Polaris (Published under Indi...

blue_maiden által

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... Több

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 12: Shunyi

117K 4.7K 442
blue_maiden által

Shunyi

Limang minuto na ang nakakaraan pero wala pa rin ang ambulansya. Nanghihina pa rin si Cooper at paminsan-minsan itong umuubo. Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan, "H'wag kang matutulog, okay?"

Huminga siya nang malalim. Namumutla na ang mukha niya habang pilit niyang idinidilat ang mga mata niya, "Sino ang lalaki na nasa likuran mo kanina? Bakit bigla siyang nawala?"

Gustuhin ko man na sabihin kay Cooper ang totoo pero hindi ito ang tamang oras. Hinang hina na siya at kailangan niyang ipunin ang lakas niya habang wala pa ang mga rescuer. Isa pa baka hindi rin naman siya maniwala sa mga sasabihin ko.

Narinig ko na sa malayo ang tunog ng ambulansya. Hindi ko na muna sinagot ang tanong niya at kinausap ko na lang siya na h'wag pumikit at lumaban.

Simpleng pagtulak lang ang ginawa ni Scion pero dahil may kakaiba siyang lakas at kapangyarihan ay parang isang sixteen wheeler na truck ang tumama sa likod ni Cooper.

Ito ang dahilan kung bakit natatakot ako na makita siya ng mga tao. Baka kung anong hindi maganda ang magawa niya. Alam ko naman na nagbabago na siya pero kaunting pagbabago pa lang ang nakikita ko sa kanya. Marami pa siyang bigas na kakainin. As in limang sako pa.

Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na ang mga rescuer.

"Ano pong nangyari sa kanya?"

Napahinto ako sandali. Paano ko ba sasabihin sa kanila ang nangyari? Paano magkakaganito ang isang tao dahil lang isang pagtulak? Napapikit ako at huminga ako nang sobrang lalim. Ang hirap talaga ng sitwasyon ko ngayon. Mas mahirap pa 'to kaysa sa mga exam ko sa Statistics.

"Uhm, na out of balance kasi siya tapos masama 'yong pagkabagsak niya sa sahig," 'ayan ang palusot ko.

Hindi ko alam kung pasok na sa banga pero wala, eh. Sabaw na sabaw na ata ako ngayon. Sana kagatin nila at sana walang cctv malapit sa area na 'to kung hindi ligwak na ako.

"Paki tignan na po siya please, baka mapaano pa siya, eh."

Lumapit sila kay Cooper. Tinignan nila ang mga mata niya gamit ang flashlight. Mukhang okay naman siya pero dumudugo pa rin ang ilong niya kaya nilagyan nila ito ng bulak.

"Kayo mo bang gumalaw, sir?" Tanong ng isang rescuer.

Iginalaw ni Cooper ang ulo niya para umiling. Nanghihina pa rin siya hanggang ngayon.

Inalalayan na si Cooper ng mga rescuer para ilagay sa stretcher.

"Kaano-ano po kayo ni sir?" Tanong ni kuya rescuer.

"Kaibigan po niya ako," sagot ko.

"Sumama na lang po kayo sa amin sa hospital. Kailangan pa siyang matignan nang mabuti dahil tumama ang ulo niya sa sahig, baka magsagawa po kami ng CT scan."

"Kuya, susunod na lang ako. May kailangan lang akong gawin. Kayo na po ang bahala sa kaibigan ko."

Pumayag naman si kuya rescuer. Mabait naman sila kaya alam kong nasa mabuting kamay ang best friend ko.

Lumapit ako kay Cooper, "May kailangan lang akong gawin pero susunod ako sa'yo sa hospital, okay? Magiging okay ka rin."

Ngumiti lang siya sa akin. Nanghihina talaga siya kaya nakakapanlumo. Gusto ko man na samahan siya pero hindi ko pwedeng pabayaan si Scion na mag-isa sa kalsada lalo na at gumamit na naman siya ng shunyi. Panigurado ako at nanghihina siya ngayon.

Nang makaalis ang ambulansya ay nagsimula na akong hanapin si Scion.

Saan na naman ba siya pwedeng magpunta?

Habang nag-iikot ako sa mga kanto sa malapit ay nakita ko si Liam at si Tyra. Hindi ko na sila maiiwasan dahil masyado na kaming malapit sa isa't isa at nakita na rin naman ako ng makating higad na babae na 'yon.

Tumaas agad ang kilay niya at akala mo handa na siyang sumugod sa gera, "Wow grabe, palagi ka na lang ba talaga naming makikita sa paligid? Nakakasira ng araw." Pagtataray ng higad sa akin. Aba, mas nakakasira sila ng araw lalo na 'yang mukha niyang punong puno ng BB Cream na hindi naman pantay sa skin tone niya.

"H'wag ka ngang tanga, Tyra. Nasa iisang barangay lang tayo kaya magkikita at magkikita talaga tayo. Kung ayaw mo akong makita, magkulong ka na lang sa bahay niyo. Alangan naman ako pa 'yong mag adjust sa inyo," pinaabot ko na hanggang Mars 'yong pagtataas ko ng kilay.

Akala niya ba papayag ako na gaguhin niya ako ulit? Once is enough and twice is so much.

"Wala akong panahon sa inyo kaya pwede tigilan niyo ako."

Nilagpasan ko na silang dalawa pero hindi pa rin talaga tumigil 'tong si Tyra. Ang dami niyang pinaglalaban sa buhay niya. Ano pa bang gusto niya, nakuha na nga niya si Liam!

"Mayabang ka na porket may bagong lalaking umaaligid sa'yo? Anong akala mo seryoso 'yon sa'yo? Pinaglalaruan ka lang din no'n at nagpapauto ka na naman. Wake up Serenity!"

Sinong tinutukoy niya? Si Scion ba? Nagpapatawa ata siya. Wala naman siyang alam pero talak siya nang talak. Sabagay, ang ilog na mababaw talaga, grabe mag-ingay.

"Tama na 'yan babe," singit ng gago kong ex. Wow ha, ganda ng tawagan. Babe pa talaga? Nakakaumay hindi bagay sa kanila. "Umalis na tayo, sayang lang oras natin."

Hoy Liam! Bago mo sabihin na sayang ang oras niyo, tanungin mo muna kung hindi rin ba nasasayang ang oras ko sa inyong dalawa! Kung tutuusin, kayong dalawa nga 'yong nangharang sa'kin. Kayo ang epal dito, noh!

"Oo nga babe, sayang oras natin sa ulilang babae na 'to. Ay, mali, abandonado lang pala hindi pa ulila," tumawa pa siya na akala mo mauubusan na siya nang hininga.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Tumalikod ako at tumakbo papunta kay Tyra. Hinawakan ko ang buhok niya at hinila ko ang ulo niya papunta sa aspaltong sahig. Nginudngod ko ang pagmumukha niya nang todo, "Hindi mo alam ang pakiramdam kung paano ma-abandona kaya kung ako sa'yo ititikom ko 'yang bibig ko dahil kung hindi, manghihiram ka ng mukha sa baboy ramo!" Binitawan ko na siya. Baka mapatay ko siya nang wala sa oras. Hindi pa ako gano'n kababa. Ang ginawa ko na 'to ay isang leksyon lang para sa kanya.

"Aray ko! 'Yong mukha kong maganda!" Sigaw niya habang pinepeke ang pag-iyak niya. Hindi ata siya nasaktan sa ginawa ko. Sabagay, makapal ang mukha niya. "Magbabayad ka sa ginawa mo sa'kin, Serenity!"

Tinignan ko si Liam. Nakatayo lang siya sa harapan ko habang nakatingin sa akin.

"Sa susunod, kayo na lang 'yong umiwas sa'kin. Nakakahiya naman na ako na nga 'yong niloko niyo tapos ako pa 'tong laging naaabala sa inyo," sambit ko.

Kahit tuwang-tuwa akong makita si Tyra na naghihirap, mas importanteng mahanap ko na si Scion. Tinalikuran ko sila at tumakbo na ako palayo. Kailangan umiwas sa mga toxic na tao.

Takbo lang ako nang takbo kung saan.

Pagod na pagod na ako kaya umuwi muna ako sa bahay para uminom ng tubig at magpalit ng damit. Naliligo na ako sa pawis.

Pagpasok ko sa bahay, nakaabang na sa akin si auntie, "Saan ka galing, Serenity? Kanina pa kita hinahanap." Mukhang hindi maganda ang mood niya. Ano na naman kaya ang nangyari?

"May binili lang po ako sa labas, anong problema auntie?" Tumayo siya at humakbang papalapit sa akin. Hinawakan niya ang dulo ng buhok ko at hinila niya ito pababa. Muntik na akong matumba pero nakahawak ako sa malaki at mataba niyang braso. "Auntie nasasaktan po ako!" Ang lakas nang pagkakahila niya sa buhok ko. "Bitawan niyo ako!"

"Malas ka talaga sa buhay kong bata ka! Dahil sa'yo, hindi na kukuha sa'kin sila Mrs. Anderson ng seaweeds! Alam mo naman na siya lang ang bumubuhay sa business ko na 'to!"

Hindi na sila kukuha? At dahil 'yon sa'kin? Anong ibig sabihin no'n? Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na kinakaya ang sakit nang pagsabunot ni auntie. Parang lahat ng buhok ko ay matatanggal na sa ulo ko.

"Aray!" Biglang sigaw ni auntie. Binitawan niya ang buhok ko at napagawak siya sa tiyan niya. "Ang sakit ng tiyan ko, pambihira!"

Lumayo ako sa kanya dahil baka matumba pa siya sa akin. Namimilipit siya sa sakit ng tiyan. May gusto pa siyang sabihin sa akin pero hindi niya magawang sabihin kaya dumiretso na lang siya sa loob ng kwarto niya.

Nakahinga ako nang maluwag. Para bang may sampung pako na binunot sa lalamunan ko. Buti na lang at saktong sumakit ang tiyan niya. Ang bilis nga naman ng karma.

Hahakbang na ako papunta sa refrigirator pero may narinig akong kalabog sa itaas. Tumakbo ako papunta doon at nakita ko si Scion na nakahandusay sa sahig, "Scion? Anong ginagawa mo rito?"

Lumapit ako sa kanya pero wala na siyang malay. Kinuha ko ang braso niya at inangat ko ito para mahila siya papasok sa kwarto ko. Baka mamaya ay biglang umakyat si auntie dahil sa kalabog at makita kami.

Pagod na pagod na ako kanina pa kaya hirap na hirap akong hilahin siya. Bakal ata ang mga buto ng lalaking 'to! Sobrang bigat niya.

"Scion, gumising ka." Bulong ko.

Ayaw niya talagang magising. Binuhos ko na ang lahat ng lakas ko para maipasok siya sa loob. Pagkatapos ng sampung minuto, sa wakas ay nasa loob na kami ng kwarto ko. Literal na dugo't pawis 'tong ginawa ko! Ang intense! Pero proud ako sa sarili ko, hindi ko akalain na magagawa ko iyon.

Pero naisip ko, gano'n ba kasakit ang tiyan ni auntie para magtagal siya sa kwarto niya? Naka sampung minuto na kami sa labas pero walang kahit isang bakas niya. Kahit ang sama-sama niya sa akin ay nag-aalala pa rin naman ako sa kanya.

May natira pang tubig sa pitchel na kinuha ko kagabi kaya inubos ko lahat 'yon dahil uhaw na uhaw na ako. Nang makainom ako, talagang gumaan ang pakiramdam ko.

"Para akong nag kargador sa palengke ng isang buong araw," bulong ko sa sarili ko. "Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?"

Gustong gusto ko na talagang matulog pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, naaalala ko si Scion at si Cooper. Pareho silang hindi maganda ang kondisyon, well, ako rin naman pero mas malala 'yong sa kanila.

Pinilit ko ang sarili ko na tumayo para tignan si Scion. Hanggang ngayon at wala pa rin siyang malay.

Kung tama ang kalkulasyon ko, tatlong beses na siyang gumamit ng shunyi. Sana naman hindi malala ang epekto sa kanya nito. Sa takbo ng storya sa libro ko, muntik na siyang mamatay pagkatapos niyang gumamit ng limang magkasunod na shunyi. Hindi pa naman siya namumutla o kung ano pa man pero wala pa rin siyang malay.

Naalala ko ang bag niya. Maaring may dala siyang mga herbal na makakatulong magpabalik ng lakas niya.

Hinalungkat ko ang bag niya na gawa sa balat ng buwaya. Mahiwaga rin ang bag na ito dahil kasya rito ang buong bahay namin. Na-inspire kasi ako sa bulsa ni Doraemon.

Iba-iba ang nakita ko sa bungad ng bag pero ang una kong napansin ay ang litrato ni Weiming. Hindi ko ito naisulat sa libro kaya nagulat ako. Paano nangyari 'yon? Posible bang may sarili rin silang buhay maliban sa mga naisulat ko? Nag e-exist na rin kaya sila sa universe na kinakabilangan ko?

Ang sakit sa braincells.

Hinanap ko ang gamot ni Wenda. Isa siyang enchantress. Kilala at respetadong manggagamot sa mundo nila. Siya lang ang nakakagawa ng gamot sa panghihina ni Scion at ng iba pang gumagamit ng shunyi.

Kinuha ko ang maliit na bote na may lamang dilaw na tubig, kasing kulay nito ang sunflower na palagi kong nakikita sa hardin nila Liam. Ang weird ng itsura niya pero pagkabukas ko ay amoy rosas ito.

Hinakawan ko ang magkabilang braso ni Scion para i-upo siya. Pinainom ko agad sa kanya ang gamot. Paglunok niya nito ay inubo siya pero nagkaroon na siya ng malay. Nabunutan na naman ako ng sampung pako sa baga ko.

At least hindi siya napahamak.

Sandali nga, may kakaiba, bakit ba ganito ako mag-alala sa kanya? Kung tutuusin ay may kasalanan pa siya sa akin. Sinaktan niya ang best friend ko.

"Nasaktan ka ba ng tiyahin mo?" Tanong niya habang nakatingin diretso sa aking mga mata.

Alam niya? Nakita ba niya ang nangyari kanina?

Parang puzzle na unti-unting nabubuo sa isip ko ang mga nangyari. Nang makita siya ni Cooper ay agad siyang nag-teleport papunta sa bahay at pagkatapos naging maayos siya pero nakita niya kami ni auntie kanina na nagtatalo kaya ginamitan niya ito ng kapangyarihan para sumakit ang tiyan nito. Sa pag gamit niya ng sunod-sunod na shunyi at ng kapangyarihan para kontrolin panandalian ang katawan ng isang tao ay nawalan siya ng malay.

"Ikaw ang may gawa no'n kay auntie?" Tanong ko dahil hindi pa rin naman talaga ako sigurado kung gano'n nga ang nangyari.

Mag i-isang minuto na pero hindi pa rin siya nakakasagot sa akin. Silence means yes.

"Sinaktan mo siya!" Pasigaw ang pagsabi ko no'n pero mahina lang boses ko.

"Ipinagtanggol lang kita!" Pag-amin niya.

Agad kong tinakpan gamit ang dalawa kong kamay ang bibig niya.

"H'wag kang sumigaw dahil baka marinig niya tayo rito," hinawakan niya ang kamay ko at inalis niya ito sa bibig niya. "Scion, ilang tao na ang nasasaktan mo."

"Ito pa ba ang mapapala ko sa pagtanggol ko sa iyo? Sabi mo ay magbago na ako kaya ito, tinutulungan kita. Kung ako ang dating Scion ay wala akong magiging pakialam sa iyo."

Biglang uminit ang magkabilang pisngi ko. Maliban kay Cooper, wala ng ibang tao na nagmalasakit sa akin. Ngayon na lang at nakakagulat pa dahil si Scion iyon. Gayon pa man, hindi pa rin tama ang ginawa niya lalo na kay Cooper na wala namang kasalanan.

"Matalik kong kaibigan si Cooper at kahit kailan hindi niya ako sasaktan. Pinipilit niya lang akong tumayo kanina. Hindi siya dapat nasaktan."

Lumayo ang tingin niya, "Pasensya na, akala ko ay balak ka niyang saktan. Aaminin ko mali ko 'yon pero ang ginawa ko sa tiyahin mo ay hindi ko pinagsisisihan. Nararapat lang sa kanya na magdusa."

Umiling ako, "Baliktarin man ang mundo, kahit gaano pa siya kasama ay tiyahin ko pa rin siya. Kapamilya ko siya at kadugo. Hindi matutuwa si lola kung gaganti ako sa kanya."

Pinikit ni Scion ang mata niya at huminga nang malalim, "Iyan ang hirap sa mga taong sobrang bait, palagi kayong inaapi. Minsan naman ay lumaban ka. Hindi ako palaging nandito para ipagtanggol ka."

Aaminin ko, nagalit talaga ako dahil sa sinaktan niya si Cooper pero natutuwa pa rin naman ako dahil iniisip na niya ngayon na ipagtanggol ako sa mga taong gustong manakit sa akin.

One point to pagbabago.

"Salamat sa intensyon mong ipagtanggol ako pero may kakaiba kang kapangyarihan kaya mas lumalala lang ang lahat. Hayaan mo na lang akong ipagtanggol ang sarili ko at lumayo ka sa mga tao sa mundo na ito."

Yumuko siya at kita ko sa mukha ang kalungkutan kahit pa pinipilit niyang ngumiti. Ngayon ko lang siya nakita na ganito.

Feel ko tuloy ang sama-sama ko sa kanya.

Patawarin mo ako kung ganito ako sa'yo Scion, ayoko lang na may mapahamak pang iba.

Hindi ka katulad namin, isa kang nilalang sa libro na isinulat ko at hindi iyon magbabago kahit pa magbago ang ugali mo. Hindi maaalis sa'yo ang kapangyarihan na pwede makapanakit sa iba. Sadya man o hindi.

Kailangan na kitang maibalik sa mundo mo sa lalong madaling panahon.

---

Olvasás folytatása

You'll Also Like

10.3M 475K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
367K 27.4K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
154K 4.9K 32
[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famo...
8.8K 509 62
Si Cheryza Alustre ay mahilig gumawa ng facebook account at isa siyang roleplayer kung saan marami na siyang nakilalang kaibigan sa internet. She val...