Polaris (Published under Indi...

Autorstwa blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... Więcej

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 4: Weird

182K 6.3K 952
Autorstwa blue_maiden

Weird

GINABI na kami ng uwi at as usual, sinarahan na naman ako ng pinto ni monster, este ni Auntie. Siguro sinadya niya talagang pagsarahan ako dahil hindi ko siya naisama sa Baguio. Mas gugustuhin ko pang matulog sa kalsada kaysa makasama ko siya sa tour. Baka papunta pa lang, hindi na ako mag-enjoy.

Hobby niya minsan ang sirain ang araw ko.

"Ayaw mo ba talaga matulog sa bahay namin?" Tanong ni Cooper. "Kaya ko naman matulog sa sahig para sa'yo."

"Cooper, napag-usapan na natin 'to 'di ba?"

Gustuhin ko man pero nahihiya talaga ako sa pamilya niya lalo na sa parents niya. Kahit na mabait sila sa akin, alam ko naman na ayaw nilang makita si Cooper na nahihirapan. Ang lamig kaya sa sahig. Ako naman kasi, hindi pwedeng humiga sa sahig dahil mabilis akong atakihin ng asthma ko. Matagal na siyang nawala pero paminsan-minsan ay bumabalik siya.

"Saan ka matutulog? Wala pa rin si Fashia sa kanila. H'wag mong sabihin sa grocery na naman nila Liam?" Sa kabutihang palad, may sahod na ako kaya mag mo-motel na lang ako.

Hindi lang naman ang mag jowa ang nagmomotel, eh. Pwede rin 'yong mga naliligaw ng landas.

"D'yan na lang ako sa motel malapit, binigay na ni miss Joy ang sahod ko."

Mukhang masaya siya sa sinabi ko. Ayaw din naman niya na dumidikit pa ako kay Liam.

"Ihahatid na kita do'n, hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko alam na may matutulugan ka."

"Ang sweet mo talaga, noh?" Sambit ko. Matagal nang ganito si Cooper, kahit naman kanino ganito siya ka-sweet. "Ang swerte siguro susunod mong magiging girlfriend."

Natahimik siya bigla. Tinignan ko siya at mukhang nag-iba na ang mood niya. Naalala na naman niya siguro si Selina, 'yong first ever girlfriend niya.

"Alam mo, simula nang mag-break kayo ni Selina, hindi ka na ulit nagkaroon ng girlfriend. Mahal mo pa ba siya?"

Tumigil siya sa paglalakad. Mukhang mas lalong nag-iba ang mood niya. Pagtingin ko sa kanya, mas lalong sumeryoso ang mukha niya. "H'wag na natin siyang pag-usapan, wala na siya sa buhay ko," Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa motel. Mukhang nagmamadali na siya. "Masyado ng gabi, dapat wala ka na sa kalsada."

"Salamat sa paghatid sa'kin," sambit ko. "Ingat ka pauwi ha? Sorry kung nasira ko 'yong unang tour natin na magkasama."

Ginulo niya ang buhok ko. "Iyong piliin mo pa lang ako na isama sa tour, masaya na ako kaya h'wag kang mag-sorry. Nag-enjoy pa rin naman ako."

"Salamat, Cooper."

Hinalikan niya ako sa noo ko bago siya umalis.

Minsan best friend ko siya pero minsan para ko na rin siyang tatay. Alam niya kasing nangungulila ako sa pagmamahal ng isang ama kaya minsan pinaparamdam niya kung paano magkaroon nito. Sobrang saya ko nga nang ipakilala niya ako sa magulang niya. Kahit papaano, nakahanap ako ng pamilya sa kanila. Madalas, 'yong mga pangaral ng isang magulang ay naiibibigay din nila sa akin.

Pero palagi kong tinatanong sa sarili ko, ano nga kaya ang pakiramdam na may tunay nanay at tatay ka? Kahit kailan hindi ko 'yon naramdaman dahil wala pa akong isang taong gulang, iniwan na ako ng magulang ko kay lola at auntie.

Uminit ang mga pisngi ko dahil sa luha ko. Hindi naman talaga ako ganito pero pagdating sa magulang ko, hindi ko mapigilan na maiyak na lang bigla.

Ano bang problema sa akin? Bakit nila ako iniwan? Wala naman akong diperensya sa katawan ko at hindi naman ako gano'n ka pangit. Sabi pa ng iba, wala daw magulang ang kayang tiisin ang anak nila pero bakit hanggang ngayon, hindi pa rin nila ako binabalikan?

Niyakap ko ang tuhod ko habang nakaupo sa kama. Matagal na akong sanay mag-isa sa kwarto pero minsan nakakalungkot pa rin. Buti nga kahit minsan hindi ko naisip magpakamatay. Sabi kasi ng lola ko, maganda raw ang buhay at h'wag ko 'yon sayangin. Pagsubok lang daw 'to sa'kin at malalagpasan ko rin ang lahat ng 'to. May bahaghari raw sa bawat ulan kaya hintayin ko 'yon.

Na-miss ko si lola.

Isa-isang pumapatak sa binili kong libro ang mga luha ko.

Biglang umilaw ang gitnang asul na bato. Kinuskos ko muli ang mata ko dahil baka inaantok na ako at kung ano-ano na ang nakikita ko. Nawala naman ang ilaw. Masyado na ata akong napagod kaya kung ano-ano ng nakikita ko.

Ipinahingi ko na ang likod ko at ipinikit ko ang mata ko.

***

Pangalawang ring pa lang ng alarm ko ay napabangon na ako. Dali-dali ko 'yong pinatay dahil baka magalit si auntie. Hindi ko na-off ang alarm kahapon kaya tumunog pa rin siya bago mag-alas sais. Okay na rin dahil baka hinahanap na ako ng tiyahin kong monster.

Ginawa kong dalawa ang bawat hakbang ko para makauwi agad.

"Oh, Serenity," bati niya sa akin. Nakataas na agad ang kilay niya at parang ready to fight na siya. "Masarap ba sa Baguio? Asan na 'yong mga strawberries ko?" Nakagat ko ang labi ko. Nawala talaga iyon sa isip ko.

"Sorry auntie, nagmamadali kasi kami umuwi, sa susunod na lang po."

Walang kung ano-ano ay binatukan niya ako. "Kahit kailan ka talaga, wala kang kwenta," Umiling-iling siya. "Kaya hindi ka na binalikan ng mga magulang mo, eh. Pabigat ka lang sa buhay."

Kahit kailan hindi ko pa siya sinagot maliban na lang ngayon. "Hindi nila ako binabalikan kasi sila 'yong walang kwenta at hindi ako."

Nagulat siya sa ginawa ko kaya 'yong malaki niyang mata mas lumaki pa ngayon. Sa pangalawang pagkakaton ay binatukan niya ulit ako. "Aba ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan sa kapatid ko. Pabigat ka lang naman sa buhay kaya bakit ka pa nila babalikan?" Umuusok na ata ang ilong niya at maya-maya, bubuga na siya ng apoy.

Ayoko pang matusta ng buhay!

"Akyat na ako auntie," hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumakbo na ako paakyat sa kwarto ko. "Siguro pareho sila ng ugali ng nanay ko." Bulong ko sa sarili ko.

Pagbukas ko sa pinto ng kwarto ko, umaliwalas ang pakiramdam ko. Ito ang isang bagay na nakakapagpagaan ng loob ko.

Buti na lang sabado ngayon at wala akong pasok. Pwedeng pwede akong magpahinga sa kwarto ko. Pwedeng pwede na rin akong magsulat sa bagong libro na bili ko.

Hinanap ko iyon sa bag ko pero wala. Kahit saan sa bag ko wala siya. Nasaan na siya?

Napakamot ako sa ulo ko. Hindi kaya naiwan ko siya sa motel?

Naalala ko yakap-yakap ko nga pala siya kagabi. Siguro nakalimutan ko na siyang dalhin, baka natabunan na ng kumot.

"Pambihira ka Serenity, ang tanga mo minsan."

Nagmadali agad akong bumalik sa motel. Nagpaalam na ako kay auntie pero hindi ko na hinintay ang sagot niya. Mamaya kasi may ipagawa pa siya sa'kin.

Madalang lang akong tumakbo dahil baka nga atakihin ako ng asthma kaya ang ginawa ko, nilalakihan ko ang mga hakbang ko. Mabilis pa rin naman akong nakakarating sa pupuntahan ko. Isa pa, hindi naman gano'n kalayo ang motel sa amin.

"Miss, may naiwan akong libro sa room 304, nakita niyo ba?" Tanong ko sa counter.

"Wait lang po, i-check namin," nag radyo siya sa kasama niya pero narinig ko na kanina oa sila nag-check at wala raw naiwan do'n. "Sorry ma'am, wala po, eh."

"Pwede ko bang i-check ulit? Papasok ulit ako sa room? Baka nasa ilalim lang ng mga kumot, eh." Pangungulit ko.

"Sorry mam, may naka check-in na po kasi at mamayang gabi pa ang check-out nila."

Nanlumo ako sa sinabi niya. Ginto na nga naging bato pa. Sobrang ganda at kakaiba ng libro na 'yon at ang importanteng bagay pa bukod doon ay libre ko 'yon nakuha.

Ang malas ko talaga.

Lord, kahit konting swerte naman please? Kahit konti lang talaga.

At kung mamalasin pa ako, nakita ko pa 'tong hayop kong ex-boyfriend at ang malandi niyang girlfriend. Relationshit goals 'di ba?

"Wow, parang napapadalas ata 'yong pagkikita natin," sambit nang kabit na malandi, ay oo nga pala, official girlfriend na nga pala siya. "Sinusundan mo ba talaga kami, Serenity?"

Nag-echo sa kalsada ang halakhak ko. Naging stalker pa ako bigla? Tanga ba siya? Bakit ko sila susundan, eh 'di mas lalo ko lang sinaktan 'yong sarili ko?

Utak talangka rin siya madalas.

At oo mahal ko pa talaga 'tong gagong Liam na 'to pero dalawang araw na lang mawawala na 'to at pagkatapos no'n, who you sila sa'kin.

"Napadaan lang ako rito at isa pa ang liit lang ng lugar natin, imposible naman na hindi ko kayo makita. Pwera na lang kung aalis kayo rito dahil ayaw niyo akong makita," pagtataray ko. Ano, ate girl? Fight me. Akala mo ba papaapi ako sa'yo? "O kaya takpan mo 'yang mata mo kapag nakita mo na ako sa malayo."

Lumapit siya sa'kin at naka-cross arms pa talaga siya, akala mo naman kung sino siya. Nagsimula lang naman siya sa isang dakilang kabit.

"Ikaw na lang kaya ang umalis dito, tutal ikaw naman 'yong hindi belong dito. 'Di ba abandonado ka na? Try mo kayang hanapin 'yong mga magulang mo baka naman umayos 'yang buhay mo."

Wala ng intro-intro pa, sinabunutan ko kaagad siya. Ang tagal ko nang nagtitimpi sa babaeng 'to, eh. "Kahit lumaki akong walang magulang, maayos akong tao. Tanungin mo 'yong sarili mo kung ikaw maayos ka bang babae, ha? Alam mo naman na may girlfriend si Liam pero nilandi mo? Ano maayos ka ba? Ang lakas mo magmalinis, eh," Binitawan ko siya at tinulak ko siya papunta sa boyfriend niya. "Magsama kayong dalawa, pareho kayong walang kwenta!"

Inis na inis si linta pero wala siyang magawa dahil nakaupo pa rin siya sa sahig.

H'wag ako. Hindi porket nagpaloko ako sa kanila ay pwede na rin nila akong apihin. H'wag na h'wag nilang ilabas sa akin 'yong pagiging abandonado ko.

Taas noo ko silang tinalikuran.

Dinala ako ng mga paa ko sa office nila Cooper. Nag-leave siya kahapon para sa Baguio trip namin kaya pinapasok siya ngayon ng boss niya. Hindi ko siya tinawagan dahil alam kong nasa work pa siya, hinintay ko na lang mag-lunch time bago ko i-text na nandito ako sa food court ng building nila.

"Bakit nandito ka?" Bungad niya. "Hindi ba dapat nagpapahinga ka ngayon? Baka mapaano ka na naman." Hanggang ngayon, alalang alala pa rin siya sa'kin.

"Ayos na ako," pinakita ko sa kanya ang ngiti ko na abot hanggang Mars. "Nandito ako kasi gusto ko ng kausap." Umupo siya sa tabi ko. Inalok niya sa'kin 'yong baon niya pero tumanggi ako. Busog na ako sa siopao na kinain ko kanina.

"Anong problema?"

"'Yong libro kasi na nakuha ko sa Baguio, naiwan ko ata do'n sa motel, pumunta ako do'n kanina pero wala naman daw do'n," sinandal ko ang ulo ko sa lamesa. "Ang ganda-ganda pa naman no'n tska nakuha ko 'yon ng libre!"

Ginawa niya ang palagi niyang ginagawa sa akin. Ginulo niya ang buhok ko, "Ayan lang ba ang problema mo? Bumili na lang tayo ng bago, hahanap ako ng katulad no'n sa bookstores mamaya."

Umiling ako, "Wala ka ng makikita na gano'n. One of a kind 'yon, eh."

"Para palang ikaw," singit niya. Hindi ko na-gets ang sinabi niya kaya nakakunot ang noo ko. "Isipin mo ulit kung saan mo 'yon huling nakita, hanapin natin mamaya pag-out ko sa trabaho."

Inisip kong mabuti pero isang lugar lang talaga 'yong naaalala ko kung saan ko huling nakita 'yon at 'yon ay sa motel.

Pinakain ko muna siya habang panay ako sa kwento. Baka maubos na ang oras niya at masayang ang baon na gawa ng nanay niya.

"Kailangan ko ng bumalik, mamaya na lang tayo magkita," paalam ni Cooper. "Magpahinga ka na lang muna sa inyo, baka mapaano ka pa sa daan, okay?"

Over protective talaga 'tong best friend ko na 'to sa'kin. Kaya minsan kahit wala akong tatay, okay na rin kasi nand'yan naman si Cooper.

Wala na akong ibang mapuntahan kaya bumalik na lang ako sa bahay pero hindi pa nga ako nakakatapak sa loob, narinig ko na ang sigaw ng tiyahin ko.

"Serenity! Mag-deliver ka ng seaweeds! Dalian mo at aalis na si Misis Anderson!"

Dali-dali kong kinuha 'yong seaweeds sa kanya. Kanina pa siya nagwawala. Baka mamayang gabi mag transform na talaga siya sa pagiging monster. Baka habang natutulog ako ay dahan-dahang umkyat sa kwarto ko ang tentacles niya. Naiisip ko pa nga lang, natatakot na ako.

Natawa ako sa isip ko.

Naiisip ko minsan kung ang sama ko ba dahil minsan pinagtatawanan ko siya? Pero dito lang naman ako nakakabawi sa lahat ng kalupitan niya sa akin. Siya lang kasi bukod sa lahat ang mahirap kalabanin dahil una, magagalit sa'kin 'yong lola ko, baka bumangon pa siya sa hukay, "I love you lola, hindi po ako pasaway." Bulong ko sa sarili ko. Pangalawa, ayokong palayasin niya ako sa bahay. Kaya ito, no choice, alipin ang peg ko sa kanya.

Hindi bale, matatapos din 'to. Sabi nga ni lola, may bahaghari pagkatapos ng ulan.

Kaya lang hindi ko lang alam kung ulan lang ba o bagyo itong nangyayari sa akin.

Bahala na basta may bahaghari pagkatapos, ayos na ako do'n.

Pagpunta ko sa grocery nila Liam, hindi ko nakita do'n si kuya Arnold. "Panggabi nga pala siya," bulong ko sa sarili ko. Minsan talaga hilig kong kausapin mag-isa 'yong sarili ko. Sino pa ba ang unang dadamay sa akin kung hindi ang sarili ko, 'di ba?

Dali-dali kong dinala ang seaweeds sa counter. Baka makita ko na naman 'yong dalawang kupal sa buhay ko.

"Ayos ka lang ba, Serenity?" Tanong ni Misis Anderson sa'kin. "Mukhang pagod ka?"

Kung anong gago ng anak niya, siya namang bait ng mama at papa niya kaso minsan lang kami magkita dahil busy din sila. "Ayos lang po ako Misis Anderson."

"Hindi mo na ako tinatawag na tita," para siyang puppy na naubus ng pagkain. "Sana maging okay pa rin tayo kahit na wala na kayo ni Zhao, alam mo napalapit ka na rin sa'kin."

Kahit papaano natuwa ako sa sinabi niya dahil kahit pala ilang beses pa lang kaming nagkikita ay napalapit na ako sa kanya. "Pasensya na po Tita Trixie."

"Ito, kunin mo 'tong energy drink para naman sumigla ka. H'wag kang masyadong magpagod, ha?"

Ang saya-saya ko paglabas ng grocery nila Liam. Malapit na sana akong maniwala na kahit minsan may swerte pa rin ako sa buhay pero ang bilis lang din bawiin.

Ano ba? 

Kahit isang araw lang ba, hindi ako pwedeng maging ma swerte? As in 'yong walang epal?

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Liam. Parang hindi naman niya alam kung bakit. Ilang taon ko na ba 'tong ginagawa. "'Di ba tuwing gabi ka nagdadala ng seaweeds sa grocery namin?"

"Maaga daw kasing aalis 'yong mama mo kaya maaga akong pinapunta ni auntie rito."

"Xiang," sinara ko ang kamao ko. Nakakaramdam pa rin ako ng sakit kapag kaharap ko siya at binabanggit niya ang pangalan ko. "Pwede ba layuan mo na rin ang mama ko, iwasan mo nang maging malapit sa kanya o kahit kanino sa pamilya ko."

Wow ha, kung utusan naman niya ako akala mo boss ko siya. Ang dami pa nga niyang atraso sa'kin.

"Tuwing alas-sais ka na lang pumunta rito para hindi ka namin makita ni Tyra. Ayoko rin kasi na nakikita kayong nag-aaway, ayokong nakikita si Tyra na nasasaktan."

Nagbabadya na namang bumagsak ang mga luha ko. Sobrang naiinis na ako sa sarili ko. Dapat hindi na ako ganito, eh. Dapat strong na ako. Wala na dapat 'to, eh pero ito kasing si Liam, ang insensitive rin. Sana naman may preno 'yong bibig niya.

Sabagay, ano pa bang paki-alam niya sa akin?

"Ikaw na nga 'tong nanakit tapos ako pa dapat 'tong mag-adjust? Aba matindi ka rin pala talaga, noh? Tama lang talaga na naghiwalay na tayo dahil wala kang kwenta."

Tinalikuran ko siya. Pakiramdam ko may sinasabi pa siya pero kung ano man 'yon, hindi ko na 'yon pinakinggan pa at wala na akong balak pa.

Wala na rin akong pakialam sa libro. Gusto ko lang ngayon, matulog nang mahaba para kahit papaano, mawala na 'tong natitirang sakit sa puso ko.

Inabot ko lang ang bayad kay auntie tapos dumiretso na agad ako sa kwarto ko.

Lahat ng nararamdaman ko ngayon biglang nag bago nang makita ko ang libro sa lamesa ko.

Ang lungkot napalitan ng kaba.

"Paano ka napunta rito? Wala ka naman d'yan kanina?" Bulong ko sa sarili ko.

Sinampal sampal ko ang sarili ko dahil baka nananaginip ako pero totoo talaga. Nakakapagtaka. Sigurado ako na wala 'tong librong 'to kanina sa lamesa at panigurado ako na walang ibang pwedeng maglagay nito rito dahil nakasara naman ang bintana at pinto ng kwarto ko.

Teka, baka naman si auntie 'yon. May spare key ata siya sa kwarto ko.

Bumaba ako at hinanap ko si auntie. Nakita ko siya sa mesa habang kumakain ng ice cream. Natatakot ako na guluhin siya dahil ayaw na ayaw niyang naiistorbo sa pagkain niya. Nawawalan daw kasi siya ng gana kapag humihinto siya sa pagsubo niya.

Tumayo muna ako sa likuran niya at hinintay ko siyang matapos. Dahil sa katakawan niya ay hindi man lang niya ako naradaman sa likod.

After ten years, hindi joke lang, ten minutes lang naman, "Auntie, may nagdeliver ba ng libro sa akin kanina?

Nagsisitaasan na naman ang kilay niya, "Wala, bakit may binili ka ba online? Kung ano-anong pinagbibili mo. Dapat binibigay mo na lang 'yang pera mo sa'kin!"

"Bigay lang po 'yon pero sige po thank you."

Binalikan ko ang libro sa kwarto ko. Nandito nga talaga siya sa harapan ko. Iniisip ko pa rin kung paano siya nabalik sa akin.

Ang weird, may kakaiba sa libro na 'to.

---

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

8.8K 520 62
Si Cheryza Alustre ay mahilig gumawa ng facebook account at isa siyang roleplayer kung saan marami na siyang nakilalang kaibigan sa internet. She val...
28K 640 23
Let's follow and get to know the musical love story and drama brought by Charlene Alfonso, the rich girl cutie and kikay who loves to sing. The girl...
5.5K 231 26
The Tagalog translation of the Thai Novel: Blank: fill in the blank with the word love Written and credits to Chao Pla Noi
20.7M 761K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...