Rage of Death (On going)

Por liletcutie

34.3K 1.7K 299

This is the book 2 of School of Psycho It's all about Death and Revenge Más

Rage of Death (School of Psycho 2)
PROLOGUE
CAST
Rage 1. The Slaughter
Rage 2. Cookies and Cream
Rage 3. The Ring Necklace
Rage 4. The Wedding Ring
Rage 5. Baleful
Rage 6. Old School
Rage 7. Cheldon Lee
Rage 8. Reckless
Rage 9. Clarix
Rage 10. Revealed
Rage 11. Mission
Rage 12. Encounter
Rage 13. Close Range
Rage 14. Not Guilty
Rage 15. Unexpected
Rage 16. Lovelorn
Rage 17. Jaundice
Rage 18. Crestfallen
Special Chapter
Rage 19. Sapphire
Rage 20. The Return of Clarix
Rage 21. Enigma
Rage 22. loathsome
Rage 23. Hoax
Rage 24. Scoundrel
Rage 26. Grievous
Rage 27. Terrence Letter
Rage 28. Fortitude
Rage 29. Picture
Rage 30. Collide
Extra Chapter
Rage 31. Tatto
Rage 32. Indulgence
Rage 33. Fiance
Rage 34. Sedrick
Rage 35. Please Remember me
Rage 36. Esoteric
Rage. 37 Steve's Twin
Rage 38. Rapt
Rage 39. Escape
Rage 40. Mission Sedrick

Rage 25. Perilous

642 29 7
Por liletcutie

Perilous- mean full of Danger

Cheldon POV.

        Tumunog ang phone ko at sinilip yung caller. Napangiwi ako ng si Chairman nanaman ang tumatawag saken.

Urg! Ano bang kailangan nya?

Pinatalsik na nya ako sa pwesto ko wala na akong silbi ngayon sa kanya. In off ko nalang ang phone para walang distorbo sa ginagawa ko.  Pinaandar ko na ang kotse at napatingin ako sa side mirror at nakita ang sarili kong repleksyon. Tinanggal ko na ang maskara ko bilang “X” at dumeretso sa construction site. Bumaba ako ng kotse at pinagmasdan ang lugar. May paparating na pulang ferrari at pumarada din tulad ko. Bumaba ang driver nito at walang emosyon nya akong tinignan.

“What the hell are you doing here” nakataas kilay nyang tanong.

Napabuntong hininga nalang ako at napasandal sa kotse habang nakacross arm.

“Stop this game of you Clarix” walang emosyon kong sabi sa kanya.

Tinignan nya lang ako ng ilang minuto tsaka sya sumakay sa kotse nya ng hindi man lang nagsalita. I sarcastic laugh dahil hindi ko nga pala sya mapipigilan sa gusto nya.
Hindi ko alam kung ano itong laro ang ginagawa nya.  Hindi ko sya mapigilan dahil kahit kailan hindi sya nakikinig saken. Pumasok nalang ulit ako sa kotse at napagdesisyong umuwi. Pero may humarang na dalawang kotse sa akin kaya hindi ako makaalis. Naghanap ako ng pwedeng malusutan pero masyado silang mautak kaya hindi ako makalabas. Bumukas yung dalawang kotse kaya ako nanatili lang sa loob. Lumabas silang dalawa at wala akong makitang emosyon sa mukha nilang dalawa. Kinatok nila ako sa bintana pero hindi ko iyon pinapansin, hindi din naman nila ako makikita dahil tinted ang bintana ko. 

Sino pabang nasa labas?

Ang member lang naman ng 12 saints na sina Sion at Leslie.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila dito pero mukhang may kinalaman ito sa ginawa ni Clarix. Pumikit muna ako ng mariin bago ko sukatin ang distansya ng dadaanin ko para makatakas sa dalawang ito. Inapakan ko na ang turbo at mabilis na lumipad ang kotse ko at dumaan sa gilid na daan. Napangiti ako ng makalabas ako sa daan at malagpasan ang kotse nilang nakaharang. Nakita kong pumasok na din sila sa kanya kanya nilang kotse kaya lumusot ako sa eskenita at dumaan sa ibaba kung saan ang underground park. Nagulat ako ng makita sila sa likod na mabilis ding nakasunod.

Tss ano bang gusto nila?!

Iniliko ko ang kotse ko at lumabas ulit sa may eskenita hanggang makalabas ako sa highway. Nakita ko ang kotse ni Clarix na nakahinto.
Akala ko ba nakaalis na sya?
Napatingin ulit ako sa side mirror ng makitang malapit na silang makasunod.

“Ano bang binabalak nya?!” sigaw ko kahit hindi nya ako marinig.

Nalagpasan ko na sya dahil sa bilis ng takbo ko. Naabutan na sya nung dalawa kaya mabilis nyang nilabas ang kamay at may hawak syang baril. Huminto muna ako at mabilis na niliko sa tabi.  Pinaputukan nya ang gulong nung dalawa kaya nagpagewang gewang ang kotse nila at bumangga sa may puno ang isa.. yung isa naman sa may side wall. Mukhang hindi naman sila napuruhan dahil nakapagbreak agad sila. Mabilis na umandar ang kotse ni Clarix at nilagpasan ako. Pinaandar ko na din yung akin at sinundan sya.

Xxx

Nauna syang pumasok sa loob ng bahay nya kaya sumunod ako. Naabutan ko syang nagsisindi ng sigarilyo kaya agad ko iyong inagaw sa kanya.

“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha?! For your information may sakit si Clariz! May cancer sya kaya tigilan mo na ito!”

Hindi nya pinansin ang sinabi ko at nilagpasan lang ako.

“Clariz please stop this! Pinapahamak mo lang ang sarili mo” pigil ko sa kanya habang nakahawak ako sa wrist nya. Tinignan nya ako ng walang emosyon at mabilis syang nakawala sa hawak ko.

“Can you please shut up?! Psh.. Don’t call me Clariz im not her!” inis nyang sabi kaya napahilot ako sa sintido at naupo sa sofa.

“Kung nandito ka para pigilan ako..pwes umalis kana” diin nyang sabi habang nakatitig sa mukha ko.

“Ano ba itong laro anG ginagawa mo?!” Sigaw ko kaya napasmirk sya.

“Simple lang naman….gusto ko lang paglaruan ang 12saints” nakangisi nyang sagot kaya tumayo na ako.

“Tss…paano mo ba sila nahanap?”

Nagulat ako ng lumapit sya saken at hinila ako sa kwelyo at bumulong.

“I have ways”

Lumayo na sya saken ng konti pero nakatitig parin sya sa mata ko. Hindi na nga talaga sya si Clariz.  Iniba nya ang itsura nya. Kulay pula na ang kanyang buhok at sobrang kapal ng make up na fierce tignan.
Pero honestly ang ganda nya lalo.

“At ang susunod mong itatanong kung bakit kita iniligtas?” nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Paano nya yun nalaman?

Bigla ulit syang ngumisi at nilapit ang mukha ko sa mukha nya. Napababa ang tingin nya sa labi ko.

“Akala mo ba nakakalimutan ko na ang sinabi ko sayo? I like you Cheldon that's why”

Mahina ko syang itinulak sapat lang para makalayo sya.

“Alam ko si Steve ang mahal ni Clariz kaya wag mong pagsamantalahan ang pagkakataong naagaw mo ang katawan nya”
Bigla nalang syang tumawa ng nakakaloko.

“Oh really? Bakit noong hinalikan kita gumanti ka?hmmm”
Nagulat ako ng itulak nya ako sa sofa at sya naman ang nasa ibabaw ko. Nakatitig lang sya sa mata ko habang walang reaksyon ang mukha.

“Si Clariz ay wala na kaya hinding hindi mo na sya makikita pa… ano pabang hinahanap mo cheldon nandito na sa harap mo ngayon si Clarix”
Inch nalang ang pagitan sa mukha namin.

“Sa kinikilos mo mukhang may gusto ka kay Clariz”

Napaiwas naman ako ng tingin dahil tama sya may gusto ako kay Clariz.

“Si Clariz gusto si Steve pero si Clarix gusto ko si Cheldon”

Napapikit ako ng mariin sa sinasabi nya.  Nanlaki ang mata ko sa gulat ng bigla nalang nya akong halikan. Ewan ko pero hindi ko napigilan ang sarili kong gantihan sya ng halik. Ako naman ngayon ang pumaibabaw sa kanya at hinapit sya sa bewang.  Nag iinit na ang katawan ko habang hinalikan sya. Kumapit sya sa batok ko at mas idiniin ko ang halik.

“Isipin mo nalang na ako si Clariz ang babaeng gusto mo” bulong nya kaya pumikit ako at tumayo. Hindi ko dapat pinairal ang pagkalalaki ko. Mali ito hindi ko na dapat sya pinatulan.

“Tumigil kana” Sabi ko at umatras palayo. Tinignan nya lang ako ng walang emosyon. Hindi sya umimik sa sinabi ko.
Talagang delikado ang magkaroon ng multiple personality disorder dahil magkaibang magkaiba ang katauhan mo pero iisa lang kayo ng katawan. Umatras ako ng umatras habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. Nakapagdesisyon na ako sa gagawin kong ito.
Nasa tapat na ako ng pinto bago ko sabihin ang huling pag uusap namin.

“Maybe this is the last time we see each other”

Sinara ko na ang pinto at hindi ko mapigilan ang luha kong pumatak. Simula sa araw na ito pipigilan ko na ang sarili na makita pa syang muli.  Kapag pinagpatuloy ko ito baka mahalin ko na sya at traydurin ang sarili ko. Lumingon ulit ako ng isang beses sa bahay nya bago ako pumasok sa kotse. Tumulo ulit ang luha ko kaya mabilis ko iyong pinahid. Ngayon lang ako nagkagusto sa isang tao pero sa maling babae pa. Sa babaeng may mahal ng iba.

Goodbye For now Clariz…

Sion's POV.

Nasipa ko yung kotse sa sobrang inis. Napaubo din si Leslie sa di kalayuan habang umuusok ang kotse nya. Lumapit ako sa kanya at inalalayan syang lumakad.

“Sa tingin mo ba sila ang may kagagawan nito?” tanong nya habang inuubo parin.

Sinundan ko ng tingin yung dinaanan nung dalawang kotse kanina.

“Siguro sila ang may kasalanan kung bakit hindi na magigising si Terrence” nauutal kong bulong hanggang may dumating na ambulansya at pinasakay kami sa ambulance car.

Nakarating kami sa hospital at hindi naman daw kami napuruhan may konting sugat lang kaming natamo. Tama nga ako ng desisyon na bumalik ulit sa construction site na yun dahil nalaman namin kung sino ang may kasalanan kung bakit hindi parin nagigising si Terrence.

Flashback*

“Leslie” napalingon sya saken at alam kong nag aalala sya sa kaibigan namin.

“Sa tingin ko kailangan nating bumalik sa lugar na yun para magimbestiga” I suggest kaya tumayo na sya at naunang naglakad kaya sumunod nalang din ako. Sumakay ako sa kotse ni Terrence at sya naman sa kotse ko.
Pagkarating namin doon may naabutan kaming itim na kotse kaya hinarangan namin ni Leslie para hindi sya makatakas. Sabay kaming bumaba at nilapitan ang nakahintong kotse. Kinatok namin ito pero hindi sya lumalabas. Nagulat nalang ako ng bigla nyang paandarin ng mabilis at dumaan sa masikip na daan. Dali dali naman kaming sumakay sa kotse at sinundan ang lokong iyon.
Gusto nya pala ng karera uh.. kahit nakalayo na sya nasundan parin namin kahit saan sya pumunta. Nakita kong lumiko sya sa isang eskinita kaya lumusot din kami doon pero may nakaharang na pulang ferrari at namalayan ko nalang na nawalan ako ng konsentrasyon dahil sa biglaan. Bumangga ang kotse ko sa puno pero hindi naman gaano kalakas dahil nakapagpreno agad ako. Medyo nahilo ako sa pagbangga at sinundan ng tingin yung dalawang kotse na humarurot na paalis.

“Nakuha mo ba yung plate number?” tanong ni leslie kaya napasmirk ako.

“YEAH.. At sigurado akong nasa malapit lang sila” 

Napasapo ako sa noo dahil mautak ang nakasakay sa pulang kotse dahil nagawa nyang paputukin ang gulong namin ng sabay. Napakuyom ako ng kamao dahil malalaman din namin kung sino ang may gawa nito kay Terrence.

Dave's POV.

Huminto ako sa isang malaking mansyon pero mukhang pinabayaan na ng panahon dahil sa luma. Kinasa ko muna ang baril ko at chineck ang paligid baka sakaling may nakaabang pala at bigla nalang akong barilin. Nung masigurado kong wala nag umpisa na akong maglakad at mukhang hindi naman nakalock yung gate kaya pumasok na ako.

“Brenna?” sigaw ko para malaman ko kung nasaan na sya.

Naramdaman kong  may tao sa likod kaya agad akong nakaiwas ng may lumipad na kunai at tumusok sa pader.

“Diba sinabi ko na sayong wag ka ng pumunta dito?” wala akong makitang emosyon sa mukha nya. May hawak syang katana at sumilay ang ngisi sa kanyang labi.

“Brenna nandito ako para iligtas ka—“

Nanlaki ang mata ko ng bigla nalang may lumabas na dugo sa kanyang bibig habang nakayakap ako.

“Brenna?” ngumiti lang sya habang puno na ng dugo ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko ng may hawak akong katana at ako ang sumaksak sa kanya.

“HINDI!!!” napadilat ako ng mata at naghahabol ng hangin. Phew panaginip lang pala, napahawak ako sa dibdib ko dahil hanggang ngayon malakas parin ang tibok ng puso ko sa kaba..akala ko totoo na! Pero hinding hindi ko magagawang patayin si Brenna, hindi ko kayang mawala ang kapatid ng kaibigan kong si Brizon. Nangako ako sa kanya na ako ang magpoprotekta sa kapatid nya.   Umayos na ako ng upo at sinuri ang lugar kung Nasaan na ako. Lumabas na ako ng kotse at kinuha ang phone sa bulsa. Chineck ko ulit yung sinabing location kaya sigurado na akong dito yun. Wala akong marinig na anumang ingay kaya nagsimula na akong maglakad papasok. Nakarinig ako ng ingay kaya napalingon ako sa isang room. Nilibot ko muna ng tingin ang paligid ko bago ko dahan dahan na binuksan ang pinto.

“Brenna? Brenna!” agad akong tumakbo sa kanya ng makita ko syang nakayuko.

“Brenna nandito na ako” niyakap ko sya ng mahigpit dahil mukhang nawalan sya ng malay. Hinubad ko ang jacket ko at pinasuot sa kanya. Napakuyom ako ng kamao ng makita kong ang dami nyang sugat.

“Brenna Im so sorry” naiiyak nako dahil nakikita kong ganito ang taong gusto ko.

“D-dave?” inilayo ko sya ng konti at pinagmasdan ang mukha nya.

“Brenna Im sorry” nagawa nya pang ngumiti sa gitna ng kalagayan nya.

“Its ok.. “

Nakarinig ako ng yapak kaya naging alerto ako. Napalingon ako sa itaas na bahagi ng building at nakita ko nanaman yung babae. Hindi nakatago ang  mahaba nyang kulay pula na buhok pero nakabone Mask sya. Blanko lang syang nakatingin dito sa baba na parang nanunuod lang ng boring na palabas. Itinutok ko sa kanya yung baril.

“Sino ka? Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako huh?!”

Hindi nya ako sinagot..

Nanlaki ang mata ko ng may itinaas syang bagay at ngayon Ko lang narealized na isang putol na ulo iyon. Tinignan ko ulit si brenna na nakapikit parin pero alam kong gising sya.

“Brenna anong nangyare?”

Ngumiti lang sya habang nakapikit. Binalik ko ang tingin sa babae na ganun parin ang itsura. Kung ibang tao lang siguro natakot na sa uri ng kanyang tingin. Hindi mo kasi mabasa kung ano ang nasa isip nya. Napatalon ako sa gulat ng bigla nalang nyang itapon dito yung ulo at halos masuka ako ng nabiyak yung ulo at lumabas ang utak. Niyakap ko ng mahigpit si Brenna dahil kumilos na yung babae at balak nyang lumapit dito. Dahan dahan syang bumaba ng hagdan kaya hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. Nasa may dulo na sya ng hagdan ng huminto sya.

“Ano bang gusto mong mangyare?! Sino kaba ha?!” Napahinto ako sa pagsasalita ng may maalala ako.

“Clariz is Alive and that was me”

Yun ang huling sulat na natanggap ko. Hindi kaya? …

Hindi makapaniwalang tinignan ko ulit sya at napanganga ako ng tanggalin nya yung mask nya at ngayon kitang kita ko na ang ngisi sa kanyang mga labi.

“Clariz”

Brenna's POV

“Walang kinalaman si Dave dito! Hindi naman sya member ng mafia kaya bakit kasama sya sa list na papatayin ko?! Niloloko nyo ba ako?!” galit kong sigaw sa lalaking sumampal saken.

Sinabunot nya ulit ang buhok ko at kita kong nagngitngit ang mga ngipin nya sa galit.

“Kung gusto mo pang mabuhay sundin mo lang ang pinapagawa namin sayo!”

Wala akong ibang gustong patayin kundi ang taong pumatay sa kuya ko. Gusto kong maghiganti at hanapin ang taong iyon pero dahil sa pinapagawa nila mas lalo lang tumatagal ang paghahanap ko at kung sundin ko man sila hindi ko malalaman baka ako pa ang maunahan nilang mapatay. Mga bigboss ang gusto nilang ipapatay saken, hindi ko kayang isakripisyo ang buhay ko para sa kanila dahil matagal ko ng isinakripisyo ang buhay ko para sa paghihiganti.

“Hinding hindi nako susunod sa inyo!” balik kong sigaw at nakaramdam ako ng hapdi sa pisngi ko ng bigla nalang nyang galusan. Naramdaman kong tumulo ang dugo kaya naiinis na ako sa galit.

Dave sana wag kang pumunta dito sana wag kang…

“Anong ingay iyon?!” sigaw nung lalaking kaharap Ko. Wala akong pakialam kung sya pa ang boss ko.  Nakarinig ako ng sigawan Sa labas kaya napakunot ako ng noo.

Hindi kaya si Dave?

Kung sya nga ang sumugod dito pinapahamak nya lang ang sarili nya. Sayang lang ang ginawa kong pagtalikod sa yakuza ng dahil sa kanya. Ayaw ko syang patayin kaya tumakas ako sa kanila. Tumakas ako bilang isang yakuza at namuhay ng tahimik habang hinahanap ko ang pumatay kay kuya.

Nakakainis ka Dave!

Hindi ko maintindihan ang usapan nilang japanese kaya nanahimik muna ako. Habang busy sila sa pag alam kung sino yung taong sumugod dito pinipilit kong tanggalin yung kadena sa kamay ko pero masyadong mahigpit. Napagat ako sa ibabang labi dahil dumudugo na ang kamay ko habang pinapalusot ko sa kadena.

Bogs*

Napalingon ako sa pinto ng bigla nalang bumukas. Napanganga ako sa gulat dahil hindi sya si Dave. Hindi ko alam kung isa ba sya sa kalaban nila. Pero isa lang masasabi ko. Ang ganda nya.. nabalin ang tingin nya saken. Sampu ang taong nandito sa loob kaya napailing akong nakatingin sa kanya. Hindi ko sya kilala pero mukhang  may dahilan kung bakit sya nandito.  May hawak syang dalawang samurai at yung patalim  puno na ng dugo. 

“Hahahaha mag isa kalang? Ang lakas ng loob mong sumugod dito” sabi ni boss habang prenteng naka upo na parang wala lang nangyayare habang nagbubuga sya ng usok galing sa sigarilyo nya. Yung siyam naman na tauhan nya nasa likod nya lang habang ako nasa gilid at nakakadena tss. Tumayo si boss at lumapit sa babae na hindi natatakot. Tinignan nya ito mulo ulo hanggang paa.

“Maganda ka.. gusto mo bang mag usap muna tayo?” sabi ni boss sa babae pero yung babae walang emosyon lang na nakatingin sa kanya.

“Get lost” yun lang ang dinig kong sinabi nya kaya nainis si boss at sumugod na sa kanya yung iba.

Napanganga ako sa ginagawa nyang uri ng pagpatay. Nagkalat na ang dugo sa buong kwarto, hindi ko alam kung paano nya nagawang patayin lang sa isang iglap yung siyam. Nadako ang tingin ko kay boss na may hawak na din ngayong katana sa magkabila nyang kamay. Inis na inis na ang itsura nya at sinugod yung babae. Para lang akong nanunuod ng live action, parehas silang magaling. Nabibingi na ako sa bawat pagsangga ng patalim nila.

Si Dave! Ano na kayang nangyare sa kanya? Pumunta ba sya?

Natalsikan ako ng dugo kaya bumalik ako sa realidad. Nanlaki ang mata ko ng wala na sila dito.  Nasaan na sila? Tahimik na ang buong paligid kaya pilit kong inaalis yung kamay ko sa kadena. Umaagos na ang dugo sa kamay ko ng matanggal ko ito. Nagmadali akong Tumakbo sa labas kahit paika ika na ako. Kailangan kong makalabas dito. Kailangan kong malaman kung nandito din si Dave. Napangiwi ako ng bawat madaanan ko puro patay ang nagkalat. Nasa may labasan na ako ng makarinig ako ng sigaw sa isang kwarto. Naglakad ako palapit doon at binuksan ito. Halos atakihin ako sa puso ng makita ko ang boss ko na katawan nalang at wala na syang ulo. Dahan dahang bumagsak ang katawan nya sa harap ko kaya napatakbo agad ako sa loob. Hinanap ng mata ko yung babae. Nakita ko din sya sa wakas habang nakatalikod. Binitawan nya yung hawak nyang samurai at tinaggal din ang gloves nya na puno na ng dugo. 

“Who are you? Bakit mo ako tinulungan? Kilala kaba ni Dave? Paano mo nalaman na nandito ako?” tuloy tuloy kong tanong.

Hindi ko makita ang reaksyon nya dahil nakatalikod lang sya saken. Bahagya syang lumingon sa direksyon ko pero agad din nyang binawi at naglakad na papunta kung saan. Susundan ko sana sya kaso bigla kong naramdaman ulit ang sakit sa buong katawan ko. Napaluhod ako sa panghihina.

“Brenna? Brenna!” napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Dave, nakahinga ako ng maluwang kaya pumikit na ako dahil gusto ko ng magpahinga.

♡ ♡ ♡

“Brenna” napangiti ako ng makitang ok naman pala si Dave. Nandito na kami sa hospital at ginamot na din ang mga sugat ko. Hinawakan nya ang kamay ko at kita ko ang takot sa mata nya.

“Brenna sorry.. sorry that I cant protect you” tinitigan nya ako sa mata.

“Pero sana bumalik kana sa pangarap mo..bakit mo tinalikuran ang pagiging nurse? Dahil ba saken?” mahinahon nyang sabi kaya napailing ako. Hinawakan ko ang mukha nya at seryoso ko syang tinignan.

“Sino yung Clariz? Kilala mo ba sya?”
Napaiwas sya ng tingin dahil sa tanong ko.

“Dave tell me sino sya?”

“Ah? W-wag mo ng intindihin yun..”

“Pero dave sya nagligtas saken.. pero bakit? Bakit nYa ako iniligtas hindi nya naman ako kilala” pagtataka ko. Natahimik sya saglit. .

“Wag mo munang isipin yun ok? Magpahinga ka muna” pagkasabi nya nun tumango nalang ako at lumabas muna sya ng room kaya pinikit ko na ang mga mata ko.

Henna POV.

“Huh?” napalingon ako sa pinto ng may biglang magdoorbell. Sabi ni Chan hindi pa daw sya makakabalik agad dahil may aasikasuhin sya. Sabi din nya secure naman daw ang lugar na ito at walang ibang makakahanap nito kundi sya lang. Sumilip muna ako sa bintana ng kaunti at nakahinga ako ng maluwang ng yung kaibigan lang pala nyang si vinxx.

Pero teka? Anong ginagawa nya dito?

Kaysa sagutin ang sarili kong tanong bumaba na ako at pinagbuksan sya ng pinto. Kita ko ang seryoso nyang mukha, minsan ko lang sya makitang ganito lagi kasi syang nakangiti. Napaangat ang tingin nya saken na parang pagod na pagod ang kanyang mata.

“Henna… nasa panganib si Chan”

To be continued...

(AN: Balak ko sanang patayin si Terrence tsaka Chan katulad ng ginawa ko kay Chen,Kaizer tsaka Brizon bwahaha)





Seguir leyendo

También te gustarán

25.4M 851K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
Psycho next door Por bambi

Misterio / Suspenso

4.3M 204K 51
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
4M 168K 39
Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good gir...