Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.5K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
epilogue
note

4.

2.6K 85 53
By hannahdulse_

Wonderland, Creepyland.

Hindi ako makapaniwala. Sa ilang araw kong pananatili dito, ngayon lang ulit magpapakita ang lalaking 'to? What the hell, Caleb. Akala ko ba hindi mo ako iiwan tulad ng sabi mo noon? I don't know what has happen and I don't even know how to go back.

Sinuri ko ang suot niyang kulay puting tuxedo. Kung imbitado siya sa party, bakit hindi ko man lang nakita ang pangalan niya sa listahan ng mga imbitado? Aside from helping Alice's family to decorate the garden, I was also assigned to look out for the list who're invited.

"I'll explain later. Sundan natin si Alice," dire-diretso niyang sinabi at hihilahin sana ako sa punuan kung saan nahulog si Alice.

"Kilala mo si Alice? Paano?" 

He rolled his eyes in a manly way. "Hindi mo ba siya kilala? She's Alice, Agnes. Alam kong kilala mo siya."

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. I know, she's Alice. I only knew her three days ago and she's still a stranger to me. Mukhang kilalang kilala na ni Caleb si Alice samantalang ako na nakasama sa iisang bubong si Alice, I only know her and her nightmares.

"Stop playing Caleb--" I stopped when I realized, this scene is very familiar. Nasa dulo na 'yun ng dila ko pero hindi ko pa rin maalala. Nasa engagement party and I saw a rabbit, tapos nahulog sa bangin na nasa ilalim ng puno...

"Alice? Saan nga 'yon?"

"Damn it, Agnes. You're wasting time," mura niya sabay gulo ng kaniyang buhok. Humarap si Caleb sa 'kin at naglakad palapit sa bangin. "If you can't remember her, then might as well to follow her if you don't want to lose the chance for us to get back."

Hinila niya ang pulsuhan ko at mauna na sana siyang tumalon nang hilahin ko ang kamay ko mula sa kaniya. The engagement party, Lord Hamish got rejected, the rabbit, Alice and her dreams!

"Alice in Wonderland?!" I exclaimed. 

Oh my God. Why did I forgot that movie? Kaya pala no'ng nakita ko ang mukha ni Alice, pakiramdam ko kilala ko na siya!

Napailing si Caleb at nagsalita, "Now you're really wasting our time. Tara na bago pa siya makarating sa Wonderland. At kung makapasok na siya sa Wonderland, it means we need to stop her and bring her back to the venue."

Hindi na ako umangal pa nang hilahin niya ako. Siya ang unang tumalon kaya nagdadalawang isip pa ako kung tatalon ba ako o hindi. I've seen the movie before. Umaabot ata ng five hundred feet ang lalim ng bangin and I hate to imagine it. Nakakasuka.

"Oh God. Kaya mo 'yan Agnes. Para makauwi ka," pumikit ako at tumalon. 

Parang umikot ang sikmura ko. Pakiramdam ko umalis mula sa katawan ko ang kaluluwa ko. Nanatili akong nakapikit dahil baka mas lalo lang akong matakot. Nakaramdam ako ng paglakas ng ihip ng hangin na sumasampal sa mukha ko kaya 'di ko na napigilan ang idilat ang mga mata ko. 

Sumigaw ako nang sumigaw dahil sa lalim na ng naabot ko. Maraming mga gamit na nahuhulog kasama ko. May mga piano, cabinets, sofa and even animals fell with me. I don't know how they got here, I guess that's just that.

When I reached the ground, nakarinig ako ng malakas na kalabog at ang pagsakit ng buong katawan ko.

"Aw," I heard someone mumbled. "Ang bigat mo."

Nanlaki ang mata ko at dali-daling tumayo. Nakahandusay sa sahig si Caleb habang hawak-hawak ang likod niya.

"Caleb," binigay ko sa kaniya ang kamay ko at tinanggap naman niya 'yon. "Sorry."

"No, it's fine. Ginawa ko naman yun para hindi ka masyadong masaktan," umiwas siya ng tingin at naglakad-lakad sa isang silid kung nasaan kami ngayon.

May mga pinto rin kaming nakikita at bawat pader ay may anim na pintuan, lahat ay iba-iba ang disenyo. Ang kisame naman ay walang bakas na bilog kung saan kami nahulog. Ang nasa ibabaw lang namin ay isang kumikinang na chandelier. The tiles are red and white, may lamesa din sa tabi namin na transparent.

Nahinto ang tingin ko sa mga pamilyar na estatwa. No, para siyang totoo. Ang pinagkaiba lang ay diretso ang tingin nila at hindi kumikilos. They looked like they're frozen or something.

"Holy shit, Hazel!" halos maiyak ako sa itsura nila. Kasama niya ang lima pang naging estatwa at lahat sila'y nakasuot pa ng uniporme namin.

Nilapitan ko si Hazel at pinisil ang pisngi niya kung sakaling bigla siyang kikilos. 

"Ano naman ang ginawa nila dito?" lumingon ako sa katabi kong nakatingin din sa anim na estatwa.

"Gago ka ba, Caleb? Mga kaklase natin 'to!"

"Alam ko. Kaya nga nagtatanong ako kung ba't pa sila nandito. Namomroblema nga tayo dito sa pagtakas na tayong dalawa lang, ano pa kaya kung madagdagan pa tayo?"

Natigilan ako sa sinabi niya. "Pagtakas sa lugar na 'to? What do you mean?"

Umiling siya at hinila ako palayo sa mga estatwa. "Tara na. Asan nga yung maliit na pinto na pinasukan ni Alice sa movie?"

Inilibot ko muna ang paningin ko at tinuro ang isang kurtina. "Behind that curtain."

Lumapit siya doon at hinawi ang kurtina. Bumalik siya sa tapat ko at may kinuha sa lamesa na katabi namin.

"This is not a poison, right? Kaya inumin natin 'to para lumiit tayo," binigay niya sa akin ang bote na may lamang pulang likido.

May papel ito na may nakasulat na Drink Me.

Binuksan ko ang cork nito at ininom. Umubo ako pagka-lunok at sa pagharap ko kay Caleb, sabay kaming lumiit habang umuubo sa tapang ng lasa. Everything around us became big until we're the size of the small bottle that we drank. Ang init sa lalamunan ng likido at parang sinusunog nito ang laman loob ko.

"Tara na," hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo papunta sa pinakamaliit na pinto. 

Nang sinubukan niyang buksan iyon, napakamot nalang siya at napamura.

"What?" I asked.

"We forgot the key."

Inilibot ko ang paningin ko and pointed the table above. Transparent 'yon kaya kitang kita ang maliit na susi sa ibabaw nito. "Ayun!" 

How can we get that key when we're as small as the bottle?

"Tara." 

Sinundan ko si Caleb papunta sa paanan ng lamesa at may kinuha mula sa sahig na katabi ng lamesa. Binigay niya yon sa akin kaya tiningnan ko muna siya na para bang nagtatanong.

It's a small beige jewelry-like-box and when he opened it, there's a white square cake and a message saying Eat Me.

"Ikaw na kumain at kumuha ng susi. Hihintayin lang kita dito."

Hindi naman siguro 'to poison, 'no? I've seen the movie hundred times. Tsaka, paboritong leksyon ito ni miss Aberdeen kaya no worries, kakainin ko 'to at mabubuhay pa rin ako.

Kinagatan ko 'yun ng konti and tasted the sweetness of this dessert. Nagmemelt siya sa loob ng bibig ko at sa paglunok, parang natutunaw ang buong internal organs ko at nahihilo ako. Para siyang acid kung tutuusin. Mas worse pa sa likidong ininom namin kanina.

I turned giant, bigger than our normal size. Umabot pa ako sa kisame at habang lumalaki ako, nagbabago rin ang size ng suot kong damit.

"Ayun," kinuha ko ang susi pero nabigo ako dahil ang laki ng kamay ko. I shook my head in disbelief. 

Tinulak ko nalang yung susi gamit ang hintuturo para mahulog at makuha ni Caleb. The next step I did is drank the potion for me to turn small again. 

"Nice one, Agnes. Bagay sa 'yo ang maging higante," natatawang sabi ni Caleb kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Shut up, Caleb."

Siya na yung nagbukas ng pinto and to my surprise, the Wonderland is different from the movie. Kung sa movie ay isang napakagandang lugar ang Wonderland, pero dito, ibang-iba. More blacks and ashes. Nalalanta yung mga dahon at bulaklak sa paligid. The sky was covered in dark clouds, it looks like a strong hurricane's coming.

"Excited pa naman akong makita ang Wonderland," I mumbled as we started to walk around. Nakakatakot ang paligid, parang galing binagyo.

Ang mga pinaghihinalaan kong ilog ay naging kanal na.

"Alam ko naman na ito ang madadatnan natin," sabi naman ng katabi ko. "We should find Alice first."

I nodded. Hindi ko na pinansin ang paligid at ang masangsang na amoy na naaamoy ko. Instead, we searched for Alice.

"Yuck!" tinakpan ko ang ilong ko at lumayo sa patay na daga na nakahandusay sa unahan. He's twice our size. Maraming mga uod ang lumalabas sa katawan niya kaya para akong masusuka. 

This place isn't the Wonderland anymore.

"This must be our clue for finding Alice." 

Gusto kong pigilan si Caleb dahil lumapit pa siya doon sa mabahong daga na may mga uod na ang katawan. This is so disgusting.

"Lumayo na nga tayo dito," I hissed. 

"This won't take long, Agnes. Isang higanteng daga lang 'yan at patay na yan," sabi niya habang iniinspeksyon ang malaking daga. 

"What's that?!" tanong ko nang may marinig akong sigaw at kaluskos. 

May humigit sa kamay ko at sa paglingon ko, si Caleb pala. "Sundan natin."

Ilang ulit na kaming nadapa, lumangoy sa itim na ilog, natapilok sa mga malalaking ugat at nagtago dahil sa mga nakakatakot na tunog ng halimaw o malaking hayop. 

The Wonderland I know turns to Creepyland. Nakakatakot masyado dito. I'd rather live in real world than here. I'd rather just watch the movie and never dream of going into the Wonderland.

We thought it would be easy to find and follow Alice's scream earlier. Pero hindi pala. Ilang lakad na ang nagawa namin. Ilang takbo na din kami pero 'di pa rin namin nasundan ang boses niya.

"Wait. Baka naman trap 'to? I've watched many movies before na may mga thrill. Caleb, let's stop, please."

Dahil sa pagmamakaawa ko, napilitan siyang magpahinga muna kami. Siya ang naghanap ng pwede naming pagsilungan since nagsimula ng bumuhos ang ulan. Gumawa siya ng bubong gamit ang mga dahon ng saging. Pinatungan din niya ng dahon ng saging ang maputik na lupa para doon kami makapaghinga.

"Here," he tapped his side kaya lumapit ako sa kaniya at tumabi. Umulan na ng malakas kaya mabuti at gumawa siya ng maliit na masisilungan namin.

"Sana panaginip lang 'to," I whispered. May narinig akong ingay sa katabi ko kaya paglingon ko sa katabi ko, may hawak na siyang gitara na maliit. 

Pinanliitan ko siya ng mata na parang nagtatanong. 

"What?" tanong niya habang kinakalabit ang gitara na hawak niya. "I just want to sing."

"Sing? Saan mo nakuha ang gitara na 'yan?"

"Just imagine things and you will get it."

Tinulak niya ang ulo ko pahiga sa kaniyang balikat at sinimulang i-strum ang gitara.

"When the stars go out. You can rest your love on me. And when the world gets loud. Baby you can rest your love on me~" kanta niya sa chorus. 

Napapikit nalang ako sa ganda ng boses niya. May talent talaga ang lalaki na 'to. He can strum the guitar well and sing the song smoothly. Nakakarelax sa tenga.

"You better sleep now, Agnes," and with his words, nakatulog ako dahil sa pagtugtog niya ulit ng kanta. 

NAPADILAT ako ng mata dahil sa tunog na 'di ko mawari kung ano. Inalis ko ang dahon na nagtatakip sa 'kin para magsilbing kumot ko. 

"Shit," I heard Caleb's cuss kaya agad akong tumakbo sa kinaroroonan niya. 

Napahinto lang ako nang makita ang isang malaking pusa na kulay itim na kalaban ni Caleb. The cat pushed Caleb kaya napunta siya sa akin at sabay kaming napahiga.

Dumaing ako nang tumama ang likod ko sa hindi kalakihang bato.

"Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Caleb kaya tumango ako at kinuha ang isang malaking kahoy na nakita ko. Itinapat ko iyon sa pusa pero 'di iyon natakot at sinugod kami.

Agad akong hinila at kinaladkad ni Caleb. Tumakbo lang kami nang tumakbo. Lahat ata ng mga hayop dito mas malaki pa sa 'min.

Kinakapos na kami ng hininga pero patuloy pa rin kaming tumakbo. Nakarating kami sa may kweba kaya agad kaming pumasok dahil medyo maliit ito at sakto lang sa amin.

Napatili ako nang muntik na akong maabot sa mahahabang kuko ng pusa. Buti at agad akong hinila ni Caleb at sabay na naman kaming natumba.

"Are you hurt?" tanong ni Caleb habang ako ay nakahiga sa--

"Oh my God! Sorry, Caleb!"

Agad akong tumayo at inabot ang kamay ko sa kaniya para makabangon siya. I didn't realized na nakapatong pala ako sa kaniya. Nakakahiya! Ikalawa na 'to, Agnes.

"It's fine. Ayos ka lang ba? Wala ka bang sugat o ano--" nahinto siya nang may makita siya sa braso ko. Tiningnan ko din 'yon at isang malaking kalmot ng pusa ang nakita ko. 

Naramdaman kong dahan-dahan niyang kinuha ang braso ko at nagpunit ng damit niya. Itinali niya 'yon palibot sa braso ko para matakpan iyon.

"Does it hurt?" tanong niya. Umiling lang ako kahit na medyo mahapdi.

"Pasensya ka na, Caleb." 

Umupo ako sa isang malaking bato. Paano nga ba kami napunta dito? Well, we just fell off from the ground. Weird things started from the park, that night when I met a killer. Kinabukasan niyan nagiging robot na ang mga tao sa paligid ko.

"Huwag kang humingi ng tawad. Desisyon ko ang sundan ka kaya ako nandito ngayon," umupo naman siya sa tabi ko at hinawakan ang balikat ko. "We will escape from this illusion together."

"Illusion?" tanong ko. Bigla siyang umiwas ng tingin at tumayo.

"Tara na. Hahanapin pa natin si Alice, 'diba?" 

I nodded. "Right."

ILANG ORAS na ulit kaming naglalakad at tumatakbo. I think this Creepyland is big. We can't easily find Alice.

"Are you tired?" tanong niya. Nagdadalawang isip pa ako kung ano ba ang dapat kong isagot. Am I tired already? Gutom lang ako at uhaw na uhaw.

"May pagkain naman siguro dito, 'no?" 

Iniimagine ko pa ang isang napakasarap na pandesal at chocolate drink na umuusok pa, nagrarambulan na ang dragon sa loob ng tiyan ko.

"Tara, doon tayo."

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papunta sa--tent? How come na nagkaroon ng tent dito? Sa pagkakaalam ko, maliliit kami't malabo ang magkaroon ng tent dito.

"You imagined something kaya may ganito. May pagkain pa," sabi niya. 

Napanganga na lamang ako sa mga nakapatong sa lamesa at gaya ng iniimagine ko kanina, mukhang bagong bake ang pandesal at bagong timpla pa ang chocolate drink.

Hindi na agad ako nagreact pa at nilantak ang nasa lamesa. Sa tuwing kumukuha ako ng pandesal, nagkakaroon ito ng substitute kaya napangisi ako at kuha lang nang kuha ng pandesal dahil hindi ito nauubusan. At sa chocolate drink naman, sa tuwing umiinom ako, patuloy pa din itong tumataas at hindi rin nauubusan.

"Ang ganda naman dito, Caleb. Kahit na creepyland, ang ganda parin dahil hindi nauubusan ng pagkain," sabi ko with a mouth full of pandesal.

Gutom talaga ako kaya 'di ko na napigilan ang sarili kong magsalita kahit na puno pa ang bibig ko.

"Kumain ka nalang at nang magpatuloy tayo sa paghahanap kay Alice," umupo siya sa tapat ko at kumuha ng pandesal at mug ng chocolate drink.

This place is magical... yet creepy.

"Teka nga, ba't pala natin hahanapin si Alice?" tanong ko matapos lunukin ang pandesal. Uminom ako ng chocolate drink at nag-antay sa sasagutin niya. 

Kumuha ulit ako ng pandesal at kinain 'yon.

"She's our only key to get us out from here," sagot naman niya na hindi ako tinitingnan.

"Out? Teka, ano pala 'to? Panaginip?" nagtataka kong tanong. 

If this is a dream, it looks real. Buhay na buhay ang mga nasa paligid ko. And also my wound, nararamdaman ko pa din ang sakit at hapdi nito.

"I know what you're thinking, Agnes. Pero maiintindihan mo din sa oras na makalabas tayo dito."

WE REACHED at the Red Queen's castle at nasa butas kami dumaan 'gaya ng nasa movie, yung dinala si Alice ng aso. Ang tubig sa pond ay kulay pula na gaya sa dugo. May mga nakalutaw nito na mga bungo kaya parang nasusuka ako sa tuwing tumitingin dito.

"Tara na, Agnes. Don't mind those." 

Hinila ako ni Caleb papasok sa palasyo at nagtatago sa tuwing may nakikita kaming mga kawal na baraha.

"Asan si Alice?!" tanong ng babaeng nakaupo sa may trono at katabi nito ang isang lalaki.

Siya yung Red Queen dahil sa laki ng ulo niya at sa liit ng korona. Siyang siya 'yun sa movie.

"Milady, nakatakas," sagot ng lalaki na katabi niya. 

Nanlaki ang mata ko at tiningnan si Caleb. "What does this mean? Kanina pa nagsimula ang kagaya sa movie?" 

Umalingawngaw ang napakalakas na pagsampal. Halos matumba ang lalaking katabi ng Red Queen dahil sa lakas ng pagsampal niya dito.

"Parang gano'n na nga, Agnes. Dapat siguro ay nandun tayo sa White Queen," sagot ni Caleb habang nakatingin din kay Red Queen.

"Hanapin niyo si Alice! Hindi siya pwedeng makatakas!" 

Tinakpan ko ang magkabila kong tenga dahil sa lakas ng sigaw niya. That's what I hate about her. Ang lakas niya kung makapagsalita. Siya ang pinakaayaw ko sa movie ng Alice in Wonderland. Para siyang nakalunok ng isang milyong microphone.

"Tara na. Kailangan nating makaalis dito--" napahinto si Caleb sa pagsasalita at biglang napatingin sa sarili niya.

Naramdaman kong kumukulo ang laman loob ko at parang nahihilo ako. Ang sakit ng ulo ko't parang pinukpok ng martilyo.

"Caleb..." I tried to reach him pero huli na nang bigla akong nawalan ng malay.

Mystique Puppeteer
graciangwttpd


Continue Reading

You'll Also Like

112K 6.1K 26
PAPERINK FANTASY COLLABORATION A cursed magician. A soul's wish. And a cyclic fictional reality. After getting poisoned, 24-year-old Blank Herana tr...
888 79 26
A group of tenth-grade students were not expecting anything out of the ordinary to occur while working on their research papers. Until, a tragic fant...
832K 30.4K 37
Synopsis Trix Yngrid Miwora is the holder of Dark Golden Magic. She's the most important weapon for the Dark Empire to bring back the life of their b...
FURION By Angge

Science Fiction

25.9K 1.6K 54
Vessels of Martiri #2 Do you believe in fortune tellers? Pwedeng hindi? Pwede rin namang oo? O baka naman kabilang ka sa mga neutral lang? Well, we m...