Polaris (Published under Indi...

By blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... More

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 9: Portrayer

119K 5.2K 397
By blue_maiden

Portrayer

Asan na ba ang lalaki na 'yon?

"Scion!" Sigaw ko.

Nilibot ko na ang bawat kanto malapit sa barber shop pero wala pa rin siya. Sandali.. baka naman bumalik na siya sa mundo nila?

Hindi, ako lang ang nakakapagsulat sa libro na 'yon, eh.

Wait, ako nga lang ba?

Baka may iba pang tao na nakakapagsulat sa libro, may nakapulot nito at ibinalik na si Scion sa loob. Posible kaya 'yon?

Since hindi pa naman sigurado, hahanapin ko na lang din muna si ang nilalang na 'yon. Baka mamaya nandito pa rin siya at kung ano na naman ang magawa niya.

"Scion.. asan ka na ba?"

Ang layo na nang narating ko pero hindi ko pa rin siya makita. Pagod na pagod na ako. Ngayon pa lang, pinapahirapan na niya ako. Pambihira talaga siya.

May narinig akong mga babae sa likod ko na nag-uusap. Hindi ko naman ugali ang makinig sa usapan ng iba pero ang lakas kasi ng boses nila. Kaboses pa nga nila ang mga daga sa istero namin habang tumitili. "Ang gwapo niya sobra!" Sigaw ng isang babae.

"Kaso parang nababaliw na. Kanina pa siya nakatitig do'n sa truck na may poster ni Jasmine, 'yong artista," sambit ng kasama niya.

"Malay mo, ex-girlfriend niya 'yon."

Tumango ang kasama niya, "Hindi imposible pero parang ewan talaga siya, naka-pajama pa nga, eh. 'Yong t-shirt pa niya puro chinese character."

Nang marinig ko 'yon naisip ko agad si Scion! Gano'n na gano'n ang pinasuot ko sa kanya!

"Sayang gwapo pa naman," dinig kong sambit pa nila.

Nakakahiya man pero sumingit na ako sa usapan nila, "Ah miss, saan niyo nakita 'yong lalaki na pinag-uusapan niyo?" Tinignan nila ako at pinagtaasan ng kilay. Teka, maayos naman ang pagkakatanong ko, ha? "Mukha kasing siya 'yong kaibigan ko na nawawala, eh."

Sasagutin na sana ako nang masungit na babae pero pinigilan siya nang kasama niyang mas mabait sa kanya, "Nando'n siya sa pangatlong kanto. Malapit sa may bus stop."

"Salamat," sambit ko.

Tumakbo ako agad papunta sa sinasabi nila.

Ano bang problema niya at nando'n siya? Nakatitig pa raw siya sa litrato ni Jasmine?

Nakita ko agad siya at tama sila, nakatayo siya sa harap ng poster ni Jasmine na naka-display sa isang truck. Hindi siya gumagalaw at nakatulala lang siya sa kinakatayuan niya.

"Scion!" Sigaw ko habang papalapit ako sa kanya. Nang makatayo ako sa harapan niya, nakita ko ang mukha niya na para siyang nasasaktan. Para kasi siyang iiyak, eh.

"Anong ginagawa mo rito? Kanina pa kita hinahanap!"

"Nandito.. nandito rin si Prinsesa Weiming sa mundo niyo?" Tanong niya habang onti-onting tumutulo ang luha sa mga mata niya. "Asan siya? Gusto ko na ulit siyang makita."

Bigla kong napagtanto na si Jasmine nga pala, isang sikat na artista ang ginawa kong portrayer o 'yong tao na pinaggayahan ko ng mukha ni Weiming. "Uhm, kasi, hindi siya si Weiming--"

Pinutol niya ang susunod ko pang mga sasabihin, "Lapastangan! H'wag mo siyang tawagin sa pangalan lamang, Prinsesa Weiming ang itawag mo sa kanya!"

Oh my God. Seryoso ba talaga? Sige na nga, pagbigyan ko na, baka ma-trigger ko na naman siya. "Pasensya na, ulit sa umpisa ha?" Huminga muna ako nang malalim. Pakiramdam ko pati pagsasalita ko ia-adjust ko rin para sa kanya, "Kasi ganito, hindi talaga siya si Prinsesa Weiming. Siya lang ang pinaggayahan ko ng mukha ng mahal na prinsesa pero hindi talaga siya 'yan. Hindi siya nabibilang sa mundo niyo, sa mundo namin siya nabubuhay. Okay?"

Tinignan niya muli ang litrato ni Jasmine pagkatapos lumapit pa siya at hinawakan pa niya ito. Mukha nga talaga siyang baliw, "Hanapin na natin agad ang libro. Gustong gusto ko nang makita ang prinsesa."

Natigilan ako sa mga sinabi niya. Ginawa ko naman talagang babaero si Scion sa kwento pero iba rin talaga ang pagmamahal niya kay Weiming. Isa pa, tska lang naman siya tumitingin sa ibang babae kapag pinapamukha sa kanya ni Weiming na si Chaun talaga ang mahal niya. Hindi ko pa naisusulat sa libro pero gusto lang naman makalimot ni Scion sa mga heartbreaks niya kay Weiming kaya siya pumupunta sa mga bahay aliwan sa mundo nila. Gano'n pa man, babaero pa rin siya, parang si Liam.

"Sumunod ka na kasi sa'kin, bibili muna tayo ng damit para hindi ka mukhang ewan sa daan," gusto ko sana siyang hilahin papunta sa ukay-ukay dahil baka mawala na naman siya pero baka bigla siyang topakin, "H'wag ka na ulit hihiwalay sa'kin, ha?"

Tumango lang siya pero halos mabali na ang leeg niya sa kakalingon sa poster ni Jasmine. May mga esksena talaga na mapapabilib ka sa pagmamahal niya kay Weiming. Hindi ko lang siguro na-appreciate dahil para sa akin siya pa rin si Liam, ang lalaking winasak ang puso ko.

"Ang layo ng narating mo, paano mo nakita 'yong litrato ni Jasmine?" Tanong ko sa kanya. Para siyang bata na manghang mangha sa paligid niya. Oo nga pala, wala pang gaanong technology sa mundo nila at ibang iba ang mundo na 'to sa kinalakihan niya, "H'wag mong sabihin na sinundan mo 'yong truck?"

"Truck ba ang tawag sa gumagalaw na bakal na 'yon?" Tanong niya kaya tumango ako. "Sinundan ko nga 'yon dahil gusto kong makita nang mabuti ang mukha ng babae na sinasabi mo, ang kamukha ng prinsesa."

"Sa susunod h'wag kang lalayo sa'kin kasi kapag nawala ka, wala akong ibang paraan para mahanap ka agad."

Hindi na niya ako sinagot. Tulala ang lolo mo. Hindi pa rin maka-move on kay Weiming.

Sana kasi naging loyal ka na lang sa'kin, Liam...

Pero syempre hindi mangyayari 'yon dahil malandi siya.

Naka walong kanto pa kami bago makarating sa ukay-ukay na pagbibilhan namin ng damit, "Umupo ka na lang d'yan, ako na lang ang pipili ng damit para sa'yo," baka kung anong damit pa ang piliin niya.

Syempre 'yong pinakamurang damit lang ang binili ko para sa kanya. Magkano lang naman ang sinahod ko at ilang linggo pa bago ang susunod. Critical wallet days agad ako nito kapag nagkataon. Ayoko pa munang mag-ulam ng tuyo!

Pinagpalit ko na agad siya ng damit. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga taong nakakasalubong namin. Mahirap na ang maging takaw atensyon kami. Kakaibang nilalang pa naman 'tong kasama ko.

"Ganito ba talaga ang damit niyo? Parang nagtitipid kayo sa mga tela," sambit niya. "Mabilis akong dadapuan ng sakit nito."

"Alam mo minsan, ikaw naman ang mag-adjust, parati na lang kami," sambit ko. Nakakunot na naman ang noo niya. Naisip ko naman kung bakit. "Adjust, salitang ingles na ang ibig sabihin lang, ikaw naman ang makisama sa amin, gano'n."

Nangliliit ang mga mata niya. Hindi niya siguro ako naintindihan. Kailangan ko sigurong bumili ng dictionary para ipabasa sa kanya ang mga bagay-bagay. Hirap na hirap na akong mag-explain ng mga english words sa kanya.

"Tara na nga, may ide-deliver pa akong seaweeds."

Simula nang lumabas kami sa bahay kahit papaano, naging tahimik at kalmado na siya. Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa lalaki na 'to pero parang palaging malalim ang iniisip niya.

Hindi naman niya siguro iniisip ang pag-torture sa akin, noh? Ang bait-bait ko na nga sa kanya. Sobrang pagtitimpi at sakripisyo na ang ginagawa ko para sa kanya.

Naglakad kami papunta sa grocery nila Liam. Pinapanalangin ko na lang talaga na wala ang gago kong ex-boyfriend sa grocery nila. Maliban sa ayokong makita ang manloloko na 'yon, ayoko rin na magkita sila ni Scion pero bukod sa lahat, baka kasi masapak ko siya. Hindi ko pa rin makalimutan 'yong facebook status niya tungkol sa amin.

Ang kapal talaga ng mukha niya! Ang sarap niya kurutin sa singit!

Nasa tapat na kami ng grocery pero pinaupo ko na lang muna si Scion sa upuan ng mamihan sa tapat lang ng store.

"Umupo ka na lang muna d'yan, may gagawin lang ako sa loob nang grocery," as usual, nakakunot na naman ang noo niya, hindi ko na lang pinaliwanag sa kanya kung ano ang grocery. "H'wag kang gagawa ng kung ano, ha? Mabilis lang ako."

Habang humahakbang ako papunta sa grocey ay nakatingin ako sa kanya. Kinakabahan kasi ako na baka mag-magic siya bigla kapag may nakaaway siya.

"Good afternoon, Miss Serenity!"

Agad akong napalingon sa harapan ko. Ang sigla ng boses niya kaya talagang nagulat ako.

"Sakto umalis na si Sir Liam."

"Talaga Kuya Arnold? Ang swerte ko naman," masaya kong sabi. "Sige, mag-dedeliver lang ako ng seaweeds."

Pumasok ako sa loob para ibigay ang seaweeds.

Hindi na rin ako nagtagal dahil kinakabahan ako kay Scion. Oo nga at mahinahon na siya ngayon pero hindi ko pa rin matansya ang pasensya niya sa ibang tao.

Bago pa ako makarating sa exit ng grocery, nilapitan na ako ni Kuya Arnold, "Miss Serenity, bumalik agad si Sir Liam pero may kaaway siya sa labas."

Dali-dali akong lumabas para makita kung sino ang kaaway ni Liam. Hindi ko makita dahil nakatalikod siya sa akin. Hinanap ko si Scion at sinunod naman niya ako, nakaupo pa rin siya do'n sa may mamihan, "Buti na lang hindi sila nagkita." Bulong ko sa sarili ko.

Lumapit ako kay Scion, "Tara uwi na tayo, malapit na rin magdilim," Nasa malayo ang tingin niya at nang sundan ko kung saan siya nakatingin ay kay Liam na pala. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong nakatingin na rin si Liam sa amin.

Teka, wala naman siguro silang lukso ng dugo, 'di ba? Kay Liam ko lang hinango si Scion pero hello, hindi naman sila mag-ama o kung ano pa man.

"Dali na, alis na tayo."

Ayaw pa rin niya akong pakinggan kaya hinila ko na siya palayo. Ang bigat nito ni Scion pero nakaya ko pa rin siyang hilahin para lang hindi na kami makita ni Liam, ang isa sa mga kalahi niya; gago, manloloko at walang kasing sama!

Naka-sampung hakbang na kami palayo sa kanila pero, "Xiang!" tinawag pa talaga ako ni Liam. Ayoko na sanang lingunin ang hayop na 'yon pero itong si Scion ang makulit. "Sino 'yang kasama mo?" Hinarap ko na rin siya.

Kasama niya 'yong dalawa niyang tropa pero wala si linta.

Tinignan ko si Scion at aba, ang sama nang tingin niya kay Liam. Mukhang hindi maganda ang timpla niya sa taong halos kapareho lang naman niya.

Ang magnanakaw nga naman, galit sa kapwa magnanakaw.

"Sino ka?" 'yan na lang ang nasabi ko.

Agad siyang kinantsyawan ng mga kaibigan niya kaya halos naging kamatis sa pula ang mukha niya, hindi ko alam kung sa kahihiyan o sa galit. Bagay naman sa kanya 'yan, eh. Hindi rin naman pala niya ako minahal, umpisa pa lang kaya mas mabuti na magkalimutan na lang kami.

"Pwede ba nagmamadali kami, sinasayang mo ang oras namin."

Hinila ko muli si Scion palayo sa kanila pero umepal na naman 'tong si Liam, "Nakalimutan mo na agad ako porket may bago ka ng kasama ngayon?" bigla siyang tumawa. "Kahit anong gawin mo hindi mo ako mapapalitan, tandaan mo 'yan, Xiang."

Huminga muna ako nang malalim bago ko siya harapin. Sumosobra na talaga siya. Oo patay na patay ako sa kanya pero hindi na ngayon, hindi na gano'n katulad nang dati. "Anong hindi? Nagawa ko na. Napalitan na kita kaya pwede ba, tigilan mo na ako!"

Nanlaki ang mata nilang tatlo. Hindi nila inaasahan ang mga sinabi ko. Akala siguro nila ako pa rin ang Serenity na mahina ang loob at ang nagpapaapi lang sa kanila.

Hinila ko ulit si Scion palayo sa kanila. Buti na lang at hindi na siya pumalag pa.

Nang makalayo na kami sa kanila, hindi ko napigilan na maiyak. Ang kapal kasi ng mukha nang gago na 'yon, eh. Bilib na bilib pa rin siya sa sarili niya. "Anong akala niya, habang buhay akong magpapakabaliw sa kanya? Gago pala talaga siya, eh!" sa isip ko lang dapat sasabihin 'yon pero hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Narinig pa tuloy ni Scion, nakakahiya.

"Sino ba siya?"

Singit nya sa ma-drama kong moment. Natawa na lang tuloy ako, bakit ba kasi nagda-drama pa ako rito? Tapos na nga 'di ba? Tapos na dapat ang lahat.

"Bakit gano'n ang pag-uusap niyo?"

"Dati kong kasintahan," sagot ko. "Mahabang kwento pero para maintindihan mo, niloko at pinagpalit niya ako sa ibang babae. Sa madaling salita, gago siya. Alam mo, sa kanya ko hingo 'yong karakter mo, eh. Pareho kayo ng ugali."

Ngumisi siya, "Kaya pala ang sama ng ugali ko sa mundo namin at kaya pala parati akong nasasaktan dahil gusto mong makaganti sa lalaki na 'yon sa pamamagitan ko. Tama ba ako?"

Matalino nga talaga siya.

"Oo, tama ka. Hindi naman ako makaganti sa kanya dito sa mundo namin kaya sa mundo niyo na lang, sa mundo na ako ang may kontrol."

Humawak siya sa baba niya na para bang ang lalim ng kanyang iniisip.

"Anong iniisip mo, ha?" Tanong ko. Kanina pa siya nag-iisip at palubog na ang araw. "Umuwi na nga tayo."

"Kapag ba binago ko na ang ugali ko at nahigitan ko si Chaun, ako na ang makakatuluyan ni Prinsesa Weiming?"

Tumaas agad ang kilay ko sa mga sinabi niya. Babaguhin niya ang ugali niya? At gusto niya pa talagang higitan si Chaun? Pwede ba 'yon?

"Sabihin mo, gagawin mo ba 'yon? Papatunayan ko na mas karapatdapat ako sa prinsesa," tinignan niya ako at sobrang seryoso ng mukha niya. Mukhang pursigido rin siya. "Ipangako mo, sa oras na maging mas karapatdapat ako sa kanya, babaguhin mo ang takbo ng istorya at ako ang makakatuluyan niya."

Napanganga ako sa mga sinabi niya. Hindi rin agad ako makapagsalita.

Seryoso ba talaga siya?

--

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
50.9K 1.6K 63
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
2.2M 116K 41
POLARIS BOOK 2 Akala ni Xiang Serenity ay tapos na ang lahat simula nang matalo nila ang hari ng kasamaan ngunit ang hindi niya inaasahan ay may bago...
8.7K 493 62
Si Cheryza Alustre ay mahilig gumawa ng facebook account at isa siyang roleplayer kung saan marami na siyang nakilalang kaibigan sa internet. She val...