US2: Her Doubt [SPG]

By donavain

1M 18.4K 204

[Unpredictable Series II] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropr... More

Her Doubt
Pahina 1
Pahina 2
Pahina 3
Pahina 4
Pahina 5
Pahina 6
Pahina 7
Pahina 8
Pahina 9
Pahina 10
Pahina 11
Pahina 12
Pahina 13
Pahina 14
Pahina 15
Pahina 16
Pahina 17
Pahina 18
Pahina 19
Pahina 20
Pahina 21
Pahina 22
Pahina 23
Pahina 24
Pahina 25
Pahina 26
Pahina 27
Pahina 28
Pahina 29
Pahina 30

WAKAS

41.2K 860 61
By donavain

Wakas.

"Walangya! Hanggang ngayon, filipino time pa rin kayo!"

Panay tawanan lang kaming lahat. Nandito na ang mga kaibigan ko sa bahay at sa wakas ay mukhang natuloy rin ang reunion ng barkada.

Apat na taon na ang nakakalipas ng magsipag-tapos kami. Madalas ay nagkakausap usap pa rin naman kami pero sobrang bihira na ang ganitong mabuo ulit ang barkada at magkita kita ng personal.

Nabalitaan kong ngayon ang uwi ni Coreen dito sa bansa at laking pasasalamat talaga namin na ok na sya. Matagal rin na nangulila si Dave at ang anak nila sakanya. Finally, mabubuo na ang pamilya nila.

Halos lahat kami ay may kani-kaniya ng pinagkakaabalahan. Natapos ko ang pagaarkitekto kaya heto at madalas ay napupunta talaga ako sa ibang bansa. But it's always good to be back home.

Apat na taon na rin akong walang balita sakanya. Kamusta na kaya sya? Tulad ko, iniisip nya rin kaya ako? Baka naman may pamilya na sya? Ewan ko talaga...

Up until now, i consider her as my TOTGA.

"Coreen! Oh my gosh!" Nangibabaw ang matinis na boses ni Lulu. Yup! Coreen is finally back.

Lahat kami ay nagsipaglapitan sakanya at yumakap. Halata sa itchura nya na ok na sya at malakas na rin. Halos hindi humihiwalay sakanya si Daren, ang anak nila. Nagawa lang nito na humiwalay ng lapitan na sya nung kambal.

Nakakatuwa talaga minsan kapag may mga bata. Oo nga't magulo, pero masaya. Mukhang masaya talaga kapag nagkapamilya na.

"Hoy! Tama na nga yang dramahan. Dito nalang tayo magkwentuhan sa hapag." Ayon ni Inay Sera.

Susunod na sana ako sa hapag pero naramdaman ko ang biglang pagkapit ni Coreen sa braso ko. I looked at her and she just flashed a smile.

"Masaya ka ba?" Tanong ko.

"Sobra! Kumpleto na kami. Ito lang naman ang hinihiling ko eh."

"Good for you! I'm so happy para sainyo."

Huminto sya sa paglakad kaya ganun narin ako. Bigla syang tumayo sa harapan ko at panguso nguso pa. Ang tatanda na namin para magpacute pa sya. Baka may kailangan?

"Yes, Coreen?" Natatawa kong tanong.

"I saw her Zancho. Sa states. She look so good. Unlike before na mukhang nakakatakot, ang aliwalas ng mukha nya. Parang ang saya saya nya doon."

"Baka may dahilan. A husband, maybe?"

"I'm not sure. Hindi ko naman naitanong. Anyway, alam ko lang na iniisip mo kung kamusta na sya, she's fine there."

"Alam nya ba 'tong reunion?"

"Nasabi ko. Kaso imposible daw syang makauwi. Marami pa raw kasi syang dapat unahin na trabaho dun. Pero susubukan naman daw nya, hindi nga lang nangako."

Nakayuko akong napapatango. Pilit na ngiti ang ipinakita ko kay Coreen. Kahit hanggang ngayon, basta sya ang topic ay iba pa rin talaga ang dating nya sakin.

Tuloy ang kwentuhan ng barkada habang panay takbuhan naman ang mga bata. Lahat kami ay binabalikan yung mga nangyari noong college pa kami. Yung mga kalokohan, tawanan, iyakan, lahat! This feels so good.

"Mommy! Mommy! May tao po outside!" Ayon ng bibong si Daren.

"Oo nga po paps! Ayaw namin papasukin kasi baka magalit po kayo." Ayon naman ng isa sa kambal. Si Keeno ang tumayo at nagpadala sa paghila ng mga bata.

"Woah! You're here." Halos pasigaw na ayon ni Keeno.

"Guys... Si Isay!" Ayon nya pa ng makapasok silang dalawa sa loob.

Lahat ay nagsitayuan para lumapit kay Isay habang ako ay naestatwa nalang sa kinauupuan ko. Tama si Coreen, she look so good! Kung noon ay napakaganda nya, hindi ko inakala na may igaganda pa pala sya.

Nagising lang ako sa ulirat ng ipatong ni Javier ang kamay nya sa balikat ko. Tinignan ko sya at panay ngisi naman sya sa akin.

"Buddy! Ano na? This is not a dream. Tumayo ka na jan at simulan mo ng kumilos." Ayon nya bago bahagyang tumakbo palapit kay Isay.

Tumayo nga ako at unti-unting lumapit sakanila. Kusa naman silang humawi para makalapit talaga ako kay Isay.

"Ay! Yung food iniwan natin! Magagalit si Lord. Tara, balik na sa dining!" Ayon ni Lulu at hinila lahat palayo sa amin.

Nakabuka lang ang bibig ko pero walang kahit isang salita ang lumalabas. Nararamdaman ko rin ang pag nginig ng kamay ko. I've always waited for this time to come. Yung makita sya ulit ng personal. Kaso masyado naman 'tong kaba na nararamdaman ko.

"Hi! Zancho."

"Ha? Uhm.. Isay! Uhh.. Ang sabi ni Coreen hindi ka raw makakauwi eh."

"Oo nga eh. Pero nainggit ako kasi alam kong makukumpleto kayo. Hindi naman siguro makakasama kung uuwi ako sandali."

Hindi ko malaman kung anong pwede kong sabihin. Ang daming pumapasok na tanong sa isip ko pero agad mawawala dahil sa pagtitig ko sakanya.

Hinila nalang nya ako palapit sa mga kaibigan namin and to be honest, ngayon nalang ako ulit nakaramdamn ng mala-kuryente dahil sa paghawak nya sa braso ko.

Tuloy tuloy ang kwentuhan at tawanan lalo na ngayon na kumpletong kumpleto na talaga kami. Laging napupunta kay Isay ang tingin ko. Napuputol lang tuwing lalapitan ako ng kambal pero agad rin namang bumabalik sakanya ang atensyon ko.

I don't know if i should do this pero wala na 'kong ibang choice. Gusto ko lang syang makausap in private. Yung walang istorbo kaya sinundan ko sya ng pumunta sya saglit sa kusina.

"Oh! My gosh! Kanina ka pa jan?" Gulat nyang tanong. Kanina pa talaga ako nakatayo dito at nanonood lang sa bawat kilos nya.

"Uhh.. Hindi naman."

"Grabe! Pasensya na nagulat lang ako. Anyway, balik na 'ko dun ha?" Paalis na sya ng hawakan ko ang kamay nya para pigilan sya. Siguro dahil sa gulat ay agad nyang hinawi ang kamay ko.

"Sorry." Ayon ko.

"Hindi. Uhm.. Bakit? May sasabihin ka ba?"

Inaya ko sya palayo ng konti sa pintuan at humarap agad sakanya. Sobrang dami 'kong gustong itanong. May asawa na ba sya? May anak? May pamilya na? O baka naman may boyfriend palang? Engaged? Malapit ng ikasal?

"Kamusta ka?" Tanging lumabas sa bibig ko. Napangisi sya at parang nagpipigil ng tawa.

"I'm good!"

"Kamusta buhay dun?"

"Well, Hindi madali at first. Pero i manage to survive and now, masaya ako dun. Gusto ko yung ginagawa ko. I'm currently managing my own bussiness there! Can you believe it, Zancho? Hindi ko inakala na aabot ako sa point na makakapagstart ako ng sarili kong bussiness dun! Ang galing 'di ba?"

"Are you married?" Unti unting nawala yung ngiti nya. Halos 'di ko nga naintindihan yung kwento nya dahil itong tanong lang ang kanina pa talagang gumugulo sa isip ko.

"E-excuse me?"

"Uhm.. No offense! I'm just asking."

Hindi sya agad sumagot. Humalukipkip sya at mas tumalas ang pagtitig sa akin. The old Isay is back. Yung tingin nyang mala-nbi na sinusuri ako. Yung katahimikan nya na nakakakaba dahil di mo alam kung anong nasa isip nya.

"You guess." Sagot nya.

"Huh? Uhm.. Well, you've been there for a long time. Pwedeng, hindi pa? But i'm pretty much sure, may boyfriend ka dun?"

"So, ganun ang pagkakakilala mo sakin?"

Natahimik ako. Hindi! Hindi sya ganun. Hindi sya yung tipo na kahit nawalan na ng boyfriend ng ilang taon ay makakahanap agad ng panibago o papasok ulit sa isang relasyon.

"You mean to say?--"

"I'm focussing on my career and my family. After mamatay ni Lolo, Parang nawalan na ko ng gana pumasok sa isang relationship. Ayoko muna. Tsaka nalang, 'Di ba? When the right time comes? And when i find the right man nalang?"

Para akong naestatwa nalang sa kinatatayuan ko. Tinapik nya ang balikat ko at mukhang lalakad na pabalik sa mga kaibigan namin pero parang may sariling utak ang katawan at mga kamay ko at hinagit sya para yakapin.

Walang nagsasalita sa amin. I kept on hugging her so tight and hoping that she'll hug me back but instead ay unti unti nya lang akong inilayo sakanya.

"Zancho-"

"Naaalala mo pa ba? Yung mga sinabi ko sayo bago ka umalis? Until now, hinihintay pa rin kita Isay! Hinintay kita. Kahit na wala akong kasiguraduhan kung anong mapapala ko sa paghihintay sayo, naghintay pa rin ako."

"Pero- Kasi-"

"Hanggang ngayon. Ikaw pa rin, Isay! I've tried my best to forget everything about you. To throw away my feelings pero hindi ko magawa. Believe me i really tried. Pero ikaw parin eh. Ikaw lang talaga yung gusto ko. Ikaw lang talaga yung mahal ko."

Hindi ko alam kung bakit panay iwas sya ng tingin na parang may inaalala sya at hindi talaga sya komportable sa paguusap namin. She stops moving at huminga ng malalim bago ako tinignan ulit ng diretcho sa mata.

"Look! When i decided to come back at magpakita sainyo, sayo. Wala akong ibang ineexpect. Sabi ko pa sa sarili ko nung nasa eroplano palang ako, bahala na. Kung anong madatnan ko, yun na yon. Kaya kanina, tinanggap ko nalang."

"Huh?"

"You're married! You have two wonderful children. And now you're telling me this dahil lang nagkita ulit tayo? I'm not a home wrecker Zancho."

"Teka Isay-"

"Wait! Just let me talk. Kasi to be honest, the feeling is still mutual. Sobrang mahal na mahal pa rin kita despite of what happen noo. Matagal na yun. Nagawa ko ng kalimutan yun. Everyday, i still keep on thinking about you. How are you, what are you doing, hinihintay mo pa rin kaya ako, ganun."

Napapatakip ako sa bibig dahil ayokong masira ang mood nya. Gustong gusto ko ng magpakawala ng halakhak pero ayoko naman syang magalit dahil ang seryoso nya at gusto ko pang marinig ang sasabihin nya.

"I'm still in love with you. Mahal na mahal pa rin kitang hayop ka! Pero i'm not that kind of girl. I will never wreck someone's relationship just so i can have mine. What i've been wanting is still you. Pero hindi na pwede."

Napangiti lang ako dahil sa sincerity nya. Sa pagiging honest nya sa feelings nya sakin na mukhang first time nya lang ginawa. Once again, i reached for her and hugged her. She kept pushing me away pero hindi ko kinakalas ang pagyakap sakanya.

"Until now, iniintindi mo pa rin kahit na yung simpleng bagay. You should learn to ask first, mahal."

"H-huh?"

Kumalas ako at nakangiting humarap sakanya. I hold her hand bago ko itinaas ang kaliwa kong kamay.

"No ring. I'm not yet married, Isay."

"Huh? So what do you mean? Na may nabuntis ka lang?" Di ko na talaga napigilang matawa. Panay hampas sya sa braso ko at hanggang ngayon, ang bigat pa rin talaga ng kamay nya.

"Wait! Mali ka kasi. Yung kambal? Anak ni ate Sandra yun. Masyado ko bang kamukha? Kung sa bagay, kami kasi talaga ni ate ang magkamukha. Tsaka ako kasi pinaglihian nun." Natatawa ko pa ring ayon.

Lumayo sya sa akin habang nakahalukipkip at salubong ang kilay. Kusang nawala ang pagtawa ko at napalitan ng kaba. Hanggang ngayon, malaki pa rin talaga ang takot ko sa babaeng 'to.

"What did you just say?"

"Uhh... Anak ni ate Sandra tsaka ni kuya Jeff yung kambal. Tito lang ako. Iniwan lang sila saglit sakin kasi anniversary nila at tatlong araw daw sila sa Macau. I'm not yet married and i never had any relationship since we, you know? Broke up?" Tuloy tuloy kong sagot.

Inirapan nya 'ko bago mapapikit at napailing sa hangin. The moment she lend her eyes again to me, agad naman akong nakaramdam ng kaba. Napapalunok nalang ako at sinusubukang umiwas sa matatalim nyang titig.

Lumapit sya sakin at doon na 'ko sinimulang hampas hampasin. Jusko po!

"You f*ckin a-hole! Bakit di mo agad sinabi? Bakit pinag monologue mo pa talaga ako? Naiiyak na kaya ako kanina! Sira ulo ka talaga kahit kailan! Mapapatay na talaga kita!"

Kinuha ko ang kamay nya para mapigilan sya. Bukod sa gusto ko na syang makausap ng maayos, ang sakit sakit na kasi talaga ng mga hampas at palo nya.

I stared at her for a while habang sya ay habol hininga namang masama ang tingin sa akin.

"Mahal na mahal kita, Isay."

"Yea right."

"Hindi naman yun yung tamang sagot eh! Dali na kasi, Mahal." Panay ngiti ako at pa-cute. Sana gumana pa. Gwapo lang ako, kaya medyo hirap akong umarteng cute.

"Dali na daw Isay! Jusko! Hanggang ngayon magpapakipot ka parin talaga?" Sabay naming nilingon ang boses na galing kay Javier.

Lahat ay mukang kanina pang nanonood. Mga usisero talaga. O baka kasi ang lakas ng boses namin? Pwede rin na baka nagtaka na sila kasi kanina pa kami di bumabalik.

"Grabe! Akala namin gumagawa na kayo ng milagro dito. Paaakyatin na sana namin kayo sa kwarto eh!" Pang aasar naman ni Damian.

"Sagot na, Isay. Wag ng pabebe." Pagbibiro naman ni Siemon.

Ibinalik ko kay Isay ang atensyon ko at ganun rin sya. Mukha syang nagpipigil ng luha at ramdam ko ang konting pagnginig ng kamay nya.

"Alam mo naman ang sagot ko jan. Ofcourse, mahal na mahal rin naman kita, Mahal!"

And finally sya na mismo ang agad na yumakap sa akin. I can't help but to hug her tighter than before.

Isay and I started on the wrong foot. Hindi namin magawang magkasundo sa kahit na maliit na bagay. Laging may bangayan, may iringan, asaran, sigawan, name it!

Who would have thought that we'll end up together? Mukhang totoo nga ang kasabihang the more you hate, the more you love. Dahil kahit gaano pa namin kinaiinisan ang isa't isa noon, mukha namang mas higit pa ang pagmamahal ngayon.

No more waiting, no more what ifs. We've already prove how much we love each other. There's no doubt in that anymore.

Continue Reading

You'll Also Like

272K 22.1K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
1.5M 35.9K 28
SPG R18 (Series 4) Shina Francoise Esobar, despite of a very good looking sexy woman is a spoiled, bratty, liberated and manipulative bitch. Her next...
108K 374 5
For adult only... R-18 Kasal na kinasuklaman pilit na tinatakasan.... Isang pangyayaring na inakalang magpuputol sa nakaraan... Siya ngayong durugton...
56.1K 1K 25
"I am not just his FAN GIRL, I am his WIFE. " Iyan ang paulit-ulit na sinasabi at panakot ni Yanzee sa mga nakaka-away niya tungkol sa ini-idolong s...