SOMEONE LIKE YOU

By bashyanipopoy

134K 970 656

one day i caught myself smiling without no reason, then i realized i was thinking of YOU! ^^)) More

SOMEONE LIKE YOU
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35 - THE WEDDING
Chapter 36 - The Newly Weds
Chapter 37 - First Night
Chapter 38 - A Good Start
Chapter 39 - Crossing The Line
Chapter 40 - Back to Square one
Chapter 41 - Easy But Complicated
Chapter 42 part 2- Aftermath
Chapter 43 - Kiss and Make Up
Chapter 44
Chapter 45 - Completely Puzzled
Chapter 46 - False Front
Chapter 47 - Still A Monthsary
Chapter 48 - Epic night and A pathetic ex- girlfriend
Chapter 49: Master of Disguise
Chapter 50 - In Between Situations

Chapter 24

3.1K 22 10
By bashyanipopoy

Papasok na ang Starex van na kinalulunan nila ng mag mulat ng mga mata si Tin, bumungad agad sa kanya ang lugar na napapalamutian na ng magarbong ilaw  nasa Camotes Island sila isang private resort na pag aari ng mga Saavedra., mahigit dalawang oras din ang ibiniyahe mula Pier hanggang sa kinaroroonan ng resort nina Slater. Tiningnan nya ang mga kasama nya na mahimbing na natutulog maski si Slater ay tulog din tila napagod sa biyahe nila mula Manila to Cebu. Saka lamang ang mga ito nagising ng iparada na ng Mamang driver ang sasakyan sa mismong bungad ng resort.

" Andito na po tayo Ma'am Sir!.." ani Manong. Habang ang mga kasama ay nag inat inat na rin. Inayos nya ang sarili, itinali nya ang mahabang buhok pataas dahil sa sobrang init ng panahon, inayos nya na rin ang hand bag upang maghanda sa pagbaba.

" Welcome to Camotes Island!.." wika naman ni Slater habang nag iinat ito. " Lets go guys!!." nang makabawi ay nagpatiuna na ito sa pagbaba. Inalalayan sya nito palabas ng kotse akmang iaabot nito ang kamay sa kanya para alalayan sya nito pababa ng tinanggihan nya iyon.

" No, huwag na I can manage." aniya rito.

" Ang sungit." bubulong bulong na turan nito habang napapailing. Para di mapahiya ay inalalayan na lamang din nito sina Georgy na tuwang tuwa at si Collete na syang huling bumaba. Tahimik na inantay na lamang nya ang mga ito ma idiskarga ang mga gamit nila. Kinuha nya ang kanyang trolly kay Slater, tumanggi naman ito at inako na sya na lamang ang magbubuhat niyo.

" Ako na." ngumiti ito sa kanya at nagpatiuna na tumungo sa medyo kalakihang bahay na naroon, gawa ang bahay sa Nipa Hut at Kahoy may ilang parte lamang na sementado doon. Inaasahan nya na ang mga magulang nila ang sasalubong sa kanila ngunit isang matandang babae na nasa late 50's siguro ang edad lamang ang naroon at syang sumalubong sa kanila.

" Magandang gabi Senyorito." anang matandang babae at tumango ito sa kanila at iginiya sila patungo sa bahay.

" Magandang gabi din po Inang Ising.." magalang at nakangiting bati naman ni Slater. " Sya nga po pala Inang Ising sina Tin po at mga kaibigan nya Georgy at Collete." pagpapakilala ni Slater sa kanila.

" Magandang gabi po Inang Ising." ganting bati nilang tatlo sa matanda.

" Magandang gabi din mga Iho, Iha.." ana man ng nakangiting matanda.

" Ay Inang Iha na lang po." nagpapatawang sabi ni Georgy na ikinatawa naman ng matandang babae.

" Ay nakuh Ineng ka na lamang kung ayaw mo ng Iho." anang matanda at nagtawanan sila.

" Ayyy.. Inang Ising magkakasundo tayo." anang kaibigang si Georgy at inakay na ang matanda papasok nagpatiuna na ang mga ito habang sila naman ni Slater ay nahuli.

" Tara na Tin." ani Slater na nakangiti sa kanya. Tumango lamang sya dito at sumunod na sa mga ito. Iginiya sila sa loob ng bahay ng matanda, maganda ang loob niyon napaka linis tingnan at napaka presko. 

" Ah Inang Ising asan sina Mommy?.." tanong ni Slater sa matanda.

" Ah sina Senyora nangibang baryo, inimbitahan kasi ng Mayor dun at Piyesta roon ngayon.. Gusto nyo ga sumunod? at ipapahatid ko kayo roon." anang matanda sa kanila, nagkatinginan naman sila ni Slater. Mukhang nakuha nito ang gusto nya sana sabihin.

" Ah hindi na po, pagod po kasi sa biyahe.." pagtanggi ni Slater.

" Oh eh sya ipaghahanda ko na kayo ng hapunan at ng makakain na kayo at ng makapag pahinga na rin kayo agad." anang matanda." Eh Iho kaw na bahala sa mga bisita mo ha, kung saan ang kwarto nila. Alam mo naman pasikot sikot, sya nga pala okupado na ang dalawang kwarto at dalawa na lang ang bakante.. eh kayo na ang bahala kung sino ang magsasama. Eh ikaw ga Iho at Ihang maganda eh kayo ba ay mag irog?" tuloy tuloy na sabi ng matanda, napatingin sya sa matandang babae. Magsasalita na sana sya ng si Slater na ang sumagot.

" Ah hindi pa ga Inang, anak po sya ng bisita ni Mommy.. ni Tita Anna at Tito Vince." paliwanag naman ni Slater.

" Ah Diyos kong mga bata ka eh bakit ga di mo ligawan eh kay gwapa man na dilag nire. ( bat di mo ligawan eh ang gandang dalaga nito)" anang matanda ngunit di nya gaanong maintindihan ang sinasabi ng dalawa. Tiningnan sya ni Slater habang sya ay nakikiramdam lamang.

" Nakuh Inang, maldita ho... di kami magkaka sundo." ani Slater.. napataas ang kilay nya sa tinuran nito. Tiningnan nya ito pailalim. 

" Sus di ka nasanay sa mga babaye, ikaw din babagal bagal ka. Sayang ang ganiring ka gwapa na dilag." anang matandang babae.

" Oh sya Inang akyat na muna kami." ani Slater at inaya na silang tatlo paakyat sa ikalawang palapag. " So ano? Dalawa lang daw ang vacant room at di gaano kalakihan ang kama, sino magiging ka roommate ko?" tanong sa kanila ni Slater.

" Kami na lang uli ni Collete." kaagad na sabi ni Georgy.

" Oh no, don't tell me sa iisang kwarto nanaman tayo." reklamo nya agad na tukoy nya kay Slater

" Kung ayaw mo di naman kita pinipilit eh, at sino ba may sabing gusto kita kasama sa iisang room." panunupla naman ni Slater sa kanya.

" Tayo na lang tatlo." aniyang sabi kayla Collete at Georgy at nagpatiuna na sa isang kwarto na naroon. Pagbukas nya ay nadismaya sya. Maliit lamang ang kama niyon at di gaanong kalakihan ang room.

" Oh see.. di ata tayo kasya dyan." ani Georgy.

" Hays, eh di doon na lang ako kay la Mommy." aniya sa mga ito. Tinanong nya kay Slater kung saan ang room ng mga magulang. Tinuro naman nito iyon, ngunit naka padlock ang kwarto. Tinanong nya rin kay Inang Ising kung narito ba ang susi ngunit hindi ang sagot nito. Samantalang ang tatlo nyang kasama ay pawang namamahinga at nakapag refresh na.

" I guess I don't have a choice!.." nanalulumong nagtungo sya sa kwarto ni Slater, kumatok sya roon. 

" Knock, knock.." medyo natagalan bago sya napagbuksan nito pupungas ito ng bumungad ito sa may pinto at sinino sya. 

" What's up?.." anito na ihinilamos ang mga palad sa mukha nito.

" I guess you don't havce a choice, or is it me who don't have a choice kundi dito na lang sa kwarto mo matulog. At maging ka roommate mo." aniya rito at dere-deretsong pumasok sa loob habang hila hila nya ang kanyang trolly. 

" Ang arte kasi... eh! papayag din naman." anito sa mahinang boses ngunit umabot sa kanyang pandinig.

" Excuse me, hindi ako maarte nuh. Its not just proper na matulog sa iisang room ang isang babae at lalaki na walang relasyon." aniya rito habang nilabas ang mga damit. 

" Saan ko ilalagay mga damit ko?.." aniyang patanong dito. Itinuro naman nito iyon.

" Bakit hindi naman kita gagalawin nuh. I'm not forcing woman to sleep with me unless willing sila." anito na tila nanunudyo. Sa inis nya rito at binato nya ito ng nahawakang unan.

" Ano sinasabi mo?.." aniya rito.

" Wala, sabi mo kasi awkward matulog ang dalawang tao.. lalaki at babae sa isang room." anitong pagpapaliwanag sa kanya.

" Ewan ko sayo, where's the bathroom?" tanong uli nya.

" Ayan sa pintong yan." turo naman nito.

" Would you go out first maliligo ako." aniya rito.

" Huh? eh bakit.. may pinto naman yang banyo ah. Sa loob ka na magbihis, wala ka sa room mo. Spoiled brat!.." anito sabay higa sa kama at kumuha ng unan at tinakip sa mata nito.

" Hey what are you doing?.." aniyang nagtataka, alam nyang matutulog ito pero kelangan nyang mag set ng sleeping arrangement at baka maulit ang nangyari sa barko.

" Ano ba naman yan Tin, obviously matutulog ako at inisturbo mo ang pag idlip ko kanina." anito. at tumalikod sa kanya.

" Alam ko matutulog ka, what I'm asking is... sa sahig ka matulog." aniya rito na ikinapabalikwas nito ng bangon.

" Hey sumusobra ka na Ms. Spoiled brat.. kwarto ko to bahay namin to. At bakit ako matutulog sa sahig?" anito sa kanya.

" Exactly bahay nyo to, kwarto mo to.. at bisita mo ko. Marapat lang na you treat me as a visitor with special treatment. Sahig ka matutulog.. may comforter dyan gawin mong panlatag at may extrang kumot at unan. Suit yourself." at sya na ang naglatag ng mga iyon rito. Napapahilamos naman ito sa mukha nito.

" Juskoong buhay to oh... makatagpo ka nga naman ng ganitong tao. Mukhang di umuobra ang charm ko sa babaeng ito." bubulong bulong na sa sabi ni Slater. Ngunit hindi nya gaano marinig iyon.

" May sinasabi ka?" tanong nya rito.

" Wala sabi ko, okay.. senyorita dito na ko matutulog masaya ka na?" sarcastic na sabi nito, ngumisi sya rito.

" Good then, nytie nyt Slater! have a sweet dreams!!.." aniya rito at nagtungo na sa banyo para maligo. Kumuha sya ng isang pares ng shorts at sleeveless top. 

"  Tease!!.." narinig nyang sabi ni Slater. Inignore na lamang nya ito at pumasok na ng tuluyan sa banyo.

Samantalang si Slater ay mukhang di makakatulog sa ganoong tulugan. Sanay sya sa komportableng kutson, at ayaw na ayaw nyang nasa sahig. Biling baliktad sya samantalang si Tin ay di pa tapos maligo. Kinuha nya pa ang isang unan na naroon, sakto namang bumukas ang banyo at iniluwa niyon si Tin. Humahalimuyak ang mabangong amoy nito sa buong kwarto. The lady was wearing a pair of shorts and pink top. " How can be a woman look so cute and sexy at the same time in her simple get up." aniya sa isip... nang mapagawi ang tingin nito sa kanya ay nagkunwari syang tulog.

" Hep, akin na yung isang unan na kinuha mo." sita nito sa kanya. Nagbingi bingihan naman sya. Akala nya ay hahayaan na lamang sya nito, ngunit lumapit ito at hinila nito ang unan sa pagkakayakap nya.

" What the....?" aniya at napabangon. " Tin naman pati ba naman unan?.." aniya rito. Binigyan lamang sya nito ng smirk at nagtalukbong at umakting matutulog na.

" By the way Slater.. just wake me up pag kakain na." anito at tumalikod na sa kanya, sinundan na lamang nya ito ng tingin habang inaayos nito ang basa pang buhok na hindi na pinagkaabalahang suklayin at deretso na humiga sa kama. Napapailing na lamang sya, she never knew na ganito pala ito kasungit. Tumalikod na din sya at pumikit na.

Ilang saglit lamang ay nagising si Tin sa pagkaka idlip ng may kumatok sa pintuan. Bumangon sya pinagbuksan niya iyon. Pupungas pungas pa siya ng sinino ang kumakatok na iyon. Bumungad sa kanya ang magiliw na matandang babae.

" Iha pasensya na at nagising ko kayo ala eh handa na ang hapunan magsikain muna kayo bago magsitulog ng mahimbing." anang matanda.

" Sige po Inang susunod na po salamat!." aniyang ngumiti rito at ihinilamos ang palad sa mukha, lumingon sya sa gawi ni Slater na ngayon ay nag iinat na at tila nagising sa pag-uusap nila ng matanda. " Go get up and eat." aniyang sabi rito at nagtungo sa tukador upang kumuha ng suklay at sinuklay ang mamasa masa pang buhok.

" Si Inang ba yun?.." anito na pupungas na patungo ng banyo.

" Yeah!" matipid naman nyang sabi. 

" Okay, mauna na kayo susunod na lang ako." narinig nyang sigaw nito na pinagkibit balikat na lamang nya, nagtungo sya sa kwarto nina Georgy at ginising ang mga ito.

Sabay sabay na silang nagtungo sa hapag kainan, bumungad sa kanila ang mga masasarap na pagkain tulad ng malalaki at matatabang alimango, hipon at iba pang seafoods.

" Wooow!!" sabay sabay pa nilang sabi. 

" Ano pa hinihintay nyo kumain na kayo." anang matanda na nakatayo lamang sa gilid, sya namang pag dating ni Slater.

" Wow Inang, mukhang masarap! Kaso po alam nyo na may allergy ako." nalulungkot na sabi ni Slater, ngayon lamang nya iyon nalaman na may allergy ito sa seafoods. Sabagay at di naman sila close magmula pa lang.

"Alam ko Iho kaya nagluto din ako ng chicken inasal at nagpa ihaw ang ako ng native na manok ka Mang Andong." tukoy nito sa isa pang katiwala. 

" Ay nakuh po salamat Inang at di nyo ko nakalimutan." ana man ni Slater. " Hali kayo Inang kain tayo upo ho kayo." pag aya ni Slater sa matanda.

" Ay nakuh Iho mauna na kayo at inaantay ko pa si Ambo. Kami na lamang ang magsasabay." tukoy naman nito sa asawa.

" Kayo po ang bahala." ana lang ni Slater, habang ang kanyang mga kasama ay busy na paglantak sa mga nakahain doon. Habang sya ay di alam ang gagawin dahil simula noon ay di talaga sya marunong kumain ng alimasag lagi syang ipinaghihimay ng kanyang yaya.

" Oh Iha hindi ga masarap at ayaw di man lang nauubos ang iyong pagkain." pagpansin ni Inang Ising sa kanya. Napatingin naman sa kanya si Slater.

" Ah hindi naman, sa totoo lang po paborito ko ang mga ito. Kaso..." aniyang nahihiyang magsabi. Umagap naman si Slater sa kanya.

" Kaso di sya marunong kumain ng hindi ipinag hihimay." ani Slater na ikinatingin nya, di nya alam kung bakit alam nito. Samantalang kumuha ito ng isang crab at binuksan iyon, sinimulan ipaghimay nito. Nagulat naman siya sa ginawa nito, that was sweet of him. Napakagat labi sya at nginitian ito ng alanganin.

" Bat hindi ka kasi nagsasabi." tanong pa ni Slater. Hindi na lamang sya umimik. Hanggang matapos ito sa paghihimay ng alimango sa kanyang plato.

" Ang sweet naman ng dalawang to." ani Collete. " Bhe ipaghimay mo nga rin ako." nang aasar na sabi ni Collete kay Georgy. Tawa naman ng tawa si Georgy.

" Ito Bhe di lang kita ipaghihimay kundi susubuan pa kita, oh nganga!?" at akmang susubuan na si Collete, sumunod naman ang huli na nag aasaran pa sa hapag kainan. Ang kulit ng dalawa tingnan. Habang si Slater at si Inang ay napapailing na natatawa na lamang sa kakulitan ng dalawa.

" Ewan ko sa inyo, mamaya yan Georgy kayo magkatuluyan ni Collete." aniya kay Georgy.

" Hala ka naman Tin, may taste ako nuh. Kumuha ito ng saging, ganito ang gusto ko." anito habang si Collete ay tatawa tawa naman sa tabi nito.

" For short pareho kami ng taste." sabi naman ni Collete. 

" Ewan ko sa inyo!." ana lamang nya at kumain na. Masarap kumain roon at langhap ang sariwang hangin nasa lanai sila ng parte ng bahay at tanaw mula sa kinaroroonan nila ang kadiliman ng dagat. " Nakuh, ang lamig pala rito at naka tank top lang ako." aniya mahangin kasi roon. Nnag mabanggit nya iyon ay kumuha ng balabal si Inang at sinuot sa kanya. 

" Oh ito Ineng sa Tita Lucy mo ata ito, at isuot mo muna." anang matanda.

" Ay salamat po." aniya rito. Hanggang sa matapos silang kumain at busog na busog sila, tumulong na sya sa matanda sa pagliligpit nag presenta rin sya na tutulungan ito sa paghuhugas.

" Ay nakuh Ineng huwag na ako na bahala rito at puro naman dahon ng saging ang mga ito at di kelangan hugasan, mag patunaw kayo maglakad lakad kayo sa tabing dagat." anang matanda.

" Sigurado po ba kayo?" aniyang tanong rito.

" Oo Iha. Okay lang ako." anito at itinaboy na sya, hindi na sya nagpumilit pa sumunod na lamang sa kaibigan na nasa tabing dagat na. Habang si Slater ay busy sa pagkuha ng pang gatong.

" Ano ginagawa nyan?" tanong nya kay Georgy.

" Gagawa daw sya ng bonfire para satin." sagot naman nito.

" Ah, okay.." at tumabo sya sa pagkakaupo ng mga ito. Nang mainip ay napagpasyahan nyang maglakad lakad muna. " Maglalakad lakad lang ako, dito muna kayo." aniyang paalam sa mga ito.

" Huwag kang lalayo Tin ha, at di mo alam ang pasikot sikot rito sa isla." bilin naman ni Georgy sa kanya.

" Okay!." aniya lang na sagot at nagsimula nang maglakad lakad habang nakayakap sa sarili. Wala naman sya balak lumayo kaya di na sya nagpasama sa mga ito. Ilang saglit lamang ay napagod na sya at bumalik na rin agad, hindi naman sya gaanong lumayo sa kinaroroonan ng mga kaibigan ng makabalik ay nagkakatuwaan na ang mga ito may canned beer na rin na hawak ang mga ito, nasindihan na rin ang ginagawang apoy kanina ni Slater. 

" Oh saan ka napadpad?" salubong ni Georgy. 

" Wala diyan lang sa tabi." sagot lamang nya at tumabi sa gawi ni Slater, wala na kasing space dun sa tabi nila Georgy. Naglatag kasi ang mga ito ng blanket at doon pumwesto. Habang si Slater ay tahimik lamang na nakatanaw sa kawalan at umiinom. Nakakailang canned beer na rin ang mga ito.

" Mukhang ang dami nyo ng nainom ha, saglit lang naman ako nawala." aniya sa mga ito.

" Si Slater medyo madami dami na, nakakatatlo na ata yan." ani Collete. " Ikaw gusto? meron pa dito." yaya naman ni Collete.

" Hindi naman ako umiinom eh." aniyang pagtanggi.

" Oo nga pala." anito saka naman nagsalita si Slater.

" Si Miss Perfect, hindi umiinom ng alak." anitong pagpaparinig. Napailing na lamang sya. " Here we go again." aniyang pabulong sa sarili. Nagkatinginan na lamang sila ni Georgy. Hinayaan na lamang nya ang hirit na iyon ng binata. Madami dami na rin ang nainon ng mga ito, nauna na si Collete na bumigay at inihatid na ito ni Georgy naiwan naman sila ni Slater roon. Tahimik lamang na tumutungga ito ng beer sa tabi nya, at mukhang may tama na rin ito. Hindi nya alam kung ano naisipan ng mga ito uminom ng wala man lang pulutan at talagang nakakalasing iyon. Napapalatak na lamang sya habang tintingnan si Slater na walang kaimik imik roon. " Mukhang ang laki ng poblema ng lalaking ito." at tiningnan ang mga basyo ng canned beer sa tabi nito siguro naka walo na ata ito at pang siyam ang hawak nito. Nasa ganun syang pagmumuni muni ng magsalita ito.

" Kung ikaw ang papipiliin career o taong mahal mo?." anito ikinagulat naman nya iyon, mukhang seryoso at may pinaghuhugutan iyon. Sinagot naman nya ito ng maayos, huminga muna sya ng malalim bago nagsalita.

" Of course yung taong mahal ko." aniya lang dito. Ngumiti naman ito ng mapakla at napailing. Nagulat sya ng sumigaw ito.

" Woooh... ikaw na talaga!" hindi nya alam kung ano ibiga nitong sabihin, napailing na lamang sya mukhang lasing na nga ito. " What I mean, your too perfect. Sabihin mo nga sakin Tin? Nagmahal ka na ba?" tanong uli nito.

" Hmm.. hindi ba pagmamahal ang magmahal ka ng magulang, kaibigan?" aniyang sagot lang dito.

" What I mean did you ever love someone aside from your family and friends?" anito na hindi pa rin tumitingin sa kanya at abala sa pag inom ng hawak nitong beer.

" Hindi pa." napatungo sya.

" Why?" tanong naman nito, nag angat sya ng tingin at nasalubong nya ang namumungay na mata na nito. Pero mas lalo itong gumwapo, well gwapo naman talaga si Slater. Napabuntong hininga sya.

" Your drunk.." aniya rito akmang tatayo ngunit pinigilan sya nito sa kamay. 

" You set down let's talk." anito sa seryosong tinig. Pinagbigyan na lamang nya ito at mukhang may dinaramdam ito.

" Okay.. but, bitawan mo muna ko." aniya rito, tumalima naman ito. " Ano nga tanong mo?" aniya rito.

" I said why? bakit di ka pa nainlove?" anito at pinilig ang ulo na nakatingin sa kanya, naiilang sya sa tingin nito. Ibinaling na lamang nya ang tingin sa kawalan.

" Kasi hindi ko pa nakikita yung lalaking mamahalin ko?" aniya rito.

" Swerte naman nya kung matagpuan ka niya." anito at binaling na rin ang tingin sa kawalan.

" Ikaw ba yan? mukha kang nasapian." aniya rito na hindi napigilang matawa. Tiningnan naman sya nito

" Bakit? mukha ba kong nagbibiro?" ana man nito.

" Coming from Slater Saavedra, well thank you." aniya at nangingiti habang sinasabi iyon.

" Why, wala pa ba nagsasabi sayo nyan? Which I doubt?" kibit balikat na sabi nito.

" Sabi ko nga coming from you, di ba? I didn't say wala pa nagsabi sakin ng ganyan, marami na actually." aniya rito at sinulyapan ito na nakatingin naman sa kanya.

" Yabang!" anito at napapailing.

" Most of the time kasi your insulting me." aniya rito na tila sinusumbatan.

" I'm sorry. Its just me and my insecurities." anito sa seryosong tono at bumaling uli ang tingin sa dagat.

" Insecurities? meron ka noon, at sakin pa?.." aniyang nagtataka, ngayon nya lang kasi niya narinig iyon dito.

" Yap, wala yun. Kalimutan mong sinabi ko yun." ana man nito.

" Bakit? I wanna hear it." aniyang pamimilit rito.

" Not now Tin, let me make up to you by knowing you first." anito sa seryosong tono at tiningnan sya nito ng mataman. " Can we start over as friends?" dadag pa nito.

" Friends?" di niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. " Why? sorry.. hindi kita maintindihan." aniya rito.

" I mean, let's start over as friends. Yung hindi nagbabangayan... ganun." anito habang matamang nakatingin sa kanya.

" Hmm.. okay. Weird though. Sige let see." aniya rito. " So, friends?" aniya at iniabot ang palad rito.

" I change my mind, mas gusto kong gawin to." hindi sya handa sa sunod na ginawa nito, imbes na makipag kamay sa kanya ay inabot nito ang kanyang batok. At hinalikan sya, di na sya nakaapuhap ng sasabihin dala na rin sa gulat nya. Mariin ang halik na iyon, at gusto nyang kumawala rito. Ngunit para namang bakal ang mga braso nito at kahit itulak nya ay di nya magawa hanggang sa humina na rin ang kanyang depensa at ang marahas na halik na iyon ay tila naman nagiging banayad. Hindi nya namalayan na nag re-respond na rin sya sa bawat halik nito ang kamay na kanina ay nanlalaban ay ngayon nakakapit na sa braso nito. Tumagal ang halik na iyon ng halos minuto hanggang sa kapusin sila ng hininga. Tila naman sila pareho natigilan matapos ang halik na iyon. Magsasalita na sana ito habang habol habol pa rin ang hininga ng pigilan nya ito..

" Tin I'm so....." anito.

" Stop..." nag hand signal sya para patigila ito sa kung ano man ang sasabihin nito.

" Tin.. look!" tangkang magpapaliwanag ito ngunit ayaw nya marinig ang kung anumang sasabihin nito.

" I said stop... just don't talk Slater." aniya habang naghahabol pa rin ng hininga. She want to burst out into tears, nakakarami na kasi ito ng nakaw na halik sa kanya.. and hindi nya ine expect ang bagay na iyon. She wants her first kiss to be special with the man she loved. At ito sya ngayon nakipaghalikan sa pinaka huling taong maiisip nyang maging boyfriend o ano pa man. Huminga sya ng malalim at pinakalma ang sarili.

" Tin I said I'm sorry!.." doon na sya napalingon dito, nagulat sya ginawa nya dahil automatic lumipad ang isa nyang kamay at dumapo sa pisngi nito. Nasampal nya ito.

" What the..? bulalas naman nito habang hawak ang pisnging nasaktan.

" Your sorry because you kissed me for the second time around? Ang kapal mo Slater!." aniya rito padaskol na tumayo at iniwan ito roon. 

" Wait Tin, its not what I mean..." hindi na nya ito pinakinggan pa.

" Don't you ever get near me again and you'll be sorry!!" aniya pasigaw rito na hindi man lang pinagkaabalahang lingunin ang humahabol na binata. Nagtungo na sya sa kwarto  nila. Naghanda na sa pagtulog, gusto na lamang nya itulog ang inis na nararamdaman para sa binata. Maya maya lamang ay nagbukas ang pinto at pumasok si Slater, nagtulug tulugan sya para di mapansin nito. Ilang sandali pa ay humiga na ito sa lapag kung saan ito naakapwesto kanina. Nagpapakiramdaman lang sila, alam nyang di pa ito tulog.

" Tin? Tintin?" hindi sya sumagot. Hindi na naman nito inulit ang pagtawag sa pangalan nya, ipinagpalagay nitong tulog na sya. Binalot nya ang sarili ng kumot at pinilit matulog.. hanggang sa lumipas na lamang ang ilang minuto ay di pa rin sya dalawin ng antok. Hindi rin naman sya kumikilos at baka malaman ng mokong na gising pa sya. Hinawakan nya ang kanyang mga labi.    " Ughh.. erase erase!!" aniya ng maalala ang halik na iyon.

Samantalang biling baliktad rin si Slater sa kinahihigaan nya. Medyo masakit pa ang pagkakasampal ng dalaga sa pisngi nya. Hindi nya kasi alam kung bakit nagsorry pa sya, that was rude of him. Wala naman sya talaga balak halikan ang dalaga pero ewan at bakit parang may nagtulak sa kanyang gawin iyon. Napaka ganda kasi nito ng gabing iyon maski sa simpleng ayos lang nito. Iniisip nya kung pano niya uli ito makakausap, alam nyang galit ito sa kanya. Hanggang sa dalawin na sya ng antok sa pag iisip. " Bahala na!" aniya sa isip. At tuluyan ng hinayaan na hilahin sya ng antok.

Continue Reading