Rage of Death (On going)

By liletcutie

34.3K 1.7K 299

This is the book 2 of School of Psycho It's all about Death and Revenge More

Rage of Death (School of Psycho 2)
PROLOGUE
CAST
Rage 1. The Slaughter
Rage 2. Cookies and Cream
Rage 3. The Ring Necklace
Rage 4. The Wedding Ring
Rage 5. Baleful
Rage 6. Old School
Rage 7. Cheldon Lee
Rage 8. Reckless
Rage 9. Clarix
Rage 10. Revealed
Rage 11. Mission
Rage 12. Encounter
Rage 13. Close Range
Rage 14. Not Guilty
Rage 15. Unexpected
Rage 16. Lovelorn
Rage 17. Jaundice
Rage 18. Crestfallen
Special Chapter
Rage 19. Sapphire
Rage 20. The Return of Clarix
Rage 21. Enigma
Rage 22. loathsome
Rage 23. Hoax
Rage 24. Scoundrel
Rage 25. Perilous
Rage 26. Grievous
Rage 27. Terrence Letter
Rage 28. Fortitude
Rage 29. Picture
Rage 30. Collide
Extra Chapter
Rage 31. Tatto
Rage 32. Indulgence
Rage 33. Fiance
Rage 34. Sedrick
Rage 35. Please Remember me
Rage 36. Esoteric
Rage 38. Rapt
Rage 39. Escape
Rage 40. Mission Sedrick

Rage. 37 Steve's Twin

484 19 14
By liletcutie

Leslie POV.

    Sana hindi ako namalikmata sa nakita ko. Pumikit muna ako ilang minuto at dinilat ko ulit ang mata ko at hindi nga ito isang imahinasyon.

May nakita kasi akong pamilyar na mukha sa kabilang highway at nasa loob sya ng restaurant at ako naman ay nandito sa kabila, kumbaga harapan pero kailangan pang tumawid ng kalsada.

Pumasok ako sa loob ng restaurant na yun at hinanap ko agad sya. Nakita kong nakaupo sya malapit sa bintana kaya ko sya nakita kanina.  Lumapit ako sa kanya at tumapat sa harap nya kung saan sya nakaupo. Huminto sya sa pagsubo ng pagkain tsaka takang inangat ang ulo nya at tinignan ako ng nakataas ang kilay.

“Uh..why?” sabi nya ng may pagtataka kaya umupo ako sa kaharap nyang upuan. Napabuntong hininga muna ako bago magsalita.

“Steve hindi mo naba talaga kami maalala?!” May inis na sabi ko.

Nagulat ako ng para syang nabilaukan at pagkatapos nun bigla syang tumawa.

“W-wait…bwahahaha…
Hahaha.. a-anong…ahahahaha”

Walang emosyon ko lang syang tinignan dahil wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

“Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?!” kunot noong tanong ko na may halos inis.

Uminom muna sya ng tubig at huminto na sa pagtawa pero nakangiti parin sya. May kinuha sya sa bulsa nya at may pinirmahan doon at tsaka nya pinunit at binigay saken. Nilapag nya iyon sa harap ko at mas lalo akong nainis dahil isa iyong tseke.

“Ok naba yan? Or kulang pa? Pasensya na pero hindi mo ako maloloko sa paganyan ganyan mo. Wala naba kayong ibang style para mang scam? Pero dahil mabait ako binigyan na kita kaya lumayas kana sa harap ko at kumakain pako ok?”
Nanlaki ang mata ko at napakuyom ng kamao sa galit.

“Anong sinabi mo?!” singhal ko sa kanya kaya medyo napaatras sya sa inuupuan.

“Oh? Bakit? Kulang paba yan? Sige dagdagㅡ”

Napatigil sya sa pagsasalita ng basagin ko ang wine glass sa kamay ko. Kita ko naman ang gulat sa mukha nya ng makitang unti unting tumulo ang dugo ko sa kamay pababa sa lamesa. 

“Una sa lahat hindi ako nagbibiro! Pangalawa hindi ako nanghihingi ng pera! Pumunta ako dito para kausapin ka ng maayos! Pero ano? Pinagtawanan mo pa ako at binibigyan ng pera?! Wow ha!” 

“S-sir ano pong problema?” Takang tanong nung waiter pero di ko sya pinansin dahil nakatuon lang ako kay Steve.

“Ahh… gets ko na.. naalala ko tinawag mo akong steve kanina?” sarcastic nyang sabi.

Pero hindi ako nagsalita..

“SEDRICK!”

Napalingon ako sa likod ng may babaeng sumigaw at padabog na lumakad palapit samin.

Teka? Sedrick?!

“SEDRICK! Nandito kalang pala kanina pa kita hinahanap!!” Sigaw
nung babae sa harap ni sedrick?

Nagpalit na pala sya ng name ngayon?! 

“Hoy ikaw! Sino ka naman?” sigaw naman nung babae saken at bumaba ang tingin nya sa lamesa at nakita nya yung tseke.

“Bakit ba hindi nyo tigilan ang kuya sedrick ko!? Mukha ba talaga syang mapera at lapitan ng scam?!”

“Wait… tinawag ka nyang Sedrick??” takang tanong ko at tinuro si Steve. 
Napakamot naman sya sa batok nya.

“Uhh.. ako nga si Sedrick… bakit mo ako tinawag na Steve kanina?”

Teka naguguluhan ako…

May bigla akong naalala na sinabi ni Terrence.

“May kakambal si Steve”

Napaangat ako ng tingin sa kanya at pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa.

Yung buhok nya magulo at parang hindi marunong mag ayos, yung damit naman nya ay simple lang pero formal. Pero yung mukha nya ay mukha ni Steve.

Ibig sabihin ang kaharap ko ngayon ang kakambal ni Steve???.

“Uhm.. pasensya na..Lets go!” sabi nya at hinila na yung babae na sumiSigaw kanina. Sinundan ko lang sila ng tingin ng lumabas na sila hanggang sa makasakay sila ng kotse. Lumabas na din ako at pumasok sa loob ng kotse ko. Natulala ako sa pag iisip dahil naguguluhan parin ako. Pinaandar ko ang kotse at sinundan ko sila ng palihim.

×××

Nagtaka ako ng huminto sila sa isang building at tsaka lumabas silang dalawa. May lumabas na babae na may edad na at piningot sa tenga yung babae at kinaladkad papasok sa loob. Sumunod lang si steve este sedrick at nawala na sila sa paningin ko.

Ilang beses akong nagbuntong hininga dahil hindi parin ako makapaniwala. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at dinial ang number ni Chan.

Chan Hanzel POV.

“Chan yung phone mo kanina pa nagriring”

“Hoy!” 

Nagulat ako ng bigla akong sapukin ni Vinxx.

“Gagong toh! Bat mo ako sinapok?”

“Ahehe peace! Kanina pa kita kinakausap tulala ka nanaman tss”
Inabot naman nya saken yung phone ko.

“Oh! Kanina pa may tumatawag sayo haha wag mo kase pakaisip si Henna” sinamaan ko sya ng tingin dahil sa ngiti nyang nang aasar.

Lumabas nalang muna ako ng monitoring room at sinagot ang tawag.

“Hello”

[Chan ako to si Leslie] 

“Napatawag ka?”

[May gusto sana akong sabihin sayo tungkol kay Steve]

“Sige.. saan ka ngayon?”

[Nandito sa Hioteu Building]

“Ok sige papunta na ako dyan” 

Pinatay ko na ang tawag at bumalik sa monitoring room.

“Oy saan ka pupunta?” Takang tanong ni vinxx habang nagsusuot ako ng jacket. 

“Maiwan ka muna dito may pupuntahan lang ako” sagot ko at nagmadali ng lumabas ulit at sumakay sa kotse.

×××

Natanaw ko sa malayo yung kotse ni Leslie kaya nagpark muna ako at lumabas sa kotse. Nakita ko syang nakatayo sa harap nung building.

“Leslie!” tawag ko kaya napalingon naman sya saken.

“Nandyan kana pala”

“Anong ginagawa mo dito?”

Napabuntong hininga muna sya bago magsalita.

“Kanina lang nakita ko si Steve”

“Huh? So asan na sya?”

“Akala ko sya pero hindi”

Doon na napakunot ang noo ko.

“Hindi pala si Steve ang nakita ko kundi yung kakambal nya,pero hindi ako sigurado baka nililito lang nila tayo” sabi nya at lumingon ulit dun sa building.

“Pumasok sya dyan sa loob at mukhang dyan sya nakastay”

“Alam naba nila Sion?”

“Hindi ko pa nasabi ikaw palang ang unang tinawagan ko”

“Kailangan din nilang malaman ito” sabi ko sa kanya kaya tumango sya at kinuha ang phone nya sa bulsa at may tinawagan. 

“Hello Sion.. pumunta kayo dito kasama ko si Chan.. ou pasensya na kung ngayon lang ako napatawag.. sige na pumunta nalang kayo dito”

“Tara pumasok tayo sa loob” sabi nya at nauna ng maglakad at sumunod naman ako.

“Miss may kilala ba kayong Sedrick? Uhh.. Sedrick Kang?” tanong nya sa front desk.

“Uhm.. sorry sir pero hindi po namin pwedeng ibigay ang info ng guest namin” sagot nung front desk na natulala pa ng makita kaming dalawa ni Leslie tss.

“Bakit naman hindi? Kilala mo ba kung sino ako?”

“Hindi po sir pasensya na po talaga”
May lumapit ng consierge samen at nung makita nya si Leslie napayuko sya.

“Sir nandyan po pala kayo.. ako nalang po magbibigay ng info sa hinihingi nyo sir” sabi nung lalaki kaya walang emosyong napatango si Leslie at sinundan namin yung consierge na lalaki.

Pumasok kami sa elevator at nag usap yung lalaki at si Leslie. Pagdating sa huling floor lumabas na kaming dalawa pero hindi sumunod yung consierge kaya hindi ko na pinansin.

“Ano daw sabi?” tanong ko habang naglalakad kami kung saan.

“Nasa Presidential suite daw yung kakambal ni Steve” sagot nya at huminto kami sa isang pinto at binuksan nya iyon.

“Teka? Dito yung penthouse mo?”

“Yup.. sige maupo ka muna hintayin nalang natin sila Sion” he said at pumasok sa kitchen.

Hindi naman nagtagal may nagdoorbell kaya tumayo na muna ako at sinilip kung sino at nakita ko sa monitor ang pagmumukha ni Sion. Pinagbuksan ko sila ng pinto at kasama nya pala si Terrence.

“Si Dave hindi nyo kasama?” Takang tanong ko habang naglalakad sila papasok.

“May gagawin daw sya eh. Tsaka alam mo na?” nakangising sagot ni Terrence at gets ko na agad ang gusto nyang iparating.

Na hindi parin tanggap ni Leslie si Dave bilang kaibigan.

“Oh? Youre here” lumabas galing kusina si Leslie at may hawak syang isang case ng beer in can.

“Pfffttt.. pinapunta mo ba kami dito para mag inuman tayo? Ibang klase ka talaga eh no?” Biro ni Sion at sya pang nagreklamo sya naman naunang humablot at dali daling ininom.

“Penge!” nakapout namang sabi ni Terrence at humablot din ng ilapag na iyon ni Leslie sa mini table.

“Oh!”

Abot ni Leslie saken ng isang lata ng beer kaya inabot ko nalang  at ininom. Magkakaharap na kami ngayon apat habang nakaupo sa kanya kanyang couch.

Hindi na ako magtatanong kay Leslie kung bakit nya sinabi sa front desk kanina na hindi sya kilala at biglang litaw nung consierge at yumuko sa kanya. Habang nag uusap kasi sila kanina sa elevator narinig kong si Leslie pala may ari ng condotel na eto.

Hindi na muna kami nag usap usap dahil wala kaming ginawa kundi ang maglasing ng hindi nagsasalita.
Nalukot ko ang lata sa inis dahil biglang sumagi sa isip ko si Henna. Naalala ko yung pangyayareng nakita ko syang may kasamang lalaki.

Tss! Hindi ba sya nag iisip?! Kung kani-kanino nalang sya nakikipagdate?! Kala ko ba crush nya ako?!

Tapos sasabihin nya saken na ..

Chan kailangan ko munang bumalik sa America dahil nagkaroon ng konting problema sa bussiness ni Dad. Sorry pero gusto kong mapag isa”

Ha! Porket gangster sya feeling nya malakas na sya?! Tss!

Nagbukas ako ng panibagong  beer at mabilisan ko iyong ininom.
Or baka naman kasama nya yung lalaking kadate nya at ayaw nyang madisturbo sila?! Tss

“Chan! Are you alright?”

Natauhan ako sa sigaw ni Leslie kaya napalipat lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo.

“Why?” taas kilay kong tanong.

“Anong why?! Tignan mo nga andami mo ng nainom kanina kapa namin kinakausap di mo kami pinapakinggan!” sigaw nya ulit kaya nanlaki ang mata ko ng makita sa sahig ang 6 cans of beers na puro nakalukot.

“Umamin kanga samen.. may problema Kaba ngayon na pinagdadaanan? Uso din ang magshare dude” dugtong pa ni Sion.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko handa ng pagsurrender. At natatawa pa dahil masyado atang lumalim ang pag iisip ko hindi ko napansin ang ginagawa ko.

Napailing iling nalang si Sion. .

“Lasing kana siguro mukha kanang tanga dyan eh bwahahaha” – Terrence

Sige lang pagtawanan nyo pa ako. Badtrip!

“Ikaw naman Leslie!.. tawag kami ng tawag sayo hindi ka namin macontact tapos nandito kalang pala sa pilipinas? Akala namin nasa ibang bansa ka kaya hinayaan namin baka busy kalang tapos…aisshh!”

Frustrated na gatong nya samen at ginulo gulo ang buhok nya.

“Hindi ko alam na ako ang mas bata sa inyo ako pa ang nagsasabi sa inyo ng ganito?! Aishh..”

Ou nga naman..si Sion ang bunso namin haha nakalimutan ko.
Napapikit pikit ako dahil sa antok. Ang bilis ko naman malasing damn!

“Nakakabigla ka hindi ka naman mahilig uminom pero ang lakas mong uminom tss tss” dinig kong sabi ni Leslie kaya sinandal ko ang ulo sa couch tsaka ako pumikit.

“Baka naman dahil sa babae? Hahaha LQ ba kayo ni Henna?”

Napadilat ako sa sinabi ni Sion kaya tinignan ko sya ng masama.

“Tama na yan.. pag usapan na natin ang dahilan kung bakit ko kayo pinapunta dito” – Leslie

“Ou nga pala.. ano bang sasabihin mo samen?” -Terrence

“Look kaya hindi nyo ako matawagan dahil may sarili akong ginagawa, mga ilang araw kong sinusubaybayan si French dahil gusto kong makasama natin sya pero mukhang katulad din sya ni Kristian dahil ayaw nyang sumali at hindi nya ako pinapansin kapag nakikita nya ako”

“But then .. kanina paglabas ko ng restaurant kung nasan si French nakita ko naman sa di kalayuan ang akala kong si Steve”

“Teka? Akala?” kunot noong tanong ni Sion.

“Ou .. pinuntahan ko sya at hinarap pero nagtaka ako ng hindi nya ako nakilala.. well sabi nyo nga may amnesia si Steve kaya akala ko pinagloloko nya lang ako. But then may biglang sumulpot na babae at tinawag syang Sedrick kaya naguluhan ako lalo dahil bakit nya tinawag na Sedrick si Steve?! So… napaisip ako.. hindi kaya yung Sedrick na yun ang kakambal ni Steve??”

“What the fuck” bulalas ni Terrence kaya napatingin kami sa kanya.

“Alam mo ba kung nasaan sya?” ako naman ang nagsalita dahil medyo nahimasmasan na ako.

“Yes.. and he's here” nakangising sabi ni Leslie kaya nanlaki ang mata namin ng may biglang pumasok sa pinto. 

Nagulat din sya ng makita kami at ilang minuto kaming nagpalipat lipat ng tingin. 

“I-ikaw? Ikaw si Steve right?” nakangangang gulat parin ni Sion.

“Huh? Bakit nyo ba ako tinatawag na Steve? Eh Sedrick ang pangalan ko” sagot nya at napalipat ang tingin nya kay Leslie at nanlaki ang mata nya tsaka nya ito idinuro.

“Ikaw?! Hala.. anong ginagawa mo dito?” Tanong nya kay Leslie kaya tinignan ko naman si Leslie na nakangiti lang.

“Eto ba yung pinag usapan nyo ng concierge kanina? Na papuntahin dito yan?” bulong ko kaya napatingin si Leslie saken at tumango. Binalik nya ang tingin dun kay Steve I mean Sedrick.

WTF.. kahit ako nalilito na din.

“Bakit ako nandito? Dahil ako ang may ari ng building na ito” kalmadong sagot ni Leslie sa kanya kaya napanganga sya sa nalaman.

“Oh shit! Akala ko scammer ka kanina.. Im sorry!” Sabi nya at yumuko.

“Leslie sya ba yung sinasabi mong kakambal ni Steve?” Hindi makapaniwalang tanong ni Terrence. 

“Ou sya nga” nakasmirk na nyang sagot habang nakatingin dun kay Steve este Sedrick.

“Dude! Ikaw ba si Steve or si Sedrick?”

Hindi namin namalayan na lumapit si Terrence dun kay Sedrick at inikutan nya pa ito pagkatapos ay inakbayan nya.

“Kamukhang kamukha mo nga si Steve .. walang labis walang kulang .. ngayon naniniwala na akong may kakambal nga sya”

“Ako nga si Sedrick teka! Sino bang Steve yan.. ulit ulit ko nalang naririnig” reklamo nya at tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya ni Terrence.

“At bakit nyo ba ako pinapunta dito? Hindi ko naman kayo kilala” salubong ang kilay na sabi nya.

--

“Goodjob Leslie” biglang sabi ni Sion at tumayo na din.

“Sya ang gagamitin nating kapalit ni Steve. May plano na kaming ginawa kaya pumunta na tayo sa step 2” dugtong nya.

Pilit naman syang hinila ni Terrence paupo sa harap namin.

“Sedrick..sabihin mo samen kung sino ka” maawtoridad na utos sa kanya ni Leslie kaya tinignan nya muna kaming lahat tsaka sya napalunok at nagsalita.

“Im Sedrick and…."

To be continued...




Continue Reading

You'll Also Like

21.8M 756K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
4.5M 110K 43
The real you is the monster inside you.
25.1M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
13.9M 390K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...