Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.9K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
note

epilogue

1.5K 63 17
By hannahdulse_

Agnes


Month of December, napakabusy ng mga tao. Lalo na't magpapasko. Mga ninang at ninong ay nagtatago na, may ilan namang handang magbigay sa kanilang inaanak. Christmas parties sa iba't ibang lugar.

Christmas is the season for kindling the fire of hospitality. Bigayan dito, bigayan doon. It is a season of love in the whole world. And by speaking Christmas, I felt sad. 

Noon kasi kada-pasko, kaming pamilya Flores ay may maliit na selebrasyon para sa sarili naming pamilya. We may be rich, but we don't do big celebrations. Hindi gusto 'yon ni dada at gusto niyang simple lang.

Baka sa kaniya ako nagmana. Mahilig sa mga simple.

Habang sinasabit ang mga Christmas balls sa Christmas tree, tumutugtog naman ang kantang pampasko. Whenever I heard songs about Christmas, giniginaw ako. Hindi ko alam kung ako lang ba ang ganito pero giniginaw talaga ako.

We're decorating the house. The five of us; Tito Chase, Andrea, Kuya Rhen, Miko at ako. Hindi naman pwedeng ibaon nalang sa lungkot ang nangyari last month. It's Christmas and it is time to move on. Time for happiness. 

"Wait, should we choose white Christmas outside? Kasi dito sa loob pulos green at red nakikita ko, eh."

Natigil ako sa pagsasabit ng mga bola at napatingin kay Andrea. Kahapon pa siya nagrereklamo na dapat white Christmas daw ang pipiliin namin noong bumibili pa lang kami ng mga decorations. 

Pero dahil gusto ko yung tradisyon namin, I chose the other theme. Ang red and green na mga kulay dahil ito naman palagi ang gusto ni nana at dada.

Huminto ako sa pagsasabit ng bola at humarap kay Andrea. Nilibot ko ang paningin ko.

May mga decorations na mula sa first floor hanggang sa second floor. Mula sa sahig hanggang sa kisame. Kumpletong kumpleto. Pati kusina nilagyan namin. Yung sa mga banyo, sa pinto lang namin sinabit ang wreath.

"Pwede naman, Andrea. Pero diba mas maganda kapag uniform tingnan?"

Tumango-tango naman siya sabay sabing, "Sabagay."

Ngiting-ngiti namang lumapit sa kaniya si Tito Chase na may hawak na tinsel. Gamit ang malayang kamay ni tito, ginulo niya ang buhok ni Andrea kaya napasimangot ito't napatadyak.

"Daddy naman, eh! Kasusuklay ko lang kanina, myghad!"

Nagtawanan kaming lahat, including Kuya Rhen at Miko.

Muli kaming bumalik sa aming ginagawa para matapos na ang lahat ng 'to. 

* * *

Malakas ang ihip ng hangin nang pumunta ako sa bakuran, bandang alas-onse na ng gabi. I couldn't sleep. Kahit anong pilit kong matulog ay di ko magawa.

Something's bothering me. Something's missing.

Nakaupo lang ako ngayon sa tapat ng lapida ni Angel. Nakaukit doon ang kaniyang buong pangalan at birth and death year. Nakakalungkot. Limang taong gulang pa lang si Angel pero binawi na ang kaniyang buhay.

Hindi niya naranasan ang mabuhay nang matagal. Ang makasalamuha ang mga tao. Ang magkaroon ng marami pang mga kaibigan. Ang magkaroon ng sariling pamilya balang araw.

Tumingala ako. Ang itim ng ulap, halatang uulan nang malakas. Days nalang at pasko na. Mabibilang mo na sa kamay mo. May dekorasyon na ang bahay, katatapos lang ang aming Christmas party two days ago.

But still, I felt empty. Hindi dahil hindi ko na makakasama ang pamilya ko sa mahahalagang okasyon. Kundi dahil may kulang.

The Trio Buddies.

"Ate Aggy, Angel and me are the Trio Buddies!"

Si Tris. Where is she now? I haven't seen her. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kaniya matapos akong makidnap.

Naalala ko ang nangyari sakin noong nakidnap ako. Yung mga nakita ko noong nasa illusion pa kami, those were my memories. Tugmang-tugma 'yon sa naaalal ko.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit noong sinampal ako ng lalakeng kumidnap sakin. Batang bata pa lang ako pero naranasan ko na 'yon. 

Naranasan ko na ata lahat ng sakit, eh. Ang mawalan ng mga mahal sa buhay, ang mamuhay sa kasinungalingan, ang makidnap for ransom. Andaming twist sa buhay ko. Parang roller coaster. Andaming thrill.

But what happened years ago when I was being kidnapped, kaagad akong nahanap ng mga magulang ko sa tulong ng mga pulis. At yung gabing 'yon, nangyari ang lahat ng bangungot. Nana killed dada and Angel in front of me.

Tumayo ako at pinahid ang luhang nagbabadya na sa mga mata ko. Ngumiti ako nang makita ang lapida ni Angel at dada.

For sure, kapag nakikita nila akong umiiyak, iiyak din sila dahil ayaw nilang mag-isa lang ako na iiyak. I missed them. 

"Goodnight, guys. Bigyan niyo 'ko ng lakas bukas."

I'm going to find my bestfriend, ang bumuo ng Trio Buddies. She's all I have. Siya nalang ang naiwan na parte ng alaala ko noon.

* * *

Alas-sais pa lang ng umaga ay umuwi ako kina mama. She's a great detective and expert in finding someone. I badly need her help, just this one.

Kagabi ko pa 'to pinag-iisipan kaya ako nandito. Hindi alam nila tito na nandito ako. Tulog pa sila nang umalis ako sa bahay. Malamang ngayon, hinahanap na ako. At ayokong mahanap nila ako dahil baka pipigilan ako nila tito.

Umayos ako ng upo. Nilapag ni mama ang isang mug ng chocolate drink at mga tinapay.

"Salamat, ma."

Ngumiti lang siya at niyakap ang sarili niya. Umupo siya sa tapat ko sa single sofa. Uminom muna ako ng tsokolate bago magsalita. Hindi din naman ako magtatagal dito.

"Ma, can you do me a favor?"

Tumango siya, "Anything for you, Agnes--I mean Agatha."

"You can still call me Agnes, ma. Pero kailangan ko muna ng tulong mo sa ngayon. I need you to find Tris, my bestfriend, please."

Kumurap-kurap siya ng tatlong beses. 'Tila hindi makapaniwala na ganitong klaseng pabor ang hihingin ko sa kaniya. Pero desperada na ako. Alam ko sa sarili kong hindi ko kayang hanapin si Tris mag-isa dahil hindi naman ako expert sa ganoon.

I know she already quit her work. Pero alam kong may koneksyon pa rin siya sa trabaho niya at kailangan ko siya ngayon.

"Tris?" tanong niya ulit.

Tumango-tango ako. 

"I can't remember her full name pero bestfriend ko siya noon. She's living with her grandma. She's part of my life, ma."

I expected her to answer. Yung magandang sagot. Na hahanapin niya at gagawin niya ang lahat para lang mahanap ang kaibigan ko. Ang kababata ko. 

Pero dahil sa sinabi niya'y agad na tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilang mapahikbi kaya tumayo si mama at niyakap ako. Hinimas-himas niya ang likod ko pero paulit-ulit ko lang na binabanggit ang pangalan ni Tris.

Tris.. why are you doing this to me? Why are you guys kept on leaving me behind?

* * *

Alas-dyes na ng umaga. Hindi ako umuwi mula kanina at nakakulong lamang ako sa kwarto ko noon dito sa bahay ni mama. 

Kanina pa ako hinahanap sa bahay. Tinawagan ako kanina ni Miko at sinabi ko sa kaniyang gusto kong makapag-isa. 

Halos isang oras din akong umiyak. Isang oras ding nanatili si mama sa tabi ko kanina. Hanggang sa makaidlip ako saglit at magising.

Nandito ako sa balkonahe ng kwarto ko. Nakatanaw sa mga kapitbahay na masayang nagkukwentuhan habang ginagawa ang gawain sa bahay. May mga batang namamasko pa sa bawat tahanan.

Napakasaya nila pero heto ako, ang lungkot-lungkot. Muli akong nakaramdam ng kirot sa dibdib nang maalala ko ang sinabi ni mama kanina.

"Isang buwan matapos ang nangyari sayo at ng pamilya mo, ang kabilang bahay na katabi niyo'y may nangyaring krimen. A grandmother and a granddaughter was brutally murdered. Hindi kami ang may hawak sa kaso pero alam kong siya ang hinahanap mo. Si Tris Marval." 

Muling tumulo ang luha ko pero agad ko 'yong pinahid. Ngumiti ako.

Ilang beses ba ako dapat na masaktan? Dapat na magdusa? Malas ba talaga ako?

Kinuha ko ang bag ko at hindi na nagpaalam kay mama. Umalis ako ng bahay. Pumara ako ng taxi at sinabi sa driver ang destinasyon ko.

Sa Public Cemetery.

Bumili muna ako ng isang bouquet ng bulaklak at hinanap ang lapida ni Tris. At doon ay nakita ko ang dalawang magkadikit na lapida, kay Tris at sa lola niya.

Nilapag ko ang bulaklak sa lupa at suminghot-singhot. Hindi na ako nagtagal doon at nagpaalam ako sa kanila. Masyadong mainit ang araw para manatili ako doon.

Nang makauwi ako sa bahay namin ay kaagad akong pumasok sa kwarto ko. Doon ay nilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. Umiyak ako nang umiyak, pinagtatapon ang mga gamit na nakikita ko. 

I even broke a vase. The paints. Frames. 

Napahagulgol na lamang ako't sumandal sa dingding, padaus-dus na umupo.

"I--I'm tired. Ayoko na. Ayoko na!"

Hindi ko napansin na nagwawala na pala ulit ako. Biglang pumasok sa kwarto ko si Miko, Kuya Rhen at Andrea at inaalo ako. Tinatanong nila ako kung ano ang nangyayari sakin pero pilit kong magwala ulit.

Nang mayakap ako ni Kuya Rhen ay wala na akong kawala. Napakagat nalang ako sa labi ko at humihikbi. Patuloy na rumagasa ang napakaraming luha ko.

"Pagod na pagod na ako. Ayoko na. I don't want to live. Please.."

"Shh. Agatha, breath. Kalma ka lang, okay? Nandito si kuya. Nandito kami," bulong ni Kuya Rhen at unti-unting niluluwagan ang kamay niyang nakapulupot sakin.

Nagaalala silang lahat sakin. Pero sumandal lang ako sa kabinet na nasa gilid ko at patuloy na umiiyak.

Iniwan na nga ako ng pamilya ko, pati ba naman ang kaibigan kong si Tris? Ano, sino pa ang mangiiwan sakin? Pagod na pagod na ako. I just want a normal and healthy life. A happy life. Hindi ganito.

"Just tell us what happened, Aggy. You'll be alright," bulong naman ni Andrea na pinahid ang luha sa pisngi ko.

Ayoko mang sabihin sa kanila pero ito lang siguro ang paraan para mabawasan ang bigat na nararamdaman ng dibdib ko. Kung hindi ko ito sasabihin, baka sasabog na ako.

"Tris, ang kababata ko, she's already dead ten years ago."

Muli akong napahagulgol. This time ay hindi na ako nagwawala. Niyakap lang nila akong tatlo at sinasabing magiging ayos lang ang lahat.

Pero, magiging ayos lang ba talaga?

* * *

Christmas eve. Nandito lang ako sa bakuran, nakaupo sa lupa habang titig na titig sa lapida nila. Yakap-yakap ko ang jar of soul ni nana. Ngayon ay kumpleto na kami, 'gaya ng nakagawian tuwing pasko at sa mahahalagang okasyon.

Naaalala ko pa noon. Tuwing pasko ay binibigyan kami nila nana at dada ng tig-lilimang regalo na nasa ilalim ng Christmas tree. Pero ngayon ay wala na. Hindi na ulit ako makakatanggap ng ganoong regalo.

Tuwing mahahalagang okasyon ay napakasaya namin. Sama-sama kami palagi.

Napatingin ako sa lapida ni Angel. Biglang bumaha ang napakaraming alaala naming dalawa. Ang alaala ng pamilya ko at ng kaibigan kong si Tris. Doon ulit ako napaiyak habang inaalala ang masasayang alaala namin.

"Angel, napakabata mo pa pero binawi na ang buhay mo. I wish you were happy up there, kasama si Tris at si nana at dada. Pakikamusta nalang ako sa kanila," mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi ko.

Wala na sila pero mananatili sila sa puso't isipan ko. Ang pamilya ko, ang kaibigan ko. I never even got a chance to feel my love for them. Hindi ko man lang sila makakasama sa mga mahahalagang okasyon.

Sa graduation, birthdays, recognition day, hindi ko na sila makakasama pa. 

Noong nakaraang araw ay pilit kong kalimutan ang nangyari sa amin last month. Pero hindi, eh. Lalo na yung mga panahon na nahihirapan na kami. Pero hindi kami nawawalan ng pag-asa. We kept on holding on, dahil alam naming sa huli ay may patutunguhan ang paghihirap namin.

'Gaya ngayon. Masyado na akong nahirapan. Masyado na akong nagdusa, physically and emotionally. But I guess, fate chose to play on me. And I will play fair, kakalimutan ko ang masasamang alaala at maiiwan ang masasayang alaala.

From this day onwards, ngayong Christmas Eve, iiwan ko na ang mga masamang alaala na nagdulot ng paghihirap namin.

Tumayo ako at kinuha ang lantern na nasa gilid. Nahirapan pa akong ipatayo 'yon para sindihan ang ilalim pero nagulat nalang ako nang may mga kamay ang tumulong sakin.

Napangiti ako pero muli akong umiyak. 

"Sindihan mo na, Agnes. And no matter what your real name is, ikaw pa rin ang Agnes na kilala namin."

Nandito pala sila. Hindi ko man lang sila napansin. Ang mga kaibigan ko.

Isa-isa ko silang tiningnan. Pinagmasdan ang mga ngiti sa labi nila. Si Hazel, Jenny, Selena, Jessa, Francis, Joseph, Chris, Miko, Kuya Rhen, Andrea and Caleb.

Nandito silang lahat, tulong-tulong sa paghawak sa lantern.

Suminghot ako't pinahid ang luha ko. Sinindihan ko na ang lighter at tinapat iyon sa ilalim ng lantern. Sumindi na iyon kaya nagkatinginan kaming lahat.

"We may suffered a lot," bulong ni Jessa, the Agatha number two. "But we will remain strong."

Napatingin ako kay Caleb nang magsalita siya. Magkatapat kami kaya ang liwanag na nanggaling sa lantern ay umiilaw sa mukha niya.

"Sometimes, we survive by forgetting. But never forget what we taught inside the illusion," quoted Caleb.

"Huwag pairalin ang takot. Just continue living, you'll succeed," si Hazel naman.

"Don't confuse yourself. Lalo na noong biglang dumami si Caleb," si Francis. Nagtawanan kami dahil doon sa sinabi niya.

"Let's close our eyes to old ends. And open it for the new beginnings," si Chris.

"Hindi pa ba natin ipapalipad 'to? Baka mamaya masusunog na tayo dito, eh."

Dahil sa sinabi ni Jenny ay sinamaan siya ng tingin ni Andrea at Selena. Kami nama'y tumawa.

"Let's now turn the pages and live in a new chapter," ngumiti si Kuya Rhen.

"Our life is like a book. Full of adventures and thrill, pero mananatili tayo sa kung sino man tayo sa unang pahina pa lang ng libro," si Joseph.

Ba't ang galing nila sa quotations? Saan nila 'yon nakuha? Hindi man lang ako prepared. Sana sinabi nila para makapag-google ako.

Pinilig ko nalang ang ulo ko at hinawakan ang dulo ng lantern. Ready na itong lumipad kaya tumingala ako, ngumiti at sabay sabing, "New life, new chapter. Sa oras na lumipad ang lantern na 'to, isasama natin ang masamang alaala dito."

Sabay-sabay naming pinalipad ang nagiisang lantern na binili ko kanina. We were watching it, crying silently. Dahil sa oras na 'to, mga mahahalagang alaala nalang ang maiiwan sa amin. Hindi ko man kayang kalimutan ang lahat ng 'yon pero pipilitin ko.

Napalingon ako sa katabi ko nang may humawak sa kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya nito kaya napangiti ako. Here comes Caleb and his sweet moves.

"Tara, kain na tayo guys. Merry Christmas everyone!"

Lahat sila'y pumasok na sa loob pero nagpaiwan kami ni Caleb dito. Magkaharap kami ngayon habang hawak-hawak niya ang magkabilang kamay ko.

Napapikit na lamang ako nang halikan niya ang noo ko. Sinandal niya ang kaniyang noo sa noo ko. We both stared at each other, both smiling. 

"Naalala mo pa ba yung naputol nating usapan sa Wonderland? Ngayong wala na ang mga halimaw, I can continue what I've said."

Tumango-tango ako. 

Syempre, naalala ko pa din 'yon. Nagtataka pa din ako kung ano yung sasabihin sana niya. Yung nasa loob kami ng malaking selda at naputol yung usapan namin dahil sa liwanag na nanggaling sa malaking timer.

Dahil sa next level, kuno.

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang babaeng matagal ko nang gusto, nandito na sa harapan ko. I don't want to waste time pero hindi naman ako nagmamadali. I'm willing to wait for years just for you, Agnes."

Kumunot ang noo ko, "Matagal mo nang gusto? Ako? Weh?"

Tumawa siya. His laugh is like a music box. Sarap iparecord at iplay ng paulit-ulit.

"Don't ask. Pero Agnes, pwede ba kitang ligawan? It's okay if you want to wait for college. Pero, kahit araw-araw man lang, pwede ba kitang ligawan?"

Oh. 'Yun pala ang gusto niyang sasabihin? Hindi ko alam 'yon. Naging manhid ata ako sa panahong 'yon kaya hindi ko agad nalaman na yun pala ang gusto niyang sabihin.

Tumango-tango ako sabay pisil sa pisngi niya. Dahil sa ginawa ko ay nagulat siya't pinisil pabalik ang pisngi ko. Nagtawanan kami at nagtakbuhan papasok sa bahay. Para kaming mga bata.

Let's learn to forgive and forget. We, humans, can't easily forgive. Ang Diyos nga, nagpapatawad. Tayo pa kayang mga tao?

Come on. Alam ko namang tsaka lang tayo nagpapatawad kapag wala na yung tao. Huwag mong hintayin na mawala pa ang mahal mo sa buhay bago mo siya patawarin. Try to be expressive.

Kapag ayaw mo ang isang tao, then tell him/her. Kung mahal, gusto, crush o paborito mo siyang tao, then sabihin mo sa kaniya. Don't waste any time before you'll regret it.

My life is full of adventures. Full of thrills. But there's one thing that will always be in my heart and in my mind; my family and friends. They are the treasure that I will be keeping forever.

We've suffered a lot inside the illusion. Akala namin katapusan na namin. Akala namin mawawalan na kami ng pagasa. But no one wants to stay inside the illusion, everyone wants to stay alive. Lahat kami'y tulong tulong at hawak-kamay na nakalabas.

We became a puppet by the illusionist, Anna Quirino-Flores. My nana, my mom, my mother. But she did it on purpose. Marami man siyang kasalanan pero kung kilala ko na siya noon, matagal ko na siyang pinatawad.

We are a group of officers who became a group of friends. And our lives' controlled by a mystique puppeteer.

—end

TO GOD BE THE GLORY!

First published: April 04, 2017

Ended: December 18, 2017 (6:10 PM)

Continue Reading

You'll Also Like

82.9K 3K 54
✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. But here's the twist of their journey; th...
1.7M 80.1K 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabas...
6.4M 275K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...