Just The Boy I'm Looking For...

By dreamcatcher26

260K 1.6K 448

Bitter siya minsan, suplado, masungit basta nakakainis! Pero minsan naman, nagiging sweet, banatero, di ko si... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter 24
Chapter 24.2
Chapter 24.3
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 26.2
Chapter 26.3
Chapter 27
Chapter 27.2
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 29.2
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 31.2
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 [Ending]
Andrelo (extra chapter)

Chapter 25.2

4.5K 26 13
By dreamcatcher26

Akalain mo yun, may silent readers pala ako ^_______^

Dedicated 'to kay Gilliane. Kinausap niya ako sa fb kagabi... Share lang. Mehehe. [Ayaw nanaman gumana ng dedicate button.]

Paramdam naman kayo, via twitter, facebook or dito! Hehe, nakakatuwa. Eto ang kinalabasan ng pagkatuwa ko, mas mahabang chapter! (Mahaba nga ba?) Weeee. Enjoy lang po sa pagbabasa!

Nga pala, naka 3300+ reads at 57 comments na tayo. Weeee. Ang saya saya ko. ^_______^

Salamat sa suporta niyo! Ayan, napadami ng sabi, hahaha. Ayun, enjoy reading ulit. Haha.

----

Elaine

 Ang weird lang nila Mich ngayon, tinatanong niya kasi kung anong mga gusto ko.

"Best, available ka pa bukas?" tanong niya, nasa classroom kami ngayon, wala pang teacher kaya nag-uusap kami.

"Bukas? Hmm. Oo, ata. Wala naman akong gagawin."

"Great, may pupuntahan tayo bukas ha!" Saan nanaman kaya kami pupunta nito? Siguro may binabalak nanaman 'to. Tsk tsk.

"Anong meron ha? May binabalak ka noh?"

"Wala noh, bonding lang. Nakakamiss kaya. Yung huli nating bonding sa Tagaytay, ang tagal na nun eh!"

Okay, ang daming sinabi. Defensive. Hahaha.

----

Sa mall naman ako dinala ni Mich, trip niya lang daw magshopping ngayon. Parang ngang hindi siya mabubuhay ng hindi nagshashopping eh! Hahaha.

At tsaka may pinsan daw siyang magbi-birthday. Reregaluhan niya daw ng damit, jewelry, shoes at make-up kit. Ang swerte naman nung pinsan niya.

"Ang dami mo na ngang damit, dadagdagan mo pa? At tsaka, ang dami mo naman atang ireregalo sa pinsan mo? Nasalanta ba sila ng bagyo at wala na siyang damit?" sabi ko, nag-iikot kami ngayon sa department store, kung ano anong damit na ang tinatry niya.

Ako nga din pinapagsukat niya, eh aanhin ko nanaman yun. Ang dami niya na kayang binigay na damit sa akin, pati rin si Dylan. At bakit siya naisingit sa usapang ito? >///////<

"Hay nako, kasi naman ikaw, di uso ang word na 'porma' sayo. At tsaka, ang daming sinasabi ah. Kasukat mo kasi yung pinsan ko, kaya ikaw ang magtry ng mga ibibigay ko sa kanya." sabi niya at may dinampot nanaman siyang damit. 

"Eto girl, try mo, dali!" sabi niya at tinulak ako sa dressing room. Tss. Sinukat ko na din. 

Di na maikli ang pinasuot niya sa akin ngayon, below the knee na eh. Hehe.

"Oh, okay ba? Ginagawa mo akong barbie eh!"

"Ang panget! Eto naman."

After 10 tries ng iba't ibang damit, nakapili na din siya ng bibilhin niya. Wooh, kaso dress pa lang yun -______-

"Sa shoes department naman tayo!" sabi niya at hinila niya ako, isang malaking cart ang tulak tulak ng body guard niya ngayon. Grabe talaga makagastos 'tong babaeng 'to. Tsk. Haha. Sa bagay, mayaman naman siya eh.

"Eto sukatin mo." sabi niya at may binigay na sapatos na may 2 inch heels.

"Oh, bakit ako nanaman magsusukat? Don't tell me, magka-paa kami nun!" sabi ko.

"Parang ganun na nga, ay basta, magsukat ka na lang!" sinukat ko na nga, ugh, nakakairita naman ang ganito kataas na heels. Di naman kasi ako nagheheels eh!!

"Baka naman mapilay na ang pinsan mo pag naglalakad siya gamit 'tong sapatos na 'to!" sabi ko, nakatayo ako ngayon at nakahawak sa isang shelf na puno ng sapatos.

"Baka nga, iba na nga lang, eto!" sabi niya, flats naman ngayon. 

Tumayo ako at pinaglakad niya pa ako. Sumosobra na 'to ah. Kung hindi ko lang 'to best friend, nakow.

"Oh akin na yan, eto naman." 1 inch naman yung heels nung sapatos.

"Wow, mas maganda yan." kinuha nya yung sapatos at binayaran na yung sapatos at mga damit na binili niya.

"Tapos na ba? Pagod na ako, girl." >______< sabi ko.

"Di pa, sa jewelry shop naman tayo, tapos make-up naman. And then, kain na!" Ang dami pang dadaanan. Waah. Bakit ba kasi sumama ako sa babaeng 'to.

Ang gaganda ng jewelry na nandito ngayon sa shop. Ang kikinang, aah. MY EYESS! Hahaha. Ang OA ko lang.

"Ano sa tingin mo ang pinakamaganda dito?" tanong ni Mich.

"Haa. Eh parang lahat naman maganda, girl."

"Hmm.. Ano nga, dali, pumili ka. Yung pinakamaganda ha! Sa pinsan ko ibibigay eh."

May nakita akong kwintas na naka-agaw pansin sa mata ko. Woah, ang ganda.

"Eto best, maganda." sabi ko, tinignan niya yung price. OHMY. 10,000, for a necklace. Wow, just wow. Sinong engot ang bibili nun? Shempre, si Mich! Haha.

"Hmm. Wag yan best. Panget. Hahaha. Tsaka masyadong mura." nilait pa. Hahah. Mura pa daw yun! Grabe talaga, iba na pag mayaman. Tsk.

Biglang nagring yung phone niya, "Hello? Wait lang best ha, kausapin ko lang."

Naiwan ako sa loob ng shop, patingin tingin. Wow, ang gaganda talaga ng mga kwintas dito. 

"Okay na best, tara, bili na lang tayo ng make-up. Wala akong trip sa mga 'to." nag-one last look ako dun sa kwintas. Wah, ang ganda pa naman. Sayang naman, kung binili ni Mich yun, tyak, magugustuhan nung pinsan niya!

Andito kami sa isang make-up store ngayon, pinaupo ako nung babae at nilagyan ako ng make-up. Sample lang daw yun. Iniwan ako ni Mich dun, babalikan na lang daw niya ako, magtatry daw siya ng mga pabango and some lipglosses and stuff. 

"Ang ganda naman ng skin mo, ang lambot." sabi nung babae. Ngumiti lang ako, malambot pala skin ko sa mukha? Haha. Hindi ko nga inaalagaan mukha ko eh, powder lang lagi. Haha.

"Uhh. Salamat. Hehe."

"Anong gamit mo sa mukha mo? Ang galing, bihira na lang ako makahawak ng ganito kalambot. Lagi kasing dry yung skin nung nagpupunta dito eh."

"Uhh. Johnson's Baby Powder lang po." natawa naman siya.

"Ganun? Ang galing naman. Haha. Akala ko yung imported na powder ginagamit mo. Simple ka lang pala. Nakakatuwa ka naman." napangiti ako. Totoo naman kasi, simple lang ako. Hehe. 

Nilagyan niya na ako ng make-up at pinaharap sa salamin. Woah, ang ganda. "Wow, ang galing mo naman."

"Hehe, salamat. Nga pala, anong name mo? Ang cool mo kasi, gusto kong makipag-friends sayo. Hehe, okay lang ba?"

"Sure, hehe. Elaine Sanchez nga pala. Ikaw?"

"Kate Santiago nga pala. Hehe." Santiago? Hmm.

Dumating naman na si Mich at natuwa siya sa ginawa ni Kate, binili niya lahat ng ginamit sa akin ni Kate at nag-tip pa! Hehe.

"Thank you ha, ang galing mo!" sabi ni Mich. Ngumiti lang naman si Kate. 8:30 na pala, 30 minutes na lang at magsasara na ang mall.

"Magtake out na lang tayo ng food, tara. Hehe. Nakakapagod din pala magshopping. Ngayon lang ako napagod." sabi ni Mich, pumunta kami ng McDo at nag-order. Hinatid niya na rin ako sa amin at umalis naman siya kaagad. 

Kumakain ako ng fries ngayon sa sala, tamang emote ulit. Nanonood ako ng spongebob. Spongebob lang naman kasi ang pinapanood ko sa TV. Haha.

"Oh anak, andito ka na pala. What happened? Ba't gabi ka na nakauwi?" tanong ni Mama at tinabihan niya ako.

"Uhh. May pinuntahan pa po kasi kami ni Mich eh. Ma, tuloy pa ba yung kasal?" tanong ko. Mukhang nagulat siya sa tanong ko. Tumingin tingin muna siya sa paligid at napabuntong hininga.

"Ewan ko nga dyan sa tatay mo eh. Masyado kasing workaholic. Kaya ayan, nalugi ang business. Sinabi ko na sa kanya eh!" sabi ni Mama. Kampi pala siya sa akin, tutol siya sa kasal. 

"Eh anong gagawin natin ngayon, Ma?" 

"Itakas kaya kita sa kasal?" natawa naman ako dun. Si Mama pa ang magtatakas sa akin. Haha.

"Mwahahahaha. Ano ba yun ma, hindi na lang siguro ako papayag."

"Eh matitigil kayo sa pag-aaral nun." 

"Hmm.. Ay ma! May 100,000 ako, galing dun sa m&e, magnegosyo na lang kaya tayo, yung small time lang."

Nag-isip isip ng kaunti si Mama. "Hmm, maganda nga yan anak, pero ano namang naiisip mong negosyo?"

Wala naman akong alam dyan sa mga bagay na yan. Haist.. "Bukas na lang tayo mag-usap, Ma. Matutulog na po ako ah, may pupuntahan pa po kasi kami ni Mich."

"O sige anak, enjoy. Mehehehe." sabi ni Mama, himala at di siya tumutol ngayon? Nyahahaha.

Umakyat na ako at natulog. Saan kaya kami pupunta ni Mich bukas? Na-eexcite na ako na kinakabahan. 

----

Incoming Call

Mich

Ang aga naman mangbulabog nito ni Mich eh! Sinagot ko yung phone kahit inaantok pa ako.

"helloooo.." sabi ko, inaantok talaga ako kaya ang tamlay ng boses ko.

"BUMANGON KA NA! MAY PUPUNTAHAN TAYO DIBA!" makasigaw, parang masisira yung eardrums ko anytime eh.

"Makasigaw ka naman! Kitang natutulog pa yung tao eh! Istorbo ka talaga best!" sigaw ko. Nakakairita eh. Ayaw na ayaw ko kapag may nang-iistorbo sa tulog ko. 

"Ay nako naman kasi, magbihis ka na dali! Tsaka magbaon ka ng extrang damit ha! Ge, Babye, Mwaaah!" sabi niya at binabaan ako ng telepono.

Nakakatamad bumangon. Tss. Pero dahil tinawagan ulit ako ni Mich ng tatlong beses, at sinigawan niya nanaman ako, napilitan akong bumangon. Naligo na ako at nag-ayos. 

Kompleto kami ngayong breakfast. Aww, nakakamiss yung ganitong pangyayari. Bihira na lang kasi kami makompleto kapag kumakain.

"Good Morning people!" bati ko, katabi ko si Kuya Paul ngayon.

"Good morning.." bati naman nila.

Ang tahimik namin the whole eating session, ano kayang meron? 

*BEEEP* Sino naman kaya yang dumating, ang lakas bumusina ha!

"Lalabasin ko lang yun ma ha, siga eh." sabi ko at lumabas nga, pssh.

"Tara na girl! Tagal mo naman, pinuntahan na tuloy kita." si Mich pala 'to. Kaya pala ang kapal ng mukha eh. Hahahaha.

"Pssh, istorbo ka. Kumakain kami eh! Wait lang, dyan ka lang ha! Tatapusin ko lang yung kinakain ko." sabi ko at pumasok sa loob. 

"Sino yun ate?" tanong ni Jess. "Si Mich, epal eh. Ma, aalis na po ako after I eat ha."

"Sige anak. Ingat ka ha. Tsaka lagi mong dalhin yang phone mo para macontact ka namin agad, okay?" bilin ni Mama.

"Okay po! Sige, tapos na po ako, babye!" sabi ko at kiniss ko si Mama at Papa.

Sumakay ako sa kotse ni Mich at umandar na ito. "Ang unti naman ng dala mo!" sabi ni Mich.

"Bakit, diba isang araw lang? Tsaka di naman siguro ako maglalayas." sabi ko naman.

"Tss, ewan ko sayo. Hahaha, ay bahala ka na lang." Ano ba kasi 'tong pupuntahan namin ha?

Mabilis lang ang naging byahe namin. 30 minutes lang ata. Saan naman kaya ako dinala ni Mich? Pssh.

"Andito na tayo, best! Yay!" sabi ni Mich at nanguna siya sa pagbaba. Okay, siya na excited.

Bumaba na rin naman ako, parang nabanggit na ni Mich sa akin 'tong lugar na 'to ah.... AH! Eto yung beach resort nila!

Tinignan ko yung paligid ko, ang unti lang ng tao. Ang aga pa kasi eh. May familiar na kotse na nakapark dito sa parking lot. Parang kotse niya.....?

"Kotse ni Dylan yan diba? Ba't andyan?"

"Ay, ang galing. Di ko alam." sabi ni Mich habang nagpipigil ng tawa. Ang fail naman magtago ng secret nito. Obvious na eh. Haha.

"Tara na girl!" sabi ni Mich at hinila na niya ako papasok. Tamang nga ang hinala ko, andun sila Dylan, Kurt at David. -_______-

"Yay! Andito na tayong lahat!" sabi ni Mich, hinila ko siya, "Akala ko ba tayo lang?" bulong ko.

"May sinabi ba akong tayo lang? hihihi." tumawa pa ang loka loka. Tss. Beach nanaman, magpapaitim nanaman 'tong mga 'to.

 "Hi Elaine!" sabay yung tatlong bumati. Ang saya saya nila ha? Anong meron?

"Uhh.. Hi?" sabi ko. Nakakapagtaka naman kasi mga kinikilos nito. May event ba?

"Tara na girl, dun tayo sa beach! Dali, magpalit ka na." 

"Uhh, kayo na lang, ayaw ko magswimming eh." sabi ko naman. Nasa cottage na kami ngayon. Pinipilit nila akong magswimming. Eh sa ayaw ko eh, tsaka baka malunod ako noh.

"Ay, KJ mo talaga ever, best! Dali na!" in the end napilit nila ako. Ang tahimik ata ni Dylan? 

"Pssh, tahimik mo ata ngayon?" sabi ko sa kanya, nakapagpalit na ako, naka t-shirt at shorts lang ako, ayaw ko na magswimsuit. Masyadong revealing. Kairita. Haha.

"Wala lang... Maingay ba ako nung mga nakaraang araw?" ano kayang tumatakbo sa isip nito, biglang nag-iba nanaman yung attitude. 

"Hmm. Nakakapanibago ka eh. Tara na sa tubig!" sabi ko at nagswimming na nga kami. Nagpaunahan pa sila dun sa dagat, palayuan daw ng malalangoy. Ako naman, nagtatampisaw lang.

"HOY ELAINE, SUMAMA KA DITO DALI!" sabi ni Mich. 

"Ayaw ko.." sabi ko. Hinila nila ako papunta dun sa malalim.

"Ang babaw lang pala." Medyo nakaya ko pa nung una, medyo mababaw pa naman kasi. Pero grabe, kung minamalas malas ka nga naman, pinulikat ako!

"Gu--yss." Malayo sila sa akin ngayon, waaaa.

"Hoy, stop fooling around Elaine. Mga kalokohan mo ha." sabi ni Kurt. 

"Di---ak---ooo---maka--hinga----aaa." at tuluyan ng nagblack ang lahat. 

----

"Oy, San Pedro! Nagkita ulit tayo!" sabi ko, tulog ang manok niya ngayon. Haha. Gara.

"Oo nga eh. Ikaw kasi, paspecial much. Ayan, nag 50-50 ka ulit. Pasaway kasi."

"Ano po bang nangyari?" Naging magalang bigla noh? haha.

Winave niya ang kamay niya at may hologram na lumabas. Wow, hitech na pala dito. Haha.

Nakita ko ang mga kaibigan ko, teka, ako ba yun? Bakit ang putla ko ata? Ay! Nalunod pala ako!

"NAKO! NALUNOD PALA AKO!" sigaw ko.

"OA?! Andito ka na nga sa heaven eh." 

"PATAY NA AKO!?"

"DI PA. 50-50 NGA EH!"

"Sorry naman! May chance pa ba ulit ako? 3rd chance?"

"Oo ata.. Nakasalalay dyan sa mga kaibigan mo." tinuro niya sila Mich. Pinapanood ko lang sila, pero parang bigla akong nagfafade. Ay, si San Pedro pala yung nagfafade. Nakasmile siya nun. At nagwink pa, "Ayan, 3rd chance mo na yan. Pakabait ka ha. Wag pasaway." 

Nagising ako sa isang kwarto. Nasa tabi ko si Mich at nagulat siya nung nagising ako.

"Sorry best! Sorry talaga! Waaah!" sabi niya at hinug niya ako.

"Uhh.. Okay lang yun... Nga pala, sinong nagligtas sa akin?"

"Uhh.. Si Dylan..."

"Oh.." napatingin ako sa damit ko, nag-iba na. 

"Don't worry, ako nagpalit sayo." Napabuntong hinga ako dun, kala ko naman... >///////<

"Uhh.. Mich, nagugutom na ako." sabi ko naman.

"Ay, dadalhan lang kita ng food." patayo na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Kaya ko naman maglakad. Di naman ako nalumpo. Tara, samahan mo na lang ako." Natawa naman siya sa sinabi ko. 

May nakita akong nagluluto sa kusina, "HI!" bati ko, kilala ko na 'to. Likod pa lang eh. ^____^

Lumingon siya at napangiti, "Buti naman at nagising ka na."

"Penge nga nyan, nagugutom nakooooo." 

"Eto na poooo." sabi niya at naglagay na siya sa plato ko ng pancake. Tumabi siya sa akin, napansin ko, umalis yung mga kasama namin. Okay, here goes the awkward moment.

"Penge ako." sabi niya bigla at ngumanga.

"Kuha ka dun oh. Food ko 'to eh."

"Eeh, gusto ko yan iiiih." Nakanganga pa rin siya. Natatawa ako sa kanya.

"Oh eto na, say aaaaah."

"Aaaaah!" sinubo ko sa sarili ko. Kinurot niya yung pisngi ko, "Natakam na ako dun eh! Dali naaaa. Isa lang."

Sinubuan ko na nga siya. "Hmmmm. Saraaaaap." Parang bata talaga 'to minsan.

"Nga pala, salamat sa pagligtas sa akin ha.." sabi ko naman. Nakakahiya na, lagi siya yung nagliligtas sa akin.

"Wala yun. Pasaway ka kasi. Kung di mo kayang magswimming, wag kang pupunta sa malalim. Pinapatay mo ako eh!" sabi niya at humawak pa sa dibdib niya. Ang drama niya naman.

"Aysows, grabe maka-emote. Haha."

"I'm serious. Wag mo ng gagawin yun ulit. Kinakabahan ako eh, pano yan kapag wala ako sa tabi mo, edi napahamak ka na.."

"Uhh.... Sorry na.. Tama na nga tayo sa drama. Haha. Tara, labas naman tayo, boring dito eh."

Pagkalabas namin, nakita namin sila David, Mich at Kurt sa likod ng pinto, napakinggan nila yung pinag-uusapan namin? O_____O

"Uh, pahangin lang kami guys." paalam ko, naglakad lakad kami around the beach, ang dami ng tao, medyo tanghali na kasi. Ang daming babae naman dito! Napansin ko pa nga yung isa na nakatitig kay Dylan, ang sarap lang dukutin ng mata. Okay, ako na grabe magselos.

"HI POGI!" sigaw nung babae.

"Hi!" sabi naman ni Dylan.

"Tss, landi, amf." bulong ko.

"Ang dami namang babae dito. Woah." sabi niya, o sige, mambabae ka lang. Grr.

Nauna akong maglakad sa kanya, "Ui Elaine, teka!"

"Busy ka ata eh, yung chick na lang atupagin mo, tutal parang mas maganda siya at mas sexy sa akin eh! Goooo, you're free and you're officially dumped." sabi ko at pumunta sa kung saan.

Sinusundan niya pa rin ako, nakita ko bigla si Drake. Andito siya? Ibig sabihin nandito si Andrea?!

"Oh, hi Drake, andito ka pala!" sabi ko and I smiled.

"Oh, Elaine, ang saya mo ata. Nakita mo lang ako eh." Tss, kapal ng mukha. Sorry Drake, gagamitin lang kita. Haha.

"Oo naman. Hehe, busy ka ba? Tara, bar tayo. NAKAKAINIS KASI EH." pagpaparinig ko.

"Uhh. Sure, tara."

"Di siya sasama sayo." sabi ni Dylan at hinila ako.

"What's your problem? Makikipagbonding lang naman ako ah?"

"Or rather makikipaglandian." sabi niya. Grr. Nakakainis na 'to ah. Sinampal ko siya.

"Tss, una sa lahat, hindi ako malandi. Kaya wag na wag mong sasabihin yan because you don't know me. Akala mo kung sino ka eh, eh ikaw nga 'tong nakikipaglandian sa harap ko!"

"I was just greeting that girl!"

"Yer right. Edi siya na ligawan mo. Grr. Drake let's go."

Sumama naman si Drake, mukhang nalilito siya sa mga nangyayari. Grr, naiinis ako sayo Dylan! Hindi mo ba nagegets na nagseselos ako ha? Grr.

---

VOTE, COMMENT, LIKE, FAN! WEEE.

HALA KA, LQ! LQ! LQ!

Wushu, grabe magselos si Elaine, tsk tsk. Haha. Birthday pa naman ni Dylan, tas ganyan TT____TT

Ano kayang mangyayari?

Ayun, inabot po ako ng 12:00 ng madaling araw kakatype, dahil inuna ko ang panonood ng A Walk to Remember. Hahaha. Kiligs lang :"">

Nagiging madaldal na ako noh? Weee. 

Ayun, paki-abangan na lang yung next chappie. I LOVE YOU ALL PEOPLE! ^_______^

Jodie (dreamcatcher26)

Continue Reading