Mystique Puppeteer

Autorstwa hannahdulse_

82.5K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... Więcej

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
29.
30.
31.
32.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
epilogue
note

28.

906 43 14
Autorstwa hannahdulse_

Real Game.

Wala kaming magawa sa buhay. Tulog na yung iba samantalang heto ako, nakaupo sa couch habang pinapanood ang makulit na si Francis. Ginawa pa niyang unan ang tyan ni Joseph at inipit niya sa leeg si Chris. 

Kawawang Chris.

"Hindi ka makatulog?" muntik pa akong mapatalon nang may tumabi sa 'kin.

"Ikaw lang pala 'yan Hazel," natatawang sabi ko habang umiiling pa't nakahawak ang kanang kamay sa dibdib. "You startled me."

Humagikgik siya, "Sorry. Ang lalim kasi ng iniisip mo, hindi tuloy ako makatulog ng maayos."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Anong konek do'n?"

Ngumiti siya sa 'kin at sinukbit niya ang braso niya sa braso ko, sinandal pa ang ulo niya sa ibabaw ng balikat ko.

"Sabi kasi nila; when you truly care for someone, their mood literally affect yours," napangiti naman ako sa sinabi ni Hazel. Saan kaya niya nakuha ang hugot na 'yon?

"Hazel," pagtawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?" hindi pa rin siya umalis sa pagkakasandal sa balikat ko kaya hinayaan ko nalang siya. Akala ko natutulog na siya sa balikat ko.

"Can we take a picture together?" 

Tuluyan na siyang umayos ng upo at napatingin sa 'kin. Nilingon ko siya, nakita ko ang ngiting hanggang magkabilang tainga niya.

"Oo, ba! Pero teka, ma-save ba kapag makaalis na tayo dito?" 

Tumango ako. The last time kasi no'ng tsineck ko ang camera ko, nakita ko doon ang picture namin ni Caleb. Yung nasa gitna kami ng ballroom. And speaking of my camera, nasa bahay pala 'yon naiwan. Iniwan ko matapos kong makapagdesisyon na bumalik sa Sacred High, ang bumalik dito.

"Tara," hinila ko siya papunta doon sa kusina kung saan hindi nakapatay ang ilaw.

Sa isang utos ko lang sa isip ko, nasa kamay ko na ang camera ko. I missed taking photos, literally.

"Ikaw na hawak," utos ni Hazel. 

Tinapat ko yung lens sa aming dalawa at pinindot ang shutter button. Sunod naman ay nag-wacky kami, natawa kami pareho nang makita namin ang epic faces namin.

"Yii! Epic, Nes!" sabay pahid niya sa luha niya dahil sa kakatawa. Nakitawa na din ako kaya ang ingay-ingay namin dito sa kusina.

"Nga pala, ano pinaguusapan niyo ni Caleb kanina?" tanong niya bigla nang tumigil na kami sa ginagawa namin. Wala na yung camera, pinabalik ko na sa totoong kaganapan--doon sa bahay.

Sana nga, na-save 'yon. Kung hindi, lagot sa 'kin ang may sala ng lahat na 'to.

Nakaupo kami sa high stool chair, kaharap namin ang sandamakmak na tsokolate galing sa ref. Feel at home kami ngayon dahil hindi namin malalaman kung kailan ulit kami magkakahiwalay at kung kailan ulit kami hindi makakatikim ng ganito.

"Alam mo, Hazel. Ang sarap ng tsokolate na 'to," tinuro ko pa ang tsokolate at dinilaan ang kamay ko. Ayoko kasing pag-usapan ang nangyari sa labas--sa reality.

Ayokong sabihin sa kaniya ang mga na-witness ko. Ayokong sabihin sa kaniya na kaya ako nawala panandalian ay dahil nakabalik ako sa totoong kaganapan and then poof! Here I am, sitting beside this lady. Ayoko kasing iwan sila dito habang ako ay nakatunganga dahil walang makakausap.

Sometimes, being at the real world is lonely--kapag wala doon ang mga napapalapit na sa 'yo. Lalo na si mama at si kuya Joel. My classmates, si Sir Benjamin at ang mga na-biktima ni miss Ab.

"Kung ayaw mong pag-usapan, iba nalang yung ikukwento mo. Dali," umayos pa siya ng upo at nakaharap sa 'kin.

Natawa tuloy ako dahil para siyang bata na naghihintay na magstory-telling ang kaniyang nanay para makatulog. Nakapatong ang siko niya sa counter habang kumakain ng tsokolate.

And here comes her mother, telling some stories about my life.

* * *

We had this best friend talk ni Hazel. Hindi na nga namin namalayan na bumibigat na ang mga talukap namin. Kinuwento niya sa 'kin ang tungkol sa pamilya niya. May kapatid pala siyang babae, si Kendy. Eight years old, medyo makulit.

'Buti nga siya may babaeng kapatid tsaka pinakabunso pa. Samantalang ako, si kuya Joel lang at ang masaklap pa, palagi akong inaaway. Inaapi. Ako kasi yung bunso, eh.

Ang haba ng pinaguusapan namin. Hanggang sa, "Hindi pa ba tayo matutulog?"

Tumawa siya ng mahina at niligpit ang mga kalat namin. Tinapon niya 'yon sa maliit na basurahan sa gilid at sabay na kaming bumalik sa sala.

Pero napahinto kami pareho nang makitang wala na yung mga kasama namin. Wala na yung natutulog na mga kasama namin. 

W--Where are they?!

Napahawak sa 'kin si Hazel at sabay kaming napaatras. Lumingon-lingon kami sa madilim na paligid. 

"Nasaan sila, Nes?" natatakot na tanong sa 'kin ni Hazel habang mahigpit na nakahawak sa 'kin.

"I don't know," sagot ko.

Lumapit kami sa switch at doon ay pipindutin ko na sana para magkaroon ng ilaw ang madilim na sala nang bigla nalang kaming tumilapon. Hindi ko alam kung sino ang gumawa no'n. Dahil sa pagkatilapon namin ni Hazel, nagkahiwalay kaming dalawa.

Dahan-dahan akong umupo at gamit ang siko ko, nagawa kong umupo habang hawak-hawak ang ulo ko dahil ang sakit nito.

Nilingon ko si Hazel, bigla na lamang akong natigilan at halos hindi ko magawang makahinga nang makita ko si Hazel. Nawalan siya ng malay.

"HAZEL!" tawag ko sa pangalan niya at paika-ikang tumayo. Nilapitan ko si Hazel kahit na sumasakit pa ang ulo't katawan ko dahil sa lakas ng pagkatilapon naming dalawa.

Lumuhod ako sa harap ni Hazel at niyugyog ang kaniyang katawan. Tinapik-tapik ko pa ng mahina ang kaniyang mukha para magising siya pero sa tagal ng pagtapik ko sa mukha niya at pagyugyog sa katawan niya, unti-unti ay hindi ko na nahahawakan si Hazel.

S--She's disappearing! Hindi ko alam kung ba't siya unti-unting lumalabo sa paningin ko hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa harap ko, naiwang nakaluhod ako dito.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakita ng dalawa kong mga mata na nawala si Hazel. Tapos.. nasaan sina Caleb?!

"Huwag kang mag-alala, Agnes.."

Natigilan ako nang marinig ko ang ume-echong boses ng babae--si miss Aberdeen. Napakuyom ang kamao ko dahil sa galit. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing sumusulpot siya sa eksena.

"Mapapanood mo din sila.."

Then a big screen appeared in front of me, napapikit ako saglit dahil sa nakakasilaw na liwanag.

"The real game begins.. Agnes. A Game Between Life and Death.."

Game. Para sa kaniya, isa itong laro. Akala ba niya'y masaya kami dito? I'd rather live in a reality than be here, imagining things what I want and lock here forever! 

Hindi pala sa lahat ng oras ay masarap takasan ang reyalidad. Minsan, hahanap at hahanap ka ng paraan para makabalik dito. Because this.. this is not the reality. Oo, nakukuha mo ang mga gusto mo by just imagining things. 

Pero mas makukuha mo ang mga gusto mo kapag nasa reyalidad ka. Mae-experience mo ang hirap at pagod at sa huli, makukuha mo na ang gusto mo. Magbubunga ang pinaghihirapan mo. Unlike here, isang imagine mo lang ay magkakaroon ka na nito.

Nagkaroon ng imahe ang screen sa harap ko, para itong mga hidden camera. There are fifteen different angles, may iba pa na parang natatabunan ng net, dahon, sanga ng puno at iba pa.

"W--What's this?" tanong ko. Parang bigla akong kinabahan nang makita ko ang kagubatan sa iba't-ibang anggulo ng camera. 

Mas lalong dumoble ang kaba sa dibdib ko nang makita kong naglalakad sa tape #6 si Jenny, kitang-kita ang kaniyang bunny ears head band. Sa tape #6 ay ang tangi kong nakikita ay nakatago ito sa parang isang hayop dahil gumagalaw pa 'to.

Nawala sa paningin ko si Jenny at bigla nalang gumalaw ang tape #6, parang lumilipad na ewan hanggang sa huminto ulit ito--nakikita ko na ulit si Jenny na paika-ikang naglalakad sa kagubatan.

"C--Chris! Nasaan ka?!" dinig kong sigaw ni Jenny, bakas sa boses niya ang takot.

Napatakip ako ng bibig ko. Unti-unti na ding namumuo ang luha sa mga mata ko.

N--No. This isn't happening. Tsaka ko lang nalaman kung ba't paika-ikang naglalakad si Jenny ay dahil may malaking sugat siya sa binti.

Tumili siya nang pagkalakas-lakas nang may makita siya--isang lobo. Napatili din ako at sigaw nang sigaw na itigil na 'to. Hindi ko kakayanin na makita si Jenny na ganito, nahihirapan.

Paika-ika siyang tumakbo palayo habang hinahabol siya ng itim na lobo. Wala akong magawa kundi ang panoorin si Jenny at umiyak.

"Miss Aberdeen! Stop this, please!" sigaw ako nang sigaw, pero walang sumasagot.

Pinanood ko ulit ang malaking screen habang nakaupo ako sa sahig at paulit-ulit na sumisinghot, bumabara na ang lalamunan ko.

"No.."

Narinig kong tumili ulit si Jenny nang bumukas ang lupa na inaapakan niya--tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Hinanap ko sa iba't-ibang anggulo ng tape si Jenny, but nowhere to be found. Hindi ko alam kung saan siya dinala o kung saan siya napunta.

Sunod akong napatingin sa tape #15, nakita ko doon si Chris na naglalakad mag-isa. Ang dumi-dumi ng suot niya pati na ang mukha niya. May hawak-hawak siya na stick na parang ginawa niyang pang-self defense.

Napatili ulit ako nang mahulog si Chris 'gaya ni Jenny. Bumukas din ang lupa na inaapakan niya at nawala na ulit siya sa paningin ko.

Sunod-sunod naman na sumulpot ang iba pa; si Miko nasa tape #1, si Agatha ay nasa tape #9. Nasa iba't-ibang anggulo din si Joseph, Francis, Selena at Caleb. Just like the two others, bumukas ang lupa at nahulog sila. All of them, bigla silang nahulog.

H--Hindi ko maintindihan kung ba't sila isa-isa na nahulog sa lupa. Hindi ko maintindihan kung ba't pinapakita ni miss Ab sa 'kin ang iba't-ibang anggulo ng camera.

Huli kong nakita si Hazel na takang-taka kung paano siya napunta sa lugar na 'yon.

"Hazel! No!" mas lumapit pa ako sa malaking screen at titig na titig sa tape #11, nandoon si Hazel.

Ang lakas ng kabog sa dibdib ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. They're inside this.. this.. this survival place! Ano 'to, Hunger Games?! Nagpi-feeling direktor si miss Aberdeen?!

Bumabara na ang lalamunan ko at patuloy na umagos ang luha sa mga mata ko.

Mas lalo akong naiyak at napatakip nalang sa bibig nang biglang natumba si Hazel at kinaladkad siya sa naka-itim na cloak, holding a scythe.

"N--No!" tuluyan na akong napasigaw, pero paos na paos ang boses ko nang mahulog din si Hazel sa bumukas na lupa.

"I need you to find them, Agnes. If you're worth to be a friend, hahanapin mo sila bago ang nakatakda nilang pagkamatay.."

Narinig ko na ulit ang boses ni miss Aberdeen. Galit na galit akong tumayo at nilibot ang paningin, naghahanap ng camera na pwede niyang itago sa kisame o sa kahit saan. Pero nabigo ako. Nasa illusion pala kami at wala dito si miss Ab.

She can talk to us without her, appearing here.

"Nakatakda nilang pagkamatay?" 

"Oo. Naalala mo ba yung mga panaginip nila, Agnes?"

Y--Yung kinuwento sa 'kin na panaginip nila! Yung kay Francis, nakagat raw siya ng malaking scorpion. Tsaka si Jenny, nalunod. Si Chris at Joseph, may bumaril raw sa kanila. Hindi ko na alam kung ano ang panaginip ng iba.

"Just bring me to them, Aberdeen."

"Huwag kang mag-alala, Agnes. Bibigyan kita ng sampung minuto bago sila mamamatay.."

Nagulat ako, "S--Sampung minuto?! That's not fair, Aberdeen!"

Pero hindi ko na narinig pa ang boses ni miss Ab. Mas lalong kumulo ang dugo ko dahil doon. 

Napalingon ako sa nagliliwanag sa likod ko. May isang malaking pinto na lumiliwanag--iba 'to sa pinto noong lumabas ako mula dito sa illusion.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras, pinasok ko na yung liwanag.

Napapikit ako at ramdam ko ang pagikot ng sikmura ko dahil sa nakakahilong imahe kanina no'ng bago pa ako pumikit. 

I heard a bird singing. Mga kaluskos and everything from a forest. Ramdam ko ang inaapakan kong lupa--dahil naka-tsinelas lamang ako.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko na kung nasaan ako. Nasa kagubatan ako kung saan bumukas ang lupa at doon sila nahulog--ang mga kaibigan ko.

Just like what I've planned, hinanap ko yung mga tapes at sa pagkakaalala ko, nasa tape #11 ako kung saan nahulog si Hazel. Salamat sa mga anggulo ng camera na pinakita sa 'kin ni miss Ab, madali kong namemorize kung nasaan ako.

Sinubukan kong tumayo doon sa lupa at hinintay na mabuksan . I only have ten minutes to save them, hindi ko alam kung makakayanan ko silang lahat na iligtas. But I will do my best, I will save them all. Walang maiiwan.

"Holy shi--!" 

Biglang bumukas ang lupa na inaapakan ko, isang napakahabang slide pababa ang bumungad sa akin. Nakakahilo, ang baho. 

Sunod ko nalang naramdaman ang sakit ng katawan ko nang mahulog ulit ako sa sahig--pero wala ng slide.

"Aw," hinimas-himas ko ang likod ng ulo ko dahil sa lakas ng impact na pagkakahulog. Ang sakit. Parang biglang na-alog ang utak ko.

Pero agad ko ding pinilig ang ulo ko at tumayo. Kahit hilong-hilo ako, sinubukan kong aninagin ang madilim na silid kung nasaan ako ngayon.

"Where.. am I?" 

All I could see is.. black. Anong kalokohan 'to ni miss Ab? Pinapahanap niya sa 'kin ang mga kaibigan ko tapos heto, walang liwanag?

* * *

Kung may timer lang ako, for sure, ilang minuto na ang nasayang dahil nakatayo lang ako dito at hindi ko alam kung saan ako papatungo. Sinubukan ko man na maglakad, pulos itim lang ang nakikita ko at walang hangganan. 

Naalala ko bigla yung nangyari noon, yung sinusundan ko si Red sa Little Red Riding Hood

Posible kaya na magawa ko din yung ginawa ko noon? It's like a magic. Parang nakontrol ko ang kinokontrol ni miss Aberdeen. 

But I shook my head, inalis ang ideya na 'yon. Baka kapag gagawin ko 'yon, may mangyayaring masama sa kanila. Sa mga kaibigan ko.

I took a one step, hoping na hindi ako makakatapak ng trap o kung ano. Ang dilim pa naman ng paligid.

Sa bawat paghinga ko ng malalim ay mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko kayang isipin na mamamatay ang mga kaibigan ko. Na isa-isa sa kanila ay may iba't-ibang cause of death.

"I--Imagine! Tama," napatango-tango ako nang maalala ko na may pag-asa pa pala.

Pumikit ako, iniimagine na sana may liwanag dito. At sa pagdilat ng mga mata ko, nagulat ako sa nadatnan ko. Akala ko isang napakahabang tunnel na madumi ang bubungad sa 'kin once na imulat ko ang mga mata ko.

But this.. wala ako sa tunnel. Kundi nasa isang island ako na punong-puno ng mga coconut trees at sa likod ko'y kulay asul na dagat. Napakapino ng maputing buhangin, para tuloy akong nasa Boracay

An island of serenity. Pero sa tuwing sumasagi sa isip ko na wala ako sa reyalidad, bigla nalang nawala ang pagkamangha ko sa ganda ng isla na 'to.

Now, where am I?

"S--Sino ka?!" 

Nanigas ako nang may dumikit sa likod ko. Tinaas ko agad ang dalawa kong kamay dahil baka baril 'yon at bigla nalang akong babarilin sa gitna ng maganda isla na 'to. Dahan-dahan at maingat akong humarap sa kung sinuman ang nagsasalita--isang maliit na lalake.

W--Wait, sino ba 'to? Ang laki-laki ng boses tapos yung height, nasa beywang ko lang. Don't tell me..

"Sino ka?!" ulit na tanong ng panibagong boses na lumabas mula sa puno at 'gaya ng maliit na tao sa harapan ko, maliit din siya. May maliliit siyang binti at mga kamay.

Sunod-sunod na may lumabas mula sa puno at lahat sila'y hindi umabot hanggang leeg ko man lang ang height nila. 

I was about to speak nang igalaw ng maliit na lalake ang nasa harap ko ang nakatutok pa din hanggang ngayon sa 'kin ang isang--shotgun?!

Holy marshmallow with choco hot drink. 

Nasaan na ba ako?! 

I am looking for my friends to save them and now she brought me.. here.. with these seven little men?! 

Crap.

MYSTIQUE PUPPETEER
graciangwttpd

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

260K 5.3K 27
[Book 1 of Frozen Series] [UNDER MAJOR REVISION] "A tale of snowflake..." Celandine Snow, an ice mage, vows to seek revenge for her family that was k...
1.2K 56 53
Once, there was a tale. An ordinary girl living with her sister normally and peacefully in the city but that's all change when he met a forgotten God...
60.2K 2.7K 62
Zaila Amethyst is one of the best young witch huntresses inside Deepwoods Academy. Kaya nitong makipagsabayan sa lahat at noong magsimula itong magna...
591K 28.9K 69
[Book 1 of Excelium] Written in TAGLISH As they say, what matters most in life is not the beginning nor the closing, it's the middle part of the plot...