Polaris (Published under Indi...

Oleh blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... Lebih Banyak

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 6: Captain Warrior

161K 5.8K 947
Oleh blue_maiden

Captain Warrior

TITIG na titig ako sa kanya. Mahaba-haba ang buhok niya, abot hanggang balikat at nakasuot siya ng damit na akala mo galing siya sa mga naunang dynasty ng China. Matangos ang kanyang ilong, manipis ang mga labi at ito ay kulay pula na para bang rosas, singkit na mga mata at mala porcelanang balat.

Ang gwapo niya.

"Sino ka?" Tanong niya muli.

Magsasalita pa lang sana ako pero biglang lumiwanag kaya napapapikit ako habang hinaharang ng braso ko ang pinagmumulan ng liwanag.

Pagdilat ko ng mga mata ko ay bigla siyang nawala, "Hala! Magic?"

Tinignan ko lahat ng sulok ng kwarto ko pero wala na siya. Imposible rin naman na makalabas siya dahil nasa pintuan lang ako at sarado rin ang bintana.

Halusinasyon ko lang ba 'yon? pero parang totoo talaga.

Umupo muna ako sa kama ko.

Ano bang nangyayari sa akin? Hindi na normal ang mga nagaganap sa buhay ko. Kung ano-ano na ang nakikita at nararamdaman ko. Lahat ng ito nangyari simula no'ng pumunta kami sa Baguio at nang makuha ko ang libro na 'yon.

Tumayo ako para kunin ang libro. Tinignan ko maigi ang bawat sulok ng libro at may nakita akong sulat sa pinakahuling pahina.

Book of Polaris

Polaris? Sino siya? Siya kaya ang may-ari ng libro na 'to? Ang ganda ng pangalan niya ha. Ang alam ko isang bituin ang Polaris.

Sana pwede ko siyang makausap para maitanong ko kung may sa maligno ba 'tong libro na 'to kasi ang daming ganap, eh.

Minsan nga gusto ko na lang talagang itapon ang libro na 'to pero sa tuwing naiisip ko 'yon gawin, may kung ano rin na pumiligil sa akin. Ang weird talaga. Para bang may buhay din 'tong libro na 'to.

"Praning na naman ako. Kailangan kong mag-focus sa sinusulat ko."

Uminom ako ng tubig at kumain para may lakas ako. Sinimulan ko na ulit ang pag-susulat ko. Kailangan kong pahirapan ng husto 'tong si Liam at Tyra sa istorya na 'to. Akala ba nila papalagpasin ko ang ginawa nila? Kahit man lang dito ay makaganti ako sa kanilang dalawa.

Scion ang pangalan ni Liam sa story ko. Isa siyang Captain Warrior o Shang Xiao kung tawagin ng Qin Dynasty. May halong chinese era setting kasi 'tong story na 'to dahil nga in love ako sa mga bagay na may koneksyon sa China.

Si Scion ay may gusto sa anak ng Emperor na ang pangalan ay Weiming. Syempre ako si Weiming sa story. Hindi naman sa gusto ko na magkagusto ulit sa'kin si Liam pero gusto kong maramdaman niya kung paano baliwalain ng taong mahal mo.

Karma lang 'yan sa kanya, ang gago niya kasi.

Si Weiming kasi ay may gusto kay Chaun, siya naman ang General o Shang Jiang at siya ay mas nakakataas kay Scion. Walang pakialam si Weiming kay Scion dahil para sa kanya ay wala itong kasing sama.

Arogante, mainitin ang ulo, sakim at higit sa lahat ito ay babaero. 'Yan ang mga katangian ni Scion na syempre binase ko kay Liam. True to life naman, eh. Perfect fit sila maliban sa madaming alam sa pakikipaglaban si Scion dahil isang siya Shang Xiao. Kahit gaano ko kinaiinisan ang Scion na 'to, kailangan maayos pa rin ang role niya sa story at kailangan napapantayan niya kahit papaano si Chaun para naman may love triangle.

Sino si Chaun sa totoong buhay? Siya ang lalaking matagal ko ng pinapangarap.

Sweet, maalaga, palagi kang napapasaya at higit sa lahat loyal sa'yo.

Sa kasamaang palad, hindi ko pa nahahanap ang Chaun ng buhay ko.

Sabi nga nila ang mga kayamanan, mahirap talaga mahanap.

Wala pang isang oras akong nagsusulat ay biglang tumawag si Cooper. "Xiang, tignan mo 'yong post ni Liam."

Habang kausap ko siya sa phone ay binuksan ko ang laptop ko at nag log-in ako sa facebook ko. Gamit ko ang dummy account ko dahil naka-block na ako sa account ni Liam.

Liam Anderson:
Hindi ko naman talaga minahal ang ex-girlfriend ko dahil isa lang 'yong pustahan. Natuwa lang ako sa kanya kaya umabot kami ng taon pero never ko siyang minahal. Kay Tyra lang ako nagkaganito.

Kusang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Sabi ko sa sarili ko, naka move-on na ako pero hindi pa rin pala. Sobrang sakit ng mga sinabi niya. Sa loob ng isang taon, minahal ko siya nang sobra at lahat binigay ko sa kanya pero bakit gano'n? Kulang pa rin pala.

Kahit pala mahalin mo silang nang sobra, hindi 'yon magiging assurance na hindi ka na nila sasaktan, na mamahalin ka rin nila.

"Xiang, umiiyak ka ba?" Tanong ni Cooper. Hindi ako nagsasalita dahil mas lalo niyang mahahalata na umiiyak nga ako, "T*ngina talaga ng lalaki na 'yan! Makakatikim siya sa akin! Bubugbugin ko siya hanggang sa mabasag 'yong mukha niya."

"Cooper, h'wag na please lang," pagmamakaawa ko. Ayokong mag-aksaya pa ng oras si Cooper sa walang kwentang tao na 'yon. "Pabayaan na natin, please. Ayoko nang magkaroon pa tayo ng uganyan sa kanya kaya pabayaan mo na."

Napabuntong hininga siya. "Sige, papabayaan ko na pero sa oras na ulitin pa niya 'to, babasagin ko na talaga 'yong mukha niya. Pasensya na kung nasabi ko pa, gusto ko lang maging aware ka sa mga pinagsasabi no'n."

Kinagat ko ang labi ko para kahit papaano tumigil na ako sa pag-iyak, "Wala 'yon. Maganda at nalaman ko 'to. Salamat Cooper."

"Gusto mo bang magkita tayo?"

"Nagsusulat ako ngayon, bukas na lang siguro. Sige na, kailangan ko nang bumalik sa sinusulat ko."

Binaba ko agad ang phone at doon ako umiyak nang sobra.

Parang isa-isang tinutusok ang puso ko. Sobrang sakit. Mas masakit pang malaman na kahit kailan hindi niya ako minahal kaysa malaman na may iba na siyang mahal.

"Gago ka talaga, Liam. Sobrang gago mo pero sobrang tanga ko rin kasi pagkatapos ng lahat, mahal pa rin kita."

Pinatong ko ang ulo ko sa mga tuhod ko at doon ako umiyak hanggang sa maubos ang mga luha ko.

Nawala na ako sa pagsusulat ko. Gusto ko na lang munang makatulog pero sa sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi ko magawa.

Nagpasya na lang ako na lumabas ng bahay para bumili ng alak sa tindahan malapit sa amin.

Hindi naman talaga ako umiinom. Isang beses pa lang at kasama ko no'n si Cooper at Fashia. Uminom kami pagkatapos namin maghiwalay ni Liam dahil nahuli ko sila ni Tyra na magkahalikan.

Ang sakit no'n pero mas masakit ngayon.

"Ate, isang bote nga ng matador tapos samahan mo na ng juice."

"Iinom ka Serenity?" Tanong ni aling Nena. "Anong problema mo? Hindi ka naman umiinom ha?"

"Problemang pag-ibig po," sagot ko. "Ngayon lang 'to, aling Nena. Pangpabawas ng sakit."

"Sa t'yan ang ditetso ha, h'wag sa ulo."

Nginitian ko na lang siya at kinuha ang mga pinamili ko. Bahala na si batman kung anong mangyari basta gusto kong magpakalasing para mabawasan 'tong nararamdaman ko. Dati nang malasing ako, medyo nawala ang sakit. Bumalik din siya pagkatapos ng isang araw pero medyo nabawasan na.

Alam ko patay ako nito kay auntie pero bahala na siya. Siya kaya ang ma-broken hearted nang ganito?

Pagdating ko sa bahay, nag-lock ako sa kwarto ko at nagsimulang uminom. Hindi ko na inaya si Cooper dahil may pasok siya bukas.

Kada hagod ng alak sa lalamunan ko ay kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.

Ang sakit talaga, sobra.

Bakit kasi sa maling tao pa tayo nahuhulog? Hindi ba pwedeng sa tamang tao ka agad para wala ng sakit?

Hindi ko pa nakakalahati ang bote, nahihilo na ako kaya tumigil na ako, lasing na ata ako, eh. Oo, lasing na lasing na nga ako.

Bumalik ako sa book of Polaris.

Nagwawala na ako sa sobrang kalasingan.

"Humanda ka Liam papatayin kita rito sa sinusulat ko." Isusulat ko na pero di ko nagawa sa halip sumigaw ako, "Mahal pa rin kita! Walang hiya ka!" Humagulgol ako sa pag-iyak. Naisip ko na sana totoo nalang si Chaun para mayroon na akong mas better kay Liam.

Lasing na lasing ako at gusto ko na lamang mang-trip. Ang sunod kong ginawa ay isinulat ko na umalis at pumunta sa mundo ni Serenity ang pinakamatapang na mandirigma si...

Out of the blue, biglang pumasok sa isip ko si Liam. Ang mga masasaya naming nakaraan, at ang mga pagkakataong sobra kung tumibok ang puso ko sa kanya ay bigla kong naalala. Kaya't sumunod na naisulat ko ay ang character na katumbas ni Liam dahil siya parin talaga...

Scion.

Papalitan ko sana ng Chaun ang Scion pero biglang gumalaw ang libro at umilaw ito. Lumayo ako at nakita ko ang ilaw na lumabas sa libro.

May kaonti pang usok na bumabalot sa bagay na lumabas sa libro. Maya-maya ay napanganga na lang ako nang lumabas ulit ang lalaki na nakita ko kanina.

Inikot niya ang tingin niya sa buong kwarto ko. Hindi nagtagal ay may binunot siyang espada.

Anak ng seaweeds!

Epekto ba 'to ng alak o nakatulog ako at ngayon ay nananaginip?

"Ikaw na naman? Sino ka?" Tanong niya habang papalapit siya sa akin.

Hawak-hawak pa rin niya ang espada. Matapang ang kanyang mukha. Handa ata itong makipag-away kahit anong oras.

Kinuha ko ang lampshade ko para batuhin siya at para makasigaw ako, "Tulong! Mga kapitbahay!" Sinigaw ko na lahat nang pwede ko isigaw. Mukha siyang adik.

Ayoko pa mamatay.

Parang akong mabibingi sa kanya sigaw, "Katahimikan!"

Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Nakakatakot ang boses at mukha niya. Nanginginig na ang mga tuhod ko. Hindi na tuloy ako makaalis ng kwarto. Dapat pala kanina pa ako tumakbo.

"Nasaan ako?" Tanong niya. Nakakunot ang noo niya, "Kakaiba ang lugar na ito, anong nangyayari?"

"Anong kakaiba?"Pinipigilan ko na mautal para hindi niya mahalata na natatakot ako sa kanya. "Nasa kwarto kita! Trespassing ka!"

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Trespassing? Ano iyon?" Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. Palabas na sana ako ng pinto pero biglang itong sumara. Pilit ko itong binubuksan pero ayaw. Hindi naman naka-lock ang pinto pero ayaw pa rin talagang bumukas.

Ano bang nangyayari?

Pero teka, totoo ba ang lahat ng 'to?

Sumigaw na naman siya, "Saan ka pupunta? Tinatanong pa kita!"

"Trespassing hindi mo alam? Saang planeta ka ba galing ha!" Pilit ko pa rin binubuksan ang pinto pero ayaw pa rin talaga. Parang may glue na nakadikit sa pinto at sa pader. "Sino ka ba talaga ha? O mas magandang itanong, anong klase kang nilalang? Alien ka ba ha?"

Tinignan niya ulit ang buong kwarto ko. Para siyang ewan at parang wala siyang kaalam alam sa mga bagay sa paligid niya. "Nasaan ang Hando Palace? Nasa loob ba tayo ng wall?"

Nang marinig ko ang salitang Qin Dynasty, tila may pumasok sa isip ko. Naalala ko ang sinusulat ko. "Alam mo ang Hando Palace?"

"Oo, doon ako nakatira."

Hala totoo ba? Ang tagal ng wala naman talagang Hando Palace, ang palace na 'yon ay gawa-gawa ko lang na hinango ko sa unang panahon.

"Ano bang pangalan mo?"

"Ako si Scion Krysler at isa akong Shang Xiao."

Napatingin agad ako sa libro ko. Paano niya naging kapareho ang karakter sa isinusulat ko? Paanong Scion Krysler din ang pangalan niya at paanong isa rin siyang Shang Xiao o Captain Warrior ng Lao Dynasty? Hindi kaya galing siya sa Polaris at tama ngang may kung anong hiwaga itong librong ito?

"Sabihin mo, iniibig mo ba ang anak ng emperor na si Weiming?"

Nanlaki ang mata niya, "Paano mo nalaman 'yan? Paano mo kami nakilala? Sino ka ba?" Lumapit siya ulit sa'kin habang hawak niya ang espada niya na may nakaukit na phoenix sa dulo, sa hawakan nito. Parehong pareho sa espeda ni Scion. "Isa ka bang ispiya?"

Natakot ako sa espada niya kaya't lumayo ako sa kanya ng mga limang hakbang paatras.

Pareho sila ng ugali ng ginawa kong karakter, pareho silang matapang na may pagka-arogante ang dating.

Tumakbo ako papalapit sa libro at binasa ko agad ang huli kong sinulat.

Siguro nababaliw na nga ako para isipin na lumabas sa libro na 'to ang karakter na ginawa ko at nagkatotoo lahat ng sinulat ko sa libro pero wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit sobrang magkatulad nilang dalawa at kung bakit siya nandito.

Isa pa, kitang kita ko na galing siya sa ilaw na galing sa libro.

Lumapit ulit siya sa akin. "Bakit ang dami mong alam tungkol sa akin? Sino ka ba talaga?"

"Sandali lang, hayaan mo akong magpaliwanag," pagpapakalma ko sa kanya.

Ramdam ko na ang galit sa tono ng boses niya. Kung iisa nga sila ni Scion, hindi imposible na mapatay niya ako bigla. Malala ang anger management issue ng lalaking 'to.

Isa pa, kasalanan ko ba kung alam ko lahat ang tungkol sa kanila? Ako ang sumulat sa kanila kaya kahit kulay ng brief niya, alam ko.

Sino ba ang dapag mag-adjust sa aming dalawa? Ako ba?

Ako na naman?

Huminga ako nang malalim. Kaya ko 'to. Hindi ako mauutal kahit natatakot ako.

"Ako si Serenity at isa akong manunulat. May sinusulat akong libro ngayon, okay? Pagkatapos lahat ng tungkol sa'yo, kay Weiming at kay Chaun parehong pareho dito sa libro na sinusulat ko," kinuha ko ang libro at binigay ko sa kanya iyon. "Ayan basahin mo."

Tinabig niya ang kamay ko kaya nalaglag sa sahig ang libro, "Anong kalokohan ang sinasabi mo? Paano mo malalaman ang tungkol sa amin kung hindi ka isang ispiya? Isa kang kalaban!"

Umatras siya at tinutok niya ang matulis na dulo kanyang espada sa leeg ko. Napasandal ako sa pader. Konting galaw ko lang, matutusok ang leeg ko. Konting pagkakamali ko lang, patay ako.

Jusko, siya nga talaga ang sinulat ko na si Scion!

Lord, ano pong nagyayari? Papatayin niyo na ba agad ako? Hindi pa po ako nakakapuntang China, h'wag muna please.

"Sabihin mo, sino ka bang talaga!" sobrang lakas ng boses niya. Hindi ko na napigilan na maiyak. Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari at mukhang hindi ako nananaginip.

May tama pa nga ako sa alak, eh! Ano lasing ba ako, gano'n?

Pero hindi talaga, eh. Lasing, antok o ano pa man, alam ko ang totoo sa hindi.

Totoong totoo ang lahat dahil ramdam ko nang umaagos ang konting dugo sa leeg ko. "Kapag pinaghintay mo pa ako ng ilang segundo, didiresto ang espada ko sa dulo ng leeg mo."

Ang lala niya, ang warfreak niya.

"Maniwala ka, nagsasabi ako ng totoo," iyak na ako nang iyak pero alam kong wala 'yong magagawa dahil walang puso 'tong si Scion. Kaya nga kontrabida siya sa libro ko, eh.

Ano, tatanggapin ko na lang ba ang kamatayan ko? Advance na ba ako mag-isip?

Lord, pwede bang pahingi ng second chance? Hindi ko na tatawagin na monster ang auntie ko, hindi na ako magagalit kahit kanino at tutulong na ako every week sa charity kahit wala akong pera. Buhayin mo lang ako please.

"Basahin mo 'yong libro, malalaman mo na nagsasabi ako ng totoo," tinuro ko sa kanya ang libro pero hindi niya inaalis 'yong tingin niya sa akin. "Kung ikaw nga talaga si Colonel Scion sa libro na ginagawa ko, kahit na sabihin mo na isa akong ispiya, hindi ko malalaman ang nararamdam at ang iniisip niyo."

Pinikit ko ang mata ko. Patuloy akong nagdarasal na sana maniwala siya sa akin. Sana h'wag muna akong mamatay.

Umabante nang koonti ang talim ng espada niya pero bigla niya itong hinila palayo sa akin.

Napaupo ako habang hawak-hawak ang leeg ko. Ang daming dugo sa kamay ko at parang nanghihina ako. Takot ako sa dugo, hindi ko kayang makakita ng maraming dugo pero nilakasan ko ang loob ko. Kumuha agad ako ng tela na malapit sa akin at pinantapal ko 'yon  sa sugat ko.

Akala ko talaga ay katapusan ko na.

Dahan-dahang kinuha ni Scion ang libro at umupo siya sa kama ko. Nagsimula siyang magbasa. Tahimik lang siya habang ako pilit na inaabot ang cellphone ko para ma-text ko si Cooper.

Kailangan ko ng tulong.

Baka kapag hindi pa rin siya na-satisfy sa libro bilang ebidensya, patayin niya na talaga ako.

"Huwag mong kunin kung ano man 'yan inaabot mo," suway niya habang masama ang tingin sa akin. Lumapit siya para kunin ang cellphone ko. Nang makita niya 'to, kumunot na naman ang noo niya pero bumalik siya sa pag-babasa sa libro.

Lord, mahal ko po kayo at alam kong mahal niyo po ako kaya po sana hindi po ako mamatay sa kamay ng alien o kung ano pa man na nilalang na 'to.

Please Lord, buhayin niyo pa po ako.

---

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
6.2M 218K 50
Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng isang nobelang magbibigay sa kanya ng ka...
153K 4.9K 32
[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famo...
9.9M 494K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...