Polaris (Published under Indi...

By blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... More

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 3: City of Pines

235K 7.3K 1.5K
By blue_maiden

City of Pines

NANDITO kami ngayon sa Mcdonalds para i-meet 'yong van na maghahatid at sundo sa amin sa Baguio.

"Sobrang excited ka naman dito," sambit ni Cooper sabay ngisi.

"Hindi naman," kumunot ang noo ko. "Bakit mo naman nasabi 'yan? Baguio lang naman 'yon at hindi China."

"One hour early tayo sa meet up time, hindi ka excited?" Humigop siya ng kape habang nakatingin sa akin. Sobrang singkit ng mata niya kapag inaantok siya. 4AM pa lang kasi at nandito na kami kahit 5AM naman talaga ang pick-up time. "Inaantok pa nga ako, eh."

"Ayoko lang ma-late, masakit kasing maiwan," sambit ko. Nabulunan siya bigla sa sinabi ko. Napaso pa nga ata 'yong dila niya. "Okay ka lang ba Cooper? Ano ba kasing ginagawa mo?"

Uminom agad siya ng tubig na puno ng yelo. "Bigla-bigla ka kasing humuhugot d'yan, nabulunan tuloy ako," nilabas niya ang dila niya dahil sa init. Pinaypayan niya ito gamit ang kamay niya.

"Hindi naman ako humugot ha? Nagsasabi lang ako ng totoo. Masakit naman talaga maiwan, e."

Hugot na ba 'yon? Hindi naman, ha? Based from exprerience iyon.

Isa pa, hindi niya ako iniwan lang, niloko niya ako. Magkaiba kaya 'yon.

"H'wag kang mag-alala Xiang, hindi kita iiwan," ngumiti siya sa akin at parang natulala na lang ako. May kakaiba sa mga ngiti at tingin niya. "Huy, Xiang! Natulala ka na d'yan?"

Niyugyog ko ang ulo ko. Ano ba kasing nangyayari sa akin? Parang sandaling tumigil ang mundo ko. "Inaantok pa siguro ako," sambit ko. Sa totoo lang, gising na gising ako, hindi ko lang alam kung bakit ako natulala kanina.

Pagkadating ng van ay tumakbo agad ako papasok sa loob. Sige na, excited din talaga ako pumunta ng Baguio. Nakita ko lang sa internet 'yong itsura niya pero gandang ganda na ako sa kanya pero syempre, China pa rin ang goal ko na mapuntahan.

"Good morning po!" Bati ko sa driver namin.

Tumango siya at binati niya rin ako. Sa sobrang excitement, hindi ko na natanong ang pangalan niya. Nakatutok na agad ako sa bintana kahit na hindi pa naman kami umaandar.

"Matulog ka na," sambit ni Cooper habang nilalagay niya ang unan sa leeg ko. "Gigisingin na lang kita kapag nasa Baguio na tayo."

"Matulog ka na rin, 'di ba inaantok ka?"

"Hindi pwedeng pareho tayong tulog kaya sige, mauna ka na," muntik na naman akong matulala sa mga tingin niya pero buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Ano bang meron kay Cooper ngayon at natutulala ako sa kanya? May dumi ba sa mukha niya na hindi ko matukoy kung saan? "Tulog na bata," Sambit niya. Mahilig din siyang tawagin akong bata, para pa nga akong baby kung ituring niya minsan.

"Nabuhayan na ako, gusto kong tignan ang daan. Ikaw na lang matulog, Cooper," nilipat ko sa leeg niya ang unan. "Sweetdreams!"

Umiling siya pero sinunod niya na lang ako at natulog siya sa byahe. Hindi rin naman kasi ako makakatulog sa sobrang excitement. Hindi pa kasi ako nakakapag out of town. Dahil sa malungkot kong buhay, wala akong oras at pera para sa mga ganito. Dadalhin nga sana ako ni Liam sa Tagaytay kaso ayon niloko na niya ako at naghiwalay na kami kaya wala ng chance.

Sa totoo lang si Liam ang nai-imagine ko na makakasama ko sa first out of town ko pero mas masaya pala na si Cooper ang kasama ko. Mas panatag ako sa kanya. At least si Cooper, hindi ako lolokohin kagaya ng ginawa ni Zhao.

Ilang oras din ang byahe. Sumakit nang sobra ang pwet ko. Ilang stop over lang ang meron kami kaya ang sakit pa rin sa katawan pero nang makita ko na ang Baguio, nawala lahat ng pagod at sakit ng katawan ko.

"Ang lamig," sambit ko. Naka-jacket naman ako pero ang lamig pa rin. Dapat ata doble ang dinala ko rito. "Sobra pala talagang lamig dito."

"Suotin mo na 'yong sakin," sambit ni Cooper sabay hubad ng jacket niya. "Talikod ka," utos niya. Umiling ako pero siya na ang kusang pumunta sa likod ko at isinuot nga niya ang jacket niya sa'kin. "Excited ka mag Baguio pero kulang ka ng jacket, ikaw talaga pasaway ka minsan. Alam mo naman na bawal ka malamigan dahil mamaya atakihin ka ng asthma mo."

Ngumuso na lang ako. Ganyan ang gawain ko, pa-cute na lang kapag pinagsasabihan ako ni Cooper at ni Fashia.

At least minsan lang ako pasaway sa kanila at hindi madalas.

"Saan tayo unang pupunta?" Tanong ko sa driver slash tour guide namin. "Sorry po wala pa kaming alam dito."

Ngumiti siya pero bigla akong natawa sa mukha ni kuya tour guide. Para kasing nakapikit siya kapag nakangiti dahil sobrang singkit rin ng mata niya. Chubby siya kaya ang cute cute niya. Para siyang siopao na asado.


"Natatawa ka ba dahil cute ako?" Tanong niya at tumango naman agad ako. Hindi ko agad na isip na baka ma-offend siya pagtawa ko. Baka isipin pa niya nilalait ko siya, nakyu-kyutan lang naman talaga ako sa kanya. "H'wag kang mag-alala, ganyan lahat ng kliyente ko, natatawa sila kapag ngumingiti ako kasi mukha daw akong siopao."

"Naku," singit ni Copper. "Mahilig pa naman sa chinese food 'to si Xiang lalo na sa siopao kaya mag-ingat kayo, kuya." Siniko ko ang baywang niya. Ayan na naman siya sa mga pang-aasar niya, "Cute ka rin naman Xiang e, pareho kayo ni kuya."

Biglang napahiyaw si kuya tour guide na ikinagulat naming dalawa, "Ang sweet niyo naman, ilang years na ba kayo?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Cooper. Napagkakamalan pala kaming magkarelasyon? Mas mukha nga kaming magkapatid, e. Mas sweet pa kami ni Liam dati pero hindi naman kami nasasabihan nang ganyan.

"Mali kayo nang iniisip kuya, mag best friend lang kami." Sambit ko pero ngumisi lang siya. Hindi ba siya naniniwala sa akin? Siniko ko ulit si Cooper para suportahan ako sa mga pinaglalaban ko.

"Kuya, best friend lang kami. Hindi kasi ako mahilig sa flat chested," lumaki agad ang mata ko sa sinabi niya. Pinalo ko siya sa braso niya. Grabe siya sa'kin, ha? Ayos lang sabihin na pangit ako, h'wag lang flat chested. "Totoo naman, alam mo naman na ang tipo ko ay 'yong mga malulusog ang hinaharap." Pinalo ko ulit siya sa braso niya.

"Yuck! Kadiri naman 'yang topic na 'yan!" Pagmamaktol ko. "Tara na nga kuya–"

"Sanchi," Pagtutuloy niya. "'Yan ang pangalan ko." Kahit ang pangalan niya ay cute rin.

"Tara na nga kuya Sanchi, kung ano-ano na sinasabi nitong best friend ko."

Alam ko naman na nagbibiruan lang kami kaya hindi ko naman sineseryoso ang lahat nang sinasabi ni Cooper. Minsan ay maloko rin siya kagaya ko.

"Dito muna tayo sa Burnham park, sakay tayo sa bangka." Sambit ni Kuya Sanchi.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Ma-may life jacket naman si-sila 'di ba?" Utal-utak kong tanong.

Hindi naman sa takot ako sa tubig pero takot na takot akong malunod. Simula bata ako, ilang beses na akong nananaginip na nalulunod ako. Hindi ko rin alam kung bakit pero simula noon, takot na ako sa dagat, ilog o kung ano pa man na pwede akong malunod.

Hindi rin naman ako natutong lumangoy sa swimming class namin nang college dahil basic lang naman ang tinuro sa amin at madalas akong absent dahil mas umiiral pa rin sa akin ang takot. Wala naman akong pera para mag-enroll sa special swimming lesson.

"Walang life jacket dito, mababaw lang naman ang tubig dito," sambit ni Kuya Sanchi.

Inakbayan ako ni Cooper, "Nakakalimutan mo ata na nandito ako. Hindi ko hahayaan na malunod ka." Kahit papaano, gumaan ang loob ko sa sinabi niya. May tiwala naman ako sa kanya, kapag sinabi niya, gagawin niya talaga.

Napanatag na ako kaya sumakay na kami sa bangka. Sobrang kabado pa ako nang una pero habang tumatagal, nasasanay na ako. Masaya rin pala. Kahit papaano, pakiramdam ko naharap ko 'yong takot ko pero nang nagiging okay na ang lahat, tska naman nagkaroon ng problema.

"Kapit!" Sigaw ni kuya Sanchi.

Ang bilis nang pangyayari. Tumaob ang bangka na sinasakyan namin sa hindi malaman na dahilan. Unti-unti akong nahulog pababa.

Nakadilat lang ang mata ko habang nakatingin sa itaas. Nakikita ko ang araw pero nakikita ko rin ang panaginip ko. Nakaramdam ako nang sobrang takot at panlalamig.


Pinikit ko ang mata ko at may nakita akong maliwanag na bagay mula sa malayo. Bigla akong nakaramdam ng init. Ano kaya ang bagay na 'yon? Pero para akong tinatawag ng liwanag na 'yon.

Bigla kong nakita ang mukha ng tatay ko. May kung anong kumurot sa puso ko. Ang sakit makita ang mukha niya dahil alam kong wala na siyang pakialam sa akin.

Tuluyan na akong nawalan ng malay.

***

Pagdilat ko si Cooper agad ang bumungad sa akin. Alalang ala ang mukha niya. Nang makita nga niyang nakadilat na ako, niyakap niya ako nang mahigpit. "Xiang? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo?" Wala akong nararamdaman na sakit kaya tumayo ako sa pagkakahiga ko. Basang basa ang damit ko.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Hindi nga rin namin alam kung bakit tumaob 'yong bangka natin. Wala naman tayong nakabangga na iba," napailing siya. "Dapat pala hindi na kita pinayagan pa na sumakay dito. Sorry kung hindi kita agad na protektahan. Hinanap kita pero hindi kita makita, nakakapagtaka nga, e. Buti na lang nakita ka ni kuya Sanchi."

Hinawakan ko ang pisngi niya. "Wala kang kasalanan. Alam kong gusto mo akong iligtas."

May bigla akong naisip. Kung nalunod ako, ibig sabihin lang may nag-CPR sa akin.

"Sinong nag-CPR sa akin?"

Napangiti si Cooper at pinisil ang pisngi ko. "H'wag kang mag-alala, walang humalik sa'yo, nagising ka agad bago ka pa ma-CPR."

Nakahinga na ako.

"Isuot mo 'to Serenity," sambit ni kuya Sanchi habang inaabot sa akin 'yong tuwalya na dala niya. "Pumunta muna tayo do'n sa may resto, baka lamigin ka dito."

Inalalayan nila akong dalawa papunta sa resto na sinasabi ni kuya Sanchi. Pumasok kami sa loob at buti naman at hindi gano'n kalamig doon.

Pumunta si Cooper sa van para kunin ang gamit ko at para makapagpalit na ako.

Pagbalik niya ay nagbihis agad ako dahil unti-unti na akong nilalamig. Baka magkasakit pa ako o atakihin ng asthma, sayang naman 'yong bakasyon namin dito.

"Gusto niyo bang pumunta sa library malapit dito? Medyo mainit do'n sa loob. Mukhang lamig na lamig na si Serenity."

"Saan pong library?" Tanong ko.

"Sa may Attrium."

Sumang-ayon agad kami ni Cooper. Gusto ko rin talaga pumunta sa Attrium, isang lumang library 'yon dito sa Baguio na inspired ang desenyo sa mga Chinese temples. Medyo creepy 'yong lugar sa iba kasi nga luma na pero para sa'kin, napakaganda niya.

Sampung minuto lang byahe namin papunta roon. Pagkadating namin doon at nasa labas pa lang ako ay manghang mangha na ako. Kulay tsokolate ang mga pader niya at berde naman ang bubong nito. May labing dalawang hagdan ang lalakarin mo bago ka makapunta sa main door.


Pakiramdam ko nasa China ako. Ang sarap sa pakiramdam. Tumakbo agad ako paakyat sa loob.

Napahinto ako dahil sa kakaibang init na bumalot sa katawan ko. Bumagal ang paghinga ko at mabilis na bumabagsak ang pawis sa katawan ko.

Inalalayan ako ni Cooper.

"Ayos ka lang ba, Xiang?" Pinunasan niya ang noo ko. "Pawis na pawis ka ha, masama ba ang pakiramdam mo?"

Umiling na lang ako. Mabigat 'yong nararamdaman ko ngayon pero hindi ko na 'yon sanabi kay Cooper. "Hindi ka ba naiinitan?" Tanong ko.

"Hindi naman, normal lang," hinawakan niya ulit ang noo ko. "Hindi ka naman mainit, ayos ka lang ba talaga?" Nag-aalala na siya.

Siguro mainit lang talaga dito sa lugar na 'to kagaya ng sabi ni kuya Sanchi.

Inayos ko ang sarili ko. Kanina pa nag-aaalala si Cooper, baka hindi na niya ma-enjoy 'tong tour. "Oo, ayos lang ako. Tara maglibot na tayo."

Lumayo ako sa kanya para hindi niya mapansin kung sakaling sumama ang pakiramdam ko. Okay pa naman ako, may mainit na bagay lang ako nararamdaman pero kaya ko pang maglakad mag-isa.

Nakakapagtaka nga e, kami lang ang tao rito. Siguro ayaw ng mga tao ang ganitong lugar. Sayang, ang ganda pa naman. Ang lakas maka-throwback sa empire era ng China. Siguro kasi hindi rin lahat fanatic ng Chinese culture.

Tumingin tingin ako sa paligid. Kulay brown na 'yong mga pahina ng mga libro dito, alam mong ilang taon na silang nandito. Inamoy ko 'yon at kahit luma na ay nakakaadik pa rin sa pang-amoy.

May ibang libro rito na nakasulat sa Mandarin. Hindi man ako kagaling sa lenggwahe na 'to pero nakakaintindi ako kaunti.

Naglakad pa ako hanggang sa dulo. May natanaw ako sa malayo na isang malaking pinto. Kusang naglakad ang paa ko papunta do'n.

May dalawang malaking poste sa gilid ng malaking pinto. Kulay itim ito pero may mga sulat ito na gawa sa ginto na hindi maintindihan.


Nahirapan na naman akong huminga.

Inaatake ba ako ng asthma ko? H'wag naman sana. Mas lalong kakaiba 'yong nararamdaman ko sa lugar na 'to.

Mas tumindi 'yong pagpapawis ko. Mas lalong uminit ang pakiramdam ko. Para akong nasa pugon. Pakiramdam ko pa uhaw na uhaw ako.

Lumabo na ang paningin ko at nawalan na naman ako ng malay.

"Xiang.."

Mahina ang boses na narinig ko pero habang tumatagal mas lalo itong lumalakas.

"Patawarin mo ako.."

Si tatay, nakita ko na naman siya. Ngayon mas malinaw ang mukha niya at humihingi siya ng tawad. Ayokong maniwala pero parang totoo na nagsisisi siya sa pag-iwan sa akin. Niyugyog ko ang ulo ko.

Hindi maari. Hindi siya nagsisisi sa ginawa niya. Kung totoo man 'yon, sana binalikan na niya ako. Ilang taon na ba ang lumipas pero kahit bakas niya ay hindi ko pa nakikita sa personal. Tanging sa litraro ko lang siya nasilayan.

"Xiang!"

Nagising ako sa boses ni Cooper. Napahawak agad ako sa dibdib ko. Hingal na hingal ako at kusang tumulo ang mga luha ko.

"Sabi ko naman sa'yo, sabihin mo sa'kin kung hindi na maganda 'yong pakiramdam mo," may halong inis na ang tono ng boses niya. "Buti na lang nakita ka agad ni kuya Sanchi do'n sa dulo ng library."

Inilibot ko ang mata ko. Nasa van na kami at mukhang pauwi na kami. "Saan na tayo papunta?"

"Uuwi na tayo," sagot ni Cooper. "Baka mapaano ka pa. Babalik na lang tayo rito kapag maayos ka na. Ililibre raw tayo ni kuya Sanchi."

Lumingon siya sa amin at ngumiti. Nakita ko na naman ang mata niyang singkit kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Sorry, nasira 'yong tour dahil sa'kin," Hindi ko maiwasan na malungkot nang sobra. Masaya sana ang tour na 'to pero ito, nasira. Minsan talaga ako ang nagdadala ng malas sa mga tao. "Ako na ang manlilibre sa susunod pero hintay lang ha, mag-iipon pa ako."

"Sagot ko na 'to Serenity, basta sa susunod mas malakas ka na." Sambit ni kuya Sanchi.

Hindi na ako nakipagtalo pa. Mahal din kasi ang gagastusin sa tour na 'to, baka naman hindi ko kayanin. Buti na lang talaga at mabait si Kuya Sanchi.

***

Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa bintana ng van.

Ang weird ng mga nangyari kanina. Hindi ko inaasahan na mangyayari 'yong nasa panaginip ko at nakita ko pa si tatay.

Ano kayang meron sa Attrium at sa likod ng malaking pinto na 'yon? Kakaiba talaga ang pakiramdam kapag nando'n ako. Isa pa bakit kaya ako nahimatay? Ang dami kong tanong sa sarili ko pero kahit isa hindi ko masagot.

Nagsimula ang mga 'to ng malunod ako kanina. Kaya nga ba ayoko talag sa tubig.

Medyo traffic kaya dahan-dahan lang ang patakbo namin. Dumaan kami sa kalsada na puno ng mga nagtitinda sa gilid. Ang daming tindang gulay at strawberry pero hindi 'yon ang nakakuha ng atensyon ko.

May nakita akong mga notebook na ang ganda ng pagkakagawa pero may isang libro na pumukaw ng atensyon ko. "Kuya Sanchi, pwede ba tayong huminto sandali? May gusto sana akong bilhin."

"Sandali lang tayo dito ha," paalala ni Cooper.

Tumango ako at masigalang bumaba ng van. Sinamahan nila ako at tumingin din sila ng mga paninda.

Lumapit agad ako sa mag-ina na nagbebenta ng notebook at libro.

Kinuha ko agad ang libro na may magandang desenyo sa unahan. May ibon na nakaukit dito at ang mga pakpak niya ay nakabuka na parang lumilipad ito pataas. May tatlong bato ito na korteng bilog at kulay asul. Isa sa taas, gitna at baba. Ang gitnang bato ang pinakamalaki dahil parang ito 'yong puso niya. Makintab ang mga bato na ito at para itong umiilaw.

Ang ganda niya.


Parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko nang mahawakan ko siya. Kakaiba na naman ang pakiramdam ko.

Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?

Huminga na lang muna ako nang malalim pagkatapos binuklat ko ang libro. Tinignan ko lahat ng pahina pero walang laman. Siguro notebook lang din 'to na kakaiba ang itsura.

"Magkano po 'to?" Tanong ko sa mag-ina.

"Libre na 'yang libro na 'yan, sa'yo na lang," sambit ng ina.

Nagulat ako sa sinabi niya. Aba, sa panahon ngayon wala ng libre. "Sigurado kayo?"

Tumayo ang anak niyang lalaki. "Ito po, 'yan 'yong panulat na kasama n'yan."

May parang kuryente rin na dumaloy sa katawan ko nang hawakan ko ang panulat. Kulay tsokolate ito at may dyamante sa dulo. Ang ganda rin niya.

"Xiang, tara na!" Sigaw ni Cooper.

"Salamat po rito," inabutan ko sila ng seaweed na gawa ni auntie para lang may maibigay din ako sa kanila. Buti na lang at tinanggal nila. "Paalam po!"

Sumakay agad ako sa van. Madami rin nabili ang dalawa pero ako sapat na sa akin libro na ito.

Nang paalis na kami, sinilip ko ulit 'yong mag-ina pero laking gulat ko ng wala na sila. Kinuskos ko ang mata ko dahil baka namamalikmata lang ako pero wala na talaga sila. Matagal na ba simula nang makaakyat ako sa van?

Siguro mabilis lang talaga silang magligpit ng mga gamit. Malapit na rin kasing magdilim.

Yakap-yakap ko ang libro na binili ko sa kanila. Libro na walang laman. Siguro maganda kung dito ko isusulat 'yong susunod kong gagawin na istorya. Maiba lang tska para kahit saan ako mag punta ay mababasa ko 'to. 'Yong laptop ko kasi sira na 'yong battery kaya dapat palaging nakasaksak.

Mas ginanahan tuloy akong magsulat.

Naging disaster man ang tour na 'to pero masaya ako rito sa libro na 'to.

---

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 116K 41
POLARIS BOOK 2 Akala ni Xiang Serenity ay tapos na ang lahat simula nang matalo nila ang hari ng kasamaan ngunit ang hindi niya inaasahan ay may bago...
152K 4.9K 32
[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famo...
112K 4K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
20.7M 761K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...