Just The Boy I'm Looking For...

By dreamcatcher26

260K 1.6K 448

Bitter siya minsan, suplado, masungit basta nakakainis! Pero minsan naman, nagiging sweet, banatero, di ko si... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter 24
Chapter 24.2
Chapter 24.3
Chapter 25
Chapter 25.2
Chapter 26
Chapter 26.2
Chapter 26.3
Chapter 27
Chapter 27.2
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 31.2
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 [Ending]
Andrelo (extra chapter)

Chapter 29.2

4K 19 3
By dreamcatcher26

Ang dami kong nakalimutan ilagay sa chapter 29. -______-

Minadali kasi ako ng kapatid ko eh, inagawan ako sa laptop. Aish.

Dedicated sa birthday girl, Nikka! Weeee. <3

Read niyo yung story niya, kakasimula lang. Hahaha.

So yea, here is part two! Enjoy reading X))

---

Elaine

Andito na kami sa lugar.. Ibang place ata 'to? Hindi naman 'to kela Drake ah?

Everyone was smiling at us, ako naman, napipilitan na ding ngumiti. Alangan naman tarayan ko sila?

"You're here! I'm glad you came!" sabi nung Dad ata nila Drake.

Nagyakapan sila, man to man ha, hindi yung may malisya.

"Oo nga eh, hehe." sagot naman ni Dad. He looked at me and smiled, "You look beautiful dear."

"Salamat po, Mr. Yu."

"Call me Dad na lang, in-law naman kita diba?" Gusto kong sabihing HINDI NOH. IN YOUR DREAMS. Pero disrespect yun, at hindi ako pinalaking ganun ni Mama.

"Err, sige po.." I smiled back, di ko minention yung 'Dad'. Di ko carry. >_______<

Smile here and there, kada taong bumabati sa amin nila Mama, nginingitian ko, business partners daw nila ito. Ayun, parang nagpaplastikan lang sila eh. Pssh. Business nga naman oh.

Biglang tumunog yung phone ko, may tumatawag, sino kaya 'to? "Pa, ikot ikot lang po ako. I'll be right back." sabi ko at pumayag naman siya.

Pumunta ako sa isang lugar na walang tao, ayaw kong may makarinig ng usapan namin nitong tumawag na 'to.

"Hello?"

"Best!!" si Mich? Anong kailangan niya?

"Uhh. Bakit?"

"I can see you right now! Weeee." nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Errr.. Sure ka ba? Baka mumu yan."

"Haha. Adik ka din e noh, andyan ka malapit sa garden, ayyt?" tama nga siya.

"Asan ka? Baliw ka talaga, sana nilapitan mo na lang ako. Patawag tawag pang nalalaman eh!"

"Ihhhh. Gusto ko eh. Mehehehe. Punta nako dyan." and then nanahimik yung kabilang linya pero di niya pa binaba.

"Err.. Mich?"

"Boo!" sigaw niya mula sa likod ko. Hindi na talaga ako nasanay sa panggugulat ni Mich. Kahit ba alam niyang magugulatin ako, patuloy pa rin ang pangtritrip niya =_________=

"Ay, anak ka ng pusang bakla!" napasigaw ako sa pagkagulat. Tinawanan niya lang ako.

"May anak ba ang pusang bakla? Hahaha. Katawa reaction mo best." Naka-cocktail dress din pala siya. Kaso, yung legs niya nakakasilaw! Yung akin nakakaumay. =________=

"Bakit ka nandito?" tanong ko, palakad lakad kami sa garden, tambay lang.

"Diba business partners ang mga Salvador pati ang Yu?"

"Yer, right. So alam mo ba kung para saan 'tong party na 'to?"

"I guess, alam ko, pero di bale na. Hula ko lang naman yun. Tara, balik na tayo sa party. Andun din pala sila Kurt at David."

"Ganun? Bakit sila nandito?"

"Pinatawag din parents nila eh. Business stuff. Ugh, mga parents natin eh, hilig sa business."

"Ano naman kayang meron at pinatawag pa nila parents niyo? Tss. Daming alam eh." sabi ko naman.

Mich looked at me and she smiled, pero parang pilit? "Best, tara, balik na tayo."

"Sige, nagugutom na din ako eh." sabi ko at bumalik na nga kami, sa buffet table muna kami pumunta. Gutom na ako eh >3<

"Ang dami mo namang kinuhang pagkain, best! Anong sasabihin nila pag nakita nila yan? Na matakaw ka?!"

Tinaasan ko siya ng kilay, "Eh ano ba dapat ang gawin diyan? Display lang ba yan? Kinakain yan diba?"

Napatawa siya sa sinabi ko, "Alam ko best, pero as a lady, dapat mag-act ka ng matino, nasa party ka, wala ka sa piyesta. Nyahahaha." Makatawa naman si best =________=

"Nagugutom ako best eh!"

"Sige, ikaw bahala, kunin mo na yan. Haha." sabi niya at naghanap na kami ng table. Humiwalay muna kami sa mga thunders(parents namin). Haha, yun kasi tawag ni Mich sa kanila eh. Haha.

"Hi Girls!" bati ni David at Kurt, nakiupo sila sa table namin at nagkwentuhan kami.

"Ehem, ehem. Good evening ladies and gentlemen. We are gathered here to celebrate a lovely event." Parang alam ko na 'to ah -______-

"I guess you're wondering why, well, it's for the engagement party of Ms. Elaine Sanchez and Mr. Drake Yu." spotlight to me, shocked ako, eh paano ba naman kasi, alam na nila Kurt at David.

Gulat ang expression ni Kurt, si David naman, parang expected niya na 'to. 

"Best? Kelan pa?" tanong ni Kurt.

"Long story best."

"Ms. Elaine Sanchez, please come up here." di ko alam kung pupunta ako dun, nakakahiya. Aaaaaah.

Pero in the end, tumayo ako at sinundo pa ako ni Drake, napangiti tuloy sa amin yung mga nanonood. May mga photographers at reporters pala sa event. 

"One pose please!" sigaw nung isang photographer. Nagpose naman kami ni Drake, kahit labag sa loob ko. PAPA NAMAN KASI EH! AAAAAH. NAIIPIT AKO.

"What a lovely couple, right?" sabi nung emcee. Echosero ka, aaaah. May biglang nahagilap yung mata ko, si Dylan at Andrea on one table. Dylan was looking at me like he was confused. Pero after that, nag-usap na ulit sila ni Andrea and she kissed him on the cheeks. >____________<

"Uhh, I think I have to go." sabi ko at umalis ako sa stage. Nagulat ata sila sa ginawa ko. Sinundan ako ni Mich, sa garden ulit kami. Nagbasag ako ng bote dun. GAAAH! NAIINIS AKO! DALAWANG DAHILAN: YUNG KASAL NA 'TO AT KAY ANDREA!

"Bakit kasi di ka mag back-out?"

"Eh kasi po, maghihirap kami. Madadamay sila Jess at Kuya sa problema ko. Pero sa totoo lang, gusto ko na talagang magback-out! Kaso yun nga.. mahirap.." sabi ko.

Dylan

We finally arrived here in the place. Sinama lang ako ni Andrea dito, she says its something important.

"Ang dami namang tao dito?" nagtataka kong sinabi.

"It's a party! Let's just enjoy the night, kay?" ngumiti siya. Napangiti na din ako.

While walking towards the venue, may mga reporters na nagpumilit mag-interview sa amin.

"Sir! Kayo po ba ang rumored boyfriend ni Ms. Andrea Yu?"

"Guards, please keep them out." sabi lang ni Andrea.

Nandito na kami sa table namin, tahimik lang kami ni Andrea.

"So, magkwento ka naman about sa process ng panliligaw ko sayo." tanong ko sa kanya, hindi pa kasi siya nagkwekwento about sa memories namin simula nung naging kami.

"Ha---a? Eh kasi.. mahabang storya eh! Hehe-he." sabi niya, bakit naman parang pinapawisan siya?

"Pinapawisan ka ata? Mainit ba? Special details na lang."

"Uhhhh..."

"Ehem, ehem. Good evening ladies and gentlemen. We are gathered here to celebrate a lovely event." singit nung emcee. Ano ba naman yan oh, magstastart pa lang siyang magkwento eh.

"I guess you're wondering why, well, it's for the engagement party of Ms. Elaine Sanchez and Mr. Drake Yu." Si Elaine? Yung seatmate ko? Ikakasal na pala siya in the future?

"Ms. Elaine Sanchez, please come up here."

Sinundo siya ni Drake at napangiti ang audience. Kairita naman, talagang ipapublic pa nila ang kasal nila? Eh ba't kasi naiinis ako? =_________=

"One pose please!" sigaw nung isang photographer. Kayo na eskandaloso. AAAH.

"What a lovely couple, right?" sabi nung emcee. Napatingin ako kay Elaine, tumingin din naman siya sa akin.

"Aww. Bagay sila noh? Parang tayo." singit ni Andrea. 

"Uh..."

"Hehe, I love you honey ko." sabi niya then she kissed me, sa cheeks lang. Nagulat ako sa ginawa niya, I was still staring at Elaine at bigla siyang umalis. Sumunod naman sa kanya si Mich. Napatayo na rin ako at sumunod sa kanya.

-----

 Ayan na po ang update ko. Haha.

P.T.I. namin bukas, bigayan ng card.

Kinakabahan ako >________<

WAAAAAAAAAAAAH. Ayun, Happy Birthday kay Nikka! Weeee. <3

Yun lang, love you all. :**

Jodie (dreamcatcher26)

Continue Reading