Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.9K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
epilogue
note

16.

1.1K 52 59
By hannahdulse_

Aggy.

Agnes

Para kaming mga timang dito sa madilim na sala ng bahay. Nagaantay kami kung anong mangyayari matapos naming mahanap si Hazel na kasama si Miko. Matapos ko ding mapatay ang dalawang humahabol kina Hazel.

Bumuntong hininga ako at sinandal ang ulo sa dingding. Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? Kailan matatapos ang paghihirap namin dito? 

I badly want to see my family. Baka nagaalala na sila sa akin. Ang tagal-tagal kong nawala, baka pinahanap na nila ako. Baka nagpapatulong na sila sa police dahil antagal kong nawala. Baka umiiyak na si mama dahil hindi niya nakikita ng ilang araw ang anak niyang may pangalan na Agnes Ocampo.

"Agnes."

Tiningnan ko lang si Hazel sa gilid ng mata ko. "Hmm?"

"Salamat."

Umayos ako ng upo at nilingon siya. 

Kaming dalawa lang ang nakaupo sa sahig samantalang ang iba ay nasa sofa. Ngumiti ako kay Hazel at tinapik ang kamay niyang nakapatong sa tuhod niya.

"There's nothing for you to thank for."

Ngumiti naman siya. "Naks. English 'yon, ah. Pero salamat talaga."

Tumango nalang ako kesa makipagtalo sa kaniya na hindi naman dapat siya magpasalamat sa akin. Ako dapat 'yung magpasalamat sa kaniya dahil ligtas siya. Ligtas silang dalawa ni Miko. Almost one day din namin siyang hinanap kaya todo pagalala ako sa kaniya.

'Buti at nahanap namin ang habay na 'to. Tsaka 'buti hindi kami arte dahil doon pa talaga kami sa tambakan ng mga basura dumaan. Kung hindi lang ata ako nagaalala ng husto kay Hazel, nagiinarte pa siguro ako doon. Naghanap pa siguro ako ng ibang daan para makapasok.

"Miko," napatingin kami kay Caleb na nakaupo sa sofa at kaharap si Miko. Katabi naman niya si Chris at Francis. "Miko ba talaga pangalan mo? Ang baho."

"Caleb," I called him in a warning tone. Ewan ko kung ba't badtrip siya kanina pa. Simula nang dumating si Miko.

May biglang tumabi sa akin--si Jenny lang pala. Tapos sa kabila naman ni Hazel ay si Selena. Bale, kaming apat na ang nakaupo dito sa sahig samantalang ang limang mga lalake, nakaupo sa sofa.

How gentlemen they are.

"Actually, nickname ko lang ang Miko," natatawang sambit ni Miko kaya napatingin kami sa kaniya. "It's actually Michael Kolby Suarez."

Umubo-ubo si Caleb tsaka muling humarap kay Miko. "Baho pa din. Wala na bang mas unique niyan? Bakit Miko nickname mo? Hindi ba pwedeng Kolby nalang?"

"Dude, h'wag mong pagtawanan ang pangalan ko. Porket mala-foreigner ang pangalan mo, ganiyan ka na? Tsk."

Padabog na tumayo si Miko kaya napatayo na din ako at tiningnan ng masama si Caleb. Ang walangya, tinaasan lang ako ng kilay. Aba.

Pipigilan ko sana si Miko sa pagwalk out niya nang biglang yumanig ang inaapakan namin. Napatayo na din sila. Tumingala ako at nakitang umuugoy ang malaking chandelier sa taas. Sinabihan ko sila na umalis doon at magtago sa ilalim ng malaking lamesa na nakita ko.

Paika-ika kaming lumapit doon dahil palakas ng palakas ang pagyanig. Nagkasya naman kaming syam doon dahil nga malaki ito. Ang sikip sikip nga lang.

"Anong nangyayari?" tanong ni Miko na siyang katabi ko pala. Tapos katabi pa niya si Caleb kaya ang sama-sama ng tingin niya kay Miko.

"Hindi ko alam," tanging sagot ko habang inaantay na matapos ang pagyanig. Maya-maya pa, tumigil na ang pagugoy ng paligid kaya isa-isa kaming lumabas. Pero pinauna ko sila. Ilang segundo ang nagtagal bago ako tuluyang lumabas.

Pero sa kamalas-malasan, naout-balance ako kaya napapikit nalang ako at hinintay na mabukulan. Hinintay na mahalikan ang sementadong sahig ng bahay.

"Watch your steps, Agnes. 'Buti nasalo kita."

Mabilis akong dumilat at nakita ang mukha ni Miko na nagaalala. Tsaka ko lang nakita ang posisyon namin. Nakapulupot ang mga kamay niya sa bewang ko.

Asdfghjkl! Nakakahiya!

"Oh, sorry. Tsaka salamat na din," dali-dali akong tumayo at pasimpleng sinilip si Caleb na ang sama-sama na talaga ng titig kay Miko. Ayokong mag-away sila kaya as much as possible, kailangan kong lumayo muna kay Miko.

Lalapitan ko sana si Caleb para tanungin kung ano na ang mangyayari pero bigla niya akong iniwasan. Pumunta siya sa sala at umupo sa sofa. Ni-hindi lang man niya ako tiningnan. 

"Selos lang 'yan, Agnes," tinapik pa ni Selena ang likod ko.

"Kita mo naman siguro yung titig niya kay Miko, 'di ba?" singit naman ni Jenny. Natawa nalang ako. 

Bakit naman ako magaalala ay Caleb? Aish. Ewan ko sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya diyan.

* * *

Matapos ang pagyanig kanina, bumalik kami sa pwesto namin. Seriously, ano na ang mangyayari? Atat na atat na ako kung saan kami papatungo.

Inis na inis na din ako dahil kanina pa ako hindi pinapansin ni Caleb. Sa tuwing lalapit ako sa kaniya para makapagusap kami, bigla siyang iiwas. Kunyari pa siya na nakikipagusap kay Chris, Francis at Joseph.

Kung ako hindi makapagtimpi, ihahambalos ko sa kaniya ang upuan na nasa harapan ko. 

"Kausapin mo na kasi," tulak sa akin ni Hazel pero hindi ko siya pinansin. Kita naman niya na hindi ako kakausapin ni Caleb, 'diba? Todo iwas pa siya sa 'kin.

"Bahala siya diyan," inirapan ko si Caleb kahit hindi niya ako nakikita. Busy kasi siya sa tatlong kumag na 'yon.

"Para naman kayong nagkaroon ng LQ," sambit ni Selena kaya natigilan ako at sinamaan siya ng tingin. "What? I'm just saying the truth. LQ kayo kahit hindi naman kayo," pagre-realtalk niya.

Napailing nalang ako sa kaniya. Kailangan ba talaga niyang isampal sa akin na hindi kami? Oo, hindi kami. Pero hindi rin kami LQ. Nagkatampuhan lang siguro. 

"Aish!" padabog akong tumayo dahil hindi ko na talaga kaya ang ganito. "Caleb Dimwall! Magusap tayo!"

Napatingin silang lahat sa akin pero nanatiling nakatingin sa malayo si Caleb. Hindi man lang niya ako tiningnan.

"Magusap daw kayo ni mama," parang batang sabi ni Francis kaya dahil sa malapit lang siya sa 'kin, binatukan ko na. "Aw! Papa 'o! Si mama sinaktan ako!"

Napatingin ulit ako kay Caleb at nagulat nang makitang nakangisi siya kahit hindi naman siya tumitingin sa akin. Anong nginingisi ng lalake na 'to?

"Pst!" nilingon ko naman si Joseph at pati din siya ngumisi. "Ganiyan kiligin ang mga lalake--aray! Ang sakit ng paa ko, Caleb!"

"Manahimik ka diyan, Pascal," natatawang sabi ni Caleb tsaka tumayo at humarap sa akin. Sa wakas! Tiningnan na din niya ako. "Ano 'yon, Agnes? Sa kwarto na tayo?"

Nanlaki ang mata ko at napaiwas ng tingin dahil bigla-biglang naginit ang pisngi ko. "I said let's talk," ulit ko sa sinabi ko kanina habang hindi tumingin sa kaniya. 

Nauna na akong naglakad palayo dahil pakiramdam ko pinagpipiyestahan na kami ni Caleb ng mga kasama namin. Nakita ko kasi sila na pangisingisi sa aming dalawa.

Bumuntong hininga ako at tiningnan si Caleb na papalapit sa akin habang nakangiti at nakayuko. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Ang gwapo niya tingnan lalo na't nakapamulsa pa siya habang naglalakad palapit sa akin.. Ang gulo-gulo ng buhok niya at halatang hindi pa naliligo. Pft!

"Ano 'yon?" nakangiti niyang bungad. Huminga ako ng malalim at muli siyang tiningnan.

* * *

"Nana? Dada? Nasa'n si anghel ko?"

"Angel is missing, my Aggy. Me and your dada will find her."

"Pero nana, kailangan kong makalaro si Angel. Nasa'n po kasi siya? Dada, 'di ba kasama mo siya kagabi?"

"Aggy, she went missing. Doon ka muna sa kwarto mo because we will find her and you will play with her."

"But dada.."

"No buts, Aggy. Go to your room."

Para akong sinasakal. Bumabara ang hangin na nilalanghap ko at parang napa-paralyze ang buong katawan ko. Gusto kong idilat ang mga mata ko pero para akong walang kontrol sa sarili ko. 

Wala akong makita kahit ano at tanging isang scenario lang na medyo malabo. May isang bata na naglalaro ng mga barbie dolls at may kasama pa siyang isa pang bata na medyo mas bata sa kaniya. What's this?

"Ate, nasa'n si Angel? 'Di ba dapat maglalaro tayong tatlo? We are trio buddies, 'di ba?"

"Oo naman, Tris. We are trio buddies. Pero, sabi ni nana at dada, she went missing. My sister is missing."

"Pero saan naman siya pupunta? 'Diba she promised me na maglalaro tayong tatlo? Nakakalungkot kasi kapag wala si Angel."

For a moment, para akong nakatayo sa harapan ng dalawang bata na malungkot na naglalaro. Maraming mga laruan sa paligid nila yet they couldn't feel happiness. Parang may nawala sa kalahating parte nila. Parang may kulang sa kanila.

Who's Angel? And who's this two little kids?

Napayuko ako at nakitang nakatayo nga ako sa gitna ng bakuran ng bahay. Dahan-dahan 'kong ginalaw ang mga paa ko at nakahinga ng maluwag dahil nakagalaw ako. Dali-dali naman akong lumapit sa dalawang batang babae na ang lungkot lungkot pa din.

Umupo ako sa gitna nila at pabalik-balik ang tingin ko sa kanila dahil ang lungkot talaga ng mga mukha nila. 

If I have a chance, makikipaglaro ako. I will let them know na pwede silang makipaglaro sa 'kin. 

Nagulat ako nang lumingon sa akin ang babae na mas matanda sa isa tapos ngumiti. 

Nakikita niya 'ko?

"Where had you been, Speedy? Akala ko pati ikaw mawawala."

Magsasalita na sana ako na hindi ako si Speedy. Gusto kong sabihin sa kaniya na ako si Agnes--ate Agnes. Pero nagulat nalang ako nang may sumulpot sa katawan ko na isang kulay puting aso na may kulay kahel na mga polka-dots sa katawan.

As-if I'm a ghost. Tumatagos lang siya sa katawan ko kaya sinubukan ko namang hawakan ang dalawang batang babae pero tumatagos rin ang kamay ko sa kanila. Napatayo ako at parang maiiyak dahil sa nangyayari.

Nasaan ako? Bakit para akong multo? Why I can't touch them?!

"I wish tata and toto will find Angel. Nandito na si Speedy pero wala pa din si Angel, ate."

Nanatili nalang akong nakatayo sa harapan nila at todo pigil sa pagiyak. Bumabara na ang lalamunan ko at parang sumisikip ang dibdib ko. 

"Tris, tawag ka na ng lola mo. I will tell nana and dada nalang na ibalik si Angel para makapaglaro tayong tatlo."

Ngumiti si Tris kaya biglang nanlambot ang tuhod ko. I don't know why but I feel emotional. Parang bumibigat ang pakiramdam ko by watching these two kids longing for someone. Longing for Angel. 

Kung pwede ko sana silang tulungan, tutulungan ko talaga sila sa paghahanap ni Angel. Pero ang tanong, anong nangyari kay Angel? Naawa ako sa mga batang 'to. Naawa ako dahil ang bata-bata pa nila pero nakaramdam na sila ng pananabik sa isang tao.

I want to hug them tight. I want to let them feel na hindi sila nagiisa. Na gusto kong tulungan sila sa paghahanap ni Angel.

But I can't. I feel like I'm useless. I'm like a freakin' ghost standing in front of them. Watching them being unhappy.

Lshe, English 'yon. Straight pa talaga 'yon. 

Natigilan ako sa pagiisip nang may isang itim na van ang pumarada sa harap ng bakuran nila. May lumabas na mga lalakeng nakaitim at naka-robber mask pa. 

"Ito ba ang kukunin natin? Ang bata-bata naman!"

"H'wag kang maawa diyan. Maawa ka sa asawa mong may sakit! Kailangan natin ng pera, pre."

Nanlaki ang mata ko at parang lalabas sa katawan ko ang puso na malakas na kumakabog. Lumapit ako sa bata at niyakap pero tumatagos lang ang katawan ko sa kaniya. Tuluyan na akong umiyak at humihikbing hinarang ang katawan ko sa mga lalake.

Sigaw ako ng sigaw na huwag nilang hahawakan o kukunin ang bata pero walang lumalabas sa bibig ko. Tanging hangin lang ang lumalabas kaya mas lalo akong umiyak.

"Kunin na natin habang wala pang tao, pre."

Gusto kong sapakin ang dalawang lalake pero tumatagos din ang kamao ko sa mukha nila. Nilagpasan lang nila ako at muli naman akong napatingin sa bata.

Napatikom nalang ako ng bibig nang makitang tinakpan nila ng panyo ang mukha ng bata. Nakatulog ito kaya nabitawan niya ang laruan na hawak niya at kinarga siya ng lalake.

Hahabulin ko sana sila pero napahinto din ako dahil para akong hindi makakalakad. Parang biglang na-stuck ang paa ko at hindi magawang sundan ang mga kidnapper.

"Aggy! Aggy!" tuluyan na akong nakapagsalita at kasabay nito ang paglaho ng imahe. Parang isang mataas na building na biglang nawasak at nabura.

"Agnes!" 

Hingal na hingal akong napaupo. Niyakap ko ang sarili ko at humihikbi na tinago ang mukha ko sa pagitan ng mga tuhod ko. 

Wala akong nagawa kay Aggy. Hindi ko napigilan ang dalawang kidnapper. Why did they do that to an innocent child? Wala ba silang mga anak? Mga kapatid? Mga walang puso!

"Agnes, ayos ka lang ba?" 

Napaangat ako ng tingin at nakita ang mukha ni Caleb na nagaalala. Mas lalo tuloy akong naiyak. Humihikbi akong umiling dahil totoo naman na hindi ako maayos.  

Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. Patuloy lang ako sa paghihikbi dahil sa nangyari kanina.

Wala akong nagawa. Wala akong nagawa para kay Aggy.

"Sino ba si Angel at Aggy? Kanina mo pa binabanggit yung dalawang pangalan na 'yon," sambit niya kaya natigilan ako at tumingala.

"I don't know," tanging sagot ko. Tumayo ako at nakita ang mga kasama ko na natutulog. Wala na kami sa bahay. 

Wala na kami sa madilim na bahay ni Cinderella kung saan namin nahanap si Hazel. Nasa isang malaking kulungan kami kung saan kami napadpad noon nang masaksak ko ang White Queen na si Miss Aberdeen.

Humugot ako ng malalim na hininga at muling umupo. Tumabi naman sa akin si Caleb at inakbayan.

"Anong nangyari sa 'yo kanina? Bigla-bigla ka nalang sumigaw, 'e."

Tiningnan ko lang si Caleb at nginitian ng tipid. 

"Ano nga pala ang nangyari? Bakit nandito ulit tayo?" pagiiba ko ng topic. Ayoko ng pagusapan kung anong nangyari kanina. Baka mas lalo akong ma-guilty dahil hindi ko natulungan si Aggy.

"Nagising nalang ako na nasa loob na ulit tayo dito," sagot niya habang nakatingala at tinitigan ang apat na butas sa itaas.

Gusto kong matawa dahil para kaming nasa Hunger Games. Ang pinagkaiba nga lang, hindi kami magkakalaban. Magkakampi pa kami.

Napatingin ako kay Miko dahil sa kulay ng buhok niya. Kulay kahel pala ang buhok ng Miko na 'to. Bagay na bagay sa maputi at makinis niyang balat.

MYSTIQUE PUPPETEER
graciangwttpd

Continue Reading

You'll Also Like

9.7M 296K 64
Claire Cassidy doesn't show her face , doesn't socialize with people and always prefer to be alone, these are the reasons why she was branded as the...
21.7M 798K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
24.6M 990K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
10.2M 544K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...