US2: Her Doubt [SPG]

By donavain

1M 18.4K 204

[Unpredictable Series II] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropr... More

Her Doubt
Pahina 1
Pahina 2
Pahina 3
Pahina 4
Pahina 5
Pahina 6
Pahina 7
Pahina 8
Pahina 9
Pahina 10
Pahina 11
Pahina 12
Pahina 13
Pahina 14
Pahina 15
Pahina 16
Pahina 17
Pahina 18
Pahina 19
Pahina 20
Pahina 21
Pahina 22
Pahina 23
Pahina 24
Pahina 25
Pahina 26
Pahina 27
Pahina 28
Pahina 29
WAKAS

Pahina 30

25.9K 499 7
By donavain

Pahina 30

"FINALLY!!!"

Sabay sabay kaming naghiwayan sa tuwa. Sa wakas at nakapagtapos narin kami. Sabay sabay. Walang napagiwanan.

Tapos na ang graduation ceremony pero heto at nasa venue pa rin kaming labing isa. Kumpletong kumpleto ang barkada. Walang labis, walang kulang.

"So ano ng plano nyo?" Tanong ni Keeno.

"Obviously, bihira nyo ng mararamdaman ang presensya ko. It'll be ok. Kung para naman sa ikaaayos ng condition ko 'di ba?" Ayon agad ni Coreen. Yumakap lang sakanya si Dave.

"And i will be right beside her. Ako na muna ang bahala sakanya." Ayon ni Dave.

Pabirong nagtilian ang mga lalaki habang kaming mga babae ay napapangiti lang. Napaka sweet kasi nila. Sila yata ang kauna unahang couple na nabuo sa aming magbabarkada.

"Aalis na rin ako next week. Alam nyo na naman yun eh. Mamimiss ko talaga kayo." Ayon ko naman. Nakangiti lang silang lahat sa akin. Nakaakbay naman sa akin si Javier at tinatapik tapik ang balikat ko.

"Mamimiss ka rin naman namin." Ayon nya.

"Oo nga! Even though madalas ka naman talagang parang aninong nakasunod lang sa amin, pero seriously, iba pa rin kasi kapag nakikita ka namin." Ayon naman ni Lulu.

"Basta, there will come a day na mabubuo ulit tayong lahat! And i bet, successful na tayo nun." Ayon naman ni Siemon.

Naghiwayan nanaman sila bilang pag sangayon! Sana nga, at sana rin, when that day comes, naayos ko na talaga ang buhay ko.

"So? Despedida ko this coming friday. Walang aabsent ha! Please lang." Ayon ko pa.

Eversince, sila sila na ang kasama ko. Hindi ko lang sila kaibigan, pamilya ko na sila. Pamilya na namin ang isa't isa. Kahit madalas ay nagkakairingan ang iba, hindi rin lahat ay sangayon sa gawain ng ilan, in the end, heto at kami kami pa rin naman ang magkakasama.

Friendship goals kung maituturing. Kung sana lahat ng makakasalamuha ko ay ganito ang ugali at tatanggapin ako, siguro mas magiging madali lahat.

"Anak! Let's go? Hinihintay na tayo ng lolo at lola mo." Masayang ayon ni Papa. Tumango lang ako habang nakangiti sakanila.

Natanaw ko ang pamilya ni Zancho na halos katabi lang rin ng sasakyan namin ang sasakyan nila. Nagawa pa silang batiin ng mga magulang ko kaya napunta na talaga sakanila ang atensyon ko.

Hindi napuputol ang pagtititigan namin ni Zancho habang naguusap ang mga magulang namin. Hindi namin magawang magusap. Kahit papaano ay natutuwa nalang ako kanina na kahit may ilangan pa rin sa aming dalawa ay hindi yun naging hadlang sa kasiyahan namin kasama ang mga kaibigan namin.

Inaya na ako ni Mama na pumasok sa loob ng sasakyan. Muli ay nagkatinginan pa kami ni Zancho habang nasa labas ng sasakyan at halos sabay na yatang papasok.

After what happened, this is actually the first time that we smiled genuinely to each other. Walang halong kaplastikan. Totoo lang! Tumango ako bilang pagpapaalam sakanya at ganun lang rin ang ginawa nya.

Habang nasa daan ay di ko maiwasang mapailing habang nakangiti. Kung tutuusin ay ito na yata ang pinakamabilis na pagkalimot ko sa kasalanang nagawa sakin. Parang halos mabura na lahat sa isip ko yung nangyari. Basta purong saya nalang ang nararamdaman ko ngayon.

"Aba! Mukhang tuwang tuwa ka na nakatapos ka na hah!" Ayon ni Mama na nakatingin lang sakin mula sa rear-view mirror.

"Sigurado ka ba anak na ok lang na sumama ka sa amin sa States? Pwede ka namang maiwan dito sa tito mo kung ayaw mo talaga. Ayos lang sa amin." Ayon naman ni Papa habang di inaalis sa daan ang tingin nya.

"Ayos lang po. Gusto ko rin namang sumama talaga sainyo. Bagong simula ulit! Gusto ko po yun. Tsaka ayoko naman po iwan basta basta si Lolo."

"Well if you're really sure about that, then we're so happy na sama sama tayo dun."

Tama! Sama sama kami. Yun naman yung importante sa akin ngayon eh. Yung hindi ako mahiwalay sa pamilya ko.

Ano kayang naghihintay sa akin dun? Sino sino kaya yung mga makikilala ko? Makasundo ko naman kaya sila? Maging maayos kaya ang buhay namin dun?

Sobrang dami ng pumapasok na tanong sa isip ko. Pero kahit na ano pang mangyari dun, wala na akong pakialam. Maganda man o hindi ang kalabasan ng pagalis ko, atleast alam ko sa sarili ko na sinubukan ko. No regrets!

* * *

Ngayon ang despedida namin and as expected, kumpleto kaming magkakaibigan. Kahit nga ang Lolo at Lola ko ay tuwang tuwa na lahat sila ay nakarating.

"Aalis na sila Isay! I'm so sad na talaga!" Pagbibiro ni Damian.

"Truely! Why does she have to go pa kasi?" Pagpatol naman ni Javier.

"Mga friendship! Maybe it's for her own good na rin, right?" Pagsali pa ni Siemon.

Nagkasundo nanaman itong tatlong ugok na to. Tuwang tuwa nanaman sila sa kalokohan nila. Ang sarap talagang pagbabatukan isa isa!

"Oy Isay ha! Walang kalimutan. Ang daming paraan para magkaroon tayo ng communication, wag kang pa-busy lagi." Ayon bigla ni Cairo.

"Uy! Buhay ka pa pala, Cai? Ngayon nalang kita naramdaman ah?" Pagbibiro ko naman na ikinatawa ng mga kaibigan ko. Totoo naman kasi. Parang all of a sudden biglang hindi na namin sya naramdaman.

"Grabe! Masaya ka na nyan?" Ayon nya pa. I just laughed and hugged him.

Nagkakasiyahan na ang lahat. May kani kaniyang usapan bawat table. Pero pansin ko na sa table naming magkakaibigan ang pinaka maingay. Nagsorry pa ako kila Lolo pero wag ko daw intindihin at nakakatuwa pa nga daw kasi kami.

Pumasok muna ako sa loob ng bahay sa may comfort room. Paglabas ko ay didiretcho na sana ako sa mga kaibigan ko pero sandali akong hinarang ni Zancho.

"Teka lang! Is it... uhm... ok lang ba na magusap tayo? In private?" Tanong nya. Tumingin muna ako sa labas bago ibinalik sakanya ang atensyon ko at tumango bilang sagot.

Nandito kami sa may fountain. Kung tama ang pagkakaalala ko, dito halos nagsimula ang lahat. Although sa kwarto naman talaga nagsimula, pero dito yung lugar kung saan una kong napansin na may kakaiba sakanya.

Here is where i first saw his charms.

"Ano kasi. Hindi kasi kita makausap ng sarilinan pag kasama natin sila. Thank you pumayag ka."

"No problem. Ano bang sasabihin mo?"

Saglit syang tumahimik. Hindi ko malaman kung anong tumatakbo sa isip nya o kung ano ba talagang pwede nyang sabihin sakin.

"Aalis ka na. At first, nung binalita mo yun samin. Akala ko ok lang. Bakit naman kasi hindi magiging ok sakin, 'di ba? Kaso ngayon kasi na ilang araw nalang at aalis ka na talaga. Parang bigla akong sinampal." He paused for a second at tinignan ako ng diretcho sa mata.

"Alam kong wala ng pag asa. Wala rin naman akong balak na pigilan kang umalis o pilitin ka na tanggapin ako ulit. Kailangan ko lang talaga sabihin to sayo."

Lumapit sya sa akin at kinuha ang dalawa kong kamay. He kissed it then he looked straight into my eyes again.

"Nagiisa ka lang Isay. Ikaw lang. mahal na mahal kita. I'm not saying na mahalin mo ko pabalik. I'm not even demanding na tanggapin mo ko ulit. Pero, ikaw lang ang minahal ko Isay. Gusto ko lang na malaman mo yun."

Ibinaba nya ang kamay ko pero hindi pa rin inaalis ang paghawak roon. Lalo pa syang lumapit sa akin. Hindi ko rin maalis ang mga tingin ko sakanya. Para bang inaaral ko ang bawat sulok ng mukha nya dahil ayoko na baka makalimutan ko ang itchura nya.

"I love you so much. Mahal na mahal kita. Hihintayin ko ang pagbalik mo. Kung magkataon na may pamilya ka na nun, walang kaso! Tatanggapin ko. Kasi hindi naman kita tinatali ngayon. Yun lang ang desisyon ko. Kung ano namang maging desisyon mo, basta masaya ka! Magiging masaya narin ako."

I smiled habang pinipigilan na may luhang pumatak. Ayoko talagang umiyak ngayon. Ayoko ngang makaramdam ng lungkot eh! Gusto kong umalis ng masaya.

"Sira ulo ka talaga! Akala ko matatapos 'tong araw na to na masaya lang. Nagiging hobby mo na magpaiyak ha." Pagbibiro ko.

Napailing lang sya at ngumiti bago ako inilapit lalo sakanya at niyakap. Yumakap ako pabalik kaya mas lalo naman nyang hinigpitan ang pagyakap saakin.

Hindi ko alam kung kailan ko ulit sya makikita, kung kailan ko ulit mararamdaman itong yakap nya. Pero sana, Kung pwede lang talaga ay tumigil muna ang oras ngayon.

Aalis man ako, sigurado akong aalis ako na masaya at walang naiwang problema. Lahat ay nasa lugar. Lahat ay nasa ayos na.

I'm definitely not having any doubts anymore.

Continue Reading

You'll Also Like

655K 5.8K 25
The Stripper and The Boss.
2.3K 59 9
Blurb: Dahil sa isang aksidente, naging driver ng bilyonaryong si Keiran Monreal ang seksing tricycle driver na si Avianna. At first, it was just a p...
2.6M 6.5K 7
SPG/R18/Not Suitable for young readers/Read at your own risk... Her name is Alyana Jane Sarmiento. Isang babaeng medyo may kahirapan ang buhay. Nguni...
56.1K 1K 25
"I am not just his FAN GIRL, I am his WIFE. " Iyan ang paulit-ulit na sinasabi at panakot ni Yanzee sa mga nakaka-away niya tungkol sa ini-idolong s...