Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.5K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
epilogue
note

13.

1.3K 55 49
By hannahdulse_

Getting worse.

Palingon-lingon ako sa paligid para i-check kung may nakakita ba sa 'kin. Mahirap ng mapalabas dahil nageffort pa akong pumasok dito sa mala-palasyong lugar. Marami-rami din ang mga gwardya sa paligid kaya sa tuwing may nakikita akong gwardya, nagtatago agad ako.

"Luisa!" napahinto ako tsaka napapikit ng mariin. Why the heck does that woman doesn't have a brain? AGNES pangalan ko and not LUISA. "Bakit ka nandito? Bumalik ka sa kusina at magluluto pa kayo!"

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at ngumiti. "Well, hello, madame. Naiiihi kasi ako, eh."

"Umihi ka doon sa kusina! May banyo doon!" buset. Ang sakit sa tainga ng babae na 'to.

Pabiro akong sumimangot tsaka nagti-twinkle pa sa mata. Pero walang epekto sa kaniya ang pagpapa-cute ko. Inisip ko nalang na sana, may invisible cloak ako ni Harry Potter

Palingon-lingon ako sa paligid pero wala pa rin akong nakikitang balabal ni Harry. Aish!

Inisip ko ulit na sana, may magic wand ako. Pero wala pa rin akong hawak na wand. Anak ng tinapa, bakit hindi nagkakatotoo ang mga iniimagine ko?!

"Teka lang po, ha?" tinaas ko ang palad ko at inisip na may cupcake doon na may kulay asul na icing. "Aish! Ba't wala? Wala na bang magic dito?!"

Imposible naman ata na mawawala 'yon, 'diba?

"Bumalik ka na sa kusina, ngayon din!" umalingawngaw ang boses ni tanda sa loob ng malaki at mahabang hallway. Bumuntong hininga nalang ako at matamlay na tumango. Muli kong sinilip ang hallway na dapat ko sanang tahakin. Bad trip kasi 'tong matandang 'to.

"Balik!" napailing nalang ako. Ang sakit sa tainga niya sumigaw. 

* * *

Hindi pa ako nakabalik ay may biglang humatak sa akin at tinakpan ang bibig ko. Hindi ko magawang pumalag dahil ang lakas niya.

"Shh, Agnes. Si Francis 'to," nakahinga naman ako ng maluwag. Tinanggal niya ang kamay niya sa 'kin kaya may pagkakataon ako na sapakin siya. "Aw! Agnes naman, eh."

"Ang dumi-dumi ng kamay mo tapos nilagay mo sa bibig ko? Kadiri ka," nandidiri kong sabi sa kaniya tsaka inirapan.

"May problema tayo," natigilan naman ako dahil sa seryoso ng mukha niya. Maya-maya, yumuko siya at parang maiiyak.

"Oh? Ano naman ang problema mo?" hindi ko din maiwasan ang hindi mag-alala sa kaniya dahil mukha siyang ninakawan ng tinapay.

"Hindi na ako makakagawa ng pagkain. Gutom na ako, huhu."

Mabilis ko siyang binatukan kaya napadaing nalang siya.

Biglang bumalik sa isip ko ang kanina. Posible kaya na nawala na ang magic dito? 'Yung kakayahan na sa tuwing magiimagine kami, magkakatotoo? What the heck.

"She turned off the magic, dammit," napasabunot ako sa galit. Kung ako mapupuno na, lagot sa akin ang Miss Aberdeen na 'yan. The weirdo adviser sa buong mundo.

"Paano na 'yan? Hindi naman tayo pwedeng magnakaw nalang," sumimangot si Francis kaya medyo naawa ako sa kaniya. Alam ko ang feeling kapag gutom.

Magsasalita na sana ako para sabihin sa kaniya na maghahanap ako ng paraan pero naunahan ako sa 'tila pamilyar na boses sa likod namin.

"Ano ginagawa niyo dyan?" mabilis akong napalingon at tinitigan siya. Nanlaki ang mata ko at tiningnan mabuti ang suot niya. Ang gara ng damit niya at parang isang prinsepe.

"Joseph? Hayup! Ang ganda ng suot mo, ah!" tumayo si Francis at sinuri si Joseph. Napailing-iling nalang ako tsaka tumayo. Baka isipin nila kung ano ang ginagawa ko do'n.

"Bakit nga pala ganiyan suot mo?" tanong ko nalang kay Joseph. Tiningnan ko ang suot ko at kay Francis. Malayong-malayo ang suot ni Joseph kesa sa amin ni Francis.

Napakamot siya sa batok at sumimangot. "Nagising nalang ako na nakahiga sa malaking kama. Sosyaling kwarto."

Tinitigan ko ng maigi ang suot niya na may pagka-royal. Kulay ginto ang kwelyo nito at ang stripes niya. 

"That means--" napatakip ako sa bibig ko at mabilis na tinuro siya. "Ikaw ang leading man?! Omg, sino ang babae?"

Nagkibit-balikat lang siya. Napatingin kami pareho ni Joseph kay Francis nang makitang nakangisi ito bigla. Ano nanaman naisip ng mokong na 'to?

"Walang iba 'yan kundi si Hazel. Pustahan pa tayo ng limang piso, si Hazel 'yan."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Francis. Si Hazel nga ba? Pwede namang si Selena o si Jenny--

"Oo nga, 'no? Napansin ko nga na partner parati ni Joseph si Hazel," ako naman ngayon ang ngumisi at tiningnan si Joseph. Pulang-pula ang mukha niya at pilit na iniiwasan ang mga tingin ko. Pati ang tainga niya ay pula na din.

"Ano ba naman kayo. Sigurado akong hindi 'yon siya, 'no!" tanggi naman niya kaya kami ni Francis, todo asar sa kaniya na si Hazel ang kapares niya. 

"Pero teka, anong movie naman 'to?" biglang tanong ko kaya tumigil si Francis sa kaka-asar kay Joseph.

"May matandang lalake na pangmayaman din ang suot gaya ko. Tinawag pa akong anak," sambit ni Joseph at muling napakamot sa batok. "Medyo kalbo at hindi katangkaran."

Medyo kalbo at hindi katangkaran. What fairytale movie is this? Or perhaps, what Disney movie? Medyo pamilyar sa akin ang description ni Joseph. A prince who has a father with bald hair. Hindi masyadong katangkaran..

"Chubby ba?" tanong ko para mas mabuo ang idea sa isipan ko. Tumango naman siya. "Gaano kalaki ang tyan?"

Pinakita naman niya sa 'kin kung gaano kalaki ang tyan.

Napatango-tango ako. "May bigote ba? Gaano kahaba? Anong porma?" shrimps. Mukhang pamilyar talaga, eh.

"May mahabang bigote."

Anong movie nga 'yon? "Cin.. Cinderella!" 'yon! Sabi ko nga pamilyar, eh. "So that means, naghihirap ngayon si Hazel. Her wicked step-mother and step-sisters. My God! Tinorture na nila si Hazel."

Hindi ako mapakali sa kaka-isip kay Hazel kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Imagining her crying makes my heart break. Ayokong isipin na tinorture na nila si Hazel. Hindi ko kakayanin 'yon. Hindi ako makakapagay na--

"Luisa!" nawala ang pagiisip ko tungkol kay Hazel at dahan-dahan na nilingon ang matandang kanina ko pa kinaiinisan. Kunot-noo niya akong tiningnan at nang mapatingin siya kay Joseph, naging maamo bigla ito. "P--Prinsepe! Magandang umaga po."

"Ahehe. Magandang umaga din," nahihiyang bati din ni Joseph. Tiningnan niya muna kaming dalawa ni Francis bago binalik kay hindikoalamanopangalan. "Pwede ko ba muna silang mahiram?"

Tumango-tango siya at pinandilatan ako ng tingin. Huh. As-if I care, hindi naman talaga ako katulong dito.

Inaya kami ni Joseph na sumunod sa kaniya papasok sa mismong palasyo para sa pagpaplano namin na hanapin si Hazel. Same in Tangled, hindi ko din alam kung saan nakatira si Cinderella. 

"Calm down, Agnes. Nahihilo ako sa 'yo, eh."

Ngayon ko lang napagtanto na umiikot-ikot na pala ako at kinakagat ang daliri ko. Gosh, hindi talaga ako mapakali.

"Francis, how can I calm down, ha? Si Hazel 'yon. Matakutin at maiyakin," umupo ako sa sofa na nakita ko at napahilamos nalang sa mukha. Ayos lang sana kung ako 'yon. But, Hazel? Wtf.

"Ganito. Hahanapin muna natin si Caleb at ang iba pa," sabi ni Joseph kaya huminahon ako nang marinig ko ang pangalan ni Caleb. 

Oo nga pala, hindi pa kami nagkausap simula nung saksakin ko ang sarili ko. Sana madali lang nila mahanap ang lugar na 'to. Because every fairytale stories, doon mismo sa palasyo o bahay ng karakter ang unang dapat puntahan. 

"Manahimik nga kayo!"

"Siya kasi, eh."

"Anong ako?! Kung bugbugin kaya kita dyan?"

"Lalake ka, uy. Mangbubugbog ka ng babae?"

"Edi magsabunutan nalang kami!"

Sabay kaming tatlo na napalingon sa pinanggalingan ng ingay. Napatayo ako nang makita si Caleb, Selena, Jenny at Chris. Nagkatitigan muna kami tsaka kami nagngitian. Hindi pala kami mahihirapan. Dahil ngayon, nandito na ang mga hinahanap namin. 

"Presideeeeeent!" parang batang lumapit sa akin si Jenny at tinuro-turo si Chris. "Inaway ako no'n, oh."

"Anong ako? Eh ang ingay-ingay mo, eh!" 

"Ikaw kaya 'yon!"

Ngumisi ako at pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Patuloy pa din sila sa pagbabangayan kaya hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Kahit na nasa loob kami ng illusion ni Miss Ab, parang wala lang sa kanila.

"Sige, patuloy lang 'yan hanggang sa magkatuluyan kayo," napatigil sila sa sinabi ko at sabay na tiningnan ako ng masama.

"Yuck! Kadiri! Hindi ako papatol sa mukhang orangutan na Chris na 'yan!" inirapan ni Jenny si Chris kaya mas lalo akong natawa. Hindi lang ako kundi kaming nandito.

"Hindi rin naman ako papatol sa GGSS na 'yan, 'no!" paghiganti naman ni Chris kay Jenny. Hindi ko nalang sila pinansin habang patuloy pa din sila sa pagbabangayan. I'm sure, magkakatuluyan ang dalawa na 'yan once na makalabas kami dito.

Umupo ulit ako sa sofa at tumabi sa akin si Caleb. Kahit na hindi ko siya nilingon, alam kong pasimple siyang sumilip sa akin at hindi nagtagal ay hinawakan ang kamay ko. Muli ko nanamang naramdaman ang pagkuryente sa katawan ko. 

"Agnes, pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya sa 'kin kaya tumango ako at nagpaalam kami sa mga kaibigan namin na magusap muna kami sa sulok. Hawak-hawak pa din niya ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa pinakasulok ng sala.

"If it's about what I did to myself, I'm sorry. Alam ko naman na 'yon lang ang tangin paraan para tumigil na 'yon," diretsong sabi ko kaya mas hinigpitan niya ang hawak ko. Magkaharap kami at ang dalawang kamay ko na ang hawak niya. Hindi ko naman maintindihan ang tyan ko dahil mukhang ito na ang sinasabi nilang butterflies in the stomach feels.

Argh. I hate this feeling. Bigla-bigla nalang kasi kapag si Caleb na ang kaharap at kasama ko. Kahit kausapin niya lang ako o hawakan. Gawd. Alam ko naman kung ano ang feeling na 'to. I should've blame those books I've read.

"Hindi ikaw ang dapat na mag-sorry. Ako 'yon. Agnes, I'm sorry dahil wala akong nagawa sa panahon na 'yon," yumuko siya at maya-maya ay niyakap ako ng mahigpit. "Hindi ko alam kung bakit hindi ako makakilos para lapitan ka. I'm sorry. I really am sorry."

Napangiti nalang ako at niyakap siya pabalik. There's a sincere in his voice. Tsaka, hindi naman niya kasalanan 'yon. Kasalanan ni Miss Aberdeen na hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kaniya at ginagawa niya 'to.

Naging mabuting estudyante naman ako. Ginagalang ko lahat ng mga guro o mas matataas. Kahit na spoiled ako kay mama at papa, mahal ko naman sila at alam kong mahal din nila ako. Kahit din na medyo hindi kami magkasundo ni kuya, mahal ko din ang sira ulo na 'yon. Kaya, ba't pinarusahan ako--kami ng ganito? 

"Walang may kasalanan, Caleb."

Lumayo ako sa pagkakayakap sa kaniya tsaka siya nginitian. A genuine one. 'Yung sinasabing ayos lang ako't malalagpasan namin 'to. Kahit na alam ko naman na medyo nakakakaba, kahit mapahamak ako, kakayanin ko. Para sa kanila, para sa amin. At para ipakita kay Miss Ab na hindi kami basta-basta mga estudyante lang.

"Tara na?" inakbayan niya ako kaya muli ko nanamang naramdaman ang pag-kuryente nito dahil sa pagdampi ng balat niya sa balat ko. Aish. Nakakairita na 'tong feeling na ito, ha? Kung pwede sanang i-shutdown, ginawa ko na. Gawd.

"Oh? Maayos na ba ang aming lovebirds?" nakangising tanong sa amin ni Chris nang makalapit kami. Nginisihan ko din siya dahil hindi naman ako magpapatalo sa kaniya.

"Kayo? Kamusta na kayo ni Jenny?" umiwas siya ng tingin at nakita ko na sumimangot siya at may binulong-bulong. Hah! Akala niya maisahan niya ako do'n. Hindi ako pautang, 'no.

Lumapit kami sa kanila at tumabi ako kay Joseph at tinapik siya sa balikat. Pero bago pa ako makaupo sa tabi niya, pinausog ni Caleb si Joseph kaya imbes na si Joseph ang katabi ko, naging si Caleb na. Sheet of paper.

"Hindi ka pwede tumabi kay Joseph," sumimangot si Caleb. Binigyan ko siya ng what-are-you-talking-about-look. "Ako lang dapat ang makatabi no. Kahit 'yang si Pikachu, Orangutan at Spongebob, hindi mo pwede makatabi."

Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko sina Selena at kahit sila ay hindi naintindihan si Caleb. Ano pinagsasabi nito? Baka nabagok 'to or what, 'no?

"Pikachu? Orangutan? Spongebob?" naguguluhang tanong ko. 

Ngumisi siya at tumayo. Tinuro niya una si Francis na nakakunot din ang noo. Malamang, hindi naintindihan ang sinasabi ni Caleb. 

"Francis as Pikachu. Si Chris ay Orangutan. Tapos si Joseph ay Spongebob."

Humagalpak ng tawa si Jenny at may pahawak-tyan effect pa siya. Jusko. Kailan pa naging utak tae 'tong si Caleb na 'to? May nakain ba siyang hindi pwede sa kaniya dahil allergic siya? Oh god.

"Tae ka, Caleb!" tinapunan ng unan ni Chris si Caleb. Hindi rin nagpahuli ang dalawa na si Francis at Joseph at naki-tapon din. Tawa nalang kami ng tawa ni Selena at Jenny.

Napaupo nalang ako sa sahig hinampas-hampas ang lamesa na nasa gitna namin. Walanjo 'tong si Caleb. Kailan pa 'to natutong magbiro?

"Oy! Tama na nga ang sakit na, eh!" umiiwas-iwas pa siya sa kanila ni Chris. Hindi nagtagal, naghabulan silang apat. My god, Caleb. Ngayon lang ata ako tumawa ng ganito simula nang makulong kami sa illusion na 'to.

Tumigil ako sa pagtawa at biglang nabalutan ng takot. Hindi ako mapakali dahil bigla nalang akong kinabahan. What the heck. Kahit kailan talaga, panira ng moment. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan.

Mukhang napansin din ni Selena at Jenny na natahimik ako kaya pati sila natahimik na din. Ang mga boys, bumalik na sa kanilang upuan at pinaupo ako ni Caleb sa tabi niya.

Mahigpit akong napahawak sa dulo ng T-shirt ni Caleb at napapikit. Something's not right. Someone's calling me yet I couldn't hear him or her. Ramdam ko lang na may tumatawag sa pangalan ko. Ramdam kong humihingi siya ng tulong.

"Agnes, I need you.."

Mabilis akong napadilat at tiningnan sila isa-isa. Bakas sa mukha nila na nagaalala sila. Kahit na hindi ko sasabihin sa kanila, alam kong pati sila naramdaman din ang nararamdaman ko. 

"Agnes, please.."

Palakas ng palakas ang boses niya na para bang malapit lang siya sa akin. Lumingon-lingon ako sa paligid. Tanging mga furniture lang ang nakikita ko. Walang tao, kami lang. Kami lang sa sala na 'to. 

Pero hindi, eh. May tumatawag sa akin at kulang nalang ay lumapit sa akin at sabihin ang problema niya sa 'kin.

"Agnes.."

Muli nanaman akong napalingon sa paligid. Tinitigan ko ang bawat sulok ng sala. Tiningnan ko ang fireplace. Kahit walang bintana o kahit anong butas na pwedeng mapagpasukan ng hangin, paliit ng paliit ang apoy sa fireplace. Parang may dumaan o may pumatay ng apoy.

"Gosh, ano 'yon?" napatayo si Jenny at parang may sinilip pa sa isang pintuan na naka-open pa ng konti. Tumayo din ako at nilapitan siya. "Agnes, may nakita ako kanina do'n, eh."

"Baka imagination mo lang," sabi naman ni Chris kaya umiling si Jenny at parang maiiyak na. Halatang natatakot siya sa kung ano man ang nakita niya.

"Tell me, Jenny. Ano ang nakita mo?" pinaupo ko siya at pinakalma. 

Lumapit din ang iba para makinig sa sasabihin ni Jenny. Lumuhod ako sa harap niya habang nakahawak ang kamay sa balikat niya.

"Agnes.."

Tumayo ako ulit at tinitigan ang kwarto na nakabukas ng konti. Parang doon nanggaling ang boses na 'yon. Someone wants me to follow whoever that is. 

"Dyan lang kayo," dahan-dahan akong humakbang. Parang karera naman ang dibdib ko. Kinakabahan ako habang papalapit ako sa kwarto na 'yon. Kahit na takot na takot na ako, hindi ko pa rin pinansin 'yon.

I need to see what's inside there. I need to know who's calling me. I need to know what that creature wants from me.

"Agnes," napatalon ako nang may humawak sa braso ko.

"My God, Caleb. Kita mong nagko-concentrate ako dito, oh?" 

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at bagkus ay hinawakan niya ang kamay ko at pinapunta sa likod niya. "Ako ang papasok. Dyan ka lang."

Hindi pa man siya nakahakbang ay pinigilan ko na siya. "Sasama ako."

Tiningnan niya ako at tumango. Dahan-dahan kaming naglakad patungo sa kwarto na 'yon at nang nasa tapat na kami, kita ko kung gaano ito kadilim. Ang dilim ng silid. Hindi ko makikita kahit kagamitan man lang. Perfect pitch-black.

"Baka mamaya may tuko dito, ha?" tanong pa ni Caleb kaya hinampas ko siya at ako na mismo ang nagbukas ng pinto. Wala akong makita. Parang naging blanko at tanging itim lang ang nakikita ko. 

Dahan akong pumasok at hinanap ang switch. Humigpit ang hawak ko kay Caleb dahil baka anytime may hahablot ng paa ko. Urgh. Too much horror movies.

"Ayun," napangiti ako at mabilis na pinindot ang switch. Lumingon ako kay Caleb at ngayon ko lang napagtantong nakasunod pala silang lahat. Muli akong humarap.

Narinig kong napasinghap sila mula sa likod ko. Pati ako, napasinghap din at hindi makapaniwala ang nasa harap ko. Guns? Ammo? Samurai and Knives? Wow. Ano 'to?

"Wow! 50 Cal Sniper Rifle! Rifle XM-8, Swat Mini K at--Winchester rifle?!" manghang sabi ni Chris habang nakatitig at nakanganga sa mga rifles or whatever that names. Hindi ko kilala ang mga baril na 'yan. Basta, baril. 'Yon lang. "May Fuhrer's Golden Gun pa! Wyatt Earp's Colt .45 Caliber Revolver. Woah!"

Pinigilan ko si Chris dahil akmang hahawakan niya 'yung handgun na kulay ginto. Tiningnan niya ako na parang nagmamakaawa na kahit hawakan lang. Pero umiling ako dahil baka kung anong trap nanaman 'to.

"Seriously, Orangutan, alam mo ang mga pangalan ng baril na 'to?" tanong ni Jenny habang titig na titig sa mga armas na nakapatong sa isang mahabang lamesa.

Ngumisi naman si Chris at parang pinagmamayabang pa na alam niya ang lahat ng 'to. "Ako pa? Eh gamer kaya ako."

Right. Gamer as-in palaging naglalaro ng mga war games o ano pang online or offline games na 'yan. 

Napatingin ako kay Caleb na naglalakad patungo sa lamesa na may mga armas. Tinitigan niya ang bawat samurai, kutsilyo at mga baril. 

"You have one minute to choose," isang malamig na boses ang umalingaw-ngaw sa loob ng silid. Tumingala ako at hinanap ang boses na 'yon. Tiningnan ko din ang ilalim ng lamesa, mga cabinets at drawers. Walang ibang tao dito sa silid bukod sa amin.

Napatingin ako sa mga armas. Ito ba ang ibig niyang sabihin? Whoever that is, alam kong may mangyayari mamaya. Alam kong pinapili niya kami ng mga armas na 'to dahil alam niyang may mangyayari.

"Guys, choose!" hindi ko na pinansin kung alin ang napili ko. Basta ay sinilid ko lang ang mga kutsilyo sa knife bag. Pati din mga handgun ay sinilid ko sa gun pocket tsaka iyon sinuot sa beywang ko. Kumuha din ako ng mga rifle na hindi ko alam kung anong pangalan. Basta ay kinuha ko lang kung ano ang mahawakan ko.

Namimili din ang mga kasama ko at punong-puno ang mga sarili namin ng mga armas. May dalawang samurai pa sa likod ni Caleb at kay Selena naman ay may pana at lagyanan ng mga palaso. All of us, may mga armas na.

"Wooh! Sa wakas nakahawak na din ako ng Golden Gun at itong Winchester Rifle!" masayang sabi ni Chris habang tinitigan ang rifle na hawak niya at ang handgun. Punong-puno din siya ng mga armas. Tipong wala lang sa kaniya ang bigat ng mga baril.

Si Francis ay may hawak na throw knife at may dalawang samurai din sa likod niya gaya ni Caleb. May mga kutsilyo sa knifebag na suot niya at mga bala ng baril. Si Joseph naman ay may tatlong handgun at kutsilyo. Si Jenny, well, isang baseball bat at mga kutsilyo.

"Anong meron, Agnes?" tanong ni Joseph habang pinaglalaruan ang kutsilyo sa kamay. Nagkibit balikat ako dahil sa totoo lang, hindi ko na alam kung anong nangyari.

Napatingin ako sa lamesa at akmang hahawakan ang isang handgun na kulay pilak pero bigla itong naglaho pati na din ang ibang armas na naiwan. 

"Your one minute is done. Good luck," isang malamig na boses ulit ang nadinig namin. Inangat ko ang paningin ko at nakita ko sa isang maliit na bintana, may mga nagtatakbuhang tao. Napatili nalang ako nang may nakita akong isang lalake na walang awang pinagbabaril ang mga tao sa paligid.

"Holy pak," bulong ni Francis. 

Parang nanikip ang dibdib ko sa nakikita ko. Hindi lang pala ako ang nakakita kundi silang lahat. Parang naiiyak na din si Jenny dahil sa mga lalakeng binagbabaril ang mga tao sa paligid.

"Sue you, Miss Ab," madiing bulong ko tsaka kinuha ang kutsilyo sa knife pocket na nasa hita ko. Nakasukbit naman sa balikat ko ang knife bag na punong-puno ng kutsilyo. May inilagay din akong mga magazine at munisyon para sa revolver.

This level is getting worse. Tapos anong kasunod? Apocalypse? Virus? 

MYSTIQUE PUPPETEER
graciangwttpd

Continue Reading

You'll Also Like

835K 30.4K 37
Synopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their b...
53.4K 2.8K 43
CHILDREN OF OLYMPIANS SERIES #1 TAGALOG-ENGLISH Lucy Gonzales was a peculiar girl with the gift to see things that weren't there, she could see if a...
60.2K 2.7K 62
Zaila Amethyst is one of the best young witch huntresses inside Deepwoods Academy. Kaya nitong makipagsabayan sa lahat at noong magsimula itong magna...
53.4K 1.6K 62
[UNEDITED] Ichor is a golden fluid that runs through the veins of Gods and Immortals. A girl named Amarah who is an mortal on the outside but immorta...