Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.4K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
31.
32.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
epilogue
note

30.

860 39 22
By hannahdulse_

Power of Spatula.

Third person.

Sa loob ng masikip na silid, nandoon ang mga kasama ni Agnes; Agatha, Jenny, Hazel, Selena at ang mga lalake. 

Hindi nila alam kung ano ang gagawin nila. Hindi nila alam kung saan sila dadaan dahil unang-una, walang pinto silang nakikita o kahit na bintana maliban sa napakaliit na bintana sa itaas na nagbibigay ng maliit na liwanag mula sa buwan.

Para silang nasa loob ng maliit na kulungan--wala nga lang pinto. May kaniya-kaniya silang pwesto. Dikit-dikit silang nakaupo sa malamig na sahig at naghihintay kung ano na ang susunod na mangyayari.

Kanina pa nilang sinubukang makalabas ngunit hinding-hindi talaga sila makakaalis dito. Sa maliit na bintana naman ay tanging ang kamay lang ang kasya doon. Hindi rin nila magawa ang pag-imagine 'gaya ng nakagawian nila sa loob ng illusyon ni miss Ab.

"Caleb," pagtawag ni Joseph na hinang-hina na at pagod na pagod na.

Napatingin sa kaniya si Caleb na tahimik lang at nakatulala kanina pa. Iniisip niya kasi kung ano na ang nangyari kay Agnes. Hinding-hindi din maalis sa isip niya ang sinabi ng dalaga sa kaniya bago sila nawala na parang bula mula sa mansyon at napunta dito sa maliit na silid.

Hindi gumagalaw ang oras sa labas..

"Ano 'yon?" malumnay na tanong nito at binalik ang tingin sa kaniyang paa.

"Wala na ba talagang pag-asa?" tanong na naman ni Joseph. Kanina pa siya sabik na sabik na makaalis dahil gutom na gutom na ito't gusto ng uminom ng tubig.

Silang lahat ay gutom na't uhaw na uhaw. Para na silang mamamatay sa ilang oras nilang paghihintay sa loob ng 'tila maliit na kulungan.

"I don't know," sagot ni Caleb at muling tinitigan ang maliit na bintana sa kaniyang tapat. Nakapatong ang dalawa niyang braso sa kaniyang tuhod. Nakaupo ito katabi si Miko.

"Guys, susubukan ulit natin," tumayo si Selena at lumapit sa pinakamaliit na bintana. Walang ano-ano'y sumigaw ito--hoping that someone will hear her.

"What the pak, Selena?! Ang sakit sa tainga, oh!" iritableng sabi ni Francis. Tiningnan naman siya ng masama ni Selena na 'tila binibigyan siya ng laser beam look at kulang nalang ay matutunaw na si Francis.

"Eh hindi naman katulad sa 'yo na nakaupo lang at walang ginagawa, 'di ba?!" 

"Shhh! Guys, please."

Tumayo na si Agatha na siyang kanina pang tahimik. Lumapit siya sa dalawa at pumagitna.

"Let's settle this. Dapat magtulong-tulungan tayo," aniya.

Tinitigan siya ni Selena, masama at 'tila may naalala tungkol kay Agatha.

"Eh ikaw naman, Agatha. Ano naman ang naitulong mo?" nakataas ang kilay ni Selena at tinuro pa si Agatha. "Ni-wala ka ngang silbi, eh! Bigla-bigla ka nalang sumulpot at may gana ka pang manakit kay Agnes!"

Napaatras si Agatha, "W--What? Selena--"

"Girls, tama na. Selena, bumalik ka nalang doon," pumagitna naman si Hazel sa kanila na hindi na nakapagtimpi sa alitan ng dalawa.

"Ano, Hazel? Kumakampi ka diyan? Eh wala nga 'yang naidulot na maganda sa 'tin!"

"Selena!" sabay na suway ni Joseph, Miko at Caleb. Nakatayo na silang lahat.

"What?!" iritang tanong ni Selena na kanina pa mainit ang ulo. "I'm telling the truth. Now, tell me, Agatha. Ano ang role mo dito at bigla ka nalang sumulpot?!"

Napayuko si Agatha at hindi magawang sumagot kay Selena. 

"Sabihin mo nga sa 'min, Agatha. Sino ka ba talaga?!" muling nagsalita si Selena at hindi pinansin ang masasamang titig sa kaniyang mga kasama.

"A--Ako si Agatha Flores," tumulo ang mga luha ni Agatha at napapikit na lamang siya. Nanginginig ang kaniyang kamay at nanlambot ang kaniyang mga tuhod.

Hindi siya sanay na sinisigawan siya ng iba. Hindi siya sanay na nakatutok ang mga mata sa kaniya. Dahil hindi siya lumaking may mga kaibigan. Lumaki siyang nasa bahay lang palagi, mag-isang nag-aaral, mag-isang nabubuhay sa sarili niyang mundo.

"A--Ako," nakapikit pa rin hanggang ngayon si Agatha. "S--Si Aggy. A--Anak ni A--Aberdeen."

"WHAT?!"

Gulat ang rumehistro sa lahat--maliban kay Caleb. Nakatitig lang ito kay Agatha at nanatiling kalmado habang ang mga kasama naman niya'y hindi makapaniwalang nakatingin sa dalagang nanginginig sa takot.

"You mean, kasabwat ka ni miss Ab?" tanong ni Jenny na may hawak-hawak na lollipop na malaki, nakasuot pa din ng bunny ears headband.

"May masama kang intensyon sa 'min?" si Hazel naman na ngayo'y napaatras sa gulat.

"Pak," tanging nasabi lang ni Francis.

"Bakit ka naman nandito?" si Chris.

Hindi naman makapagsalita si Miko at Joseph, tanging gulat lang ang rumehistro sa kanilang mga mukha. Napansin naman ni Selena na walang reaksyon si Caleb.

"Caleb, you knew?" tanong ni Selena kay Caleb. 

Dahan-dahan na napatingin sa kaniya si Caleb na nakakunot lang ang noo.

"Oo," kalmadong sagot ni Caleb.

"What the fu--!" tinikom agad ni Francis ang kaniyang bibig.

Hindi naman makapaniwala ang mga kasama ni Caleb. Lahat sila'y titig na titig kay Caleb, si Agatha nama'y nakayuko lang at walang imik at patuloy na humihikbi.

"Explain this to us, Caleb!" sabi ni Joseph. Binatukan naman siya ni Chris dahil sa ka-artehan ni Joseph. "Aray ko."

"Huwag kang masyadong OA, Joseph. Caleb, kailan mo pa nalaman 'to?"

Bumuntong hininga si Caleb, yumuko at tinitigan ang maduming sahig ng inaapakan nilang sahig.

"Hindi na 'yan importante, Chris. Huwag na kayong magaway-away," bumalik si Caleb sa kaniyang pwesto kanina at umupo. Ibinaon niya ang kaniyang mukha sa mga palad niya.

Magsasalita pa sana si Chris nang biglang yumanig ang paligid, lahat sila'y tila nasa isang malaking swing. Napaupo ang ilan sa kanila at ang iba nama'y napahawak sa dingding.

"G--Guys, what's happening?" nanginginig na tanong ni Hazel na nakaupo at hawak-hawak ang kaniyang ulo para protektahan ito.

Natumba naman si Agatha na nakahawak lang sa dingding kanina at dahil sa lakas ng pagyanig, hindi na niya nakayanan ang lakas nito. 'Gaya ni Hazel ay hinawakan niya ang kaniyang ulo.

"Ayos lang ba kayo?" tanong agad ni Chris na naunang tumayo matapos ang pagyanig.

Tinulungan ni Chris ang iba na makatayo habang si Caleb naman ay nandoon pa din sa pwesto niya, malalim ang iniisip.

"Caleb, 'nyare sa 'yo?" tanong ni Francis. Hahawakan pa sana ni Francis ang balikat ni Caleb nang biglang nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag sa kanilang harapan.

Napatayo tuloy si Caleb at lahat sila'y tinatakpan ang liwanag gamit ang kani-kanilang kamay.

"Ano 'yon?" tanong ni Jenny na papikit-pikit ang mata dahil sa nakakasilaw na liwanag.

"Hindi ko ala--"

"CALEB!" sabay na sigaw nila nang biglang mawala sa gilid nila si Caleb. Kasabay no'n ang paglaho ng liwanag.

"MIKO!" sunod naman na sigaw nila nang mawala din si Miko sa paligid nila.

Both of them disappeared just like that. 

What the heck happened? ang tanging tanong ni Selena sa kaniyang isipan. 

* * *

Agnes


Titig na titig lang ako kay kuya Joel. Hindi magawang i-absorb ng utak ko ang sinabi niya.

How the heck did he know? 

Paano niya nalaman na nasa illusyon kami ni miss Ab? Kahit na hindi niya sasabihin ang pangalan kung sino ang gumawa ng lahat ng 'to, alam kong alam ni kuya na si miss Ab ang tinutukoy niya.

"Kuya, you knew?" tuluyan na akong nakapagsalita. 

Kumurap-kurap siya bago siya tumango at tumayo.

"Tara na, Agnes. Gutom na ako."

Pinilig ko nalang ang ulo ko at tumayo din tsaka sinundan si kuya. Pumasok siya sa maliit na bahay ng seven dwarfs, pero agad ko siyang pinigilan at sinabihan na buhay pa pala si Snow. The protagonist princess that turned into antagonist.

Yung totoo, sino bang bida ngayon dito?

"W--What? Sinong Snow?" pabulong na tanong niya.

"The protagonist princess sa Snow White and the Seven Dwarfs," pabulong din na sagot ko.

"And yet she turned into antagonist, huh?"

Natigilan kami't sinundang ng tingin ang maputlang babaeng pababa ng hagdan. Kumakanta pa siya ng hindi pamilyar na kanta habang may hawak-hawak siyang basket na may lamang maliliit na damit.

"Teka, sino kayo?" tanong niya with her cold tone, nakakapanindig balahibo.

Ba't ganito? Kung sa movie ay ang ganda-ganda ng boses niya, dito nama'y nakakatakot. Maganda nga, nakakatakot naman ang aura niya. Para siyang si miss Ab.

"She's damn beautiful, sis."

Siniko ko agad si kuya dahil sa sinabi niya. Ganiyan 'yan, kapag nakakita ng magagandang babae. Tahimik lang 'yan sa bahay pero kapag nakalabas na, parang isang asong matagal ng nakatali at nakakulong sa kaniyang bahay.

"Shut up, kuya. Baka dito pa tayo mamamatay, eh."

"Sis, alam mo naman siguro yung charm ko, 'no?"

Napatingin ako kay kuya at nakitang nakangisi siya sa 'kin, taas-baba pa ang kaniyang dalawang kilay na para bang may masamang binabalak. Ano namang pinaplano niya?

"What charm, kuya?"

"Watch this."

Hindi na ako nakasagot sa kaniya dahil lumapit na siya kay Snow. Pinanood ko lang siya na may binubulong kay Snow, sunod kong nasaksihan ay napangiti ang maputlang dalaga at binigay niya ang kamay niya kay kuya Joel.

Hinalikan ni kuya Joel ang likod ng palad ng dalaga, making Snow blushed.

"WHAT. THE. HECK?" 

Sinundan ko lang sila ng tingin na paalis sa harapan ko. Umakyat silang dalawa sa itaas. Hindi ko alam kung ano ang binabalak ni kuya Joel. 

Pinilig ko ang ulo ko at naghanap ng pwedeng magamit sa loob ng maliit na bahay na 'to.

Small chairs, small table. Mga gamit sa kusina--kusina!

Dahil maliit na bahay lang 'to, madali lang akong nakarating sa kusina at hinaluglog ang paligid nito. May nakita akong mahaba at malaking spatula, kinuha ko 'yon at sinundan sila kuya sa itaas.

"Arrgh!"

Mas lalo kong binilisan ang paghakbang ko. Muntik pa akong madulas dahil sa maliliit na hagdan na 'to. Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng maliit na kwarto, binuksan ko 'yon at pumasok. 

"AGNES! Tulungan mo 'ko dito, leshe ang lakas niya!"

Oh, geez. Why am I holding a spatula instead of knife?

"C--Catch!" nagdadalawang isip pa ako kung ibibigay ko 'tong spatula kay kuya. But in the end, hinagis ko nalang 'yon sa kaniya at na-catch naman niya 'yon.

"What the?! Ano 'to, Agnes?!" sinamaan pa niya ako ng tingin habang iniiwasan ang mga atake ni Snow sa kaniya.

"Ahm. Spatula? 'Yan lang kasi ang una kong nakita kuya, eh!"

"Tsk. Never mind that," iling-iling pa siya at muling iniwasan ang atake ni Snow.

I didn't know she was strong. Ang akala ko kasi'y mahinang prinsesa lang siya. Pero hindi na ako dapat magtaka pa, she's, after all, miss Ab's minion.

"H--How dare you?!" napangiwi nalang ako dahil sa matinis na boses ni Snow.

Pa'no ba naman, sinampal lang naman ni kuya Joel ng spatula na binigay ko sa kaniya sa mukha ni Snow. Ayun, kulay pula ang kanang pisngi ni Snow.

"Hihi. Sorry fo~?"

Napatampal nalang ako ng noo ko dahil may gana pang magbiro si kuya. Muli siyang inatake ni Snow. Sinipa siya sa tiyan, napahiga si kuya at umubo-ubo pa.

Oh, great. Lalake pa ba siya sa lagay niyang 'yan?

"Wala na akong choice," nagkibit-balikat ako at hinanda ang sarili ko para atakihin si Snow.

Alam ko naman na hindi magawang saktan ni kuya ang babae. Lalake siya, babae ang kalaban niya. So, this would be a battle between girl vs. girl.

"HAYAAA!" nakataas pa sa ere ang kamay ko at hinablot ang buhok ni Snow. 

Dahil sa ginawa ko, hinablot din niya ang buhok ko at mas kawawa pa ako sa lagay na 'to. Hanggang balikat lang kasi ang buhok niya at medyo madulas pa. Samantalang sa 'kin, abot bewang yung buhok ko at pwedeng-pwede niyang mahablot 'yon anytime na gusto niya.

"Go little sis! Heto spatula mo, oh!"

Kahit na nahihirapan na ako dahil malakas si Snow, sinilip ko si kuya sa likod at nakitang pumapalakpak ito't sumisipol pa na parang nanonood ng paborito niyang basketball game.

Hinagis niya sa direksyon ko ang spatula at hindi ko nagawang ma-catch 'yon dahil busy ang dalawa kong kamay sa buhok ni Snow.

"Walang'ya ka!" nanlilisik ang mga mata ni Snow habang patuloy na hinawakan ang buhok ko.

"Mas walang'ya ka!" gamit ang natitira kong lakas, nilakasan ko ang pagtulak sa kaniya. At dahil hawak niya ang buhok ko, pareho kaming nakahiga sa sahig at pagulong-gulong.

"Kuya naman, eh! Tulungan mo 'ko dito!" sigaw ko habang patuloy na sinisipa ang tiyan ni Snow para mabitawan niya ang buhok ko.

Ginaya din niya ang ginawa ko at sinpa-sipa ako.

"Kaya mo na 'yan, bunso! Nasa likod mo na ang spatula mo!"

Binitawan ko saglit ang buhok ni Snow at kinapa ang nasa likod ko. Nakapa ko ang spatula sa likod ko, kinuha ko 'yon at walang ano-ano'y sinaksak ang handle ng spatula sa tyan ni Snow.

"Ha.. la. Patay, bunso."

Dali-dali akong tumayo bago pa man ako mamantyahan ng dugo. Inayos ko ang buhok ko at halos masuka ako sa kalagayan ni Snow. Dilat na dilat ang mga mata niyang nakatitig ng masama sa 'kin habang kinakapa ang tyan niyang may nakasaksak na spatula.

Umubo siya ng dugo at unti-unting pumikit ang kaniyang mata.

Napatakip ako ng bibig ko. Oh my God.

"Ikaw kasi kuya, eh!" hinihingal na ako habang titig na titig ng masama kay kuya.

Kung tinulungan sana niya ako, hindi sana mauuwi sa patayan 'to.

"Luh. Ako pa yung may sala? Ikaw kaya ang sumaksak diyan. Sayang, maganda pa naman."

"Argh!" punong-puno na ako't gustong suntukin si kuya Joel gamit ang kamao kong nanginginig sa takot.

Ikaw ba naman ang makasaksak ng tao?!

"Pero kahit gano'n, bunso. Ang galing mo," ngumisi si kuya sa 'kin at may kinuha sa maliit na cabinet. Hinagis niya sa 'kin ang puting tuwalya at ginawa ko 'yon pampunas sa pawis ng noo't likod ko.

"Why're you acting na parang walang nangyari? Na parang walang namatay, kuya?" tanong ko matapos kong punasan ang mga pawis ko. Umupo ako sa bakanteng maliit na upuan at muling napasulyap sa katawan ni Snow. 

I looked away. Nakakadiri tingnan lalo na't ako ang gumawa niyan sa kaniya.

Humarap si kuya sa 'kin at ngumiti.

"'Cause they're no longer a human, Agnes. They're monsters created by an evil."

"Evil?" ulit ko.

Tumango siya at muling humarap sa cabinet at may hinahanap doon. 

"I don't know if it's real, Agnes. Pero nakita kong may something sa guro mo. Bago pa man ako mawalan ng malay sa bahay, nakita kong naging kulay pula ang mata niya at para bang may lumabas na itim na kaluluwa mula sa katawan niya."

Holy sheet.

"Weird. Noong iniimbistigahan ko siya, dinig na dinig ko ang bawat pagbigkas niya. She called your name thrice a night sa tuwing may evil something prayer na ginagawa siya."  

E--Evil prayer? Ano 'to, kulto si miss Ab?

"Kuya, ano pa ba ang nakita mo kay miss Ab? And, how did you met her?"

Humarap siya sa 'kin na may hawak-hawak na libro at nakakunot ang noo na nagbabasa. Parang inaaninag ang kung anong nakasulat doon dahil unang-una, tanging kandelabra lang ang nagbibigay ng liwanag kaya medyo madilim pa din.

"I met her once. Bumisita siya sa bahay natin, nagusap sila ni mama."

Wait, what?

"Bumisita siya sa bahay? Ba't naman niya gagawin 'yon?"

"Because she wants to know you more, Agnes."

Sinara niya ang libro na binabasa niya at seryosong tumingin sa 'kin. Pinatuloy niya ang sinabi niya sa 'kin nang bumalik siya sa pagharap sa cabinet at muling naghalughog doon.

"She asked for your certificates. Then poof! Nawalan na kami ng malay ni mama."

"T--Teka, pati si mama nawalan ng malay? Kung nandito ka, nasaan naman si mama?"

Hindi siya nakasagot sa tanong ko at nanatiling nakatitig lamang sa 'kin.

"I don't know. Basta ay nawalan kami ng malay ni mama. She even controled our mother."

Napanganga ako.

"Kuya, obsessed ata si miss Ab sa 'kin?"

Natigilan naman siya at pinanliitan ako ng mata, "What?"

"May nagsabi kasi sa 'kin na narinig niya ang pangalan ko gabi-gabi sa bahay ni miss Ab. Like, evil prayer, I guess?" nagkibitbalikat ako dahil hindi naman ako sure kung 'yon talaga 'yon.

Magsasalita pa sana si kuya nang bigla kaming nakarinig na malakas na kalabog sa ibaba. Nagkatitigan muna kami ni kuya bago kami dahan-dahan at maingat na lumabas sa maliit na kwarto. 

May kinuha pa siya sa gilid--isang mataas na stick na ewan ko kung saan niya 'yon nakuha.

"Be careful, baka halimaw na naman 'yan," bulong sa 'kin ni kuya na siyang naunang bumaba sa hagdan.

"You too--"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil biglang nadulas si kuya dahil sa maliit na hagdan at hindi kasiya ng malaking paa niya.

Napatampal ako ng noo at dali-daling bumaba para tulungan si kuya.

"Aray, ang pwet ko masakit!"

Natawa nalang ako. Inabot ko ang kamay ko kay kuya at tinanggap naman niya 'yon. I was about to pull him up, pero natigilan ako nang makita ang dalawang pamilyar na lalake sa harapan ko ngayon.

"C--Caleb? Miko?" 

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay kuya basta ay narinig ko nalang ang malakas na tunog na para bang nahulog o natumba, ang malakas na daing niya.

"Agnes, ano ba?!" 

Napatingin ako kay kuya na nakatayo na pala sa gilid ko at hawak-hawak ang likod niya. Ang sama-sama ng tingin niya sa 'kin. Bago pa man niya ako pagalitan ay napansin niya ang dalawang lalake na nasa harapan namin ngayon na titig na titig sa 'kin.

"Hoy, sino kayo?!"

Agad kong binatukan si kuya, "They're my friends, kuya!"

Nahihiya namang napangiti ang dalawa at lumapit kay kuya. Nagulat pa ako nang kunin ni Miko ang kamay ni kuya at magma-mano na sana.

"Hoy! Hoy! Hoy! Kuya ako ni Agnes at hindi lolo, gag*."

"Ay, sorry po. Hehe," napakamot pa siya ng batok niya.

Wait, wait, wait. Napapalibutan na ata ako ng mga baliw. Tsaka, ba't nandito ang dalawa na 'to?

MYSTIQUE PUPPETEER
graciangwttpd

Continue Reading

You'll Also Like

673K 24.7K 51
"Don't be foolish. No matter where you run and hide, i can still find you." _ In a world you are living within, don't ever think you already knew eve...
1.1M 46.6K 39
Head shall bow, knees shall kneel, look into eyes, you shall die! ABSOLUTE adjective ab·so·lute \ˈab-sə-ˌlüt, ˌab-sə-ˈ\ : complete and total : not li...
1.7K 538 43
In a dramatic twist, she declared, "This could be my last dance," before leaving the stage, shocking everyone in the room. Why did she choose to halt...
20.9M 765K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...