Polaris (Published under Indi...

By blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... More

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 16: Investigation

100K 3.7K 342
By blue_maiden

Investigation

Balisa ako habang naglalakad papunta sa kwarto ni Cooper. Lutang na lutang ako sa mga nangyayari lately sa buhay ko.

Dati wish ko lang na magkaroon ng mga magic na 'yan sa totoong buhay kasi ang saya 'di ba? Makakalipad ka sa langit sa sarili mo lang, magiging malakas ka, kumbaga magagawa mo ang mga bagay na imposible. Pero ngayon, ang hirap pala.

Nakakatakot.

Tama nga talaga, be careful what you wish for. Kapag nagkatotoo baka maloka ka.

Nasa corridor na ako nang mapa-atras ako dahil sa isang sigaw, "Besty!" Nang tignan ko siya, tumatakbo siya papunta sa akin. Pinulupot niya ang mga kamay niya sa katawan ko nang sobrang higpit na akala mo mababali na ang mga buto ko. "Na-miss kita, sobra!"

Wala pa nga atang isang linggo na nawala si Fashia pero ito, miss na miss na niya ako. Clingy kasi siya minsan sa mga kaibigan niya lalo na sa akin. Maingay siya at masiyahin. Masarap sana siyang kasama kaso hindi naman namin siya madalas makaalis sa bahay nila dahil strict ang papa niya.

"Sandali, bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Ihahatid na sana ako ni Papa sa bahay kaso may gusto muna siyang daanan dito sa hospital. Sumama na lang ako pero nagulat ako kasi si Cooper pala 'yong gusto niyang puntahan," hinawakan niya ang magkabilang balikat ko tska siya umiling-iling. "Ano bang nangyari doon sa kaibigan natin? Bakit na-ospital siya?"

Pabilog kung bumuka ang bibig niya habang nagsasalita. Masyado siyang na adik sa korean drama kaya pati ang mga kilos nito ay nagagaya na niya. Cute pa rin naman siya kaya ayos lang, medyo weird nga lang.

"Serenity? Ayos ka lang ba? Ano ngang nangyari kay Cooper?"

Sa dami nang nangyari sa akin kanina, nakalimutan ko na kung anong palusot ang sinabi ko sa mga rescuer.

"Uhm, na out of balance siya sa daan kaya ayon natumba siya. Masama 'yong pagkakabagsak niya kaya dinala namin siya dito sa hospital."

Tinanggap naman agad ni Fashia ang paliwanag ko. Kahit ano pa atang sabihin ko sa kanya ay maniniwala siya. Ganyan niya ako pagkatiwalaan.

Ayokong magsinungaling sa kanila ni Cooper pero ito ang mas makakabuti sa amin. Bukod sa hindi sila maniniwala sa akin ay ayoko rin silang mapahamak.

Sabi nga ng lalaking nakamaskara kanina, delikado ang mapalapit sa Polaris. Kaya mabuti ng ako na pang ang nakakaalam tungkol dito.

"Oo nga pala, ikaw ba 'yong kasama ni Cooper kanina? Gusto ka kasing makausap ni Papa."

Nanigas ako sa kinakatayuan ko.

Matagal na akong takot sa Papa niya. Sobrang sungit at strikto nito. Kapag nakakaharap ko siya, palagi akong kinakabahan dahil palagi itong nakahawak sa baril niya. Kwento rin ni Fashia, marami na raw napatay ang Papa niya pero dahil lang naman daw ito sa trabaho niya bilang isang pulis. Kaso, ang balita ko may napatay daw siyang isang taong wala naman krimern, at nakaalitan niya lang. Hindi na namin napag-uusapan pa 'yon ni Fashia pero isa 'yon sa mga dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa Papa niya.

"Kakausapin ako? Pa-para saan daw?"

"Hindi ko alam, eh. Alam mo naman na hindi ako nakikialam sa mga kaso ni Papa. Siguro magtatanong lang naman 'yon. H'wag kang mag-alala, kaibigan kita kaya hindi ka niya sasaktan."

Kahit ano pang sabihin niya, hindi pa rin mawala sa akin ang matakot.

Si Fashia na ang nagbukas ng pinto dahil parang nanginginig ang mga kamay ko. Ganito ako katakot sa Papa niya. Alam kong hindi niya kayang saktan ang anak niya pero hindi ko lang alam sa ibang tao. Sa tagal namin magkaibigan ng anak niya, never niya akong binati kaya nga pakiramdam ko ay hindi niya ako gusto.

"Papa, nandito na si Serenity."

Dahan-dahan niyang ginalaw ang ulo niya para makita ako.

Palagi itong nakasuot ng amerikana kasama ang mamahalin niyang relo. Hindi pa rin nawawala ang balbas at bigote niya na may mga halo ng puting buhok na palaging nakatayo para bang mga alon sa dagat.


Sa pagkakaalam ko, na-promote na siya bilang isang chief inspector. Kaya nga parang mas masungit na ang aura niya ngayon.

"Mag-usap tayong dalawa sa labas, pagkatapos mong makausap si Cooper."

Para akong lumunok ng isang buong buto ng rambutan. Ang dami nang tumatakbo ngayon sa isip ko. Sa tono ng boses niya parang sobrang seryosong bagay ang pag-uusapan namin.

May nagawa kaya akong mali?

"Xiang," mahinang tawag sa akin ni Cooper.

Nilapitan ko siya at hanggang ngayon ay namumutla pa rin ang labi niya at parang inaantok ang mga mata niya. Ilang oras na siyang nasa hospital pero parang walang improvement na nangyari sa kanya.

Kasalanan ko ang lahat ng ito.

Siya sa lahat ng tao ang ayokong mapahamak. Ang dami ko pang atraso sa kanya pagkatapos ito lang ang igaganti ko.

Uminit ang magkabilang pisngi ko. Tumalikod agad ako para punasan ang mga luha ko.

"Xiang, anong problema? Bakit ka umiiyak?"

Umiling ako habang pinipilit ko na ngumiti. Nakikita ako ni Fashia pero hinahayaan niya lang ako. Ibinalik ko ang tingin ko kay Cooper, "Ang hirap kasi makita ka na ganito, nalulungkot ako nang sobra."

Hinawakan niya ang kamay ko, "Maayos na ako, bukas makakalabas na rin siguro ako kaya h'wag ka na umiyak. Okay?"

Hindi ko alam kung okay na ba talaga siya o nagsisinungaling lang siya sa akin para tumigil na ako sa pag-iyak. Halata naman sa itsura niya hindi pa siya maayos, eh.

Tumingin siya sa likuran kung nasaan sa Fashia. Hindi siya nagsalita pero parang may sinenyas siya rito.

"Iwan ko muna kayong dalawa," biglang paalam ni Fashia. "Tska na lang ako babalik pagkatapos niyong mag-usap."

Pinalabas ba niya si Fashia? Pero bakit?

"Xiang," nakahawak pa rin si Cooper sa kamay ko pero ngayon at sobrang seryoso na ng mukha niya. "Kailangan natin mag-usap na tayong dalawa lang."

"Anong problema, Cooper? Bakit pinalabas mo pa si Fashia? Tungkol saan ba 'yong pag-uusapan natin?"

"Tinatanong ako ni Sir Chief kung anong nangyari sa akin. Parang may tao siyang nakita sa CCTV habang nando'n tayo sa street na 'yon pero may bagay siyang hindi maipaliwanag sa akin. Sa pagkakatanda ko, meron nga akong nakitang lalaki sa likuran mo."

Para bang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib ko. Grabeng init ang nararamdaman ko ngayon sa magkabilang pisngi ko.

Ito na nga ba ang kinakatakot ko, ang malaman ng ibang tao ang tungkol kay Scion, na isa siyang kakaibang nilalang, at mayroon siyang kakaibang kapangyarihan.

Dahil advance ako mag-isip, for sure tungkol kay Scion ang itatanong sa akin ng Papa ni Fashia. Ngayon pa lang, nai-imagine ko na mukha niyang nakakatakot habang tinatanong ako.

"Sino ba ang lalaki na 'yon, Xiang? Kilala mo ba siya? Ano ba talaga ang nangyari sa akin?"

Kanina pa ako lumulunok ng mga rambutan. Kabi-kabila na ang pagpapawis ko. Ito siguro ang pakiramdam kapag iniinterview ka ng mga pulis sa isang kwarto at may malaking bumbilya sa itaas, minsan tatapikin pa nila ang bumbilya para magpabalik balik ito.

"Xiang?"

Halos langhapin ko na ang buong hangin sa kwarto sa aking paghinga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-decide kung sasabihin ko na ba kay Cooper ang totoo o hindi.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo dati na may kakaiba sa libro na nabili ko sa Baguio?"

Bestfriend ko naman siya, eh. Baka maniwala naman siya sa akin. Alam ko na may posibilidad na mapahamak siya kapag nalaman niya pero maari rin naman siyang makaligtas dahil pwede niyang iwasan ang mga kakaibang bagay na dulot ng Polaris na 'yon. Kailangan ko rin talaga ng tao na mapagsasabihan ng lahat, 'yong normal na tao, 'yong walang magic, dahil baka tuluyan na akong mabaliw sa kakaisip mag-isa.

"Cooper, 'yong character sa story ko, lumabas siya mismo sa libro na 'yon, may magic siya at siya ang tumulak sa'yo."

Kumunot ang noo niya sa mga sinabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko sabay akyat sa noo ko, "Xiang, may sakit ka ba? Kung ano-ano ang mga lumalabas sa bibig mo."

Okay lang, ganito naman talaga ang normal na reaksyon sa mga ganitong sitwasyon. Kahit ako rin naman ay hindi agad naniwala. Kailangan ko lang ipaintindi nang mabuti ito kay Cooper.

"Nagsasabi ako ng totoo, Cooper. Nabuhay nga talaga 'yong sinulat ko sa libro at siya 'yong lalaki na nakita mo, siya si Scion."

Tinitigan niya lang ako, hindi niya siguro alam ang susunod niyang sasabihin. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa akin o iisipin niya na nababaliw na ako.

"Imposibleng mangyari ang mga sinasabi mo, Xiang. Walang magic sa mundo na 'to. Baka naman totoong tao talaga siya at nagpapanggap lang na galing sa libro mo para makalapit siya sa'yo. Sino ba siya? Baka mamaya saktan ka niya."

Sinubukan niyang umupo pero agad ko siyang pinigilan, "Anong balak mo?"

"Lalabas na ako at pupuntahan ko ang lalaki na 'yon. Hindi natin alam baka mamamatay tao pa siya o ano, tignan mo nga 'tong ginawa niya sa akin. Xiang, dapat nagig mas maingat ka sa mga taong nakakasalamuha mo."

Wrong move ang ginawa ko.

Sa susunod talaga sasarilinin ko na lang 'to. Wala talagang maniniwala sa akin. Ang taong pinakamalapit nga sa akin, ayaw maniwala, ibang tao pa kaya?

"Cooper kung ayaw mong maniwala sa akin, please lang h'wag mo na 'tong sabihin sa iba. Hindi 'to pwedeng malaman ng iba tao dahil mapapahamak si Scion, hindi na siya makakabalik sa libro."

"Sandali, naririnig mo ba ang sarili mo? Ano ba talagang nangyayari sa'yo? Gusto mo ba mag patingin sa psychologist, baka nalason na niya 'yang pag-iisip mo."

Hinawakan ko ang magkabilang braso niya pagkatapos ay tinitigan ko siya para iparating na ang bagay na ito ay pwede ko rin na ikapahamak. Halos hindi na nga ako kumukurap habang nakatingin sa kanya, "Cooper, nakiki-usap ako sa'yo. H'wag na h'wag mo 'tong sasabihin kahit kanino. Isipin mo na wala akong sinabi sa'yo na kahit ano. Kung pinapahalagahan mo talaga ang pagkakaibigan natin, susundin mo ang pakiusap ko."

Ayoko man gamitin sa kanya ang best friend card pero wala na akong ibang choice. Kilala ko siya at pursigido siya sa lahat ng bahay kaya for sure hindi niya tatantanan si Scion.

Bakit ba kasi hindi ko siya makumbinsi sa mga sinasabi ko? Kailangan ba mag-magic muna sa harapan niya si Scion? Pero hindi magandang ideya kung maghaharap sila. Mainitin pa naman ang ulo ng Scion na 'yon at ito naman si Cooper, ngayon pa lang ay ayaw na sa una.

Pinikit niya ang mga mata niya sabay hinga nang malalim, "Nag-aalala ako sa'yo nang sobra pero kung 'yan ang pakiusap mo, sige gagawin ko. Sana lang alam mo talaga ang ginagawa mo dahil ayokong mapahamak ka."

Magpapasalamat pa lang sana ako sa kanya pero kumatok na si Fashia, "Serenity, kailangan ka na raw makausap ni Papa, aalis na rin kasi siya."

Ito na naman ang puso ko, nagwawala na naman at hindi alam ang gagawin.

"Sige, papunta na ako," tinignan ko ulit si Cooper, bumulong ba lang ako ng salamat sa kanya habang humahakbang palabas ng kwarto.

Nakaupo sa sofa sa gilid ng corridor ang Papa ni Fashia. Dahan-dahan akong humakbang papunta sa kanya. Namamatay matay pa ang ilaw sa tabi niya kaya mas lalo akong pinagpapawisan. Pero sa totoo lang, mas takot pa ako sa kanya kaysa sa multo.

"Good evening po, Sir Raymond."

Tikom ang bibig niya, itinuro niya lang sakin ang isa pang sofa sa harapan niya. Dali-dali akong umupo ro'n. Mukhang nagmamadali na nga talaga siya. Paano pa kaya ako makakaisip ng mga palusot sa mga tanong niya?

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, sino ang lalaking tumulak kay Cooper?"

Kung kanina rambutan ang nalunok ko, ngayon, buko na.

Lintek na CCTV kasi 'yan, pahamak masyado.

Parang aatakihin ata ako ng hika ko. Nahihirapan akong huminga. Para akong alarm clock sa sobrang panginginig. Hinawakan ko ang upuan hanang dahan-dahang humihinga.

"Serenity, gusto kong sagutin mo agad ang mga tanong ko."

Hindi gano'n kadali, kailangan maging maingat ako sa mga sasabihin ko. Kailangan pag-isipan ko 'tong mabuti.

Sasabihin ko na lang ba sa kanya ang totoo at baka matulungan niya ako kay Scion?

Open-minded naman siguro siya kaya baka mas may chance na maniwala siya sa akin. Kapag nalaman niya ang totoo, hindi na ako mahihirapan pang magtago at pagtakpan ang nilalang na 'yon.

Ibubuka ko pa lang ang bibig ko ay bigla na lang nag-flash sa isip ko ang mga ginagawang pagpatay ni Scion sa mundo nila. Hindi imposibleng magawa niya rin 'yon dito sa mundo ko lalo na kapag may threat siyang naramdaman. Isang siyang miyembro ng hukbo kaya punong puno ng defense mechanism ang katawan niya.

Naisip ko lang bigla na kapag nalaman ng mga tao na kakaiba si Scion, na may kapangyarihan siya ay ikulong nila ito o kaya naman abushin ang kung anong meron siya. Madaming tumakabong scenario sa isip ko pero lahat ng iyon ay hindi maganda.

"Hindi ko po siya kilala," 'yan na lang ang tanging nasagot ko. Hindi ko alam kung tama ba ang nasagot ko. Kapag kinakabahan ako, hindi gumagana nang maayos ang utak ko.

"So, meron nga talagang tumulak kay Cooper, tama?"

Ang hirap niya basahin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon.

Ano kayang problema at kailangan niya pang malaman kung sino ang tumulak kay Cooper? Gano'n ba kalala ang nangyari para sa kanya?

Ang dami naman na mas malalang kaso pa kaysa rito, sana ayon na lang ang imbestigahan niya. May nabaril, nasaksak at kung ano pang terible pa rito, bakit pinag-aaksayahan niya 'to ng oras?

Hindi naman talaga sinasadya ni Scion ang nangyari, pinoprotektahan niya lang naman ako.

"Hindi ko po alam, natataranta na po ako kaya hindi ko na po napansin."

Tumawa siya nang malakas.

Tumayo siya at inayos niya ang amerikan niya. Humakbang siya papunta sa lamesa sa harapab ko at do'n siya umupo. Ngayon ay mas malapit na siya sa akin at mas titig na siya sa mga mata ko, "Namamangha ako dahil nagagawa mong magsinungaling sa harapan ko. Hindi mo pa rin ata ako kilala hanggang ngayon. Uulitin ko ang tanong ko, sino ang lalaking tumulak kay Cooper?"

Dahan-dahan kong natikman ang dugo galing sa labi ko. Minsan kapag nakakatakot ako nang matindi, may ugali ako na kagatin ang labi ko hanggang sa mag dugo. Paraan ko ito para mabaling ang atensyon ko sa labi ko kaysa sa bagay na kinakatakutan ko.

"Sagutin mo ako, ngayon na."

Mas lalo na akong nahihirapan sa paghinga kaya kinuha ko na ang inhaler ko sa bag at ginamit ko na iyon sa harapan niya.

Para akong gising ng tatlong araw sa pagod at stress na nararamdaman ko ngayon.

"Papa!"

Naramdaman ko ang mainit na kamay sa mga balikat ko.

"Anong ginawa mo sa kaibigan ko? Inaatake na siya ng hika niya! Pwede bang tama na 'tong pagtatanong mo sa kanya? Kailangan na niyang magpahinga."

Sa pagdating ni Fashia, kahit papaano, nakahinga na ako nang maayos.

Ano kayang naisipan niya at pinuntahan niya kami? Never pa naman siyang nakialam sa trabaho ng papa niya. Pero laking pasasalamat ko na ginawa niya 'to ngayon.

"Ihatid mo na siya sa sakayan at nang makauwi na siya, aalis na rin tayo."

Bago siya umalis ay binigyan niya ako ng tingin na parang bang sinasabi niyang hindi pa kami tapos. Alam ko naman 'yon, babalikan at babalikan niya ako at siguro sa oras na 'yon, mas handa na ako sa mga sasabihin ko.

Unti-unti na akong nagiging okay.

"Okay ka na ba besty? Ano bang nangyari? Anong ginawa sa'yo ni Papa?"

"May mga tanong lang siya na hindi ko masagot kaya nahirapan akong huminga."

Niyakap ako ni Fashia, "Sorry besty, kung ano man 'yan, hindi na rin muna ako magtatanong. Umuwi ka na muna at magpahinga, ihahatid na kita sa sakayan."

Buti na lang at naintindihan niya ako. Magkaibang magkaiba talaga sila ng Papa niya.

"Paano si Cooper, sinong magbabantay sa kanya?"

"Nandyan na 'yong tatay niya kaya h'wag kang mag-alala. Nakatulog na siya dahil sa gamot. Ikaw rin umuwi ka na at matulog, late na rin."

Hinatid niya ako sa sakayan. Pinilit ko siya na mag-commute na lang ako pero ayaw niyang pumayag. Gabi na raw at baka mapano pa ako. Inaalala ko kasi 'yong pamasahe, baka abutin ako ng isang libo sa layo, wala na akong pangbili ng pagkain. Pero wala naman akong nagawa, tumawag siya ng taxi sabay abot sa'kin ng isang libo. Tinulak na niya ako paloob kaya hindi ko na natanggihan ang pera na inabot niya.

Buti na lang and'yan si Fashia sa tuwing kailangan ko siya. Sana dumating din ang panahon na kapag kailangan niya ako, nad'yan din ako para tulungan siya.

"Miss, may alam akong shortcut, doon na lang tayo dumaan."

Tinignan ko si kuyang driver sa rear mirror pero hindi ko siya aaninag dahil naka-cap siya.

Umatake na naman ang pagiging paranoid ko.

Naisip ko na baka isa na naman siya sa masasamang tao na gustong makuha ang Polaris at ililigaw niya ako sa kung saan para tanungin na naman ako.

"Kuya, sa highway na lang po tayo, hindi kasi ako komportable sa daan dito. Isa pa medyo malapit na naman ang bahay ko."

Talon na naman nang talon ang puso ko. Wala na ba 'tong kapaguran? Baka mamaya atakihin na lang ako sa puso nito.

"Gagawin kong komportable ang pagsakay mo rito sa taxi ko," tinignan niya ako at nagulat ako dahil namumula ang mga mata niya. Medyo may edad na siya kaya nang ngisian niya ako, nagsitayuan agad ang mga balahibo ko. "Alam mo matagal ng patay ang asawa ko kaya matagal ng walang nagpapaligaya sa akin, pwede bang ikaw na lang?"

Sinubukan ko agad na buksan ang pintuan pero naka-child lock siya.

Inihinto niya ang sasakyan sa isang madilim na lugar.

Tumuwad si kuyang driver sa harap para makapunta sa likuran kung nasaan ako. Inaabot niya ang hita ko pero sinisipa ko siya palayo.

"H'wag ka ng pumalag, masasarapan ka naman sa gagawin natin, eh."

"Maawa po kayo sa akin, h'wag niyo po itong gawin!"

Kumakatok sa bintana para makatawag ng pansin habang sinisipa ko palayo si kuya.

Lord, h'wag niyo pong hayaan na makuha ni kuya ang virginity ko. Please. Para 'yan sa magiging asawa ko.

"Tulong!"

Hindi ko alam kung may makakarinig sa akin mula sa labas pero ito na lang ang alam kong way para maligtas ako. Pilit kong kinakatok ang bintana pero wala pa rin nakakarinig sa akin.

"H'wag ka nang mag-aksaya ng laway, walang makakarinig sa'yo rito. Sundin mo na lang ako para hindi ka masaktan."

May patalim siyang kinuha sa bulsa niya. Huminto ako sa pagsipa sa kanya dahil baka saksakin niya ang mga paa ko.

Basang basa na ang magkabilang pisngi ko dahil sa mga luha ko.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang mga hita ko papunta sa pagkababae ko. Sa tanang buhay ko, wala pang lalaki na nakahawak sa maselang parte ng katawan ko kahit pa si Liam.

Hindi ko na kinaya ang ginawa niya kaya sinipa mo ulit siya, bahala na kung saksakin niya ako.

"Palaban ka talaga ha?"

Hindi na lang ang mga mata niya ang namumula ngayon, pati ang buong mukha niya. Kahit ang mga ugat niya ay kitang kita ko na.

"Gusto ko 'yan pero nasaktan ako sa sipa mo kaya tikman mo 'to," hiniwaan niya ang hita ko, malalim ata ang ginawa niya dahil sobrang sakit at init ang nararamdaman ko ngayon sa sugat ko. "Ayan, mag be-behave ka na siguro n'yan."

Dumudila dila pa siya habang papalapit na naman sa akin.

Ang saklap naman, mamamatay na nga ako, mara-rape pa muna ako.

"Please, h'wag po, maawa po kayo sa akin." Mahina na lang ang boses ko pero pilit ko pa rin iyon sinasabi, nagbabakasaling magbago pa ang isip niya. "Please.."

Hindi niya ako pinakinggan, hinawakan niya muli ang pagkababae ko. Nakakagat ako sa labi ko habang malakas ang panginginig at puno ng luha ang mukha.

Umupo siya para ibaba ang pantalon at brief niya pero nagulat ako dahil bigla siyang napayuko kasabay ng pagbasag ng bintana ng taxi niya.

May isang lalaki na nakatayo sa labas at may hawak siyang fire extinguisher.

Hindi ko pa maaninag ang mukha niya dahil madilim.

Sino ka?

---

Continue Reading

You'll Also Like

371K 27.5K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION
6.2M 218K 50
Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng isang nobelang magbibigay sa kanya ng ka...
20.7M 761K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...