THE BLACK DEMON'S HEART

By AllukaLuka

270K 6.7K 1.6K

Isang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat pa... More

PROLOGUE
PART 1 ~ BANGUNGOT
PART 1.2 ~ HABULIN..
PART 2 ~ TUGISIN
PART 2.2~ WANTED
PART 3~ KUTOB
PART 3.2 ~ PUGAD
PART 4 ~ KUTA
PART 4.2 ~ BLACK DEMONS
PART 5 ~ ISA
PART 5.2 ~ DALAWA
PART 6 ~ PART TIME JOB
PART 6.2 ~ PRANING
PART 7 ~ TULOG
PART 7.2 ~ GISING
PART ~ 8 "S"
PART 9 ~ BISTO
PART 10 ~ TROUBLE
PART 11 ~ XXX
PART 12 ~ BLACK NOTE
PART 13 ~ BAD OMEN
PART 14 ~ PROJECT
PART 15 ~ MY DAY
PART 15 ~ MY DAY PART 2
PART 16 ~ MY DAY-NGEROUS 2
PART 16 ~ MY DAY~NGEROUS 2.1
PART 17 ~ THE END
PART 18 ~ REWIND
PART 19 ~ DEMON'S PARTY
PART 20 ~ CAR WASH
PART 21 ~ MAGAZINE
Part 22 ~ THE LOST MONKEY
PART 23 ~ DEMON'S LAUGH
PART 24 ~ PATAY MOMENTS
PART 25 ~ WEIRD MOMENTS
PART 26 ~ MALAS
PART 27 ~ TATTOO
PART 28 ~ SWIMMING
PART 29 ~ LESSON
PART 30 ~ TABLE MANNER
PART 31 ~ THE LUNCH
PART 32 ~ SHOE
PART 33 ~ FAST-FOOD
Part 34 ~ PHOTO SHOOT
PART 36 ~ DEMON'S FOOD
PART 37 ~ INVITATION
PART 38 ~ BETRAYAL
Part 39 - That Girl
PART 40 ~ UNEXPECTED
Part 41 ~ Date with a Demon
Part 42.1 ~ The Date
Part 42.2 ~ THE GAME
Part 43 ~ The Visitor
Part 44 ~ RAMDAM
PART 44.2 ~ DONUT
PART 45 ~ IWAS
Author's Note
Part 45.1
Part 46 ~ Opening
Part 46.1
Part 46.2 ~
Part 47 ~ Beginning
PART 48- Her Heart
Part 49.1 ~ The apple
Part 49.2
Part 50 ~ Quest
PART 51 ~ Larawan
PART 52 - Family
PART 53 - Photos
PART 54.1 ~ SONG
PART ~ 54.2 OLD MANSION
PART 55.1 ~ GARDEN
PART 55.2
Part 56 - HISTORY

Part 35 '~ DA OTOR ISH BAK!!

2.5K 107 52
By AllukaLuka

Da otor ish back! Mabuhay! \(*O*)/

May nakamiss ba saken??? Meron? Wala? Meron? Wala? ._.

Bakit sila lang namimiss nio pano na si otor? T_T

Ako po’y humihingi ng paumanhin sapagkat akoy natagalan sa pagaupdate dahil sa bagyo???? ._.)” haha joke lang po..Tagal po akong di nakapagupdate dahil po busy na ako sa buhay at ayoko na magsulat at idedelete ko na to! joke lang ulit..xD Kasalanan kasi ni eherm (di niya ako pinilit na imention siya.. kaya sige sau ko na ide-dedicate to -.- xDD) Sobrang inlab daw ako sa kanya kaya di ako nakakapagsulat. Wow ha! Ahahaha… Bibi kc eh.. sarap mong kurutin..xDD ay naku naku naku..tahimik ka lang jan ha..Alam mo na baka dumugin ka. -.- Muahahaha...

At dahil atat na kau.. ge basa na mga kapatid.. wag nio kong intindihin ganyan lang talga pag*ipit buhok sa tenga* xDDD

Nga pala wala pong konek ang  “da otor ish bak’’ sa kwento. Wala lang maisip kasi..-.- xDD

♥♥♥

Enjoy guys!

…..

Mabilis akong bumaba pagkahinto ng jeep na sinakyan ko. Pero bumalikwas ulit ako nang maalala ang sukli ko, na mukhang wala ng balak pang ibigay ni manong jeepney driver.

“Manong sukli ko po pala,” sabi ko na napapakamot sa ulo ko.

“Magkano ba pera mo 'ne?” patay malisyang tanong ni manong driver.

“Ten pesos po,” walang gatol ko namang sagot.

Si manong naman ang napakamot sa ulo. “Dalawang piso lang pala 'neng eh,” napapailing niyang sabi. Napapangiti na rin ang mga kapwa ko pasahero at yung iba naiinip na dahil naantala na ang byahe.

Nagtaas ako ng dalawang kilay. “Manong tamang bayad tamang sukli.”

Walang salitang binigay niya ang dalawang piso. Taas kilay akong bumaba hawak ang dalawang piso kong sukli. Sa hirap ng buhay ngayon kahit bent singko sentimos manong di ko palalagp-- ay teka. Estudyante ako ah. Tsk. Sayang discount.

Winaglit ko na sa isip ko ang di tamang pagbibigay ng sukli ni manong jeepney driver. Move on na ako nang makarating na ako sa destinasyon ko. Mabilis kong nilakad ang daan patungo sa kuta ng mga demonyo. Biruin niyo yun may naglakas ng loob na kapitan ng sakit ang hari. Dapat nga natutuwa ako sa kamiserablehan niya--ops baka isipin niyo ang sama kong nilalang. Pero pero parang ganun na rin.

Hay! gulo ko. Kaasar na utak! Kung ano- anong pinagiisip. Kaasar na puso bat tumitibok-tibok? Malamang pag hindi na tumibok patay na ko. Di ba? Di ba?

Binagalan ko ang paglakad ko. Itong mga paa ko eksayted masyado. Bilis maglakad. Hinay hinay lang Synella. Hindi libreng kainan ang pupuntahan mo kundi libreng lait.

Pero sadyang matigas ang ugat ng mga paa ko sa sobrang bilis pa rin nitong maglakad. At habang papalapit ako sa kuta nila ay lalong tumitindi ang kabog ng dibdib ko. Bakit ba ako alalang-alala? Sabagay ganyan talaga pagmabuting tao. May malasakit sa kapwa tao at kahit sa mga di-tao. Gaya na lang nitong nilalang na nakikita ko. 

“What are you doing here?” tanong niya na hindi man lang tumingin sa direksyon ko. Humithit pa ito at nag buga ng usok habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Ano kayang meron sa langit at nakatitig lang siya doon? Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang madilim na kalangitan malamang.

Umalis siya mula sa pagkakasandal sa poste at humurap saken kaya naman napatingin na ako sa kanya.

“Piinapatawag ako ng hari este ni Lord X,” papahina kong sagot.

“Why?”

Hindi ko maaanig ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa liwanag na nanggagaling sa lamp post.

“K-kasi ahh..” hindi ko alam kung bakit hindi ko siya masagot ng deretso at kailangan pang mautal ako.

“Nevermind,” putol niya sa putol kong linya. Tinapon niya ang natitirang sigarilyo at namulsa. Tumingin siya ulit sa langit. At dahil nasinagan ang mukha niya ng liwanag ay nakita ko ang lungkot sa mukha niya. Hindi ko makita ang L na laging nagsusungit ang drama.

“I can’t see the stars,” mahina niyang sabi. Gumuhit din sa labi niya ang isang ngiti, ngiting hindi umabot sa mga mata niya. May kung anong kumurot sa puso ko nang marinig ko ang mga salitang iyon. Ang bigat sa pandinig. “Hoy weirdo pumasok ka na nga,” singhal niya sa akin.

Hindi ako natinag at nakakatitig lang sa kanya. Bakit parang ibang L ang nasa harapan ko.

“Wag mo nga akong titigan ng ganyan. Kinikilabutan ako.” Hinila niya ang kamay ko at hinatak sa loob ng bahay. Ang bilis niyang magpalit ng maskara. Ano kayang meron sa madilim na kalangitan?

 Magkahugpong ang mga kamay namin hanggang sa pagpasok namin sa bahay. Napatingin lahat ang mga nakatambay sa sala nang makita kami.

“Ang sweet,” nakangising sabi ni F.

“Tss,” marahas na kinalas ni L ang kamay niya sa kamay ko. Hinaplos ko ang kamay ko na halos durugin ng walang hiyang demonyo. -_- Kung kanina may simpatya ako sa demonyong to ngayon wala na.

“Hoy fishy wag ka ngang malandi,” sabi ni C na papalapit sa amin.

Hinubad ko ang tsinelas ko at pinalipad sa dereksyon niya. Sa malas sinalo niya lang ang binato ko.

“Easy,” tawa tawang sabi niya. “Baka pugutan ka ng ulo ni X pagnakita yang HHWW niyo nitong si L.” Sinampay niya ang kamay niya sa balikat ni L at tinapon pabalik ang tsinelas ko na hindi ko sinalo. Madumi kaya 'yun.

“Shut up bro,” asar na sagot naman ni L sabay tanggal sa kamay ni C sa balikat niya.

“Relax bro. I’m just kidding,” nakangising sabi naman ni C. “Alam kong di mo type ang walang kakorte korteng bababing to. Wala na ngang balakang wala pang hinaharap. Hay Syn nasaan  kaba nang nagsasabog sila ng kagandahan?” napapailing na sabi ng hinayupak na demonyo.

“Nasa banyo naghuhukay ng kayamanan,” walang gana kong sabi. Sabi na eh libre lait dito.

“Tsk tsk,” sabi lang nito at hinagod ako pataas pababa. Nasa mukha niya ang panghihinayang at awa. Ang demonyong to. -__-+ “Wala man lang nasalo.”

Binato ko sa kanya ang bag ko. “Oh yan saluhin mo.” Napangisi ako nang masapol ang mukha niya.

“Paksh7t! Sisirain mo pa’ang kagwapuhan ko. Iilan na nga lang kami sa mundo!” asar niyang sabi.

Kapal talaga ng balat ng demonyong 'to. Kahit ilang beses mong talupan 'to makapal pa rin ang balat. Napapailing na lang ako tsaka pinulot ang bag ko sa sahig na agad namang inagaw ni malanding C.

“Akin na yang bag ko,” nagtitimpi kong sabi.

Napangisi siya nang maluwag. “Kunin mo kung ka-“

“Stop playing C.”

Parang biglang may dumaang hangin at nilapad ang maiksi kong buhok. Hindi ko napigilang maglaway ng balde balde. Pero biro lang yun madi-dehydrate naman ako pagbalde balde 'te.

Kinuha ni S ang bag ko mula kay C. Nagkibit balikat lang naman si C at bumalik na sa kung saan man siya naroon kanina at wala na akong pakialam pa.

“C’mon I’ll take you to his room,” walang emosyong sabi ni S at nauna nang naglakad. Ako naman  nakamasid lang ako sa kabuuan niya.

“Bro kuha ka ng timba bilis. Tatagas na oh,” narinig kong sabi ng isa sa mga demons kaya naman napahigop ako sa tutulo na ngang laway ko. Ang hirap naman kasing pigilan no. T_T Tao lang ako at lumalandi rin este nagkakakras din.

“Oh tissue rugrats,” iritadong sabi ni F.

Sinamaan ko lang siya ng tingin pero tinanggap ko naman ang binigay niya. Ipupunas ko sa mukha ko at feeling ko pwede ng pagprituhan ng itlog. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa kanila na animoy mga kampon sila ng kasamaan na kasapi naman talaga, bago ako sumunod sa pinagnanasahan este kay lord S. Sinisinghot singhot ko pa ang bawat dinaanan niya. Di lang kasi mukhang delicioso kundi amoy deliscio pa.

“Sniffing like a dog huh,” nakangising sabi ng mukhang kababangon sa hukay pero gwapo pa rin na si A. May dala dala itong malaking mug na kahit di ko nakikita ang laman ay dalawandaang porsyento akong gatas iyon.

“Don’t you dare touch my milk,” pagbabanta pa nito bago niya ako nilagpasan.

Tss. Walang bisa yang pananakot mo saken. Muahahaha. Mamaya ko titirahin yang gatas mo totoy. Oh di syemre tinuloy ko na ang paglanghap este paglalakad. Alam na alam ko na ang amoy ni S, humahagod sa ilong ko ba.

“Ay anak ni Suma!” bulalas ko nang biglang sulpot si Q na may hawak hawak na aklat. At three hundred percent akong sigurado na manga iyon. Inayos niya ang itim na salaming nakasuot sa kanya na bagay na bagay sa mukha niya.

As usual nakangiti na naman siya. “Hmm.”

“Ano?” tanong ko sa kanya.

“You look worried.”

“Natural naman Lord Q. Ikaw ba naman mapunta sa kuta ng mga demonyo,” mabilis kong sagot.

“Reaally huh?,” lalong lumawag ang pagkakangiti niya. Sarap binatin nang binatin hanggang mapunit labi nito eh. “Sa tingin ko naman komportableng komportable ka na sa bahay. And that’s good,” sabi niya sabay tapik sa balikat ko. “Pinapahanga mo talaga ako.”

Napakunot-noo ako sa narinig. Hindi ko alam kong matutuwa ako sa mga sinabi niya o maiinis. May punto kasi siya eh. At tama bang maging komportable ako sa piling ng mga demonyo?

Napahaba na lang ang nguso ko at inagaw ang manga na hawak niya. “Pahiram ako,” sabi ko sabay takbo.

Sana naman makarating na ako sa pupuntahan ko ng tahimik. Hindi naman dalawampung palapag tong bahay nila at kelangang may makasalubong akong demonyo sa bawat kanto o hagdan ng bahay na to.

Ay teka makita nga tong libro. Excited kong binuklat ang libro. Wo-! Otso ano tong.. eh.. oh..

“Anong binabasa mo?”

Mabilis kong itinago ang libro nang biglang sumulpot si S sa harap ko.

“Ahh wala wala wala,” sabi ko sabay iling. Napangiti pa ako o mas tamang sabihing ngiwi. Anak ni mareng Janice naman oh! Sumablay ako sa hula ko don ah. Hindi manga 'tong binabasa ni banana-Q. Lechugas na demonyo na 'yun, nagbabasa rin pala siya ng mga alam-niyo-na-mga-ate-at-kuya.

Nalaglag ang panga ko nang hindi ko man lang nagawang makipagagawan sa librong hawak ko. T_T Eto na naman tayo eh.

Napatikhim na lang siya at walang salitang binalik ito. “You really like stuff like that,” komento niya at iniwan akong nanlalaki ang mga mata.

Aray! T__T Ang imahe ko dungis na dungis na.

Napakamot na lang ako sa baba. Malas talaga oh, panay bad shot ako kanya. Otso lang ah.Langyang banana-Q na yun, madapa ka sana.

“Aray naman!”

Pishti! Bat ako ang nadapa. -__-

Asar. Bumalik saken 'yung dasal ko ah. Sabagay kuta nila to eh. Protektado sila ng itim na kapangyarihan kaya wala akong laban sa kuta nila.

“What are you doing rug doll?”

Bigla akong nanigas sa posisyon ko. Abay  tatayo palang sana ako.

“Ah um..nag-nagpupush up? Ah tama tama nagpupush up ako” sabi ko sabay push up.

“Tss. Stand up. You look stupid,” naiirita niyang sabi kaya naman napatayo na ako. Dahil mukha naman talaga akong tanga.

Pinagmasdan ko ang lalaking nagpatakbo saken papunta rito. Mukha naman siyang okay. Wala namang bakas na may sakit siya. Naka-sweat pants siya at long sleeve. As usual ang gulo pa rin ng buhok niya at mukhang kababangon lang mula sa kabaong este sa higaan ang itsura niya.

“Kanina pa kita inaantay,” masungit niyang sabi. “What took you so long? You wanna die rug doll?”

Lumapit ako sa kanya at kinapa ang noo niya. Mukha ngang may sakit siya dahil walang masyadong pwersa ang mga salita niya, iyong tipong kahit patay na buhok ko ay tatayo sa takot.

“May sakit nga,” mangha kong sabi. Oo tama namamangha ako. xD “Kita mo yun lord X may naglakas ng loob na virus sayo,” napapailing kong sabi.

Tinabig niya ang kamay ko at pinaningkitan ako. “Don’t touch me stupid rug doll.”

“May sakit na nga sama pa rin ng ugali,” bulong ko.

“Shut up!” singhal niya.

Narinig pa talaga eh.

“Bro,” napalingon kaming dalawa sa nagsalita na walang iba kundi si S ng buhay ko. “You still need to rest.”

“I’m not a baby S.”

Lumapit si S at hinawakan ang braso ko. Nagulat ako ng bigla rin akong hawakan ng hari.

Oh ano na namang eksena to? Pag-aagawan na naman ba ang kagandahan ko? Eherm.

“Take her. I don’t need her anymore,” basag ni X sa malateleserye naming eksena. Otso ganun ganun lang pala ako ipapamigay nito matapos niyang kulitin ang utak ko. Walang imik na tinalikuran na niya kami at tinungo ang kwarto niya.

Aray. Aray. Bakit may masakit ata saken? Nadali ata ang buto ko sa pagkakadapa ko ah.

“Let’s go,” sabi ni S. Hinila na niya ako habang nakatanaw pa rin ako sa kwartong pinasukan ng hari. Hindi siya okay eh. Otso dapat kinikilig ako dahil nakahawak saken si S.Tsaka ang lapit lapit na niya. Nasaan na ang landi mode ko?

Ay! Ano ka ba naman Synella!

……

Naisipan kong ipagluto ng lugaw si lord X kahit pinagtabuyan na niya ako. Hindi maatim ng kosensya ko na hindi pagsilbihan ang may sakit na hari. Balita ko kasi ay hindi pa ito kumakain at nag-aalala ang mga demons para sa kanya.

“Oy Syn, painom mo sa kanya. Hindi na niya malalasahang may halong gamot yan,” kompyansang sabi ni H.

Napag-alaman ko rin kasi na ayaw na ayaw nitong umiinom ng gamot.

“Sige lord H akong bahala,” seryoso ko namang sagot.

“Dapat dasalan mo muna para effective.”

Napahawak ako sa puso ko sa kabiglaan. Otso tama ba ang pagkakarinig ko?

“Pa-pakiulit nga lord H,” nanlalaki ang mga matang sabi ko.

“Sabi ko dasalan mo. Hilingin mo na maging mabisa yan nang gumaling kaagad si bro,” malungkot pa niyang sabi.

Napatakip ako ng bibig sabay hampas sa braso niya.

“Aww!” daing niya. “Problema mo?”

“Ay sorry lord H. Namamangha lang kasi ako. Otso, kasi di ako makapaniwala. Alam mo pala yang dasal dasal nayan. Sigurado ka bang demons ka?”

“Of course. My mom taught me how to pray. How to talk with Him.”

Tumaas ang mga balahibo ko sa kanya, hindi sa negative na bagay kundi sa sobrang hanga ko para sa kanya. Hindi lang si S ko ang matino sa grupong ito kundi pati siya. Otso may pag-asa pa ang mga nilalang  na to.

“That’s why sa lahat ng bagay I always pray. Bago nga ako mambugbog nagdadasal pa ako na sana hindi ko sila matuluyan,” napapangiti pa niyang sabi.

Biglang nagdilim ang paligid ko sa narinig. Yung level ng paghanga ko lumagapak sa zero. Lechugas na demonyo to. Idadamay pa ang Maylalang sa katarantaduhan.

“Hindi ba tinuro sayo lord H kung para saan ang pagdarasal?” taas kilay kong tanong.

Napa-sign of the cross siya. “Of course. Like now ipinagdarasal ko na maging safe ako sa iyo. Alam ko kasing pinaganasahan mo rin ako.”

Napatawa ako nang malakas sa sinabi niya. “ Kapal mo rin noh lord H. Mabangungot ka sana,” sabi ko sabay kuha sa tray at winalkoutan ang may tililing na maghahayop na demon. Ibang diyos yata ang sinasamba ng taong yun.

“Goodluck na lang Kitty!” natatawa niyang sigaw. “Makapasok ka sana.”

Napatigil ako sa paglalakad. Iyon nga ang problema. Hindi basta basta ang makapasok sa kwarto niya dahil walang pumapasok don maliban sa kanya. Isang malaking X ang pagpasok sa kwarto ng hari. Pero syempre nagmagandang loob na ako kaya lulubus lubusin ko na. Hindi maitim ng budhi ko na hindi siya pagsilbihan lalo na nga yong inaatake siya ng mga nagtatapang-tapangang sakit.

Kaya lang baka di na ako makalabas ng buhay pagnapasok ako sa kwarto ng hari. Pano na ang lab istorya namin ni S ko? T_T

Bura bura bura. Ang dapat kong isipin ngayon ay kung paano ko mapapakain at mapapainom ng espesyal na inumin ang hari. Kelangang makagawa ako ng malupit na plano. Tulungan niyo ako mga 'te! T___T

…………..

Hello readers *kaway kaway*

Aym suu hapi kc marami pa rin nagaantay neto. Magpasalamat tau kay ano kay ano kasi nagupdate ako. wahahahahahaha. xD

At mukha namang gumagana na utak ko kaya lulubos lubusin ko na ang pagtatype para sa susunod na update. Sinong gustong magalaga kay X! Taas paa lang kau! *-*)/ hihihi.. xD

Iyon lang. Thank you guys. Magtiwala tau kay Syn! xDDD

Lablab

Ate szhan (tutal wagas kau maka-ate saken kahit YOUNG pa ako kaya ate na -_-)’ xDD)

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...