Oh my Angel!

By Pretzhele

34.1K 1.6K 657

• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members More

-Prologue-
-1-
-2-
-3-
***
-4-
***
-5-
-6-
***
-7-
-8-
***
-9-
-10-
***
-11-
-12-
***
-13-
-14-
-15-
-16-
***
-17-
***
-18-
***
-19-
***
-20-
***
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
***
***
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-51-
-52-
-53-
-54-
-55-
-56-
-57-
-58-
-59-
-60-
-61-
-62-
-63-
-64-
-65-
-66-
-67-
-68-
-69-
-70-
-71-
-72-
-73-
-74-
-75-
-76-
-77-
-78-
-79-
-80-
-81-
-82-
-83-
-84-
-85-
-86-
-87-
-88-
-89-
-90-
-91-
-92-
-93-
-94-
-95-
-96-
Epilogue Part 1
Epilogue Part 2
Epilogue Part 3
Epilogue part 4

-21-

266 14 0
By Pretzhele

Gail's POV
Kinaumagahan, nagising nalang ako na mag-isa sa bahay. Nang may mapansin akong sulat sa ibabaw ng lamesa.

Gail,
       Hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka sa school kahapon. Maaga ako umalis dahil madami akong dadalhin kay Xave. Babalik din ako mamayang gabi. Iniwanan kita ng almusal sa lamesa, wag mo kalimutan kumain iha.
                                           -Nana Ising

Nag abala pa si Nana na ipaghanda ako. Agad ko naman kinain ang hinanda niya at nag ayos papasok sa school.

Pagkatapos ko mag ayos sinara ko na ang bahay sinigurado kong nakakandado ito ng maigi.

Dahil maaga pa naman, pinili ko nalang maglakad papasok. Si Sky kasi pinasakay pa ako ng sasakyan eh kaya naman lakarin. Hindi naman ganoon kalayo ito.

Nang mapansin na malapit na ako sa gate ng school agad akong napangiti ng makita si manong na nagbabantay na agad.

Magandang umaga manong. Bati ko kay manong.

Nagulat pa siya sa pag bati ko pero gumanti din ito ng bati.

Magandang umaga din iha. Ngumiti lang ako at pumasok na ako sa loob. Habang naglalakad ako papunta sa silid ko ay naisip kong itext si Cindy, pero agad din ako nadismaya ng maalalang wala pala akong number nito. Bakit kaya di ko ito nakuha kahapon. Sa sobrang pag iisip ko sa nalaman ko ang dami kong nalimutan.

Naglalakad na ako sa may locker area ng makatanggap ako ng text galing kay Sky.

From: Sky
Gail, magkita tayo ngayon.

Yun lang ang laman ng mensahe niya sa akin. Kala ko ba abala siya ngayon at maraming gagawin.

Mamaya ko nalang siya rereplyan, pagdating ko nalang siguro sa silid. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko ng may biglang humila sa akin agad naman akong napasigaw.

Gulat kong tiningnan ang taong humatak sa akin habang hawak niya ang bibig ko.

Gail, ako ito si Sky. Tatanggalin ko na ang kamay ko. Pabulong niyang sabi. Naguguluhan man ay tumango ako.

Pasensya ka na. Nagulat ba kita? Kamot sa ulo niyang sabi.

Hindi ko itatangging nagulat ako sa ginawa mo. Sino ba kasing matinong tao ang bigla nalang manghahatak at dito pa sa tagong lugar?.

Tumawa lang ito sa sinabi ko. Naalala ko na naman ang tungkol sa kaniya, sa kanila.

Sky, may hindi ka ba sinasabi sa akin? Mukhang nagulat ko naman siya sa tanong ko.

Napabuntong hininga lang ito.

Alam kong imposibleng hindi mo malaman ang tungkol sa amin. Pero sana wag mag iba ang tingin mo sa amin. Seryosong tingin ni Sky.

Pero bakit hindi ninyo pinaalam sa akin? Kaya ba hindi kayo pumupunta ng tambayan ay dahil ayaw ninyong malaman ko.

Hindi sa ganoon Gail, may ibang dahilan kung bakit hindi kami bumabalik ng tambayan. Kaya hindi namin pinaalam sayo ay dahil ayaw ka namin madamay sa gulo na dala namin. Sana maintindihan mo. Sige na bumalik ka na sa silid mo. Malalate ka na sa klase.

Walang imik akong bumalik at iniwan siya. Naguguluhan parin ako sa nangyayari. Nakarating naman ako agad sa silid namin marami rami na din ang tao ng dumating ako agad kong hinanap si Cindy at hindi ako nabigo dahil maaga din ito pumasok. Agad ako lumapit sa kinaroroonan niya.

Magandang umaga Cindy. Agad naman siyang tumingin sa akin at ngumiti.

Magandang umaga din Gail. Agad naman ako umupo sa upuan ko na katabi ng kay Cindy.

Hindi rin nagtagal ay tumunog ang bell at nagsibalikan na ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. Dumating na din ang guro namin at inumpisahan ang klase.

(Hours passed)
Okay class dismissed, ibibigay ko nalang ang result ng quiz ninyo sa next meeting. At umalis na ito.

Halika na Gail, nakakagutom yung quiz ni Miss.

Agad naman kaming lumabas ng silid at nagtungo sa cafeteria para kumain.

(Cafeteria)
Agad kaming naghanap ng mauupuan ni Cindy. Masyadong madaming tao ngayong araw na ito. Nang matapos kaming makahanap, nagpaiwan ako kay Cindy para bantayan ang pwesto namin. Nagpabili nalang ako sa kanya ng isang sandwich at tubig. Habang iniintay ko si Cindy. Biglang nagkaroon ng ingay sa cafeteria, mga tilian.

Hindi na ako nag atubili pang tingnan kung sino iyon dahil alam kong sila lang ang dahilan bakit nagtitilian ang mga babae dito.

Omg!! Andito ang 7aces. Saluhin mo ako girl feeling ko mahihimatay ako.

Sabi ng isang babaeng patay na patay sa kanila. Malala na tama ng mga babaeng ito. Hindi ko maiwasan mapatingin sa kanila. Agad ko naman nabawi ang tingin ko, bakit sila nakatingin sa direksyon ko? At bakit pati siya nakatingin sa akin?

Naagaw naman ng pansin ko ang paglapag ng tray na may laman ng pagkain sa lamesa.

Tulala ka dyan? Anong nangyari? Agad naman napalingon si Cindy sa kanila.

Andito pala sila, himala at pumunta sila dito. Agad naman naagaw ng sinabi ni Cindy ang pansin ko.

Bakit hindi ba sila pumupunta dito?

Sa buong taon na nag aral ako dito bilang lang sa kamay ang beses na pumasok sila dito.

Bakit naman?

Bukod sa may sarili silang tambayan dito, ay hindi ko na alam ang iba pang dahilan. Nagtataka na ako kay Cindy bakit alam na alam niya ang tungkol sa kanila.

Matanong nga kita Cindy, bakit ang dami mong alam tungkol sa kanila?

Hmmm... dahil simula ng pumasok ako dito kakompitensya ko na si dos at uno sa ranking. Hindi ko naman matatanggi na matalino ang dalawang iyon kahit mahilig sila sa pakikipagbasag ulo. Active din sila sa mga extra curricular activities dito sa school.

Talaga?

Oh diba! Kahit ikaw hindi din makapaniwala. Pero totoo ang sinasabi ko.

Tiningnan ko naman sila kung saan sila nakaupo. Nagulat ako ng bigla akong kindatan ni seven, agad ko naman iniwas ang tingin ko.

Tara na Gail, sa garden tayo. Patayo na sana kami ng biglang matapunan si Cindy ng inumin pagtalikod niya.

Omg!! Sayang yung juice ko. Pwede ba tumingin ka nga sa dinadaanan mo!! tingnan mo natapon ang inumin ko!!!Stupid nerd!! Agad nakaagaw ng pansin ng lahat ng kumakain ang nangyari. Aba teka! Si Cindy pa ang may kasalanan. Eh aksidente lang naman ang nangyari.

Magsorry ka nerd.

Sor--- magsosorry na sana si Cindy pero pinutol ko siya.

Bakit siya mag sosorry sayo? Ikaw nga ang dapat ang humingi ng tawad sa kanya.

Gail...

At bakit ko naman gagawin iyon? Hindi mo ba nakita na natapon ang juice ko? Pagtataray niya sa akin.

Bakit mo gagawin yun? Una, dahil hindi niya sinasadya ang nangyari, aksidente lang iyon. Pangalawa, pinahiya mo siya sa maraming tao dito sa cafeteria. Pangatlo, tinawag mo siyang stupid nerd, ininsulto mo siya sa harap ng maraming tao. At pang huli, oo nakita ko natapon ang juice mo sa KANYA. Nasagot ko na ang tanong mo, ngayon humingi ka na ng tawad sa kanya.

Hinawakan naman ako ni Cindy. At yung mga taong nandito sa cafeteria ay nanonood lang sa amin na parang may magandang palabas na pinapanood sila.

Ayaw ko nga! Sino ka para utusan ako? Dapat lang iyan sa nerd na iyan. Pagtataray niya

Okay sige. Ngiting tagumpay naman sila kala naman nila nanalo na sila. Agad kong kinuha ang inumin ni Cindy at itinapon ko sa babaeng umaway kay Cindy.

What the!!!! Bakit mo ginawa iyon? Pagtataray niya habang pinupunasan ang nadumihan niyang uniform.

Iyan ang sinasadya ko. Dapat lang iyan sayo. Isa pa na awayin mo si Cindy, hindi lang iyan ang kaya kong gawin sayo maldita ka. At hinatak ko na palabas si Cindy ng cafeteria.

Okay ka lang ba Cindy? May dala ka bang pamalit na uniform? Bakit ganito dito sa school na ito daming maldita? Pasensya ka na ha, di talaga ako nakapagpigil doon eh. Bakit ka ba kasi pumapayag na ginaganoon ka nila? Napahinto naman ako sa paghatak kay Cindy dahil hindi ito umiimik, eh kanina pa ako salita ng salita. Agad naman akong humarap sa kanya.

Cindy? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?

Umiling lang ito sa akin, nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa, niyakap niya ako.

Thank you Gail. Salamat talaga sayo. Umiiyak niyang sabi. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya.

Ano ka ba ayos lang iyon, kaibigan kita eh. Ayaw ko na sinasaktan nila ang kaibigan ko.

Kaya gusto ko din protektahan si Cindy ay dahil siya yung tanging kumaibigan sakin. At alam kong magiging mabuting kaibigan siya dahil busilak ang puso niya, nararamdaman ko iyon. Hindi gaya ng ibang tao na iba ang pakay sa pakikipagkaibigan.

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
442K 32.3K 52
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
48.2M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...