Right Side: Mira Tan Chan =) Guys sorry kung minsan hindi ko narereplyan yung PM at messages nyo sa message board ko. Andami na kasi. PERO BINABASA KO PO YAN =)
Part 3 Mira's POV
I really really like CK! Gwapo na. Mabait pa. He sings well. Plays guitar. Super hot! Mayaman. What more can I ask for? :">
Pero..
Pero..
May Elle Clemente na siya.
Si Elle Clemente.
Ang ganda. Hot. Masama nga lang ang ugali.
Pero..
Ang ganda talaga niya. Ano ba namang panama ko?
Sa totoo lang..
Matagal na talaga akong may gusto kay CK. Pinakita sa akin ni JM ang banda niya. At si CK kaagad ang kumuha ng atensyon ko.
Simula noon lagi akong nakasuporta. No. 1 Fan talaga ako! Pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob puntahan siya. Nagdahilan pa ako na magbabakasyon ako. Pero, gusto ko lang talagasiya makita.
Kaso.. Paano naman yun? May Elle Clemente na pala siya. Akala ko dati nalilink lang, ngayon totoo na pala.
"Here."
Biglang may ice cream sa unahan ko. Tiningnan ko sino yung nagabot at..
*O*
:">
"CK?"
Nagsmile lang siya sa akin. Inabot niya yung ice cream tapos umupo sa tabi ko. Kumakain siya ng ice cream.. Ang gwapo niya.
"B--Bakit.. >///< Ka nandito?"
"Ayaw mo?"
"HINDI!!!!! Este.. Hindi naman! Kaso.. Huh?"
Hindi ko na alam ang sasabihin ko kasi kinikilig ako eh! Tawa lang siya ng tawa. Habang nililipad ng hangin ang buhok niya..
"Mira."
"Yes?!"
"Do you hate Elle?"
=____=+
Para pala kay Elle ito. Isosorry niya ba si Elle? Puro Elle! Elle!
"You know what? If you're here just to apologize for that Elle.. Forget it."
Nagsmile na lang siya. :| Hindi ba siya marunong mainis? Sinigawan ko siya eh.
"Ayaw mo talaga?"
"AYAW."
"Alam mo mabait naman talaga si Elle. Sobra. Maraming nagjujudge sakanya sa ginagawa niya ngayon, pero kasi.. Hindi kasi nila alam.. Kung sino si Elle. At bakit siya naging ganun."
Sinasabi niya yun habang nakatingin sa isang batang babae naglalaro. Mahal niya talaga si Elle? :(
"You.. Do you.. Do you love her?"
Napatigil siya. Huminga.
Tapos..
"Oo eh. Hindi ko alam kung paano pero.. Tinamaan talaga ako."
Aray.
Bakit ko ba kasi pa tinanong alam ko na din naman ang sagot. Para akong lumalaban ng pamanhidan sa bato. :|
"Do you.. Like me?"
O____O3
Ano daw? Tinanong niya ba ako noon?! O////O!! anong sasabihin ko? Nakakahiya kaya umamin..
"Yes."
"^____^V Ayaw mo talaga tanggapin ang sorry ni Elle?"
"*roll eyes* Ayaw ko nga. Wag mo na ipilit!!"
"Sige ha. Walang bawian! Kahit magluhod luhod ka pa diyan."
"Oo nga! Ang kulit mo naman!"
"Sayang! Sabi ko pa naman sakanya na ang paraan ko para magsorry ay ang idate ka. Kaso ayaw mo naman tanggapin. Sige. Hindi na lng kita idadate. Sige! Bye Mira."
O______O
ANODAAAAAAAAAW?!?
Date?! As in ATE with a D?! Yung tipong magmomovie kami, magdidinner, shopping etc. TOGETHER?! AS IN?!
"HOY CK TEKA LANG NAMAN!!"
"Yes?"
"Kung ang diyos nga nakakapagpatawad ako pa kaya?! SIGE NA! BATI NA KAMI NI ELLE. So kelan ba ang date natin?"
Tumawa na lang siya doon. Ang sarap panoorin yung tawa niya. Parang todo bigay pati ikaw mapapatawa. Nakakainis. Naiinlove ako lalo.
"Osige. Mamaya date tayo. Saan mo ba gusto?"
"Amusement Park!"
"Osige! ^___^"
Nakasmile lang siya. Di ko mapigilang di tumitig. Bakit ang kinis niya? Bakit ang tangos ng ilong niya? Bakit--
"Oh wag mo naman ako titigan baka mainlove ka sa akin."
Eh inlove na nga ata--
"May Elle na ako."
</3
Kelangan talaga sabihin pa yun? :(
Assuming naman kasi ako. Kaya nga nakikipagdate para kay Elle. Hindi dahil sa gusto niya. Lagi namang si Elle..
Maya maya lumapit na si Elle.
"CK!"
"Elle!"
Tapos hinug niya si Elle. Hindi ata nakita ni Elle na nandito ako.
"Ang sakit ng tiyan ko. Sama talaga ng pakiramdam ko."
"Huh? Bakit? Ano ba kinain mo?"
"A lot? I can't remember! :("
"Halika bili tayo ng gamot."
Tapos hinawakan niya si Elle sa bewang. Tapos inalalayan maglakad. Bakit ganoon? Kahit saang anggulo ko tingnan. Bagay na bagay sila?
Lahat naman ata perfect couple kapag si Elle. :/
Naghintay lang ako dito, lumapit sa akin si Jano.
"Bihis ka daw."
"Huh? -__^"
"Susunduin ka daw ni CK. Pabalik na daw sila ni Elle."
Tapos umalis na siya. Weirdo talaga ng Jano na yun.
Nagayos naman ako! Siyempre nagpaganda ako! Minsan lang sa buhay ng babae na makadate yung matagal na niyang gusto! Isa pa..
Celebrity pa siya! Busy! Tapos ganito? :""""> Hihihi Anubeeey. Kinikilig ako!
Maya maya dumating na si CK. Nakaleather jacket tapos white shirt and pants lang siya pero super breath taking siya. Ö
"Hello there My lady." tapos inabot niya sa akin ang kamay niya..
Omayghaaaaad!!! Wala na bang mas gagwapo at gentleman pa dito?! Kasi kung meron.. WALA AKONG PAKIALAM!
I like CK!! :">
Dinala niya ako sa kotse niya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto.
"Mira."
"Y--Yes? ^////^"
"I'm sorry hindi na kasi matutuloy ang date natin sa Amusement Park."
O____O
Nadurog ata ang puso ko. Pagkatapos kong maging masaya? Biglang hindi na pala tuloy.
"Ahhh.. Okay lang."
Nangingilid ngilid pa yung luha ko.
"Uljima."
Huh? Ano daw? Bakit ba kung ano na pinagsasasabi nitong--
"Don't cry. Date lang naman sa amusement park ang di matutuloy eh. I'll take you to a better place. Madami kasing tao sa Park. Mababalita na naman ako. ^___^V Mianhe."
Ibig sabihin tuloy ang date namin? :"""> Naks naman! =)
Nagdrive lang siya ng kotse niya. Ang sarap kasi hindi siya normal na kotse.. Yung open. >___< I don't know anything about cars.
Hanggang sa makarating na kami sa venue ng 'date' namin.
6PM na. Wala ng araw. Sobrang mahangin kaya masarap.
Nandito kami sa parang bundok.. Pero tanaw mo yung buong city. Parang hill lang. Tapos may nakahanda ng picnic blanket with foods sa ilalim ng isang puno na madaming ilaw.
Wow. *O* Ang Romantic!
"So.. Shall we?" tapos inabot niya sa akin ang kamay ko.
Everytime talaga na hahawakan ko siya, parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. :"> Kumain lang kami doon. Ang chill ng place. Ang sarap ng hangin, at noong 7PM na, dumami na ang mga stars. Kumain lang kami, at nagkwentuhan.
Madami dami din akong nalaman sakanya.. Na takot siya sa ipis pero hindi siya takot sa ahas at.. Hindi siya kumakain ng gulay. Mga ganoong bagay. Para siyang bata pero super gentleman talaga siya.
Maya maya, Kinuha ni CK ang gitara niya at kinantahan ako.
(Now Playing: Your Guardian Angel by Red Jumpsuit Apparatus)
"When I see you smile, tears roll down my face I can't replaceee. And now that I'm strong I have figured out. How this world turns cold and it breaks through my soul and I know. I'll find, deep inside me, I could be the one."
Nakatitig lang siya sa akin the whole time. Matutunaw na ata yung puso ko. Buong oras na magkasama kami hindi nawawala yung ngiti sa mukha ko!
"I will never let you fall.. I'll stand up with you forever. I'll be there for you through it all.. Even if saving you sends me to heaven."
Ako! Ako ang nasa heaven! :"> Natapos siya tapos kinindatan niya ako.
Sa tingin ko, hindi ko na ito mapipigilan..
Aamin na ako.
Aamin na ako na gusto ko siya!
"CK/Mira."
"Yes?" sabay na naman namin sinabi.
"I have something to say."
:"""> Anobayan. Sabay naman kami ng sabay. Kinikilig na ako!
"You go first. Ladies are always first." sabi niya. NAMAN OH! :">
Sige na nga..
This is it..
"CK!! I LIKE YOU! I really do! Simula pa lang ng career ng ICL Koala, nakabantay na ako.. Number 1 fan niyo ako! Pero hindi ako nagpakilala. Kasi sabi ko sa sarili ko gagawin ko lahat para magustuhan mo ako. Na gagawin ko ang lahat para maging bagay tayo. Kaya inimprove ko ang sarili ko para maging ganito tayo. ^___^ Ayun lang. Super I like you."
WOOOOOW! Ang sarap naman sa pakiramdam na masabi lahat yun! Sobrang sarap namaaaan! Sobrang saya ko na sana kaso..
"But Mira.. I love Elle."
Basag.
Oo nga naman. May Elle nga pala. Bakit ba ang bilis kong makalimot? Bakit ba nakalimutan ko agad?
Bakit ba ang lakas kong magassume? Bakit ba ang lakas kong umasa?
Eh sa may Elle na nga eh. May mahal na siyang iba. Paano naman ako? Kahit anong gawin ko malamang sa malamang hindi ako mapapansin nito. :(
"I.. I didn't know na ganan na pala.. Akala ko crush mo lang ako. Sana.. Sana di ko na lang ginawa to?"
Lalong nadurog yung puso ko. Bakit? Bakit ayaw niya gawin to? Kasi todo todo na yung pagkagusto ko sakanya? O at pagkatapos anong gagawin niya? Iiwasan naman niya ako. :( Ang sakit naman.
"Mira.. Ginawa ko to para sa inyo ni Elle."
Elle pa din?! Elle pa din hanggang dito?!
"Pwes.. Lalo mo lang pinalala yung galit ko kay Elle."
"CK! Masama bang humiling na sana sa date na to ako na lang muna? :( Wala na munang Elle? Bawal ba?!"
"I'm sorry Mira. Hindi ko kaya yan."
Ouch.
"Bakit?! Dahil sa mas maganda si Elle? Mas hot si Elle? Mas mayaman si Elle?!? Ano ba?!"
"Hindi! Maganda ka! Mabait ka! At alam kong matalino ka kaya maiintindihan mo ako.. Hindi pwedeng ialis ko si Elle sa systema ko, kasi.. Mahal ko si Elle.
Sa lahat ng gagawin ko tungkol sakanya yun. Lahat ng bagay na umiikot sa akin tungkol sakanya. Lahat ng bagay para protektahan at pasayahin siya gagawin ko. Kahit gaano kahirap kakayanin ko.. Para kay Elle. Para kay Elle.."
"Isa pa.. Ayokong masaktan ka kapag hindi ko binanggit si Elle kasi ako yung lalaki na hindi nagpapaasa kasi alam ko kung gaano kasakit kung paano umasa."
"Kaya Mira, kahit nasasaktan kita.. Hindi ko pwedeng ialis si Elle. Dito, sayo at lalo na sa buhay ko." Hindi ko alam kung bakit pero namumuo na yung luha ko. Ewan ko ba. Matagal ko na kasi talagang gusto si CK.
Tapos, malalaman ko na.. Ganito na pala. Sobrang huli na pala lahat. May mahal na pala siyang iba?
Ginawa ko muna lahat. Nagpaganda, nagpapayat, nagpakinis, nagpatalino.. Bago ako magpakilala sakanya. Para pag nakilala niya ako.. Mapapansin niya din ako.
Pero sa tingin ko na huli na ang lahat.. Sobrang huli na. May Elle na siya, Kahit na naghanda ako para sa pagkikita namin, wala ng saysay yun. :(
Paano ko pa babaguhin ang ikot ng mundo niya? Kung hindi naman ako ang tao na nagpapaikot nito? :(
Paano pa ako aasa sa isang taong may mahal na. Ano pang karapatan ko? Ano pang pag-asa ang kakapitan ko? Paano ba? Paano mo pa ba mamahalin yung mahal mo? Kung hindi naman niya kaya ibalik yung pagmamahal mo?!
"Mira.."
Hindi ko na napigilang umiyak. Masakit kasi talaga. Masakit umasa. Masakit magassume. At mas masakit yung.. Deretsahang sasabin na.. Hindi ako ang mahal niya kasi may mahal siyang iba.
"Mira, kasalanan bang magmahal? Mali bang mahalin ko si Elle?"
Mali nga ba? Hindi naman eh. Pero kasi.. Masakit. Masakit talaga.
"Pero, I'm really sorry. Pero.. Mahal ko talaga si Elle Clemente. Mahal ko talaga siya."
Tumayo na ako. Siguro sapat na ito. Bakit pa ako aasa? Siya na mismo nagsabi, at sa harap ko pa.
Imposibleng maging kami..
Hangga't may sila.
Tanggap ko na..
I can't make you love me..
Calvin Klein Go.
[Girlinlove: Ngunit sa di kalayuan.. May isang babaeng nakatanaw. Nakikinig. At nasasaktan. Bakit? At sino? Abangan. =)]