Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.9K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
epilogue
note

32.

770 36 5
By hannahdulse_

Back and replace.

"Agnes? Agnes.."

Bago pumikit ang sarili kong mga mata, isang puting liwanag ang sumalubong sa 'kin. Ramdam ko ang sunod-sunod na paghinga ko at ang tibok ng puso ko.

Pinakiramdaman ko ang paligid. May malakas na musika galing sa labas, ang tunog ng electric fan at ang--wait, nasaan ako?

"Agnes, gising na may pasok ka pa!" 

Tuluyan na akong napadilat at napaupo sa kinahihigaan ko. Taas-baba ang dibdib ko sa sunod-sunod na paghinga ng malalim na 'tila galing ako sa tubig at matagal na hindi nakahinga.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng pamilyar na kwarto. Ang kabinet na may poster pa ng paborito kong banda, ang dingding na punong-puno ng posters sa mga iniidolo ko. May maliit na bookshelf na may maraming libro na hindi well-arranged dahil ang gulo ko talaga when it comes to books.

I'm inside my room. 

I'm freaking inside my own room. Nasa gilid si mama habang inaayos ang basket na may lamang lalabhing damit.

Kinapa-kapa ko ang sarili ko, chine-check kung talagang totoo 'to. Kung hindi 'to panaginip. I even pinched my face at napa-aray ako sa sakit.

"Oh, Agnes. Ano pang ginagawa mo diyan? Maligo ka na at male-late ka na!"

* * *

Hindi ko magawang isipin na nandito ako sa bahay, kasama si mama, papa at kuya Joel. Nakatunganga lang ako sa hapag habang sila ay nakaka-round two na. 

I am now wearing the Sacred High's uniform. Nakasabit na ang ID ko, ready na ang bag ko. Pero hindi ko talaga magawang maisip na nandito na ako kasama ang pamilya ko.

What happened after that incident? Binaril lang naman ako ni Hazel tapos pagmulat ng mga mata ko, nandito na ako. Buhay na buhay. I can even feel my heartbeat. Pati na din ang paghinga ko.

I am completely alive and kicking.

"Lutang utak ni Agnes, ma. Nagka-boypren na siguro."

Napatingin ako kay kuya na ngising-ngisi. I tried reading his thoughts kung may alam ba siya. Pero parang wala. Anak ng unggoy, ano ba talagang nangyari? 

Bakit parang walang maalala si kuya? Bakit buhay na buhay siya kahit na sa harap ko pa mismo siya binaril? 

"Nagkaboyfriend? Agnes, totoo ba?" halos mapatalon ako nang mapatingin sa 'kin si papa na magkasalubong ang kilay.

Umiling-iling ako at hinawakan ang kutsara't tinidor para magsimula ng kumain. Actually, wala akong ganang kumain ngayon dahil sa mga nangyayari. 

"U--Una na po ako," dali-dali akong tumayo matapos kong sumubo ng isang kutsarang kanin at ulam. Nanginginig pa ang tuhod ko pero wala akong pake, kinuha ko yung bag ko sa sala at lumabas ng bahay.

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ni papa sa 'kin. Sabay kasi kami palaging maglalakad since walking distance lang ang opisina niya at ang skwelahan na pinapasukan ko. But now, sheet. 'Di ko na alam kung ano ang nangyari sa 'kin.

Para bang ayokong may kasama ako. Gusto kong mapagisa. Gusto kong mag-isip mag-isa.

"Good morning!" bati ng gwardiya kaya napaatras ako. Ang laki ng ngiti niya. Abot tainga. 

Papaanong nagbalik na siya sa sarili niya? Oh, geez. Don't tell me na nagbalik na nga ako dito sa reyalidad?

"G--Good morning din, kuya," napayuko ako at dali-daling pinakita ang ID bago ako pumasok sa loob ng Sacred High.

Sacred High..

Finally, I'm back. Ngayon ay kailangan kong kausapin ang mga kasama ko--

"Francis?" napangiti ako at parang bata na tumatakbo kay Francis na busy sa pakikipagkwentuhan sa mga barkada niya. Kasama pa niya si Chris at Joseph. I didn't know na magkaibigan pala talaga sila.

"Hey, guys!" ngiting-ngiti pa ako at tumigil sa gitna nila.

Tinitigan lang nila ako. Pati ang mga kasama nila na hindi ko kilala, parang matatawa na ewan. 

"Excuse me, miss?" tumayo si Joseph at lumapit sa 'kin. 

"Joseph--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang marinig kong may sumigaw ng pangalan ko. 

"Agnes, tara na sa classroom?" sinukbit ni Hazel ang kaniyang kamay sa braso ko at hindi na niya ako hinayaang sumagot pa dahil hinila na niya ako palayo sa grupo nila Chris.

* * *

"Ba't mo kinakausap ang mga lalake na 'yon, Agnes?" tanong ni Hazel habang naglalakad kami papunta sa aming classroom.

Marami-rami pa ang mga estudyanteng nasa labas ng corridor, nasa peace park at lalo na sa cafeteria na makikita lang mula dito sa ibaba ng building. Ang aga pa kasi.

"Why? Bawal ba?" confused, natigilan ako sa paglalakad at titig na titig kay Hazel.

Ba't niya tinatanong kung ba't ko kinakausap sina Francis?

"Oy, Agnes. Gising. Kaklase natin sila pero hindi mo sila ka-close. Ang tahimik mo kayang klaseng estudyante sa section natin. Sige nga, kailan pa kayo naging close ng mga 'yon?"

Mas lalo akong naguluhan. We treated each other as bestfriends and a team. Pero heto, sasabihin lang ni Hazel sa 'kin ng harap-harapan na hindi ko ka-close sila?

Sasagot pa sana ako nang makita ko ang pamilyar na lalake na naglalakad habang nakayuko. Nakabukas pa ang upper button ng polo niya kaya kita ang itim na T-shirt na nasa loob ng polo niya.

Medyo magulo ang kaniyang buhok at ang bangs niya'y natatakpan ang kaniyang mata. Ang kulay kahel ng kaniyang buhok ay lumiliwanag dahil sa sikat ng araw.

"Miko?" iniwan ko saglit si Hazel at patakbong sinundan si Miko.

Nakalabas na kami ng building pero hindi pa rin siya humihinto. Lumiko siya at doon ko lang napagtanto na ang tahimik na garden siya pumasok. Doon ay humiga siya sa bench na nasa gilid, tinakpan ang kaniyang mata gamit ang kaniyang sariling braso.

Walang ano-ano'y lumapit ako sa kaniya at kinalabit ang kaniyang braso.

"Can't you see? I'm sleeping," halata sa boses niya ang lalim nito at parang pagod.

Muli ko siyang kinalabit kaya napabalikwas siya ng upo sa bench, ang sama-sama ng tingin niya sa 'kin.

"What the hell? Go away. I'm going to sleep."

Babalik sana siya sa pagkakahiga pero pinigilan ko siya.

"Miko. Hindi mo ba ako maalala?" tanong ko kaya titig na titig siya sa 'kin habang nakakunot ang noo. "Just answer my question, Miko Suarez. Alam kong may kakaiba ngayon--"

"Kilala kita."

Nanlaki ang mga mata ko at halos lalabas na ang puso ko sa saya. Akala ko hindi niya ako kilala. Kanina kasi, hindi ako nakilala ni Joseph. Tapos si Hazel--

"Kaklase kita. Umalis ka na at matutulog pa ako."

Para akong tinusok ng karayom sa dibdib dahil sa sinabi niya. Ba't ganito? Ba't kinalimutan nila ako? 

Tumayo ako at iniwan si Miko doon sa garden. Bagsak ang balikat ko dahil hindi ko tanggap na pati siya, hindi niya ako nakilala.

Nakita ko si Hazel na nakatayo pa din sa gitna ng corridor, parang hinihintay ako.

"'Nes! Saan ka ba galing, ha?" bungad niya sa 'kin.

Napatampal ako ng noo ko at napayuko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon. Nakalimutan ba nila ako? Sht.

* * *

For once, can I control the time? Pwede ko bang i-fast forward para matapos na 'tong klase ni ma'am?

I badly want to talk to Caleb. Pagpasok namin kanina, dumating na agad ang guro namin sa math. Ni-hindi man lang ako nilingon ni Caleb kahit na every second ay tinitingnan ko siya.

"'Nes, matutunaw na si kuyang pogi niyan sa 'yo. Ako'y nahihilo sa ginagawa mo, eh."

Hindi ko sinagot si Hazel at bagkus ay umayos ako ng upo dahil napatingin sa amin si ma'am. Inirapan niya lang kami at patuloy lang sa pagde-discuss tungkol sa lesson namin. Kahit na ilang minuto na siyang nagsimulang mag-discuss, hindi ko pa rin kayang i-absorb sa utak ko ang lahat ng mga numero at signs sa utak ko.

Punong-puno na ng mga solution at formula sa blackboard pero hindi ko pa rin naintindihan ang nakasulat doon. 

"That's all for today!" announce ni ma'am kaya masayang-masaya akong napatayo para iligpit ang libro at mga gamit ko. 

Lalapitan ko na sana si Caleb para makipagusap sa kaniya pero may pumasok sa classroom namin na lalake, may maliit na oval-shaped eyeglasses, wearing a white polo. Hindi ko siya kilala pero alam kong parte siya ng Sacred High.

"Hi, class! Pasensya na sa istorbo pero, pwede ko bang makausap ang class president?"

Yeah, right. 

Binaba ko ang libro na nasa kamay ko at lumapit sa lalakeng nakasuot ng salamin. Tinaas ko pa ang kamay ko.

"Sir--" natigilan ako.

"Oh! Mr. Lee! Ikaw pala ang class president dito?"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ang lalakeng may suot din na salamin. Gulo-gulo ang buhok niya at halatang kanina pa siya nagsusulat sa mga formula dahil may tinta ang kanang kamay niya.

Sino 'to?

"Yes sir. What can I do for you, sir?" napatingin din siya sa 'kin. "And you must be--?"

"Agnes Ocampo. Magpapaalam lang kasi sana ako na pupunta ako ng banyo," ngumiti pa ako ng napakalapad para hindi mahalata na hindi ako komportable.

Seryoso, sino 'to? Why is he taking my position as the class president, aber?

"Okay. Be back on time for the next subject," sagot niya at muling hinarap ang lalake na gustong makausap kuno ang class president.

Yukong-yuko akong lumabas ng classroom at tinahak ang daan papunta sa banyo. Nang makapasok ako, sinandal ko ang ulo ko sa pinto at huminga nang malalim. 

Ang weird ng araw na 'to. Una, kinalimutan nila ako. Ngayon naman, napalitan na ako sa pwesto ko?

"Gosh. Ano ba 'tong nangyayari?" lumapit ako sa lababo at nanghilamos sa maligamgam na tubig. 

Nakabalik na nga ako. Buhay nga ang mga kaibigan ko at si kuya Joel pero heto, hindi nila ako kilala.

Umayos ako ng tayo nang may pumasok sa girl's comfort room. Sinilip ko siya sa reflection sa salamin sa harapan ko. Mahaba ang buhok niya na nakalugay, maganda ang build ng kaniyang katawan at maganda siya. 

Suot-suot pa niya ang kaparehong uniporme namin pero ang pinagkaiba, necktie ang sa kaniya. She must be someone with a powerful name, eh.

Napakunot ang noo ko nang makita kong nagre-retouch siya. Hay. People nowadays, kahit high school pa, nagme-make up na.

Umiwas ako ng tingin nang mapatingin siya sa 'kin. Nagkunyari nalang ako na naghuhugas ng kamay at kumuha ng tissue sa gilid. 

"Hi," even her voice sounds like an angel. Darn it. Nakakatomboy. "I'm Andrea Bonifacio, running as school's vice-president. See you around!"

Hindi na ako nakasagot pa dahil nakalabas na pala siya ng banyo. Nang mapatingin ako sa pwesto niya kanina, may isang notebook akong nakita sa sahig kaya lumapit ako doon at kinuha 'yon. Sisigaw pa sana ako na naiwan niya 'tong notebook niya pero napahinto ako.

Binuksan ko yung notebook niya at ini-scan.

Andi.

Wala akong makikitang notes about sa lesson nila. Puro mga signatures lang, mga random names at--

Andrea "Andi" Bonifacio at your service! 

Natawa nalang ako sa nakasulat sa notebook niya. It was all about her. Her some kind of.. diary? Siguro.

May mga flames pa dito na pinag-pares ang dalawang pangalan. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko, ang pamilyar na pangalan na naka-doodle pa at may mga puso-puso sa gilid at ang pangalan ni Andrea.

"Caleb Dimwall <33 Andrea Bonifacio."

What the heck? Sino na naman 'tong Andrea na 'to? Gulong-gulo na nga ang utak ko sa bagong class president ng section namin tapos heto, may panibagong gugulo ulit sa utak ko?

* * *

Nang makabalik ako dala-dala ang notebook ni Andrea, mga boses ng mga kaklase ko ang bumungad sa 'kin. Probably, walang subject teacher ang pumasok. Kaya siguro ang ingay nila dahil walang pumasok na guro sa amin.

"Rhen! Magkano ba ang ibabayad?" 

"Ang iingay niyo!"

"'Yang bunganga mo, isara mo din! Nyeta, Rhen! Magkano nga babayarin namin diyan?"

Hindi ko nalang sila pinansin at dire-diretso sa upuan ko. Pinatong ko ang kulay pink na notebook sa lap ko. Ewan ko pero parang gusto ko 'tong itapon o isunog. Ba't kasi nandito ang pangalan ni Caleb? And why am I feeling like a jealous girlfriend?

"'Nes! Amina five pesos mo, ako na magbabayad doon."

Napatingin ako kay Hazel at kinapa-kapa ang bulsa ko.

"Ano meron?" nang makapa ko na ang walet ko, kinuha ko 'yon at binuksan ang zipper, pinatong sa kamay ni Hazel ang five pesos.

"May festival kasi, eh. Every section dapat merong decorations at handa. Competition kasi 'to overall sa Sacred High. Sana manalo tayo," ngumiti si Hazel at tumayo tsaka iniwan akong tulala.

Festival? Sa pagkakaalala ko, tapos na yung festival namin last month. Ako pa nga yung nag-collect ng mga kakailanganin namin. Ako pa yung nag-announce sa mga kailangang dalhin na mga pagkain. Ako yung--

Dali-dali akong humarap sa likod na kaklase ko--si Jenny na hindi rin ako nakilala at parang kaklase lang din ang turing sa akin.

"Pst, Jenny. Anong date nga pala ngayon?"

"July 5, 20**."

Nagulat ako. J--July 5? Ito yung araw na walang pasok whole day dahil pinagplanuhan namin ang festival! Sht! Ayoko na. Ba't bumalik ang araw kung kailan yung festival? Eh, one month ago pa 'to!

"Anong problema, Ocampo?" tanong ni Jenny kaya napatayo ako at agad na napatingin kay Caleb.

Should I talk to him? Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko. Dapat kasi August na pero heto, bumalik sa July ang month. Geez.

Hindi pa ako nakakahakbang palapit kay Caleb, dumating na si Hazel na may malapad na ngiti sa labi.

"'Nes, ano nga pala ang dadalhin mong pagkain?"

"Okay, classmates! Line-up para magpalista. List down your names and your food na dadalhin next week sa festival!"

"Miss President! Magvo-volunteer nalang ako para sa cartolina. Ten pieces, promise 'yan."

"Good! Sino pa ang mag-volunteer?"

"Miss President! Ako din. Dahon ng saging ang dadalhin ko."

"'Nes. Hello? Are you there, over the pader?"

Napakurap-kurap ako. Muli kong nakita ang mukha ni Hazel. Ang nag-aalalang mukha niya. Napapikit ako.

I still remembered this day. Yung nasa harapan ako at sumisigaw para lang marinig ang boses ko. Naga-announce sa mga dadalhin na pagkain at gamit. Yung naghahanap ng mga volunteers kung sino ang magdadala ng ganoon, ganito at ganiyan.

And now, isang normal na estudyante na ulit ako. Ibang class president na ang nasa harapan, nag-papakabusy para sa festival.

"Hazel, pwede ba tayong mag-usap na tayo lang?"

"Sure!"

* * *

Dinala ko si Hazel sa labas ng classroom dahil ang ingay doon. Humarap ako sa kaniya at naghanap ng lakas ng loob upang itanong 'to.

"Who's that bespectacled guy, Hazel?"

I heard her laughed na para bang isang napakalaking joke 'tong tanong ko.

"Omg, 'Nes. 'Di mo kilala? Si Rhenandriel Lee, ang ating class president?" umiling ako.

Rhenandriel Lee? It doesn't sounds familiar to me. Sino ba siya? 

"No. Sino-sino ba ang mga class officers?" 

Narinig ko siyang nagbuntong-hininga, "Jasmine Ortega, ang ating Vice President. Andrea Bonifacio, ang ating secretary and running as school's vice president. Si--"

"Okay that's enough. I need water," hinang-hina akong pumasok sa classroom at umupo sa upuan ko.

Kaklase ko si Andrea Bonifacio, ang babaeng isa din sa gumugulo sa isip ko.

Huh. Ano 'to, nagtime-travel ako? Tapos sa pag-time travel ko, iba na yung mga nasa posisyon ng mga class officers? Great.

MYSTIQUE PUPPETEER
graciangwttpd

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 76.8K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
Our Deadly Pact By bambi

Mystery / Thriller

5.9M 187K 55
Book 1 of the Pact Series (also known as Our Suicide Pact) (Warning: This story was written in 2013 when I was around 15-16 years old. A plethora of...
8.9M 324K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
57.5K 1.6K 54
A novel. Isang aksidente ang bumago sa buhay ni Allyna Victor. Isang aksidente na hindi niya inaakalang mangyayari sa oras pa kung kailan niya makik...