The Unreachable Wife

By Sweetmagnolia

7.1M 203K 21.1K

Anya Tejero was forced to return to a place she chose to forget for years, a remote town where her grandparen... More

Prologue
1- Certificate of No Marriage
2- Remembering The Boy
3- Do You Know Me?
4- This Is My Territory
5- It's Legal
6 - The Things You Owe
7- Pride and Paris
8-The Man Who Can't Be Moved
9- It Takes A Man And A Woman
10- Your Heavy Breakfast
11- My Faddy House Lady
12- My Husband's Game
13- Road To Our Memory
14- Thinking Of You
15- Sundate Special
16- Not In His Eyes
17- Troubled Hearts
18- A Day For You
19- The Closer We Get
20- Behind His Door
21- Listen To His Heart
22- Nothing In Return
23-Temptress In Distress
24-The Endless Heaven
25- Bundle of Hesitations
26- Fixing The Second Chance
27- Embracing Adversities
27- The Homely Faces
28-Love Breaks Distance
29- Heading Back to Spotlight
30- Someone to Shake Him
31- All You Need Is Not Fame
32- She Is My Home
33-Girl Talk and Football
34-Fame Hinders Things
35- Getting Into Her Reality
36- I'm Not His Everything
37- Love Extensions
38- Because of Harvey
39- The Drunkard
40- Surprise Decision
41- Maybe A New Day
42-A Man's Word
43-The Two Sides of Love
43-We Live By Love
44- The Place Where My Heart Belongs
EPILOGUE

45- Life Is A Never Ending Dream (Final)

136K 4.1K 267
By Sweetmagnolia


Isa-isa kong inaayos sa pagkakalagay sa album ang mga wedding pictures namin ni Lander. Di ko pa rin ako lubusang maka get over na natapos na nga ang pinakamemorableng pangyayari sa aking buhay. Ang bilis nga talaga ng panahon. Parang kelan lang ay halos di ako magkandaugaga sa kakaplano. Ako lahat ang namahala maliban sa pagsagot sa gastos dahil sa  asawa ko na yun. Basta ang kondisyon niya lang sa akin ay gusto niya ng tahimik at pribadong kasal.

My wedding wasn't grand but wasn't a simple one either. It was a small wedding but still big people attended. Ginanap ito sa chapel namin sa Villa Rafael and the reception was in one of the best spot in our farm. Sa mahanging burol na nagsilbing dating sabsaban ng mga kabayo. The view from the hill was exceptional, overlooking the entire rice fields of the hacienda. My dream wedding came true without spending huge amount of money. Sa pagkakataong iyon napakinabangan ko rin ang naging dedikasyon ko sa trabaho at pakikisama ko nang mabuti sa aking mga nakatrabaho. Kahit pala tinakasan ko na ang aking mundo, my old world would still be with me in my most precious moments.

My co-designer friend who's very famous in creating splendid wedding gowns sponsored my dress. A famous florist volunteered to style our chapel and reception venue. Siyempre hindi rin nagpahuli ang mga kaibigan kong photographers. Everything was created by experts kaya naman kahit hindi ganun kalaki ang budget naging magical pa rin ng kasal namin. Sa kabila ng mga may malalaking pangalang tao na tumulong sa pagpaplano, the privacy remained intact and respected. It wasn't announced publicly not until an Instagram photo was posted a day after our wedding. And that photo received more than three hundred thousand likes in just a day.

Napapangiti ako habang tinitingnan isa-isa ang mga larawan ng mga guests. Naantig pa rin ako sa tuwing naiisip na lahat ng mga mahahalagang tao sa aking buhay ay nakapunta sa aming kasal. Famous celebrities and close friends from show business had really made an effort to travel despite of their very busy schedules. Nakakataba ng puso na sa kabila ng pagsuko ko sa aking career, walang nagbago sa pagrespeto at pagkilala nila sa akin.

Kumpleto rin ang aking pamilya. Ang pamilya ko na hanggang sa araw ng aming kasal ay hindi pa rin lubusang nalilinawan sa naging masalimuot na desisyon ko sa buhay. Wala namang tumutol sa kanila kay Lander. Especially Dad, he was really happy that I ended up with someone he knew for years. What they couldn't believe was me a workaholic daughter and sister, na yung dati ay sarili lang ang pinakikinggan pagdating sa trabaho, ay basta na lang pinagpalit ang lahat nang dahil sa pag-ibig. Sabi nila minsan kailangan pa nilang katukin ang kanilang mga ulo para maniwalang napasunod nga ako ni Lander. Naging madali rin ang pagpapatawad nila tungkol sa paglihim ko sa maagang pagpapakasal ko kay Lander. If the marriage was consummated as early as our wedding day baka naghurumentado ang tatay ko but since fate was on their side, hindi na naging masyadong mabigat sa kanila ang pagtanggap sa naging pagkakamali namin.

My phone rang. Pansamantala kong tinigil ang pagdidikit sa mga litrato. "Mom?" sagot ko.

"What with the cold voice?" istriktang boses niya.

"Hi Mom!" may lambing na ulit ko.

"O kumusta yung honeymoon niyo? Nag-enjoy ba kayo sa Italy?"

"Mom tatlong linggo na kaming nakakarating tapos ngayon niyo lang naisipang mangumusta," kunway tampo ko.

"Pasensiya ka na. Busy ako sa malaking event namin sa church. Pero ano kumusta nga? Magaganda ba naging itineraries niyo? Hindi naman kayo nagkaproblema sa mga tours niyo?"

"We enjoyed our tour Mom. We had ten days vacation pero parang kulang na kulang pa rin. Everytime I saw a beautiful scenery parang mas lalo akong naiinlove sa asawa ko," I giggled.

Ngumiti ako habang naalala ang pamamasyal naming mag-asawa. The place we enjoyed the most was Tuscany. The scenic views were so romantic and the place turned us into couple who loved hugging and kissing. Our honeymoon was one of the most memorable moments of our relationship. Ito kasi yung unang pakakataong nakalabas kami nang malayang nagagawa ang mga bagay na gusto naming gawin nang walang pakialam ang mga taong nakapaligid sa amin. We could act as romantic and crazy as we could be without people secretly taking pictures of us. Pakiramdam namin solong-solo namin ang isa't isa. Walang ibang nakatingin sa mister ko at wala ring ibang nakatingin sa misis niya. 

Lander wouldn't say anything about us being a popular couple but I know deep down his heart hindi pa rin siya komportable na pinagtitinginan siya ng mga tao. Kaya nga lumalabas lang talaga kami ng Villa Rafael kapag kailangan.

"Mabuti naman. Aba dapat lang na mag-enjoy kayo yan ata ang regalo namin sainyo ng Daddy niyo."

"Thank you Mom!"

"O siya tawag na lang ulit ako at magsisimula na ang prayer meeting namin. Alagaan mong mabuti ang asawa mo ha?"

"Yes Mom," tatawa-tawang sagot ko.

"Next month susubukan naming makadalaw ng Daddy mo. He mentioned he wants to go fishing with your husband."

"Babanggitin ko po kay Lander. Bye mom!"

"Bye."

Itinuloy ko ang pag-aayos ng album. I gladly took selfie with the wedding pictures while sitting on the floor. Once in a while, I gave my fans an update about me and surprisingly they still go crazy about my posts. Hindi ko nga lang basta-basta naisasama sa mga litrato si Lander. Social media is a big no-no for Mr. Privacy.

"Tita Anyaaaa!!!"

Gumuhit ang malaking ngiti sa aking mukha nang nagbukas ang pintuan at pumasok si Harvey. "Uy Harvey! Wala ka bang pasok?"

"Half day lang po kasi may meeting ang mga teachers!" he answered very energetically.

Sumunod na pumasok ay ang kanyang nanay. "Anya pwede ko bang iwanan muna sayo si Harvey?"

"Okay. No problem. San ang lakad mo?"

Ngumiti siya nang alanganin. "N-Nag-ayang mamasyal si Melvin. Hindi ako makatanggi ngayon. Matagal na rin kasi siyang nag-aaya pero itong lakad lang na ito ako napapayag kasi ang plano talaga ay kasama si Harvey. Kaya lang ewan ko ba sa batang yan at biglang nagbago ang isip. Gustong pumunta dito at dito na lang daw siya maglalaro. Namimiss niya na daw kayo ni Lander."

"Sige ako na ang bahala sa kanya." Lumapit ako sa aking kausap at pilyang siniko ko ito sa tagiliran. "Oist ingatan ang mga dapat ingatan. Huwag munang bibigay hangga't hindi siguradong-sigurado sa nararamdaman nung tao sayo," pabirong paalala ko.

"Alam ko naman yun. Sa tanda na nating ito, magpapabola pa ba tayo?" tawa niya. "Sige alis na ako. Mag-aayos lang muna ako ng sarili. Nakakahiya baka mapagkamalan akong katulong niya."

"Ingat and enjoy!" ngiti ko.

"Harvey huwag makulit ha," paalala niya sa anak.

"Opo!" masayang sagot ng bata.

Ngingiti-ngiting sinundan ko siya ng tingin. Maureen and Harvey were no longer living with us. Bago pa man kami ikasal ay nagpaalam na si Maureen na titira na ng permanente sa kanyang ina. Her mother is sick and she has to take care of her. Kaya kahit malungkot sa part namin, wala kaming nagawa kundi igalang ang desisyon niya.

Naalala ko ang aking ginagawa. Nanlaki ang mga mata ko nang paglingon ko sa album ay nakasalampak na sa sahig si Harvey at tinatanggal ang mga pictures na naidikit ko na.

"Harvey huwag mong tanggalin! Inayos na ni Tita yan!" panic ko.

"Pahiram lang muna Tita. Gusto ko lang ipakita sa mga klasmeyts ko. Ayaw na naman nilang maniwala na nakapagpapictures ako sa maraming artista," nguso niya.

Ngumiti ako nang malambing habang binabawi ang mga litrato sa kanyang kamay. "Ganito na lang... next weekend magluluto ako ng maraming spaghetti. Invite mo ulit yung mga classmates mo dito saka natin ipakita tong mga pictures mo. I'm sure they will be happier. Nakakita na sila ng pictures ng artista, mabubusog pa sila."

Namilog ang mga mata nang bata at pagkuway ngumiti nang malapad. "Oo nga no! Yayayain ko na lang silang maglaro dito sa Friday kasi wala ulit kaming pasok sa hapon. Ibalik na natin to Tita Anya." Pinigilan ko siya nang akmang tutuklapin niya na naman ang covered plastic ng album.

"Ako na! Si Tita na ang gagawa niyan ha?"

"Panonoorin ko na lang po kayo, pwede po ba?" saad niya nang may inosenteng ngiti.

"Sure okay lang."

Dumapa siya sa sahig at nakapangalumbabang pinanood ako sa aking ginagawa. Nung una ay nag-eenjoy sa pagtingin-tingin sa mga larawan pero ilang minuto pa ay halatang nababagot na.

"Are you hungry?" tanong ko.

He shook his head. "Matagal pa po ba si Tito Lander?"

"Malapit na ring umuwi yun. Hintayin na lang natin siya ha at tiyak na mas gaganahan yung mananghalian kasi andito ka."

"Ang tagal niya naman. Gusto ko na po siyang makita. Sabi niya kasi sa akin may binili daw siyang toy."

Bigla kong naalala ang laruang eroplanong binili ni Lander sa Venice. "Ay oo meron siyang pasalubong sayo. Just wait for him and he will personally give you that toy."

"Tita pwede po kong maglaro sa taas?"

"Okay." Pagkasagot ko ay mabilis na tumakbo siya sa hagdanan. "Be careful baka mahulog ka!"

Natapos na rin ako sa pagdidikit ng mga pictures. I put the album under the center table. Like Harvey, di na rin ako makapaghintay sa pag-uwi ng aking asawa because I had something very important to tell him. I couldn't wait to see his reaction.

"Ma'am maghahain na po ba ako?" biglang sulpot ni Aling Belen mula sa kanyang silid. Siya na lang ang natitirang kasambahay namin. I didn't really need one but Lander insisted na kailangan ko pa rin ng may nakakatulong sa mga gawaing bahay.

"Sige maghain na po kayo at tiyak na darating na si Lander."

My husband arrived at exactly twelve noon. Sinalubong ko agad siya sa garahe pa lang. "Kumusta ang panganganak ni Elsa?" I was talking about his horse.

"She safely delivered a filly," nagagalak na salita niya.

"Really?! Wow nakakatuwa na nadagdagan na naman ang babaeng kabayo," I exclaimed.

Bakas sa mukha niya ang saya sa pagkakaroon ng bagong aalagaan. And I couldn't wait for his days to become even better kapag narinig niya na ang ibabalita ko sa kanya.

"Halika na love. Nakahanda na yung mesa. Alam kong gutom na gutom ka na," aya ko sa kanya. "Siya nga pala dumating na yung mga prints ng wedding photos natin. Ang gaganda! Kuhang kuha yung peg na gusto ko. Kasama na rin sa dumating yung malaking litratong nakaframe. I'm still thinking where to hang it."

Pagod na naupo muna siya sa sopa. He took off his shirt and I quickly gave him a new one. Lagi na akong may nakantabay na ekstrang t-shirt kasi alam kong madalas siyang pagpawisan sa trabaho.

"Ba't parang may tumatakbo sa taas?" puna niya.

"Ah Harvey is here," I suddenly remembered. "HARVEY TITO LANDER IS HERE!"

I didn't get a reply. Napapangiti ako sa isipan, siguro hinahanap niya ang laruan. He won't find it dahil nasa maleta pa yun.

"Love do you want to check the photos first?" I showed him the album.

Mabilisan niya lang itong tiningnan. Seryoso but his eyes weren't showing any sign of deep thoughts.

"What can you say?" ngiti ko.

"Maganda." A boring comment from a guy who doesn't appreciate art of photography.

"Yung frame san kaya natin mas magandang ilagay? Dito sa living room o sa kuwarto natin?" I asked.

"Saan mo ba mas gusto?" sabay pagod na sumandal sa sopa habang nakatingin lang sa akin.

"Parang mas bagay sa kuwarto natin," nakangiting sagot ko.

"Then let's hang it there. Gagawin ko mamaya tutal tapos na ako for the day sa mga gagawin ko sa hacienda."

Bigla akong natuwa sa aking narinig. "Talaga?"Napapalakpak pa ako sa saya.

"Ganyan ka ba talaga kaexcited maisabit yang wedding photo natin?" natatawang sabi niya.

I sat beside him and hugged him. I rubbed my nose on his neck. Gustung-gusto ko talaga ang amoy niya kahit galing siya sa pawis at arawan.

"It's not because of the frame. Siyempre masaya ako kasi kasama kita."

"Hindi ka pa rin ba nagsasawa sa pagmumukha ko," tawa niya.

Tumitig ako sa kanya at umiling na parang bata. "Hindi love. Lalo lately ang gwapo mo lalo sa paningin ko. Konting oras lang na mawala ka namimiss agad kita."

He chuckled. Halatang iniisip niya na lambing at pambobola lang ang sinasabi ko. But what I said was true. I wanted to smell him, see his face, and touch him.

"Kumain na tayo. Tawagin mo na yung bata sa taas at mukhang napapasarap ng laro," aniya sabay tayo at lapit sa kusina.

"HARVEEY! IT'S LUNCHTIME! MAMAYA NA ULIT ANG LARO!"

"OPO! BABABA NA!"

Magkatabi kaming naupo ni Lander sa hapag kainan. He was ready to eat pero biglang sabik na tumakbo papalapit si Harvey sa kanya mula sa hagdan.

"Tito Lander ano po to? Ito po ba yung laruang binili niyo sa akin?"

Nanlaki ang aking mga mata sa dala-dalang bagay ni Harvey. Muntik na akong tumili. Ang pregnancy test pack ko ba naman ang pinakita. Sinubukan kong agawin pero naunahan ako ni Lander.

"What's this?" Sa una ay nakakunot ang noo pero biglang nangislap ang mga mata nang makita ang dalawang pulang guhit.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganyan dito sa bahay siguro yan na yung laruan binili niyo," tuwang-tuwa pang sabi ng walang kamalay-malay na bata. "Kaya lang ba't po maliit? Paano ba nilalaro yan?"

Lumipat sa kabilang katabing upuan ko si Lander. Di maintindihan kung tatawa o ngingiti lang. "Love two lines does it mean-" He touched my belly.

I sighed and shrugged. "Yes it is what you think it is," walang magawang sagot ko. Ang ganda pa naman ng plano ko kung papaano ko sasabihin tapos sinira lang ng batang malikot. Ang sarap lang pagkakagatin sa pisngi!

"Love totoo ba talaga?" hirap pa ring sambit ni Lander.

"Tito may isa pa po oh," sabay pakita ni Harvey sa hawak niya sa kabilang kamay.

Namimilog ang mga matang kinuha ulit yun ng aking asawa. "It's two lines again. Then it's mean that you're-"

"I am pregnant," nakangiti ngunit kibit balikat na lamang na pahayag ko. "I'm ten days delayed kaya nag test na ako."

"YES!YES!YES!" 

Natawa ako nang biglang naglulundag sa tuwa ang aking kausap. Nang medyo mabawasan ang matinding kaligayahan, paulit-ulit na hinahalikan ako sa labi at hinaplos-haplos ang aking tiyan. "Tamang-tama pumunta agad tayo sa doktor mamaya. The health of the baby should be monitored of as early as today," walang paglagyan na kasabikan na wika niya.

"Ay parang hindi naman yan toy!" Harvey said with disappointment sabay naupo para kumain na lamang.

"Wash your hands first because you touched something you should not," sita ko sa bata.

"Tito Lander bat tuwang-tuwa ka?" Harvey asked while washing his hands at the sink.

"Dahil magkakababy na kami ni Tita Anya." Sinandukan nya ako ng pagkain. "Love kumain kang mabuti ha. Meron ka bang gustong kainin gaya ng maasim, matamis, maalat o maanghang? Just tell me kahit anong oras ihahanap kita."

"Love I think I'm not in that stage yet," natutuwang wika ko. I found his reaction too fulfilling. To bear his child and give him the family that he wanted was always been a huge part of my dream. Kung masaya siya ay mas doble ang saya ko. Hindi ko kayang sukatin ang kaligayan sa tuwing naiisip na dala-dala ko na sa aking tiyan ang bunga ng pagmamahalan namin. I couldn't wait for the future to come. I had that burning excitement for another chapter of our life.

"Tita Anya magiging kuya na po ako?" sabat ulit ng batang kasama namin.

"Yes may tatawag na sayong Kuya Harvey," sagot ko.

"Pero di ko po siya totoong kapatid di ba?"

Natatawang nagkatinginan kaming mag-asawa. "Well sa dugo maaring hindi mo siya tunay na kapatid pero ganun pa man pwede mo naman siyang ituring na parang kapatid di ba?"

Tumango ang bata sabay ngiti. Pero ilang saglit lang ay itinuro niya ang pregnancy test pack. "Tita Anya akin na lang po yan. Ibibigay ko kay Mommy para magkaroon ako ng kapatid sa dugo. Di ba yan po ang nakakagawa ng baby?"

Di namin napigilan ni Lander na tumawa nang malakas.

"Ano pong nakakatawa?"

"Wala kumain ka na lang diyan," sagot ko.

"Ikaw din love kumain ka na," sabay subo sa akin ni Lander.

"Love kumain ka na rin huwag mo akong asikasuhin. Ikaw tong pagod galing sa trabaho," wika ko habang nginunguya ang isinubo niya.

"Nawala na ang pagod ko. And I will work harder starting today. Maisip ko lang na magkakaanak na tayo lumalakas ulit ako," he said while caressing my stomach.

"Tito pwede ko po bang sabihin sa mga kalaro ko na magiging Kuya Harvey na ako?"

"Yes. You can tell everybody na magiging Daddy na ang Tito Lander mo!" he answered with so much happiness and pride in his eyes.

----

Tinitingnan ko si Anya habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Marahil ay normal lang ang reaksiyon ko ngunit sa aking kalooban ay lihim na tumatalon sa tuwa ang aking puso sa tuwing napapansin na unti-unti nang umuumbok ang kanyang tiyan. Parang pinagmamasdan ko na ang mag-ina ko. Everytime I see her belly, I couldn't help but start dreaming bigger for my family and for the future of the baby. Honestly, I was reconsidering pursuing my profession. Iba pala pag magkakaanak ka na, you'd prefer a profession that would help you grow as a person para mas higit kang may maipagmamalaki sa magiging anak mo.

"Love kumusta ang pag-ani niyo ng palay kanina?"Nakangiting tumabi sa akin sa kama si Anya. Umunan siya sa aking dibdib at yumakap sa aking katawan.

"Halos nangalahati din kami hopefully bukas matapos na."

"How I wish I could help. Namimiss ko tuloy yung paghahatid ko ng pagkain sa inyo," she uttered.

"Saka na alam mo namang ayokong napapagod ka baka makasama sa pagbubuntis mo."

"Pero love kaya ko naman eh," she pouted.

"Mabuti na rin yung nag-iingat marami pa namang pagkakataon na magagawa mo ulit yun."

She raised her head and looked me in the eyes. Twitching her mouth na halatang nagdadalawang-isip sa sasabihin. "Sana huwag kang maoffend but love are you planning to plant and raise animals for the rest of your life?" prangka ngunit malumanay na sabi niya.

Hinulaan niya man o hindi pero madalas na natatayming ang mga sinasabi niya sa kung ano ang iniisip ko. Hinaplos ko ang buhok niya nang nagpipigil ng ngiti. "Kinahihiya mo na ba kung ano ang trabaho ko ngayon?" kunway may tampong sabi ko.

Namimilog ang mga mata na umiling siya nang paulit-ulit. "No love! Sorry, sorry that's not what I meant! Sorry!" Tarantang naupo siya at humarap sa akin nang may napakaamong mukha. "Can I state an opinion?"

"Sure," I shrugged.

"Kung tatanungin mo ako, gusto ko sana na gamitin mo naman yung kursong natapos mo. You are not getting any younger baka mamaya too late na for you to start your architecture career. I know that your heart is in Villa Rafael but this place won't go anywhere. Nandidito lang ito anytime na gusto mong uwian at balikan. Marami ka namang mapagkakatiwalaang tao dito na tiyak na hindi pababayaan ang pagmamanage nitong lupain-"

"And?" abang ko sa susunod niya pang sasabihin.

She swallowed deeply and looked down. "K-Kasi love to be honest... in the future I want our child to go to a good school, visit many good places and grow up open minded about what really the world is," she bit her lower lip. "... at hindi yan matutupad kung mananatili lang tayo dito sa Villa Rafael." Nag-angat siya ng mukha at mabilis itong umaliwalas. "Pero siyempre kung ano ang gusto mo yun pa rin ang masusunod! Of course there are also many advantages kung mananatili lang tayo dito," mabilis niyang bawi nang may malapad na ngiti.

Natatawa ako sa aking isipan while watching her cute reaction. Nakakagigil ang kagandahan niya kapag umaarteng parang malambing na bata. I pulled her closer and wrapped my arm around his neck. "Saka na natin pag-usapan yan love. Let's see what tomorrow brings. As of now all I'm anticipating is to hold our baby in my arms." Gigil na hinalikan ko siya sa noo at sininghot-singhot ang mabango niyang buhok.

Mabilis na bumaling siya sa akin. "Love does it mean that you're reconsidering the idea?" may ningning ang kanyang mga mata.

Sumagot ako nang payak na tawa. I was pretending to act cool. Subalit ang mga salita niya ay may malaking impact sa akin. It helped me to know better what I really want for the future of my family.

"Anong ginawa mo maghapon ngayon?" tanong ko habang kinikiskis sa leeg niya ang bibig ko na mayroon nang mga bagong tubong bigote.

She giggled. "Ano ba nakikiliti ako love!" I let her laugh for a while, nang medyo namumula na ay saka ko tinigil ang pangingiliti.

"Ano nga? Naglaba ka na naman ba? Nakiagaw ka na naman ba kay Tiya Belen sa paglilinis ng bahay?"

She was smiling but the way she bit her fingernails was showing sign of little nervousness. "Love I only sat the whole day and do some work," tumingin siyan nang parang inaasahan niyang magagalit ako.

"Work?" kunot noo ko. Inangat ko ang aking sarili at sumandal sa headboard. "What work are you talking about?"

Ngumuso siya at nagsketch sa hangin. "You know, designing." Tumikhim siya at malambing na hinawakan ako sa hita. "Love alam mo kinukulit pa rin ako ng mga lumang kliyente ko. They are begging me to make designs for them... kaya pinagbigyan ko naman ang ilan," pabulong ang pagkakasabi niya sa dulo. "Makakatulong din sa atin yung kikitain ko kahit sa pagsketch lang ng designs," ingat na ingat na pahayag niya.

Tumawa ako. Akala ko kung ano nang napakabigat na trabaho. "Yun lang? Akala ko kung ano na."

Nagtaka ako nang biglang nanlaki ang mga mata niya na tila gulat na gulat sa sagot ko. "Hindi ka nagagalit?!" tugon niya.

My brows furrowed. "Bakit naman ako magagalit? Mas mabuti nga yan na may pinagkakalibangan ka."

"S-So y-you mean I can still work?" napapangangang sabi niya.

"Of course. Who am I to confine the amazing talent of my wife," natatawang sabi ko.

"B-But I thought b-bringing me home at Villa Rafael means giving up everything about my work?"

Natigilan ako. Dagling napatanga sa tinuran ng aking asawa. Did I ever tell her that? Kung nasabi ko man yun I think she misunderstood it. "Inuwi kita para maitama ang relasyon natin. Para maituwid ang sanga-sangang daan ng patutunguhan ng career mo. Para ma set mo ang priorities at marealize mo kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay. But as far as I remember I never told you to give up designing."

Her eyes had gotten even bigger. "K-Kung ganun love even when I'm here, pwede akong tumanggap ng trabaho?" Humawak siya sa kanyang dibdib na animong naghahanda sa magiging tugon ng puso niya kapag narinig ang aking sagot.

"Yes. Pero dahil buntis ka you can only do work that won't harm the baby. And after giving birth, you can still accept job as long as you won't neglect your duty as wife and mother... At hindi ka tatanggap ng trabaho na mapapalayo ka sa tahanan mo." I gave more emphasize to my last condition.

"Yes love!" she exclaimed then embraced me tightly. "I will surely follow your conditions. Thank you! Oh my God I'm so happy!"

Nagmadali siyang bumangon sa kama. At walang kagatol-gatol na iniwan ang aming pag-uusap.

"San ka pupunta?" taka ko

She quickly sat on my working table. Nagmamadaling binuhay ang laptop nang may malapad na ngiti. "I'm going to answer ton of emails from my clients. I can wait to tell them the good news!"

I watched him silently while she was typing with so much energy on her fingers. Her face was beaming with happiness.  A picture of the future suddenly flashed inside my head. The thought made me smile. My wife will be starting all over again in her career. But that time kasama na ako at ang anak o mga magiging anak namin sa mga pangarap niya. We'll be helping each other. Dreaming together. Not for a name or for the sake of fame... But for building a stronger future and foundation of a happier home.

"Love matulog na tayo," aya ko pagkalipas ng tatlumpung minuto.

"Teka lang love."

"Inaantok na ako."

"Sandali na lang to love."

"I said do not harm the baby... Bawal kang mapuyat," may katigasang sabi ko.

Agad-agad na tiniklop niya ang laptop. Nagmamadaling tumabi siya sa akin at nagkumot. Yumakap sa aking katawan. Siniksik ang mukha sa aking leeg at inamoy-amoy ito hanggang magsawa. "Tulog na tayo love. Goodnight," anas niya nang kusang dinalaw ng antok.

I hugged her and touched her belly. "Goodnight." I whispered in her ear.

Continue Reading

You'll Also Like

40.6M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
112K 3.1K 11
yandere!sukuna x reader jujutsu kaisen fanfiction - "supreme deities? gods? lords? kings? why would you worship these beings when you're bowing to me...
3.4M 142K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
2.8M 182K 87
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...