Oh my Angel!

By Pretzhele

34.1K 1.6K 657

• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members More

-Prologue-
-1-
-2-
-3-
***
-4-
***
-5-
-6-
***
-7-
-8-
***
-9-
-10-
***
-11-
-12-
***
-13-
-14-
-15-
-16-
***
-17-
***
***
-19-
***
-20-
***
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
***
***
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-51-
-52-
-53-
-54-
-55-
-56-
-57-
-58-
-59-
-60-
-61-
-62-
-63-
-64-
-65-
-66-
-67-
-68-
-69-
-70-
-71-
-72-
-73-
-74-
-75-
-76-
-77-
-78-
-79-
-80-
-81-
-82-
-83-
-84-
-85-
-86-
-87-
-88-
-89-
-90-
-91-
-92-
-93-
-94-
-95-
-96-
Epilogue Part 1
Epilogue Part 2
Epilogue Part 3
Epilogue part 4

-18-

265 18 4
By Pretzhele

Gail's POV
Natapos na ang tour namin, at isa lang ang masasabi ko sobrang laki ng paaralan na ito. Andaming bagong lugar para sa akin. Pinaka nagustuhan ko ay ang library na tinatawag nila, para siyang silid aklatan sa lugar kung saan ako nanggaling pero higit na mas malaki ito kumpara sa amin. Isa pa sa paborito kong lugar ay ang hardin nila napaka lawak nito at ang daming magagandang bulaklak.

Kasalukuyan kami ngayong papunta sa block 3 kung saan ituturo niya ang silid na kabilang ako. Inaantay ko lang siya dahil may kumausap sa kanya na kakilala niya. Nasasabik ako na mag aral dito. Habang abala pa siya sa kausap niya nilibot ko muna ang paningin ko sa lugar. Nakakamangha ang ganda ng paaralan na ito.

Ano ba ibalik ninyo sakin iyan. Hindi naman sa inyo iyan eh. Tinig ng isang babae. Saglit kong hinanap kung saan nanggagaling ito.

Hindi naman ako nabigo at natagpuan ko kung saan ito nagmumula, nasa liblib silang parte. May isang babae na kumakausap sa tatlong babae at pilit na may kinukuha.

Bakit ba ang damot mo. Kokopya lang kami kaya wag kang maingay diyan nerd kung ayaw mong punitin ko ito sa harap mo.

Bakit ba hindi kayo gumawa ng sa inyo!!

Aba! Lumalaban ka na ah. At tinulak siya ng babae. Agad naman ako lumapit sa kanila at tinulungan siya.

Bakit ninyo siya tinulak? Sa kanya ang gamit na iyan dapat ninyo iyang ibalik. Pagtatanggol ko sa babae.

At sino ka namang pakialamera ka?

Unang-una hindi ako pakialamera, dahil magkaiba ang pakikialam sa pinagtatanggol. Kumukuha kayo ng gamit na hindi sa inyo. At bakit kailangan ninyo siyang itulak eh kung tutuusin ay kanya naman ang gamit na hawak ninyo.

Hindi mo ba kami kilala ha? Bago ka lang dito no? Kay bago-bago mo ang lakas ng loob mong lumaban.

Lalaban ako kung alam kong tama ako. At ano ngayon kung bago ako, bakit aapihin ninyo rin ako ng gaya ng ginagawa ninyo sa kanya?

Sasagot pa sana siya ng may biglang binulong sa kanya ang kasama niya.

Di pa tayo tapos, tatandaan ko ang araw na ito. Humanda ka. Tapos binato niya sa akin ang isang bagay. Agad naman lumapit sa akin ang babae.

Okay ka lang ba? Pasensya ka na nadamay ka pa. Dinampot na niya ang notebook niya. Iyon ba ang binato sakin? Grabe iyong babaeng iyon ah.

Oo ayos lang ako, ikaw ayos ka lang ba medyo malakas pagkakatulak sayo ng babaeng iyon ah? Nagaalala kong tanong.

Oo ayos lang ako, hindi naman siya gaanong masakit eh. Ako nga pala si Cindy. Nakangiti niyang pakilala. Sabay abot ng kamay niya.

Ako naman si Gail. Masuyo kong inabot ang kamay niya.

Miss Dizon anong nangyayari dito? Nagulat naman ako ng may magsalita.

Ah Liam mer--

Wala po Mr. President, tinulungan niya lang ako pulutin ang mga nahulog kong gamit. Pagputol ni Cindy ng sasabihin ko, teka hindi naman iyon ang nangyari ah.

I see, so Ms. Dizon si Ms. Ramirez na ang magtuturo kung saan ang classroom mo. You have the same block. Meron lamang akong meeting na pupuntahan. Siya na bahala magturo sayo ng mga bagay bagay about this school.

Ms. Ramirez, assist her bago lang iyan dito.

Yes, Mr. President.

I'll go ahead, again welcome sa school na ito Ms. Dizon. Ngumiti lang ako sa kanya at nagsimula na siyang umalis.

So halika na Gail. Yaya sakin ni Cindy.

Naglakad lang kami, di naman ganoon kalayo ang nilakad namin dahil malapit na pala ang silid na tinutukoy ni Liam sa lugar kung saan kami tumigil.

Agad kaming pumasok sa loob, pero napansin ko na hindi na umiimik si cindy at nakatungo lamang ito habang naglalakad.

May problema ba Cindy? Nag aalala kong tanong.

Umiling lang ito sa tanong ko.

Binilisan niya ang lakad niya. Agad naman napatingin sa amin ang lahat ng tao sa loob ng silid lalong-lalo na sa akin. Si Cindy naman ay naupo sa dulong bahagi ng silid.

Agad naman akong nailang sa mga tingin na pinupukol sa akin. Agad akong nagmadali pumunta sa dulong bahagi ng silid at lumapit kay Cindy.

Habang papalapit ako sa upuan kung saan nakaupo si Cindy di makaligtas sa akin ang bulungan nila.

Pre, sino iyan? Ang ganda naman niyan.

Iyan siguro ang transferee dito, maganda pala siya. Sana dito siya umupo.

Oh my, kala mo naman kung sino maganda nadala lang naman sa puti.

Oo nga girl, papansin siya ah.

Hay! Mga tao nga naman. Nasa tapat na ako ni Cindy, nakatungo parin siya.

Bakit siya lumapit kay nerd?

Kaibigan ba niya si nerd?

Nerd? Si Cindy ba ang tinutukoy nila? Iyon din kasi ang tawag sa kanya ng umaaway sa kanya.

Pwede ba ako makiupo dito sa tabi mo Cindy? Agad naman siyang tumingin sakin na may gulat sa kanyang mukha. Ngumiti lang ako sa kanya.

A-ahh o-okay sige, upo ka. Tumingin naman siya sa paligid niya at tumungo ulit.

Bakit ba panay ang tungo mo? Ano ang tinitingnan mo sa baba?

Ahh wala naman. Dapat hindi mo ako kinakausap kung ayaw mo madamay sa pangbubully nila sa akin.

Pang bubully? Kagaya ba ng nangyari kanina bago tayo pumasok dito.

Tumango lang siya sa sinabi ko. Hay! Kakaiba talaga ang mga tao. Dapat hindi nila ginagawa iyon. Hindi ba nila nakikita ang epekto nito sa taong ginagawan nila nito.

Wag ka mag-alala hindi ako kagaya nila. Nakangiti kong sabi sa kanya.

Alam ko naman na hindi ka kagaya nila dahil tinulungan mo ako kanina ang kinababahala ko lang ay baka madamay ka dahil sa akin.

Wag ka mag alala ako bahala sayo, pagtatanggol kita sa kanila. Nakangiti kong sabi. Nakatingin parin siya sa akin pero maya maya din ay ngumiti na siya.

Okay class take your seats. Agad naman na sabi ng isang babae na kakapasok lang, mukhang siya ang magleleksyon sa amin dahil mukha siyang guro.

Oh mukhang may bagong mukha sa klaseng ito. Miss maari ka bang magpakilala sa amin.

Tawag ka ni prof. Bulong sakin ni Cindy.

Kinakabahan man ay naglakad na ako papunta sa unahan. Sunod naman ang tingin sakin ng mga lalaking nadadaanan ko pag tinitingnan ko sila ngumingiti lang sila sa akin kaya iniiwas ko ang tingin ko.

A-ako nga pala si Gail Dizon. Kinagagalak ko kayong makilala. Ngumiti naman ako sa lahat. Nagulat naman ako ng bigla silang natahimik at natulala.

Dahil sa hiya agad na akong bumalik sa upuan kung saan katabi ko si Cindy.

Mukhang nasa ibang dimension na ang isip ng mga boys sa klaseng ito. By the way Ms. Dizon ako ang adviser ng klaseng ito, if you need anything at medyo nahihirapan ka sa mga subjects mo don't hesitate to approach me okay. Nakangiti naman niyang sabi.

Okay boys stop day dreaming na, magkaklase na ako so focus guys. Nagsimula na siyang magsulat sa pisara.

Napalingon naman ako kay Cindy. At nagtatakang nagtanong.

Anong nangyari Cindy, bakit parang natulala at natahimik sila nung nagpakilala ako? Hindi ba nila nagustuhan ang pagpapakilala ko?

Ahmm... hindi naman natulala lang sila sa angking ganda mo. Hindi mo alam kung gaano ka kaganda nung ngumiti ka. Ngingiti-ngiti niyang paliwanag.

Oh bago ko malimutan, Ms. Ramirez please assist Ms. Dizon sa mga past lesson natin para makahabol siya.

Tumango naman si Cindy sa sinabi ni prof. At nag-umpisa na nga ang klase namin.

-----------------------------------------------------------
AN: medyo busy kaya ngayon lang nag update.

Btw. Thanks to girly_shannen for the book cover. Super love it ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 64.5K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
25.9K 1.3K 72
[Bad boys 1&2] Ella Margareta Nicole Valdez is just a simple girl,poor, nerd, and she doesn't have friends she has one brother name Edward James Vald...