The Unreachable Wife

De Sweetmagnolia

7.1M 203K 21.1K

Anya Tejero was forced to return to a place she chose to forget for years, a remote town where her grandparen... Mais

Prologue
1- Certificate of No Marriage
2- Remembering The Boy
3- Do You Know Me?
4- This Is My Territory
5- It's Legal
6 - The Things You Owe
7- Pride and Paris
8-The Man Who Can't Be Moved
9- It Takes A Man And A Woman
10- Your Heavy Breakfast
11- My Faddy House Lady
12- My Husband's Game
13- Road To Our Memory
14- Thinking Of You
15- Sundate Special
16- Not In His Eyes
17- Troubled Hearts
18- A Day For You
19- The Closer We Get
20- Behind His Door
21- Listen To His Heart
22- Nothing In Return
23-Temptress In Distress
24-The Endless Heaven
25- Bundle of Hesitations
26- Fixing The Second Chance
27- Embracing Adversities
27- The Homely Faces
28-Love Breaks Distance
29- Heading Back to Spotlight
30- Someone to Shake Him
31- All You Need Is Not Fame
32- She Is My Home
33-Girl Talk and Football
34-Fame Hinders Things
35- Getting Into Her Reality
36- I'm Not His Everything
37- Love Extensions
38- Because of Harvey
39- The Drunkard
40- Surprise Decision
41- Maybe A New Day
42-A Man's Word
43-We Live By Love
44- The Place Where My Heart Belongs
45- Life Is A Never Ending Dream (Final)
EPILOGUE

43-The Two Sides of Love

114K 3.9K 972
De Sweetmagnolia


Medyo bumaba na ang galit ko kay Anya. Ilang oras din akong kinain ng galit at selos. I realized I'd gone too harsh pero ganunpaman wala akong pinagsisihan. Pasensiyosong hinintay ko ang pag-uwi niya. I kept checking the time, wondering if she'd follow my order to go home. I was still willing to listen to her explanations ngunit kung gagawin niya yun ay sa harap ko mismo upang makita ang sinseridad sa kanyang mukha. We needed to settle this matter as soon as possible. Nangako kaming hindi mag-aaway nang dahil sa trabaho niya but her work was a manipulative beast that was impossible to be controlled. Kung hindi namin ito aayusin agad, times like this will happen over and over again.

Palakad- lakad lamang ako sa loob ng bahay habang di mapakali at kung ano-anong pumapasok na larawan sa aking isipan. Everytime that intense kissing crossed my mind, para akong masisiraan ng ulo. It only caused me to imagine more scary things. Magkasama na naman sila sa mall tours ngayon. Ano na naman kaya ang ginagawa nila para pakiligin ang mga tagahanga? Holding hands? Hugging? Or maybe a kiss on the lips? Hayward hadn't expressed any opinion to anyone else since he discovered the truth about our marriage, not even to Anya. Yun ang mas kinakabahala ko. What kind of person he is? A person who respects someone privacy o tahimik na magnanakaw ng asawa na nasa loob lamang ang kulo?

Tatlong oras akong naghintay pero walang Anya na dumating. Unti-unti na namang bumalik ang galit sa aking dibdib. It was only a sign that she indeed didn't respect me. Ni hindi man lamang natinag sa galit ko. O baka inaasahan niya na namang iintindihin ko lang siya. I felt suffocated. Sa mga sandaling iyon ay tila biglang naging malaking parusa ang pag-iisa ko sa bahay. Dali-dali akong nagbihis. Nag-isip ng pupuntahan. I needed to do something to pacify myself or else baka sumabog na naman ako pag nagharap kami ni Anya. Mas lalong hindi namin maaayos ang problema. I remembered the reunion that Fatima mentioned to me. Ngayon yun. A perfect timing to meet my old friends para panandaliang makalimutan ang galit ko sa aking asawa. Sana pag-uwi ko hindi na ganun kabigat ang aking loob.

Nagpalit ako nang medyo pormal na damit. Nagsusuot na ako ng sapatos nang may nagdoorbell. I was hoping that person to be Anya pero alam kong hindi siya yun. She had her own keys. Nang pagbuksan ko, tama ako. It was Violet.

"Sir Lander!!! Thank you lord! You're still here akala ko ay may nangyari na sayo! Okay ka lang ba?" Kinapa-kapa niya ang aking katawan. Hindi umubra ang sense of humor niya para mawala ang init ng ulo ko.

"Why are you here?" seryosong tanong ko.

"Di na makatagal si Ma'am Anya sa sobrang pag-aalala. Kanina ka pa daw niya di makontak, malapit na nga siya magcollapse kahit nakikipagkamay sa mga fans dahil sa sobrang pag-iisip sayo. Pinatakbo niya na ako dito dahil sa takot na baka umuwi ka na ng Villa Rafael! Now I'm so happy to know that you're still here!" she said with exaggerated hand gestures.

Ngumisi ako at bumalik sa kuwarto para ituloy ang pag-aayos. Sinundan niya ako nang walang pag-aalinlangan. "Natatakot pala siya e ba't di siya ang umuwi. Ano? Pati ba naman sa pagpapaliwanag ng sarili niya, ikaw na rin ang proxy?" sarkastikong sabi ko habang inaayos ang sintas ng aking sapatos.

"Ha? Hindi ko pwedeng gawin yun, di ko naman alam kung ba't kayo nag-away. Eh bakit nga ba?" litong wika niya.

"Tanong mo diyan sa magaling mong amo!" medyo pikong sagot ko.

"Ah okay teka tatawagan ko. Sabihin ko na ring andito ka at okay ka lang," normal at mahinahong salita niya.

"Don't you dare call her in front of me!" mataas ang boses na sabi ko sanhi para magitla ang aking kausap at tumigil sa pagdial sa cellphone.

"Bakit naman po?"

"Kung gusto niyang malaman kung okay ako o hindi, UMUWI SIYA DITO NGAYON DIN!"

"Sir, hindi ako ang kaaway mo. Huwag niyo naman akong sigawan."

Nanahimik ako. Violet presence made me more irritated. Anya was still capable of being bossy at times like this. Inaakala niya bang kaya niyang ipaayos sa mga empleyado niya pati gusot naming mag-asawa?

"Sir Lander anong nangyari sa inosenteng phone niyo? Ba't mo naman binasag ang walang kamalay-malay na bagay?" kunway malungkot na sabi niya habang naawang nakatingin sa basag kong telepono na nakapatong lang sa dresser.

"Mabuti nga't yan lang ang binasag ko, hindi ang pagmumukha ng Hayward na yun!"

Napatanga siya. "Hala parang alam ko na ang dahilan ng pinag-awayan niyo," sabay takip ng kamay sa kanyang bibig. "Oh my hindi ba nagpaalam sayo si Ma'am Anya? Sabi ko na nga bang imposibleng pumayag kayo!"

"I'm leaving now. Ikaw na ang bahalang magsarado nitong bahay," seryosong sabi ko.

Hinarangan niya ako nang may galit at matapang na reaksiyon. "Saan kayo pupunta? Uuwi na ng Villa Rafael?! Huwag kang pabebe Sir Lander! Kung may problema kayo ni Ma'am Anya harapin niyo!!! Hindi yung tatakasan niyo siya! Ikaw ang lalaki dapat marunong kang humarap sa problema! Ano yun kapag nag-away layas agad?!!! Uwi agad sa probinsiya! Hindi na kayo mga bata! Ang dami niyo ng pinagdaanan tapos ngayon ka pa ba magwawalk-out! This is so wrong Sir Lander. So very very wrong!!!"

"Aattend lang ako ng reunion,"napapabuntong-hiningang salita ko. "Nakakagulat ba na hindi lang kay Anya pwedeng umikot ang buhay ko. Meron din akong mga kaibigan na pwede kong paglaanan ng oras."

Napapahiyang itinikom niya ang bibig at pagkuway ngumiti. Mabilis siyang tumabi sa aking dadaanan. "Sir ingat po kayo! Enjoy muna huwag masyadong isipin ang problema! Ako na bahala magsara nitong bahay!" kaway niya.

-----

I was driving fast. It was past eight already. Umaasa ako na sana pauwi na rin si Lander. I heard from Violet about what happened to his phone and I was hugely relieved na yun lang ang dahilan kung bakit di ko siya makontak. Nalaman ko rin na umalis siya para umattend ng reunion. I had nothing against it. Mas mabuti nga para ma-unwind siya nang kaunti. Baka mabawasan kahit paano ang galit niya sa akin. Magharap man kami mamaya, sana kaunting bulyaw at sermon na lamang ang matanggap ko.

Dapat may dinner pa ang buong production pero di na ako sumama. Kailangang mauna akong umuwi para kahit paano makagaan sa sentensiya ko. I wanted to rush home when he shouted over the phone. Iwanan ang mall tours at humingi agad ng tawad pero pinag-isipan kong mabuti ang consequence ng aking gagawin. The fans were waiting and screaming like crazy. The whole productions put effort on it from top to bottom. Ano na lang ang mangyayari sa pagod ng lahat kung basta na lang ako mag-wawalkout nang di ko naman pwedeng ipaliwanag ang dahilan? I was about to reveal my marriage soon and if I acted irresponsibly, the blame will be surely put on my husband for my previous actions. Sarado ang isipan ng mga fans, whether it was my fault or not si Lander pa rin ang sisihin nila. Ayokong mahusgahan nila ang asawa ko. I can take all the bad comments about me but not towards my husband.

About the kissing scene, I knew it was really my fault. Sinadya kong huwag nang sabihin sa kanya dahil alam kong ganito na nga ang mangyayari. Kampante na ako dahil akala ko ay nagkaintindihan na kami ni direk na tatanggalin iyon. Pero di nasunod ang pinag-usapan namin. I couldn't blame the director too. In artist's perspective and maybe even for viewers, that scene was truly beautiful. It was one of the reasons why our trailer had a very positive response. Nangyari na ang nangyari, ang magagawa ko na lang ay humingi ng tawad. Kung kinakailangan kong lumuhod ay gagawin ko, humupa lang ang galit niya. I knew his anger wouldn't last long.

I arrived home after an hour of driving. The house was still empty. Nagbihis ako. I saw the broken phone on the dresser. Imposible na itong marepair. Itinago ko ito at sinecure ang sim card. Importante yun dahil yun ang alam na number ng mga kakilala niya.

I went to the kitchen. Kahit kumain na siya o hindi pa, ipagluluto ko pa rin siya. I didn't want to become a bad wife for a whole day kaya babawi ako habang may kaunting oras pang natitira bago matapos ang araw.

Dinaan ko sa pagluluto ang aking nerbiyos hanggang sa di ko namalayang naparami na pala ako ng putahe. I made a pretty table setting too. Pero halos sumapit na ang hatinggabi ay wala pa rin si Lander. Nagsawa na ako sa kahihintay sa mesa kung kaya't pumasok na lang muna ako ng kuwarto. Saglit akong nagpahinga. When the clock stroke at twelve, unti-unti nang nagbago ang pakiramdam ko. Nag-aalala na at nagdududa.

I searched online about the details of reunion but I couldn't find it. Nag-isip ako ng ibang paraan. Maybe it was time to use the power of fame.

Hey guys. Anyone heard about today's reunion of ADMU College of Architecture? I tweeted.

Sa loob lamang ng ilang minuto, I received thousands of replies. There were tweets telling me about the location. Some sent photos too. But what caught my whole attention was the photo posted by Fatima. I realized since she was a fan, she was one of my more than four million followers. She took selfie beside my unaware husband. Agad na nagpanting ang aking tenga. I noticed that Lander had a glass of alcohol in his hand. He was drinking beside that flirt! Nanggalaiti ako sa selos sanhi para mawala na naman ako sa aking sarili.

Walang pagdadalawang- isip na nagbihis ako. Kung ano lang ang mahablot na damit ay yun na. I picked up my car keys. Was he playing a revenge game? Sige tingnan natin kung hanggang saan ang galing niya makipaglaro!

                   ------

Fatima was drunk and started to get clingy. Kanina ko pa inilalayo ang aking braso ngunit panay kapit niya pa rin. I couldn't even look at her face because everytime I do, she was giving me a flirty look. Kahit patay-malisya akong lumipat ng pwesto ay sinusundan niya pa rin ako. I gave signals to our friends to save me from her drunkenness pero tinatawanan lamang nila ako.

"Alam mo naman yan si Fatima pag nalalasing, makulit talaga," tatawa-tawang komento ni Edward.

"She's drunk. Who will drive her home?" pag-alala ko.

"Sino pa e di ikaw!" wika ni Carlo.

"Hindi ako pwede pare," ngingiti-ngiting sabi ko.

"Bakit? Natatakot ka na baka kung saan mauwi ang paghahatid mo?" asar pa niya.

"Yes because I'm pretty sure it will end up into a huge disaster," kunway tawa ko while wishing they'd know what kind of disaster I was talking about.

Tumingin sa amin si Fatima nang may namumungay na mga mata sabay kapit ulit sa aking braso. "Hey guys! I really enjoy the night a lot! Pakiramdamdam ko parang kahapon lang kung kelan tayo madalas na mag-inuman. This reunion is really a huge success. Alam niyo ba na nagtrending pa nga to sa twitter ngayon!"

"How did that happen? It wasn't even a big event," kunot noong wika ni Edward.

"The famous Anya Tejero tweeted about it!" Muntik ko nang mabitawan ang aking baso sa narinig. "Alam niyo si Anya may kaunting pagkasuplada pero minsan naman may pagkahumble din. Di ko nga alam kung bakit ipinopromote niya itong reunion natin."

She held my arm again and I quickly removed her hands in panic. Pero kahit anong patay malisyang pagtanggal ko ay pilit pa rin siyang kumakapit. I instantly got a bad feeling about that tweet. Binitawan ko rin agad ang hawak kong alak.

"Guys, una na-" Lahat ng kausap ko ay biglang napatingin sa iisang direksiyon. Nakatanga ang mga hitsura. Umusbong agad ang nerbiyos sa aking dibdib. And when I looked at that same direction, my eyes got wider. My intuition was right. Anya was glaring at Fatima while standing a meter away from our table. Malalim ang paghinga habang nakakuyom ang mga kamay.

She was only wearing a loose shirt, ripped jeans and a sneaker. Kasuotang dahil di nababagay sa okasyon ay sapat na para makakuha ng atensiyon. All eyes were on her. May nakatutok na ring mga cellphone. Nang humakbang siya papalapit, agad akong tumayo. Sinalubong ko siya at hinarangan ko ng isang kamay. Hinawi niya ang braso ko at tumuloy sa paglapit kay Fatima.

"You flirt! I had warned you not to touch my man-" Agad kong tinakpan ang kanyang bibig.  I couldn't allow her to make a single mistake and say words that would ruin her. I knew some were not only taking pictures but videos as well. Niyakap ko siya upang pigilan sa pagsugod but she tried to resist at pilit inaabot si Fatima.

"STOP IT ANYA!" sigaw ko sa tenga niya sanhi para matauhan siya.

Tumigil siya ngunit humahangos na tumingin sa akin nang punum-puno nang galit ang mga mata. I held her wrist tightly. Nilingon ko ang natutulala kong mga kaibigan. Fatima was in huge shock at tila nawala ang pagkalasing.

Lumunok ako. " Sorry guys, iwan ko na kayo. Sa susunod na lang ako magpapaliwanag."

Inakay ko palabas si Anya. She was still furious. Tinakpan ko ang mukha niya nang aking kamay dahil walang tigil pa rin sa pagkuha ng litrato ang mga tao. Yung iba ay gusto pa ngang magpakuha ng pictures sa kanya pero binilisan ko ang aking paghakbang and dragged her outside the place as soon as possible.

"Are you out of your mind?! Why did you come here?!" I yelled when we arrived at the car.

She didn't answer. Sa halip ay nanatiling nakatingin lang sa akin nang masama habang tuloy pa rin sa paghinga nang malalalim. Dinukot ko ang susi ng kotse sa pantalon niya bago pa siya tuluyang sumabog at magsisigaw. Tumingin ako sa paligid sa pag-aalala na baka may nakasunod pa rin sa amin. Pinasakay ko na siya while she could still hold her anger.

"Hold it. Wait until we get home. Nakainom ako kaya huwag mo akong awayin habang nagmamaneho," I said firmly.

Sumunod naman siya. Habang tumatagal ay unti-unting nagbabago ang hilatsa ng kanyang mukha. I guessed she slowly realized the stupidity of her actions. When we got home, tiningnan niya agad ang cellphone. Galit na galit na namang hinarap niya ako.

"Look what you did?! I'm all over the net! You and my pictures! People will recognize you now! It's all your fault!"

Di makapaniwalang napangisi ako. Tila nakalimutan niya na yata na ako ang may mas karapatang magalit sa kanya. "Why am I the one who has to be blamed? Ako ba ang sumugod nang hindi nag-iisip?" I reasoned out while still holding my temper.

"Kasi kasama mo na naman ang babaeng yun! I told you to stay away from her! She even posted a picture na magkatabi kayo!" she yelled.

"Natural kasama ko siya dahil isa siya sa mga alumni and she has the right to be there! Anong gusto mo? Paalisin ko siya dahil ayaw mo sa kanya?!" mataas na ring tonong katwiran ko.

"I saw it with my own eyes! Hinahayaan mo lang na landiin ka niya?! Ano nag-eenjoy ka o sinasadya mo para gumanti lang sa akin?"

Sarkastikong tumawa ako hanggang sa unti-unti na rin akong namula sa galit. "Ganyan ba kaliit ang tingin mo sa akin? No wonder why you're treating me like trash! Fatima is my friend! Ano man ang nararamdaman niya ay hindi ko na saklaw yun! Anong gusto mo ang maging bastos ako para lang huwag kang magselos?! Ikaw?! Nung harap-harapang nagtapat sayo si Hayward, nagwala ba ako? Sinugod ko ba siya?! I didn't do it dahil kahit kinakain na ako ng selos pinapairal ko pa rin ang pang-unawa ko! Why can't you just act the same?!"

"Hindi ako ikaw! Iba ang kay Hayward, iba ang panglalandi sayo ng babaeng yun!"

Napatanga ako saglit at pagkuway ngumisi. " Ano si Hayward, trabaho?" sabay sipa ko sa sopa. "Punyetang trabaho yan! Lagi mo na lang ginagawang lisensiya yan para saktan at insultuhin ako!"

"Hindi kita sinasaktan! Ikaw ang nag-iisip ng kung ano-ano para saktan ang sarili mo! Sabi mo hindi tayo mag-papaapekto dahil sa trabaho ko! But look how you behave now! Lumalabas na ang totoong kulay mo!"

Dinuro ko siya sa sobrang pagkapikon ko. " Hindi ang trabaho mo ang sumisira sa atin! IKAW ANYA!!' IKAW!!!"

Her eyes hod gotten misty. Natahimik siya at halatang nagulat sa sigaw at pandudurong ginawa ko. "Kung magkakaganito ka rin pala sa bandang huli sana... sana... nung nasa Villa Rafael pa ako sinunod mo na ang gusto ko na manatili lamang doon. But you were the one who pushed me to return to my world," naiiyak ngunit may panunumbat na salita niya.

Saglit ko ring kinalma ang aking sarili and looked at her with a very serious face. "Gusto mong malaman ang totoong dahilan kung ba't ginawa ko yun?...." I took a very deep breath. Hatred in my chest was starting to fade away and it was slowly conquered by deep sadness. "Dahil sa mga sandaling yun nagtira pa rin ako ng kaunting pagmamahal sa sarili ko. I didn't trust your words. Natatakot ako na sa bandang huli ay iiwanan mo lang ulit ako kapag hindi ka na masaya. I allowed you to return to your world to test your sincerity pero habang tumatagal nararamdaman kong mukhang mangyayari nga ang kinatatakutan ko," titig ko sa kanya nang may mamasa-masa na ring mga mata.

"What about the annulment? Yung pagsuporta mo sa mga pangarap ko. Was it all a lie? Pretensions?! Niloloko mo lang ba ako?!" Bahagyang tumaas na naman ang kanyang tono.

I laughed softly. "It wasn't a lie.It was a test but at the same time it was all real. Kahit anong takot ko sa pwedeng mangyari pero mahal na mahal kita eh," ngiti ko nang mapait. " Kung saan ka masaya, susuportahan na lang kita... Kaya lang alam mo kung anong problema mo? Ang dami mong gusto. Ang dami mong gustong maabot. Gusto mo tuloy-tuloy ka sa pag-angat habang ako naiiwan lang sa baba. Hindi naman ako kasama sa mga pangarap mo. I became a husband who had to wait until his wife got tired of her ambitions. Hindi yan ang gusto kong buhay Anya. Gusto ko ng normal na pamilya. I want a real wife hindi yung asawang kailangan ko pang hulaan kung kelan at anong oras ko siya pwedeng makasama. "

"Kaya nga nagkasundo na tayong sasabihin na natin sa tao di ba?" marahan niya nang sabi.

Tinitigan ko siya sa mga mata. "Ang laki ko ngang tanga eh. Ako tong gago na kailangan pang maghintay at dumepende sa trabaho mo para mapakilalang asawa mo. Paano kung bukas may dumating na namang aberya? Aasa na naman ako? Ayoko nang maniwala Anya."

Napatiimbagang siya. She looked me in the eyes. "Diretsahin mo na ako. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?"

"Kailangan ko pa ba talagang sabihin para maintindihan mo? Fine I'll say it...." Pinadaan ko muna ang kaunting katahimikan. I bit my lower lip. Walked a little then stopped and stared at her. "Considering what you've got now, the fame, success and wealth.... ngayon mo sabihin lahat ng mga sinabi mo sa akin noon sa Villa Rafael. Ngayon ko pinakagustong marinig ang sinabi mong handa mong ipagpalit lahat."

Hindi siya nakasagot. Umiwas siya ng tingin hanggang sa unti-unting pumatak ang kanyang luha. Her silence and her tears was like a sharp sword that ruthlessly cut my heart. "Don't carelessly deliver a line you don't mean. Sacrifice isn't some word that only runs in our head," marahan ngunit mariing sabi ko.

Tumingin siya sa akin nang pumapatak pa rin ang luha. I was holding my own tears as I looked at her too. "I was a woman who lived on her own for a long time. I didn't rely on anyone strength except mine. Lahat ng mabibigat na desisyon ginagawa ko ng ako lang. I was once the most independent woman in this business..." Lumunok siya at kumagat sa labi. "Pero lahat naman yun unti-unting nagbago dahil sayo. Dahil mahal na mahal kita, sinubukan kong gawin lahat ng makakaya ko para magampanan ang mga responsibilidad ko sayo. Wala rin naman akong ginusto kundi maging masaya ka at ako. If I hurt you for being who I am, I didn't mean it and I'm really sorry.... Higit pa sa kalahati ng kung ano ako dati ay nagbago nang dahil sayo. Pero Lander... kung ang hinihingi mo ngayon ay tuluyang kalimutang kung ano ang totoong pagkatao ko, hindi ko alam kung kaya kong ibigay yun.... You are asking too much."

Lumapit ako sa kanya. Sana makita niya sa aking mga mata kung gaano ako nasaktan sa sinabi niya. "I'm not asking too much Anya.... I'm asking what I deserve."

"L-Lander..." she stared at me with tears running down her cheeks.

"Kung di mo yun mabibigay, wala akong magagawa...." Lumunok ako at ngumiti nang mapakla. "I'm sorry if I made you into someone you're not. Kung anuman ang nawala sa pagkatao mo, ibabalik ko na. Pati ang pangarap mo pumuntang Paris, isusuli ko na rin sayo..." I caressed her hair while looking in her pretty face.

"Love what are you talking about," nanginginig ang boses at may takot sa mga matang sambit niya.

Tumingin muna ako sa ibang direksiyon. Tinimbang ang bigat ng aking dibdib sa aking sasabihin. Nang pakiramdam ko'y kaya namang dalhin saka ako muling tumitig sa kanya. " There's still one last key to nullify our marriage. Sa umpisa pa lang, wala naman talagang bisa ang kasal natin. And I'm sorry for secretly planning on my own to marry you again. I guess I had no choice but to forget that plan now..." I couldn't take my eyes off her. Ninanamnam ang mga huling sandaling pwede ko siyang titigan. "Tutal tiyak na alam na rin ng tao ang tungkol sa atin dahil sa nangyari kanina, pwede ko ng hanapin ang mga taong makakapagpatunay na kinasal tayo sa di tamang edad.... This time, I'm the one who will file for the petition. You can still have your biggest dream Anya. That's the final gift I could give to you.." I wanted to kiss her but I chose not to. "Thank you for genuinely loving me."

She almost fell on her knees. She opened her mouth but instead of saying anything, her lips remained quivering. Lumakas ang kanyang pag-iyak. She looked at me with disbelief as if she was only having her worst nightmare. She tried to utter a word but nothing came out.

Tumalikod ako. I avoided to hear the words that would only made me want to stay. I headed towards the door. Di sinasadyang nasarado ko ito nang malakas. Noon lang pumatak ang aking luha. My heart was so heavy but it felt empty. Binaybay ko ang pasilyo patungo sa elevator nang hindi lumilingon sa aking likuran. Yan naman kasi ang dapat kung ginawa noon pa, ang tumingin lamang sa direksiyon kung saan kami dapat patungo.

Continue lendo

Você também vai gostar

7.9M 172K 40
"You can't take my baby away from me!" Skylar was hysterical, her voice cracking towards the end. "Then maybe you shouldn't have kept her away from...
105K 2.7K 15
Lizzie had been stuck on skull island since she was 15. An expedition gone wrong. She didn't expect any rescue and she had finally come to terms with...
16.4K 265 11
BSD characters reacting to different images/videos etc. Potential Ships: Soukoku, Shin Soukoku, Ranpo, Kousano, Higugin/Tachigin
3.3M 137K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...