Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.4K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
epilogue
note

35.

819 38 9
By hannahdulse_

Badboy's back.

Third Person

Ang lakas ng ulan. Hindi makakatulog si Chris dahil sa kulog at kidlat. Pilit man niyang matulog habang nakikinig sa paborito niyang music, hindi pa rin. Mas malakas pa din ang kulog sa pinapatugtog niya. Hindi pa rin siya sanay sa kulog.

"Kailan ka ba titigil, ha?!" inis na umupo si Chris at sumandal na lamang sa headboard ng kama niya.

Kinuha niya ang mp3 niya at tinigil ang pinapatugtog. Padabog siyang tumayo at lumapit sa kaniyang cabinet. Binuksan niya ang pinto nito at kinapa-kapa ang pinakaitaas na bahagi ng cabinet.

"Ayun," napangiti si Chris nang makapa niya ang pabilog na metallic--ang kaniyang palaging suot na locket.

Ang design ng kaniyang locket ay vintage style na may crescent moon sa gitna at tatlong bituin. It's a gift from his mom na matagal ng wala. Dead, gano'n.

Kung bubuksan mo naman ang kaniyang locket ay bubungad nito ang litrato ng mag-ina. Ang ten years old na Chris kasama ang kaniyang ina. Nakangiti silang dalawa na animo'y ang saya-saya nila nang kunan sila ng litrato.

"I missed you, mom."

Sinuot niya ang kaniyang locket na hinding-hindi humihiwalay sa kaniya at hinalikan ito. Itinago niya ito sa loob ng kaniyang T-shirt at muling humarap sa cabinet. May kinapa-kapa ulit siya sa loob at nilabas ang kulay pulang jacket na may hood.

Napagpasyahan niya kasing pumunta muna sa convenience store. Doon muna siya magpalipas ng gabi hanggang sa tumigil ang pinaka-ayaw niya. Ang kulog at kidlat.

Tumakbo siya palabas ng kwarto at sinuot ang hood ng kaniyang jacket.

"Oh, Chris, saan ka naman pupunta? Bumabagyo pa, oh."

Nakita niya ang kaniyang stepmom na naka-pantulog na at may hawak-hawak na mug. Probably she's drinking her favorite, coffee.

"Sa usual, tita," sagot ni Chris. 

Hindi kasi siya komportable na tawaging mom o mama ang kaniyang stepmom. Isa lang kasi ang tumatak sa isip niya. He only had one mom and that was a long time ago. Kahit six years na ang lumipas, hinding-hindi pa din niya kinalilimutan ang kaniyang pinakamamahal na ina.

The picture in his locket was their last picture. Kung na-inform lang talaga sana siya, sana sinulit na nila ang huling araw kasama ang kaniyang ina. Because after their last bonding, on the way to his mom's work, nagkaroon ito ng aksidente.

His mom died in a car accident. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na 'yon. Kung kailan 'yon. Iyak siya ng iyak noon sa pagkawala ng kaniyang ina. Ilang araw siya noong walang pinapansin at kada-gabi, umiiyak siya mag-isa sa kwarto niya.

Papalabas na sana si Chris sa bahay nila nang bigla niyang maalala ang kaniyang naiwang cellphone sa kama niya. Napamura siya ng mahina at bumalik sa loob.

Nang makapasok siya ulit sa kaniyang kwarto, kinuha niya ang kaniyang cellphone at binuksan ito. He then saw a new unread message.

From: SH-Rhen Lee

It is a lonely feeling when someone you care about becomes a stranger. //GM  

Natigilan siya, "First time mag-GM 'tong si Rhen, ah."

Napailing-iling nalang siya at pinasok ang kaniyang cellphone sa loob ng bulsa ng kaniyang jacket.

* * *

"O--Oy! Selena naman, eh!" 

Sa bahay naman ng Heather, nasa isang sulok ng kwarto si Jenny habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone. Magkausap sila ni Selena sa telepono sa gitna ng malakas na ulan na patuloy na umaagos mula sa labas.

[Ano? Eto na, sasabihin ko na kay Dimwall na gusto mo siya.]

"Selena!" may halong pagbabanta sa boses ni Jenny pero pinagtawanan lang siya sa kabilang linya.

[Okay, chill. Hindi na nga, oh. 'To naman.]

Nagkausap lang sila sa telepono at hindi alintana ang kidlat sa labas. Wala silang pake kahit na alam nilang may mangyayaring masama sa oras na gagamit ka ng telepono na konektado sa signal sa gitna ng kulog at kidlat.

Jenny came from a rich family. May kompanya ang kaniyang mga magulang at nag-iisang anak lang siya. Wala siyang kapatid, silang tatlo lang sa kanilang mansion. Si Selena Vellecera naman ay galing sa may kayang pamilya. Hindi mayaman, hindi din gaano kahirap.

"Sige na, Selena. Baka mamaya mahuli ako ni mader nito, eh."

[Wait, wait! Nabasa mo ba ang GM ni Rhen?]

Kumunot ang noo ni Jenny, "Huh?"

[Or maybe hindi ka niya sinama sa GM niya? Kalurkey, beh. Ang creepy niya. Ngayon lang siya tumetext ng ganito.]

Tiningnan ni Jenny ang kaniyang cellphone habang nasa kabilang linya pa si Selena. May nakita siyang bagong sumulpot sa kaniyang notification aside sa IG, Twitter at Facebook. New unread message.

"Kalurkey ka diyan. Quotes lang naman, ah."

Natawa na lamang si Selena at nagpaalam na kailangan na niyang maghugas ng pinggan. Naputol na ang kanilang linya pero titig na titig lang si Jenny sa kaniyang screen.

It is a lonely feeling when someone you care about becomes a stranger.

Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kaniyang dibdib. 

Anong nangyayari sa 'kin? Quotes lang naman 'yan, ah. 

* * *

Agnes


Dahil sa malakas na bagyo last week, suspended na ang klase hanggang sa Friday. Para sa mga basagulero at walang pake sa eskwelahan, ang saya-saya nang i-announce sa balita na walang pasok. Pero para sa 'min na ilang araw nalang ay festival na, dismayado.

Hindi pa kami natapos sa pagde-decorate. Or should I say, wala pa kaming na-decorate. 

At lunes na lunes, isang napakandang bungad sa amin ni Sir Chase. Isang napakalaking surprise para sa amin.

"Guys! Since sa Friday na ang festival ng school, I decided not to join the festivity. I already asked the principal for permission dahil may gagawin tayo sa Friday."

Titig na titig lahat ang mga mata kay Sir Chase habang nagsasalita. Alam kong hindi lang ako ang nakaramdam ng tuwa dahil sa wakas, solved na ang problema namin. Malay mo, may mas worse na sasabihin sa amin ni Sir Chase.

Hindi naman gaano katanda si Sir Chase. Ang bata-bata nga niya, eh. Kaya nga sa tuwing time na ni Sir Chase, mas mabilis pa sa alas-kwatro na nagpapaganda ang mga babae. Makisig ang pangangatawan ni Sir Chase, halatang nagji-gym. Halatang pulos gulay ang kinakain. 

"First, kailangan ng ating treasurer na magpa-xerox sa permission slip kung papayag ang inyong mga magulang na sumama sa ating film making."

Nagulang ang lahat pero ako, chill lang. Ang OA nila, lalo na 'yung mga babae.

"Yep, film making. Gagawa tayo ng ating movie dahil 'yon din ang gusto ng ating principal. The script's ready, kulang nalang ay ang ating tauhan at ang bubuo ng ating palabas. Sa aming rest house, not far from here tayo mag-sho-shooting."

May nagtaas ng kamay, isang lalake na sa unang tingin mo pa lang sa kaniya ay halatang matino itong kausap. Nerdy. Naka-salamin ito na rektanggulo.

"Sir, ba't po tayo gagawa ng movie? Para saan?"

"Good question, Mike! Just so you know, I'm a filmmaker at hobby ko na 'yon. Naging parte ako sa isang sikat na pinoy movies before at nalaman 'yon ng ating principal kaya he wants to see my talent in making movies. I'll be your director and the author of our movie. Kayo na ang magiging cameraman and staff."

May nagtaas ulit, this time ay babae na naka-pigtail. Si girl in pink, Helena.

"Sir, ilang araw po ba tayo sa rest house niyo?"

"So far, mga four days. Aalis na kasi tayo sa Thursday kaya four days, Helena."

Napatango-tango ang lahat. Sir Chase clapped his both hands para mabalik sa kaniya ang attensyon.

"Okay, guys. Since wala namang nag-reklamo para sa ating new activity, I'll be going now for my next class. And by the way, ibibigay ko lang sa class president ang script, list ng mga characters at kung ano ang gagawin niyo during shooting together with the permission slip. Gotta go~"

Nang makalabas na si Sir Chase, tumili-tili ang mga babaeng kaklase ko. Napairap nalang ako.

* * *

Tapos na ang klase namin sa Science at Math, dalawang subject nalang at makakauwi na ako sa amin. Makakaalis na ako dito sa eskwelahang 'to.

Ang ingay-ingay ng paligid. Ang ingay-ingay ng mga kaklase ko. May ibang tahimik lang sa gilid hawak ang kanilang gadget. Ang iba nama'y naghaharutan sa gilid ang couple, yuck. 

Natahimik ang lahat nang biglang bumukas ang pinto ng aming classroom. Isang mabagal na yabag ang narinig namin. Lahat ng mga mata'y nakatutok sa pamilyar na lalakeng papasok, nakasabit ang kaniyang bag sa likod at 'tila isang bad boy kung umasta.

Lumiliwanag ang kaniyang kulay kahel na buhok, medyo natatakpan ang kaniyang mata sa kaniyang mahabang bangs. Bad boy na nga ang dating.

"Omg, he's still alive?"

"Gaga, Kristine. Huwag naman ganiyan sa crush ko."

"Buhay pa nga ang gago. Ang bad boy ng section natin."

"Ilang araw na nga ba 'yang patay? Este, hindi pumapasok?"

Naiirita ako sa boses nila. Lalo na sa mga masasamang komento nila. Ba't naman sila ganiyan kay Miko? 

"Oy, Suarez! Buhay ka pa pala?" may naglakas loob na lakasin ang kaniyang boses. Isa siya sa grupo ng mga lalake na nasa likod. Tumatawa pa ang kagrupo nila na para bang may nakakatawang sinabi ang walangyang lalake na 'yon.

Napatingin ulit ako kay Miko na nagti-tiimbagang nakatitig ng masama sa lalake. Gusto kong tumayo at kaladkarin siya palabas pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng gumawa ng eskandalo dito.

He doesn't know me at mas lalo hindi nila ako kilala. Isa lamang akong normal na kaklase nila. I am not their class president anymore.

"Oy, tabachoy. Hindi ka pa pala pumapayat?" bawi ni Miko na siyang ikinatawa ng buong klase.

Kinuyom ko nalang ang kamao ko para pigilan ang nararamdaman ko. Ganito pala 'tong si Miko? Hindi ko siya napapansin noon dahil busy ako palagi. Palagi akong pinapatawag para sa meeting ng mga class president kaya hindi ko alam ang mga kaganapan dito.

Hindi ko nga alam na kaklase pala kami't naging bad boy ang alyas niya.

"Hayop ka ah!"

Tumayo ang matabang kaklase namin kaya bago pa sila magbugbugan sa harap ko, tumayo ako at pinanlisikan sila ng tingin. Alam kong nagmukha akong ewan dito sa harap nila lalo na't wala sa responsable ko ang tigilan sila.

"Alam niyo, doon nalang kayo sa labas magbangayan at magbugbugan. Huwag dito," giit ko at tinalikuran sila, lumabas ng classroom.

* * *

Grabe. Pwede na ba akong bigyan ng medalya ngayon dahil sa ginawa ko kanina sa classroom? Ang medalya ng isang nagpi-feeling na may responsable sa buong section namin. O pwede, medalya ng nagpi-feeling class president.

Tahimik ko lang na pinanonood ang mga nagbabasa ng libro dito sa loob ng library. Since hindi pa ako nakapasok dito simula noon, ngayon lang ako nagpasyang pumasok dito. May isang librong nakapatong sa harap ko at nakabukas ang unang pahina.

I'm not on a mood to read kaya ang ginawa ko, nagstand-by muna. Kunyari lang akong nagbabasa para hindi palabasin ng librarian na ang strikto kung makatitig.

"Pretending that you're okay doesn't help you," nagulat ako nang may tumabi sa 'kin at nang lingunin ko siya, nakita ko siyang nagbabasa na ng librong kinuha niya mula sa bookshelf. 

"What?" hindi ko kasi siya maintindihan. Who told him that I'm just pretending?

"Just by looking at your reaction, no one told me that you're just pretending. I just saw it on the way you look at your friends that doesn't even know you."

Nagulat ako sa sinabi ni Rhenandriel Lee, ang pumalit sa pwesto kong maging class president.

Magtatanong pa sana ako sa kaniya nang makitang wala na siya sa tabi ko kundi naglalakad na siya palayo sa 'kin. Huminto siya saglit at ni-hindi man lang ako nilingon sabay sabing, "I know I love solving mysteries. But yours are too hard to complete the puzzles."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya habang pinagmasdan ang papalayong si Rhen. Unti-unti na siyang maglaho sa paningin ko hanggang sa tuluyan na siyang makalabas sa library.

What the frappe? Ano bang pinagsasasabi niya?

"I know I love solving mysteries. But yours are too hard to complete the puzzles."  

* * *

Third Person


Sa 'di kalayuan ni Agnes, nakaupo ito't may hawak na libro para matakpan ang kaniyang mukha. 'Gaya ni Agnes ay kunyaring nagbabasa ito ng libro upang hindi mapalabas ng librarian.

Nang makita niyang dali-daling niligpit ni Agnes ang libro na nasa harap niya't iniwan ito sa gilid at halos tumakbo ng lumabas sa library, binaba na niya ang hawak niyang libro at napangisi. Inayos niya ang kaniyang itim na sumbrero at inilabas ang kaniyang cellphone at tahimik na nagtipa mula dito.

To: Sab

Papalabas na siya ng library. Tell Jonas to start stalking her, Sab.

Binalik niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa at pasimpleng sinundan si Agnes. Nang makita niyang lumiko sa kaliwa si Agnes ay sa kanan siya dumaan at may sasalubong sa kaniyang lalake, si Jonas. Nginitian niya ito at nag-apir sila, dahilan para dumikit sa palad niya ang maliit na papel.

Abandoned House, 4pm.

Ngumiti siya at nang tuluyan na niyang naaninag ang kaniyang mga kasama'y tinanggal niya ang itim na sumbrero niya at tuluyang bumagsak ang mahaba at kulay itim na buhok niya. Ngumiti siya sa kaniyang mga kasama at kumaway sa kanila.

* * *

Sa loob ng classroom nila Agnes, kokonti nalang ang nasa loob. Nandoon si Miko na nakaupo sa pinakahuli at katabi niya si Caleb na natutulog at may nakasabit na headphone sa leeg.

Dumating sa gilid si Francis at naupo sa armchair ni Miko. Hindi naman 'yon pinansin ni Miko at patuloy sa paglalaro ng kaniyang gadget.

"Oy, Mikotol. Ano pala nangyari kay Ocampo kanina?"

Tiningnan lang ni Miko si Francis at muling bumalik sa paglalaro. Dahil sa inis ni Francis ay inagaw niya ang hawak-hawak ni Miko at muling nagtanong, "Mikotoltolputol, anong nangyari kay Ocampo kanina?"

Napakamot si Miko sa batok at inirapan si Francis. 

"Aba ewan ko do'n," sagot na lamang niya at aagawin sana ang kaniyang gadget na ngayon ay hawak na ni Francis.

"Isa siya sa mga babae mo 'no kaya gano'n siya kung magalit sa 'yo?" tanong ni Francis habang titig na titig ng seryoso kay Miko.

Natigilan si Miko at napakunot ang noo. Sinamaan pa niya ng tingin si Francis pero 'tila hindi ito natinag sa nakakatakot na titig ni Miko.

"I'm a bad boy in the eyes of everyone, hindi casanova. Ulol ka, umalis ka na nga dito!"

"Casanova?" nagtatakang tanong ni Francis na halos magdikit na ang kaniyang magkabilang kilay. "'Diba kinakain 'yon? Yung kulay dilaw na masarap? Yung may toppings na cheese na mas lalo pang nagpapasarap?"

Si Miko naman ngayon ang nakakunot ang noo at nang ma-gets niya ang ibig sabihin ni Francis, binatukan niya ito't binulyawan.

"G*go! Cassava cake 'yon at hindi casanova! Ba't ba kita kinakausap?" napakamot ulit si Miko at tumayo na lamang para lumabas ng classroom.

Dahil sa ingay ng dalawa ay nagising si Caleb at napatingin kay Francis na hanggang ngayon ay hindi pa din kayang intindihin ang sinasabi ni Miko.

"Oy, Dimwall. Cassava cake ba talaga 'yon? Hindi casanova cake?"

Tumayo si Caleb at inirapan si Francis. Lumabas siya ng classroom na hindi sinasagot ang tanong ni Francis sa kaniya.

"Ayan, Lustre. Ang daldal mo kasi," dumating naman si Chris na tinapik ang balikat ni Francis at lumabas din ng classroom.

* * *

3:36PM

Hingal na hingal na si Agnes. Hindi na niya mahanap si Rhen na kanina pa niya sinusundan. Napasabunot na lamang siya sa sarili niyang buhok at umupo sa gilid.

Kanina pa niya sinusundan ang lalakeng gusto niyang makausap. And now, nasa pinakasulok na siya ng Sacred High at hindi niya alam kung paano aalis dito. Three years man siyang nagaaral sa Sacred High ay hindi pa rin niya alam ang pasikot-sikot dito lalo na sa mga pinakasulok at yung lugar na hindi medyo pinupuntahan ng mga estudyante.

Nang i-angat niya ang kaniyang paningin, nakita niya ang isang lumang building. Tipak-tipak na ang ibang parte nito pero nakakatayo pa din ito't hindi pa tuluyang gumuho.

3:40PM

Tumayo siya at pinagpagan ang sarili niya. Nilibot pa niya ang paningin niya at labis siyang namangha sa ganda ng paligid. Marami mang mga tambak na mga gamit sa gilid ng abandonadong building, hindi niya 'yon pinansin.

May tinatagong kagandahan din pala 'tong skwelahang 'to?

Sa 'di kalayuan ay may nakita siyang mga damuhan na punong-puno ng mga bulaklak. Pero ang saklap nga lang, nakalock ang gate nito at hindi siya magawang makapasok.

Napabuntong hininga si Agnes at patuloy na naglalakad papunta sa abandonadong building na hindi niya alam kung ano ito noon. Pinagmasdan niya ng mabuti ang building. Kung tititigan, para itong sinaunang building at nirenovate ito kaya nagkaroon ito ng sementadong parte.

Ang mga bintana ay yung naglalakihang mga bintana na kagaya noong sinauna. Yung panahon na wala pang teknolohiya.

"Ang ganda," banggit na lamang ni Agnes.

Hindi na niya namalayan ang oras kakatitig sa abandonadong building. Gugustuhin man niyang pumasok sa loob ay hindi nalang niya ginawa at tumalikod nalang dito upang bumalik sa kanilang classroom.

3:59PM

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya ang isang nilalang na nakamaskara ng kulay puti. May hawak itong tali sa kaliwang kamay at sa kaniyang kanang kamay naman ay isang panyo.

"What the--!" tumili si Agnes nang makitang nagtatakbo na papunta sa kaniya ang nilalang.

Tumakbo siya ng tumakbo, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Nagsisigaw na siya ng tulong pero 'tila walang nakakarinig sa kaniya. Lumiko siya sa gilid ng abandonadong building at doon ay halos manginig ang kaniyang tuhod nang may sumalubong sa kaniya na tatlong nakamaskara din.

Walang ano-ano'y bigla siyang hinawakan sa magkabilang braso kaya nagpupumiglas si Agnes, pilit pa rin na sumisigaw ng tulong pero huli na ang lahat nang idikit sa ilong niya ang panyo na hawak-hawak kanina ng nakamaskara.

Nawalan siya ng malay kaya pinagtutulungan siyang buhatin ng apat na nakamaskara at tumatawa silang naglakad palayo.

4:00PM

MYSTIQUE PUPPETEER
graciangwttpd

Continue Reading

You'll Also Like

614K 28.7K 40
She's destined to be a queen, and the fall of the Imperial Empire depends on her life Her name is Morta and this is her story. Genre: Fantasy/Romanc...
20.9M 765K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
1.7K 538 43
In a dramatic twist, she declared, "This could be my last dance," before leaving the stage, shocking everyone in the room. Why did she choose to halt...
459K 33.3K 53
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...