Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.4K 3K 1.7K

โœ“ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
epilogue
note

22.

912 43 70
By hannahdulse_

Passed out.

Agnes

Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. I cried a lot and that's enough. At least, nailabas ko ang gusto kong ilabas ngayon. Ayoko naman na kawawaan ako ng mga kasama ko.

Crying does not mean I'm weak. It means I've been strong for too long. Gaya ng nangyari simula nang mapadpad kami dito. 

I never knew how strong I am. Until being strong is my only choice I have. Hindi naman ako pwedeng magtakot-takutan dahil may mga kasama ako. Lalo na si Hazel na pinakatatakutin sa aming lahat.

"Guys, tara na. We need to get out of here," sabi ko habang basag-basag ang boses ko dahil sa pagiyak ko kanina.

Nginitian nila ako at ang iba naman gaya ni Joseph, Jenny at Selena, tinapik ako sa balikat. Nauna silang maglakad papunta sa kanan kung saan doon kami nahulog ni Hazel.

Sumunod naman ako sa kanila. At dahil nahuli ako, nilingon ko muna ang gate na patuloy sa pagkalabog na animo'y gustong-gusto nilang pumasok. 

Habang naglalakad kami sa madilim at mabahong lugar na 'to, patakip-takip naman sila ng ilong dahil hindi talaga kaya ang mabahong kanal na 'to.

"Paano naman tayo aakyat diyan?" tanong ni Jenny habang nakatingala kaming lahat sa may malaking butas.

I scanned the whole place at nakitang may malalaking bato na sakto lang para makaakyat kami mula dito.

"There," sabay turo ko doon sa naglalakihang bato.

Parang naging rock adventure ang ginawa namin pero wala lang kaming safety gears. Kapag mahuhulog kami, sa itim na likido kami mahuhulog at mag-aamoy kanal kami.

Hindi naman ako arte sa mga ganiyan. Diyan nga ako nahulog kanina, 'di ba? Pero hindi ko naamoy ang mabahong amoy nito.

"Guys, ingat sa mga bato na 'to!" sigaw ni Chris na siyang naunang sumubok sa pag-akyat. Sumunod sa kaniya si Francis at Joseph samantalang nagpaiwan muna si Miko at Caleb.

Nang makaakyat na ang tatlo, si Jenny at Selena naman ang sumubok at nakaakyat din na walang kahit anong nangyari.

Naghihintay silang lima doon sa itaas kaya kaming dalawa naman ni Hazel ang sumunod. Pero bago pa kami umakyat, nilingon ko silang dalawa at sa malaking gate na nasa unahan. I can see the big gate began to destroy. 

Natatanggal ang mga bolt nito at unti-unting nayuyupi ang metallic gate. They're strong enough to destroy and enter to where we are now.

"Tara na, Hazel. Bago pa makapasok ang mga halimaw," sabi ko kay Hazel tsaka kami pumwesto sa harap ng mga bato. 

Isa-isa naming hinawakan at inapakan ang mga bato. Maingat naming ginagawa 'to para hindi kami madulas at mahulog kundi tigok kami.

CLANK! CLANK!

Napahinto ako at nilingon ang gate. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang unti-unti na itong bumubukas. Nayuyupi na ito ng sobra at kulang nalang ang mahigit isang daang pag-yupi nito at makakapasok na sila.

CLANK! CLANK!

Para silang mga zombie na gutom na gutom at gusto kaming tikman. They want to eat our flesh and brains--

"Miko! Caleb!" naiiyak na sigaw ni Hazel na nasa tabi ko. Nagmamadali kaming umakyat para makaakyat na ang dalawang lalake na na-stuck pa rin sa ibaba.

Konti nalang at makakarating na kami sa itaas. 

The five of them stretched out their hands to help us. Bakas sa mukha nila ang pagaalala lalo na kay Miko at Caleb. 

Huling pitong bato nalang at tuluyan na kaming makaakyat. 

CLANK! CLANK!

Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung nakakahinga pa ba ako o hindi. Nagdadalawang isip ako kung ano ang gagawin ko. I want to jump off and let myself get eat from the monsters.

"We can't get killed, we can't feel the pain.."

Napapikit ako. I wanted to kill myself to end this right now. Pero anong mangyayari? Mamamatay ako't hindi ko na ma-aasar si kuya Joel at mama. I also wanted to see my dad who's working so hard to give us lives. We are the perfect four, the perfect family.

Ayokong sayangin ang buhay ko ngayon..

Huling bato bago ko maabot ang mga kamay nila, nagawa naming makaakyat ni Hazel. 

Nakahinga ako nang maluwag dahil nakikita ko na ang kalikasan. Ang sariwang hangin at ang langit na punong-puno ng mga bituin.

Gabi na pala at hindi man lang namin alam. It's full moon kaya nagkaroon ng liwanag sa canal mula sa langit.

Tumungo ako at nakitang paakyat na si Miko at Caleb. Lumapit ako sa may butas at inabot din ang kamay sa kanilang dalawa 'gaya ng ginagawa ng mga kasama ko.

CLAAAAANK!

Nakita kong natigilan si Miko at Caleb at napatingin sa kanan kung nasa'n ang malaking gate. Tsaka ko narinig ang malakas na tunog ng nagtatakbuhang nilalang.

Napatili na lamang si Hazel at humihikbing naki-sali sa 'min.

"Faster, guys!" sigaw ko at mas ini-stretch ang kamay ko para madali ko silang maabot.

Lampas gitna na sila. May nakita akong parang mga nilalang na nahulog sa itim na likido at nag-splash pa 'to kaya nagtalsikan ang maitim na tubig sa paligid. 

And there, I saw. About twenty zombies na parang nakainom ng energy drink at napaka-hyper. Pilit nilang abutin ang mga paa ng dalawa. May nakikita pa akong ibang nakakatakot na nilalang. Ang iba ay nahulog din sa kanal 'gaya ng mga zombies at ang iba ay nakatingala lang sa amin.

"Faster!" tili ni Jenny.

Nahawakan ni Miko ang kamay ko kaya hinila ko ito at tinulungan naman ako ni Selena na katabi ko lang. Dahil puro kami babae at hindi namin kayang dalawa ni Selena, tumulong din si Joseph.

Sabay naming tatlo na nahila si Miko at tagumpay na nakaakyat siya dito kasama namin. Napahiga kaming tatlo pero muling tumayo para tulungan naman si Caleb.

Si Francis, Joseph at Jenny naman ang humila kay Caleb kaya tagumpay nila itong nai-akyat. And now, we're complete.

GROWL!

Sabay kaming lahat na napalingon sa butas at nakitang may nakaakyat pala at pilit na tulungan ang sarili para tuluyang makaakyat at sugurin kami. It's a half wolf and a half human. Kitang-kita ko pa ang kamay niya na kagaya sa 'min na pilit na may inaabot para makaakyat. Tapos ang laki-laki ng wolf-like head niya na may pulang mga mata.

"You, beast!" sigaw ni Jenny tsaka niya sinipa ang ulo ng half tao, half lobo. Nahulog naman ito ulit at si Chris ang nagsarado ng butas para hindi makalabas ang mga halimaw.

This canal is quite big. It looks like a tunnel pero hindi ko mawari kung tunnel ba 'to o canal.

Sabay-sabay kaming napabuntong hininga at napahiga na lamang ako sa lupa. Kahit na madudumihan ako, wala na akong pake. All I want is to stare the stars at makapagpahinga. Tutal, itim-itim na din 'tong katawan ko dahil sa pagkahulog ko sa kanal.

"We successfully survived the monster apocalypse," bulong ni Selena na nakahiga rin pala at nakatitig sa mga bituin sa itaas.

Lahat kami, nakahiga. We looked tired and haggard. Dahil sa nangyari kanina, puro sugatan kami. Pero ako lang yung nakakaramdam ng sakit..

Kung nandiyan man si miss Aberdeen, I want to raise my hands and show her my middle finger. But I'm not a bitch kaya hindi ko gagawin 'yon. I don't do middle finger to everyone. Nah.

"Best friends," biglang sambit ni Jenny kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatitig lang siya sa itaas at hindi ko alam kung ba't niya biglang sinabi 'yon. "Look, guys. The stars are forming a word!"

Sinundan ko ang tinitigan niya sa langit at nagulat nang makitang ang mga bituin ay nakaporma sa word na BEST FRIENDS. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. Sa pagkakaalam ko, wala namang ganiyang klaseng stars. 

"I imagined it," sabi naman ni Selena kaya natawa nalang ako. 

"Aweeee! Ang kyot naman niyan," kinikilig na sabi ni Jenny.

"We.. are.." dahan-dahan kong sabi. May idadagdag pa sana ako kaya lang nakiepal si Francis.

"NINE!" sigaw nito na nagpapatawa sa 'ming lahat. "Anong nakakatawa doon? Tama naman na siyam tayo, 'di ba?"

Muli kaming tumawa nang malakas na para bang walang nangyari sa amin kani-kanina lang. 

Eto yung gusto ko sa grupo na 'to. Or what should I say, magkakaibigan. Positive lang sa lahat at hindi sineseryoso ang panganib na darating. Like this, we laughed like we're in the real event. We laughed like nothing happened. 

Us, lying on the ground while staring at the starts that forming BEST FRIENDS.

I smiled. 

Nagitla ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Nilingon ko ang nasa kabilang side ko at nakitang si Caleb pala 'yon habang nakatitig sa langit at ginamit ang braso para gawing unan. Sa isang kamay naman niya ay ginamit niya para ipatong sa kamay ko.

Nakangiti siya pero hindi siya nakatingin sa 'kin. Para siyang natutuwa na sa wakas ay nahawakan niya ulit ang kamay ko.

"What's with that smile, Caleb?" natatawang tanong ko sa kaniya.

Lumingon siya saglit at muling binalik ang tingin sa itaas--sa langit.

"Nothing. I just thought we will die today. But we survived," nakangiti ulit siya kaya napangiti din ako.

Dahil sa lamig ng hangin na humahampas sa mukha ko, nakaramdam ako ng antok. Nakatulog ako habang hawak-hawak ni Caleb ang kamay ko. Pero bago pa ako tuluyang makatulog, Caleb kissed my forehead.

"Good night, Agnes."

* * *

Third Person


Madilim ang daan na tinatahak ni Aggy habang patuloy na tumutunog ang mga insekto sa kagubatan.

'I'm Agatha Flores and I'm here to save--kill Agnes Ocampo,' paulit-ulit niyang paalala sa sarili niya upang hindi niya malimutan ang kaniyang papel dito. Ang papel bilang serial killer sa loob ng illusyon na gawa ni miss Aberdeen.

Napahinto si Agatha nang maramdaman na muling humapdi ang kaniyang sugat sa binti na gawa sa pagpapatuloy sa pagtatahak sa gubat kahit na marami itong mga matutulis na ugat at kung ano-ano pa.

Bumibigat ang bawat hininga niya at may namumuong pawis sa sa noo. 

Umupo siya sa malaking bato na nakita niya. Tiningnan niya ang binti niya na may malaking hiwa ng sugat at napabuntong hininga na lamang.

Wala siyang talento sa paggamot kaya hinayaan nalang niya na patuloy sa pag-agos ang dugo ng kaniyang sugat sa binti at nagpahinga nalang.

She wished she wasn't born so that she couldn't feel these pains. Physical and emotional pain.

Labag sa loob niya ang manakit sa kapwa kaya hinihiling niya na sana, hindi niya mas maagang mahanap si Agnes.

Iniisip pa lang niya ang itsura ni Agnes, nanlambot na agad ang kaniyang tuhod. Matapang si Agnes kaya iniisip niya na hindi niya matatalo ng ganoon lang si Agnes.

Si Agatha Flores ay lumaking walang kasama sa bahay. Hindi siya nagkaroon ng mga kaibigan at wala siyang kinikilalang ama, mga pinsan, lolo at lola, uncle at auntie, tito at tita. Walang ibang nagmamahal sa kaniya kundi ang kaniyang nana Aberdeen kaya kailangan niyang gawin ang kaniyang papel dito. 

Pero hindi niya kayang patayin ang isang dalagang walang kaalam-alam kung ba't sila nandito..

Biglang sumagi sa isip niya ang palagi niyang tanong sa isipan niya.

Ano ang kasalanan ng walang kamuwang-muwang na si Agnes? Ba't galit na galit si Aberdeen sa kaniya?

Alam niyang may tamang panahon para masagot ang kaniyang mga katanungan.

Pinilig ni Agatha ang kaniyang ulo para maalis ang bumabagabag sa isip niya. Sinandal niya ang ulo niya sa punong kahoy na katabi lamang.

Hindi niya namalayan at nakatulog na lamang dala ng pagod sa paglalakbay.

Habang tulog si Aggy at unti-unting umangat ang araw, nasa 'di kalayuan lang sila Agnes at ang mga kaibigan nito. Walang alam si Aggy dahil nakatulog ito dahil sa sakit ng katawan at pagod lalo na sa sugat niya sa binti.

"Guyseuuuuu! Andaming mansanaaaaas!" matinis na boses na sabi ni Jenny habang nakatingala sa puno na may bunga na mapupulang mansanas.

"Woaaah! Gutom tuloy ako," nakahawak si Joseph sa tyan niya at nakatingala din sa mga mansanas.

Lahat sila ay nakatingala pero si Chris ang naglakas-loob para akyatin ang puno ng mansanas. Sumunod sa kaniya si Miko para tulungan na magpitas ng mga mansanas para sa kakainin nila.

"Magingat kayo!" sigaw ni Selena mula sa ibaba.

Naka-akyat ang dalawang binata at masayang pinitas ang mga mansanas. Hinuhulog nila ito at kina-catch naman ng mga kasama nila na nasa ibaba.

"This is enough!" sigaw naman ni Caleb nang makitang andami nang mansanas na nakapatong sa ibabaw ng dahon ng saging.

Masaya silang umupo sa lupa nang makababa na ang dalawang binata. Pinalibutan nila ang malaking dahon ng saging na may nakapatong na mga mansanas.

"Attaaaack!" 

Tsaka sila kumuha ng mansanas at kinain ito. Hindi nila mapigilan ang maging patay gutom at pinagsabay ang dalawang mansanas sa magkabila nilang kamay. Gutom na gutom sila dahil hindi sila nakakain ng kahit ano mula kagabi.

"Alam niyo ba," nilunok muna ni Francis ang kinakain niya at muling nagsalita. "Ang sarap-sarap ng tulog ko kagabi. Kaso biglang may pumasok na kung ano sa tainga ko at sa paggalaw ko, inaamoy pala ng daga ang tainga ko."

Tumawang mag-isa si Francis hanggang sa mabilaukan ito't umubo-ubo. Hindi siya pinansin ng mga kaibigan niya dahil busy ito sa mansanas.

"Grabe ang mga 'to," bulong ni Francis at kinagat ang mansanas. Hindi na lang siya muling nagsalita dahil hindi naman siya pinapansin ng mga kasama niya.

"Why don't we imagine something, guys?" biglang tanong ni Selena na may hawak na dalawang mansanas din. "I want to eat rice, eh."

"Sige!" masayang tugon ni Jenny kaya tumayo silang lahat at si Selena na ang nagisip ng kakainin nila.

Hindi nagtagal at may sumulpot na malaking tent sa harap nila. Pumasok si Selena at muling inisip ang lamesa na punong-puno ng mga pagkain sa hapag.

Parang totoong pagkain ang nasa harap nila dahil umuusok pa ito. Nakaamoy naman si Francis, Joseph, Miko at Chris at dali-daling pumasok.

"Wow! Filipino dishes!" masayang sabi ni Joseph at umupo sa isang upuan. 

Pumasok din ang iba at nakiupo. Nilantakan nila agad ang mga pagkain.

Habang masaya silang kumakain, si Aggy naman ay dahan-dahan na dumilat at paglingon niya sa kaliwa, may nakita siyang malaking tent. 

"Agnes?" nanghihina nitong banggit at dahan-dahan na tumayo.

Kinuha niya ang itak sa gilid niya at nagsimulang maglakad papalapit sa malaking tent.

Nang makarating siya doon, hinawi niya ang kurtina at nakitang masayang kumakain ang grupo ni Agnes.

Nang makita ni Jenny si Aggy, tumili ito ng pagkalakas-lakas kaya napatigil sila sa pag-kain at napatingin sa may kurtina.

Nakita nila doon si Aggy na nanghihina habang hawak-hawak ang itak. Napatingin siya kay Agnes na nasa malapit lamang niya at tuluyang pumasok sa tent. Tinutok niya ang itak kay Agnes pero bago pa man tumayo si Caleb para ilayo si Agnes, natumba si Aggy.

Nawalan siya ng malay dahil sa pagod, sa sugat niya at sa gutom.

Napatili ulit si Jenny pagkabagsak ni Aggy sa sahig.

MYSTIQUE PUPETEER
graciangwttpd

Continue Reading

You'll Also Like

609K 28.6K 40
She's destined to be a queen, and the fall of the Imperial Empire depends on her life Her name is Morta and this is her story. Genre: Fantasy/Romanc...
6.9K 444 24
Paano kung isang umaga, magising ka sa isang hindi inaasahang pangyayari na babago sa takbo ng buhay mo. Imbes na karaniwang umaga ang sasalubong say...
1.1M 46.5K 39
Head shall bow, knees shall kneel, look into eyes, you shall die! ABSOLUTE adjective abยทsoยทlute \หˆab-sษ™-หŒlรผt, หŒab-sษ™-หˆ\ : complete and total : not li...
5.4K 85 39
~~~~~ book two ng the lost queen.. he he this is another fantasy..