Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.5K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
epilogue
note

10.

1.4K 58 31
By hannahdulse_

Sky Lanterns.

Ilang minuto na kaming naglalakad at nagtatago sa tuwing may mga nakikita kaming gwardya ng palasyo. Nakakailang din minsan si Caleb dahil damit babae na nga siya, hinahawakan pa din niya ang kamay ko. Ayos lang naman, nagmukha kaming bestfriends.

"Hindi pa ba tayo papasok sa palasyo?" antok na tanong ni Hazel habang nakahawak at naka-kabit ang kamay sa kabila kong braso. 

"Hindi pa, 'Zel. Hindi pa tayo nakokompleto," sagot ko naman kaya tumango-tango siya.

"Gutom na ako," bulong niya kaya huminto kami at umupo sa tabi. Hawak-hawak pa din ni Caleb ang kamay ko kaya pinitik ko 'yon. Napatingin naman siya sa akin na nakakunot ang noo.

"What?" paintosenteng tanong niya.

Tinuro ko ang kamay niya. "Nakakadiri ka. Bitawan mo na kamay ko, kakain pa tayo."

Napangiwi nalang ako nang makitang nakangisi siya't lalong sumingkit ang mata niya. "Pwede naman tayong kumain na magkahawak-kamay, ah."

"Hoy mga lovebirds! Huwag muna kayo maglalandian at handa na ang pagkain!" singit ni Joseph na nasa kamay na pala namin ni Caleb.

"Umalis ka nga! Kadiri ka," winaksi ni Caleb ang kamay namin at tuluyan ng nagkahiwalay dahil sa pagkagat ni Joseph sa daliri ni Caleb. "Joseph! Kapag ikaw bumalik sa pagiging tao, bubugbugin ko 'yang pagmumukha mo!"

Tawa nalang kami ng tawa ni Hazel habang sumusubo ng pagkain na ginawa ni Hazel. Expert na sa pagi-imagine ang bruha.

* * *

Kahit na sumasakit na ang leeg ko dahil sa bigat ng buhok ko, patuloy pa din kami sa paglilibot sa bayan. Minsan ay napapadpad kami sa kagubatan kaya bumabalik nanaman kami sa dinaanan namin.

Hindi ko na alam kung anong oras na pero pansin ko, marami ng nagpapailaw ng mga lanterns at nagaantay ng signal nila. I want to see the lanterns, pero hindi pwede dahil hahanapin pa namin ang mga kasama namin.

"Si Chris at Jenny 'yon, hindi ba? Tsaka kasama din nila si Selena," turo ni Hazel sa may unahan namin kaya sinundan ko 'yon ng tingin. Halos mapunit naman ang labi ko dahil sa laki ng ngiti.

Nagtama ang paningin namin ni Chris, Jenny at Selena kaya sabay-sabay kaming kumaway sa isa't-isa. Now, who's not here yet?

"Nakita niyo ba si Francis?" tanong agad ni Selena nang makalapit na kami. "Magkasama kasi kami kaninang umaga tapos bigla nalang siyang nawala."

Napailing nalang ako tapos tinuro si Joseph sa balikat ni Caleb. "Siya nga pala si Joseph Mariano, ang ating Pascal at alagang chameleon."

Sinamaan ako ng tingin ni Joseph kaya nag-peace sign ako.

"Si Joseph 'yan?! In fairness, mas bagay sa kaniya maging chameleon," pangaasar ni Chris kaya sabay-sabay kaming tumawa. Ganun din ang reaction ni Jenny at Selena na hindi makapaniwala.

"Huwag niyo nga ako i-bully! Palibhasa, hindi nagbago ang anyo niyo," sabi ni Joseph. "Malay natin, naging kanding pala si Francis kaya hindi natin mahagilap."

Tumawa naman si Selena. "Sana nga naging kanding. Bagay na bagay 'yon sa kaniya, for sure."

Bumuntong hininga ako. Sa wakas, malapit na kaming makompleto. Malapit na din silang magpalipad ng lanterns.

"You want to watch the lanterns?" pabulong na tanong ni Caleb kaya nakiliti ako dahil sa lapit niya sa tainga ko.

Tumango lang ako at nag-pout. Hindi ko siya tiningnan dahil baka matawa lang ako sa kaniya.

"Dude, Caleb. Maganda ka pala maging babae," pangaasar ni Chris sabay takbo palayo. Inaasar din siya ni Selena at si Jenny naman, panay ang pagreklamo kung ba't damit babae si Caleb.

* * *

Ilang minuto nalang talaga at magsisimula na ang kanilang paglilipad ng lanterns. Too bad, wala pa si Francis.

"Oh my God, si Maximus!" turo ko sa isang kabayo na nagaamoy-amoy sa dinadaanan niya. "Tago kayo, bilis!"

Mabilis kaming nagtago at kaniya-kaniya kami ng pwesto. Ewan ko kung nasaan ang iba pero ako, nasa likod ng isang halaman na ewan ko kung ano ba ang nasinghot ko't dito nagtago. Alam ko naman na madali lang ako makita dito. Wala akong mataguan, eh.

"Agnes?" nanindig ang balahibo ko at ibinaon ang mukha ko sa halaman. "Uy."

Naramdaman kong kinakalabit ako ng isang malaking paa kaya hindi ko na natiis at lumingon sa likod ko. Tumili ako ng malakas dahilan para mapalingon sa amin ang mga tao. Dali-dali kong pinutol ang sanga ng halaman na pinagtaguan ko at tinapat iyon sa nagsasalitang kabayo.

"Lumayo ka, Maximus! Alam kong kabayo ka at mahaba ang nguso mo kaya imposible na makapagsalita ka!" giit ko habang nakataas sa kaniya ang sanga ng halaman.

Kumunot nalang ang noo ko nang makitang humagalpak ng tawa ang kabayo na nasa harap ko at may pa-hawak tiyan pa kahit na hindi niya maabot dahil nga sa kabayo ang anyo niya. Dahan-dahan kong binaba ang sanga at tinitigan siya ng maayos.

"Maximus? Hindi ka naman siguro kalaban 'no? Alam ko na 'yon dahil sa simula't-dulo pa lang, alam kong kakampi mo kami ni Flynn Rider," dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kaniya. Napangiwi nalang ako dahil dali-dali siyang tumayo at ngumisi sa akin. Kitang-kita ko tuloy ang gilagid at malalaking ngipin niya. Eww.

"Sa simula't-dulo pa lang, magkakampi na tayo. Ano ka ba, Agnes?" umayos siya ng tayo kaya magka-level na kami ng mukha. Ano 'to, donkey? Hindi naman siguro donkey si Maximus? O sadyang matangkad lang ako?

"Eh?" tanong ko nalang dahil naguguluhan na ako sa kabayong 'to.

"Ang slow mo," umiwas siya ng tingin na para bang naasar sa akin. Hindi ko naman siya inaasar. Magulo lang kausap ang big tooth na 'to. "Ako 'to, si Francis Lustre na hindi naman kaano-ano ni Nadine Lustre. Gwapo at matalino sa section natin."

Napangiwi nalang ako. "Francis? Imposible na ikaw ang mokong na 'yon dahil--" tsaka lang nagsink-in sa utak ko si Joseph. Posible kaya na nagiba din ang anyo ni Francis at naging kabayo?! "Holy nuggets. Ikaw 'yan, Francis? In fairness, bagay sa 'yo maging kabayo."

Humagalpak ako ng tawa at napaupo nalang dahil sa sakit ng tyan ko. Naiimagine ko pa lang si Francis, bagay na bagay talaga sa kaniya! HAHAHA!

"Stop it, dude. Hindi maganda na pagtawanan ang gwapong tulad ko," tumigil ako sa pag-tawa at pinunasan ang luha kong umaagos dahil sa kaka-tawa kanina. 

"Grabe ka kung maka-describe ng sarili mo. Hindi ka gwapo tsong," inirapan ko siya.

"Nga pala, asan na ang iba? Kanina pa ako nagaamoy-amoy sa mahabang ilong ko, oh," tinitigan niya ang mahaba niyang nguso kaya medyo naduduling ang mata niya.

"Nagtago. Akala kasi namin si Maximus ka talaga," inirapan ko ulit siya at tinawag ang iba pa naming kasama.

Unang lumabas ang muse at escort na si Chris at Jenny na naki-salamuha sa maraming tao. Si Selena naman na parang army dahil ang dumi-dumi ng mukha. Si Caleb the sexy kasama si Joseph the Pascal naman ay nasa ilalim ng malaking lamesa kung saan nakahilera ang mga paninda ng matandang babae.

"Caleb?!" gulat na tanong ni Francis na mahaba ang nguso sabay libot kay Caleb na naka-poker face lang. "Dre, ang ganda mo. Pwede ko bang makuha ang number mo, miss?" 

Napangisi nalang ako dahil ayokong tumawa ng bongga sa harap nila.

"Manahimik ka nga, Francis. Mas bagay nga pala sa 'yo maging si Maximus. Pfft," nagpipigil naman ng tawa si Joseph na nasa balikat lang ni Mark.

Patuloy sila sa pagaasaran silang tatlo. Isang himala lang na tahimik ngayon si Chris na katabi pa si Jenny.

And now that we're complete, we can get out of this damn hell illusion and go with the flow.

"Gusto mong manood ng flying lanterns, 'diba?" tanong ni Caleb na nakaakbay na pala sa akin. Ngumiti ako at tumango. "Then, let's watch it together."

"Ayos bro! Tara, 'nood tayo!" singit sa usapan namin si Joseph. Napangiwi nalang ako at pabiro na inirapan siya.

"Tara?" aya ko sa lahat. Nagsang-ayon silang lahat kaya dali-dali kaming pumunta sa may bangka na hinanda namin kanina. Sabay-sabay kaming sumakay at dahil sa tig-dalawa lang ang pwede, magkatabi kami ni Caleb. 

Hawak naman ni Hazel si Joseph na nakisali sa bangka ni Chris at Jenny. Nasa iisang bangka naman si Francis the horse at si Selena.

"Can we light the lanterns together?" nagulat nalang ako nang may hawak na lantern si Caleb sa harap ko. Bihis lalake na din siya kaya ang gwapo niya ngayon lalo na sa buhok niyang gulo-gulo. Ngumiti siya sa akin at binigay sa akin ang isang lantern.

Habang umaandar ang bangka namin papunta sa gitna ng dagat, nagkatitigan kaming dalawa ni Caleb na kapwa may hawak na lantern. Ang gwapo ng ngiti niya lalo na sa ayos niya ngayon. Akala ko kanina, makakasama ko sa panonood ng sky lanterns ang lalake na bihis babae. Pero hindi pala.

"Sindihan na natin?" natauhan ako nang ibigay niya sa akin ang isang posporo kaya tinanggap ko 'yon at sinindihan. Sabay naming sinindihan ang lantern na hawak namin at nag-antay ng signal.

Tumingala ako para makita ang nagiisang lantern sa ere. The one and only royal lantern. I remembered when I was fourteen years old. Pinangarap ko na makakita ng sky lanterns na lumilipad sa ere, just like in Tangled. Gusto kong makakita ng napakaraming sky lanterns sa langit.

"Ready?" tanong ni Caleb kaya tumango ako at sabay naming binitawan ang lanterns. We both exchanged a smile.

Tumingala kami at nakita namin ang mga lanterns namin na nakisabay sa maraming lanterns. Nakakatawa dahil dito pa talaga sa illusion natupad ang pangarap ko. Kahit sa illusion lang, at least natupad ang isa kong pangarap. Akala ko kasi pupunta pa ako sa China para mapanood ang Lantern Fesival nila.

And now, everything seems so real. Everything feels so special, kahit na nakakulong kami sa illusion na hawak ni Miss Aberdeen. Thanks to that weirdo teacher.

Napatingin ako sa mga kasama ko na panay ang pagtingala. Nakangiti sila na para bang walang nangyaring masama. Those faces, I wanted to see them after this. Gusto kong maalala nila lahat ng nangyari kahit na medyo nahihirapan na kami. Gusto ko pagkatapos nito, magiging kaibigan ko na sila. I never had a friends nor group of friends. Tanging mga close classmates lang ang meron ako.

"Someday, kapag nakaalis na tayo dito, magiging totoo na 'tong mga lanterns na 'to. Magkasama pa din tayo," sabi bigla ni Caleb kaya napangiti ako at humarap sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko na siyang dahilan ng pagkuryente ng buong katawan ko.

I already know this feeling. Nababasa ko na 'to sa mga novels. Kahit na nako-cornihan ako sa mga nakakakilig na novel, nagbabasa pa din ako. Hindi ako bitter para hindi basahin ang mga 'yon. Marami akong libro na nakahilera sa bookshelves ko na teen fiction.

"Someday, we will watch the real sky lanterns together," nakangiti kong sabi tsaka hinawakan pabalik ang kamay niyang naka-intertwine na pala. Hindi mawala-wala sa mukha ko ang ngiti dahil panay ang titig niya sa akin at pagngiti niya sa akin.

Hindi ko pa naranasan ang ma-inlove. Crush, meron na ako niyan. Pero hanggang dyan lang, hanggang crush lang. Pero ngayon, I think..

"Agnes, pagkatapos ng lahat ng 'to, can I court you?" kumabog ng malakas ang puso ko at kulang nalang ay lalabas na 'to sa rib cage ko. 

Hindi ko magawang sumagot dahil nagulat ako sa tanong niya. Deep inside of me, gustong sumagot na "Yes! Yes of course, Caleb!" pero hindi ko magawa. Hindi magawa ng bibig kong gumalaw kahit na "Oo" lang. Gusto kong sagutin siya. Hindi ko din magawang tumango o umiling man lang. I'm completely froze. I'm completely in shocked.

"I know this sounds corny. But, can I court you? Sa oras na makaalis tayo dito't makabalik sa tunay na pangyayari," napakamot siya sa batok niya at para bang nahihiya. Pero nakahawak pa din ang isa niyang kamay sa kamay ko. 

Kahit na hindi ko magawang sumagot dahil para akong na speech-less, ngumiti ako at pinisil ang kamay niya. The man in front of me is asking to court me. Hindi ko alam pero parang ang dali ng panahon. Noong first day, I see him as a strict and cold person. 'Yung tipong walang sense of kilig. Pero heto, pinakilig ako na sagad hanggang buto.

Noon lang, hindi ko siya gusto dahil parang ang yabang-yabang dahil madami ang nagkakagusto sa kaniya. Akala ko nga mayabang talaga siya at strikto. Pero hindi pala. Akala ko lang pala.

"Is it a yes?" nahihiyang tanong niya. Mas lalo akong napangiti. Nakilala ko nanaman ang other side ni Caleb. Mahiyain when it comes to a girl he likes.

"I thinks so?" pabiro kong tanong. Pero tumango ako na siyang dahilan sa pagyakap niya sa akin. Para siyang batang nakatanggap ng regalo. 

Nagtawanan kami dahil sa ka-cornyhan naming dalawa. Muli naming pinanood ang sky lanterns na patuloy sa paglulutang sa ere. 

Habang pinaanood namin ang nasa itaas, dinig na dinig ko ang tawanan at kwentuhan ng mga kasama namin.

Isang suntok sa buwan ang mapadpad sa isang movies. Noon, pinapangarap ko talaga na makapasok sa mga pelikula. Lalong-lalo na sa Disney movies.

"Agnes."

"Hmm?" hindi ko nilingon si Caleb dahil nakatingala ako sa mga lanterns. Nakakatuwa kasi panoorin ang mga lanterns.

"Agnes, we have to go," pinisil ni Caleb ang kamay ko na dahilan sa pag-lingon ko sa kaniya. Nakita ko sa mukha niya na natatakot siya at para siyang nataranta. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya pinatong ko ang isa ko pang kamay sa ibabaw ng kamay niya.

"Caleb, what's wrong?" 

Tumingin siya sa akin at kitang-kita ko kung gaano siya katakot. Kahit naguguluhan ako, tiningnan ko nalang ang mga kasama namin na natatakot na din. Inilibot ko ang paningin ko at nakitang maraming nakapalibot sa amin.

They are all wearing a hockey mask at may kaniya-kaniya silang hawak na mga chainsaw, mahahaba at matutulis na kustilyo, axe at kung ano-ano pang serial killer murder weapons na mababanggit mo. Sa tansya ko, nasa one hundred sila o mas higit pa.

"Hindi ko alam kung bakit sila nandito," bulong ni Caleb. Hindi niya maitago ang garalgal na boses niya.

"They all look like a serial killer," bulong ko. Nakakatakot sila tingnan. Mas natakot ako nang marinig ko ang makina ng chainsaw. Tumili na sina Selena at Jenny na nasa likod ng bangka namin. Kahit saan ako lumingon, may mga nakasuot na hockey mask at may dalang murder weapon. 

Kung kailan maganda na sana ang moment namin dito, tsaka lang sila nageextra.

"They are a serial killer, dahil na rin sa maskara nila," bulong ulit ni Caleb at mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin. Tiningnan niya ang tubig at sa akin tsaka pabalik-balik. Para siyang nagdadalawang isip kung ano ang gagawin namin.

"We need to jump," ako na mismo ang nagsabi dahil mukhang hindi na niya kayang sabihin 'yon. Tinitigan niya ako ng maayos at narinig ko ang malakas niyang pagbuga ng hangin na para bang nagpipigil na huminga.

Lumingon siya sa mga kasama namin at nag-sign na tatalon kami sa dagat. Natatakot man, tumango pa din sila at nagsimula ng magbilang si Caleb.

Tumili ako nang isa-isang lumangoy ang mga hockey masked men dala ang mga murder weapon nila. Inilibot ko ang paningin ko at nakitang halos lahat sila ay lumangoy na papunta sa amin. Dinig na dinig ko ang tili ni Jenny at Selena pati na din si Hazel.

The hockey masked men with their murder weapons can attack us anytime. Pero hindi ko hahayaan na masaktan nila kami. 

"Everyone, jump!" sigaw ko tsaka tumalon mula sa bangka. Ramdam ko din na tumalon na ang mga kasama namin even Francis the horse and Joseph the chameleon.

Sumisikip na ang dibdib ko at hindi na ako makahinga. I don't know how to swim and I don't know how to manage the air. Hindi ko din kayang igalaw ang kamay at paa ko para makaahon at mahinga. 

Unti-unting sumasakit ang ilong ko at parang pumasok na ang tubig sa loob ng katawan ko. I hate water and I hate to swim. I swear I don't know how to swim kaya paniguradong mamamatay ako dito.

Bago pa man ako pumikit dahil bumibigat na ang paghinga ko, naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko at niyugyog ang balikat ko.

"Tonight, you were drowning and it makes my heart jump for happiness, Agnes.."

Minulat ko saglit ang mata ko at nakita ko ang imahe ni Miss Aberdeen na nakangiti at natutuwa na mawawala na ako sa mundo. Ngumiti ako ng mapait hanggang sa nilamon na ako ng kadiliman.

You won't die, Agnes. This is just an illusion..

Mas lalo akong napangiti. This is just an illusion. Hindi dapat ako magpapaapekto nito.

MYSTIQUE PUPPETEER
graciangwttpd

Continue Reading

You'll Also Like

95.7K 5.3K 86
Φ SPELLCAST SERIES BOOK I (COMPLETED) "Believe in the power of magic, because those who do not believe will never see how beautiful the world with ma...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
834K 30.4K 37
Synopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their b...
107K 4.2K 73
COMPLETED The Seven deadly sins Pride, Envy, Wrath, Gluttony, Lust, Sloth and Greed. Salita pa lang nakakatakot na, paano pa kaya in human form? I'...