[✔] BOOK II : The Love Collid...

By sedolls

43.4K 2.3K 1.7K

sa loob ng limang taon, unti-unting nagbabago ang mga buhay nila. pero ang pagmamahal na nabuo noong nakaraan... More

Prologue / Casts
chapter 1 - cloud
chapter 2 - cemetery
chapter 3 - kicked out
chapter 4 - interview
chapter 5 - dating
chapter 6 - secret
chapter 7 - meet
chapter 8 - smile
chapter 9 - enrollment
chapter 10 - almost
chapter 11 - collide
chapter 12 - bestfriends
chapter 13 - PA
chapter 14 - run
chapter 15 - sudden memory
chapter 16 - switch
chapter 17 - responsibility
chapter 18 - house
chapter 19 - stupid
chapter 20 - mystery
chapter 21 - us
chapter 22 - amusement park
chapter 23 - reunion
chapter 24 - highschool memories
chapter 25 - remember
chapter 26 - fixed
chapter 28 - nightmare
chapter 29 - daddy
chapter 30 - locked
chapter 31 - arjon
chapter 32 - MOVE
chapter 33 - escape
chapter 34 - missing
chapter 35 - ceijan
chapter 36 - unknown
chapter 37 - traitor
chapter 38 - bombing
chapter 39 - the truth
chapter 40 - saved
epilogue
special chapter; the wedding
special chapter; reception
special chapter; farewell
special chapter ; finale
extra short chapter; history
faCtS abOuT tHis bO0k
im having a not-so-book 3 after a year yey

chapter 27 - revealed

745 38 50
By sedolls

Snow's POV

"Then naalala mo bang ninakaw nyo ni Eizon yung notebook ni Mint tapos nakita nyo yung drawing nyang boobs?" Sigaw ni Thunder habang pinaghahampas pa ang table sa kakatawa.

"Huy gago! Bundok kasi yun di mo lang nakita ang sun!"

Nagtawanan ulit sila dahil dun kaya minsan napapangiti narin ako sa mga kwento nila. Hindi ko alam kung bakit ako sinama ni Thunder dito sa salo-salo nila basta sabi nya, magkikita-kita lang daw kaming magschoolmate noon.

Ang daming taong dumadagdag kaya ang hirap tuloy sila alahanin. Kagaya nung Mint, si Yvan at yung jowa nyang si Melody tapos yung kausap ko noon na si Grey pati ang girlfriend nyang si Cara. Hindi ko rin naman mapigilang manahimik dahil wala akong alam sa mga pinagsasabi nila. Kung siguro hindi nawala yung mga ala-ala ko... Baka tawang-tawa narin ako ngayon.

"Si Eizon nga pala?" Tanong ni Mint.

"Bagong kasal yun! Nabuntis ng maaga si Kesha. Tsaka nasa Thailand sila ngayon dahil nagcecrave ng banana roti yung babae" sagot ni Cara.

"Pumunta lang ng Thailand para sa banana roti!?" Tanong ni Yvan.

"Teka, buntis? Ang aga naman ata nyang mabuntis" sabi ni Grey, "Grabe ang landi ng ilong ah. Ako ang boyfriend noon pero hindi binalita sakin!?"

Boyfriend noon?

"Heh! Selos ka lang dahil baog ka!" Sigaw ni Cara kaya tawang tawa naman sila.

"Hindi ako baog!!"

"Guys stop it!" Tawang tawa na sabi ni Mint at pinakalma ang sarili nya, "And why are you so worried about sa pagiging early ng pagbubuntis ni Kesha kung mas maaga namang nagkaruon ng anak sina Rain at Sunny!" Sabi nya kaya imbes na magreact, natahimik kaming lahat.

Kahit ako.

Tahimik...

"Wh-What?" Inosenteng tanong ni Mint habang nakatingin saamin. Halatang gulat si Sunny tsaka si Rain.

Kung ganun... Totoo talagang anak ni Rain si Cloud? Pero bakit naman nila itinago samin?

"You haven't told them about this Sunny?!" Tanong ni Mint.

"I-It's not that..."

"Then kailan mo itatago kay Cloud ang Daddy nya?"

"Wait wait Mint! Hindi naman sa ganun!" Singit ni Rain at bumuntong hininga.

"Mint!" Tawag ni Cara dito. Napayuko nalang ako sa biglaang pagseseryoso nila. Inatras ko ang upuan ko at tumikhim.

"May pupuntahan lang ako" sabi ko sakanila at agad na tumakbo palabas ng restaurant.

-

"Heyyy remember me?" Tuminghala ako sa lalaking lumapit sakin kaya umusog ako sa bench na kinauupuan ko dahil mukhang uupo sya dito.

"Sir William" sabi ko at yumuko ulit.

"Just call me William. You're also my friend you know" sabi nya at tumabi sakin, "Susundan ka sana ni Thunder pero agad ko syang pinigilan then excused myself para mag-CR. I really want to talk to you"

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Wala lang. I don't really know kung bakit. I just want to talk to you. I just have the feeling na kailangan eh"

"Ang weird mo"

"That's me"

Huminga ako ng malalim.

"Bakit ka nga pala umalis?" Tanong nya, "You know you can tell me. It's not like mahilig akong magkalat. I'm just a curious person and I believe nakakapatay yun"

Umiling lang ako at tumawa ng mahina.

"Weird mo nga talaga"

"Pero bakit nga? Sabihan mo na ako. May kinalaman ba to kina Sunny at Rain? You know I was shocked too dahil hindi ko akalaing magiging ama ng isang Sunny Meguera ang isang Rain Castillo. They really do are meant to be no? Hindi lang sa pangalan" tumango naman ako ng dahan-dahan, "So why? Naapektuhan ka ba?" Agad akong umiling.

"Hindi naman sa ganun. Parang nagiguilty lang ako. Nanghula lang kasi ako noon na baka ama ni Cloud si Thunder eh. Hindi ko inisip na masasaktan si Thunder pag sinabi ko yun" sagot ko sakanya.

"Ofcourse he is. Sa lahat kasi ng tao sa paligid nya, sayo pa nanggaling"

Mas lalo naman akong nagguilty dun. Ano pang maitutulong nya sakin ha?!

"Pero you know what? Ang cute ni Thunder no?!" Hindi ko alam kung anong irereact ko sakanya. Bigla-bigla ba naman yun sasabihin.

"Huh?"

"Hindi kasi! Akalain mo yun... Playboy sya noon, ang daming naging jowa... pero kahit isang smack lang sa lips, hindi nya pa naggawa sakanila. Hindi sya yung tipong playboy na ibibigay ang katawan sa iba... More like playboy na masakit jowain. Dahil wala pang ilang minuto, maya-maya'y magbebreak na kayo. You know kung saan nya nakuha ang first kiss nya??"

"Teka lang... Akala ko ba sa showbiz lang kayo nagkakilala?"

"I told you I'm a curious person at walang sekretong hindi masasabi sakin. He told me everything"

"Kasali ba ako?" Tanong ko, "H-Hindi naman sa nagfefeeling ako—"

"Of course. Almost tungkol sayo ang mga kinukwento nya sakin" sabi nya kaya agad akong napahawak ng pisngi.

"Yiieee kilig kilig!" Binangga nya ang balikat ko kaya inirapan ko sya.

"Ano ba!" Inis kong sabi sakanya pero hindi ko rin mapigilang ngumiti.

"Aweee flustered! Pero seryoso ako ah. Mahal ka nun" namula ulit ako at pinakalma yung utak ko.

"Hindi ko lang kasi akalaing sa lahat ng babaeng magaganda, ako pa ang naging jowa nya. Hindi kaya ginayuma ko sya noon or something?" Tanong ko kaya biglang napatawa.

"Seriously!? Ikaw pa talaga ang nagsabi nyan?! Believe me or not, sya ang palagi ang naghahabol sayo. Ikaw naman tong hard to get na literally hard. Ikaw yung tipong babae noon na napakaimposibleng mainlove sa lalaki" sagot nya habang nakatinghala pa.

Hindi ko talaga maintindihan ang ugali at characteristic ko noon eh. Kung hindi ako nagkacrush kay Thunder noon, eh bakit sa isang tingin ko lang sakanya, crush ko na agad sya? Na kahit kamukhang kamukha nya si Rafael, nasakanya parin tumitibok ng mabilis ang puso ko.

Ang weird ng mundo... Pero mas weird ang pag-ibig. Ang swerte ko kaya noon dahil naging kami ng Thunder na yun? Uwaaaah gusto ko na talagang maalala lahat!

"I have a task for you" nakangisi nyang sabi at lumapit sa tenga ko para bumulong, "When Thunder's not looking, kunin mo ang phone nya at pumunta ng gallery. I'm sure it would help" sabi nya bago tumayo at nag-unat.

Seryoso yun? Ano namang makikita ko sa phone na yun?

-

Nakahalumbaba ako habang tinitigan si Rafael na busy sa paglamon ng dalang pagkain namin galing sa resto na pinuntahan namin. Hindi rin naman kasi namin sya maisama eh dahil ayokong magkaruon ng dalawang mukha doon. Kaya ito.. Nagtatampo nanaman dahil naiwan ulit sya dito sa condo.

"Tay, sorry na kasi" sabi ko sakanya habang hinimas himas ang hita nya sa baba ng mesa.

"Kumakain ako, maya na" sabi nya at hindi ulit ako pinansin.

"Alam mo ba yung tungkol kay Sunny na meron nang anak?" Tanong ko sakanya.

"Oo naman... Nangs-stalk kami palagi ni Vince sa computer shop tungkol sakanya. Hindi naman pogi yung asawa nya eh!" Sabi nya at umirap.

"Anong hindi pogi!? Yung Mint? Alam mo bang nakita ko sya kanina? Grabe ang pogi pogi, ang bango bango, ang tangkad tangkad! Grabe feeling ko tuloy ako lang ang pulubi dun" sabi ko at napakagat ng labi.

"Teka, ano bang meron at bakit mo natanong sakin yan?" Tanong nya.

"Kasi kanina, nalaman kong si Rain pala yung totoong ama ng anak ni Sunny" sabi ko sakanya.

"At sino naman yung Rain?" Tanong nya.

"OMG RAFAEL! Kung nakita mo lang sya, masasabi mong sya ang pinakapoging nilalang sa buong mundo! Ang pogi pogi! Ang pogi rin ng kaibigan nyang bakla! I mean, bakla rin sya pero ang pogi kasi eh. ANG DAMING POGI KANINA!!! Lalo na yung Grey! Ang bango nun! Feeling ko namamagnet ilong ko sakanya! Aahhhh napuno ng magaganda at pogi yung resto kanina. Gusto ko nang mamatay!" Sabi ko at nagkunwareng nahimatay sa upuan.

"So... Lahat sila mga schoolmates mo noon?" Tanong nya at agad naman akong tumango.

"Well except kay Iri, Cloud at William—"

"When Thunder's not looking, kunin mo ang phone nya at pumunta ng gallery. I'm sure it would help"

Napakamot ako ng batok nang biglang sumagi yung sinabi ni William sakin kanina.

"Ah... Punta muna ako sa kwarto ah, may gagawin lang ako" sabi ko at agad na tumayo para umalis.

Ayaw ko mang gawin yung sinabi ni William sakin, hindi ko rin mapigilang macurious kung anong laman nun. P😛rn? Lol, magandang sekreto rin yun. Pero hindi naman ata abnormal yung si William para sabihan akong panuorin yung mga ganern lol.

Anyways, nasa tapat ako ng pintuan ni Thunder. And ano na gagawin ko?

Right! Buksan.

Lord kayo na bahala sakin, amen.

Hinawakan ko ang doorknob ng pintuan nya tsaka dahan-dahang binuksan. Alam kong tulog na agad ngayon si Thunder dahil kakagaling lang yun sa taping nila then diretso agad sa restaurant. Nakakapagod kaya yun.

So heto ako ngayon, nagdedebate parin sa isip. Ayokong masesante agad sa trabaho pag nalaman nyang nagterespass ako sa kwarto nya. Bukod dun, baka mapagkalaman pa akong magnanakaw o manyak. Ayoko. Ayoko!

Agad akong lumabas ng kwarto at sinarado ang pinto tsaka umupo sa sahig. Sumandal ako sa pader at pinaghahampas ang sarili ko. Temptation, please stop. Ayokong magkasala.

"When Thunder's not looking, kunin mo ang phone nya at pumunta ng gallery. I'm sure it would help"

"I'm sure it would help"

"I'm sure it would help"

"I'm sure it would he—"

"MAKAKATULONG PARA MASESANTE AKO!? TANGINA MO WILLIAM!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kwarto namin.

Dumamba ako sa kama habang agad na nilabas ang phone ko sa bulsa. Binigay ni William sakin ang number  nya kaya agad ko syang tinawagan.

"WILLIAM!"

"Hello~"

"Di ko kaya! Ano ba talagang meron dun at bakit kailangan ko pang tingnan?!"

"It's for you to find out. It's now or never Snow. Think think think~"

"Pag-ako mahuli ni Thunder, dadalhin ko pangalan mo!"

"Oh sure no problem~ Ako bahala sayo"

"Bye na"

Pinatay ko ang tawag at napahalumbaba. Gagawin ko ba o hindi? Gustong-gusto ko talagang tingnan ang laman ng kung ano mang meron sa gallery na yun eh! Pero nakakatakot din isipin na mahuli nya ako.

Bahala na si Lord at si William.

-

Password..

Tanginang password!

Bakit hindi ko man lang inisip na may password na nilagay si Thunder sa phone nya!? Tanga mo Snow.

Nasa loob ako ng kwarto ni Thunder, nakaupo sa pinakasulok ng kwarto dahil incase na magising, magpapahuli nalang ako. Mas better na yun kesa sa dalhin ko yung phone sa kwarto ko tapos hahanapin nya dito— edi mapagkalaman akong magnanakaw! Kaya mas mabuti pang dito nalang ako. Nandyan naman si William everywhere eh. May tiwala ako dun.

Biglang nagvibrate yung phone nya nang pinindot ko ang bilog sa ibaba. Pinindot ko ulit at nagvibrate nanaman. Ang weird.

I think hindi ako basta-bastang makakapasok sa ganitong klaseng phone. Bagong generation na to eh kaya malamang wala akong alam. Probinsyana lang po ako.

Nilapag ko ulit ang phone nya sa table tsaka naglakad papunta sa pinto.

"Hey" Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Thunder sa likod. Naggising sya. Shit, "What are you doing here?"

Ano palusot mo Snow? Bilis magisip ka! Tangna sinasabi ko na nga ba maggigising ko sya eh.

"Come here for a moment" sabi nya, "I don't care about your reason anymore"

"A-Ano? Aba dapat lang may rason kung bakit ako nandito! Ang weird naman kung papasok ako kapag wala no!" Sabi ko pero maya-maya'y nakaupo na ako sa kama nya.

"And ano naman yang rason na yan?" Tanong nya.

"Uh.. Ano—" tangina wala talaga akong maisip eh. Nagpapanic na ako.

"I told you I don't care about that anymore. Wala akong pakialam kung mamanyakin mo man ako" sabi nya at inabot ang phone nya sa mesa. Napairap naman ako at hindi na nagsalita pa. Mukha ba akong manyakis? Sa isip lang naman ako manyak.. "Now come here Snow. It's an order"

"Wait wait! Oo katulong lang po ako dito pero ayoko pong igive up nalang basta basta yung katawan ko sa kung sino man!" Sabi ko at nang marealize ko ang sinabi ko ay agad akong namula.

Saakin pa talaga nanggaling yun ah.

"You have such a pure mind Snow" hindi ko alam kung sarcastic ba yun o nang-aasar lang talaga sya pero all in all, naaasar ako.

"Shut up!"


-

Mas naging manyak po talaga ang version ngayon ni Snow. At alam kong kailangan ko rin magsorry dahil wala na akong update update lol. Yung PLDT po kasi, muntanga! Naiinis ako wag nyo kong kausapin. Charot!

Sino fave character nyo dito?

Me: si Rafael — dahil forever kami loner with an A and without R! (ALONE) CHAROT! Bibigyan ko rin yan ng lovelife! (Ako! Papasok ako sa story)


(RAFAEL AND SNOW SELPEE)

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
MARAHUYO By abbey

Fanfiction

91.4K 4.5K 38
adj. to be enchanted. Does enchantment last as long as love does?
13.1K 595 15
An Guardian Angel sent from heaven and a Woman that's so stubborn. Paano kapag nagkaharap sila? Magkakasundo kaya sila? O lagi nalang nagtatalo? Or...
369K 19.4K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.