Polaris (Published under Indi...

By blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... More

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 10: Deal

133K 5.1K 520
By blue_maiden

Deal

May nakain ba si Scion sa mamihan kaya kung ano-ano na lang ang mga sinasabi niya ngayon?

"Seryoso ka ba talaga, as in?" Pag-uulit ko pa. Baka naman kasi nakalimutan ko lang magtanggal ng dumi sa tainga ko kanina.

Tumango siya, "Oo, seryoso nga ako."

Tinignan ko siya nang mabuti, baka mamaya may kapangyarihan din ako na makita kung nagsisinungaling ba ang isang tao o hindi. Bughaw ang mga mata ni Scion, kasing kulay ng langit tuwing umaga. Kahit anong gawin ko ay hindi ko masabi kung nagsasabi nga ba talaga siya ng totoo pero mukha naman siyang seryoso.

"Mas pipiliin mo pa na magpakahirap para makuha si Prinsesa Weiming kaysa sa utusan na lang ako na ikaw ang makatuluyan niya?"

Nilagay niya ang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya at tumingin siya sa araw na papalubog na, "Nang mabasa ko ang libro, napagtanto ko kung gaano nga ako kasama. Napagtanto ko kung bakit si Chaun ang gusto ng prinsesa at hindi ako. Noong una, itinatanggi ko pa ito sa sarili ko pero nang makita ko ang dati mong kasintahan, naisip ko na masama nga talaga ako at hindi ako nararapat sa prinsesa. Naisip ko rin na mas magandang mahalin niya ako dahil iyon talaga ang nararamdaman niya at hindi lang dahil sa sinulat mo 'yon."

Teka..

Si Scion ba talaga ang nasa harapan ko ngayon o ibang nilalang na 'to? Grabe, napanganga ako do'n. Gusto ko pa nga sanang pumalakpak kaso magiging over acting na. Next time na lang siguro kapag sobra sobra na niya akong napabilib.

"Ano, pumapayag ka na ba?" Pangungulit niya. "Seryoso ako sa mga sinasabi ko, Serenity."

Tumayo ang mga balahibo ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Ang weird ng feeling pero kumbinsido na ako na seryoso nga siya sa mga sinabi niya.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari pero unti-unti naman nag si-sink in sa isip ko lahat. Gusto niyang magbago para kay Weiming. Ibig sabihin lang din no'n, magiging mabait na siya at magiging magaan na ang buhay ko habang hindi ko pa siya nababalik sa libro. "Sige, pumapayag na ako."

Hindi ko alam kung magagawa nga niyang pantayan si Chaun pero okay na rin 'to para naman bumait na siya kahit kaonti.

"May paki-usap lang ako sa'yo," sambit niya. Nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.

Namamangha pa rin ako sa mga inaasal niya ngayon. Kahit papaano naman may improvement na siya. Pwede na rin pagtyagaan kaysa sa wala.

"Hindi madali sa akin ang lahat ng 'to. Hindi madali na baguhin ang ugali na kinalakihan ko kaya sana tulungan mo akong magbago."

Talagang pursigido siya. Talagang mahal niya si Weiming. Kahit papaano naman mapapantayan na niya ang pagmamahal ni Chaun para sa prinsesa pero syempre kay Chaun pa rin ako. Magkaiba pa rin ang ugali nilang dalawa.

"Sige basta ipangako mo na magiging mabait ka na sa akin. Tandaan mo, ako ang makakapagsabi kung talagang nararapat ka na sa prinsesa o hindi pa," hindi niya agad ako sinagot.

Tinitigan lang niya ako.

Mukhang malalim na naman ang iniisip niya. "A-ano, ayaw mo?" Nauutal na ako sa pag-sasalita ko. Naiilang na kasi ako sa mga tingin niya.

"Pangako, magiging mabait na ako sa'yo basta gano'n ka rin sa akin."

Aba may kondisyon din siya, hindi pa rin pala talaga siya papatalo.

Mabait naman talaga ako sa kanya, ha?

Kailan ba ako naging masama sa iba? Siguro kay Liam at Tyra pero deserve naman nila 'yon, eh. Nanakit at nanloko sila ng kapwa nila.

"Akin na ang kamay mo," sambit ni Scion. Nagdadalawang isip akong ibigay sa kanya ang kamay ko pero hindi naman siguro siya gagawa nang masama. Alam naman niya na ang kamay ko lang ang makakapagbalik sa kanya sa mundo nila, "Kailangan nating magkasundo."

"Magkasundo? Ito na nga--" Bago ko pa maituloy ang susunod kong sasabihin ay kinuha niya ang kamay ko at sinugatan niya ang palad ko gamit ang maliit niyang kutsilyo, "Ouch!"

Ang hapdi.

Anong ginagawa niya? Akala ko ba magbabago na siya? Bakit niya ako sinaktan?

Pero ang nakakagulat, sinugatan rin niya ang palad niya. Parehong dumudugo ang mga palad namin. Kinuha niya ulit ang kamay ko at hinawakan niya iyon gamit ang duguan din niyang kamay.

"Ikaw at ako ay pumasok na isa isang kasunduan na hindi pwedeng mabali. Kung sino man ang hindi tumapad sa kasunduan na ito ay siyang magbubuwis ng buhay."

Umilaw ang mga kamay namin.

Alam ko na kung ano ito, nakakahiya na hindi ko agad na-gets ang bagay na ako ang gumawa. Paano ba naman kasi, hindi mawala sa isip ko ang pagtitig niya sa akin kanina.

Ito ang kasunduan ng buhay.

Ako mismo ang gumawa nito pero bakit bigla akong kinabahan?

Hindi naman ako susuway sa kasunduan namin, eh. Magiging mabait ako sa kanya at kapag napatunayan ko naman talaga na nararapat nga siya kay Weiming, babaguhin ko ang istorya at sila na ang magkakatuluyan.

Pagkawala ng puting liwanag ay siya ring pagkawala ng mga dugo sa palad namin.

"Alam mo ang ritwal na iyan, hindi ba? Ikaw ang gumawa n'yan," sambit ni Scion. "Umuwi na tayo sa inyo dahil baka hinahanap ka na ng tiyahin mo."

Hala! Anong oras na nga pala! Baka kanina pa ako hinahanap ni auntie. Sana nakuntento na siya sa pera na nakalagay sa lamesa kanina.

Binilisan ko ang lakad pauwi. Nakabuntot lang naman sa likod ko si Scion. Nangako naman siya na hindi na siya hihiwalay sa akin.

Ilang minuto lang ang inabot at nakauwi na kami. Hingal na hingal pa ako. Bawal sa akin ito pero dahil sa takot na magalit si auntie, ginagawa ko na lang kahit masama sa akin.

Papasok na ako sa loob pero hinila ni Scion ang likod ng damit ko, "Sandali, paano ako?"

Ito na ang problema.

Paano ko nga pala siya mapapasok sa kwarto ko? Hindi naman siya pwedeng makita ni auntie dahil patay talaga ako do'n. Sabihin pa niya ang landi ko para magpatuloy ng lalaki sa kwarto ko. Kaya ko lang naman pinatuloy dito ang lalaking 'to dahil wala akong choice! Isa pa wala naman namamagitan sa amin ni Scion.

"Lilipad na lang ako papunta sa kwarto mo," Agad akong umiling. Nahihibang na ba siya? Baka mamaya may makakita pa sa kanya, eh. "Bakit hindi? Iyon lang ang paraan na naiisip ko."

"Baka may makakita sa'yo, hindi pwede," diin ko. "Mag-isip pa tayo ng ibang paraan."

"Ano naman kung makita nila akong lumilipad?"

"Nahihibang ka na ba? Walang kapangyarihan ang mga tao dito, kaya isang malaking gulo kapag may nakita silang katulad mo. Mahihirapan tayong kumilos kapag may nakaalam ng totoo mong pagkatao," napabuntong hininga na lang ako. Ang hirap din pala itago ni Scion sa ibang tao. "Sa motel ka kaya muna? Kaso mauubos naman ang pera ko?" Bulong ko sa sarili ko.

"Gagamit na lang ako ng shunyi," pinanglakihan ko siya ng mga mata. Nahihibang na ba siya? Mag te-teleport talaga siya? Manghihina siya ng ilang oras. 'Yon ang kapalit ng paggamit ng shunyi o teleport. "H'wag kang mag-alala, sandaling panahon na lang naman ako nanghihina kapag ginagamit ko 'yon."

Kinindatan niya ako at walang kung ano pang pasabi ay nawala siya na parang bula kasabay ang mabilis na pag-ihip ng hangin. Inangat ko agad ang ulo ko para tignan ang kwarto ko.

Manghihina siya.

Pumasok ako sa bahay habang nananalangin na sana wala si auntie sa sala. Sana mahimbing na siyang natutulog sa kwarto niya.

Buti na lang at wala nga siya.

Dali-dali akong umakyat sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakadapa si Scion sa sahig na malapit sa kama ko.

Sinara at ni-lock ko muna ang pinto bago siya lapitan. Nag-iingat ako na hindi siya makita ni auntie.

"Scion," sinubukan kong iangat ang likod niya para ma-iupo siya pero sobrang bigat niya. Ginamit ko na ang buong lakas ko para lang maangat ko siya. "Dapat kasi nag-isip na lang tayo ng ibang paraan," sambit ko.

Umupo ako sa tabi niya. Napagod din akong iangat siya. Ang laki kasi ng katawan niya, eh.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa matipuno niyang katawan. Kada hihinga kasi siya ay umaangat ang dibdib niya. Nakasandal ako sa kama kaya nakikita ko ito.

Matipuno rin naman ang katawan ni Liam kaya ginawa ko na ring gano'n si Scion. Hindi ko lang inaasahan na mas matipuno ang katawan ni Scion sa totoong buhay. Sabagay, isa nga pala siyang Colonel. Sanay na sanay na siya sa labanan kumpara kay Liam na away kanto lang ang alam.

Sino kaya 'yong kaaway kanina ni Liam?

Simula nang makilala niya ako ay tumigil na siya sa pakikipag-away. Ngayon na nga lang ulit siya nag kaganito. Sabi ko naman kasi eh, mas okay talaga akong girlfriend kumpara sa Tyra na 'yon. Ang problema lang, talo ng mga malalandi ang mga matinong babae na katulad ko.

"Anak ng seaweeds!" nagulat ako sa paghawak ni Scion sa braso ko kaya napasigaw ako nang malakas. "Pambihira, ginulat mo ako!"

Dilat na ang mga mata niya pero halatang nanghihina pa rin siya dahil ito'y pumungay.

May narinig akong boses sa baba.

"Serenity! Ang ingay mong babae ka! Istorbo ka sa beauty rest ko!" Sigaw ng monster este ng auntie.

"Ano 'yong beauty rest?" Ang laki ng struggle niya siya sa pagsasalita.

May gana pa talaga siyang magtanong eh hinang hina na siya.

"Ibig sabihin no'n, nagpapaganda siya," Kinuha ko ang kamay niya at nilagay ko 'yon sa balikat ko para alalayan siyang makatayo at makahiga sa kama ko. "Magpahinga ka na lang muna d'yan."

"Salamat sa pagtulong mo," sambit niya. Napahawak ako sa bibig ko at nanglaki ang mata. "Oh, bakit?"

"Nagpasalamat ka kasi sa'kin, eh. Sobrang dalang mo lang gawin 'yan, isang himala."

Tumawa siya nang bahagya, "Sabi ko naman sa'yo, hindi ba? Magbabago na ako para kay Prinsesa Weiming."

Tumango-tango ako. Sana talaga magbago siya. Hindi na kailangan ng mundo ko, este ng mundo nila ng isa pang kagaya ni Liam.

"Kuhanan mo nga ako ng tubig, madali!" Utos niya. Nagulat ako dahil ilang kisap mata pa lang ay bumalik na naman siya sa pagiging arogante. Akala ko naman tuloy-tuloy na ang pagbabago niya pero mukhang nagkamali ako.

"Sige," sagot ko. Hindi ko naitago sa tono ng boses ko ang pagkadismaya.

Hindi nagtagal ay niyugyog niya ang ulo niya, "Pasensya na, naging arogante na naman pala ako, uulitin ko, maari ba akong makahingi ng tubig?"

Hindi ko naiwasan na mapangiti, "Sige, sandali lang, d'yan ka lang."

May pag-asa pa, Serenity.

Ni-lock ko muna ang pinto mula labas bago ako bumaba. Mas mabuti na ang maingat.

Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig at isang baso para kay Scion. Sinilip ko rin kung may tinira pang pagkain sa'kin si auntie pero wala na. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? Hindi naman siya katulad ni Scion na kahit papaano ay may pag-asa pang magbago.

Umakyat na ako.

Pinainom ko agad si Scion ng tubig. Nakatulog agad siya pagkatapos niyang uminom. Mukhang matagal pa bago siya maging maayos.

Sabi niya konting panahon na lang siya nanghihina pero ito, mukhang bukas pa siya gigising.

Hinayaan ko na lang siyang matulog sa kama ko. Inayos ko na lang ang sofa sa tabi ng bintana. Dito na lang muna ako matutulog tutal sanay naman ako rito.

Madalas kasi akong hindi makatulog sa kamay dahil ang daming surot. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa kanila.

Umupo lang muna ako. Hindi ako makatulog kaya tumapat ako sa bintana at tumingin muna ako labas. Nakatulala lang ako sa habang pinagmamasdan ang mga bituin.

Hobby ko na ang magpalangalan ng nga stars kaya pinangalanan kong Scion ang star na malapit sa buwan.

Isang araw pa lang ang lumilipas pero ang dami nang nangyari.

Lahat ng ito, hindi kapanipaniwala pero nangyayari na talaga.

Ano nga kayang meron sa libro na 'yon?

Napakahiwaga niya.

Paano kaya nagkatotoo ang mga isinulat ko roon? Ano ba talagang meron sa kakaibang libro na 'yon? At ang mahalagang tanong, nasaan na ito?

"Lola, gabayan niyo po ako palagi," bulong ko sa sarili ko habang hinahawakan ko ang kwintas na ibinigay niya sa akin. Isang bituin na nakapaloob sa buwan ang nakasabit dito. "Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon pero alam kong may dahilan lahat ng ito, kagaya ng parati niyong sinasabi sa akin."

Alam ko rin naman na may dahilan ang magulang ko kaya nila ako inabandona pero ano pa man ang dahilan nila ay hindi ko pa rin sila magawang mapatawad.

Ilang taon akong naghintay sa kanila. Kada hapon uupo ako sa tapat ng pintuan namin para hintayin sila pero kahit minsan hindi sila dumating. Pinagtatawanan na nga ako ni auntie dahil mukha raw akong baliw.

Tumigil na lang ako nang mamatay si lola. Napagtanto ko na kahit kailan hindi na sila babalik. Hindi ko alam kung buhay pa sila o patay na pero alam kong may panahon pa rin sila na balikan ako pero hindi nila nagawa.

Humiga na ako sa sofa at nag paantok.

Tinitigan ko ang palad ko. Wala na ang sugat na ginawa ni Scion pero ramdam ko pa rin ang sakit nang paghiwa niya kanina.

Kailangan kong tuparin ang kasunduan namin.

Bago ako natulog ay may ngiti sa mga labi ko. Nakakatuwa na kahit papaano, may pag-asa pang magbago ang isang masamang kabanata sa buhay ng isang tao.

Sana nga gano'n rin ang mangyari sa buhay ko.

Ipinikit ko na ang mga mata ko, umaasa na bukas ay magiging maayos din ang lahat.

Panaginip, alam kong nanaginip ako pero kakaiba itong ngayon, parang totoo.

Kakaiba ang dilim na nakikita ko ngayon pero gayon pa man may liwanag pa rin akong nakikita at ito ay nagmumula sa kwintas ko.

Hindi nagtagal ay may liwanag muli akong nakita. May isang lalaki sa hindi kalayuan. Mahaba ang buhok niya at ito'y kulay puti. May kung anong itim na aparato na nakakabit sa ilong at bibig niya kaya tanging mata lang niya ang makikita mo.

Masama pa nga ang tingin niya sa akin. Inangat niya ang kanang kamay niya at may itim na usok na bumalot dito. Unti-unting lumapit ang katawan ko sa kanya. Kagaya ito nang ginawa ni Scion kanina sa akin.

Ginamitan niya rin ako ng kapangyarihan.

Nang mailapit niya ako sa kanya, nakita ko ang mga mata niya. Nanglamig ako sa takot. Parang mga mata ng lobo. Kulay dilaw ito na parang apoy. Madaming pulang ugat ang mukha niya. Nakakatakot siya.

"Ibalik mo sa akin ang libro, ibalik mo sa akin ang Polaris!"

Hinawakan niya ang leeg ko habang inaangat ako. Pareho kaming nakalutang sa dilim. Wala na akong ibang liwanag na makita bukod sa liwanag na galing sa kwintas ko at sa mala lobo niyang mata.

Habang tumatagal ay kinakapos ako ng hininga.

Hindi na ata basta panaginip lang, totoo na ito.

"Bi-bitawan.. mo.. ako.." gusto ko siyang pigilan pero hindi ko maiangat ang kamay ko.

Ito na ba ang katapusan ko?

Sino ang magliligtas sa akin?

"Scion.."

Iyan na lamang ang tangi kong nasabi.

--

Continue Reading

You'll Also Like

112K 4K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
8.7K 493 62
Si Cheryza Alustre ay mahilig gumawa ng facebook account at isa siyang roleplayer kung saan marami na siyang nakilalang kaibigan sa internet. She val...
3.8M 228K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." πŸ–‡ COMPLETED Date Starte...