The Kiss That Will Lasts Fore...

Par LadyAkira

21.7K 556 123

[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007... Plus

Prologue:
Chapter 1: "Hindi ako buntis?"
Chapter 2: Morning sickness
Chapter 3: Nagluluto si Zhi Shu?
Chapter 4: Ang Intern
Chapter 5: Xiang Qin gumising ka!
Chapter 6: Little Xiang Qin at Little Zhi Shu
Chapter 7: Time of death...
Authors Note
Chapter 8: Nilalagnat si Zheng Chen
Chapter 9: Ikaw ang boyfriend ko!
Chapter 10: You're now my assistant
Chapter 11: She's mine now
Chapter 12: Our first night
Chapter 13: Sa mall
Chapter 14: Asawa mo ako
Chapter 15: Yung hairclip
Chapter 16: Nananaginip ka lang
Chapter 18: Buntis si Christine
Chapter 19: Gutom na ako
Chapter 20: I'm Zhang Jun Ya
Chapter 21: She's born with it
Chapter 22: Hindi kita papagurin
Author's Note:
Chapter 23: Walang pandinig si Yi Chen
Chapter 24: Tatlong magagandang nilalang
Chapter 25: Magkamukha o mag-ama
Chapter 26: Good Tree
Chapter 27: Ayaw ko
Chapter 28: High Royalty Residence
Chapter 29: Good night kiss
Chapter 30: One day miracle
Chapter 31: Ah Nou's Mission
Chapter 32: Unexpected Event Place
Chapter 33: Jun Ya's Side Story
Chapter 34: Room 29
Chapter 35: My Angel
Chapter 36:
Chapter 37: Reunion
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:

Chapter 17: Top 1 and Top 2

357 8 2
Par LadyAkira

Kiss 17:

(Hao Mei's POV)

Hindi biro ang lawak ng gymnasium. Totoong lahat nga ng freshmen ay nandun at hindi ko inaakalang sobrang dami namin. Bawat department ay may kanya-kanyang pwesto sa bleachers. Magkasama kami ni Ah Nou na dumiretso kung saan ang pwesto ng mga ka-department namin. At siyempre dahil isang sikat na Model itong si Ah Nou lahat ng mga mata nila nasa amin.

"Hindi ba si Nobu yun?"
"Oo. Kyaa! Ang gwapo pala talaga nya sa personal!"
"Pero who's that bitch?!"
"Girlfriend ba niya?"
"No way! Hindi ba si Starlet ang girlfriend niya."

"Who's that bitch?" What??? Rinig kong mga bulungan nila. Hala sige, magtsismisan pa kayo. Maganda yan sa ekonomiya. Tsk! Napatingin ako kay Ah Nou kung naririnig ba niya ang mga pinag-uusapan ng mga babaeng haliparot sa paligid namin at isang mahabang bunton-hininga lang ang nagawa ko. May nakapasak kasing earphone sa kanya at sigurado akong hindi niya rinig ang mga tsismisang nangyayari. As usual, isa siyang model kaya bakit ba niya pag-lalaanan pa ng pansin ang mga taong walang ibang ginawa kundi ang pag-usapan ang ibang tao.

1 message receive

Nagulat ako kasi biglang nagvibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon at nakita kong may message. Mula kay Yu Shu. Bakit kaya?

From Yu Shu ❤:
Baka matunaw si Ah Nou.

Huh? Baka matunaw? Bakit? Magrereply sana ako pero nagtext ulit siya.

From Yu Shu ❤:
Hindi pa ba sapat na magkatabi na nga kayo. Alam kong nagagwapuhan ka sa kanya kasi isa siyang model. Pero mas gwapo ako sa kanya.

Anong nagagwapuhan? Loko 'to ah. Nagseselos ba siya? At paano niya nalaman na  magkatabi kami. Nagpalinga-linga ako sa paligid ko. Hindi pa ulit ako tapos magtype ay may dumating na ulit na text.

From Yu Shu ❤:
Ipapaalala ko lang sa'yo. Akin ka lang.

Nanlaki mga mata ko sa nabasa ko. Akin ka lang. Kyaaa! Napayuko na lang ako at tinabunan ko ang mukha ko. Pakiramdam ko kasi ay pulang-pula na ako at pinagpapadyak ko ang mga paa ko. Napatingin lang sa akin si Ah Nou, isang tingin na, Baliw na ata ito. Sino ba naman ang hindi mababaliw? Hindi ako makapaniwala na kay Yu Shu mismo nanggaling ang mga salitang yun. Nagpeace sign na lang ako sa kanya.

From Yu Shu ❤:
Hala, kinilig siya.

Saan ka ba? Yun lang ang tangi kong naireply sa lahat ng text niya sa akin. At biglang lumabas picture niya sa screen ko, means tumatawag siya. Sinagot ko agad yun.

"Hello." Bungad ko sa kanya.

"Bakit mo ako hinahanap?" Tanong niya agad.

"Ehh kasi naman, hindi ko naman tinititigan si Ah Nou. At isa pa, ikaw ang boyfriend ko..." Nakayuko kong sabi.

"Nasa harapan mo lang ako."

"Harapan?"

Napatingin ako sa may tapat ko. Nakita ko ang sign board ng Computer Science. So nandun lang pala sila sa kabilang bleacher.

"Ano hindi mo pa rin ako kita?"

"Hindi ehh. Masyado kayong marami. Saan ka ba?"

"Kailangan mo na rin atang magpasalamin. Isang tingin ko lang sa pwesto niyo, nakita agad kita. Samantalang ikaw, hindi mo agad ako nakita." Medyo may pagtatampo boses niya.

"Huh?" Bago pa ako makapagsalita ulit ay may narinig na kaming nagsalita sa may stage.

"Sige. Maya na lang ulit." Binaba na niya yung call.

Napatingin ako sa may stage, tapos sa may tapat ko. Hinahanap ko talaga si Yu Shu. Pero hindi ko talaga makita ehh. Masyadong malayo kasi. Tapos may nareceive ulit akong text mula sa kanya.

From Yu Shu ❤:
Wag mo na akong hanapin. Magkikita rin naman tayo mamaya. Sabay na tayong maglunch. ☺

Ok. Siguro kung makikita ko sarili ko sa salamin abot tenga na mga ngiti ko. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin at matutuwa? Sobrang seryosong tao si Yu Shu at makakatanggap ka ng mga ganung salita mula sa kanya? Sobrang napaka-imposible. Pinress ko na ang homekey ng cellphone ko at tumambad sa akin ang wallpaper ko na magkasama kami ni Yu Shu habang nakaakbay siya sa akin at nakangiti siya. Isang pangarap na sana ay walang katapusan.

Nagstart na yung program. Maraming intermission number ang naganap. Pinakilala ang mga deans bawat department. Ang mga iba't-ibang organization. At siguro ang pinakang-highlight ng program ay ang awardings ng mga topnatchers sa entrance exam. Top 10 lang daw ang iaannounce nila galing sa iba't ibang department. Sinimulan nila sa pang Top10. Siyempre hindi na ako umaasa na mapapasama pa ako. Pero si Yu Shu kaya? Freshmen pa lang kami kaya hindi ko kilala ang mga tinatawag nila hanggang sa magtop 2 na.

"Ang top 2 natin ay sigurado akong kilalang kilala niyo na, isa siyang sikat na model na kasalukuyang naka-enroll sa College of Teacher's Education." Napatingin ako kay Ah Nou hanggang sa tinawag na siya. Lahat ng mga tao sa paligid ko ay naghihiyawan na kaya naman tinanggal ko ang earphone na nakapasak sa tenga niya.

"Congratulations! Top 2 ka!" Sigaw ko sa kanya.

Nagulat siya. Oo talagang nagulat siya. At may isang usherette ang nag-assist sa kanya papunta sa stage. Hindi pa rin nawala ang tilian ng mga kababaihan.

"Okay. Settle down." Pagsaway ng Professor sa lahat. "For our Top 1. Siya ay nasa College of Computer Science, Jiang Yu Shu!"

Si Yu Shu? Waaaah! Napatayo ako at napasigaw. Lahat ng mga nasa department ko ay napatingin lang sa akin. Kaya naman ay napaupo ulit ako. Kinuha ko nalang cellphone ko at pinictyuran ko sila Ah Nou at Yu Shu. Ang galing naman nila! Grabe!

"Bes! Ang gwapo naman ni Yu Shu."
"Oo nga. Hindi lang gwapo. Ang talino pa."
"Balita ko naperfect score niya ang exam kaya siya ang Top 1."
"Ehh talaga? May Girlfriend na kaya siya?"
"Sana wala pa."

Rinig kong usap-usapan din nila. Sorry girls, pero may girlfriend na siya. At ako yun. Kung alam lang nila. Napatawa na lang ako sa sarili ko. Bumalik na ulit ang mga Top10 na tinawag sa mga kani-kanilang department.

"Congrats!" Bati ko agad kay Ah Nou sabay apir. At nakita kong ang sama ng mga tingin ng mga kababaihan sa akin.

Natapos na ang program kaya naman nagsialisan na kami sa gymnasium. Pero siyempre, bago kami makaalis maraming girls ang nagpapapicture kay Ah Nou. Ang hirap talaga kapag may kaibigan kang sikat nagiging instant manager, body guard at personal assistant ka ng wala sa oras ehh. Haist! Inabot siguro ulit kami ng 30 minutes bago makalabas ng tuluyan sa gymnasium at nakita namin na naghihintay na sa labas si Yu Shu. Bago pa kami tuluyang makalapit kay Yu Shu ay may nakita akong mga babae ang lumapit sa kanya. Yung mga babaeng nasa paligid ko kanina.

"Yu Shu!" Tawag ni Ah Nou at dumiretso na kami sa kanya nasa likod lang niya ako. Napatingin din ang mga babae sa amin.

"Magkakilala kayo?" Tanong ng isang babae.

"Oo. Magbestfriend kami." Si Ah Nou na ang sumagot.

"Wow! Talaga?! Ang galing naman. Ang top 1 at top 2 magbestfriend. Parehas pang gwapo. Waah!"

"Yu Shu, Pwede ba kaming magpapicture?" Kiring sabi nung isa.

"Sa kanya na lang." Tinulak niya paunahan si Ah Nou.

"Hah? Ehh kasi may picture na kami ni Nobu. Kaya gusto namin na sa'yo magpapicture. Siguro wala namang magagalit diba?" May paghawak pa yung isang babae sa laylayan ng tshirt ni Yu Shu. Naku! Nakakagalit! Susugod na sana ako ng biglang hinawakan ni Yu Shu kamay ko at hinila papunta sa kanya na ikinagulat nung mga babae.

"Then ask my girlfriend first." Tapos tumingin siya sa akin.

"Hah? Ah-ehh..." Napatingin ako sa mga babae na naka-cross arm with the What the hell? face. Bago pa ako makasagot ay biglang tumunog tyan ko. Hindi ko alam kung dahil sa gutom o sa kaba. Napatawa sila Ah Nou at Yu Shu.

"Sorry girls. We need to go. Gutom na kasi girlfriend ko.

Hinila na agad ako ni Yu Shu papaalis sa lugar na iyon at sumunod naman agad si Ah Nou. Dumiretso na kami sa canteen. Lunchbreak na rin naman kasi eh. Ang lawak din ng canteen. Sobrang high class! Airconditioned siya tapos yung pagpipilian ng mga pagkain parang bouquet eat-all-you-can ba ang peg.

"Waaah! Ang sasarap naman ng pagkain." Mangha kong sabi sa harapan ng bouquet. Hindi tuloy ako makapili ng kakainin ko.

"Oh." Binigyan na ako ni Yu Shu ng pagkain. Napatingin lang ako sa kanya. Tapos siya kumuha na rin ng pinggan niya at namili na rin ng kakainin niya. Pinagsisilbihan ba niya ako? Hindi ko maiwasang hindi kiligin. Naghanap na ako ng pwesto namin. Magkatabi kami ni Yu Shu at nasa harapan namin si Ah Nou.

"Anong organization pala ang sasalihan niyo? Bukod sa organization na nirequired sa atin by department." Tanong ni Ah Nou.

"Sports?" Pagsusuggest ni Yu Shu.

"Bro, alam mo namang hindi pwede sa akin ang sports diba?"

"Ah!" Napatingin sa akin yung dalawa. Mula sa bulsa ko may kinuha akong isang pirasong papel at pinakita ko sa kanila. "Ito kaya? May nagbigay sa akin kanina pagpasok natin sa gymn."

"Music Band?" Sabay nilang sabi.

"Hmm. Tutal parehas naman kayo marunong magtugtog ng gitara at kumanta."

"Sounds fun to me." Ngiting sabi ni Ah Nou

"Kapag sumali ako dyan, sigurado akong maraming babae ang magkakagusto sa akin. Okay lang ba sa'yo?" Tanong ni Yu Shu sa akin.

"Huh?" Napatahimik ako saglit kasi di ko siya magets. Kapag sumali sila sa band, maraming babae ang magkakagusto sa kanya? Ah! Oo nga pala, kung magpeperform sila sa harap ng maraming tao, sigurado akong maraming babae ang manunuod lalo na't kasama si Ah Nou. Hmmm. Ang gwapo pa naman ni Yu Shu kapag naggigitara siya at kumakanta.

"Makakaya mo ba?" Muling tanong sa akin ni Yu Shu.

"Ehh di sasali rin ako." Napatawa silang dalawa.

"Bakit nakanta ka ba?" Pang-aasar na tanong ni Ah Nou. Napatingin sa akin si Yu Shu.

"Hindi. Pero marunong akong magpiano."

"Twinkle-twinkle little star lang naman alam mong tugtugin." Ginatongan pa ni Yu Shu.

"Yah! Basta sasali ako kung sasali kayong dalawa."

Sabay nalang silang napatawa. Tinapos na lang namin ang pagkain namin saka kami naglibot sa buong Taiwan University. Iba ito sa inaakala ko. Sobrang ganda talaga. Nagkukwentuhan yung dalawa tungkol sa mga bagay-bagay samantalang ako ito, nasa likod lang nila habang halos karamihan sa mga estudyante ay nakatingin sa amin. Nagmukha tuloy akong maid ng dalawang ito. Haaayyy... sana maging maganda at masaya ang college life namin.

(Xiang Qin's POV)

Maaga kaming natapos ni Mama sa paglilinis ng buong bahay. Tutal hindi pa naman ako pwedeng magtrabaho at taong bahay lang din muna habang nag-aalaga ng kambal ay ito naggeneral cleaning kami ni Mama. Actually katulong namin si Christine, ewan ko nga ba sa babaeng ito simula nung bumalik sila rito sa Taiwan ay halos dito na naglagi sa bahay. May LQ ata lagi sila ni Ah Jin ehh. Pero, kahit papaano ay napabuti rin ang pagpunta rito ni Christine mabilis kaming natapos.

"Mama..." tawag ko kay Mama mula sa kusina. Nagluluto kasi ako ng Chicken curry. Agad namang pumunta si Mama sa kusina.
"Tikman mo nga po kung okay na."
Kumuha si Mama ng isang serving spoon at isinandok sa Chicken curry.

"Mmm..."

"Ano Ma? Okay po ba?"

"Medyo matabang. Kulang sa asin. Dagdagan mo pa." Kinuha ko yung asin.

"Gaano po karami?" Kumuha ako ng kalahating kutsara ng asin at inilagay ko sa niluluto ko. Muling tinikman ni Mama yung luto ko.

"Hmmm! Okay na siya. Aiyooo... ang Xiang Qin namin gumagaling na sa pagluluto ah."

"Siyempre Mama, magaling kang magturo ehh." Niyakap si Mama at sabay kaming nagtawanan.

"Wow! Ang bango naman nan? Patikim ako." Pumunta rin si Christine sa kusina kaya naman pinagsandok ko na rin siya.

"Ano? Masarap ba?"

"Mmmbb!" Nagulat kami ni Mama dahil tumakbo si Christine papunta sa c.r. Agad naman namin siyang sinundan.

"Christine? Ayos ka lang ba?" Pag-aalala kong tanong.
"Hindi mo ba nagustuhan yung lasa?"

"Ang pait!" Pagkasabi niyang iyon ay saka siya nawalan ng malay na ikinagulat namin ni Mama.

"Yaah! Christine gising!" Nataranta kaming parehas ni Mama. 

"Anong gagawin natin?" 

"Dalhin muna natin siya sa salas." Ipinasan ko si Christine sa likod ko, dinala namin siya sa salas at inihiga namin siya sofa.

"Christine gising." 

"Mama, baka allergy si Christine sa Chicken curry. Ano na gagawin natin?" Iyak kong sabi.

"Xiang Qin, diba nurse ka, bakit hindi mo siya i-check?" Natigilan ako sa sinabi ni Mama. Oo nga pala, hindi ako pwedeng umiyak dito kailangan kong alamin kung bakit siya nahimatay. Pinakalma ko muna sarili ko.

"Mama, tawagan mo si Ah Jin." Tumakbo ako papunta sa kwarto namin para kunin yung mga gamit na pwedeng gamitin.

"Xiang Qin, hindi sumasagot si Ah Jin."

"Tawagan mo ulit Ma, huwag kang titigil hangga't hindi niya sinasagot." Hinawakan ko ang kamay ni Christine, nanlalamig siya. "Mama, may acetone po ba tayo?" 

"Huh? Ah oo, sandali." Agad naman kinuha ni Mama yung acetone. "Para saan yan?" 

"Tatanggalin ko lang nail polish niya para makita ko ang kulay ng mga kuko niya." Matapos kong matanggal ang nail polish ay okay naman, ibig sabihin wala siyang sakit sa puso. "Christine!" Tinapik-tapik ko ulit siya. Kinuha ko yung stethoscope. Medyo mabilis heartbeat niya. Bakit siya nawalan ng malay? Tinanggal ko muna sa pagkakabit yung bra niya baka masyadong masikip. Inayos ko pagkakahiga niya. "Christine! Naririnig mo ba ako? Mama, sumagot na po ba si Ah Jin?"

"Hindi pa nga ehh. Aiyooo... masyado yatang busy sa restaurant." 

"Basta, Ma, tawagan mo lang siya." Ano na gagawin ko? Magdadalawang minuto na siyang walang malay, kailangan ko na ng tulong. Kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan ko na si Zhi Shu. Sana nasa office siya ngayon. 

"Hello..." Buti nasagot niya agad. 

"Zhi Shu!"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Sobrang humihingi po ako ng pasensya sa inyo, alam kong hinahantay niyong mag-update ako. Pasensya na po, sadyang hindi lang po kinaya ng oras. Pero maraming salamat pa rin po sa inyong paghihintay. Salamat po. HAPPY NEW YEAR!!

-LadyAkira-

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

81.2K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
43.3K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
186K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...