Possessive Nights (Completed)

By LoveUUUnot

436K 6.4K 231

Angela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her... More

Dedication
Prologue
CH.1 My Hero
CH.2 Change
CH.3.1 The Wedding
CH.3.2 In-laws Proposition
CH.3.3 The Unexpected
CH.3.4 Heartbreaking Moment
CH.3.5 The hardest Part
CH.3.6 At last (SPG)
CH.4 Brandnew Husband
CH.5 The Womanizer
CH.6 Failed
CH.7 Drowned
CH.8 Battered Wife
CH.9 Tears And Pain
CH.10 The Truth
Ch.11 Magnate
CH.12 In Danger
CH.13 That Woman
CH.14 Take Control
CH.15 Neighbor
CH.16 In his Arms Again
CH.17 Brown Out
CH.18 Busted
CH.19 The Cook
CH.20 Tragedy
CH.21 Lie to Me
CH.22 Spy Boys
CH.23 Caji
CH.24 The Gown
CH.25 The Rivals
CH.26 Letting Go
CH.27 Kidnapped
CH.28 King Cobra vs. Mariang Mapalad
CH.29 The Visitor
CH.30 He's Back
CH.32 The Party
CH.33 Big Announcement
CH.34 Kiss
CH.35 The Choice
CH.36 Why?
CH.37 Helpless
CH.38 Restricted
CH.39 Midnight Visitor
CH.40 Missing
CH.41 The Monster
CH.42 Tortured
CH.43 His Greatest Fear
CH.44 Wife Figure
CH.45 Bitter and Sweet
CH.46 Revelation
CH.47 The Warning
CH.48 Necklace
CH.49 Surprise
CH.50 The Search
CH.51 Premonition
CH.52 Ambushed
CH.53 The Chase Starts
CH.54 Lighthouse
CH.55 His Decision
CH.56 Sick
CH.57 Missing Her
CH.58 Heartache
CH.59 Acceptance
CH.60 Birthday Surprise
CH.61 Unintentional Sin
CH.62 A Mother's Love
CH.63 Last Wish
Ch.64 Granted
CH.65 Angela
CH.66 Engagement
CH.66 End of Tears
CH.67 This Time
CH.68 Gun and Roses
CH.69 The End
Epilogue

CH.31 Once Again

4.1K 73 0
By LoveUUUnot

~•Never think someone will be there forever. Forever is a long time and time has a way of changing things.•~

-Anonymous




*ANGELA'S POV*



"Magnanakaw ka!!! You are a certified fucking thief." sabi ng galit na galit na si Trixie  habang kinakaladkad ako papunta sa sala. Hindi ko alam na may certification na pala ngayon ang pagiging magnanakaw.

Kung makahila siya sa buhok ko akala niya ako si Rapunzel.

"Hindi ko nga kinuha ang necklace mo. Bakit ba ang kulit mo?" sabi ko sakanya. Pinagbibintangan niya ako na ninakaw ko daw yung necklace niya kahit hindi naman totoo.

Ano'ng pakialam ko sa necklace niya?

"Magnanakaw ka na nga, sinungaling ka pa." isinubsob niya ako sa sahig nang makarating kami sa sala.

Hindi pa siya nakuntento sa buhok ko, at pisngi ko naman ang pinuntirya niya. Ramdam ko ang panunuot ng hapdi sa magkabilang pisngi ko sa lakas ng pagkakasampal niya.

'"You're not only a bitch but you're a thief too." muli niyang sinabunutan ang buhok ko.

"Array!! A-ano ba? Bitiwan mo nga ang buhok ko." reklamo ko.

Nagtitimpi lang ako pero konti nalang talaga papatulan ko na siya. "Ano ba talagang problema mo!?" nagtaas na ako ng boses. Naiinis na ako sa babaeng 'to, hindi pa ba siya nagsasawa? Kahapon niya pa ako pinahihirapan.

"Ikaw!? Ikaw ang problema ko." sabi niya.

At ako talaga, hah. As far as I know, siya ang namimirwisyo sa'kin at hindi ako. At kung sino man ang may karapatan na magreklamo dito, ako 'yon.

"Ilabas mo na kasi ang necklace ko, alam ko na kinuha mo 'yon!"

"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na hindi ko kinuha ang necklace mo. Hindi ko nga alam 'yon e."

"At nagmamaang-maangan ka pa ngayon. Ang sabihin mo naiinggit ka lang kaya mo kinuha."

Naiinggit!? Hibang ba siya? lahat ng meron siya ngayon ay unang naging akin.....kaya bakit ako maiinggit sakanya. Kung may kaiinggitan man ako hindi sa tulad niyang mangaagaw.

Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. Ayoko magmukhang war freak katulad niya. Naturingan pa naman edukada pero basagulera din naman pala.

"Pwede ba Trixie, 'wag mo ako pagbintangan. Kung naghanap ka ngayon palang baka makita mo pa ang necklace na 'yan." tumalikod ako sakanya para umalis.

"'Wag na 'wag mo ako tatalikuran, kinakausap pa kita." sabi niya at muli niyang sinabunutan ang buhok ko. "Kaya nga hinahanap ko sayo 'di ba. Ikaw lang naman ang pwedeng kumuha no'n e, ikaw lang. Baka kasi wala ka nang pantustos sa baldado mong ina kaya ka nangunguha ng gamit ng iba."

Biglang nag-init ang dugo ko sa sinabi niya. Sumosobra na siya? Ayos lang sa'kin kung paulit-ulit niya ako laitin at pagbintangan ng kung anu-ano pero dahil dinamay niya si inay, ibang usapan na 'to.

"Tama nga ang sabi nila. Like Mother like daughter, kapag magnanakaw ang ina siguradong magnanakaw din ang anak. Mana-mana lang 'yan." ubos na talaga ang pasensya ko sa bruha na'to.

"Ah, ganun hah." I tried to reach her hair kahit nasa likod ko siya.

"Ouch!!!" she groaned.

Alam mo naman palang masakit tapos kung makasabunot sa buhok ko parang wala nang bukas. Inilabas ko lahat ng galit na naipon ko para gumanti sakanya.

"Hayop ka talagang babae ka!!" sabi niya.

"Hayop karin, gaga." balik ko.

Halos mahubaran na kami dahil sa sabunutan namin.

"Aaah!" napaluhod ako ng sipain niya ako sa tiyan. Sinuntok ko naman ang puson niya kaya napaluhod din siya.

Sa inis niya'y dinamba niya ako dahilan para pumailalim ako sakanya. Sinampal niya ako ng paulit-ulit habang sinasabunutan niya ako.

Dehado ako sa posisyon ko ngayon. Kailangan ko gawin ang lahat para ako naman ang pumaibabaw sakanya. Nang makakuha ako ng open spot ay buong lakas ko sinungaban ang pagmumukha niya na nagpataob sakanya sa sahig. Pagkakataon ko na ito para ako naman ang magpahirap sa makapal niyang mukha.

Nagpagulong-gulong kami sa sahig at nagpalitan ng mga suntok, sampal at sabunot. Walang tumitigil at nagpapatalo, at wala talaga akong balak magpatalo sakanya, handa akong makipagpatayan hanggang sa isa nalang sa'min ang matira.

"Magnanakaw ka!!!" Trixie.

"Malandi ka!!!" ako.

"Inggitera!!!" Trixie

"Ahas!!" ako.

Halos masira na namin ang lahat ng gamit dito sa sala tapos yung mga itsura namin para nang nasabugan ng atomic bomb sa sobrang gulo.

"Demonyo ka, Angela!"

"Idol kasi kita."

Ilang saglit pa'y may narinig akong mga yapak papunta dito sa sala.

"Naku...Angela!!" rinig kong sabi ni Manang Martha nang makita niya kami ni Trixie na nagsasabong sa sahig.

"What the....Trixie!!" sabi naman ni Bryle.

Sinubukan kami awatin ni Manang at Bryle pero walang gustong bumitaw sa aming dalawa. Wala kaming pakialam kahit si Bryle na mismo ang umaawat sa amin, parehong nasa war zone ang utak namin dalawa kaya mahirap kami pigilan.

"Stop it!!!" Bryle.

"I SAID STOP!!!!" hinawakan ni Bryle ang braso ko at buong lakas ako itinulak palayo kay Trixie.

Halos mamalipit ako sa sakit nang tumama ang balikat ko sa paanan ng lamesita. Hinawakan ko ang bahaging napuruhan, at nakita ko mula dito ang bahid ng sarili kong dugo.

Agad naman ako nilapitan ni Manang. "Angela!!" tawag nito sa'kin.

Mas nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko nang tumingin ako sa kinaroroonan nila Bryle at Trixie. Mahigpit ang yakap ni Bryle kay Trixie na nagkukunwari pang umiiyak. Hindi maikakaila ang pag-aalala niya dito, masakit lang dahil hindi man lang siya nag-abalang tignan kung nasaktan ba ako o hindi sa ginawa niyang pagtulak sa'kin.

Inalalayan ako ni Manang sa pagtayo bago ako humarap kay Bryle para magpaliwanag.

"May makakapagsabi ba sa'kin kung ano ang nangyayari dito." maotoridad na sabi ni Bryle habang palipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa.

"That bitch!!! She stole my necklace, the one that you given to me." tumingin si Bryle sa'kin.

"Is that true!?" Bryle.

"H-hindi, hindi totoo 'yon. Wala akong kinukuha."

Umiiyak na ako sa harap nilang lahat pero wala parin tatalo sa pagka-best actress ng bruhang si Trixie. Halatang nagpapaawa lang siya kay Bryle.

"She's lying! Siya ang kumuha no'n, iniwan ko ang necklace ko sa ilalim ng unan ko bago siya pumasok sa kuwarto natin para maglinis at nang kukuhanin ko na ang necklace wala na ito sa lugar kung saan ko ito iniwan. Wala naman ibang pumasok doon kundi siya lang e." pagbubunton niya ng sisi sa'kin.

"Wala ako kinukuha sayo. Oo naglinis ako, pero wala akong kinukuhang necklace." depensa ko.

"Bryle,'wag ka maniwala sakanya. I am sure na siya talaga ang kumuha. Bryle, pa'no na 'yan? Alam mo naman kung gaano kahalaga sa'kin ang necklace na 'yon 'di ba. Doon nakalagay ang singsing na binigay mo sa'kin." yumakap ito kay Bryle.

Singsing!? Balak niya bang magpakasal kay Trixie?......pero kasal pa kami, ni walang annulment na naganap kaya paanong magpapakasal siya sa ibang babae?

"That serve as my only remnant noong gabing nagproposed ka sa'kin." dagdag pa nito.

May kaunting kirot akong naramdaman sa narinig ko, nag-proposed na pala siya dito. How sweet! Hindi man lang ako nasabihan.

Muli akong tinignan ni Bryle, unti-unti nang binabalot ng galit ang mukha niya.

Wala nang ibang lumalabas sa aking bibig, tanging mga pag-iling na lamang ang nagagawa ko. Basang-basa na ng luha ang aking mukha. Sa mga tingin ko nalang siya kayang pakiusapan na paniwalaan ako.


Bryle, maniwala ka naman sa'kin.


Kahit ngayon lang.


Ngayon lang, Bryle!


Ngayon lang.


Naglakad ito papunta sa kinatatayuan ko. Nang makarating siya sa harapan ko'y inilahad niya ang kanyang kamay na para bang may gusto siyang kuhanin mula sa'kin. Isa lang ang ibig sabihin no'n.

Hindi niya ako pinaniwalaan. Mas naniniwala siya kay Trixie simply because mas matimbang si Trixie kaysa sa'kin.


Si Trixie na future wife niya......


...........at ako na future ex-wife niya.


"Wala sa'kin, Bryle! Hindi ko talaga kinuha." Hinang-hina na sabi ko, I'm losing my strength.

"Give it to me." pinipilit niyang kuhanin sa'kin ang bagay na wala naman talaga.

"Bryle! sinabi na ni Angela na hindi niya kinuha." pumagitna na si Manang sa nangyayaring tensyon sa pagitan namin. "Tama na 'yan, mas mabuti hanapin nalang natin ang necklace na 'yan."

Nagsalita na si Manang pero hindi na naman siya nakikinig. Wala na naman siyang pinakikinggan, nagpapadala na naman siya sa emosyon niya.

"Take off your clothes!" natulala ako sa sinabi niya.

Nababaliw na talaga siya, hindi niya na alam ang sinasabi niya.

"I said take off your clothes. Hindi mo ba narinig?" He repeated.

"Bryle, ano ba!? Sumosobra ka na." Manang.

"Bryle!" I said in a very evident dismayed tone. Bakit niya ba 'to ginagawa? Para sa isang kuwintas paghuhubadin niya ako.

"Hindi mo kailangan gawin ang sinasabi niya, nababaliw na siya." sabi sa'kin ni Manang.

Nabigla ako nang biglang hinawakan ng mahigpit ni Bryle ang buhok ko. "'Di ba sabi ko sayo maghubad ka o baka naman pati 'tong matandang 'to gusto mo idamay." bigla akong kinabahan sa banta niya. Pati ba naman si Manang Martha na halos tumayong ina niya idadamay niya. Ganito na ba talaga siya kasama?

"'W-wag mo siya idamay, g-gagawin ko na ang inuutos mo." hindi ko na hihintayin pang madamay pa si Manang, maghuhubad lang naman ako e. Wala naman mawawala sa'kin.

Ipinikit ko ng madiin ang mga mata ko "Matatapos din 'to, Angela! Matatapos din ito." sabi ko bago ko dahan-dahang ibinaba ang suot kong damit.

"Angela, 'wag ka makinig sakanya. 'Wag mo siya sundin." Manang.

"Okay lang, Manang. Kaya ko 'to." tumalikod nalang si manang sa akin, malamang ay hindi nito kayang sikmurain ang gagawin kong ito.

Tuluyan ko nang natanggal ang suot kong pang-itaas hanggang pang-ibaba. Nakayuko ako habang ginagawa ko 'to. Lunod na lunod na ako sa kahihiyan habang muling gumuhit ang patak ng luha sa aking mukha.

"What a bitch!" bulong ni Trixie.

Bitch? Siguro nga ganun ako. Lahat sila ganun ang tingin sa'kin.

"Look....that's my necklace." napatingin ako sa bulsa ng hinubad kong damit at doo'y otomatikong nanlaki ang dalawa kong mata nang makita ko ang isang kuwintas na nakasilip sa bulsa ng damit ko. Paano napunta 'yon doon?

Kinuha ito ni Bryle at itinapat ito sa harap ko. Bakit napunta 'yan sa bulsa ko? Dumako ang tingin ko kay Trixie, gumuhit ang pilyang ngiti sa kanyang mukha. Malamang siya ang may kagagawan nito, gusto niyang pagmukhain akong masama kay Bryle. Nagbalik ako ng tingin kay Bryle na nanggagalaiti na ngayon sa galit, alam ko na ang kasunod no'n.


Slap! Slap!


Dalawang magkasunod na sampal mula sakanya ang dumapo sa aking magkabilang pisngi na siyang nagpadapa sa'kin.

"Angela!!!!.......Bryle, ANO BA!?" bulyaw ni Manang.

"Tumayo ka diyan!" utos ni Bryle.

Ginamit ko ang dalawa kong kamay upang alalayan ang sarili ko sa pagtayo.

Hindi pa man ako nakakatayo'y muli niyang hinawakan ng mahigpit ang buhok ko. Sinimulan niya akong kaladkarin papunta sa kusina.

"Bryle, tama na! Itigil mo na ang pagpapahirap kay Angela." sinundan kami ni Manang Martha. Nagmamakaawa na ito kay Bryle.

"Ibibigay ko lang ang nararapat sa mga tulad niyang magnanakaw." Bryle.

Sinubukan akong tulungan ni Manang pero pinigilan siya ni Trixie.

"Bryle, nasasaktan ako!"



*XAVIER'S POV*


"Sir, mukhang excited na kayo sa party niyo mamaya, ah." puna sa'kin ng driver kong si Luisito.

Pinagmamasdan ko ang gown na binili ko para kay Angela. I hate parties and celebrations. Hindi ako excited kahit gaano pa ito ka-engrande, but today is a different story. Mula nang pumayag si Angela na maging date ko'y hindi na ako magkandamayaw na dumating ang araw ng kaarawan ko. Ang makasama lang si Angela ang pinaka-magandang regalo na matatanggap ko.

Alam ko na ang lahat ng tungkol sakanya, kung sino siya at lahat ng pinagdaanan niya. At kung sino siya sa buhay ni Bryle Bryan Oxford.

Hanga ako sa katatagan niya, kung paano siya nagtitiis sa isang mundo na wala naman siyang napapala kundi pasakit. Gusto ko siya ilabas sa mundo niya at dalhin sa mundo ko. Dito'y siguradong papasayahin ko siya.

Matapang siyang babae. Baon sila sa utang at nasa ospital pa ang kanyang ina pero sa kabila no'y nagagawa niya pa rin magpasaya ng tao at isa lamang 'yon sa milyun-milyong dahilan kung bakit ko siya nagustuhan......kung bakit ko siya minahal. Noon pa man mahal ko na siya.

"Ibang iba kasi ang ngiti niyo ngayong araw e. Abot hanggang langit." He added.

"How do you say so?"

"E kasi kahapon pa kayo nakatingin sa gown na 'yan e. Para kanino ba 'yan.....para ba 'yan sa chix mo? Eeeeeei." pang-aasar ni Luisito. Ngumiti nalang ako at tumawa, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "O, ayan! Kinikilig na naman kayo. Uy! si sir, pumapag-ibig. Sino ba 'yan, sir. Hah?"


Kinikilig daw. Paano ba ang feeling ng kinikilig?


Yung ngumingiti ka kahit walang dahilan.


Yung parang may butterfly na lumilipad sa tiyan mo kapag naiisip mo siya.


Yung para kang naiihi na natatae na ewan.


At higit sa lahat, yung napapasaya ka niya kahit sa maliit na bagay lang.


Ganun ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya.


"Wala!" sabi ko na pilit pinipigilan ang saya na nararamdaman ko.

"Anong wala!? Lahat ng saya may pinagmumulan. At ang kilig, produkto 'yan ng pagmamahal." ang daming alam ng lalaking 'to.

"Imbento ka!?" ako.

"Siguro si Angela 'yan 'no? Para sakanya 'to 'no!?" pangungulit niya sa'kin. "Ayyyyyeeee! Sinasabi ko na nga ba e. Liniligawan mo na ba siya?" he really pressing me out.

"Manahimik ka nga diyan!" suway ko sakanya.

"Nagde-deny pa kayo sir, e halata naman sa mukha mo na balak niyo ligawan si Ms.Beautiful." sabi pa nito.

Noong una nagugulahan din ako sa nararamdaman ko sakanya pero ngayon buo na ang loob ko. May lakas na ako ng loob, at ngayong araw ang tamang panahon para aminin ko sakanya ang nararamdaman ko. Kung hindi siya kayang mahalin ng asawa niya, alam ko na ako ang tamang tao na magbibigay sakanya ng pagmamahal na nararapat sakanya. Handa ko ipagpalit ang lahat para sakanya, gagawin ko ang lahat mapasakin lang siya.

Napaka-tanga ni Bryle, at hindi ko hahayaan mapunta si Angela sa taong tulad niya. Humanda ka! Ngayong gabi, ipapamukha ko sayo kung gaano kahalaga sa'kin ang taong patuloy mong sinisira. Ngayong gabi, siguradong mapapasakin ang babaeng matagal ko nang gusto makuha.


*Flasback*


I'm walking down the street. I was drunk, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pinalayas ako ni dad sa bahay dahil ibinenta ko ang isa sa mga ancestral house namin sa probinsya. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko, mabuti pa na pakinabangan ko ang lahat ng pag-aari niya kaysa naman mapunta ito sa pangalawa niyang asawa. Nakakainis lang dahil hindi ko nabawi sakanya ang kotse ko, buwisit!

Hindi na ako umaasa na magkakaayos pa kami ni Dad. Sira na ang buhay ko. Wala na akong pakialam sa darating na bukas, basta ang importante lang ngayon ay masaya ako, nagpapakalunod sa alak, sugal at babae. Walang direksyon ang buhay ko, kasi wala naman talaga akong patutunguhan.

I decided to go to one of my friends bar, doon ko lulustayin ang perang napagbentahan ko. Tumigil ako saglit at humanap ng isang lugar kung saan ako pwede umihi, napunta ako sa isang pader sa hindi kalayuan then I saw a woman leaning against the wall. Mabilis kong itinaas ang zipper ng pantalon ko. "Fuck!!!" I cursed.

"Sinisilipan mo ba ako?" lumapit ako sakanya at binulyawan ito.

"Ano!?" sinipa ko ang isang basurahan dahilan para matapon ang laman nito. Hindi niya ako sinasagot na siyang mas nagpadagdag sa init ng ulo ko pero humupa iyon nang mapansin ko na naghahabol siya ng kanyang hininga. "M-miss, okay ka lang!?" tanong ko.

Nakahawak siya sa kanyang dibdib, mukhang nahihirapan siyang huminga.

"Miss!!!" sabi ko nang bigla nalang ito natumba. "Miss, gising!"

Hayy! Buwisit na buhay 'to, Ano ba'ng gagawin ko? Ano kaya kung iwan ko nalang siya dito? Kaso baka mamatay siya at baka ako pa ang mapagbintangan. Sa huli'y binuhat ko ito at dinala sa pinakamalapit na ospital.



Kanina pa ako hindi mapakali,  nakakailang hithit na ako ng sigarilyo para lang pakalmahin ang sarili ko. "Sir, bawal po 'yan dito." puna ng isang nurse sa'kin. Inirapan ko ito bago ko hinulog at tinapakan ang sigarilyo ko.

"Kamusta siya, doc!?" tanong ko sa doktor na tumingin sa babae.

"Isasailalim muna namin siya sa ilang diagnosis pero sa ngayon stable naman na ang kalagayan niya." biglang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ng doctor.

Pumasok ako sa loob at pinagmasdan ito habang natutulog. "Did I save you?" tanong ko.

Ako yung tipo ng tao na walang pakialam sa iba, sarili ko lang ang iniisip ko pero bakit bigla ako naging concern sa'yo?

Hinaplos ko ang buhok niya. Napaka-ganda niya, para siyang anghel. Marami nang babae ang dumaan sa buhay ko pero kakaiba ang babaeng ito, naiiba siya sa kanila.

Hindi ko namalayan na ang lapit na pala nang mukha ko sakanya, umayos ako ng upo at ibinalik ang sarili ko huwisyo.

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong kumabog ng mabilis.

Ano ba itong nangyayari sa'kin? Bakit ako nagkakaganito?

Ano ba'ng meron sayo att bakit ganito nalang ang epekto mo sa'kin? Pilit man akong umiiwas pero sakanya parin ang bagsak ng paningin ko. Wala, wala 'to, nakainom lang ako kaya kung anu-ano ang naiisip ko.

Hindi na ako nagtagal sa ospital, binayaran ko lahat ng bills ng babae bago ako umalis. Halos walang natira sa pera ko. Malamang sasabihin ng ibang tao na katangahan ang ginawa ko. Hindi ko kilala ang taong tinulungan pero ipinagpalit ko parin ang sarili kong kaligayahan para lang mailigtas siya.

Mula no'n palipat-lipat na ako ng tirahan, nasubukan ko ang lahat ng bagay na hindi ko inakalang magagawa ko, iba't ibang trabaho ang pinasukan ko para lang kumita ng pera, naranasan ko gumapang sa hirap habang kumakalam ang sikmura hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko sa tapat ng bahay namin, lubog ang mga mata at nangangayayat sa gutom. Alam ko na malaki ang pagkakasala ko kay dad, at pinagsisisihan ko ang lahat ng iyon sa harap niya. Kinain ko lahat ng sinabi ko na hindi ko na siya kailangan dahil sa totoo lang...siya lang ang natitirang pag-asa ko sa mga panahon na'to, siya lang ang tanging makakapitan ko.

"Sorry dad, I'm so sorry, sorry dad! Sorry." paulit-ulit akong humingi ng patawad sakanya. Halos lumuhod na ako sa harap niya.

"My son!" pinatayo niya ako at mahigpit na niyakap. "Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sayo."

Muli akong tinanggap ni dad sa pangakong aayusin ko na ang buhay ko. Pinalipad niya ako sa ibang bansa at doon ako nagsimula ng panibago.

Kinalimutan ko ang lahat na nangyari sa'kin, lahat ng masasakit na alaala pero mayroon isang bagay na hinding-hindi ko malilimutan.

Kamusta na kaya siya?

Maayos na kaya ang pakiramdam niya?

Sinubukan ko siyang balikan sa ospital bago ako umalis pero matagal na siyang na-discharged, sinabi sa'kin ng doktor na umalis na din siya noong araw na iyon. Sayang lang dahil hindi man lang kami nagkakilala pero umaasa ako na magkikita parin kami balang araw dahil kung may isang bagay man ako na babalikan dito sa pilipinas, siya iyon.



.....................................................

Please Vote and Comment

.....................................................

Continue Reading

You'll Also Like

38K 975 40
WARNING ⚠️ | Mature | R-18 | SPG | Valcon Armani and Brianna Fermosel
397K 9.3K 61
A thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand sti...
1M 33.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...