Just The Boy I'm Looking For...

By dreamcatcher26

260K 1.6K 448

Bitter siya minsan, suplado, masungit basta nakakainis! Pero minsan naman, nagiging sweet, banatero, di ko si... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter 24
Chapter 24.2
Chapter 24.3
Chapter 25
Chapter 25.2
Chapter 26
Chapter 26.2
Chapter 26.3
Chapter 27
Chapter 27.2
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 29.2
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 31.2
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 [Ending]
Andrelo (extra chapter)

Chapter Twelve

5.4K 30 3
By dreamcatcher26

CHAPTER TWELVE

Elaine’s POV

 

“GUSTO MO NG SAPAK?!”

 

Anong ‘be my girlfriend’ ang pinagsasabi nito? Ni hindi pa nga ako nagkakaboyfriend tas gusto niya basta basta ko na lang siyang gawing boyfriend nang dahil sa cellphone niya?

 

“Grabe ka naman. O kung ayaw mong maging girlfriend ko, bayaran mo na lang. Next month yung deadline.” Sabi niya tapos may kinuha siyang papel at bolpen sa bulsa niya, paano nagkasya yun dun? Parang barya lang ata kasya dun sa pants niya eh. May mga sinulat siya tapos ay inabot niya sa akin yung papel.

 

Contract by Drake Yu and Elaine _____ (lagay mo last name mo kasi di ko alam)

Elaine will pay me 10k next month in exchange for the cellphone she destroyed. Dated, 07/07/11

 

Signed by: Drake Yu and Elaine _____

 

“Anong kalokohan naman ‘to? Maka-destroyed ka naman, gasgas nga lang yung nangyari sa phone mo eh!” sabi ko, hindi makatarungan ‘tong ginagawa niya sa akin ah!

 

“Eh basta, lagay mo na last name mo tsaka pumirma ka na, kundi gagawin talaga kitang girlfriend ko sa ayaw at sa gusto mo!” pagbabanta niya. Wala na akong nagawa kundi pirmahan yung papel, kahit parang joke lang talaga siya. Saan ako makakakuha ng 10k ngayon?

 

***

 

Kasama ko na ulit sila Mich at Kurt, si Dylan naman, hindi pa rin makita kung nasaan. Asan na kaya yun? Nakakita ako ng stall ng stuffed toy ng Monokuro Boo, “OH MY G!! TIGNAN NIYO YUN!”

 

Di ko na napigilan yung sarili ko, sobrang fanatic kasi ako ng baboy na ‘to. Hindi ko alam kung bakit, sadyang napaka-cute niya lang talaga para sa akin. Lumapit kaming tatlo dun sa stall tapos kinausap ko yung lalaking nagbabantay dun.

 

“Magkano po?” tanong ko, ilalabas ko na sana yung wallet ko pero biglang nagsalita si kuya, “Sorry ma’am, kailangan niyo po maglaro para makuha yung stuffed toy. Hindi po siya for sale.”

 

Ano ba yan, gustong gusto ko pa naman nun! Ang laki laki, tas huggable pa! Ay basta, kaya ko ‘to! Para kay Monokuro Boo!!

 

“Game kuya, isang try po.” Sabi ko tapos binayaran si kuya. Barilan pala ‘to eh, paramihan ng maraming mabaril na toy soldiers. Jusko, ang liliit naman masyado ata ng mga laruang ‘to? Halatang ayaw magpapanalo eh.

 

Naubos ko na yung sampung bala ng baril ko at natalo ako, “Huhu, gusto ko nun. Kurt, ikaw nga!”

 

Sinubukan din naman ni Kurt pero tulad ko, ni isa wala siyang nakuha. Ganun din si Mich, ano ba yan! Ano bang kailangan kong gawin para makuha yun?!

 

“Kuya please, ibenta niyo na lang sa akin please! Babayaran ko kahit magkano.” Pagmamakaawa ko. Hindi naman nagpatinag si kuya at nag-stick siya sa policy niya na ‘kailangan maglaro para makuha chuchu’. Ewan ko sa kanya! Tubuan sana siya ng pigsa sa pwet! Huhu.

 

Tumalikod na kaming tatlo ng luhaan, actually parang ako lang yung luhaan, pero idadamay ko na rin sila. Bigla kaming may narinig na ‘victory song’ mula dun sa stall, “Congrats Sir! Eto na po yung main prize niyo!”

 

Inabot na ni kuya si Monokuro Boo dun sa lalaking nanalo. Uwaaa! Ang sakit sakit, bakit ang dali niya naman atang manalo? Ang daya! Bilhin ko na lang kaya dun sa lalaki? Mukha namang hindi bagay sa kanya magtago nga mga ganung klaseng stuffed toy, at tsaka wala naman ata siyang girlfriend na pagbibigyan nun eh. Aish, bahala na!

 

Lumapit ako dun sa lalaki, “Excuse me— IKAW?!”

 

“Bakit?” si Dylan lang pala ang nakakuha nung prize. Hindi man lang siya nagsasalita, kanina pa ako nagdadrama over that stuffed toy tas nakuha niya in one try?!

 

“Akin na lang yan please! Babayaran na lang kita sa school!” sabi ko sabay ngiti ng sobrang lapad. Tinignan niya muna yung stuffed toy tas bigla siyang umiling.

 

“Ayoko nga, pinaghirapan ko ‘to eh.”

 

“Sige na please! Kahit ano gagawin ko, promise!” sabi ko, halos lumuhod na ako sa harap niya. Ganun ko talaga kagusto makuha yung stuffed toy. Sorry naman ha!

 

“Kahit ano?” ngumiti siya ng nakakaloko.

 

“E-except sexual acts shempre! Malinis akong babae!” sabi ko tapos ay lumayo ng kaunti sa kanya. Baka naman kasi yun yung iniisip niya, tsh.

 

“Pfft, as if naman gugustuhin ko yun. O sige, sayo na ‘to. Pero I’ll be your boss for a month.” Sabi niya tapos ngumiti ulit. For a month para sa isang stuffed toy?!

 

Napaisip muna ako, mabilis lang naman ang isang buwan eh… bahala na!

 

“Okay fine.” Inabot niya na sa akin yung stuffed toy at nagtatatalon ako sa tuwa. Yey, nadagdagan na yung collection ko!

 

Padilim na din, kaya nagkayayaan kami na sumakay sa Ferris Wheel. Maganda daw yung view dun pagkagabi, at tsaka may fireworks display daw na magaganap. First time kong sasakay ng ferris wheel ng madilim na, na-eexcite tuloy ako!

 

Nasa pila na kami nang biglang humiwalay sila Kurt at Mich sa isang capsule, habang kami ni Dylan napunta sa separate na capsule. Pwede namang isang capsule na lang eh! Awkwardness ang pumalibot sa amin the whole time. Hindi ko alam kung makakapagsalita pa ako o hindi, ang tahimik niya naman kasi masyado… well ganto na talaga siya sa classroom pero hindi pa rin ako sanay nung kaming dalawa lang.

 

"Dylan…"

"Elaine..."

 

Sabay pa kami ah, at nagkatinginan pa. Aish. Ang weird naman sa pakiramdam nito. Bakit bigla akong nahiya sa kanya? Kadalasan naman kahit sigaw sigawan ko ‘to, okay lang sa kanya eh.

 

"Ikaw muna..." sabi ko.

“Ready ka na ba sa performance natin bukas?” tanong niya. Jusko, bukas na ba yun?! Bakit ang bilis naman ng araw?

 

“Uh, medyo na-memorize ko na yung kanta, ginoogle ko siya kahapon eh. Ehehe. Paano pala yung damit ko, diba sabi mo papahiramin mo ako?” Totoong ginoogle ko siya, nung hindi pa ako nakakatulog. Kasi naman late na sinabi ni Dylan na ako pala yung makaka-partner niya, ayaw ko ngang magpakita sa stage ng hindi prepared!

 

“Ipapadala ko yung damit mo bukas ng umaga bago ka makaalis. Dapat papuntang school, yun na ang suot mo, maaga ang general assembly natin." bilin niya.

 

"Ah, matino naman ba yung suot ko? Mamaya pang hostess yun ah, umayos ka! Mabubugbog ka ng di oras."

 

"You'll see. Bagay sayo yun, promise. Hahahaha."

"Eh bakit ka tumatawa!!! Baka masyadong revealing yun ahhh. Hindi ako sisipot kung ganun!"

"Hahahaha. Basta.”

 

"Tss. Basta dapat simple lang yan. Patay ka talaga sa akin."

"Wag ka ng magmake-up bukas ng sobrang kapal. Ayaw kong makipag-duet sa espasol.” Pang-aasar niya nanaman.

"Aye aye, captain!” sabi ko naman sarcastically.

 

Bumaba na kami at bumalik na sa resthouse para kunin yung mga gamit namin. Si Dylan na lang ang naghatid sa akin, biglaan kasing nagkaroon ng “emergency” daw sa bahay nila Kurt, at nakisabay naman si Mich sa kanya since on the way na rin daw yung bahay niya. Pssh.

 

Hindi ko na nagawang makipagbangayan kay Dylan dahil sobrang napagod ako sa araw na ‘to. Nakatulog lang ako sa passenger seat, hay, bahala na kung anong mangyari bukas.

 

***

 

“Elaine~ Yuhoo~”

 

“Hmm? Ano yun Ma?” sabi ko tapos ay umikot sa kama ko. Teka, paano ako nakarating dito? Last memory ko eh sa kotse ni Dylan ako nakatulog ha? Naglalakad ba ako ng tulog?

 

Anong oras na pala? Mamaya late na ako, monday pa naman ngayon at araw na ng performance namin. Tinignan ko yung clock ko, 5:30 pa lang naman pala. I still have an hour and a half to prepare.

 

May nakita akong box sa tabi ng sofa sa room ko, binuksan ko. Andun yung ipapasuot sa akin ni Dylan. I can say, maganda ang taste niya. Dress ang binili niya sa akin. Sleeveless, tube type pa nga eh. Sabi niya hindi revealing. Napasinungaling ng manyak na yun!

 

May note pang kasama sa loob: “Don’t be late, idiot.” –DMS

 

IDIOT PA DAW! Grabe ha. Akala ko pa naman sweet yung nakalagay sa note, yun pala panlalait nanaman, psh. Di na siya nagbago. Hinalungkat ko yung box at may nakita akong stockings at sapatos na black at may heels pa yung sapatos. Papahirapan niya ata ako mamaya eh. Nagcocommute pa naman ako papunta ng school tapos ganun get-up ko? Kamusta naman yun?

 

Naligo na ako at nag-ayos. Icucurl ko na lang yung buhok ko para mabilis lang. Sinuot ko na yung damit at stockings ko, and my shoes. Hiniram ko yung make-up ni mama at naglagay ng kakaunting eye shadow, blush on, at lipstick para lang maging presentable ang itsura ko kapag kumanta na ako sa stage.

 

Six ‘o clock na pala, ang bilis naman ng oras. Bumaba na ako sa dining room para kumain, nakita ko silang tatlong nakaupo na sa harap ng mesa. Nakatitig lang sila sa akin habang kumukuha ako ng kanin.

 

"Anoooo?!" tanong ko.

 

"Ate Elaine, anong meron? Bakit naka-make up ka? May event ba? Wala kang pasok?” sunod-sunod na tanong ni Jessica, manang mana talaga kay mama, madaldal din. Haha.

 

"Ah basta, sa general assembly. Hintayin mo na lang. At tsaka my pasok ako, kailangan lang talagang nakabihis na ako papasok.” Sabi ko at patuloy na kumain.

 

Nakatingin pa rin sila sa akin, walang nagsasalita. Ang awkward ah, magtititigan na lang ba kaming apat dito?

 

"Ang ganda naman ng anak ko." sabi ni Mama habang nakangiti.

 

"Matagal na ma, ano ba. Hahahaha." Hugot eh! Haha. Wag na kayong kumontra, magkakapimple sa ilong ang kokontra!

 

“Eh para saan ba kasi yang get-up mo? Anong ginawa mo kay Elaine, yung lalaki naming kapatid—este babae pala.” Pagbibiro ni Kuya Paul. Binelatan ko naman siya bago sumagot.

 

“May performance kasi yung club ko. Ako yung lead singer.”

 

"Wow. Singer ka ba? Hahaha. Aabangan kita mamaya ate." sabi ni Jessica. Same school lang kami nyan. First year siya, junior ako. Si Kuya Paul naman, second year college at sa Manila siya nag-aaral. Paalis na nga siya eh, sa Friday pa balik.

 

"Oo na lang. Tss." kaunti lang ang kinain ko since di naman ako ganun kagutom, at tsaka baka lumobo ako sa damit kong ‘to. Nakakahiya naman kung makita ng audience yung baby fats ko. Haha. Tumawag na ng taxi para sa akin si kuya. Ang bait niya ata ngayon? Haha. Hinug niya pa nga ako bago siya umalis. Mamimiss ko yun, wah. Wala na akong kaaway sa bahay.

 

Sumakay na ako sa taxi at dumerecho na sa school. Sa back gate na lang ako nagpababa kasi ang daming tao sa front gate. Iwas bulungan na rin. Nakashades ako ngayon, para di ako makilala. Hehe, celebrity ang peg ko eh. Dumerecho ako sa music room, andun naman lahat ng c-mates ko. Tinitigan lang nila ako na para ba akong multo.

 

"Naliligaw ka po ata?" sabi ni Joseph, guitarist namin. Pssh. Nag-make up lang at nagpakulot, di na agad nakilala?

 

"Ako si Elaine, duh." sabi ko at nagtanggal ng shades. Lalo silang napatitig. "Stop staring. Nakakairita, continue with the meeting, dali. Sayang oras!"

 

Nakiupo na ako sa kanila. Napansin ko lang, wala pa si Dylan. Asan kaya yun? Baka indyanin ako nun, nakakahiyang mag-duet tas mag-isa lang pala ako. >___<

 

*Kriiinnnggggg!!* Bell na, magsisimula na yung mini-concert namin mamaya. Waaah, ninenerbyos ako. Wala pa rin si Dylan. ASAN KA NG LALAKI KA! PATAY KA TALAGA SAKEN!

 

"Kaya natin 'to guys, let's go!!" sabi nung isang member at nagpatong patong kami ng kamay. Nasa backstage na kami ngayon, yung ibang members naman namin, sineset-up na yung instruments na gagamitin. Wooh, breathe in breathe out lang Elaine. Darating yun… sana…

 

Lingon, lingon, lingon. Wala pa siya?! Patay ka sa akin Dylan Martin Santiago!! Ipapa-murder kita kapag napahiya ako!

 

"Let us welcome, the Music Club! Give them a round of applause!" sabi nung emcee. Wooh. Kaya mo 'to Elaine, bahala siya. Lumabas na kami at pumwesto na sa places namin. Nasa gitna ako, may spotlight. Pinatay pa nila yung ilaw kaya sentrong sentro sa akin yung attention ng lahat ng tao. Wah, nakakapressure, ayaw ko na ata!

 

"Uh, good morning students. We're the music club. The title of the song that we'll perform today is Friend of Mine. Enjoy." sabi ko at ngumiti. Nagpalakpakan sila, may mga sumisipol pa nga eh. Wooh. Huminga muna ako ng malalim at nagsimula ng tumugtog ang mga kasama ko. Nakita ko si Kuya Rain sa baba ng stage at naka-thumbs up lang siya sa akin, medyo gumaan yung pakiramdam ko dahil dun. Kyaaaah!

 

I've known you for so long

You are a friend of mine

But is this all we'd ever be?

I've loved you ever since

You are a friend of mine

But babe, is this all we ever could be?

 

Natahimik ako sa second verse, si Dylan na kasi dapat sa part na yun pero wala pa rin siya. Pakanta na sana ako nang may narinig akong sigawan mula sa likod na part ng auditorium. Minulat ko yung mga nakapikit kong mata at nakita siya sa dulo ng auditorium…

 

Dug dug.

 

Anong nangyayari sa puso ko?! Inaatake ba ako sa puso? Hoy magtino ka nga dyan heart! Si Dylan lang yan, wag kang magwala. Kay Rain ka lang dapat nagwawala!

 

***

Continue Reading