[Published Book] Three Words...

By Girlinlove

25.6M 304K 75K

Now a published book under Summit Media. Php 195.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) 3W8L... More

Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?
[1] Chanel Courtney Chua is.. Dead.
[2] Elle. The Little Miss Murderer.
[3.1] Calvin.. Knight in Shining Armor?
[3.2] Goodbye.. Kean.
[4] New Place. New World. New Elle?
[5] A really bad day.. Or not?
[6] Getting to know.. HIM :)
[7] Concerned din naman nagsusungit pa. :)
[8] All good things must come to an end.
[9] Now, everybody hates me. :(
[10] Meeting his friends :)
[11] Meet Kurdapya and Bakekang :)
[12] I hate happy endings.
[13] Its not the end that hurts, but the flashback that follows.
[14] Bye Patrick. :)
[15] Bakit ba hindi na pwedeng bumalik ang dati? Ako? Tayo?
[16] He's back. Comparisons. His Story.
[17] SMP = ICL? First LQ. </3
[18] Start of Something new?
[19] Calvin vs. Dylan
[20] A new beginning and a sad ending for their FRIENDSHIP.
[21] I'm Elle. The Great Btch. Pero bakit pagdating sayo, nanghihina ako?
[22] A ghost from my past.
[23] I have died everyday waiting for you.
[24] Time to reveal the story.
[25] Love me for who I am. I am not a rebound.
GUYS ATTENTION ;)
[26] Torn Between Two Lovers.
[27] A sad ending for a very happy day.
[28] Great Ditcher.
[29] Kean.. Three Words, and one last cry.
[30] Leaving on a jet plane.
[31] Double Date? Yeah Right!
[32] Garden or Rooftop?
[33] Happy Birthday Elle Clemente.
[34] Karma + Wrong Decision = Pain.
[35] And again, he was my savior.. And lover?
[36] Part 1: Introducing Mira
[36 Part 2] Elle Clemente vs. Mira Tan Chan
[36 Part 3] I can't make you love me, Calvin Klein Go.
[37] Bros before Hoes?
[38] Don't let me go. Please.
[39] Welcome Back, Chanel Courtney Chua :)
[40] Grand Reunion! Welcome back Gian!
[41] Not all story ends with a happy ending.
[42] I was never the right guy for you :(
[43] Three Words Nation. Girlinlove City Wattyland.
[44] THE BIG REVEAL :O
[45 Part 1] Wala na ba talaga? Pagod ka na ba?
[45 Part 2] Kilig Kilig Moments ng COUREANS. PBB Teens?
[46] DATE. Hahawawamapasasapa :D
[47] CKEANELLE </3
[48] Kean's Journal.
[49] Cassandra, Barkada and Lola D to the rescue.. And oh wait. WHO?
[50] "Three Words, Eight Letters. If I say it will I be yours?"
[52] Pesteng Damit Na May Bigote. The Shoe-nga Couple.
[53] Hindi lang kami ang may karapatan magkaroon ng happy ending.
[54] Gab, Dara and a ruined date?
[55] Love vs. Career
[56] A special mall tour that might change almost everything.
[57] Lahat nga ba magiging masaya? A heartbreaking chapter. </3
[58]The confrontations and the goodbyes.We're near the end.Why are we like this?
[59] Twist of story leading to its ending.
PLEASE READ! FINAL REMINDERS BAGO ANG ENDING!
[60] 3W8L The Last Chapter. Finally, We Say Goodbye.
[Epilogue] Goodbye 3W8L. :(
3W8L Special Chapter
3W8L Special Announcement #3W8LBookRelease
Girlinlove 5th MEETUP (Despedida)
Book 3

[51] Graduation day. And a special trip?

316K 4.1K 670
By Girlinlove

Chapter 51

Chanel's POV

"BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEESSSSSSSSSSSSSSSS!!!"

"CASSANDRA! BAKIT?!"

"Yung phone mo ring ng ring! Nastrestress ako!"

"Ako din! Ohmygosh! Late na tayo! Dalian mo, ayusin mo na mga gamit!"

"Oo nga! Teka tatawagin ko na din si Mang Sid-- YUNG PHONE MO!"

"Oo! Ito na!!" kinuha ko yung phone ko at sinagot ito.

"Hello?"

"HOY! NASAAN KA NA?! ANO BA?! MAGSISIMULA NA!"


"Seryoso?!"


"HINDI! JOKE LANG ITO! SIGE MAGPAKAPAGONG KA PA DIYAN!"

"Naman eh!"

"Bilisan mo kasi!"

"Bakit ka ba nagmamadali? Madami pa namang speech speech diyan!"

"Yun na nga eh! BILISAN MO!"

"Oo na po sige Bye."

"OO NA!" sabi niya. Galit.

"LOVE YOU!"


"Love you too."

Kinilig naman ako doon, bigla kasing naging malambing ang boses niya.

Dalawang taon na ang nakalipas, andito kami ngayon sa bahay ko, nagmamadali kasi graduation ko na ngayon. Sa wakas!

At yung tumawag? Obvious ba? Sino pa ba yun.

Si Kean Patrick Tolentino Padua lang naman.

"Bes! Tara na!"

"Coming!" lumabas ako ng bahay, sinabi ko kay Manang Rosa na bantayan ang bahay.

Si Manang Rosa, naalala niyo pa ba? Yung maid ni Yohann? Siya rin yung kapitbahay namin dati ni Kean na nabanggit sa unang libro ng storyang ito. Biruin niyong, hindi ko siya naalala? Miski namukhaan?

"Mang Sid, school po. Pakibilisan!"

"Opo Ma'am." sabi ni Mang Sid.

Naupo ako katabi ni Cassandra. Nalate kami kasi ang tagal noong nagmamake-up, tapos hindi pala dadating kaya si Cass na ang nagmake-up.

"Haay naku, ayan, haggard ka na. Ayusin natin make-up mo girl!"

"Salamat Cass."

"Ito naman."

"Sa halos dalawang taon, hindi mo ako iniwan. Kahit na hindi kita pinahalagahan dati noong naging Elle--"

"AY NAKU! Tama na yang drama!Ngayon pa ba tayo mag-iiyakan? Gragraduate ka lang! Hindi pa ikakasal okay?"

"Sira ka!"

Inayos lang ni Cassandra yung make-up ko na kumayat dahil sa pawis, si Mang Sid naman tinodo na ang aircon! Ang init kaya! After 15 minutes nakarating kami sa school. Paglabas namin..

"CASS! Nagmamarch na sila!"

"ANO?! Saan ba ang pwesto mo?"

"Di ko alam kung nasaan na! Chua ako!"

"Halaaa. Paano na yan?"

"Di ko alam! CASS! Saan ako sisiksik--"

Maya maya may humila na lang sa akin. 

"Kean?"

"BAKIT KA LATE?"

"Kasi yung make-up artist hindi dumating kaya si Cass na lang yun--"

"TABI DIYAN! TABI! Anong surname mo?" sabi niya sa babae na malapit ng magmarch.

"Chavez."

Biglang tumingin sa akin si Kean.

"Hindi mo alam kung sino yung katabi mo?!"

"Huh--Ah alam ko.. Wait. Siya!" sabay turo ko sa lalaki na nasa likod lang noong babae. 

"Oh dali, pila!" tapos tinulak niya ako sa likod noong lalaki.

Bakit badtrip na naman yun!? 

Umalis na siya, babalik na siguro sa pila. Nag-ayos ako ng buhok, hanggang sa may humawak ng kamay ko..

"Oh? May nakalimutan ka?"

"Oo."

*KISS*

Kyaaaah >0< Lahat naman ng mga tao sa tabi namin nag 'yieeeeeeeeeeeee'. Ako naman pulang pula doon.

"CHANEL COURTNEY CHUA."


"Oh bilis! Akyat na! Congratulations! Proud ako sayo! THREE WORDS!" sabi niya sa akin habang naglalakad ako. Sinigaw niya yun kaya rinig ng mga tao. >0< 

Sabagay, sanay na ang mga estudyante diyan.

Dalawang taon kaming tinaguriang.. "COUREANS" yan daw ang couple name namin. >0<

Sanay sila na cheesy si Kean. Laging hatid sundo kapag katapos ng class. Kasali din siya sa basketball varsity team at pinilit niya akong maging cheerleader para kasama ko siya sa mga games niya. Active kami sa school, medyo popular din. 

Umakyat ako, kinuha ang diploma at sinabitan nila ako ng tatlong medal. >0< Cum Laude kasi ako. Hihih :">

Pagkababa ko ng stage, nagstanding ovation ang barkada, si Mama, Si Papa at si Lola D, tapos nakita ko ang SMP kahit na nasa kanya kanyang pila pumapalakpak at nagsisisigaw.

Ang SMP, sila yung barkada namin ni Kean sa school, since magkaiba kami ng school ng buong barkada. Varsity na din si Kean kaya close na talaga yung anim.

Minsan nga tinatawag nila akong "SHANCAI" kasi ako daw yung nag-iisang babae sa group nila. Which is true.

Si Ethan, conceited pa din. Gwapong gwapo pa din sa sarili niya.

Si Josh weirdo pa din, kapag trip mangulit super hyper, kapag naman tahimik ni isang tunog wala kang marinig.

Si Chase, going strong sila ni Micah at bunsong bunso pa din sa grupo.

Si Liam, babaero pa rin. Naka 45 na girlfriend siya sa loob ng dalawang taon. Imagine that.

At si Avan, ayun leader pa din. Nagttry pa ring pumorma, pero takot na lang niya kay Kean, kaya dinadaan sa joke ang lahat. 

Nakahawak lang ako sa phone ko. Andaming nagtetext!

45 Messages sa GF Girls. Iba iba sila.

10 sa barkada (Cholo, Ivy, Cass, Yael, Ria, Luke, Bianca, Steve, Anika, Gian),

7 galing sa ICL Koala (JM, Chloe, Gab, Travis, Jano, Clyde at si CK)

6 na missed call from CK.

Lahat ng yun puro congratulations. Hindi ko nireplyan, masyadong madami.

Except sa text ni CK.

From: CK-Ko. I mean.. CK Go. ^__^V

(Hehehe. Nag-away pa kami ni Kean dahil sa pangalan ni CK sa phone ko!)


Elle! CONGRATULATIONS! *confetti* Yeeey. Done na sa studies! As a gift! Uuwi kami ng ICL Koala diyan! With Chloe and JM!

OMG! Uuwi sila?! Namiss ko sila! >0< Kaya nireplyan ko agad siya.

To: CK-Ko. I mean.. CK Go. ^__^V

Jinjayo?! ^___^V Waaah. >0< So happy! Text me if you're here na! Itreat mo ako ok? =) Miss you much! :*

Mamaya pa yan magrereply, ubos palagi ang load ko kay CK. Kasi naman, ang mahal ng text! Hindi siya nagroroaming! >0< Nawala kasi yung sim niya.

Maya maya..

"KEAN PATRICK PADUA!"


Waaah! Si Kean na! Teka, tatayo ba ako para pumalakpak, hindi, wag na lang. 

"Chanel! Icheer mo na siya! Icheer mo na si Babe."

"Eyy >_< Bakit naman."

"Graduation eh! DALI!" 

Lahat sila nagdidikta na icheer ko daw. FINE! Tumayo ako tapos sumigaw ng..

"WHOOO! CONGRATULATIONS! BABE KO YAN!"

At oo, si Kean ang pambansang BABE ng bayan.

Kapag may kailangan sila kay Kean, laging sasabihin..

"Uy pasabi naman kay Babe.." o kaya naman "Uy kelangan namin si Babe."

Mga to, nakikibabe? Kasali sa relationship?! 

Nakita ko si Kean, may limang medal. DAYA! Suma Cum Laude yang lokong yan! At oo, matalino naman talaga siya, napapagsabay niya nga yung studies at pagvavarsity niya eh.

Tapos si Kean tinaas ang medal tapos nagflying kiss sa akin. At ayun, ang walang kamatayang..

"YIEEEEEEEEEEEEEEEE" ng mga tao ay narinig ko na naman.

Nagpatuloy lang sa program. Inaantok na nga ako eh, pero siyempre bawal umalis sa upuan kaya nandoon lang ako.

Matapos ang 45 minutes..

"We now call, Kean Patrick Padua for the Suma Cum Laude speech."

Lahat nag "YIEEEEEEEEEEEEE".

Bayun? Kapag si Kean yieee agad?! Tapos narinig ko na yung iba na..

"GO BABE!"

>0< Kaloka! See. Pambansang babe na siya!

Maraming mga froshies at mga lower batch ang nagkakandarapa diyan! Minsan nga sa akin pa sila lumalapit eh, para magbigay ng mga gifts o kaya letter. Mga bata talaga.

Tumayo si Kean sa may podium, lahat nakatingin, nakikinig. Maraming mga lower batch din na nanunuod ng graduation. Madaming fans tong lokong to eh! 

"Ahem. Pinatawag ko kayong lahat dito. Deh Joke." sabay tawa ng lahat. -____-" Bayun, ang corny talaga ni Kean. 

"Seriously, why do I have to do this? A speech? :| But, well, i guess I have no choice. First of all, I would like to congratulate all the students who have received their diplomas. I know we all deserve it. Second, the professors, the dean and everyone who helped us achieve what we have now. Sa mga pare ko, Liam, Ethan, Avan, Chase, Josh. Yowasapaliptap! Liam, tigiltigilan mo na ang pambababae! Gumaya ka sa akin!"

Tapos sa crowd, tumayo si Liam at sumigaw ng: "KUNG MAKAHANAP AKO NG TULAD NI CHANEL! SIGE! PERO SA NGAYON.. COLLECT AND SELECT!" Tumawa na lang lahat.

"Oy ikaw Ethan, kulang na lang pakasalan mo ang sarili mo. Bawasan mo ng konti yung pagkagwapong gwapo sayo ha. Tandaan mo, hangga't nabubuhay ako.. Hindi lang ikaw ang gwapo!"

Tumayo din si Ethan at sumigaw ng: "WALA TAYONG MAGAGAWA! PINAGPALA TAYO EH!"

"Oh pareng Chase, napakainosente mo, may suntok ka sa akin kapag nalaman kong nabuntis mo na si Micah!"

Chase: WAAAAAAAAAAAH T____T Di ko pa gagawin yun! 

"Josh! Pare naman. Balansehin mo lahat tol. Wag yung, kada araw may mood ka. Katakot bro eh!"

Josh: SIGE =)

(_ _") Mukhang tahimik ang mood ni Josh ngayon. 

"AT IKAW PARENG AVAN! Tama na ang lihim na pagtingin kay Courtney ko ah? Alam kong parehas tayong gwapo. Pero wala eh. Mas gwapo ako!"

Avan: NAUNA KA LANG!! IIMBENTO AKO NG TIME MACHINE! Tingnan mo!

Tapos lahat tumawa! Loko talaga tong mga to. Pasaway din si Kean! Ganito ba ang speech ng Suma Cum Laude?! Pero, kilala naman siya ng mga dean kaya nagsmile na lang sila. (_ _")

"Hmm, I'm pretty popular I guess? Maraming humihingi ng picture after ng game ko, and to think pawis na pawis ako." tumawa na naman ang lahat. 

"Suma Cum Laude, really? Siguro naattract sa akin lahat ng teachers kasi hindi naman ako nag-aaral. But, kidding and bragging aside, I would like to thank all of you for being part of my college days. Paano ba yan? No more school projects? No more homeworks? No more midterm and final exams. No more terror teachers. But, we all know that we have to face a bigger world now. The corporate world. More challenges, more projects and this time, kapag nalate ka, your job ang mawawala sayo. Unlike sa school na, kapag hindi ka nakasubmit ng project, you could always submit it late but with deductions. Right? But I know we can all do this. Tiwala ako sa school na ito. Kasi.. Nandito si Chanel Courtney Chua."

KYAAAH >0< ANO BA YUN!? Bakit ako? Prof lang?!

Nag "YIEE!" ang lahat, yung mga katabi ko nag nudge nudge pa.

CLOSE LANG? Tapos yung iba..

"YAN NA SI BABE!" 


"Yep. Walang connect yung sinabi ko. Naiirita na kasi ako kasi I'm way to cheesy, and all I ever want to include in my speech is her. Oy COURTNEY KO! Babe."

Sumigaw na yung iba ng "YUN OH! SI BABE!" kyaaah >0< pulang pula na ako pero nakatingin lang ako sakanya.

"GRADUATE NA TAYO! CONGRATULATIONS! ANO? LIVE IN NA?!" lahat tumawa ng malakas. ANO BA? KEAN?!

"But seriously, you made my ride worth while. Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon, sa lahat naman ng gagawin ko ikaw ang dahilan. Marami na tayong pinagdaanan alam mo yan. I could have lost you, but, you're here with me now. Lakas lang talaga ng kapit ko kay Lord. Alam niyang malaki ang taya ko sayo, at hindi niya ako papatalunin. Pero Courtney! Salamat. For accepting me again, for loving me again, for sharing half of your life with me.. Well, medyo hyperbole yun."

NERD. Hyperbole. Psh. NERD NA HOT NA VARSITY. *O*

"COURTNEY! THREE WORDS, EIGHT LETTERS. Forever <3 Ha? And.. To end my speech. Congratulations to all of us, I love you all and.. May free hug sa akin pagbaba ko ng stage."

Tapos tumayo ang mga girls. Kilig na kilig, pati yung mga lower batch! Tapos super nagtitilian na sila. (_ _") Papogi talaga si Kean!

And with that, sabay sabay naming hinagis yung cap namin. At sabay sabay kaming nagtatalon at tumawa. Nilapitan ako ng ibang batchmates, picture taking.

Si Kean sinugod ng mga girls! Free Hug nga daw kasi! Maya maya, sumugod sa akin ang boys, free picture lang =) Pang DP daw! >0< Buti na lang hinigit ako ng SMP.

"Oy Shancai! Graduate na tayo!" sabi ni Liam.

"Oo nga eh! Ang sweet ng messages niyo kay Kean ah."

"Ang sweet ng message niya." sabi ni Avan with a bitter pero joking tone.

"Avan namaaaan." tapos hinug ko siya! Hinug din niya ako! Naiinggit yung apat kaya lahat sila nakahug sa akin. Maya maya..

"ALIS! ALIS! Andito na si DR.KWAK KWAK! Maghiwalay kayo! Ngayon na!" biglang singit ni Kean.

"Tol naman, pagkatapos nito, iyong iyo pa rin si Chanel. Kami mawawala na sa eksena! Pabayaan mo na muna kami." sabi ni Avan na hihirit pa ng hug pero gumitna si Kean at siya ang nahug ni Avan.

"NAMAN OH! Siguro trip mo ko tol? Kaya ayaw mo ako kay Chanel."

"Tngina bro, no joking? ASA KA!" 

Tapos nagsuperpunch na naman sila. Awww. Ang saya saya. <3 Maya maya nilapitan na ako nina Mama, Papa at Lola kasama ang barkada. Sina Cass, at ang barkada nakagraduate na last week. 

"Oh ano? Kasalan na ba?" sabi ni Lola. Natawa na lang kaming lahat. Kasal? Hmm.. 

"Guys! Tara na sa bahay may handa!" sabi ni Papa. Nakuuu. Mukhang pool parttttyyyyyyy!! =) 

Nakakatuwa kasi parang anak na din nina Papa at Mama ang barkada. Paano naman kasi, doon sila sa amin palaging nakatamabay. Doon ang meeting place! Kanya kanya kaming ride home.

Si Luke, Ria, Ivy at Cholo nasa sasakyan ni Luke.

Si Steve at Bianca kasama nina Yael at Cass.

Si Mama at Papa sa sasakayan ni Lola Daisy.

Ako sa sasakyan ni Kean.

Si Mang Sid? Umuwi mag-isa >0<

"Babe."

"Uy?"

"Tahimik mo."

"Ewan ko. Ang saya ko eh."

"Dahil graduate na tayo?"

"Hindi, MAS pa doon. Yung friendship natin ng SMP, ang barkada, sina Mama, Papa at Tito. Ang sarap ng pakiramdam. Yung buo." 

Natahimik lang siya tapos hinawakan ang kamay ko, concentrate siya sa pagdridrive.

"2 years ago. Noong nawala ka, hindi ko alam kung.. Saan ako pupunta. Kung nasaan yung "HOME" ko. Nagpunta ako ng KOREA, nagpunta ako sa PROVINCE, bumalik ako ng MANILA. Pero that time, tumatakas lang ako sa sakit kung saan ako nagstastay. Pero ngayon, alam kong dito yung "HOME" ko. Dito."

Ngumiti lang siya tapos kiniss yung kamay ko. Dalawang taon na kami pero kinikilig pa rin ako dito. :">

"Nga pala babe, darating daw sina CK dito. Uuwi daw sila!! YEEE--"

"BAKIT?!"

Biglang niyang kin-ut yung sentence ko. Hanggang ngayon bitter pa rin siya kay CK.

"Selos ka na naman?"

"-////- Asa ka pa."

"LUL! YUNG TOTOO?!"

"EWAN KO SAYO! Pag tayo nabangga!"

"Maghihiwalay na naman tayo? Ayoko ng maiwan ah."

Joke lang talaga yun, pero tumingin siya sa akin ng seryoso.

"Kahit anong mangyari, hindi na kita iiwan."

Nagtitigan lang kami tapos napakurap ako kaya ang sabi niya..

"AKO PANALO!" 


(_ _") Lokong to. Oo, hanggang ngayon mukha pa ring engot yung relationship namin. Minsan, para daw kaming mag-asawa kung maglambingan, at parang magkapitbahay kung mag-iringan. Minsan nga pati sobrang liit na bagay pinagaawayan namin tulad ng noong nag-away kami kasi kinain ko yung favorite niyang chocolate..

**FLASHBACK


"COURTNEY! BAKIT MO NAMAN KINAIN?!"


"Ang damot naman nito! PARA CHOCOLATE LANG!"


"HINDI YUN BASTA CHOCOLATE LANG! Favorite ko yun eh! Pinabili ko pa yun kay Lola D sa Switzerland!"


"GRABE KA NAMAN! SIGE NGAYON DIN LILIPAD AKO NG SWITZERLAND! NAKAKAINIS KA!"

Dumeretso ako sa kwarto ko tapos kinuha ang maleta ko. PARA SA CHOCOLATE SISIGAWAN NIYA AKO?! Naku. Talagang lilipad ako sa Switzerland!


"TEKA LANG HA! HINTAYIN MO AKO! MGA 4 DAYS! SAYO NA ULIT YUNG CHOCOLATE MO! *huk* SANA KASI PINAFRAME MO PARA WALANG NAKAGALAW! MASAMA BANG NAGUTOM AKO HA?! TAPOS YUNG CHOCOLATE MO YUNG NASA TABLE! HA? *huk* NAKAKAINIS! ANG DAMOT! SORRY HA! TEKA LANG! AKO PA MISMO BIBILI SAYO NUN SA SWITZERLAND. *huk*"

Di ko na napigilan yung iyak ko. Ayoko kasi ng ganito eh. Nililipat ko yung mga damit ko ng biglang..


Binack hug ako ni Kean tapos hinawakan yung kamay ko para hindi na ako maglipat ng gamit, pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko tapos..

"Sorry na. W-Wag ka ng magalit. W-wag ka ng umiyak. Sorry na."



Tumigil ako pero hindi ako tumitingin sakanya, tapos pinaharap niya ako sa kanya. Parehas kaming nakasquat na upo.

"Sorry na kasi. Ha? Wag ka ng umalis." sabay kuha ng mga damit ko at binalik sa drawer ko.


"Favorite ko yun eh. Nagulat lang ako nawala."


"Pero.. Mas okay lang sa akin na mawala yung chocolate kesa mawala ka."



Niyakap na naman niya ako. :""""> 

"Eh kasi.." sabi ko na medyo nakapout pa. Lumapit lang siya sa akin tapos kiniss ako sa cheeks.

"Bati na ha? Wag ka ng magtampo.. Ha? I love you."



Tapos kiniss niya ako sa noo. 

**END OF FLASHBACK.


"Ngingiti ngiti ka diyan?" sabi ni Kean. =_____=+

PANIRA! Minsan talaga pag nasa mood siya magsungit o mambara wala ka ng magagawa kung hindi hambalusin siya!

"Hindi na!"

"Baba. Andito na tayo!"

Bumaba ako. Pagdating namin sa bahay nina Kean, nandoon na lahat.

"WOW NAMAN! Tita, Tito ayos to ah?" sabi ni Cassandra.

Napatingin ako. NAKS! Naka ayos talaga. May nagbabarbecue pa sa isang gilid, si Manang Rosa. Sa pool naman ang daming drinks. >:)

Nakow. maweweng weng na naman kami niyan. Sa labas ng bahay lahat ng handa eh. Kaya kumain na kami. 

Maya maya dumating na si Anika at Gian.. Hmmmm. :> M.U na yang dalawa na yan! 

**FLASHBACK

1 taon na ang makalipas noong naging okay na ang lahat. Bumalik si Gian sa California. Naiwan si Anika. Habang nag-aaral, may gustong manligaw sakanya. Sabi ni Anika hindi naman daw niya type yung nanliligaw sakanya.


Cass: Seryoso ka diyan Glaizza?! 

Anika: Biglang Glaizza? Oo. Hindi ko type eh.

Bianx: BAKIT NAMAN?! Papable naman ah?

Ria: Korek! Mayaman at Matalino pa.

Ivy: Don't tell us, di ka pa din nakakamove on kay Gian?


Natahimik na lang si Anika. Tapos tumungo.


Chanel: Nako Girl. Try mo lang si Angelo. Malay mo, magclick. Wala namang masama kung ittry eh?


Tapos ayun, pinayagan niya manligaw si Angelo pero alam naman ni Angelo na tintry lang ni Anika. Kapag may lakad ang barkada kasama si Gelo. At feeling ko naman naging close sila.. Hanggang sa, magkakasama kaming lahat na barkada.


Kean: Oh Anika, si Gelo?

Anika: Eh.. Kasi..


Lahat kami napatingin sakanya at.. 


Anika: Pinatigil ko na siya manligaw. >_<

Lahat: ANO?! BAKIT?! AKALA NAMIN OKAY NA KAYO!? AKALA NAMIN..


"Eh kasi.. Ako na ang nanliligaw sakanya." 


Napatingin kami sa kung sino ang nagsalita at.. 


"GIAN?!"


"Oo, narealize ko na.. Ayaw.. Ayaw kong mawala sa akin si Anika. Kaya.. Kami na lang. Mahihirapan akong makakita ng babae na ganyan ako kamahal. Noong una dinendeny ko pa, pero narealize ko na hindi lang pala parang kapatid ang tingin ko sakanya. Iba na pala. Kaya. Ayun. Sana kami na lang."


Cass: OHMYGHAD! SA WAKAS GIAN! NAGPAKALALAKI KA NA!

Gian: ANO?!

Cass: Ang ibig kong sabihin, nakita mo na yung worth ni Anika!


Tapos yung mga girls naggroup hug kay Anika.


Ivy: BEBE! Sa wakas.

Anika: Oo nga Bebe! :')


**END OF FLASHBACK.



Pero hanggang ngayon, M.U pa rin sila. :|

ANG BAGAL KASI NI GIAN! 

Lahat kami nagkwentuhan lang doon, hanggang sa mapansin nila ako.

Ria: Cha.

Chanel: Po?

Ria: San si Kean?

Luke: Oo nga, himala, naghiwalay kayo.

Chanel: Grabe naman itong mga to! Kung makadescribe! Linta lang?

Yael: Tanggi pa to, e totoo naman! Hindi kayo naghihiwalay ni Kean!

Chanel: Oo na! Kausap ate niya sa phone.

Steve: ATE?! Ibig sabihin makikita na namin ang ate niya?! Maganda kaya?!

At nabatukan na naman si Steve ni Bianca.

NAKAILANG BATOK NA BA SI BIANCA KAY STEVE SA STORY NA TO!?

At, Oo, hindi pa nila nakikita ang Ate ni Kean. Si Ate Breana. Kasi nagstay siya sa states ng 2 years, ngayon siya uuwi kasi graduation ni Kean. Sweet nila noh? :>

Maya maya, dumating na si Kean tapos tumabi agad sakin. 

Ivy: Ayan na. Magkatabi na naman sila.

Kean: Sino?

Ivy: WALA! 

Takang taka si Kean pero nginitian ko na lang siya. Alam ko namang deep inside, sa barkada, masaya sila at magkasama kami. Mga COUREANS yan eh. =)

Kumain lang kami doon, maya maya..

May dumating na maganda kotse. Lahat napatayo at tiningnan kung sino, si Kean naman dumeretso sa gate. Lahat nakaabang. AT LAHAT NAPANGANGA noong lumabas si Ate Breana.

"KEAN!"

"ATE!"

Tapos naghug sila!

"Congratulations! Si Papa?"

Tapos lumapit si Papa at Lola. 

"Papa! I've missed you!"

"ANAAAAAAAAAAAAK!"

Nga pala, sila nga pala yung magkaugali. Parehas silang makulit at cheesy!

"Naku, nagsama na naman ang mag-ama. Hindi na mapapaglayo yan." sabi ni Lola. Tapos bigla siyang hinug ni Ate Breana.

"Lola naman nagselos pa! Oh hug na rin."

Tapos nagsmile si Lola. Ang sweet ng family nila :"> 

"Kean, si Chanel?"

Ako? Ako daw? Hinila ako ni Kean papalapit kay Ate tapos hinug ako ni Ate.

"Kamusta ka na? Namiss din kita! Teka, hello po, Mama po kayo ni Chanel?" sabi niya kay Mama na hinug din niya. Hilig niya sa hug?

"Naku, eh malapit ko na din pala kayong tawaging Mama?"

"Bakit mo naman tatawagin si Mama na Mama?! =____=+" sabi ni Kean.

"Wag kang inggitero Kean. Okay lang naman yun kay Tita diba?"

"Oo naman. Wala yun sa akin. Oy Ken, hindi mo naman nasabi sa akin na ang ganda pala ng anak mo." sabi ni Mama.

"Eh saan pa ba mamana yan?" sabi naman ni Papa.

"Yumabang ka na naman Papa! Oh ate, barkada nga pala namin.." tapos isa isa niyang pinakilala at hinug ang isa't isa. Lahat sila starstrucked sa ganda ni Ate! >0< Bakit ganito ang lahi nina Kean?! Bakit?!

"Mars, may tumalo sa beauty mo." bulong sa akin ni Kumareng Bianca.

"Nakakatibs noh?"

"True."

Sabi namin. Na mukhang narinig ni Kean.

"Subukan mong matibo! Isa pa.. Bakit ka pa matitibo? Eh mahal ka nga ng lalaking version ni Ate eh." sabi ni Kean na medyo naasar.

Di niya talaga minsan alam kung ano yung joke sa totoo.

"Oo na po. Hindi na po."

"=________=+"

"Badtrip ka na naman!"

"Di ah."

"WEH?"

"WEH KA RIN!"

"KEAN!"

"PATRICK!"

"Tsk!"

"PSH!"

"KEAN!!!!!" 

Lahat napatingin sa amin. Si Kean naman umiling na lang. Tapos nagpatuloy na ulit sila sa ginagawa nila.

"Oy."

"Hmm?"

"May gift ako sayo."

"Ano?"

"Vacation Trip!"

"Saan?"

"Batangas."

Wooooow =) MagBabatangas ulit kami? 

"Bakit?"

"Wala lang. Date lang."

"Eeeeh. Gusto mo lang ako masolo."

"EXACTLY!"

Tapos naggrin siya. NAKO! Ano na naman kayang binabalak nito!? Batangas? Kaming dalawa? :) EXCITED NA AKO!

Continue Reading

You'll Also Like

30.8K 289 6
The reason why I'm writing.
621K 40.7K 162
Hi, bebi! An epistolary.
1.1M 56.5K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.
483K 9.9K 10
VALENTINES SPECIAL! Part po ito ng THREE WORDS EIGHT LETTERS SAY IT AND IM YOURS. Pero its the story of MANAGER and CK, GAB and DARA and two parts ab...