Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.9K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
epilogue
note

11.

1.3K 64 30
By hannahdulse_

Real and Clones.

I heard a woman crying, calling my name and such. Ramdam ko din ang pagtapik-tapik sa pisngi ko at ang pagyugyog sa akin.

"Tumabi ka muna," I heard a man said. The next thing I knew, someone hold my wrist at parang chineck 'yon. Sunod kong naramdaman ang pagsakit ng dibdib ko dahil sa pag-pump nito. Unti-unti akong nakahinga ng tuwid at umubo-ubo.

Napadilat ako at nakitang tubig pala ang lumabas sa bibig ko. 

"Thank God, you're okay!" may sumugod sa akin ng yakap at parang humahagulgol pa 'to.

"Mabuti at marunong mag-CPR si Caleb," sabi ni Joseph na nakabalik na pala sa kaniyang tunay na anyo. He's not a chameleon anymore, pati na din si Francis.

Lumayo sa akin ang babaeng yumakap sa akin at ngayon ko lang napagtanto na si Hazel pala at umiiyak pa. "Kainis ka, Agnes. Akala ko iiwan mo na kami," humagulgol ulit siya kaya si Joseph na ang nagpatahan dahil wala naman akong alam sa nangyayari.

"Are you okay?" lumapit sa akin si Caleb at hinipo ang leeg ko. Wala naman akong lagnat, amnesia siguro meron. 

"Ano pala ang nangyari?" tanong ko. Dinig ko ang pagbuga niya ng malalim na hininga at napayuko.

"You don't know how to swim, right? Sana pala hindi na kita binitawan no'n," para siyang nadismaya dahil sa itsura niya.

Tsaka ko lang naalala ang nangyari. The sky lanterns, hockey mask and their weapons, ang pagtalon namin sa dagat.

Napayuko naman ako at bumuntong hininga. "Sorry. Wala na kasing ibang paraan para hindi makalapit sa atin ang mga serial killers na 'yon."

Hinawakan niya ang baba ko at tinaas 'yon. Kitang-kita ko ang buong mukha niya. Basang-basa ang buhok niya pati na din ang suot niyang damit.

"Ako dapat ang mag-sorry. I'm sorry, Agnes. Sana hindi talaga kita binitawan," yinakap niya ako kaya bumaon ang mukha ko sa dibdib niya. Kahit na basang-basa kami pareho, ramdam ko pa din ang init ng pagyakap niya.

"Come on guys kung ayaw niyong matuyo ang damit niyo," anunsyo ni Selena. 

Inalalayan ako ni Caleb na tumayo. Ngayon ko lang nalaman na nasa baybay na pala kami. Punong-puno ang mga damit at paa namin ng buhangin. Bumabaon din ang paa namin sa buhangin kapag umapak kami dito.

Tiningnan ko muna ang dagat. Napaka-clear nito at parang hindi pa naliliguan dahil sa linis.

"Mabuti at ayos ka lang," tinapik ni Jenny ang balikat ko at ngumiti. Nauna na silang maglakad kaya naiwan kaming nakatayo ni Caleb. Nakakailang dahil hindi man lang siya nagsalita at tinitigan lang ako.

"Caleb, tara?" aya ko. Kakaladkarin ko na sana siya pero hindi ko kaya dahil ang bigat niya. Para siyang nagpapabigat para hindi ko siya makaladkad. "Come on, Caleb."

Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang magkabila kong balikat. Yumuko siya ng konti dahil mas matangkad siya sa 'kin. "Just let me hug you first."

Natulala nalang ako sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Unti-unti naman akong napangiti at yinakap siya pabalik. 'Di bale ng basa kami.

"Ayos ka lang ba, Caleb? Para kang timang," natatawang sabi ko pero hindi ko siya nadinig na tumawa man lang. Kaya, zip my mouth nalang dahil napaka-corny ng joke ko. 

"I'm just happy that you're okay. Akala ko talaga iiwan mo na ako," ramdam kong mas humigpit ang yakap niya sa akin. Hinalikan niya ang ulo ko matapos niya akong yakapin. "Promise me, Agnes, you won't do it again. Ever."

Ngumiti ako at tumango. Kahit na hindi niya binanggit ang gusto niyang sabihin, alam kong tunkol 'yon sa pagkalunod ko.

Tinaas niya ang pinky finger niya kaya tinaas ko din ang sa akin tsaka namin 'yon inipit sa isa't-isa. Para kaming bata na nagpi-pinky finger pa. Pero in fairness, ang cute tingnan ni Caleb lalo na't nagaalala siya sa akin.

"Promise," bulong ko at muli kaming nagyakapan.

"Hoy lovebirds! Bahala kayong magkasakit diyan!" rinig kong sigaw ni Francis kaya sabay kaming tumawa ni Caleb. Hinawakan niya ang kamay ko at ramdam ko nanaman ang kuryente na nagmula sa kaniya. Ganito siguro ang feeling ng unti-unting nahuhulog ang loob sa isang tao. 

"Remind me later na bugbugin na talaga ang kabayo na 'yon," giit niya kaya humagikgik nalang ako at napailing-iling.

Francis is already him, not a horse. Pero sa bagay, hindi naman mawawala sa isip ko ang Francis na naging kabayo. Bagay na bagay talaga kay Francis maging kabayo. Pfft.

* * *

Matapos naming magbihis, napagdesisyunan namin na libutin ang maliit na isla na 'to. Hindi din kasi nila alam kung nasaan kami. Basta raw ay nagising nalang sila na nakahiga sa buhangin. I don't even know this place, too.

"Tara!" excited na sabi ni Jenny sabay akbay kay Selena. Hinawakan ko ang kamay ni Hazel at sumunod naman sa amin ang mga boys.

Habang naglalakad kami, parami ng parami ang mga kakahuyan ang nakakasalubong namin. May malalaki ang ugat kaya medyo nahihirapan kaming maglakad dahil baka mapa'no pa kami sa malalaking ugat na 'to. Minsan naman ay nakikita kong may mga skeleton na punong kahoy. Wala na siyang sanga o kahit na katiting dahon man lang.

"It's getting creepier," sabi ni Selena na siyang huminto. Napahinto din kami at nilibot ang paningin. And indeed, nakakakilabot na ang paligid.

"Let's go, girls. Tago kayo sa likod ko dahil baka mapa'no kayo," sabi ni Joseph kaya binatukan siya ni Chris.

"Uror ka, Joseph. Sa akin dapat sila magtago dahil mas matapang ako!" sabi naman ni Francis kaya napailing nalang ako at akmang humakbang ulit. Natigilan ako nang may marinig akong 'tila isang mabilis na pagtakbo sa may gilid namin.

Maririnig mo ang mga yabag dahil punong-puno ng tuyong dahon ang lupa.

Mabilis kaming nagdikit-dikit at mas hinigpitan ang hawak kay Hazel.

"AAAAH!" napangiwi nalang ako nang tumili si Francis na nasa tabi ko lang. Lecheng bading 'to.

"Ano ba 'yan, Francis? Akala ko ba matapang ka? Daig mo pa ang bading kung tumili," iling-iling naman ni Joseph kaya kahit nasa peligro na, nagtawanan pa din kami.

Napaatras kami nang maramdaman namin na may lalabas mula sa isang damo. Mas lalo kaming tumili nang may tumayo doon na lalake at walang pang-taas na damit.

"HOLY PAK GANERN!" tili ni Francis. Actually, siya ang may pinakamalakas na tili sa amin.

Dahan-dahang lumingon sa amin ang lalake kaya paatras kami ng paatras. Halos mag-group hug na kami dahil sa takot. Hindi ko alam kung bakit may lalake na nakahubad ang pangtaas.

"Oh my Jenny," bulong ni Jenny na nasa likod ko.

Natulala ako sa mukha ng lalake. Nakatitig siya sa akin at ang kaninang nakakunot ang noo, ngayon naman ay parang nagaalala siya sa akin. Gusto kong lingunin ang katabi ni Francis pero hindi ko magawa.

Narinig kong napasinghap sila at napaatras lalo. Kahit na nanghihina na ako, nilingon ko pa din ang katabi kanina ni Francis na ngayon ay naiwang natulala at nakatitig sa lalakeng kaharap namin.

"What's this, Caleb?" naguguluhang tanong ko sa kaniya at pabalik-balik ang tingin sa dalawang Caleb na nasa harapan ko. "Bakit dalawa ka?!"

Tiningnan ako ni Caleb na may pagaalala. Hindi lang siya kundi pati ang Caleb na walang damit pantaas sa harap namin.

"A--Agnes, hindi ko alam. I think he's one of Miss Ab's," lalapitan sana ako ni Caleb pero mabilis na hinarangan siya ni Joseph at pinapunta naman ako sa likod ni Chris. Gusto kong sumigaw at itanong kung bakit dalawa si Caleb na nandito?!

"Agnes, alam ko kung ano 'to. Isa sa kanila ang totoo," bulong sa akin ni Selena. Tumabi sa akin si Jenny at si Hazel naman ay napabitaw sa hawak ko.

Mabilis kong nilingon si Hazel na titig na titig sa Caleb na kasama namin kanina. "Tama si Selena, Agnes. Isa sa kanila ang totoo."

Napapikit ako ng mariin at ramdam ko na din na umiinit na ang mata ko. Gusto kong umiyak.

Minulat ko ang mata ko at nakitang nakatitig pa din sa akin ang dalawang Caleb.

"Agnes, hindi totoo 'yang kasama niyo kanina pa. It's me!" sabi ni Caleb na walang damit pantaas. Napailing ako at mabilis na napaatras nang humakbang sila.

"Chill mga dudes! Nalilito na si president, ano ba kayo!" hinarangan ulit sila ni Joseph.

Habang paatras ako ng paatras, pasikip naman ng pasikip ang dibdib ko. Ano ba gagawin ko?! There's two damn Caleb in front of me!

"It's me, Agnes! Ako ang totoo," sabi naman ni Caleb na kasama namin kanina. Natigilan ako sa pag-atras nang may maramdaman akong tao sa likod. Mabilis akong lumingon at mas lalong natakot nang may isa pang Caleb ang nakita ko.

Mabilis akong hinawakan ni Francis palayo at nagdikit-dikit kaming lahat. Kahit saang sulok ng gubat, nakikita ko si Caleb. Padami ng padami ito. Para na akong nahihilo habang patuloy kami sa pagiikot-ikot.

"Dammit! Ano ba 'to?!" reklamo ni Chris na hawak-hawak si Jenny. 

Patuloy lang sa pag-sigaw ang mga Caleb na nasa paligid namin. 

"It's not you! Ako si Caleb Dimwall!"

"Kapal naman ng mukha niyo. Inaangkin niyo pa ang sarili ko?!"

"Agnes, don't trust them!"

"Don't listen to them, Agnes. Ako ang totoo!"

Tuluyan na akong napahikbi habang pinapatahan naman ako ni Hazel. Mabilis akong napailing at tinakpan ang tenga ko.

"Tama na. Tama na!" sigaw ako ng sigaw hanggang sa hindi ko na muling narinig ang mga kampanya nila.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nagulat nalang nang may isa pang Caleb na nakangisi sa akin at may suot na parang balabal na kulay itim. May hawak-hawak siyang kutsilyo at sa tabi naman niya ay may mahabang lamesa at may nakapatong dito na mga baril, matutulis na kutsilyo at kung ano-ano pang pwedeng makapatay sa 'yo.

"What the hell?!" rinig kong sigaw ni Selena. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. "Ano 'to?!"

Mas lalong ngumisi si Caleb na may balabal. Umayos siya ng tayo at tinitigan ako. He's not Caleb. Isa siyang clone.

"Simple lang naman," mas lalo siyang ngumisi. "You choose a weapon and kill all Caleb. Yung hindi totoong Caleb, ha? Only the fake one."

Parang tumigil panandalian ang paghinga ako at muling sinilip ang mga clones ni Caleb. I know, one of them is the real one. Hindi ko lang alam kung sino sa kanila.

"Don't," pigil sa akin ni Jenny pero nginitian ko lang siya at tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Hahakbang ulit ako nang harangan nanaman ako.

"Baka mapa'no ka kapag lumapit ka sa kaniya," nagaalalang sabi sa akin ni Hazel kaya muli, nginitian ko lamang siya at nilagpasan. 

Nagdadalawang isip pa ako kung alin ang pipiliin ko. Pero sa huli, mas pinili ko ang itak na may matulis na blade.

Nanginginig ang kamay ko na kinuha 'yon tsaka humarap sa maraming Caleb na nagmamakaawa at nagaalala sa akin. Tinitigan ko ang bawat mukha nila. All of them looks innocent and real. 

Hindi ko kayang saktan sila. Baka mamali ako at masaktan ang totoong Caleb.

Why did you do this to me, Miss Ab?

I swear na kapag makaalis kami dito sa lecheng illusion mo, ikaw ang sasaksakin ko nito. Ikaw ang papahirapan ko, Miss Ab.

"Go on, Agnes. Mamili ka ng Caleb na gusto mong buhayin," rinig kong sabi ng lalake na nasa likod ko. Humalaklak siya ng malakas kaya hindi ko maiwasan ang mangiwi. Kung siya kaya ang unahin ko? 

"Agnes please, don't. Baka mamaya ang totoong Caleb ang masaksak mo," pagmamakaawa ni Hazel. Hindi ko kayang tingnan siya na umiiyak at nagmamakaawa. Ako ang mas nasasaktan sa tuwing nakikita ko na mahina si Hazel.

"Don't do this, Agnes. Baka may iba pang paraan," sinabi naman ni Jenny na mahigpit ang hawak kay Chris.

Sunod kong tiningnan si Selena na nakayuko lang at parang maiiyak na. Hindi ko kaya na makita silang ganito--na mahina. Kung ayos lang sana na ako lang ang nandito, hindi sila mahihirapan. Hindi sila madadamay dito.

Dahan-dahan kong inangat ang itak at mahigpit na hinawakan. I don't know who's the real Caleb. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko sa kanila. 

Pumikit ako sandali at pinakalma ang sarili ko. Pagdilat ko, napatingin ako sa pwesto nina Hazel pero wala na sila doon. Nagtaka naman ako. Asan sila? Bakit hindi ko na nadidinig ang mga hikbi ni Hazel at ang pagmamakaawa ni Jenny?

"Inalis ko muna sila dito, Agnes, para makapagisip-isip ka," sabat ng lalake na hanggang ngayon ay nakangisi pa din. Mid finger for you, fake Caleb.

Inirapan ko lang siya at tinutok sa kaniya ang itak. "Kung ikaw kaya ang uunahin ko since isa ka din sa kanila?" giit ko.

Mas lalo siyang napangisi. Binaba ko ang itak at umatras sa kaniya. Hinarap ko ang mga Caleb na halos iiyak na sa harap ko. I don't want to hurt him--them. Maraming what ifs sa isip ko. 

Lumapit ako kay Caleb na nakasama namin kanina. Kitang-kita ko ang awa sa mga mata niya. Naaawa siya dahil sa kalagayan ko ngayon. Naaawa siya dahil nahihirapan ako ngayon. Geez, Caleb.

"Agnes, hit me now. Kill me para hindi ka na mahirapan pa," napapikit ako at lalong sumikip ang dibdib ko sa narinig ko sa kaniya. Paano kapag siya ang totoong Caleb? Ganiyan na ganiyan magsalita at tumingin sa akin si Caleb.

Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya at lumapit sa isa pang Caleb. Para akong hindi makahinga nang magkatitigan kami. Is it possible na siya ang totoo?

"Kahit na saktan mo ako, papatawarin pa din kita," mas lalong sumikip ang dibdib ko at parang hindi na ako makahinga. I want to cry this pain. Gusto kong sumigaw na bakit niya 'to ginawa sa akin? Sa amin? 

Suminghot ako para pigilan ang sarili kong humagulgol. Sunod ko naman na nilapitan ang isa pa and so on. Maramirami din sila kaya mas lalo akong mahihirapan sa pagpili. Hindi ko alam kung ano ang palatandaan ko kay Caleb. Ang tangi ko lang palatandaan sa kaniya, the way he see me and the way he acts. Gano'n lang.

Pero paano naman ako makakahanap ng palatandaan na 'yon kung halos lahat sila, magkapareho ang palatandaan ko sa kaniya? 

"If you want proof that I'm Caleb Dimwall, bibigyan kita ng kahit anong proof," saad ni Caleb na hindi ko alam kung siya ba ang totoo o hindi. 

Maraming clones ang dapat kong patayin. Ang dapat kong burahin sa illusion na 'to.

Umiling-iling nalang ako sa kaniya at muling lumapit sa isang Caleb na hirap na hirap na nakaupo sa isang malaking bato. Para siyang tinorture dahil sa dami ng sugat niya. Siya na ba? Siya na ba si Caleb Dimwall? Ang totoong Caleb Dimwall? 

"Agnes," hirap na hirap niya akong tiningnan habang nakangiwi at nakahawak sa malaki niyang sugat sa may tyan niya. "Choose wisely. Huwag kang magpadala sa emosyon mo."

Gusto ko siyang tulungan sa sugat niya pero hindi na niya ako pinalapit sa kaniya. Nilibot ko ang paningin ko at lahat sila, lahat ng clones ni Caleb Dimwall, nakatingin sa akin. Para silang naaawa sa akin. 

"Choose.." 

Muli kong narinig ang boses ni Miss Aberdeen. I pressed my lips into a thin line para pigilan ang sumigaw. Pero wala, hindi ko pa rin makontrol.

"What the hell did I do wrong to you, Miss Ab?! Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?!"

Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Humahagulgol ako at akmang lalapit sa akin lahat ng mga clones ni Caleb pero pinigilan ko sila sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay. Ayokong damayan nila ako. Ayokong damayan ako ng mga pekeng Caleb.

Napaupo nalang ako sa lupa at hinayaan lang naman ako ng mga clones ni Caleb. Hindi nila ako nilapitan at ayoko naman na lumapit sila sa akin.

Tiningnan ko ang hawak kong itak. Tinitigan ko lang 'yon dahil wala akong maisip na paraan kung ano ang gagawin ko sa itak na 'to.

Dahan-dahan akong tumayo muli at nilibot ang paningin. Ngumiti ako ng mapait. 

Will this end if I end up my life? 

"No, Agnes. Alam ko kung ano ang iniisip mo," pagmamakaawa ni Caleb--hindi ko alam kung siya ba si Caleb o hindi.

Nagsimula nanaman silang magreklamo na huwag ko raw gagawin ang pinaplano ko. They're starting to chattering again. Panay ang pakiusap nila na sila nalang raw ang saksakin sa itak na hawak ko. Sila lang raw ang sasaktan ko at huwag ang sarili ko.

Tinaas ko ang itak at mas lalo lang silang nag-ingay.

"I'm doing this for us, Caleb," tangi kong sabi sa kanila tsaka ko binaon ang itak sa tyan ko. Ramdam ko ang hapdi nito. Mas diniinan ko pa ang pagsaksak nito sa tyan ko kaya napaubo ako. At imbes na hangin ang lumabas, dugo ang lumabas sa bibig ko. 

Nahihilo na rin ako at napangiwi nalang sa sakit. Nagsimula ng umagos ang dugo mula sa saksak.

"What the hell are you doing, Agnes?!" inangat ko ang paningin ko at kahit na nanlalabo na, kita ko pa din ang mukha ni Caleb na nagaalala. Mukha siyang hindi makaalis sa kinatatayuan niya. Gustong-gusto niya akong lapitan pero hindi siya makalapit sa akin.

Tanging ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya. Unti-unting naglaho ang mga clones ni Caleb. Tanging naiwan nalang si Caleb na unang nagpakita sa amin dito sa gubat. Yung walang damit pantaas. I'm glad I already found the real Caleb Dimwall..

Dahan-dahang bumibigat ang talukap ko at nakita ko nalang ang sarili ko na nakahiga na sa lupa, punong-puno ng dugo sa paligid. 

"Agnes! Don't sleep, please.."

Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, nakita ko ang mukha ni Caleb. Kitang-kita ang pagaalala niya sa 'kin dahil sa ginawa ko. Niyuyugyog niya ako sa balikat at pilit na hindi patulugin.

Pero matigas ulo ko, eh. Ang bigat-bigat na ng talukap ko.

"Agnes!"

MYSTIQUE PUPPETEER
graciangwttpd

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 80.1K 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabas...
28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
64.1K 1.4K 37
Love is a Dark Fairytale Happiness often fail Circumstances are extant This is a wish to grant by two hearts that beat as one ♥
2.5M 89.4K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016