 

Ako: Nagweeds ba kayo? Gumawa sa akin? Ano siya Diyos? Ewan ko sa inyo! 

Livinia: Totoo to! Bakit ba ayaw mo maniwala?! Siya ang may pasimuno ng lahat!!

Diane: Siya ang nagpakilig. Nagpalungkot. Nagpagalit at nagpaiyak sa amin dahil sa mga nangyari sa inyo ni Courtney!

Ako: BAKIT NIYO KILALA SI COURTNEY?!

Anne: Kasi nga fan kami ni Girlinlove na naging close friends dahil sa meetup!! Kaya papunta kami ngayon ulit! Sa grand meet up! Kasi super saya!

Maya maya may biglang yumakap sa akin!

Yung lalaking.. Nabali.

Christian: PAPA KEANNNNNNNN! Nakakaloka kaaaaa :"> Ang gwapo mo pala up close and personal! :"> Ako nga pala si Dara Koleen!

Ako: HEH! Malayong malayo ka sa bestfriend ko! Lubayan mo nga ako!

Christian: Sakit mo magsalita ah! Pero.. Kaya ka nga si KEAN PATRICK TOLENTINO PADUA EH! :"> I LOVE YOU!

Ako: HEEEEEEEEH! Layo! SHOO!!

Umatras ako dun sa Christian at nabunggo yung isang lalaki. Napatingin ako sa lalaking kasama nila na kanina pa tahimik.

Ako: Ikaw? Anong ginagawa mo dito?

James: Nadamay lang ako. Pakners ko yung author eh. 

Ako: AY NAKU! Lakas ng trip niyo!! Pakisabi diyan sa Girlinlove na yan tigilan ang pagstastalk sa akin!! Atsaka.. Hindi ko alam kung paano pero lahat kayo!! Ang weird niyo!! 

Maya maya may kumulbit sa akin. Pagtalikod ko may babae. 

Maganda! ^___^ 

"Ahem. Eh ako si Girlinlove. Ano ulit yun? May sinasabi ka?"

"So ikaw pala yung dakilang author na may alam ng buhay ko at ni Courtney. Isa lang masasabi ko sayo.. ADIK KA! STALKER KA!!"

Tapos binatukan niya ako! ARAY! Nyemas! 

"Stalker ah! Umayos ka ah! Ako ang may hawak ng happy ending mo! Ako nga ang may pakana ng lahat ng ito eh!!"

"WALA AKONG PANAHON SAYO!!"

Pagtingin ko sa orasan ko! Sht! 11:56 na!!

"SHT! Late na! Asan na ba si Courtney." Nakita ko siya ngumiti.

"Mag-isip ka nga. Saan ba natapos ang lahat?" sabi ni Girlinlove.

"Sa airport!"

"(_ _") Sabi ko mag-isip! Nagisip ka na niyan?!"

"ABA'T!!"

"Hep! Una sa lahat! Hindi naman kayo nagkita ni Courtney sa airport! HINDI KA NGA UMABOT SA AIRPORT EH! Halfway ka lang!"

"So sa simbahan?! Eh pumunta ako doon si Dylan ang nakita ko!"

"Si Dylan? Anong ginagawa ni Dyl--Anyway.. Simbahan?! Ayos ka lang?! Doon ba natapos ang lahat? Eh si Dara ang kasama mo noon! Doon natapos ang sa inyo ni Dara! Ni wala nga si Chanel doon eh."

Oo nga naman! Teka! Paano niya alam?!

"Ako ang author! At oo! Nababasa ko ang iniisip mo! Kasi ako gumawa sayo! So.. Sa tingin ko kailangan na kitang bigyan ng katalinuhan!! Jusko."

Saan nagtapos? Nagtapos? 

Ah!!! 

"Oo!! Doon nga! Hala ka! 11:58 na! 2 minutes! Kapag hindi ka nagmadali.. Wala na! Goodluck Kean!"

Tapos nagwave na din sa akin yung iba pang mga babae! At yung isang lalaki!

Kahit na weirdo yung si Girlinlove. Paano niya nagawa yun? Siya nga ba ang author?! AY EWAN KO! Ang alam ko late na ako!! 

Oo nga naman! Dito nagtapos ang lahat! Kaya pala sinabi ni CK.. Magawa ng bagong alaala.. Kasi mapait lahat ng nangyari dito. Kasi.. Dito natapos ang lahat. 

SA MOA.

Sa Yacht.

Noong nagpropose ako. 

Pinark ko ang sasakyan ko. At tumakbo ng mabilis na mabilis na mabilis na mabilis na mabilis! 

Nakita ko ang mga tao. Nakapalibot sa isang yacht. Pagtingin ko.. Napangiti ako. Lahat ng taong naging parte ng kwentong ito.

Mula kay Manang Rosa. Mang Sid. Sir Marco. GF Girls. Family. Sa barkada. Sa ICL Koala. Si Dylan. Denise. Kurt. SMP. Lolo Tom at pati yung mga magmemeetup kasama si Girlinlove! Nauna pa sila!! Sana sinabay na lang ako! Weirdos talaga!! 

Lahat sila sinabing magmadali ako! At tumuro sa isang upuan. Parang King's chair. May nakasulat pa na Kean. 

Maya maya.. Biglang may tumunog.

(Now Playing: Marry your Daughter Girl Version) 

 I. Boy I know you're nervous for being here today

You may not be sure on what you're gonna say
So dont be afraid to take up some of my daddy's time
WIll you ask for my hand though Im my daddy's oldest
'Said im your everything and all that i know is
I would be so happy if this ever happens someday
And that'll be the moment you say

Chorus:
"Im gonna marry your daughter, make her my wife
I want her to be the only girl that I'll love for the rest of my life
and give her the best of me till the day that I day
Im gonna marry your princess make her my queen
She'll be the most beautiful bride Ive ever seen"
I cant wait to smile when I walk down the aisle 
on the arm of my father, when you say I will marry your daughter

II. Together every step since the day that we met
That time I saw you I will never forget
There was never a moment when you ever treated me bad
So now that we have gone this far,
Oh bring on the better or worse and till death do us part
So dont you have doubts because this is just the start
Just say to my dad with your heart

repeat chorus

Bridge: My dad would be happy too
If he hears this from you:
chorus 2
That you'll marry his daughter, make her your wife
Letting her be the only girl that you'll love for the rest of your life
and give her the best you can till the day that you die
You're gonna marry his princess make her your queen
She'll be the most beautiful bride you've ever seen
I cant wait to smile when I walk down the aisle
on the arm of my father, when you say I will marry your daughter.

"KEAN PATRICK TOLENTINO PADUA!! Late ka!! KAKAINIS KA!"


Sabi ni Courtney na nasa taas ng Yacht! May hawak na Megaphone! 

"Sensya naman! Andami pa kasing paikot ikot! Dito lang pala! Sana tinext mo na lang ako!"

Nakita ko kumunot noo niya! Ano ba siya! Joke lang yun eh!

"KAKAINIS KA! Tinawgaan ko pa silang lahat para magtake part sa plano ko! Tapos text ako? SIRA KA!!"

"Joke lang! Joke lang yun! Oh eh.. Bakit nga ba may ganito Babe? Ano ba lahat to?" 

Natahimik siya at namula.

"Alam ko.. Hindi tayo in good terms noong mga nakaraang araw. Dahil pinipilit ko na pakasalan mo ako. Pero tumanggi ka. Nalabuan lang ako. Ano bang problema mo? Sa dinami rami na ng napagdaanan natin, ang iharap lang ako sa altar at mangakong di ako iiwanan habang buhay di mo magawa?"

"Napaisip din ako.. Baka ayaw mo magcommit sa akin. Baka hindi ka pa sure. Baka.. May plano ka pang iwanan ako."

Tngina. Syempre wala! Hindi ko na gagawin yun.

"Kaya nafrustrate talaga ako. Nainis. At nalungkot. Hanggang sa malaman ko ang dahilan mo. Kaya nandito ako ngayon.. Nagsosorry. Kung bakit kapag may ginagawa kang mahalaga. Mali ang desisyon ko. Hindi kita pinipili."

"Hindi ko alam. Nagiwan pala ng mark yun sayo. Napaka insensitive ko. Kaya nandito ako.. Humingi ng sorry sayo."

SORRY LANG PALA LAHAT YUN?! Lahat ng to?! 

"Kaya napagisipan ko. Kung hindi mo kaya.. Bakit hindi na lang ako. Kung gusto ko maging kabiyak mo, dapat yung hindi mo kaya.. Kayanin ko. Kaya.."

Tapos nawala siya. Tapos tumatakbong bumalik.

"Kaya jan ka lang!! Bababa ako! Sa haba ng pasensya mo baka pagbalik ko wala ka na dyan!"

=___=+ Andaming tao. Dapat bang isigaw yun? Tsaka ano bang ginagawa niya?! Andami kayang tao!

Maya maya.. Humihingal pa siyang naghello sa akin. Nakagown siya. Nakaayos din ang buhok. Ano bang pakulo to?! =___=+ 

"As I said, yung mga hindi mo kaya.. Ako ang gagawa. Kaya.."

Nagsnap siya ng fingers tapos mula sa taas ng yacht, may apat na tela ang nagroll pababa ng yacht. May nakalagay na..

WILL


YOU 


MARRY 


ME




Ano? Ano--Ito?

Lumapit sa akin si Courtney. Tapos ngumiti. Ang ganda ganda niya talaga. Hindi ko na alam kung saan pa ako makakakita ng babaeng ganito kaganda. Ang swerte swerte ko..

"Kean."

Hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

"We've been through a lot. Kaya alam ko sa sarili ko na.. Ikaw ang gusto ko makasama habang buhay. Ikaw yung gusto kong pagising ko sa umaga makikita ko. Ikaw yung gusto kong kasamang tumanda. Kasi Kean, ikaw ang Greatest Love ko."

Tumitig siya sa akin.

Nagsmile at biglang..

Lumuhod.

"I can't imagine living a life without you. I can't lose you anymore. Kaya.. Kean Patrick Tolentino Padua."



Bakit siya lumuhod? :(

"Will you make me the happiest woman in the world?"

Ito na. Ito na. Sasabihin na niya.

"Will you.. Marry me?"



Nakita ko siya nakangiti. Yung lahat ng tao na nakapaligid sa amin nageexpect ng OO.

Lahat nagaabang. Lahat umaasa.

Lalo na siya..

Pero Courtney.

"I'm sorry."



Napatitig siya sa akin. Kita ko nangingilid na yung luha niya.

Sorry Courtney.

Hindi ko kaya :(

_____________________________________

P.S Yung next chapters po nito which are Chapter 60 and Epilogue ay ipriprivate ko po. Para sa mga Mobile readers, silent readers etc.. ending na naman po so pindutin niyo po yung "BE A FAN" pang Thank you niyo na din po. Ending na kasi ng 3W8L kaya gusto ko malaman kung sino yung totoong magbabasa o hindi. Yung mga solid. Kaya yun. BE A FAN po para mabasa niyo. :)

Continue Reading

You'll Also Like

9.5M 142K 59
Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero...
49.4M 1M 90
It seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and th...
1.1M 10.2K 94
I deserve a better ending.
3.6M 20.9K 66
Do you believe in "Love at first sight?" :) There's this boy named Ervin, who was about to do suicide. But then this Charlotte girl came to his rescu...