Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.9K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
epilogue
note

3.

2.9K 105 39
By hannahdulse_

I met Alice Kingsleigh.

NAKAKAILANG ang mga titig ng mga kaklase ko. Kahit na si Hazel na matagal ko nang nakakasama, napakasama ng titig niya sa 'kin. Hindi ko nga siya kinakausap at nang lunch break, hindi niya ako sinamahan.

Para silang mga robot na may sariling mundo. Kaming dalawa lang ata ni Caleb ang lumabas ng classroom para makapaglunch. I never said anything to him 'til we finished eating and went back to the classroom.

Ang weird nga ngayon dahil kadalasan kung matagal papasok ang guro namin, napakaingay nila at nagpaparequest pa na kukunan ko sila ng litrato. Pero ngayon, nakakabingi ang tahimik na bumalot sa loob ng classroom.

"Ano ba ang trip n'yo, guys?" naiirita na ako kaya tumayo ako. Napahiya naman ako doon dahil hindi nila ako sinagot at bagkus ay nanatiling nakatutok sa harapan ang mata nila.

Kaimbyerna. Is this some kind of apocalypse? Virus? Dammit. Kung apocalypse man 'to, sana pati ako nahawaan na dahil ayokong mapag-isa.

May pumasok na matandang babae bitbit ang kaniyang bag na gawa sa balat ng ahas at 'gaya ng mga kaklase ko, walang buhay ang mga titig niya. Si Ma'am Norria.

"Let's go to laboratory, class."

Nanindig ang balahibo ko nang tumingin siya sa akin at parang robot kung umalis. Pati ang mga kaklase ko, sabay-sabay silang tumayo at naglakad papunta sa labas. Kung noon ay para silang nagrarambulan 'pag lumabas, ngayon naman ay kaniya-kaniya lang silang nag-line up na hindi naman namin ginagawa.

"Agnes..." 

Lumingon ako sa kaliwa at nakita si Caleb. Ngumuso siya sa  line na bakante pa kaya agad akong kumilos at nakilinya din sa mga kaklase ko. 

Nasa likod ko naman si Caleb na nakasunod sa 'kin sa linya. Hindi lang kami ang nakalinya kundi pati ang iba pang section na pupunta sa kani-kanilang laboratory.

Pagdating namin sa lab ay agad akong umupo sa upuan ko katabi si Caleb. Hindi ko siya pinansin noong may isinulat siya sa papel niya. Kumunot ang noo ko nang ipinatong niya ang isinulat niya sa harap ko.

Kahit na naguguluhan ay kinuha ko pa din 'yon at binasa ang nakasulat doon.

Act normal, the way our classmates act. This isn't the real world, Agnes. We're being cursed. We're inside her game.

Tinapunan ko siya ng naguguluhang tingin at ibinalik ang tingin ko sa papel. Ilang saglit pa ay nagsimulang magdiscuss si Ma'am Norria kaya agad kong tiniklop ang papel at pinasok sa bulsa ko. 

BUMALIK KAMI sa classroom. Like what we did earlier, we formed a line outside the lab and went back straight to our room. Sabay-sabay din silang umupo.

Dahil sa nabo-bore na ako sa katahimikan, I took my camera and turned it on. Inangat ko ang camera para makita ang mga kaklase ko sa lense. Pero laking gulat ko dahil wala akong makitang kahit sino sa camera pero kapag inalis ko ang tingin ko doon, nakikita ko naman sila.

Pagbalik ko ulit sa camera, wala. Parang blanko ang classroom at tanging upuan at lamesa lang ang makikita. Itinapat ko iyon sa pwesto ni Caleb pero nandoon siya. What the hell?

Dahil sa takot ay disgrasya ko itong nabitawan kaya napatingin sila sa akin. Humingi ako ng paumanhin at bumalik naman sila sa kanilang pagtitig sa harapan. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang camera sa sahig.

"Holy shit," I don't want to scream kaya ang ginawa ko, tinikom ko ang bibig ko gamit ang kamay ko. 

'Yung mga paa naman nila nang kunin ko ang camera sa sahig ay parang namumutla. Ayoko mang isipin pero parang tama si Caleb. Something bad and weird and... I don't know! 

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari.

Napatingin ang lahat sa 'kin nang tumayo ako. Hindi ko sila pinansin at sa halip ay nilingon ko si Caleb and motioned my head to the door to follow me. Dinala ko siya sa isang tagong lugar sa likod ng building ng classroom namin. 

"Damn it, Caleb. What's going on? Bakit gano'n sila kumilos? Is it some kind of virus?" agad kong tanong sa kaniya.

"Calm down, Agnes," inis na sambit niya sabay gulo ng buhok niya.

"Calm down? Wala 'yon sa bokabolaryo ko ngayon, Dimwall! Tingnan mo si Hazel, ang weird niya kumilos. Yung pamilya ko, parang robot din. Now tell me, how am I supposed to calm down?!" 

Ginulo ko ang buhok ko at pasalampak na umupo sa damuhan. Naiiyak akong isipin na isa itong apocalypse. Shit. I didn't dreamed for that. All my life, I hate scientists for experimenting those virus. Pero ang tanong, virus nga ba 'to? 

"I said calm down. Just act normal!" inis niyang sabi tsaka umupo sa tabi ko. 

Naiiyak akong sumandal sa punong kahoy na nasa likod ko. Namalayan ko nalang na tumulo na ang luha ko at humihikbi na ako.

"Tell me this isn't an apocalypse. Please tell me it's only a dream," pumikit ako para pigilan ang luha ko ngunit 'di 'yon tumitigil. 

"'Di ko rin alam, Agnes. I just followed you." 

Lumingon ako sa kaniya na ngayon ay nakatingala at nakasandal rin ang likod sa puno 'gaya ko. Naguguluhan ako. Ano ba ang ibig niyang sabihin? 

"Followed me?" naguguluhang tanong ko kahit na lumalabo na ang mata ko dahil sa luha.

"Let's just forget that. Ngayon, kailangan na nating bumalik dahil baka--" natigil siya sa pagsasalita at nanlaki ang mata. 

Kumunot naman ang noo ko dahil sa itsura niya at sinundan ang tingin niya. Halos malaglag ang panga ko dahil sa dami ng mga estudyante na nakatitig sa amin at nakalinya pa na animo'y may isang flag ceremony ang nagaganap. 

Lahat sila'y nakatititg sa amin. Lahat sila'y ang sasama ng titig sa 'kin.

"What the. Anong ginagawa nila?" 

Tumayo ako at tumabi kay Caleb. We're both standing in front of them, watching them watch us.

Napatingin naman ako ngayon kay Caleb dahil para siyang nahihilo habang hawak-hawaka ng kaniyang sentido. Dahil sa kakatitig ko sa kaniya'y napansin ko ring parang umiikot ang paningin ko. When I tried to touching my head, I saw a violet and white striped circle circling around.

Sa isang iglap ay parang bumukas ang lupa na tinapakan ko at nakita ko nalang ang sarili kong umiikot pababa. Hindi ko marinig ang sigaw ko kahit na ang sakit-sakit na ng lalamunan ko kakasigaw.

The next thing I knew; I heard a loud crash. Nilibot ko ang paningin ko at kasalukuyan akong nakahiga sa isang sirang lamesa kung saan ako bumagsak. Makukulay na mga bulaklak ang nasa harapan ko kasama ang malalambot at napaka-berdeng damo.

Dahan-dahan akong tumayo. Tumungo ako at nakita ang damit ko na napakakulay. May mga bulaklak na disenyo ito at ang suot ko namang sapatos ay kulay pink na may takong. Nag-iba na ang suot ko at hindi na ang school uniform.

This is... unbelievable! 

Ang ganda ng paligid. Para akong nasa fairy tale. Napaka-aliwalas ng paligid ko na parang sa mga movies ko lang nakikita. May mga hedge, mga vines sa ibabaw at magaganda't makukulay na bulaklak sa paligid.

"Magandang umaga sa iyo." 

Natigilan ako sa mahinhin na boses ng babae. Nilingon ko ang babaeng may blond na buhok, kulay asul na dress na hanggang tuhodat may ribbon na headband sa ulo. May suot din siyang puting apron.

"Eh?" nahihiya kong tugon sa kaniya. 

"Ako si Alice Kingsleigh. Ikaw?"

"Agnes Ocampo.," sagot ko. Nilibot ko ulit ang paligid at muling tumitig sa kaniya. "Anong lugar 'to?" magalang na tanong ko.

"'Di mo alam?"

Umiling ako. "Hindi."

"Kingsleigh town 'to. May-ari ng papa ko ang lugar na ito at kilalang-kilala kami ng lahat dito," sagot niya na may ngiti sa labi. 

Hindi ko mapigilan ang hindi mamangha sa ganda niya. Para siyang barbie kung tutuusin dahil sa blonde niyang buhok at maputla niyang balat.

"Ahh... gano'n ba. I'm sorry but, how did I get here?" sunod kong tanong.

Natigilan siya at napatitig sa akin. Para siyang nagulat and at the same time, namangha. 

"Nakakapag-ingles ka!" natutuwa niyang sabi sabay turo sa 'kin. 

Napangiwi nalang ako dahil 'di ko siya ma-gets. Big deal ba sa kaniya 'yon? 

"Bakit? Anong meron do'n?" nagtataka kong tanong. 

Baka nga big deal sa kanila ang mag-ingles ako? Pero teka, paano nga ako napunta dito? The last thing I remember, I saw my schoolmates staring at us and fell down... here.

"Isa kang maharlika?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

Muli kong inikot ang paningin ko at sa 'di kalayuan, may mga tao na may kaniya-kaniyang mundo. May mga nagbebent, nakikipagkwentuhan at ang mas kapansin-pansin, iba ang suot nila. Parang maypagka-luma na.

Did I just time traveled? Dahil sa napapansin ko kasi sa mga palabas na napanood ko lalo na sa mga historical, ganito sila manamit. Uso din sa kanila ang maglagay ng panyo sa ulo para sa mga babae na naglalaba. May mga suot din silang parang apron sa ibaba at halos lahat ng babae ay naka-dress.

The dress I'm wearing looks like those in historical films too.

"Anong taon na?" tanong ko matapos kong suriin ang paligid.

"1865. Nobyembre 26, 1865. Bakit? May problema ka ba?" nagaalala niyang tanong kaya agad akong umiling at umatras para tingnan ulit ang binagsakan ko kanina upang hanapin ang mga uniporme ko.

All I can see is the destroyed table with its tablecloth. Wala ang uniporme ko. Paano ako nakapagbihis nang ganito kabilis?

"May nakita ka bang mga gamit ko dito kanina?" tanong ko, tinuro ang pwesto ko kanina.

Umiling lang siya at yumuko. 

Bakit ba ako napunta sa lugar na ito? Oo nga at maganda dito. But I need to find my way back. I can't imagine my life living in eighteen hundreds.

Natigilan ako nang may maalala ako. Before I fell from the sudden grounds opened, I was with Caleb. Oh God, where's Caleb?

"Taga saan ka nga pala, Agnes?" 

Nagkibit-balikat ako. Hindi ako taga-rito and I don't know how I ended up here.

"Mukhang nawawala ka. Gusto mo bang sa 'min ka nalang muna?"

ALICE'S FAMILY allowed me to stay with them 'til I I remember my way to home. In exchange, tumutulong ako sa mga gawaing bahay.

I've been with them for two days and I'm tired as hell. I want to go home.

"Agnes." 

Binaling ko ang paningin ko sa salamin sa harapan ko na kasalukuyan kong nililinis.. It's Alice, wearing her usual blue dress. Her curly blond hair's bouncing as she walk towards me. I turn around to face her.

"Magandang umaga, binibining Alice," magalang kong bati.

"Huwag na 'yung binibini, Agnes. Magkaibigan naman tayo," nahihiya niyang sabi. "Bukas na pala ang engagement party. May natanggap ka na bang imbitasyon?"

Nalaman ko lang na i-engage na si Alice kahapon. Sinabi niya sa 'kin 'yon pero parang ayaw naman niya ang ideyang 'yon. Si Lord Hamish Ascot, isang mayaman na mamamayan sa kanilang bayan. Si Lord Ascot raw mismo ang nagrequest na ipakasal siya kay Alice. 

"Sana ay matutunan mo ding mahalin si Lord Ascot, Alice. Mahal ka niya kaya ka niya pinili. Mukhang madali lang naman siyang mahalin," nakangiti kong sinabi sa kaniya habang pinipisil ang kamay niya.

"Salamat, Agnes. Salamat din dahil nakilala kita. Pero kahit kailan, hindi ko kayang magmahal ng taong hindi ko talaga kayang mahalin. Marami pa akong dapat pagtuonan ng pansin at hindi pa ako handa para bukas," pinisil niya pabalik ang kamay ko.

"Tulad ng alin?" nagtataka kong tanong. 

Bakit pakiramdam ko napaginipan ko na 'to? Pamilyar ang lahat ng 'to. Alice, ang engagement party at...

"Ang mga panaginip ko," nakangiti niyang sagot. 

Alice, ang engagement party at ang panaginip. I saw this before but I couldn't remember it!

"Ano naman ang meron sa panaginip mo?"

"Bangungot. Isang bangungot na hinding-hindi ko makakalimutan." Nangilid ang luha niya kaya nataranta ako't naghanap ng tuwalya. 

Nang makahanap ako ng panyo ay pinunas ko iyon sa kaniyang pisngi at nakangiti naman niyang hinawakan ang kamay ko para itigil iyon.

"Just let me wipe your tears, Alice. Huwag mo ng ituloy ang sasabihin mo dahil baka isang memorya na punong-puno ng sugat 'yan." 

Dahan-dahan kong kinuha ang kamay niya at pinatuloy ang pagpunas ng luha niya. Hindi nagtagal ay humagulgol siya sa harap ko at niyakap ako.

"Isang nakakatakot na bangungot..." humihikbi siya sa pagyakap niya kaya hinimas ko ang likod niya para patahanin.

TODAY IS ALICE'S engagement party. May musika na, settled and counted na ang mga tables and chairs para sa mga bisita. 

The dance floor is ready. Freshly prepared ang mga pagkain at malinis ang paligid. The venue is at the garden kaya ang ganda tingnan ng paligid. Kung may camera lang ako, kanina ko pa sana ito kinunan ng litrato.

"Andito na si Alice," giggled the woman beside me. 

Nakasuot din ito ng bestida na puti kagaya ko. Ang lahat ng mga imbitado ay dapat puti ang suot. Dapat ay si Alice lang ang mangingibabaw dahil special event 'to para sa soon to be Mr. and Mrs. Ascot.

Alice will soon to be Mrs. Ascot any minute now.

Napangiti ako nang makita ang suot niya. Ang ganda niya tingnan sa light blue gown na umaabot hanggang sahig, ang buhok naman niya'y niligpit into clean bun.

The speaker announced Alice's arrival. They started to dance with the slow music until everybody's dancing with their partners.

Tumigil ang dalawa sa pagsasayaw dahil biglang tumigil si Alice. Sinundan ko siya. Akala ko tatakas siya gaya ng sinabi niya noon. 'Yon pala, nakipagusap pala siya sa kilala niyang kambal.

Nagtago sa likod ng hedge na umaabot hanggang six feet. Hindi ko sila masyadong naririnig dahil medyo malayo ako sa kanila.

"Sige," huling narinig ko at sa pagsilip ko, naglakad na ulit si Alice. 

I don't know pero parang may tumulak sa akin na sundan siya. So I did.

Huminto siya saglit kaya agad akong nagtago ulit. Ilang sandali pa ay nakita ko siyang bumalik na sa venue. Holy crap. Ano ba 'tong ginagawa ko?

* * *

"Alice Kingsleigh, pwede ba kitang maging asawa?" Lord Hamish Ascot was kneeling in front of Alice, holding both of her hands gently.

Huling event na 'to at kapag tatanggapin na ni Alice si Lord Hamish, then it means ay dapat na naman kaming maghanda para sa kasal nila.

"I--" hindi makapagsalita si Alice kaya bigla akong kinutuban. This scene is familiar!

Agad akong lumingon sa tinitigan niya. I saw a rabbit pointing to his... wait, stopwatch?

"Pasensiya na, Lord Hamish, pero kailangan ko nang umalis!"

"Teka lang! Alice, binibining Alice!"

Nagdadalawang isip ako kung susundan ba si Alice dahil bigla siyang tumakbo paalis. Tinapunan ko muna ng tingin si Lord Hamish at nakitang natulala sa pag-iwan sa kaniya ni Alice. 

Napailing nalang ako at tumakbo para sundan si Alice.

"Oh, shit!" mura ko nang muntik na akong matapilok dahil sa malalaking ugat galing sa mga nagtataasang hedge. 

The hedge is like a maze. Ilang ulit akong lumiko, natapilok at nahilo. Huminto lang ako nang makitang nasa may puno na si Alice at parang may tinitigan sa bangin.

"Oh my God, Ali--!" 

Kasabay ng paghulog ni Alice sa bangin ay may biglang humila sa 'kin at tinakpan ang bibig ko.

Nagpupumiglas ako mula sa kamay na humila sa 'kin at tinanggal ko ang kamay na nakatakip sa bibig ko.

"Get off--" nahinto ako dahil sa lalaking pasilip-silip sa punong kahoy at sa daan pabalik sa event. Humarap siya sa akin at tsaka lang nakumpirma ang hinala ko dahil sa pamilyar niyang pangangatawan. "Caleb?!"

Mystique Puppeteer
graciangwttpd


Continue Reading

You'll Also Like

126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
13.6M 647K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...