PEARL OF A TOMBOY

By Expressizismission

39K 776 418

-One Night Wedding Series #2- Virginity is the most precious thing for a girl and what if a tomboy lost it? •... More

PEARL OF A TOMBOY
E P I S O D E 1 - C O U S I N
E P I S O D E 2 - L A S T
E P I S O D E 3 - A L A M
E P I S O D E 4 - A R A L
E P I S O D E 5 - W I S H
E P I S O D E 6 - S U N S H I N E ' s
E P I S O D E 7 - C A R D
E P I S O D E 8 - H A P P Y
E P I S O D E 9 - W O R S T
E P I S O D E 1 0 - N E I G H B O R
E P I S O D E 1 1 - P E R F E C T
E P I S O D E 1 2 - K A B A
E P I S O D E 1 3 - G U Y
E P I S O D E 1 4 - D I N N E R
E P I S O D E 1 6 - B A B A E
E P I S O D E 1 7 - F O R G I V E N
E P I S O D E 1 8 - L I P S T I C K
E P I S O D E 1 9 - E N G A G E M E N T
E P I S O D E 2 0 - R I G H T
E P I S O D E 2 1 - L I K E
E P I S O D E 2 2 - R E A L L Y
E P I S O D E 2 3 - G U S T O
E P I S O D E 2 4 - H A L I K
E P I S O D E 2 5 - M U N D O
E P I S O D E 2 6 - B U T I
E P I S O D E 2 7 - W H I T E
E P I S O D E 2 8 - L O N G
E P I S O D E 2 9 - E A S Y
E P I S O D E 3 0 - M A C Y
E P I S O D E 3 1 - S O M E T H I N G
E P I S O D E 3 2 - T I B O K
E P I S O D E 3 3 - S T I N K
E P I S O D E 3 4 - M A L A L I M
E P I S O D E 3 5 - Y O U
E P I S O D E 3 6 - H I N D I
E P I S O D E 3 7 - T R U S T
E P I S O D E 3 8 - F R E S H
E P I S O D E 3 9 - S I Y A
E P I S O D E 4 0 - T W I S T
E P I S O D E 4 1 - S T A Y
E P I S O D E 4 2 - M A L A Y
E P I S O D E 4 3 - B Y E
E P I S O D E 4 4 - W E D D I N G
E P I S O D E 4 5 - C E O
E P I S O D E 4 6 - E X
E P I S O D E 4 7 - L O C A T I O N
E P I S O D E 4 8 - M E E T I N G
E P I S O D E 4 9 - C O M M U N I C A T I O N
E P I S O D E 5 O - A P P L E
E P I S O D E 5 1 - N G I T I
E P I S O D E 5 2 - N O T I C E
E P I S O D E 5 3 - S O R R Y
E P I S O D E 5 4 - F E A R
E P I S O D E 5 5 - F I G H T
KREIT TRISTAN T. HALLSTONE
THANK YOU!

E P I S O D E 1 5 - G E N T L E M E N

783 14 19
By Expressizismission

Chapter 15

KREIT's POV

I waited for her to stop and turn to me but guess what? She didn't! She even walked like a guy while entering Kelzian's. "I hate you to the core, tomboy!" I whispered, gritting my teeth after. I just can't take it!

Masama ang loob ko na pumasok sa kotse ko at pinaandar ito pauwi. Pagkauwi ay bumungad sa akin ang buong pamilya sa sala. I didn't greet them and proceed to the stairs, walking up my room. I'm having a very bad day, really.

"Kit!" I heard my brother called. I didn't stop to face him, sa tono nang pagtawag niya ay mukhang mang-aasar lang siya. Masapak ko pa. "Kit!" he called again.

"Kreit Tristan" I finally stopped when my mother called. I turned to them like tomboy should do but she freaking didn't. Nakakaasar lang. I raised my brow, a little bit impatient that they didn't say what they wanna say immediately. I don't want to be rude especially to my mother but my excuse this time is really serious, I can even remember her face brightly looking while eating happily like a pig. Hindi man lang napansin na galit ako pagkatapos ay sinabi pang maganda ang araw ko kaya ako nanlilibre. Bro, I'm taking you to dinner with me to have a conversation but you put all the foods on your mouth like a hungry animal.

"What happened to you?" istriktang tanong ni mother, nakataas ang kilay. Maybe because I was rude earlier.

"Nothing" I answered with my head shaking. I looked at them with my brows furrowed. My Dad's like curious about my reaction while my brother was just watching all of us. And my mother is sitting on the sofa like a queen with her Ipad.

"If nothing..." nilapag niya sa glass table ang kaniyang Ipad. "I want you to sit here with us, pag-uusapan natin ang engagement niyo ni Akalesha" tuloy niya.

Napapikit ako nang mariin, I even sighed not in relief but in tiredness. "Some other time" I said lazily. My body is aching just by standing here for few minutes.

"Kung hindi ngayon, huwag nalang. Ako nalang ang magpapakasal, mother" Kris tried to teased. That was not a good one, actually. Really not good.

"THEN YOU FUCKING MARRY THAT UNGRATEFUL WOMAN WHO DON'T HAVE A HEART!" I boomed. Pagkatapos ay nagdadabog na umakyat ng hagdan at pumasok ng kwarto. Humiga ako sa kama, no shower and no toothbrush. I just layed there. Pagod na ako pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.

I don't even know why I feel so freaking mad. Napasabunot ako sa buhok ko, am I over reacting? Being a psycho, maybe?

AKALESHA's POV

Pagdating ko sa condo ay bumungad ang dalawa sa akin na may ngiti sa kanilang labi. Hinihingal sila at mukhang alam nila na paparating na ako. Napakunot noo ako sa kanila. May mga mali sa ngiti ng mga ito.

"Hindi na kita ipagluluto mukhang nakakain kana naman eh" si Shana ang unang nagsalita. Hindi ko sila pinansin at napahawak lang sa tiyan ko. Busog na busog ako, grabe. Pumunta ako sa sala at umupo sa couch, inabot ko ang remote at binuksan ang tv.

Sumunod naman ang dalawa, umupo sa magkabilang gildi ko. Si Alesia sa kanan at si Shana sa kaliwa. Sabay pa nilang niyakap ang braso ko. "Ano bang ginagawa niyo? Paano niyo nalaman na nakakain na ako?" ngayon lang ako nagtakha.

"May nakita lang naman akong isang tomboyin na bumaba sa kotse nang isang gwapong lalaki" madramang kuwento ni Alesia na humigpit ang kapit sa akin, nangingisay na parang tanga.

"Ah! Si Kreit, nilibre niya ako. OA niyo, walang iyong malisya kapatid siya nang boss ko" simpleng sagot ko nakamata sa telebisyon, hindi ko maintindihan ang palabas. Unang-una, hindi ko inumpisahan at pangalawa, nanggugulo itong dalawa.

Ramdam kong natigilan ang dalawa sa sinagot ko.

"Siya iyong umano sayo diba?!"

"Kapatid siya ni Kris?!"

Sabay pa silang sumigaw na OA sila, muntikan na akong mabingi. Tinulak ko sila sa magkabilang kong kamay. Magkakapalitan na kami ng mukha ng mga lokaret na ito eh. "Oo! Ang o-OA niyo" nakasandal ako nang maayos dahil humiwalay na sila sa akin.

"Okay na talaga kayo?" nagugulat na tanong ni Shana. Humawak sa hita ko, niyugyog pa iyon ng hindi ko siya sagutin. Nakikita na namang nanonood ako.

"Ayos na, alam naman niya na tropa na kami" hindi ko sila tiningnan, unti-unting nakukuryoso sa palabas.

"Hala siya! Baka gusto pang umisa kaya ka kinaibigan!" niyugyog na naman ni Shana ang hita ko. Naiinis na inalis ko ang kamay niya.

"Hindi na niya magagawa iyon, takot niya nalang mabugbog" pagmamayabang ko na ipinakita pa ang muscles ko sa braso.

"Parang more on buto siya, Aki" pansin ni Alesia na pinindot-pindot pa iyon. Ibinaba ko na lamang at itinuon ang mata sa palabas. "Pero totoo bang kapatid niya si Kris?" lumapit siya at bumulong.

"Oo nga! Tanong kayo ng tanong! Matutulog na ako" iniwan ko na sila at pumanhik sa kwarto. May dalawa pa namang kwarto na natitira at bahay na rin naman nila ito. Naligo ako at nagpalit ng damit. Lumabas ako nang banyo habang tinutuyo sa towel ang buhok ko. Umupo ako sa gilid ng kama malapit sa bedside table. Naroon nakalapag ang calling card ni Kreit.

Natigil ako sa pagpupunas at kinuha iyon. Pinagmasdan ko lamang iyon, nagtagal sa kaniyang pangalan. Biglang pumasok sa isipin ko ang itsura niya kanina. Pinagsama-sama ang mga salitang lamig, seryoso at galit. Ano kayang nangyari? Galit siya pero nanlibre? Angas, sana lagi nalang siyang galit.

Kinabukasan ay maaga akong nagising katulad ng lagi kong ginagawa. Naligo na ako at nagbihis pagkatapos ay lumabas na nang kwarto. Nanuot sa ilong ang aroma na nanggagaling sa kusina. Kumpleto na ang agahan at may kape pang nakahanda. "Good morning, Aki!" bati ni Shana na may kung anong niluluto pa. Tinanguan ko lang siya at umupo na sa hapag.

"Tulog pa si Alesia, tumakas kagabi. Nakipag-anuhan na naman kaya ayan, tulog na tulog. Alas-tres na nakabalik" pagbibigay alam nito. Hindi naman na bago sa akin iyon, ngumiwi lang ako at inantay siyang matapos. "Mauna kanang kumain baka malate ka pa" sinunod ko naman siya.

"Alam kaya ni Daddy na nagtatrabaho na ko?" biglaang tanong ko habang kumakain ako. Ilang araw palang ang lumipas, namimiss ko na siya. Sumimsim ako nang kape, napatingin pa ako kay Shana na pinatay ang kalan at nilagay sa bakanteng plato ang scrumbled egg na alam kong para sa kaniya lang. Paborito niya iyan eh.

"Hindi ako sigurado, bakit namimiss mo na ba si tito Alexander?" tanong niya na umupo sa harap ko, nagsimula na ring kumain. Sumubo muna siya at ngumunguyang tinitigan ako, naghihintay ng sagot ko.

"Oo, dati kasi kahit na ilang buwang hindi ko siya makita, okay lang sakin dahil tinatawagan naman niya ako tsaka tinitexts at higit sa lahat, alam kong may uuwian pa talaga akong bahay. Ngayon, napalayas na ako" sumimsim ulit ako sa kape, naaadik na rito. Ang sarap talaga ng mga pinapakain at pinapainom sa akin nito. Buti nalang kaibigan ko siya.

"Bakit hindi mo pa kasi sabihin sa kaniya? Kaysa nahihirapan ka diyan sa trabaho mo. Independent ka pa diyan, parang hindi mo naman mararanasan iyan sa college" nagpatuloy siya sa pagkain ngunit nakatingin parin sa akin.

"Tsaka na kapag handa na ako. Namimiss ko na rin si tita Raine, binigyan niyo ba nang lalaki iyon at hindi na siya bumisita rito?" pag-iiba ko nag topic. Natawa siya habang ngumunguya at tinuro ako sa kutsara.

"Alam mo, siya ang puntahan mo kug namimiss mo siya. Ikaw ang magsabi sa kaniya nang magandang balita para naman manlibre ang bakla, ang sarap no'ng meryende natin noong nilitis ka" dada niya. Tumango ako, sumasang-ayon sa kaniya sa parte na ako ang pupunta sa kaniya at magbabalita pero hindi sa parteng masarap ang meryenda. Hindi nga ako nakakain do'n, sila lang ang kumain. Sa bagay, busog ako sa panahon na iyon.

Paalis na ako't hindi parin nagigising si Alesia, pagod na pagod talaga ang lokaret. Paglabas ko nang condo ay siyang pagbukas rin ng kabila kaya naman napatingin ako roon. Napatingin rin ito sa akin, walang emosyon at mukhang tuod. Ang kapatid no'ng magandang babae. Bahagya pa akong naghintay na may sumunod sa kaniya pero wala.

Sabay kaming pumasok ng elevator at muntikan pang magkasakitan ang daliri namin, nag-unahan pa kami sa pagpindot ng ground floor. Ako na ang pumindot pagkatapos ay humalukipkip, inaantay na marating ang unang palapag. Pagbukas nito sa unang palapag ay sabay pa kaming lumabas, nagkadanggilan ang gilid naman. "Pasensya na" agad na paghingi ko ng tawad. Kumurap siya sa akin gamit ang walang emosyon niyang mukha at nauna nang lumabas.

Pinagdikit ko ang labi ko pinipigilan ang tawa ko. Iyong mukha niya puting-puti at parang lumabas ang kaluluwa sa katawan niya.

Pagdating ko sa Sunshine's ay nagbihis na kaagad ako at umupo nalang sa bakanteng upuan sa locker room. Sabay na dumating ang dalawa, humihikab pa si Clyde na bumati ng magandang umaga sa akin habang si Macy ay may hawak na tinapay na kinagatan iyon matapos bumati sa akin.

"Uy..." may panunukso sa boses ni Macy nang lumaba siya mula sa banyo, tapos na siyang magbihis. "Boyfriend mo ba iyong lalaki kahapon o manliligaw? Sabi na nga eh may something kayo no'n" umupo siya sa tabi ko at dinanggil pa ang braso ko.

"Hindi, nuh. Tropa lang kami no'n tsaka may pagka-abno lang talaga iyon" tanging sagot ko na parang kilalang-kilala ko na talaga ang lalaki.

"Talaga? Totoo na 'yan ah?" napabaling ako sa kaniya nang mukhang nasiyahan pa siya sa sagot ko. "Sa totoo lang kasi, gusto ko na siya! Ang gwapo niya at nasisiguro kong mabuti siyang tao dahil kaibigan mo siya" abot-langit ang ngiting hayag niya.

Tumaas ang mga kilay ko at hindi ko malaman kung saan ako titingin dahil sa sinabi niya. "Akala ko ba si Clyde ang gusto mo?" takhang tanong ko.

"Puwede naman magbago tsaka tingin ko kaibigan lang ang turing sakin ni Clyde. Kailan pupunta ulit rito ang gwapong iyon? Anong pangalan niya?" nagliliwanag ang mga matang tanong niya. Hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil hindi ko rin alam kung kailan manggugulo si Kreit.

"Hindi ko alam kung kailan siya pupunta rito pero ang pangalan ay Kreit Tristan Hallstone, kapatid ni sir Kris" iyon lamang ang impormasyong nalalaman ko sa kaniya kaya iyon lamang ang maisasagot ko. Napanganga siya at pagkatapos ay nangingiting pumalakpak.

"Kapatid siya ni sir Kris? Kung gano'n mabuting tao talaga siya, lalo ko tuloy siyang nagustuhan. Excited na tuloy akong makita siya, may number ka ba niya?" hindi siya natigil, sinimot niya lahat ng impormasyon. Kakaiba ang babaeng ito, madaling magkagusto sa alam niyang mabubuting tao. Hindi ko alam kung mabuting tao ba si abno, scale 1-10 siguro 4.5 .

"Wala eh pero may binigay siya sa akin na calling card, itext ko nalang sayo hindi ko pa nasisave eh" buong tapat na sagot ko. Nagpalitan kami ng number at lalo pa siyang lumigaya.

Nag-umpisa na ang trabaho at naglakad ako sa mga bagong dating. Mga businessman, nakablack tuxedo lahat at pormal na pormal. Mga matatatandang lalaki. Kukunin ko ang oder nila. Nakangiti akong lumapit sa kanila. "Good morning gentlemen!" pormal na bati ko sa kanila, nakangiting inilibot ko ang paningin sa kanila at natigilan ako nang tumama ang tingin ko kay Daddy na nakakunot ang noong nakatitig sa akin.

"Daddy..." bulong ko.

to be continued..

Continue Reading

You'll Also Like

306K 2.3K 30
Teaser Biktima si Cassandra Perez ng human trafficking. Huli na nang madiskubre niya na ibubugaw sila ni Aling Trudis. Dinala sila nito sa casa, o ba...
374K 5.3K 26
@sex interview: Miss kalog meets SuperMan.. #Mr.Super.Sungit
6.1K 368 44
Reminder: this is a fiction Tagalog written story and it contains sex, accident, affair , marriage and lost of memory . Jazmine Collins is a 27 yea...
490K 5.5K 43
Camry ... Inosenteng Probinsyana Lexus ... Sex addict ... Sex maniac Posible ba na umibig ka sa taong sa iyo ay nag samantala?