Possessive Nights (Completed)

By LoveUUUnot

436K 6.4K 231

Angela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her... More

Dedication
Prologue
CH.1 My Hero
CH.2 Change
CH.3.1 The Wedding
CH.3.2 In-laws Proposition
CH.3.3 The Unexpected
CH.3.4 Heartbreaking Moment
CH.3.5 The hardest Part
CH.3.6 At last (SPG)
CH.4 Brandnew Husband
CH.5 The Womanizer
CH.6 Failed
CH.7 Drowned
CH.8 Battered Wife
CH.9 Tears And Pain
CH.10 The Truth
Ch.11 Magnate
CH.12 In Danger
CH.13 That Woman
CH.14 Take Control
CH.15 Neighbor
CH.16 In his Arms Again
CH.17 Brown Out
CH.18 Busted
CH.19 The Cook
CH.20 Tragedy
CH.21 Lie to Me
CH.22 Spy Boys
CH.23 Caji
CH.25 The Rivals
CH.26 Letting Go
CH.27 Kidnapped
CH.28 King Cobra vs. Mariang Mapalad
CH.29 The Visitor
CH.30 He's Back
CH.31 Once Again
CH.32 The Party
CH.33 Big Announcement
CH.34 Kiss
CH.35 The Choice
CH.36 Why?
CH.37 Helpless
CH.38 Restricted
CH.39 Midnight Visitor
CH.40 Missing
CH.41 The Monster
CH.42 Tortured
CH.43 His Greatest Fear
CH.44 Wife Figure
CH.45 Bitter and Sweet
CH.46 Revelation
CH.47 The Warning
CH.48 Necklace
CH.49 Surprise
CH.50 The Search
CH.51 Premonition
CH.52 Ambushed
CH.53 The Chase Starts
CH.54 Lighthouse
CH.55 His Decision
CH.56 Sick
CH.57 Missing Her
CH.58 Heartache
CH.59 Acceptance
CH.60 Birthday Surprise
CH.61 Unintentional Sin
CH.62 A Mother's Love
CH.63 Last Wish
Ch.64 Granted
CH.65 Angela
CH.66 Engagement
CH.66 End of Tears
CH.67 This Time
CH.68 Gun and Roses
CH.69 The End
Epilogue

CH.24 The Gown

4.2K 79 0
By LoveUUUnot

~•I sincerely feel that beauty largely comes from within.•~

-Christy Turlington




*ANGELA'S POV*




"Everline Dress Shop!" sabi ko habang nakatayo ako sa harap ng isang malaking building.

Ano naman kaya ang gagawin namin dito?

"Let's go." sabi niya at bigla niyang hinila ang kamay ko, muntik pa ako madapa sa lakas ng paghila niya sa'kin. Napaka-barumbado talaga nitong lalaking 'to, hindi uso sakanya ang salitang gentle touch.

"Te-teka......dahan-dahan naman!" sabi ko pero tuloy lang siya sa paghila sa'kin hanggang sa makarating kami sa loob ng shop.

Pagpasok namin dito ay saglit akong napahinto at napatitig sa loob nito. Wow hah! Shop lang 'to pero parang mega mall sa laki. Halos umikot ng 360 degrees ang eye balls ko sa pag-e-explore sa ambiance ng shop na 'to.

Nakamamangha lalo na yung mga naka-display na dress at gowns sa isang malaking glass compartment, tapos ung mga sales lady dito parang mga candidate sa beauty contest dahil ang gaganda nila, flawless na flawless. Sobrang elegant at classy ng lugar na 'to.

I came closer to see all the dress in the big glass compartment. Now, hanging in front of me a black asymmetrical gown with white strips which really flabbergasted my pysche. I pointed my finger into it.

"Ang ganda!" I said dumbfounded.

Naputol ang pag-explore ko sa amazing world nang hilain na naman niya 'ko. Panira talaga, hmmp!!!

"Mr.Oxford!!!" salubong sa'min ng isang bakla. Agad itong lumingkis kay Bryle at nakipag-beso dito pero parang hindi naman beso yun e.

"Akala ko hindi na kayo dadating." sabi nito na parang close na close sila.

"Na-traffic lang!!!" sagot ni Bryle.

Tumaas ang kilay ko sa sinagot niya. Traffic daw, baka na-traffic sa kama.

"Grabe naman talaga ang traffic ngayon, kalurkee!!! Parang relasyon, ang bagal ng usad,  hahahaha." tumawa ito ng pagkalakas-lakas, yung tawa niya parang pinaghalong tawa ni Kris Aquino at Boy Abunda.

"So, Shall we start now." Bryle.

"Of course, basta ikaw." flirt na sabi ng bakla kay Bryle sabay kindat pa.

Chicks niya ba ang baklang 'to, naku hindi naman sana.

"Halika!!!" sabi sa'kin ng bakla.

"A-ako!?" tanong ko nang makita ko na nakatingin siya sa'kin.

"Hindi yung, aso. Siyempre ikaw...anu ka ba!?"

Tinignan ko si Bryle tapos sinenyasan niya ako na sumunod nalang.

"Pa'no ka!?" tanong ko sakanya.

"I'll wait here!" sabi niya. Sa huli, sumama nalang ako dito sa baklang 'to, hindi naman siguro niya ako ibubugaw.

Pagpasok namin sa silid, agad kong nakita ang repleksyon ng sarili ko sa isang malaking salamin....as in sobrang laki na halos sakupin ang isang pader.....pero ang mas higit na pumukaw sa pansin ko ay ang mga dress na nakasabit sa isang compartment.

"Ako nga pala si Madam D." pakilala nito sa'kin habang nakatingin sa'kin. Nginitian niya ako kaya gumanti rin ako ng ngiti.

"Hi po. Ako naman si Angela." pakilala ko rin.

"Can I ask......umm, ano'ng meron sa inyo ni Bryle?"

Hala. Bakit niya natanong yun? napaka-pranka naman ni bakla. Kailangan ba 'yon? Tiyaka ano ba'ng isasagot ko sakanya.

Katulong.

Sex Slave.

Whore.

Puta.

Ex-wife.

Hayys!!! Ewan.

"A....e.... kaibig----"

"Yung totoo." nagulat ako ng biglang lumaki ang boses niya, naging lalaki.

"A....e....ang totoo niyan, ex-wife niya ako." sagot ko.

"Ow, so you're Bryle's ex-wife, huh.....and definitely you're not one of his women." napaisip ako sa sinabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin!?" ako.

"Hindi ikaw ang una at huling babae na dinala niya dito, ako ang nagbihis sa mga nagiging babae ni Bryle." pranka na sagot niya sa'kin.

Napatitig ako kay Madam D. Matagal ko nang tanggap na hindi lang ako ang babae sa buhay ni Bryle dahil marami kami.

Hindi ko rin naman siya masisisi kung maghanap siya ng iba, lalaki lang naman siya. Besides, It's my fault, I left him nothing.

Inikutan niya ako habang ng minamasdan ang kabuuan ko. "Totoo pala ang sabi nila, maganda nga ang asawa ni Bryle...pero mas maganda parin ako sayo."

Nye!! Talaga ba?

"Mukhang alam ko na kung ano ang gagawin ko sayo." sabi niya.

"Ano po palang gagawin natin, bakit niya ako pinapunta dito?" nagtatakang tanong ko kay Madam D.

"I don't even know why, basta sabi niya dadalhin ka daw niya dito at ako ang magbibihis sayo." sagot niya.

Tumango nalang ako kahit na nalilito parin ako kung ano ang naisipan niya at bigla nalang niya ako dinala dito.

Pumunta si Madam D sa mga gown.  Sumunod naman ako sakanya.

"I have 10 gowns here, these are the best gowns that we had here in Everline."

Tinignan ko yung mga gown, hindi rin naman siya nagsisinungaling. Magaganda ang mga gown na ito at mukhang may kalidad kaysa sa mga gown na nakadisplay doon sa show window. "Swerte ka dahil ikaw lang ang binigyan namin ng ganitong specialization."

"Sobrang ganda!!!" sabi ko. Kanina pa ako naa-amaze sa mga nakikita ko.

"Papipiliin kita ng limang gown na gusto mo at 'yon ang ang isusukat mo."

Totoo ba 'to? Susuotin ko ang mga gown na 'to? Ano kayang nakain ni Bryle.

"E.....e...hindi ko naman kayang bayaran ang mga 'to."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" 'yan na naman siya.

"E anong ginagawa ng lalaki diyan sa labas. Alam mo girl, dinala ka dito ng isa sa pinakamayang lalaki dito sa bansa, kung tutuusin kayang-kaya niya bilhin ang buong shop na ito kung gugustuhin niya.....so you don't have to worry about the payment,.....ano? lets start na?"

Tumango nalang ako at sumunod nalang sakanya, hindi naman na ako pwedeng tumanggi dahil nandito na 'ko. Tapos mamaya isipin pa ni Madam D na nagiinarte pa ako.

Iniisa-isa kong tignan lahat ng gowns. Puro magaganda ang lahat ng mga ito kaya hirap na hirap ako mamili pero gaya nga ng sabi ni Madam D, kailangan ko pumili ng lima.

Sa huli ang napili ko ay:

-Black Floor length gown with sweetheart neckline and accessorized with a white chunky necklace.

-Red halter gown with ruched details and a solid black belt.

-Beige mermaid-cut satin gown.

-Gold sequin dress

-Billowy Grecian Dress

"Lahat po ba talaga ito susuotin ko!?" tanong ko kay Madam D. Para kasing sobrang dami naman yata ng lima kungsaan ko man ito gagamitin. Hindi naman siguro ako isasalang ni Bryle sa Fashion Show.

"Of course!!!! Susuotin mo ang lahat ng 'yan!" sabi niya at otomatikong nanlaki ang mga mata ko.

"ANOOOO!!!-" I said with 7 octillion exclamation point. Nagbibiro ba siya? Lahat 'to susuotin ko?

Nababaliw na ang mga tao dito.

"Bakla, easy lang. Puso mo." sabi niya sa'kin na para bang natatawa siya sa reakyon ko. "Susuotin mo ang lahat ng ito para isukat. Si Boss Bryle ang pipili ng susuotin mo kung anuman ang magustuhan niya."

Ganern pala 'yon, hindi niya naman agad sinabi.

"Go na bakla, sukat mo na ang mga 'to para makapili na siya." utos niya habang itinutulak ako sa fitting room.

Una kong sinukat ang Black floor length gown.

"Ganda ko!!!" sabi ko habang naka-harap sa malaking salamin tapos lumabas ako para ipa-approve kay Bryle kung okay lang sakanya ang suot ko.

Pagkalabas ko palang ay agad niya na ako tinignan mula ulo hanggang paa. Tinignan ko ang reaksyon niya tapos nagsalubong agad ang kilay niya meaning hindi niya gusto ang napili ko.

Maganda naman, ah. haiist!

Sunod kong sinukat ang Black Floor lenght gown, siguro naman ito magugustuhan na niya. Lumabas ulit ako pero agad niya akong pinapasok sa loob, masyado daw kasi revealing at parang inooffer ko na daw yung boobs ko kapag sinuot ko yun. E di wow, ang arte.

Sinubukan ko naman ang beige mermeid satin Gown,napangiti ako dahil maganda ang gown na 'to. "Siguradong approve na 'to sakanya." sabi ko.

"O eto, okay na!?" inip na tanong ko. Hindi niya ba ma-realize na nakakapagod itong pinapagawa niya.

Umiling lang siya at sinenyasan ako na pumasok ulit sa loob para magsukat pa ng iba. Napabagsak ako ng balikat at padabog na pumasok sa loob ng silid.

"Kainis, napaka-arte niya."

"Alam mo, sa lahat ng babaeng dinala niya dito...ikaw ang pinakamatagal na pilian ng isusuot." sabi sa'kin ni Madam D.  Buti pa siya nahalata niya na pagod na pagod na'ko.

"Talaga ba!!?" ako.

"Oo...kasi sila ang namimili ng damit na isusuot nila pero ikaw....Si Boss Bryle mismo ang namimili ng isusuot mo, ayeee." pang-aasar niya sa'kin, sinusundot-sundot niya pa ang tagiliran ko.

Ang daya ng gunggong na 'yon, wala ba akong karapatang mamili ng susuotin ko, kainis talaga.

"Amf. Last two." natatawang sabi ni Madam D.

Tumalikod ako at nagsimulang bumalik sa fitiing room para suotin ang mga natitirang gown na hindi ko pa nasusuot.

"Angela!" tawag ni Madam D sa'kin, lumingon naman ako sakanya para alamin kung bakit niya ako tinawag.

"Eto ang suotin mo." inabot niya sakin ang isang box na malamang ay gown din ang laman. "Nakita kita kanina na tinitignan 'yan, mukhang 'yan talaga ang nagustuhan mo. Hindi ko pa pinapagamit ang gown na 'yan sa iba, sayo palang."

Binuksan ko ito at tinignan, napangiti ako nang makita ko ang tinutukoy niya.

Eto nga ang gown na nakita ko kanina sa lobby at tama siya, sa lahat ng gown na nakita ko dito sa shop eto talaga ang pinaka-gusto ko. "Alam mo,  ang gown na 'yan ang first creation ko."

"Kung eto ang first creation mo, bakit mo ito ipapagamit sa'kin?" tanong ko.

"Alam mo, hindi mo alam kung paano ako natulungan ni Bryle noong mga panahon na sirang sira na ako at ang buhay ko. Tinulungan niya akong bumangon, he know my potential kaya ipinasok niya ako dito sa Everline, one of the most prominent dress shop in town, ang laki ng naging tulong sa'kin nito, nabago nito ang buhay ko kaya ipinangako ko na ipapasuot ko lang ang gown na 'to sa babaeng totoong mamahalin niya..." hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa'kin, nangingilid ang luha niya habang ikinukuwento niya sa'kin 'yon. Mukhang hindi rin naging maganda ang mga pinagdaanan niya.

"At sa tingin ko, ikaw ang babaeng 'yon." binawi ko ang kamay ko at tumalikod sakanya.

"Baka nagkakamali lang kayo, hindi ako ang babaeng tinutukoy mo." sabi ko sakanya.

"Mahal mo pa siya 'di ba!?" nagbalik ako ng tingin sakanya nang tanungin niya 'yon.

Bakit niya ba sinasabi 'to? Ano ang basehan niya?

"MATAGAL PA BA 'YAN!!!!?" sigaw ni Bryle mula sa labas.

"S-susuotin ko na 'to." sabi ko sakanya bago ako pumasok sa loob ng fitting room. Hinawakan ko ng mahigpit ang gown at isinuot ito.

Hindi nagtagal ay lumabas narin ako. Agad napatakip sa kayang bibig si Madam D habang nakatitig sa'kin. Parang maluha-luha pa siya habang nakatingin sa'kin.

"Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo." sabi niya.

Ginantihan ko siya ng ngiti pagkatapos ay lumabas narin ako. Pumikit muna ako ng mariin at nag-cross-fingers bago ko binuksan ang pintuan. "Sana naman magustuhan niya na 'to." sabi ko sa isip ko bago ako tuluyang lumabas.

He was using his phone when I went outside. I know that he feels my presence pero hindi siya nag-abalang tumingin sa'kin. Maybe he has a business there, much important than me.

I waited for almost a minute bago niya binulsa ang cellphone niya. Salamat naman at na-realize niya na may babae na mukhang tanga na naghihintay sakanya dito.

Sa inis ko tumingin nalang ako sa gilid habang naka-cross-arms. Kanina pa niya ako iniinis, nakaka-buwisit na.

Tapos titingin siya sa'kin, titigan niya ang suot ko at ire-reject na naman tapos pasusuotin niya na naman ako ng panibago. Amp. Ang dami niyang alam, daig niya pa designer.

Tapos ano na, pagkatapos ko maghintay dito wala man lang siyang reaksyon, wala man lang comment na ang panget ng suot mo palitan mo 'yan, tsss!

Inis akong tumingin sakanya, ako nalang ang magtatanong sakanya kung gusto o ayaw niya itong suot ko, mukhang wala naman siya balak kibuin ako, baka may sumpong na naman heez.

"An---" napa-shut up ako nang makita ko siyang nakatitig sa'kin.

Kanina pa ba siya nakatitig sakin?kaya siguro kanina pa siya walang kibo. Yumuko ako at nagisip.

Ilang saglit pa'y narinig ko ang mga yapak niya na palapit sa kinaroroonan ko. Unti-unti akong nagtaas ng tingin.

"B-B-Bryle!?" nauutal na saad ko habang kabadong nakatingin sakanya. Naglalakad siya palapit sa'kin, and worst I don't even know what's running in his head.

Napapikit ako nang makarating siya sa harapan ko, and take note, inch lang ang pagitan namin, kahit langgam hindi magkakasya. Pati gamit niyang pabango amoy ko dahil halos dumapi na ang ilong ko sa dibdib niya.

Para akong nakuryente nang bigla niyang hawakan ang baba ko pero ang mas nagpa-windang sa'kin ay nang sakupin niya ang mga labi ko. Nakapikit parin ako pero ramdam na ramdam ko ang labi niya na pilit inaakit ang mga labi ko. Hindi ako gumaganti ng halik pero alam ko na anumang oras ay bibigay narin ako.

At nangyari nga ang inaasahan ko. Wala na akong nagawa, kusang kumilos ang labi ko at nakisabay sa bugso ng mga pangayayari.

"Ano ba'ng nagyayari sayo, Angela?" Tanong ko sa sarili ko.

Wala ibang laman ang isip ko ngayon, parang biglang na-freeze ang mga brain cells ko.

Walang pakialam ang isip ko kung may tao man na biglang pumasok dito at makita kami o kaya naman ay biglang lumabas si Madam D mula sa silid. Si Bryle kasi e, bakit dito pa?

Tumagal din ng ilang minuto bago niya pinakawalan ang mga labi ko. Binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sakanya, hindi parin nagpa-function ang isip ko.

"B-Bryl-" muli niya akong ninakawan ng halik pero sa pagkakataong ito ay smack nalang.

Pagkatapos no'n ay tinalikuran niya ako na para bang walang nangyari. Plakda akong naiwan sa kinatatayuan ko.

"Magpalit ka na, aalis na tayo." he commanded.





.....................................................

Please Vote and Comment

.....................................................

Continue Reading

You'll Also Like

12.1K 194 30
Love at first sight -yan ang naramdaman ni Scent ng makilala n'ya si Zion.HURT for the first time din ng malaman n'yang may girlfriend na ito at ang...
367K 19.3K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
95.6K 2.8K 23
Read at your own risk.
7.4K 227 21
R🔞 ★Book2SmileAtMe★ Paano nga ba mapipigilan yung nararamdaman mo sa Gwapo at Makisig mong Katrabaho.. Maiinlove ka na kaso. Gusto mo sa Mayaman. Sa...