SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)

By Allisonmaxine

61.8K 884 22

Romance More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
Epilogue

CHAPTER 30

1.4K 20 0
By Allisonmaxine

AIDEA POV

Baksak ang balikat na naupo ako sa kama. Kagagaling ko lang sa bahay nila Ivan kanina para kamustahin ito. Pero katulong lang ang nadatnan ko. Sinabing nasa baguio daw ito para magbakasyon. Ayos lang naman sakin yun. Atleast, makakapag pahinga siya ng maayos. Sana pagbalik niya tuluyan na itong magaling. Napatingin naman ako sa phone ko ng tumunog yun. Sino naman ang tatawag sakin ng ganitong dis-oras ng gabi? Tiningnan ko kung sino yun. Shit. Si Cloud.!! Nakalimutan ko. Mabilis kong pinindot yun at sinagot ang tawag.

"Hello, cloud? Im sorry, nakalimutan ko. Kararating ko lang kasi." kagat labi kong sabi.

"Its okay, pwede ka bang bumaba?" tanong nito. Nagtatakang naglakad ako sa bintana. There nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya. Nakangiti ito habang kumakaway sa kanya. Ngumiti ako at mabilis na bumaba.

"Hey, Im sorry, nakalimutan ko." sabi ko sa kanya. Ngumiti naman ito at lumapit sakin para yakapin ako. Niyakap ko din siya.

"Ayos ka lang ba.?" nagaalalang tanong ko sa kanya.

"Yeah, Im fine." he said. Kinalas ko yung yakap niya at tinitigan siya.

"Gusto mo bang pumasok muna? Para makapagpahinga ka sandali?" aya ko sa kanya. Marahan naman itong umiling.

"Nagpunta lang talaga ako dito para icheck kung nakauwi ka na. Kamusta ang lakad mo?" tanong nito. Huminga ako ng malalim.

"Wala na siya. I mean, nagbakasyon. Mas mabuti na yun para mas gumaling na siya ng tuluyan." nakangiti kong sabi sa kanya. Tinitigan niya ako ng seryoso.

"Okay ka lang ba?" he asked. Ayokong magsinungaling sa kanya kaya sinabi ko ang totoo.

"No. But ngayon lang naman to. Kailangan ko lang sigurong magadjust." I said. Huminga naman ito ng malalim bago masuyo akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Magpahinga ka na. Go to your office tommorow." he said. Kahit naguguluhan tumango nalang ako. Ngumiti siya at sumakay na sa kotse. Binaba niya yung bintana at nagsalita.

"Good night." he said.

"Good night din." tapos pinaandar na niya yung sasakyan. Nakangiting pumasok ako sa loob ng gate. Bago pa ako makapasok sa loob ng pinto naabutan ko si kuya na nakasandal doon at nakatingin sakin. Lumapit ito at iginiya ako paupo sa hagdan ng pinto.

"Masaya ka ba sa kanya.?" tanong ni kuya. I chuckled. Napatingin naman siya sakin.

"What.?" he asked.

"Nothing. May naalala lang ako. Hay.. Sa totoo lang, hindi ko akalain na mangyayari pa to. Nung umalis ako dito, sabi ko sa sarili ko hindi na ako iibig ulit. Pero tingnan mo ngayon, kinain ko din yung sinabi ko." natatawang sabi ko.

"Yeah, so? Mahal mo talaga siya?" tanong nito. Huminga ako ng malalim.

"Yes kuya. Bakit? Ayaw mo ba sa kanya?" kinakabahan kong tanong. Umiwas siya ng tingin sakin at huminga ng malalim.

"Noong una oo. Kasi sinaktan niya ang babaeng iniingatan ko. Yung nagiisang prinsesa sa buhay at puso ko." he said. Tumingin siya sakin at nagpatuloy.

"Nagalit ako sa sarili ko. Lalo na nung nakita kitang umiiyak. Sabi ko, ako yung kuya na dapat magaalaga at magtatanggol sayo pero hindi ko nagawa. Pero isang araw bigla ko nalang narealize na minsan kailangan mong masaktan, para malaman mo kung ano ang kahalagahan ng isang bagay at para matuto ksng tumayo sa sarili mong paa.." seryosong sabi sakin ni kuya. Napatitig ako sa kanya. Si kuya ba talaga to?

"Ang lalim ng hugot mo kuya ah." nakangiting sabi ko sa kanya. Naiiling na ginulo niya yung buhok ko.

"Princess, kung saan ka masaya, hahayaan kita. Kung siya ang makakapagpaligaya sayo, susuportahan kita. You deserve your own happiness. Always remember that I love you." nakangiting sabi niya sakin saka hinila ako patayo. Hinatid ako ni kuya sa kwarto ko.

"Good night princess." he said. Then hinalikan niya ako sa noo.

"Good night din kuya." I said. Then ako naman ang humalik sa kanya. Nang maisara ko na yung pinto. Nahiga na ako sa kama. Maaga pa akong papasok bukas.

Matapos kong kumain ng almusal kinuha ko na yung bag ko at umalis. Maagang pumasok si kuya dahil marami pa daw siyang gagawin. Nang malapit na ako sa tapat ng kompanya ko hinarang ako ng guard. Nagtatakang binaba ko yung bintana ng kotse.

"Ma'am, pasensiya na po pero sa likod nalang po kayo dumaan." sabi nito.

"Bakit naman.?" takang tanong ko.

"Hindi ko din po alam. Napagutusan lang po ako." sabi nung guard. Tumango nalang ako at umikot para sa likod dumaan. Agad kong pinark yung kotse at sumakay sa elevator. Nang makarating ako sa opisina ko agad akong umupo sa swivel chair. Maya maya pumasok yung secretary ko.

"May mga meeting ba ako ngayon.?" I asked. Ngumiti naman ito.

"Wala po. Pinapasabi po ni Sir Aideo na hindi kayo pwedeng lumabas ng opisina hanggat hindi niya sinasabi." she said. What the hell? Anong kalokohan ito?

"What? Bakit? May nangyari ba?" kinakabahan kong tanong. Ngumiti lang ito at lumabas na ng opisina. Nagmamadaling naglakad ako sa pinto pero huli na nakalock nayun.

"Hey!! Open the door!!" sigaw ko pero walang response. Kinuha ko kaagad yung phone ko at tinawagan si kuya.

"Hey, kuya? Ano bang nangyayari? Bakit kailangan niyo akong ikulong dito.?" naiinis na tanong ko.

"Chill lang. May ginagawa lang sa labas. Dont worry. Makisama ka nalang." he said at pinatay na yung tawag. Naiinis na hinagis ko yung phone sa sofa.

CRIS POV

Matapos kong ipahanda yung minus 1 na kakantahin ni Cloud pinapunta ko na sa unahan yung mga lalaking empleyado sa gitna. Habang nagpapractice ang mga ito pupunta muna ako kay Cloud para kamustahin ito. Nakita ko siyang mahinang kumakanta habang hawak ang isang papel.

"Ano? Kabisado mo na ba.?" tanong ko sa kanya. Lumingon naman ito sakin.

"Kinakabahan ako Cris. Paano kung hindi niya ako sagutin?" tanong nito. Inirapan ko siya.

"Wag ka ngang negative dyan. Mahal ka nun no." nakangiti kong sabi sa kanya. Huminga naman ito ng malalim.

"Kumalma ka nga. Tapusin mo na yan. Malapit na ako matapos sa labas." paalala ko sa kanya. Tumango naman ito. Nang makalabas ako inikot ko yung mga mata ko. Okay na lahat. Bumalik ako kung nasaan si Cloud.

"Okay na. Papasundo ko na ba siya?" tanong ko. Huminga ito ng malalim at tumango.

AIDEA POV

Pabalik balik akong naglalakad sa loob ng opisina ko habang naghihintay. Kumunot ang noo ko nang may marinig akong nagbubukas ng lock sa labas. Mabilis akong umayos ng tayo. Nakita ko ang isang empleyado ko na nakangiting pumasok.

"Miss Aidea, pinapasundo na po kayo ni Sir Aideo." nakangiting sabi nito. Lumapit ito sakin na may hawak na panyo. Kinakabahan na napaatras ako.

"Wag po kayong matakot pipiringan ko lang kayo." kahit kinakabahan pumayag ako. Nasa loob naman ako ng opisina. Nang matapos niya akong piringan inalalayan niya ako sa kung saan. Hanggang sa tumigil kami at unti unting tinanggal yung piring ko. Nasilaw ako nung una pero ilang saglit lang umayos na yung paningin ko. Nagulat ako sa nakita ko. Halos lahat ng empleyado nakapaligid sa mini garden ng kompanya. Marami ding tulips na nakatali sa bawat sanga ng puno. Mas lalo akong nagtaka ng may makita akong speaker sa gilid. Ilang sandali pa nagsilabasan na yung mga lalaking empleyado at naglakad sa gitna. Gumawa sila ng formation. Ilang saglit pa may nagplay na na music at mas lalo akong nagulat ng makilala ko kung sino yung kumakanta.

Araw araw ikaw ang
Gusto kong kasama
Buhay ko'y kompleto na
Tuwing nandito ka

Sa tabi mo oh aking giliw
Hindi parin ako makapaniwala
Na ang dati kong pangarap
Ay katotohanan na
Ikaw ang aking inspirasyon
Basta't nandito ka
Ako'y liligaya..

Nakatingin lang ako sa kanila habang sumasayaw. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Dahil sayo ako'y matapang
Dahil sayo ako'y lalaban
Para sayong pagmamahal
Na walang katapusan
Dahil sayo merong pangarap
Pagmamahal ko sayo'y tapat

Para sayo ang pagmamahal
Na higit pa sa sapat
Ikaw ang tanging inspirasyon
Basta't nandito ka
Ako'y liligaya...

Hindi parin ako makapagsalita sa mga nakikita ko. Nakagat ko ang pangibabang labi ko nang biglang lumabas mula sa likod ng nagsasayawan si Cloud at sumasayaw din habang kumakanta. Ano ba ang nakain ng lalaking ito ngayon. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kumindat pa siya sakin bago nagpatuloy sa pagkanta.

Minu-minuto naghihintay ng tawag mo
Marinig lang boses mo
Masaya't kontento na ako
Wala nang iba pang hahanapin
Gusto ikaw laging kapiling
Lahat magagawa dahil kasama ka..

Tinuro pa niya ako pagkabanggit niya  sa huling lyrics. Napailing nalang ako. Kinuha niya yung bulaklak na inabot ng babae at naglakad palapit sakin. Hindi ko na napigilan yung pagtulo ng luha ko. Nang makalapit siya sakin inabot niya yung bulaklak at tinanggap ko naman yun. Nagsimula ulit siyang kumanta pero sa harap ko na.

Dahil sayo ako'y matapang
Dahil sayo ako'y lalaban
Para sayong pagmamahal
Na walang katapusan
Dahil sayo merong pangarap
Pagmamahal ko sayo'y tapat

Para sayo ang pagmamahal
Na higit pa sa sapat
Ikaw ang tanging inspirasyon
Basta't kasama ka,
Ako'y liligaya...

Nang matapos itong kumanta ay huminga ito ng malalim.

"Aidea DelaCruz. Ang babaing matagal ko nang pangarap na maabot. Mula sa pagiging bartender, may-ari na ng kumpanya ngayon. Alam kong hindi ko to dapat sabihin sayo, pero gusto kong malaman mo na hindi ko to mararating kung hindi dahil sayo." he said. Nagtatakang tiningnan ko siya.

"Ikaw ang naging inspirasyon ko para magsikap ng husto. Ginawa ko ang lahat para maging karapat dapat sayo. Noong umalis ka, pakiramdam ko huminto na yung pagikot ng mundo ko. Pero sabi ko sa sarili ko kahit anong mangyari maghihintay ako sayo." hindi ko na talaga napigilan yung paghikbi na kanina pa gustong lumabas. Inikot ko yung mata ko, then nakita ko si Cris at Kuya na nasa gilid nakatingin at nakangiti saming dalawa. Binalik ko ang tingin ko kay Cloud nang magsalita ito ulit.

"Alam kong alam mo na pero sasabihin ko parin. Aidea, mahal na mahal kita. Hindi ako maghihintay ng ganito katagal kung hindi." he said. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa paghikbi. Hindi ko talaga akalain na magagawa niya to. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod at may kinuha na box. Shit.

"Aidea Delacruz, can you be my girlfriend?" tanong nito. Matagal bago ako nakarecover sa sinabi niya.

"Hey," he said. Pinunasan ko ang luha ko at saka ngumiti.

"Yes, Cloud. I will." I said. Ngumiti ito ng malapad at agad na sinuot ang singsing sa daliri ko. Nakagat ko ang pangibabang labi ko sa ganda ng singsing. Tumayo ito at niyakap ako.

"Thank you. Promise, hindi mo to pagsisisihan." I chuckled.

"Ewan ko sayo. Akala ko kung ano na ang nangyayari pakana mo lang pala." natatawa na sabi ko. Agad naman lumapit si Cris sakin at niyakap ako.

"Congrats best. Finally, may boyfriend ka na." natutuwang sabi nito. Agad namang sumingit si kuya at kinalas yung yakap sakin ni Cris. Tapos siya naman ang yumakap.

"Be happy, princess. I love you." kuya said. Tumulo na naman yung luha ko. Nagulat ako ng biglang may humatak sakin.

"Epal kayo eh, inaagawan niyo ko ng eksena. Iwan niyo na nga kami." nakabusangot na sabi nito. Kinawit ko yung kamay ko sa kanya.

"Wag ka na magalit. Buti nga tinulungan ka nila." I said. Agad naman lumambot yung mukha nito.

"Yeah, thanks." he said. Tinapik lang siya ni kuya sa balikat. Si cris naman binalaan si Cloud na wag akong paiiyakin. Napailing nalang kaming pareho ni Cloud ng hatakin ni kuya si Cris palayo. Nagpasalamat kami sa lahat ng empleyado na tumulongnsa kanya at nakangiting pumasok na sa loob




Continue Reading

You'll Also Like

28.5K 715 37
Pano kung isa kang doctor ay nainlove sayo yung pasyente mo ? Tatanggapin mo ba sya ? Mamahalin mo ba sya ? Katulad ng pagmamahal nya sayo Or Babaliw...
125K 2.2K 60
Na kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hi...
38.4K 212 5
A LOVE too GREAT to DIE. ♡ START: June 22, 2014 END: July 22, 2014
She's the Boss By Zy

Teen Fiction

2.2M 40.6K 64
Andrew is the student council president. Athena is the rule-breaker. Araw-araw nag-aaway. Araw-araw sinisita siya ni Andrew pero ganun pa rin. Lumala...