Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.9K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
50.
epilogue
note

49.

823 34 9
By hannahdulse_

Healing the past.

Agnes

Napadilat ako. Hingal na hingal akong napaupo mula sa kama at agad na napahawak sa may tyan ko.

I--It's nothing. No blood. No wound. No scar. 

Agad akong napatayo at tiningnan ang sarili ko sa repleksyon. Yung buhok ko'y parang dinaanan ng bagyo. Ang itim ng ilalim ng mata ko but I didn't care. Mabilis kong sinuot ang tsinelas ko at dali-daling lumabas ng kwarto.

Sakto pagkalabas ko'y nakita ko si mama na nagmamadaling umakyat dala ang tray ng bimpo at maliit na planggana ng tubig.

"A--Agnes!" ngiting-ngiti siyang lumapit sakin at binaba ang tray. Pagkatapos ay niyakap niya ako.

"Akala ko kung ano ang nangyari sayo. Ayos lang ba pakiramdam mo, anak? May masakit ba sayo? Gusto mo dalhin kita sa ospital?" nagaalala siya.

Umiling ako at sinabing ayos lang ako. Napatingin ako sa orasan at nagulat nang makitang alas-dyes na ng umaga.

Bakit gumagalaw ang oras? Akala ko ba kapag nasa loob kami ng illusion ay hindi gumagalaw ang oras?

"Anak, anong nangyari sayo? May sinasabi sakin si Agatha pero hindi ko siya maintindihan. Sabi niya'y pumasok ka sa illusion at--"

"Oo, ma. At ginawa 'yon ng nana ko dahil sa dalawang dahilan. She wanted me to remember who I am and to get revenge."

Muli kong naramdaman ang pagkurot ng dibdib ko. I couldn't breath. Iiyak na naman ako nito sa harap ng mama ko.

"She's bad in your own eyes pero para sakin, hindi. She's seeking revenge kaya niya 'yon ginagawa. Ayaw niyang mahuli siya kaya gumagawa siya ng paraan.."

Napahagulgol na lamang ako habang inaalala ang bawat katagang binitawan ni nana at ni Angel. They're the only family I have. But they left me behind.

Akmang hahawakan ako ni mama pero agad akong lumayo. 

"A--Anak, baliw ang nanay mo. She's killing innocent children!"

"Because that is her way to find the people behind her parent's death!" bulyaw ko pabalik sa kaniya na siyang ikinagulat niya.

Agad akong napalunok. Gulat na gulat din dahil sa pagsigaw sa kaniya. Napayuko na lamang ako habang tahimik na umiiyak. 

Nakayuko man, nakita kong umatras si mama at pinulot ang tray.

"Nawalan ng malay si Agatha. Dadalhin ko lang 'to sa kwarto niya."

A--Agatha! Si Agatha at Miko!

Nang marinig ko ang sinabi ni mama ay nagtatakbo ako patungo sa kwarto niya. Nakita ko siyang nakahilata na sa kama at payapang natutulog.

Tiningnan ko si mama. 

"Ma, I'm sorry for what I did earlier. Mahal na mahal kita," lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo. Pagkatapos ay nagtatakbo palabas ng bahay.

Kinuha ko ang bisekleta at nagmamadaling pumedal para lang makaabot sa bahay. Sa bahay namin ng pamilya Flores.

Liliko na sana ako nang bigla kong nakita si Jenny na nakapantulog pa. Tapos si Francis, Chris, Joseph. 

Agad akong nag-brake at naguguluhang tiningnan sila isa-isa. Hindi lang sila ang nandito sa waiting shed kundi pati din sina Selena, Hazel at Caleb.

What in the world.

"Agnes! Ayun si Agnes!" turo pa sakin ni Jenny kaya nanlaki ang mga mata ko.

N--Naaalala nila ako?

"God, Agnes! Pinakaba mo kami! We all died again inside that illusion," mangiyak-ngiyak na lumapit sakin si Hazel at niyakap ako.

Muli akong natigilan. I thought they would forget about me again? About the illusion? Pero heto, kaniya kaniya sila ng kwento tungkol sa nangyari kanina sa illusion.

"Akala ko totoo na 'yon. Pero shet lang di ko naramdaman ang sakit," kwento pa ni Francis na nakasando at shorts lang at tsinelas.

Para silang nagmamadaling lumabas mula sa kani-kanilang bahay dahil hindi pa sila nakaligo, may mga muta at laway pa sila sa kanilang mukha.

Napatingin ako kay Caleb na malalim ang iniisip. Itinabi ko muna ang bisekleta sa gilid at hinila si Caleb palayo sa mga kaibigan namin.

"Agnes, sina Miko. They're still trap inside the illusion!" 

Tumango tango ako, "That's why we need to go to my home. Pero ang problema'y hindi ko na maalala pa ang address namin."

"What?"

"The Flores resident. Caleb, hindi ko na maalala ang bahay namin noon."

Mukhang nakuha naman niya ang sinasabi ko at agad na lumapit sa mga kaibigan namin. Sinabi niya ang tungkol sa Flores resident. Kaniya-kaniya sila sa pagkuha ng gadget at may kung ano-ano silang ginagawa.

Naguguluhan pa ako noong una. Akala ko kung ano ang ginagawa nila pero nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone na nasa bulsa ko pala, may natanggap ako na notification sa social media.

@superjennyH: Guys, do you know the address of Flores resident?

@selenav: We need help. Tell me where do Flores resident located. ASAP.

May iba pa na nagmessage at nagtanong-tanong mula sa mga kilala nila. Umupo na lamang ako sa upuan sa waiting shed habang hinihintay sila na makakuha ng sagot. Muling nagvibrate ang telepono na hawak ko kaya tiningnan ko ang screen.

It was a message from an unknown number. Ewan ko ba pero parang gustong gusto kong basahin ang message niya kaya agad kong binasa 'yon.

Napasinghap ako nang makitang isang address iyon. Isang pamilyar na address. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na busy pa rin sa kani-kanilang ginagawa.

They've suffered a lot. Ayokong madamay ulit sila dito. Kaya mabuti pang mag-isa akong pumunta doon.

Dahan-dahan akong tumayo at pigil hininga na naglakad palayo. Hanggang sa napapatakbo na lamang ako't pumara ng taxi. 

Tiningnan ko ulit ang telepono ko nang mag-vibrate ulit ito.

Si Tito Chase mo ito.

* * *

Home. A place your feet may leave but your heart will always be. A home where a family stays, making some memories. Unforgettable memories. 

A home that where your story begins.

Dito nagsimula ang lahat. At dito matatapos ang lahat.

Habang nakatingala ako sa bahay namin noon, naramdaman ko ang mainit na luhang tumakas mula sa mga mata ko. I've cried a lot, really. Pero bakit ba? Hindi ko magawang pigilan ang luha ko kung gustong-gusto itong lumabas.

Sumisinghot akong humakbang palapit sa gate na gawa sa metal. Kinakalawang na ito at nasira na ang kaniyang gilid nito kaya nakatagilid ang gate. Kung noon ay kada-uwi ko galing sa eskwelahan ay napakasigla pa ng bahay na 'to, ngayon ay hindi na.

It is a home without the family. Nakakalungkot isipin pero 'yon ang totoo. Na wala na ang may-ari at ang tumira dito noon.

Abot langit ang kaba ko habang papalapit ako sa bahay namin. May dalawa itong palapag. Malaki ito pero kung titingnan mo ito ngayon, mistula na itong isang haunted house ang itsura. Idagdag mo pa ang nakakatakot na itsura ng hardin na noon ay may napakaraming bulaklak.

Wala na ang sigla ng bahay. Wala na. Buhay nga ako. Nandito na nga ako. Pero alam kong sa pagpasok ay ibang-iba na 'to kumpara noong anim na taong gulang pa lang ako. 

Wala na akong makakalaro sa bakuran. Wala na si Angel. Wala nang gigising sa amin sa tuwing umaga. Wala na si dada. Wala na ang masarap na ulam sa tuwing hapag-kainan. Wala na si nana. I'm all alone now..

"Ate Aggy, you're not alone. You have tito Chase, ate Andrea at kuya Rhen. You have your family.."

Sa isang iglap, bigla kong nakita si Angel na nakangiti at nakatayo malapit sa pintuan ng bahay. Parang biglang nagbago ang paligid at nagbalik ang sigla ng aming tahanan. Naroon ang mga bulaklak at ang mga paruparong dumadapo dito, ang malaking gate namin na napakalinis at nagniningning sa kinis.

Ang aming bahay na buong-buo pa at ang pamilya na buong-buo pa.

Nakita ko rin si dada na katabi ni Angel. Pumagitna siya ni nana at dada na nakangiti sa akin.

"Kahit na iiwan ka namin, tandaan mo, Aggy. You will always be in our heart and in our mind. Remember that my Aggy, ha?" 

Tumango-tango ako kay nana habang patuloy na umaagos ang luha ko. Tuluyan na akong naging si Agatha na mahina, na matatakutin. And I hate it.

But without the weak Agatha, may pamilya ba akong ganito? Ang mapagmahal na mga magulang at kapatid? No. So I'd rather thank the weak Agatha. Dahil sa kaniya, may pamilya akong masayahin. Mapagmahal.

"My Aggy, you will always be our Aggy. Tandaan mo palagi na ang tahanang ito ay bukas palagi para sayo. Para sa pamilya natin."

Napangiti ako kay dada. Niyakap nila si Angel at kapwa sila nakangiti sa akin. Lalapitan ko sana sila para makipagyakapan din. Pero bigla silang naglaho nang marinig ko ang gate na bumukas at sumarado.

Humarap ako dito.

"Andrea, kuya Rhen?" gulat na gulat ako. Lalo na suot nilang napakarumi.

"Argh. We woke up in a landfill and it's so disgusting, cuz."

Tuluyan ako nanghina nang makita sila. They're alive. They're here.

Wala akong pake kahit na napakabaho nila't napakarumi at agad silang niyakap dalawa. Tumatawa pa sila habang pilit akong nilalayo pero mas lalo ko lamang silang niyakap nang mahigpit.

"I--I thought I'd be all alone now. Hindi ko aakalain na babalik kayo. Andrea, kuya Rhen.."

Iyak ako nang iyak. Hindi ko inaasahan na babalik pa pala sila dito matapos ang nangyari kanina sa illusion. Sabi kasi ni Sir Chase hindi na raw sila babalik. Pero heto sila, nakatayo sa harapan ko habang yakap-yakap ko silang dalawa.

"Teka, insan. Ba't ka naman rin nandito?" tanong bigla ni kuya Rhen.

Humiwalay ako sa kanila habang pinupunasan ang luhang patuloy na umaagos mula sa mga mata ko.

"I'm here to take the jar. At kailangan din akong gumawa ng paraan para makabalik sina Miko at Agatha--number two."

Nagkatinginan lamang sila at dali-daling pumasok sa loob ng bahay. Sumunod na lamang ako sa kanila. Ilang pinto ang binuksan namin para tingnan. Sabay-sabay kaming umakyat sa second floor at una naming binuksan ang mga guest room.

"Maybe it's here," bulong ko habang tinitigan ang pinto ng kwarto ni nana at dada.

Humakbang ako papalapit. Nakita ko ang mga drawing namin ni Angel noon sa pinto nila. Ginawa namin 'yon ni Angel kapag kaming dalawa lang ang naiiwan sa bahay. Pero imbes na pagalitan kami at ipalinis 'yon, hindi nila ginawa ni nana at dada.

Instead, gusto nilang punuin namin 'yon ng aming mga drawing.

Hindi na ako nagdrama pa. Nararamdaman ko na naman ulit ang paghihirap ko sa paghinga kaya agad ko nalang hinawakan ang doorknob at pinihit ito.

Unang bumungad sa akin ang madilim na kwarto. Kinapa-kapa ko ang switch pero agad akong natigilan nang makitang may nagliliwanag na malaking bilog sa gitna ng kwarto.

"P--Papa?" biglang sabi ni Kuya Rhen.

Napatingin ako sa lalakeng nasa harap ng malaking bilog na nagiilaw. Nakangiti siya samin pero nakita kong napaluha siya nang makita ang mga anak niya. 

"Mga anak, Agatha, dali panoorin niyo 'to."

Lumapit kami sa kaniya. Hindi na ako nag-abala pang paandarin ang ilaw at umupo sa tabi ni tito Chase. 

Nang mapatingin ako sa bilog, nanlaki ang mga mata ko nang makita si Miko at Agatha number two. Naglalakad sila sa gitna ng gubat na punong-puno ng mga magagandang bulaklak at magagandang puno.

Nagkukwentuhan sila't nagtatawanan. Bakas ang saya sa kanilang mukha habang naglalakad sila. 

"Gusto ko lang na maging masaya panandalian si Michael. Gusto kong makabawi ako sa mga kasalanan ko sa kaniya."

Natigilan ako sa sinasabi ni Tito Chase. Ngumingiti siya habang tinitingnan ang larawan sa harapan namin.

"T--Tito, what do you mean?"

Humarap siya sakin. Ngumiti ulit siya pero this time ay malungkot ang kaniyang mga mata.

"Gusto kong makabawi mula sa iyo at ng kapatid mo. I want to heal the past as long as I am still alive."

Tiningnan ko ang mga pinsan kong nakatingin lamang sa aming dalawa ni Tito Chase. Muli kong hinarap si Tito at naguguluhang tinitingnan siya.

"Tito, I've done so many lies. So many secrets. Pakiusap, sabihin mo kung ano ang sasabihin mo sakin."

Muli siyang ngumiti at humarap sa malaking bilog. Nandoon pa rin sina Miko at Agatha. Nagkukulitan at nagaasaran. Para bang nakalimutan nila ang nangyari samin.

"Michael Kolby Suarez. Anak ni Eliza Suarez."

Kumunot ang noo ko. What the heck. Paano niya nakilala si Miko?

"Eliza Suarez, unang naging mahal sa buhay ng ama mong si Jasper Flores. Eliza gave birth to Michael. Ang hindi alam ni Jasper ay buntis rin ang nakasama niya ng isang gabi na si Anna Quirino, kapatid ko ang ina mo. You both born on the same year."

"Isang taong isinekreto ni Jasper kay Eliza at Anna 'yon. Hanggang sa isang taon ang lumipas, nabuntis ulit si Eliza. She gave birth to Angel pero nalaman 'yon ni Anna. I tried to stop her but it was too late. She used her Quirino blood to kill the innocent woman."

"Hindi alam 'yon ni Jasper. Ang alam niya lang ay namatay si Eliza noong pinanganak si Angel. Nalaman kong may isa pa siyang anak na lalake, si Michael. Hinanap ko ang batang 'yon pero nabigo ako. Napagalaman kong nasa state siya kasama ang tita niya na tumatayong ina niya sa paglipas ng taon."

"'Yon din ang araw na nadakip si Anna. Makalipas ang ilang buwan ay 'yon din ang araw na nagsagawa kami ng plano para makatakas si Anna. For the sake of the two child, you and Angel. Jasper promised me that he will love Anna no matter what. Kaya namin 'yon nagawa."

Napatakip ako ng bibig ko sa mga nalaman ko. Ilang revelations pa ba ang magaganap? God. Pagod na pagod na nga ako at dinadagdagan pa 'to.

"Tito Chase," napalunok ako. Ayoko mang tanungin 'to pero alam kong iyon ang totoo. "Isa lang ang anak ni Anna Quirino?"

Tumango-tango siya at kasabay no'n ang pagtulo ng luha niya.

"Michael Kolby and Angel Monique are your half siblings. Kapatid mo sila sa dada mo. Anak ka naman ng kapatid ko."

Mas lalo akong napaiyak. 

Ano nga ulit yung signature word ni Francis? Pakshet.

Pakshet na buhay. Pakshet dahil sa dami ng mga sekretong matagal nang itinago mula sakin. Now, I'm done. I don't want to hear any lies. Any secrets. Bwisit.

"Naalala mo pa ba yung araw na galit na galit ako kay Jasper?" hindi ko siya sinagot. Patuloy akong tahimik na umiiyak. "Galit na galit ako noon kay Jasper dahil nililihim pa rin niya ang tungkol sa panganay niyang anak. Yung araw na 'yon nalaman ni Anna. Dahil hindi lang pala si Angel ang anak sa labas kundi meron pang isa."

"Yung araw na nawawala si Angel, nagaalala na ako noon. Alam kong may mangyayaring masama noon. Kilala ko si Anna. Kapag galit na galit 'yan, may gagawin 'yang masama."

Gusto kong patigilin si Tito pero 'di ako makapagsalita habang kinukwento niya ang pagkamatay ni Angel.

"Yung gabing 'yon, huli na ako. Akala ko maliligtas ko pa sila pero nakita ko silang dalawa ni Angel at Jasper na duguan. At ikaw ay nagtatago sa ilalim ng kama mo, tulala at lumuluha."

Yun yung araw na na-trauma ako. Yung mga police ay pilit akong tinatanong kung ano ang nangyayari dahil ako lang ang nakakaalam. Pero dahil natrauma ako, no'ng narinig ko ang salitang nanay, takot na takot ako noon at sumisigaw. Nagwawala.

"Sir, hahanapin po namin ang nanay niya--"

"N--Nanay? Nana? Hindi. Hindi!"

Huminga ako nang malalim at muling binalik ang paningin sa malaking bilog.

Ito ba? Ito ba ang ginagamit ni nana noong ipinasok niya kami sa illusion?

"Tito, stop this. Gisingin na natin si Miko at Agatha."

Ngumiti si Tito Chase, "As you wish, Agatha."

Pumikit si Tito Chase at may kung ano siyang kinumpas. Pagkatapos ay inutusan niya kaming hawakan ang kamay niya kaya kaming tatlo ni Kuya Rhen at Andrea ay naghawak-kamay. Lumalakas ang hangin sa paligid namin kaya napapikit ako.

Sa isang iglap, bigla kaming nakarinig ng malakas na pagsabog. Napadilat ako.

Humarap sakin si Tito Chase at binitawan ang kamay ko. Naiwan akong natulala nang makita ang malaking butas sa malaking bilog.

"Dito nagsisimula ang lahat at dito matatapos ang lahat. Dahil sa pagpatay niya ng mga inosenteng tao, nakagawa siya ng ganito. Isang malaking bolang kristal. Pero dahil dito, maraming buhay ang nawala at maraming buhay ang nadamay."

Tumayo si Tito Chase bitbit ang malaking bolang kristal.

"Itatapon ko na 'to. Magbabagong buhay na tayo. Magkakasama na tayong lahat," pagkatapos ay ngumiti siya at lumabas ng kwarto.

MYSTIQUE PUPPETEER
graciangwttpd

Continue Reading

You'll Also Like

82.9K 3K 54
✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. But here's the twist of their journey; th...
3.6M 161K 102
#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Everything was natural until an unknown virus emerges in their...
28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
24.6M 990K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...