Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.9K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
epilogue
note

17.

1.1K 50 41
By hannahdulse_

Red Cap.

"Grabe 'yung panaginip ko. Nakagat raw ako ng scorpion tapos bumubula 'yung bibig ko."

"Shut up, Francis. Kumain ka nalang nga."

"Yung sa akin naman nalunod ako sa dagat at biglang may pumigil sa 'kin para hindi makaahon. So creepyness talaga."

"Sana nalunod ka nalang ng tuluyan."

"Ano sabi mo, Chris?!"

"Sa amin naman ni Chris nabaril raw kami ng sabay."

"Sino bumaril sa inyo, Joseph?" 

Patuloy lang ako sa pakikinig tungkol sa panaginip raw nila kanina. Kanina pa sila gising. Nagulat nga ako dahil may sumulpot na mga pagkain sa sahig. Marami. Mga sosyalin na pagkain.

Patuloy lang kami sa paglalamon ng pagkain habang sila ay busy sa pagkukwentuhan. 

"Sa 'yo, Miko? Ano napaginipan mo?" tanong ni Chris kay Miko habang ngumunguya ng pagkain. Daliri lang ang tangi naming gamit dahil wala namang mga kutsara at tinidor. Para tuloy kaming nag-boodle fight.

"Hindi naman nakakatakot 'yung panaginip ko. May kasama ako no'n habang naglalakad kami."

"Sino?" mausisa na tanong ni Hazel. Nagkibit-balikat lang si Miko tapos tumingin sa akin. Ngumiti lang siya ng tipid tapos bumalik sa pagngunguya.

Nakita ko naman na umirap si Caleb dahil nasa tapat ko lang siya.

Tahimik ulit kami at parang galit sa isa't-isa. Alam ko naman na gutom na gutom na sila. Lalo na si Francis na parang bundok na ang nasa pinggan niya.

"Look at the timer," anunsyo ni Selena kaya sabay-sabay kaming napatingin sa timer na nasa labas ng kulungan na 'to.

Nabitawan ko ang hawak-hawak kong drumstick at napatayo. Pati din sila ay napatayo at iniwan ang pinagkainan. Lumapit ako sa railing na malapit sa timer tsaka tinitigan ito.

Five seconds lang 'to kanina na hindi gumagalaw. Tapos ngayon biglang naging ten seconds paatras. Nang umabot ng five seconds na ito, tumigil ito bigla na para bang na-stuck. Na parang nasira.

"Anong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong ni Jenny habang titig na titig sa timer na hindi na gumagalaw.

Ilang segundo ang lumipas, biglang gumalaw ang timer. Pero naguluhan ako dahil para siyang umabante. From five to six and so on. And when it reached to ten, umatras nanaman siya.

What the heck.

"Sira na ata 'yan. Batuhin kaya natin ng pinggan?" inis na sabi ni Joseph.

"Huwag," sagot ko agad habang titig na titig sa timer na pabalik-balik. Pinulot ko ang salamin na hawak-hawak ni Jenny--ewan ko kung saan nanaman niya napulot. Hinagis ko 'yon sa timer kaya napasinghap sila't napatingin sa akin.

"Akala ko ba ayaw mo?" asar na tanong sa 'kin ni Joseph.

Hindi ko siya pinansin at tutok na tutok pa din sa timer na biglang bumilis. Huminto ulit ito sa five seconds.

Maya-maya pa, biglang lumiwanag ang numero nito kaya napapikit ako. Lahat ata kami ay sinasangga ang liwanag gamit ang kamay. 

"Ayos lang ba kayo?" tanong ko sa kanila at halos sumigaw na dahil sa lakas ng hangin.

Hindi ako nakatanggap ng sagot. Walang sumagot kahit isa sa kanila. Parang for a moment, biglang tumahimik ang paligid. 

Dumilat ako at nakitang nasa loob pa rin ako ng malaking kulungan. Lumingon-lingon ako sa paligid.

"Where are they?" tanong ko sa sarili ko. Wala akong ibang makita kundi ang mga pagkain na nagkalat na. Ang malalaking railing ng kulungan at ang timer na wala ng numero.

Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong kumirot. Parang umiikot ang paligid. Dinig na dinig ko din ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong naso-suffocate. Pinagpapawisan na ako sa hindi malamang dahilan.

Ramdam ko nalang na napaupo ako dahil sa pagkawalan ng balanse sa katawan. Hinahabol ko ang hininga ko habang nakapikit pa din dahil ayokong makita na umiikot ang paningin ko.

"Hindi ka ba naawa sa bata na 'yan?"

"Paano ako maawa kung siya lang naman ang makakapagbigay sa 'tin ng pera?!"

Dahan-dahan akong dumilat at nakita ko sa harapan ko mismo ang dalawang lalake na nakatalikod mula sa akin. Sinilip ko kung sino ang pinaguusapan nila. Napatikom nalang ako ng bibig dahil nasa harap nila si Aggy at umiiyak.

"Hoy, bata! Huwag ka nga umiyak!"

"I need my nana and dada!"

"Hayup 'to, ah. Gusto mo bang masampal?!"

Ramdam ko nalang ang pisngi ko na nababasa na. Napaiyak na ako. Bakit ako nandito? Bakit nila kinuha si Aggy?! 

"I need to find my Angel!"

Napatili nalang ako habang humihikbi  dahil sa biglaang pagsampal ng isang lalake kay Aggy. Dinig na dinig ang tunog ng sampal na halatang malakas ito. Halatang wala siyang pake kahit bata pa ang sinasaktan niya.

Wala ba siyang kapatid? Mga anak? Hindi ba siya naaawa sa kalagayan ng bata?!

Gusto ko siyang sakalin hanggang sa mawalan siya ng hininga. This is too much for an innocent child! Paano nila 'to magagawa sa isang bata? Paano nila magawang kunin ang bata para lang magkapera sila?!

Ang pera, pinaghirapan. Pinaghirapan sa sariling paraan at hindi sa paraan na mangidnap! Kidnapping is close to stealing! 

"Pre! Nasasaktan na 'yung bata! Pera ang habol natin at hindi para saktan ang bata!"

"Manahimik ka! Kailangan niyang bigyan ng leksyon!"

Leksyon-leksyon, ikaw ang dapat bigyan ng leksyon. Gigil na gigil na ako pero hindi ko magawang gumalaw. Pilit kong tumakbo papunta sa kanila pero hindi ko magawa dahil hindi ko magawang igalaw ang sarili kong katawan. Ang sarili kong mga paa.

"Nana! Dada!"

Iyak lang ng iyak ang bata habang sumisigaw. Pilit kong tingnan ang itsura ng dalawang lalake pero naka-robber mask pa din sila. 

"Paparating na si boss. Iligpit mo muna 'yang bata na 'yan."

Pinanood ko lang sila habang ume-echo ang hikbi ng bata. Para namang naawa ang isang lalake at binigyan ito ng tubig. Pinainom niya ito sa bata pero umiling lang si Aggy. 

Yung isang lalake ay lumabas saglit dala-dala ang telepono niya. H'wag na sana siyang babalik dito kundi ako ang magbibigay sa kaniya ng leksyon.

"Bata, anong pangalan mo?"

"I want my Angel! I want to see nana and dada!"

"Pero hindi pa ngayon. Uuwi ka rin, tiwala lang."

"If I tell you my name, iuuwi mo ba ako?"

Kahit na hindi ko nakikita ang mukha ng lalake, ramdam ko na nagsisisi siya dahil sa ginawa niya. Nalulungkot siya dahil sa ginawa nila sa bata. Nagsisisi siya dahil imbes na paghirapan niya na makakuha ng pera, mas pinili niya ang mas delikado.

"My name is Agatha Flores. Iuwi mo na po ako, manong."

Agatha Flores.. 

Bakit niya ito pinapakita sa 'kin? Ms. Aberdeen, bakit mo pinakita sa akin 'to? Kilala mo ba 'to? May nagawa ba akong mali sa bata na 'yan para ilagay mo ako dito sa loob ng illusion mo? Please, I need answers.

Litong-lito na ako kung ano ba ang nagawa ko sa 'yo. Hindi ko kilala ang bata na 'to pero bakit mo pinakita sa 'kin ito? Is she your child na minsan ng nabully ko sa amin? Oo, bully ako sa mga bata na kapitbahay namin. Pero ganito ka agad kagalit at pinapahirapan mo pa kami?

Biglang lumabo ang paningin ko kaya ilang ulit ko itong inalog pero wala pa ring epekto. Unti-unting naglaho ang nasa harapan ko at sa pagdilat ko--

"Red? Red!"

Pinakiramdaman ko muna ang paligid. May mga huni ng ibon, mga kaluskos galing sa mga tuyong dahon at ang malamig na sahig--

"Sheet of paper!" napaupo ako sa sahig dahil sa lamig. Bakit ako nakahiga dito? And most of all, bakit may mga puno sa paligid ko?!

"Bakit ka ba kasi nahimatay, Red?! Diyos ko, nagaalala tuloy ako sa 'yo."

Napatingin ako sa babae na kanina pa hawak ng hawak sa balikat ko. Tinanggal ko 'to kaya nagulat naman siya.

"Sino ka?"

"Diyos ko ulit, Red! Anong sino ka? Porket nawalan ka lang ng malay, hindi mo na ako nakilala?"

Inirapan ko ang babae at muling tinanong kung sino siya. Nagdahilan pa ako na baka nabagok ang ulo ko at nawala bigla ang alaala ko. 

"Hindi mo ba naaalala ang sarili mong ina?"

"Anong tawag ko sa 'yo? Mommy, mama, nanay o pangalan lang?"

"Naku, Red. Ina ang tawag mo sa 'kin, bata ka! Sana pala hindi nalang kita sinama pabalik sa bahay."

Napakurap ako. Tinitigan ko ng maigi ang babae na ina ko raw. Nagsimula na siyang maglakad habang may dala-dalang malaking basket na hindi ko alam kung ano ang laman. Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko.

Iba na ang suot ko. Dress ito na hanggang paa at naka-sapatos na parang handmade lang. Pero mas nakakaatract ang kapa na suot ko. Kulay pula ito at may malaking hood.

"Red! Tara na!" muli akong napatingin sa babae na ina ko na naglalakad na palayo sa akin. Napansin ko naman ang malaking basket na nasa sahig kaya kinuha ko 'to at nagsimulang maglakad. 

Sunod lang ako ng sunod sa babae na hindi ko alam kung sino. Basta, ina. Ina ko siya.

Nakalabas kami sa puro kakahuyan na lugar at bumungad sa amin ang maraming tao na nagtatrabaho. Mostly mga lalake. May mga hawak silang mga martilyo at may minamartilyo sila na hindi ko alam kung ano.

Sa may unahan naman, may mga babae na nagtitinda at may mga bumibili ng mga tinitinda. Maraming mga bata din na naglalaro at sunod ng sunod sa kanilang mga nanay.

Maraming mga maliliit na bahay kaming nadaanan. Gawa sa kahoy at puro maliliit lang. 

"Hawakan mo muna 'to, Red."

Pinahawak niya sa 'kin ang basket na dala niya kaya tinanggap ko 'yon at patuloy sa paglilibot ng tingin sa paligid. Kinuha niya ulit ang basket at pumasok sa loob ng isang bahay. Gawa rin sa kahoy ang maliit na bahay na 'to.

Pumasok din ako at nilibot ang paningin. Konti lang ang mga gamit. Walang ilaw at tanging lampara lang ang nagsisilbing ilaw sa loob.

"Sa susunod na buwan ka na babalik sa lola mo, Red. Dito ka muna dahil kailangan ka ng kapatid mo."

"Kapatid?"

Napahinto siya at humarap sa akin. Para pa siyang nagulat dahil sa tanong ko. 

"Ibig kong sabihin, nasaan ang kapatid ko?" argh! Gusto ko ng matapos 'to. As much as possible, hahanapin ko na naman ang mga kasama ko. 

"Nasa labas," tanging sagot niya kaya tumango-tango ako. Muli akong napatingin sa suot ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang tali at tuluyang hinubad ang kapa.

Umupo ako sa upuan na gawa sa kahoy. Pinagmasdan ko ang babae na busy sa paghihiwa ng mga gulay. I wonder kung anong mangyayari? Kung bakit ako nandito? Kung anong--

Muli akong napatingin sa kapa na hinubad ko kanina at ngayon ay nakasabit na sa sandalan ng upuan sa tabi ko.

Little Red Riding Hood?

So that means, ako ulit ang bida?

* * *

Ilang araw ang lumipas, patuloy pa din ako sa pakikipag-salamuha sa mga tao na hindi ko kilala. Andaming nakakakilala sa 'kin. Para tuloy akong famous.

"Magandang umaga, Red!"

Bumati din ako sa kapitbahay namin na sumilip pa talaga sa bintana para batiin ako. Dala-dala ko ang balde para magigib ng tubig dahil inutusan ako. Lumapit ako sa balon at inabot ang malaking lubid para kumuha ng tubig.

At dahil sa mabigat ito, hindi ko magawang hilahin ito pataas. 

"Let me help you."

May kumuha sa lubid at hinila ito pataas. Sinundan ko ang kamay niya na nagmula sa likod ko.

"Omygod, Miko?"

Nilingon niya ako at nginitian. Ngumiti din ako pabalik. Siya na ang gumawa sa trabaho ko dahil hindi ko magawa ng maayos ang pagigib ng tubig. Medyo malalim pa naman ang balon na 'to at baka mahulog ako nito.

Humakbang ako palayo at hinayaan nalang si Miko na gawin ang trabaho ko. Tinitigan ko ang likod niya. 

Kahit hindi siya humarap sa akin, ang gwapo-gwapo niya tingnan kapag nakatalikod. Marami din ang napapatingin kay Miko habang inaangat ang lubid at ibuhos ang laman na tubig sa balde at muli nanaman niya itong itapon pababa. 

Habang titig na titig ako sa ginawaga niya, bigla akong nakaramdam ng hilo. Napahawak ako sa balikat ni Miko kaya napatigil siya sa pagkuha ng tubig sa balon at inalalayan akong umupo.

"Ayos ka lang ba, Agnes?"

Hawak-hawak ko pa din ang ulo ko. Nakaupo sa harap ko si Miko at sinusuri ako ng maigi.

"Ang sakit ng ulo ko," nanghihinang tugon ko. Lumalabo na ang paningin ko. Hindi ko na matingnan ng maigi si Miko at mas lalong hindi ko na maidilat ang mga mata ko.

At nang muli kong idinilat ang mga mata ko, nagulat nalang ako dahil wala na sa harapan ko si Miko. Wala ng mga tao sa paligid ko at mas lalong wala na ako sa lugar kung saan may tumatawag sa akin na pangalang Red.

Para akong nasa isang malaking kahon dahil tanging kulay puti lang ang nakikita ko. Kahit saan ako lumilingon, puti ang nakikita ko.

May pintuan sa harap ko na biglang sumulpot tapos unti-unti itong bumukas. 

And there, I saw people. Yung mga tao na tumatawag sa akin na Red. Dahan-dahan akong humakbang. Ilang hakbang lang ang layo nito sa akin kaya huminto ako at sumilip sa labas. Nasa gilid lang ang bahay kung saan ako tumutuloy ng ilang araw.

Tuluyan akong lumabas at pagsilip ko sa likod, wala na ang pintuan. Tanging mga bahay na maliliit lang ang nakikita ko.

Hinanap ko si Miko sa malapit sa balon pero wala na siya doon. Ang tangi ko lang nakikita ay ang babae na nakatalikod sa akin habang hinihila ang lubid ng balon at sa tabi naman niya ay ang balde. 

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang pulang kapa niya. Suot-suot niya ang hood nito kaya hindi ko makita ang mukha niya.

It's me who supposed to wear the red cape with hood!

 "Red!" 

Nilingon ko ang babae na tumatakbo patungo sa babaeng may red cape. Mukhang bata pa ito base sa mukha niya.

"Oh? 'Diba sabi ni ina huwag kang lalabas? May sakit ka pa."

"Ayoko do'n sa bahay. Gusto kong pumunta kay lola pero hindi naman ako papayagan ni ina."

"Bunso, malapit na ang pinakatatakutan na araw natin, 'diba? Tapos bukas pupuntahan ko si lola para dalhan ng mga pagkain."

Humarap na ang babae na may pulang kapa. Napatakip ako sa bibig ko nang makitang ibang tao ito. Sino siya? Bakit siya naging si Red 'e kani-kanina lang, may bumati sa akin tapos tinawag pa akong Red.

The heaven is happening here?

Nagulat ako nang may sumulpot sa harap ko na mga letra. Gumagalaw pa sila na para bang bumubuo ng pangungusap.

Hindi dapat ikaw ang maging bida dito..

Bigla ulit itong gumalaw at ang mga letra ay nag-iiba.

Hindi ikaw ang bida, Agnes..

* * *

Nakaupo lang ako sa gilid ng balon at hinihintay na lumabas ulit ang babae na may pulang kapa. Si Red.

Hindi pa man ako nakakabasa at nakakapanood ng Little Red Riding Hood, pero alam ko ang kalaban dito. Ang asong lobo. Ang lobo na pumapatay ng mga tao. 

"Red, mag-ingat ka sa daan papunta ng lola mo!" sabay na lumabas si Red at ang ina niya na nakasama ko noon.

Kumaway lang si Red at inangat ang hood niya. Hinawakan niya ang basket at nagsimula ng maglakad.

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko. Inangat ko din ang hood ng sarili kong kapa na nabili ko sa may gilid-gilid. May dala-dala din akong basket para hindi ako mapaghalataan.

Sinundan ko si Red na lumabas sa isang maliit na pintuan. Para pala itong may malaking bakod. Secure na secure sila dahil sa asong lobo. Kung titingnan, mukha itong bayan na pinalibutan ng mataas na barrier.

Sunod lang ako ng sunod kay Red habang naglalakad kami sa loob ng gubat. I don't know why I did this pero mukhang si Red ang makakahanap ng mga kasama ko. Siya ang susi ko.

MYSTIQUE PUPPETEER
graciangwttpd

Continue Reading

You'll Also Like

614K 25.5K 40
Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na ps...
2.3M 76.8K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
57.5K 1.6K 54
A novel. Isang aksidente ang bumago sa buhay ni Allyna Victor. Isang aksidente na hindi niya inaakalang mangyayari sa oras pa kung kailan niya makik...
26M 644K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...