The Unreachable Wife

By Sweetmagnolia

7.1M 203K 21.1K

Anya Tejero was forced to return to a place she chose to forget for years, a remote town where her grandparen... More

Prologue
1- Certificate of No Marriage
2- Remembering The Boy
3- Do You Know Me?
4- This Is My Territory
5- It's Legal
6 - The Things You Owe
7- Pride and Paris
8-The Man Who Can't Be Moved
9- It Takes A Man And A Woman
10- Your Heavy Breakfast
11- My Faddy House Lady
12- My Husband's Game
13- Road To Our Memory
14- Thinking Of You
15- Sundate Special
16- Not In His Eyes
17- Troubled Hearts
18- A Day For You
19- The Closer We Get
20- Behind His Door
21- Listen To His Heart
22- Nothing In Return
23-Temptress In Distress
24-The Endless Heaven
25- Bundle of Hesitations
26- Fixing The Second Chance
27- Embracing Adversities
27- The Homely Faces
29- Heading Back to Spotlight
30- Someone to Shake Him
31- All You Need Is Not Fame
32- She Is My Home
33-Girl Talk and Football
34-Fame Hinders Things
35- Getting Into Her Reality
36- I'm Not His Everything
37- Love Extensions
38- Because of Harvey
39- The Drunkard
40- Surprise Decision
41- Maybe A New Day
42-A Man's Word
43-The Two Sides of Love
43-We Live By Love
44- The Place Where My Heart Belongs
45- Life Is A Never Ending Dream (Final)
EPILOGUE

28-Love Breaks Distance

133K 3.6K 374
By Sweetmagnolia


Magang-maga na ang mga mata ko pero ayaw pa ring paawat ng mga luha ko sa pagpatak. Panay singhot at singa na lang ako sa tissue paper habang nakatanaw sa malayo mula sa bintana ng kotse. Everytime I remember the face of Lander waving goodbye from the gate, yumuyugyog ang aking mga balikat. Gusto kong pumalahaw ng iyak. 

Ang bigat-bigat! Di ko pa ata kayang bumalik ng Maynila! 

Ilang ulit kong inutusan si Violet na ihinto ang sasakyan. Bababa ako at tatakbo pabalik ng Villa Rafael. Pero kahit anong pakiusap ko na huminto siya, di niya ako pinakinggan. Ang hirap.  Kahit ilang beses may bumaong barena sa aking dibdib ay hindi pa rin nito  kayang sukatin ang lalim ng sakit ng nararamdaman ko sa paglalayo naming ito ni Lander. How long would it linger inside my chest? Pinipilit kong isipin ang mga positibong bagay pero wala atang anumang makakagamot sa kalungkutang nararamdaman ko except for Lander's presence.

"Hayst... ni sa hinagap ay di ko naisip na ganito ang mangyayari sa paghahanap mo diyan sa asawa mo!" napapailing na komento ni Violet. "Pumunta ka dito para tuldukan at tapusin ang lahat-lahat sa inyo tapos ang nangyari uuwi ka nang may book 2 pa yang love story niyo."

It was also the least thing that I expected but I didn't have any strand of regret that we ended up this way.  I sighed while wiping my tears. 

Wala akong pinagsisihan pero meron akong pinanghihinayangan. Na sana matagal ko na siyang hinanap. If that happened, maybe right now our relationship is already blending well with my career. Hindi na namin kailangan pang pagdaanan ang mga ganitong pagsubok at pagpapanggap sa tao. If only we had the chance to realize our feelings way earlier...

"Alam mo kung sinabi mo sa akin na ganyan pala kaguwapo ang Lander na yan, aba hinding-hindi kita hahayaang pumunta ng Villa Rafael nang mag-isa! Wala kang binanggit eh and knowing your uptight personality, I was very confident na walang balikang magaganap! Pero naman.... kung ano-anong imagination ko sa hitsura niya nung hinahanap natin sa facebook yun pala isa siyang nagtatagong Adonis sa kagubatan! Trosong-trosong ang katawan ateng!" napapakagat sa labing dugtong niya nang may nangangarap na mga mata.

Medyo umangat ang sulok ng aking mga labi nang wala sa oras dahil sa sinabi ng aking kasama. Hearing her praise my husband flattered me. I always feel better when someone is saying good things about him.

"Ayan ganyan! Dapat ngumingiti ka hindi yung para kang namatayan diyan!" Violet reacted.

"Masama bang maging malungkot ako? I'm leaving the person I love.... meron bang rason para maging masaya ako ngayon?" Muling dumungaw ang aking luha.

"Meron! Meron! Meron!" ubod nang diing paulit-ulit na tugon ng aking kausap. "You just had the best vacation of your life at natapos ito na baon ang pagmamahal ng taong mahal mo. Isipin mo na lang kung gaano ka kaswerte na magkaroon ng ikalawang pagkakataon sa lalaking tulad niya. What an unselfish human being. Imbes na isipin ang sariling kaligayahan, mas nirereconsider ang mga bagay na importante't makakapagpasaya sayo. Kung ibang lalaki yan, naku tiyak na sasamantalahin na ang pagkakataon na angkinin ka ng buong-buo! Baka nilantad na sa buong Pilipinas na kasal kayo para wala ka nang balikang career at maikulong ka na lamang sa bahay. Sinong lalaki ang lulunok ng pride niya para lamang matupad ang pangarap mo sa Paris? Wala Ma'am Anya! Siya lang! Sapagkat alam niyang hindi lamang ang pagmamahalan niyo ang makakapagpasaya sayo kundi pati na rin ang trabaho mo! Kaya nga ginagawan niya ng solusyon para parehong mapasaiyo!..." She paused and took a deep sigh. " Alam mo nung una medyo alanganin pa ako sa motibo ni Sir Lander sayo pero iba pala talaga siya..." napapalatak na bigkas niya sabay iling. " Kanina kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano ka niya gustong pigilan.. pero wala, tiniis niya talaga! And he did his best to casually smile para lang hindi maging mabigat para sayo ang pag-alis mo. Hayyy... mas lalo lang akong humanga sa kanya," she delivered with sparks in her eyes. "Hindi siya katulad ng karamihang nakakahalubilo natin sa showbiz na mga gwapong-gwapo sa sarili. Mababait at kunwari'y gentlemen kapag maraming nakakakita pero kapag kayo-kayo na lang uulan na ng pagka-concieted." She quickly looked at me and raised a brow. "Tsk.  Kaya pwede ba bilang kunswelo sa pagsasakripisyo ni Sir Lander, magpakatatag ka naman! Tama na yang emote!"

Muli akong napangiti ng kaunti. Suminghot ako't pinahiran ng tisyu ang aking mga mata't ilong. Violet never fails to make me feel better. I am really lucky to have a person like her by my side. "Just give me few more hours to calm myself," mahina't may katamlayang sagot ko.

"Mga anong petsa? Tatlong oras na ako nagmamaneho ha. Dapat alternate tayo dahil hindi ko kakayanin hanggang Manila pero paano ka magdadrive kung may balon ng luha diyan sa mga mata mo?"

"Pagod ka na ba?" matamlay na tanong ko.

"Hindi pa naman pero nireremind ko na para di yung kung kelan ngalay na ngalay na ako e saka ka pa lang mag-aadjust," ngiwi niya. 

Nag-ring ang aking cellphone. Tarantang dinukot ko ito sa aking bag at agad na nabura ang aking lungkot nang makitang si Lander ang tumatawag. I'd been calling him a lot of times ngunit di niya sinasagot.

"Hello!" sagot ko nang hindi na hinayaan pang makatapos ang ilang ring.

"How's your trip?"

"Lan... I'm already missing you a lot," mangiyak-ngiyak at tila batang nagsusumbong na wika ko.

"Nami-miss na rin kita." He took a deep breath. " Sorry kung ngayon lang ako tumawag. Sinadya kong palipasin muna ang ilang oras, yung alam kung nakalayo na kayo at hindi ko na kayo mapapabalik pa..."

Hiniling ko sa kanyang ihatid niya ako ng Maynila pero idinahilan niyang sobrang dami niyang aasikasuhin sa Villa Rafael. I knew it wasn't the real reason and he wasn't being ungentleman, takot lang siyang baka hindi matuloy ang pansamantalang paghihiwalay namin. Tama naman siya. Kasi plano ko talaga na kapag sinamahan niya ako sa Maynila. I'll do everything to make him stay with me for few more weeks.

"Kumusta na ang biyahe niyo? Who's driving now?"

"Violet. Pero mamaya papalitan ko na siya."

"You two must drive carefully. Huwag nagmamadali. Kung parehong pagod na, park in somewhere safe and take a rest. Kapag inaantok naman, take a nap first."

"Dapat kasi sinamahan mo na lang kami," nguso ko.

"If I escorted you baka pabalik ka na ulit ngayon ng Villa Rafael," tatawa-tawang biro niya but I know he partially meant it.

"Puro ka naman biro eh. Maybe you're not missing me at all."

"Gusto mong malaman kung gaano kita namimiss?"

"Yes," nakangiti nang wika ko habang isa-isa nang nagliliparan ang mga paru-paru sa aking tiyan.

"I'm wishing you'd call me everytime na magkakaroon ka ng libreng oras. Call me when you're taking breaks, call me when you're resting, call me when you're at home, call me before going to bed, call me first thing in the morning, call me while having a cup of coffee and call me every time you think about me. Pwede na ba ang mga yan Ms. Anya?"

"Yes." I giggled. "Pero bakit ako lagi? Ikaw di mo ba ako tatawagan?"

"You're the one who has very busy schedules basta ako nandidito lang para sagutin anumang oras ang mga tawag mo."

"Okay. I'll call you hundred times a day!" I kidded.

"Sigurado ka?"

Bigla akong napaisip. "No... maybe a thousand times." 

He laughed. "I'll hang up now. It will be awkward on Violet kung ang kasama niya ay nagtetelebabad. Talk to her so she won't get sleepy while driving."

"Opo."

"I love you and I miss you."

"I miss you so much and I love you so much Mr. Valera."

"Bye."

"Bye."

Hindi pa umaabot ng isang minuto matapos ang aming pag-uusap ay muli ko siyang tinawagan.

"Hello," he quickly answered. "May nakalimutan ka bang sabihin?"

"You told me to call you every time I think about you."

He laughed. "Except today woman. You're on the road."

"I want to hear your voice again," lambing ko.

"Okay. I love you, I love you, I love youuuuu." I heard his kiss from the other line.

"I love you too, I love you too, I love you toooooo," sabay paulit-ulit akong humalik sa cellphone.

"Bye again. Ingat kayo ni Violet."

"Bye."

I dropped the call with a wide smile.

"Ayaaaan ganyan.... dapat ngumingiti ka," hirit agad ni Violet. "Kung makaiyak ka naman kanina daig pa ang may pumanaw. Akala mo naman na sa paglalayo niyong ito ay tapos na rin kayo, kayo pa rin naman eh. Magkikita pa rin naman kayo. Aayusin niyo lang ang mga bagay-bagay hanggang sa talagang pwede na kayong dalawa. Pansamantalang LDR lang naman ang peg niyo ah!"

My brows furrowed.

"Long Distance Relationship," kusang sagot niya sa nagtatanong kong reaksiyon.

"But Violet, paano kung sa pagkakalayo naming ito ay may magbago sa amin? What if this is just another ending of our second chance?"

She rolled her eyes and took a deep sigh. "Ma'am Anya huwag mong iyakan ang isang bagay na hindi pa naman nangyayari. Kung kayo talaga, kayo! It's destiny's call ika nga. Kagaya ng nangyari sa inyong dalawa ngayon, hindi mo naman ito pinagplanuhan di ba? Ni hindi mo na nga dati maalala ang pangalan at hitsura nung tao tapos yun pala mababaliw ka ulit sa kanya. Kaya alisin niyo na yang fears and what ifs na yan. If you're meant to be, you're meant to be. Kung hindi man maging kayo sa bandang huli...." she gave me a naughty smile."...baka kami." 

Tinitigan ko siya ng masama at nginiwian. "Pagod ka na ba Violet?" I asked in monotonous tone.

"Hindi pa naman!" 

"Pagod ka na ata eh kasi pati sa kalagitnaan ng pag-aadvise isinisingit mo yang pagnanasa mo sa asawa ko. Itabi mo yung kotse."

She panicked. "Hindi ka pwedeng bumaba! Masyado na tayong malayo. Di ka na pwedeng bumalik sa Villa Rafael!"

Tumawa ako. "Di ako bababa. I'll drive."

Mabilis na huminahon ang kanyang mukha. "Sure ka? Baka mamaya habang nagmamaneho ka eh eemote-emote ka ulit. Mahirap yan baka maaksidente tayo," alinlangan niya.

"Okay na ako. Now that we exchanged I love yous, my heart is at peace already."

Saka niya lamang inihinto ang kotse. "Ow nag I love you ba kayo sa isa't isa? Hindi ko narinig? Hindi ko napansing may sinabi kang I love you. Wala talaga!" pang-aasar niya.

"Tumigil ka na nga diyan sa pagiging OA mo. Kung ayaw mo, di ikaw magdrive hanggang Maynila."

"Ako pa ngayon ang OA? Hiyang-hiya naman ako sa iyo!" she said while unbuckling her seat belt.

Umabot ng mahigit twelve hours ang biyahe namin. We arrived at Manila around ten in the evening. Nang makarating ako sa aking condo, mas lalong gumaan ang aking pakiramdam. I suddenly realized how I much I missed my cozy place. Dumiretso agad ako sa aking kuwarto. Nahiga sa aking kama at yumakap sa aking paboritong unan. After few more minutes of resting, I remembered my bathtub. Mabilis akong bumangon at nagbabad to my most relaxing bubble bath aroma. I soaked for thirty minutes then I started feeling sleepy. I put on my silk pajama pero bago tuluyang matulog, naalala kong dapat ko nga palang tawagan si Lander to inform him that I arrived safely. But it was almost midnight so I assumed that he was already asleep kaya tinext ko na lang siya. 

He replied.

Biglang nagising ang aking diwa. I quickly called him and requested him to have video call through our laptops.

"Why are you still awake mister?" nakadapa sa kama habang nakapangalumbabang wika ko sa tapat ng aking Macbook.

"I'm doing my payroll book," he answered while his eyes seemed to be gazing at me expressively. Nakaramdam na naman ako nang kaunting lungkot after realizing that I won't be sleeping in his arms tonight. I didn't encourage the negative feeling. I showed him that I was completely alright and he had nothing to worry about.

"Yung totoo?" I raised an eyebrow and gave him a sexy smile.

He laughed. "Okay I'm working pero siyempre hinihintay ko rin ang tawag mo. Of course I want to know kung nakauwi ka ba ng maayos."

"Are you drinking coffee? I told you not to drink coffee at night anymore baka ginagawa mo agad porke't wala na ako diyan," naniningkit ang mga matang wika ko.

"No, I don't," iling niya.

Biglang nagsalubong ang aking mga kilay nang may maalala ako. "By the way, naalala ko nga pala... may nakita akong sigarilyo sa sasakyan mo. Are you secretly smoking Mr. Valera?" Pinandilatan ko siya.

"N-No.."

"Naku yang tono mo medyo alanganin ha! Yung totoo?"

"Okay that cigarette was mine pero I only smoke when I'm extremely stressed out which is very rarely to happen."

"No! You're not allowed to smoke kahit bagsakan ka pa ng langit at lupa!" madiing saad ko nang napapaduro pa sa monitor.

"Okay," tatawa-tawang sagot niya. "Mukhang mas humihigpit ata tayo ah," he commented.

"Aba natural! Wala na ako diyan sa tabi mo, so what I can do now is to be firm with my instructions para masigurado kong hindi ka makakalimot."

"Alright... so now I understand, the real nagging had began."

"Teka patingin nga ng mesa mo kung walang kape't sigarilyo diyan."

"Okay po," napapabuntong-hiningang tugon niya.

He focused the camera to the whole table. Wala ngang nakalagay dito maliban sa mga ledgers, ballpen at folders.

"How about the room? Let me see kung makalat."

Again he showed me the entire place. Malinis naman ito.

"Who cleaned it?" tanong ko.

"Siyempre ako."

"Bakit di mo pinalinis kay Maureen o kaya kay Manang Belen?"

He pointed his finger on me. " Ikaw lang ang babaeng pwedeng pumasok sa kuwarto ko."

Biglang nawala ang kunway pagsusungit ko. Dahan-dahan akong napangiti.

"Ano tapos na po ba ang pagna-nag mo?"

I nodded with a smile at biglang namilog ang aking mga mata. "Hey let me show you my place."

Ipinakita ko sa kanya ang aking kuwarto, sala, kusina, banyo at pati na ata mga walang kuwentang kasuluk-sulukan ng aking condo. Pinuri niya ang bahay ko but what really concerned him most was the security of my place. Tinanong niya ang mga sistema ng pagbabantay ng mga guwardiya, kung may CCTV ba lahat ng common areas at kung basta-basta ba nakakapasok ang mga bisita. Detalyadong sinagot ko ang mga tanong niya, but in return, detalyado ring pinakuwento ko sa kanya ang ginawa niya buong araw. He patiently narrate it and while listening to him, I imagined na pinapanood ko lang siya buong araw.

"It's getting very late Anya. Matulog ka na, alam kong pagod na pagod ka sa biyahe," wika niya pagkatapos ng mahaba naming pagkukuwentuhan.

I pouted. "Ayoko pa!"

"Tatapusin ko pa yung ginagawa ko," he reasoned out.

"Tapusin mo basta huwag mong ida-drop tong tawag. Panonoorin lang kita. I miss you so badly. I want to look at you while I have the chance."

He smiled sincerely. "I miss you too and I love you." Madiin at medyo pabulong na sabi niya.

"I love you!" I replied sabay akap ko sa isang unan. 

"I'll continue working now."

"Okay."

Umayos ako ng higa at itinabi sa akin ang laptop. Pilit kong nilalabanan ang antok. Napapangiti ako habang pinapanood siyang nagsusulat. I watched him with drowsy eyes for almost five minutes and after that, I wasn't aware anymore of what happened.














Continue Reading

You'll Also Like

105K 2.7K 15
Lizzie had been stuck on skull island since she was 15. An expedition gone wrong. She didn't expect any rescue and she had finally come to terms with...
3.1M 183K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
536K 57.9K 24
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
20K 397 12
Y/N was a solo singer But one day Y/N is kidnapped by Velvet and Veneer! she thinks it's going to be a nightmare and it is! but one other Troll makes...