Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.5K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
epilogue
note

23.

886 45 63
By hannahdulse_

Break the rules.

Agnes


"Hey?" winawagayway ko ang kamay ko sa harap ng babae. 

She's been sleeping for almost a day. 'Buti at gumawa si Selena ng malaking tent at matapos naming kumain, pinagawa ko ulit si Selena ng malambot na kama at mga gamot para sa mga sugat niya.

I'm no good for checking the health pero sa palagay ko, kung ba't siya nahimatay kanina, ay dahil sa gutom, uhaw at pagod. Idagdag mo pa ang malaking hiwa na sugat sa binti niya. Ginamot ko na ito kaya may malaking bandage ang binti niya.

I don't know her reason kung ba't niya ako tinutukan ng itak kanina. Nagtalo tuloy kami ni Caleb na ako na ang bahala sa babae na 'to.

Sabi niya kaninang umaga matapos mawalan ng malay ang babae na 'to, kailangan na raw namin dispatyahin bago pa siya magising. Siyempre, may puso din ako at babae din ako kaya hindi ko pinayagan si Caleb.

Wala naman ata 'tong intensyon sa 'kin at naapektuhan lang siguro ang utak niya dahil hindi siya kumakain ng ilang araw kaya niya nagawa 'yon sa 'kin--ang tutukan ako ng matulis na itak.

Hinipo ko ulit ang noo niya at pinakiramdaman ito. Medyo mainit siya kaya tumayo ako at lumabas ng tent para kunin ang bimpo na ginamit ko kanina para ipahid 'yon sa katawan ng babae. Well, dahil hindi ko alam ang pangalan niya, hindi ko din ime-mention ang pangalan niya. Hindi ko alam, eh. Tsaka ko lang itanong kapag gising na siya.

"Gising na siya?" bungad na tanong ni Caleb na nakabukot sa comforter. Pinalabas ko kasi ang mga lalake at dito sila natulog sa labas ng tent. Samantalang kaming mga babae ay nasa loob ng malaking tent.

Umiling ako bilang sagot at kinuha ang bimpo at planggana na may tubig. Humarap ulit ako kay Caleb at sinilip ang natutulog na si Chris, Joseph at Francis samantalang si Miko ay nakaupo lang at bukot na bukot ng comforter na halatang giniginaw.

Umubo ako ng konti, "You should try to make a tent, too. Hindi 'yung magpapakahirap kayo na matulog dito sa labas para lang papasukin kayo sa tent namin."

I even emphasized the word namin para malaman nila na puro babae ang nasa loob ng tent kaya hindi sila pwedeng makisiksik pa sa 'min. Baka mamaya kung ano ang kalokohan na gagawin nila.

Kahit babae ako, alam ko din ang mga behavior ng mga lalake. I have a brother, remember? Mas may sayad sa utak lang ang isang 'yon.

And speaking of my brother, miss ko na si kuya Joel.

Kamusta na kaya siya? Nagaalala din ba siya 'tulad ni mama? Kahit na may sayad ang kuya Joel ko, mahal ko pa din 'yon.

Napatingin ako sa babae na tapos ko nang pahiran ng maligamgam na tubig gamit ang bimpo. Meydo gumalaw siya ng konti at may binulong-bulong 'gaya ng mga taong natutulog at hindi nila alam ay may sinasabi pala sila habang natutulog.

Nilapitan ko siya at tinapik ng mahina ang braso, "Hey. Wake up. You'll gonna need to eat and gain your energy."

Dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata niya pero parang hindi niya ako nakikita dahil kinusot-kusot pa niya ito. Tapos ginamit niya ang siko niya para tulungan ang sarili para makaupo.

"Hey. Please eat first," nakangiti kong bungad nang tuluyan na siyang dumilat at nilibot nag paningin.

Inilipat niya ang paningin niya sa 'kin at nanlaki ang mga mata niya. Umatras pa siya ng konti na para bang natatakot sa 'kin.

Tumawa ako nang mahina, "I'm not going to bite you. Just wait here and I'll bring the tray of your food."

Tumayo ulit ako at lumapit sa maliit na lamesa na may nakapatong na tray na may mga pagkain. Dinala ko ang tray sa babae na hanggang ngayon ay parang takot na takot sa 'kin dahil pagkalapag ko sa gilid niya, medyo lumayo pa siya ng konti.

Bumuntong hininga ako.

"Kung wala ka pang lakas para magsalita, I understand. Just call me when you're done eating," ngumiti ako sa kaniya at tumalikod para maglakad palapit sa kurtina na zinipper ko na kanina. It's the tent door. Ang cute dahil ngayon lang ako nakapasok sa malaking tent.

Bago pa ako lumabas ng tent, sinilip ko ulit ang babae at nakitang nilantakan niya ang mga pagkain na hinanda ko para sa kaniya. I smiled. Gutom nga siya. Tapos uminom pa siya ng tubig nang mabilaukan siya dahil sa bilis niyang lumunok ng pagkain.

"How is she?" bungad na tanong ni Caleb na para bang naramdaman niya na papalapit ako sa kinauupuan niya sa log. 

Umupo ako sa tabi niya at tinitigan ang kulay blue na malaking tent. Huh. Gumawa nga sila ng kanilang tent.

"Ba't hindi ka pa tulog?" pagiiba ko ng topic.

"Ayokong matulog hanggang sa malalaman ko na kung ano ang ginagawa ng babae dito," sagot niya tsaka uminom sa may hawak-hawak niya na coffee in can.

May kinuha siya sa gilid niya at inabot sa 'kin ang isa pang coffee in can.

Masaya ko 'tong tinanggap at binuksan tsaka ininom. "Salamat."

"Anything for you. But, can I have a question?"

Nilingon ko siya pero nakatitig pa rin siya sa harapan. Muli akong humarap at tumango kahit hindi niya nakikita ang mukha ko, "Try me. What is it?"

"May natatandaan ka ba sa ginawa mo kay miss Aberdeen?"

Kumunot ang noo ko. 

"No. If you're going to ask me kung ano ang maling ginawa ko kay miss Ab, wala. Wala akong ginawa at wala akong kasalanan."

Tatayo na sana ako nang mapatigil ako sa sinabi ni Caleb.

"Weird. Noong iniimbistigahan ko siya, dinig na dinig ko ang bawat pagbigkas niya. She called your name thrice a night sa tuwing may evil something prayer na ginagawa siya," lumingon siya sa 'kin habang nakakunot ang noo. "I even heard the name Aggy. Sino siya?"

I blink.

Aggy? Ba't naman babanggitin ni miss Ab si Aggy--I knew it!

Si Aggy ba ay anak niya? Siya ba ang nana na tinatawag ni Aggy sa nakikita kong imahe noon? 

"It means, she's a mother. Anak niya si Aggy," biglang sabi ko out of nowhere. Napatingin ako kay Caleb na takang-taka na nakatingin sa 'kin.

"Then,  you killed her daughter?"

Bigla akong napataas ng kilay. "You think I'm a serial killer? Sa tingin mo kaya kong pumatay ng mga tao, Caleb?" 

Tumawa siya nang mahina at sabay kamot ng baba niya. "I'm just joking. Bakit ka naman nadamay sa evil something prayer niya?"

Nagkibit balikat ako. Sa totoo lang, 'yan ang palagi kong tanong. Kung ba't ako nadamay sa mga kalokohan ni miss Ab. Hindi lang ako kundi pati ang mga co-officers ko na naging mga kaibigan ko na.

"Wait," tinaas ko ang hintuturo ko habang iniisip ng mabuti ang dapat kong sasabihin kay Caleb.

Posible kayang--no. It can't be. Hindi naman magagawa 'yon ni mama.

"What is it?" tanong niya.

Umiling ako at pinatong ang baba sa kamay ko tsaka nagisip ulit. I'm trying to connect the dots here. I really want to know kung ano ang mali na nagawa ko kay miss Ab.

Come to think of it. Ina ng dalawang bata si miss Aberdeen--kay Aggy at Angel. Tapos ako ang tinarget niya.. posible kayang naghihiganti siya kay mama? Eh, ano naman ang kasalanan ni mama sa kaniya?

Aish! Nalilito na ako. Sa tuwing may nakokonekta na ako na dots, tsaka pa ito liliko at kokonekta sa square at hindi sa circle.

Pinilig ko ang ulo ko at muling humarap kay Caleb na takang-taka na nakatingin sa akin. Maya-maya ay kumunot ang noo niya at biglang nanlaki ang mga mata. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya.

"You said that miss Aberdeen is a mother," sabi niya kaya tumango ako. "Anong trabaho ng nanay mo?"

'Yan na nga ba sinasabi ko. Kahit hindi ko pa sinasabi kay Caleb ang nasa isip ko, parang nababasa niya ang nasa isip ko o parang konektado kami ng utak pero hindi ko lang magawang basahin ang sa kaniya.

"My mum is a housewife."

"Then, what's her job before?" 

Kumunot yung noo ko at napaisip ulit. Walang binabanggit si mama noon tungkol sa trabaho niya. Hindi ko alam kung ano ang previous job niya bago siya nagresign dahil si papa na raw ang magtatrabaho para buhayin kami.

"Ma, ano nga po pala ang trabaho mo noon?" tanong ko noong nasa elementary pa ako habang nakaupo sa kama at may hawak-hawak na notebook at bolpen. 

Sa pagkakaalala ko, may assignment kami sa mga oras na 'yon. Si mama naman ay nagaayos sa sofa ng kwarto nila papa. Humarap siya sa 'kin at ngumiti.

"Ba't mo naman natanong 'yan?" tsaka siya muling bumalik sa tinatrabaho niya.

"Assignment kasi namin ma, eh. Bukas na namin i-pass."

"Anak, ilagay mo nalang na housewife. Wala akong trabaho noon.."

"Pero paano po kayo nabuhay noon? 'Diba namatay ang mga magulang mo noong bata ka pa?" natigilan noon si mama sa tanong ko kaya muli siyang humarap sa 'kin at lumapit.

Niyakap niya ako no'n. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng guilt sa puso ko nang masabi ko ang mga salita na 'yon. Na namatay yung mga magulang ni mama noong bata pa siya. I haven't met my lolo and lola dahil bata pa lang si mama, wala na ang mga magulang niya.

She haven't told me anything about her previous life. 'Yung tungkol lang kay lolo at lola na naaksidente sa sinasakyang jeep ang kinuwento niya sa 'kin. Para bang hindi ko pa gaano kakilala ang mga magulang ko. Iniiwasan palagi ni mama ang tanong na 'yon kaya simula noon, hindi na ako nagtatanong pa.

At sa tuwing may asignatura kami tungkol sa mga trabaho ng mga magulang, laging housewife ang nilalagay ko dahil hindi naman din sasagutin ni mama yung tanong ko.

"Agnes? Are you okay?" natauhan ako nang kalabitin ako ni Caleb.

"I'm fine," tsaka ako umayos ng upo.

"What's your mom's job before?" tanong niya ulit.

"To be honest, wala siyang sinasabi sa 'kin. Sa tuwing may asignatura kami tungkol sa previous job ng mga magulang namin noon, palaging housewife ang sinasagot ko," huminga ako nang malalim at tumayo. Ngumiti ako kay Caleb, "I'm going back inside. Pumasok ka na din sa tent niyo at matulog na."

Ngumiti naman siya at tumayo din. Tatalikod na sana ako para pumasok na sa tent pero bigla niya akong hinila sa braso at niyakap. Tapos hinalikan niya ang noo ko sabay bulong, "Good night."

Hindi agad ako nakakilos. Para akong na-stuck sa kinatatayuan ko at hindi ko magawang humakbang at maglakad papasok sa tent. Paulit-ulit na nagp-play ang scenario sa pagitan namin ni Caleb. Yung biglaan niyang paghila sa 'kin at pagyakap at paghalik sa noo.

Parang isang KDrama na napanood ko noon. I couldn't help but to smile sa kaloob-looban ko. Is this what miss Aberdeen said? Na totoo ang fairy tales? I wonder..

"Agnes?" may pumitik na kamay sa harap ko kaya napaangat ako ng tingin.

"Oh, Caleb? Akala ko pumasok ka na sa tent niyo?" nanginginig ang boses ko at nakakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan namin. 

Feeling ko din ay pulang-pula na ang mukha ko sa ginawa niya kanina. Biglaang pagyakap at paghalik sa noo ko--what the asdfghjkl!

"Hinihintay kita na mauna sa tent niyo--" 

Hindi ko na pinatapos si Caleb at kumaripas na ako ng takbo papunta sa tent. Ang malas pa dahil zinipper ko pala 'to kanina kaya nanginginig ang kamay kong binuksan ang zipper. It took me to open it for about twenty seconds dahil sa kaba at panginginig.

Nilingon ko ulit si Caleb na nakangiti at kinakamot ang batok. Parang nabigla siya sa biglaan kong pagkaripas ng takbo palayo sa kaniya.

"Bye!" kumaway ako at pumasok na tsaka zinipper ulit ang nagsisilbing pinto ng tent. 

Huminga ako ng malalim.

What's happening to me? Ganiyan naman talaga si Caleb, eh. Pabigla-bigla. 

Pulang-pula na ang mukha ko habang iniisip ko na parang isang fairy tale ang nangyari. Hindi ko naman i-dedeny na gusto ko na si Caleb. Simula noong tinanong niya ako sa Tangled doon sa sinasakyan naming bangka, nagkaroon na ako ng feelings ni Caleb.

Shit.

Mapapamura talaga ako dahil ang init-init ng pakiramdam ko. In fact, ang ginaw ginaw naman ng klima. Kaya nga bukot na bukot ng comforter ang tatlo na nakahiga at mahimbing na natutulog ay dahil sa ginaw.

Pero ba't ang init ng pakiramdam ko?

"You're Agnes?" muntik na akong mapatalon sa gulat. 

Napalingon ako sa gilid ko at nakita doon ang babae na nakatayo at may hawak-hawak sa likod pero hindi ko makita kung ano ito. 

"Ikaw pala. What are you doing here? You supposed to sleep by now dahil kailangan mong magpahinga," naglakad ako patungo sa kama na hinigaan niya kanina at inayos 'to. 

Medyo magulo na din kasi ang bed sheet at na-misplaced ang dalawang malalambot na unan. Matapos kong ayusin ang magulo niyang kama, nakangiti akong humarap pero biglang naglaho ang mga ngiti ko dahil sa hawak-hawak niya.

Nakataas ang kamay niya at may hawak itong maliit na kutsilyo pero matulis ang blade nito. 

Lumunok ako, "Miss. What are you doing?" 

Umaatras ako habang siya ay nanlilisik ang mga mata at galak na galak na hawak siya ngayong armas.

Hanggang sa ma-corner niya ako, tsaka niya ito kinuha ang pagkakataon at sinugod ako gamit ang maliit na kutsilyo na hawak niya. Dinikit niya ang dulo ng kutsilyo sa lalamunan ko kaya pigil hininga ko siyang tinitigan sa mga mata niya.

And while seeing her eyes right now, nakikita ko sa mga mata niya na humihingi siya ng tulong. Na wala siyang ibang choice kundi ang gawin ito. Who's controlling her?

Magsasalita na sana ako para sabihin na huwag niyang hahayaan na may magkokontrol sakaniya nang makarinig ako ng malakas na palo at kasabay nito ang pagbagsak ng babae sa sahig.

Inangat ko ang tingin ko.

"Ayos ka lang, Agnes?" nagaalalang tanong ni Selena kaya tumango ako. "May sugat ka sa leeg."

Napahawak naman ako sa leeg ko at may nakapa na likido. Pagtingin ko, pulang likido ito na nanggaling sa leeg ko kung saan ako tinutukan ng kutsilyo ng babae.

Pero hindi ko na 'yon pinansin at napatingin na lamang sa hawak-hawak na tray ni Selena na ginamit siguro niya upang paluin 'yon sa babae na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang pangalan.

"Help me carry her," nagtulungan kaming dalawa ni Selena pero bigla na lamang nagtatakbo si Jenny at Hazel na mukhang nagising din 'gaya ni Selena. And we end up, carrying the girl's body.

I wiped my sweat matapos naming pagtulungang ibalik ang babae sa kama at itali ang mga kamay at paa niya habang mahimbing siyang natutulog. 

Nakaupo kaming dalawa ni Selena sa gilid ng kama samantalang si Hazel at Jenny ay nakaupo sasahig.

"Kainis," bulong ni Jenny. "Ang ganda na sana ng panaginip ko."

Bigla naman siyang tinaasan ng kilay ni Selena. "Kung hindi ko kayo nagising, malamang kayo ang susunod na sasaksakin ng baliw na babae na 'to."

"She's not a crazy woman," sabi ko bago pa nila i-rehistro sa isip nila na baliw nga ang babae na 'to. "I saw it in her eyes. Someone's controlling her mind."

"O baka naman brinainwash?" sambit ni Hazel kaya napatingin kami sa kaniya. "Kung may kumontrol sa kaniya, she probably use a bomb or gun instead of a small knife."

Tumango-tango ako. May point din naman si Hazel.

"Don't tell this to Caleb and the boys," bilin ko sa kanila kaya tumango sila at bumalik sa higaan. 

Kinumutan ko muna ang babae tsaka nakihiga na din sa tabi ni Hazel. 

* * *

Agatha


I end up confused. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ba't ako pumayag kay nana. 

Am I really her child? 

Tinitigan ko nang maigi ang tali sa mga kamay ko. Ilang oras na akong nakahiga at nakatali ang mga kamay at paa pero hindi pa rin ako tinutulungan ni nana na makawala dito sa mga tali na 'to. 

I thought she'll help me. Pero no'ng nasugatan ako sa binti, hindi niya ako tinulungan. Si Agnes at yung grupo pa talaga niya ang naggamot sa 'kin. Pinakain niya ako't inalagaan. Pero nagtaksil ako't muntik na siyang masaksak ng kustilyo.

Now, they thought that I'm an antagonist here.

Muli kong sinilip ang mahimbing na natutulog na si Agnes habang yakap-yakap ang isang babae na hindi ko kilala.

Everybody always have the choice. Pero ako, wala akong ibang choice.

"My name is Agatha Flores and I'm here to save--for real--Agnes," I smiled. Umayos ako ng higa at pilit na matulog ulit. 

Pero bago pa ako tuluyang nilamon ng kadiliman, "You'll kill Agnes, Aggy. Or I'll kill you.."

Sometimes, it's good to break the rules, nana.

MYSTIQUE PUPPETEER
graciangwttpd

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 431 13
Morticia Eloise Hearst is the protagonist. Well, in her life, that is. She's thoroughly convinced that she's the perfect woman in the world. Mortici...
95.6K 5.3K 86
Φ SPELLCAST SERIES BOOK I (COMPLETED) "Believe in the power of magic, because those who do not believe will never see how beautiful the world with ma...
32.9K 1.4K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
260K 5.3K 27
[Book 1 of Frozen Series] [UNDER MAJOR REVISION] "A tale of snowflake..." Celandine Snow, an ice mage, vows to seek revenge for her family that was k...