Sorry, Wrong Number! [Chapter...

Da sleepyheadedpig

68.7K 1K 681

Sinong mag-aakala na sa maling pagdial ng numero ng kaibigan mo ay matatagpuan mo na ang taong nakatadhana pa... Altro

Sorry, Wrong Number!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Isoy's Note
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44

Chapter 33

1.2K 22 40
Da sleepyheadedpig

CHAPTER 33

"Iwan mo na ako!" Humagulgol si Sabrina pero hindi ako lumayo sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Sab..."

"Pwede ba Kaylie? Don't act as if you are my friend!" Sumbat nya pero hindi ko sya pinakinggan.

"Hindi kita iiwan, okay? At hindi ko hahayaang may gawin ka sa sarili mo!"

Nakaupo kami sa sahig ng CR. Yakap ko sya at nakasandal ang ulo nya sa balikat ko.

Hindi ko mapigilan ang maluha.

"Hindi ko naman ginusto to eh. Bata pa ako..." Umiiyak na sabi nya.

"Ssssh, dito lang ako." Hinagod ko ang likod nya.

Nagstay kami sa ganoong posisyon hanggang sa makatulog na sya sa balikat ko.

Yung pregnancy test kit naman, kinuha ko at binalot sa papel, saka ko tinapon sa basurahan ng CR. Dumating si Kuya Xavier at nagpatulong akong buhatin si Sab papunta sa kwarto nya.

"Anong nangyari?" Tanong nya.

"Nahimatay kasi sya, buti nakita ko dito."

Hindi na rin nagtanong pa si Kuya. Sabi ko, ako na ang magbabantay kay Sab. Mahimbing ang tulog nya. Habang pinagmamasdan ko sya, hindi ko lubos maisip kung paanong... nangyari yun.

Paanong hinayaan nya na mangyari yun sa kanya? Na may mangyari sa kanila ng kung sino mang lalaki yun?

Hindi kaya na-rape sya? O baka nalasing lang, at hindi nya alam ang gagawin nya?

Umupo ako sa couch malapit sa kama nya, tapos pinikit kong sandali ang mga mata ko.

"Kaylie?" Inangat ko ang ulo ko. Ay nakatulog pala ako habang nagbabantay kay Sab.

"Kumusta na ang pakiramdam mo Sab?" Nakaupo sya ngayon, pero nakasandal ang likod nya sa mga unan nya.

"Okay na ako. Salamat nga pala sa kahapon." She smiled weakly.

"Wala yun, diba, magkapatid na tayo?" Alo ko sa kanya.

Bigla namang tumulo ang luha nya. Tumayo ako sa couch at lumapit sa kanya.

"Oh, bakit?" Malumanay kong tanong.

Umiling sya at yumuko. Nakita ko ang pagtulo ng mga luha nya sa kumot nya. Pinunasan nya naman yun agad at tumingin sa akin.

"Haha, wala." Tapos natahimik kaming dalawa. Umupo ako sa edge ng kama nya, sa may paanan nya banda.

Napatingin ako sa picture frame sa may bedside table nya.

Family picture yun, pero mukhang bata pa syang talaga, siguro, mga five years ago yun kinunan. Sa picture na yun, nandun ang batang Sab, medyo nagbibinatang kuya Xavier, yung kambal na baby pa, si Tito Dave at isang magandang babae na siguro ay yung Mama nila.

"Kaylie?" Napatingin ako kay Sab.

"Bakit?"

"S-sorry..." Tapos tumulo na naman ang mga luha nya. Lumapit ako ulit at niyakap sya. Niyakap din  nya ako.

"Bakit ka nagso-sorry?" Tanong ko.

"Nagsosorry ako dahil sa lahat ng ginawa ko sa iyo. Sa lahat ng pagsusungit at pagtataray ko sa iyo, sa lahat ng pang-aaway ko sa iyo."

Nagusap kami nun, sinabi nya sa akin ang lahat. Lahat ng inis nya sa akin, sinabi nya  lahat yun sa akin. Hindi ko rin sya masisisi, siguro kung ako sa kalagayan nya, maiinis din ako, iba lang nga ang magiging reaksyon ko.

Nagsorry din ako kung unintentionally, nasasaktan ko sya. Nagkapatawaran na kami. All is well.

"Sab?"

"Yeah?"

"S-sinong ama ng... nyan?"

Hindi sya sumagot.

Dalawa na lang ang problema ko ngayon.

Una ay kung paano namin sasabihin ni Sabrina kay Mama at Tito Dave na sya ay... preggers.

Pangalawa ay kung paano ko sasabihin na ayaw ko ng birthday party.

"Kaylie, Sabrina, bilisan niyo dyan! Papasok na kayo sa school. Idadaan pa natin ang kambal." Sigaw ni Mama mula sa taas. Nagpatulong si Sabrina sa akin na mag-ayos ng mga gamit nya.

"OPO!" Sigaw naming sabay. Nagkatinginan pa kami at saka tumawa.

Aakalain mo bang mag-kaaway kami dati?

Nakahawak si Sab sa braso ko at dahan-dahan kaming bumaba sa hagdan. Ayaw ko namang madaliin sya, baka makunan eh. Isa pa, bata pa sya para magka-anak. Baka kasi hindi pa kumapit si Baby.

"Huh? Am I dreaming?" Tanong ni Tito Dave nang makita nya kaming dalawa na magkasamang nakangiti.

"No Dad. Haha, this is real." Sabi ni Sab.

"Oo nga po Tito."

"Eh, ano namang nagpabati sa inyong dalawa?" Hindi kami sumagot ni Sab. Alinlangan kaming tumingin sa isa't isa.

"W-wala lang po." Sagot ni Sab.

"Oh, tara na, sakay na sa kotse." Sabi ni Mama.

Yung sasakyan ni Tito Dave ay isang black SUV. Si Tito Dave ang nagda-drive, si Mama sa front seat. Yung kambal sa unang row sa likod ng front seat at kaming tatlo naman eh nasa likod.

Waw, one big happy family.

Pumasok kami sa school. Nakahawak ulit si Sab sa braso ko.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Err, let's say na kalat sa school ang laki ng galit sa akin ni Sab.

"WHAT IN THE WORLD?!" Sigaw ni Niqi habang papalapit sa amin.

"Ehehe, Hi Niqs." Nakangiting sabi ko.

"A-anong nangyayari? Somebody pinch me. I must be dreaming. UGH." Okay, OA naman nito magreact. Nakita nya kasi kaming nag-uusap ni Sab pagdating nya. Buti nga wala si Ma'am terror eh, baka nadetention din to.

"Niqs, di ka nananaginip. Totoo to." Sabi ni Sabrina. Nakangiti din sya.

Yung mukha ni Niqi, hindi ma-eplain eh. Naguguluhan na parang naiinis.

"Tell me what happened." Umupo sya sa harap naming dalawa. Magkatabi kami ni Sab sa upuan eh.

Kinuwento namin na nag-usap kami isang araw, tapos nagsorry sa isa't isa. Naisip kasi namin kunyari na since nasa isang bubong na kami nakatira, pangit naman kung hindi kami nag-uusap o puro bangayan lang kami. Hindi namin sinabi yung tungkol sa pregnancy. Mahirap na ano. Si Sab na rin naman ang magsasabi ng totoo, when the right time comes.

Bumenta naman yung kwento namin hindi lang kay Niqi, kundi sa buong school. Aba, uminstant celebrity na rin ako.

Nagbati na rin si Niqi at Sab. Ang saya nga eh, nagkapatawaran na sila.

Okay na lahat eh, okay na sa kaibigan, sa pamilya, sa lovelife(Hahaha) liban na lang sa isa.

Cafeteria girl pa rin ako.

ARGH!

Kainis lang eh. Eto, trabaho na naman, buti na lang at andyan ang aking ever supportive friends na sina Dale, Niqi, Jared at Sab.

Nagvolounteer silang hintayin ako matapos. 30 minutes bago mag-time eh pinalabas na ako. Hindi pa kasi ako naglunch dahil sa dami ng mga estudyanteng kelangan ang servies ko. Chot.

Bumili ako ng ulam ko sa caf, naiwan ko kasi yung packed lunch na pinabaon ni Mama sa amin. Pero ayos lang, mamaya ko na lang kainin yun.

Ow, friend chicken na lang pala ang natira. Pero ayos na yun.

Dinala ko na ang tray ko sa table.

Paglapag ko, nakatingin lang sila sa akin.

"What?" Tanong ko.

"Bilisan mo kumain ah." Yun lang ang sinabi ni Niqi tapos kumain na ako. Bigla naman nagsalita si Sab.

"Kay, I think sira na yang chicken." Sabi nya. Buti hindi ko pa nasusubo.

"Huh? Talaga?" Inamoy ko. "Umm, parang wala naman."

"Ha? Paamoy din nga." Sabi ni Jared. Nilapit nya yung ilong nya sa fried chicken tapos inamoy nya. "Er, wala nga. Amoy chicken lang naman Sab."

"Pero naaamoy ko talaga. Amoy sira na." Naglean sya sa mesa tapos inamoy nya yung chicken sa plato ko. "Baho!" Sabi nya at biglang nag-iba yung facial expression nya

Nasa ibabaw ng bibig nya yung right hand nya tapos yung left nya nakahawak sa tyan nya. Bigla syang tumakbo sa direksyon ng CR kaya napatayo naman si Niqi.

"Wait lang guys ah, check ko muna sya." Sabi ni Niqi. "Kay, kain lang dyan." Tumango naman ako.

Teka, diba, isa sa symptoms ng pagbubuntis eh yung morning sickness? Oh my.

Baka malaman na rin ni Niqi yung secret ni Sab.

--------------------------------------------

Again, nagrerequest ako ng comments ninyo. Haha. Kung nagustuhan niyo yung chapter, vote. :D

Enebeeeh. Hahahaha. Nahahawa ako kay Sab, nasusuka din ako. :P Baka buntis. CHOT!

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...