She's Still In love With Him...

By Levelion

2.1M 32.3K 2.9K

Hindi man natupad ni Aika ang buohin muli ang kanilang pamilya. Hindi naman siya nagsisi sa naging desisyon n... More

She's Still In Love With Him
Ika-1 Kabanata
Ika-2 Kabanata
Ika-3 Kabanata
Ika-4 Kabanata
Ika-5 Kabanata
Ika-6 Kabanata
Ika-7 Kabanata
Ika-8 Kabanata
Ika-9 Kabanata
Ika-10 Kabanata
Ika-11 Kabanata
Ika-12 Kabanata
Ika-13 Kabanata
Ika-14 Kabanata
Ika-15 Kabanata
Ika-16 Kabanata
Ika-17 Kabanata
Ika-18 Kabanata
Ika-19 Kabanata
Ika-20 Kabanata
Ika-21 Kabanata
Ika-22 Kabanata
Ika-23 Kabanata
Ika-24 Kabanata
Ika-25 Kabanata
Ika-26 Kabanata
Ika-27 Kabanata
Ika-28 Kabanata
Ika-29 Kabanata
Ika-30 Kabanata
Ika-31 Kabanata
Ika-32 Kabanata
Ika-33 Kabanata
Ika-34 Kabanata
Ika-35 Kabanata
Ika-36 Kabanata
Ika-37 Kabanata
Ika-38 Kabanata
Ika-39 Kabanata
Ika-41 Kabanata
Ika-42 Kabanata
Ika-43 Kabanata
Ika-44 Kabanata
Ika-45 Kabanata
Ika-46 Kabanata
Ika-47 Kabanata
Ika-48 Kabanata
Ika-49 Kabanata
**WAKAS**

Ika-40 Kabanata

36K 592 52
By Levelion

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at ng mapansin kong hindi pamilyar sa akin ang kinaroroonan ko ay bigla akong napabaligwas sa kinahihigaan ko.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Purple ang kulay ng bawat sulok ng kwartong ito at maging ang kinahihigaan ko. Maraming stuffed toy sa paligid at isang malaking painting ng isang pamilyar na bata ang nakasabit sa ibabaw ng kama. It was the same picture na nakalagay sa locket na natanggap ko noon. It was me. Nasaan ba ako?

Tumayo ako sa kama at binuksan ang pintuan. Akmang lalabas na ako ng kwartong kinaroroonan ko ng bigla ay sumulpot sa harapan ko si Kyle na ikinagulat ko.

"Saan ka pupunta?" aniya habang nakangisi siya sa akin.

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Nasaan ako? Anong ginagawa ko rito? Where's Aries?" sunod-sunod kong tanong.

"Aries? Hindi ko alam kung nasaan siya. Ikaw lang naman ang kinuha ko."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba ang kailangan mo sa'kin?"

"Hindi ako ang may kailangan sayo." aniya kasunod ng paghalukipkip niya.

"Aalis na'ko. Tabi!"

Tinulak ko si Kyle para makalabas ako ng kwarto pero hindi parin siya umaalis sa harapan ko at tinatawanan pa ako na parang nang-aasar.

"Ang hina mo naman, Aika. Kumain ka kaya muna. Gutom ka yata e."

"Pwede ba, tigilan mo ko! Hindi ako nakikipagbiruan sayo!"

"Hindi ka pwedeng umalis. Hintayin mo muna si tita."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Tita?"

Tumango siya sa'kin at saka siya umalis sa harapan ko. Kaya nakalabas narin ako ng kwarto at paglabas ko ay bumungad sa akin ang malawak na living room ng bahay na kinaroroonan ko. Naghahalong kulay itim at puti ang makikita mo sa living room.  Salamin pa nga ang mga dingding dito at kitang-kita ang magandang view din ng taal volcano.

Ang ibig sabihin ay hindi ako nalalayo sa hotel kung saan kami naka check-in.

"Bakit ba talaga ako nandito? Dalhin mo'ko kanila Aries, Kyle. Baka nag-aalala na sila sa'kin."

Nakita kong pabagsak na naupo si Kyle sa itim na couch at ipinatong niya ang mga paa niya sa itim na coffee table na salamin ang ibabaw, itinaas niya pa ang mga kamay niya at inunan niya ang mga yon sa kanyang ulo.

"Actually nagkakagulo na nga sila, Aika. Nakakatuwa ang pamilya mo. Your mom, dad, brother, sisters, yung mommy ni Aries, mga kaibigan mo. They're all worried about you."

Nilapitan ko si Kyle. "At ano ang nakakatuwa doon? Are you playing with us?" Galit kong tanong sa kanya.

"Hindi naman." Maikli niyang sagot. Relax na relax pa nga siya.

"Alam na'ba nilang nawawala ako?"

"Ofcourse. Ang alam nila, magkasama kayo ni Aries."

"So, natuloy ang pagtakas nila Aries? But where is he, pati si Humpy?"

Nagkibit balikat lang siya. "Humanda ka sa'kin kapag may nangyari kay Aries at Humpy."

"Hey, I don't care about them okay. I only care about you." aniya.

Hindi ko na siya pinansin at nanggigigil akong lumapit sa pinto. I tried to open it but I can't.

"Ni-lock ko ang lahat ng pintuan dito. Hindi ka makakalabas. Sa ayaw at sa gusto mo, makakasama mo ako rito hangga't hindi dumarating si tita."

"Sino ba yang tita mo at ano ba ang kailangan niya sa'kin?" Bulyaw ko sa kanya.

Tumawa na naman siya. "Relax. You'll meet her later at siya ang magpapaliwanag sayo kung bakit nandirito ka. Why don't you just sit there, gusto mong juice? Kung nagugutom ka. Maraming pagkain sa kitchen."

"I'm not hungry." Pabagsak akong naupo sa couch na nasa tapat ng kinauupuan ni Kyle at tinitigan ko siya.

"Hey, why you staring me like that? Nagagwapuhan ka sa'kin no?"

"Mukha mo!"

Tumawa na naman siya at kinuha ang cellphone niya at saka siya pumindot doon at may tinawagan.

"Hello? Tita. Ang tagal mo naman! Naiinip na ang kasama ko dito. I think she's excited to meet you. Oh, okay."

Ibinaba niya ang cellphone niya sa kanyang tenga at inilagay sa kanyang bulsa.

"Malapit na siya." aniya. "Para hindi ka mainip, kwentuhan muna tayo."

"Wala akong ganang makipagkwentuhan."

Hindi siya umimik at napansin kong nakatingin siya sa dibdib ko.

Napayuko ako at itinakip ko ang kamay ko roon. Naka spaghetti strap top lang kasi akong kulay blue.

"Bakit hindi mo suot yung locket necklace na pinadala ko?" Seryosong sabi ni Kyle.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ikaw ang nagpadala non? Are you my stalker?"

Umangat ang gilid ng labi niya. "I told you that I'm not a stalker. Aika, etong mukhang 'to, hindi dapat tinatawag na stalker. Let me clear you this, oo aaminin ko. Minamanmanan kita, inaalam ang lahat ng bagay tungkol sayo, pero hindi stalker ang tawag sa'kin. Kasi gwapo ako. Kaya mas magandang sabihin na isa akong admirer."

Napapakunot nalang ang noo ko sa sinasabi ni Kyle. Napakayabang niya. Nakakairita!

"Yes, I admire you. But it doesn't mean that me and Aries had the same feelings, towards you. Kasi mas lalong hindi pwede na maging tayo, because that would be really called incest."

Lalong gumulo ang isipan ko sa mga sinabi ni Kyle. Muli ko siyang tinignan at nakita kong nakatingin din siya sa akin habang inilalandas niya sa labi niya ang kanyang hintuturo. Nakakailang ang mga titig niya.

"Habang tinitignan kita. Mas lalo kong nakikita ang pagkakahawig niyong dalawa." aniya.

Hindi ko nalang pinansin ang pinagsasasabi niya. Iniisip ko kung ano na kayang ginagawa ni Aries ngayon? Baka frustrated na'yon kahahanap sa'kin. And my mom, for sure alalang-alala na siya sa'kin ngayon. Umuwi nga siya ng manila para kausapin si daddy na wag ituloy ang pagpapapunta sa'kin sa japan kasi ayaw niyang mapalayo ako sa kanya, pero ngayon narito ako sa hindi ko malamang lugar. Kasama si Kyle na siya pala talagang stalker ko.

"Why Leyk? And is Torres your real surname?" tanong ko sa kanya.

"Yup, I'm Torres. And the Leyk, well binaliktad ko lang naman yung letters ng pangalan ko." Sabay tawa niya.

"Alam mo, para kang sira ulo. Kanina ka pa tawa ng tawa dyan."

"I'm just happy. Ms. Todoya. Diba nga sabi sa kanta, kung ikaw ay masaya tumawa ka."

Inirapan ko siya at saka ako muling nagtanong. "I thought you're a half Korean. So, if you're using that Torres. Palagay ko, mother mo ang korean."

"Exactly. You're getting interested on me now, huh?"

"I'm not."

"So, last night balak niyong tumakas ni Aries para magtago sa dad mo? You know, Humpy's idea is really great. Kaya lang nakalimutan niya yatang isipin na hindi lang dapat mga tauhan ng daddy mo ang dapat niyong takasan, kung di pati ako na sinasabi mong stalker mo."

"Ang dami mo talagang alam."

"You know what, it's ironic that, you two fights for love. That you're both a really great fighter. You and him against the world. Wow!"

Habang sinasabi ni Kyle yon ay nakikita ko naman sa mukha niyang seryoso siya sa sinasabi niya, na walang halong sarcasm ang mga yon.

"You two, should really ended up together. And that's for sure."

"You don't know my dad."

"Yes I don't know him. But there's something you also don't know about him." Umangat muli ang gilid ng kanyang labi at maya-maya'y tumunog ang doorbell.

"She's here." Nakangiting sabi ni Kyle. Binuksan niya ang front door at nagulat ako ng makita kong nakangiting pumasok sa loob si Ms. Rifa.

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang nakikita ko ngayon, nakasuot siya ng pulang body hugging dress at nawala ang ngiti niya ng lingunin niya ako at magtama ang mga mata naming dalawa.

Hindi ko talaga alam kung bakit sa tuwing nagtatama ang mga mata naming dalawa ay may parang kung anong humahaplos sa puso ko.

Napalunok ako ng dahan-dahan siyang maglakad palapit sa'kin.

"Aika, meet my lovely aunt, Sharifa Kim Vilareal." Pagpapakilala ni Kyle kay Ms. Rifa.

Para naman akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw habang tinitignan ko lang si Ms. Rifa na naglalakad palapit sa'kin.

Nang ilang hakbang nalang ang lapit naming dalawa sa isat-isa. Bigla ay mabilis akong niyakap ni Ms. Rifa.

"Shaidine!"

Iyon ang narinig kong pangalan na binigkas niya ng mayakap niya ako. Nanatiling blanko naman ang isipan ko at hindi halos ako makagalaw.

"Shaidine. Ang tagal kitang hinanap. Hindi ko alam na ilang beses, ka na palang nasa tabi ko lang, kaharap ko. Kasama ko." Naramdaman ko sa balikat ko ang pagtulo ng luha ni Ms. Rifa. She's absolutely crying.

Pero naguguluhan ako sa sinasabi niya. Hindi ako Shaidine. Imposible.

Bahagya akong lumayo kay Ms. Rifa at pinakawalan naman niya ako mula sa mahigpit niyang pagkakayakap.

"Ms. Rifa, hindi ko po kayo maintindihan. Hindi ako si Shaidine. I-I thought...naglayas siya."

Hinawakan ni Ms. Rifa ang braso ko.

"Aika, makinig ka. Aika, isa akong dalagang ina mula sa Ashralka. Hindi ako pinanagutan ng lalaking nakabuntis sa'kin, pero kahit na ganon...itinuloy ko ang pagbubuntis at ipinanganak ko si Shaidine. She was only five months old nung nagkaroon ng malakas na bagyo sa Ashralka. Nasa maynila ako ng mga panahong yon dahil nag-aaral ako ng college noon, ang nanay ko at bunso kong kapatid lang ang nag-aalaga kay Shaidine. At sa kalagitnaan ng bagyo, nagkaroon ng land slide. Namatay ang nanay at kapatid ko at hindi ko na nakita ang anak ko."

Naiiyak ako habang nagkukwento si Ms. Rifa sa akin. Hindi ko alam na may ganoon palang trahedya na nangyari sa ashralka. Hindi mo na kasi mababakas iyon ngayon dahil sa ganda nun. Hindi ko rin mapigilang maawa sa sinapit niya at ng pamilya niya.

"Nang maging isang sikat akong fashion designer at magtayo ng sarili kong clothing line. Ipinangalan ko yon sa anak ko, naging paulit-ulit na tanong naman sa akin noon kung saan ko nakuha ang pangalan ng clothing line ko, and I said it was my daughter's name. I tried to hide any information about Shaidine at dahil wala silang mahanap na impormasyon, napaniwala sila ng sarili nilang prediksyon na baka nasa ibang bansa si Shaidine. Recently, nahiwagahan na naman sila kay Shaidine kaya gumawa na naman sila ng kwento na kesyo, naglayas daw ang anak ko. Natatawa nalang ako sa kanila."

"Then what happened to her?"

"Ilang araw matapos yung bagyo. May nakita yung mga rescuer na katawan ng bata na hindi na makilala. Inakala ko na si Shaidine yon, ilang taon akong naniwala na patay na ang anak ko. And then I saw you. Unang beses palang na nakita kita, parang may kung anong pakiramdam na bumalot sa pagkatao ko." Naramdaman kong hinawakan ni Ms. Rifa ang isa kong kamay.

"Binalewala ko lang noon ang kakaibang nararamdaman ko pag nakikita kita. Pero habang tumatagal, bumabalik sa akin yung pag-asa. Na baka' buhay pa ang anak ko. Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang managinip at parating ikaw ang kasama ko."

"T-Teka lang po." Sabay hablot ko ng kamay ko kay Ms. Rifa at napakunot ang noo ko. "What are you really trying to say?"

"Aika, last year. Nagsimula akong magpa-investigate. Tungkol sayo."

"What? Why?" Muling gumulo ang isipan ko sa mga sinasabi ni Ms. Rifa. Para ngang alam ko na ang sasabihin niya pero parang hindi ako handang marinig yon. Natatakot ako.

"I did it. Dahil pakiramdam ko, may kung ano sayo Aika. And nitong taon lang na'to 'nung april. Lumabas sa investigation na si Shaidine at ikaw ay iisa. Aika, anak kita. I'm your real mom."

Kamuntik na akong matumba sakinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Ms. Rifa. Napailing-iling ako at dahan-dahang umatras lumayo sa kanya.

"No! I'm a Todoya. Alesha ang pangalan ng mommy ko!"

"Aika, I'm your mom."

"HINDI! MY MOM SI ALESHA. HINDI IKAW!"

"I know, hindi ganon kadaling tanggapin mo na ako ang tunay mong ina. Pero Aika, wala ka man lang bang nararamdamang lukso ng dugo? Aika, noon palang. Ramdam na ramdam ko na sayo yon." humihikbing sabi ni Ms. Rifa.

"Wala. I don't feel anything." Pagsisinungaling ko because I just really can't accept all that she said.

Magulo nga ang pamilya namin ngayon. Pero hindi ibig sabihin non ay basta-basta nalang ako maniniwala sa sinasabi ni Ms. Rifa, para kalimutan sila.

"Gusto mong mapatunayan ang mga sinasabi ko, ihahatid kita sa mga magulang mo at sila pa ang magsasabi sayo ng katotohanan, Aika. Just tell me kung handa ka na." ani Ms. Rifa.

Napailing ako ulit. "This can't be real." At saka ako patakbong bumalik sa kwarto kung saan ako nagising kanina at pabalya kong sinara ang pintuan.

Pagpasok ko sa loob ay agad kong ni-lock ang pintuan at naupo ako sa kama, hinilamos ko ang mga kamay ko sa aking mukha.

Oo, galit ako kay dad ngayon, pero hindi minsan sumagi sa isip ko na sana hindi ko nalang siya naging tatay, na sana ampon nalang ako.

Ilang oras akong tulala sa silid na kinaroroonan ko. Gulong-gulo ang isip ko sa mga narinig ko simula kay Kyle hanggang kay Ms. Rifa. Hindi ko tuloy namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising nalang ako sa isang pamilyar na boses na tumawag sa'kin mula sa labas.

"Aika. Open the door."

Nagulat ako ng marinig ko ang boses niya kaya agad akong bumangon at nagmamadaling binuksan ang pintuan.

Pagbukas ko ng pinto ay agad kong niyakap ng mahigpit ang lalaking isinisigaw ng puso ko, naramdaman ko naman na niyakap niya rin ako.

He cupped my face at pinakatitigan niya ako. Hindi maitatago sa mukha niya ang pag-aalala. "Okay ka lang ba? God! I miss you. Sorry kung ngayon lang ako dumating." Kasunod ng paghalik niya sa noo ko at muli ay hinagkan niya ako ng mahigpit.

"Aries, ang sabi sa'kin ni Ms. Rifa. Ako daw si Shaidine na anak niya. Aries, ampon ako." Tila pagsusumbong ko sa kanya, habang hindi na naman nagpapigil ang mga luha ko na lumabas sa mga mata ko.

Hindi ko talaga kayang tanggapin na ampon ako. Not now.

Siguro nga hindi ko pa naririnig sa mga magulang ko ang totoo, kaya hindi pa sigurado, pero sigurado akong maririnig ko rin yon sa kanila sa oras na magkita kami. I don't wanna hear it because I'm not yet ready.

"Sshh...Ampon ka man o hindi, wala namang magbabago Aika. Just like me. I'll always be with you."

Hinawakan niya ang baba ko at bahagya niyang inangat yon at banayad niya akong hinalikan sa labi at saka niya ako inaya ng kumain ng tanghalian, nakita ko pa ngang nagku-kwentuhan si Kyle at Humpy sa living room.

Nginitian ako ni Humpy ng magtama ang paningin namin. Nginitian ko rin naman siya.

"Aika, you want coffee? Kung di mo naitatanong, magaling akong magtimpla ng kape." Pagyayabang ni Kyle na tumayo mula sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa amin ni Aries.

"No thanks. I don't drink coffee." Pagsusuplada ko sa kanya.

"Oh! Pareho pala kayo ni tita. Mag-ina nga talaga kayo." aniya habang nakangisi siya sa'kin.

Bigla ay naalala ko si Ms. Rifa. Nasaan nga pala siya?

"Where is she?" Tanong ko kay Kyle.

"Nasa veranda. She don't wanna go back to manila kasi gusto ka niyang makasama. She wants to talk to you, makipagkwentuhan. Pero dahil mukhang hindi ka pa handang makausap siya. Ayun, nagmukmok nalang sa veranda."

Humugot ng malalim na hininga si Kyle bago siya muling nagsalita with his very serious face. "Alam mo, Aika. Sabik na sabik sayo si tita. Ang tagal niyang nangulila sayo. If you don't know, inampon niya noon si Fretzy para lang maibsan ang lungkot niya sa pagkawala mo."

Muli ay isang rebelasyon na naman ang nalaman ko. Kaya naman pala wala akong makitang pagkakahawig sa ni Ms. Rifa at Fretzy, even their personality ay ibang-iba. Dahil pala ampon si Fretzy.

Naglakad na kami ni Aries papuntang dining para kumain.

Habang kumakain kami ay napuno ako ng katanungan kay Aries.

"Ano bang nangyari nung hindi ako nakarating sa tagpuan natin?"

"Nag-panic ako syempre. Akala ko hindi ka nakatakas. I tried to call you, pero unattended ka. Babalikan na nga sana kita, kaso biglang may unknown number na tumawag sa'kin and it was Kyle. Hindi ko alam kung paano niyang nalaman ang number ko, basta sinabihan niya akong nasa kanya ka. At first nagalit ako, ilang ulit kong tinanong sa kanya kung nasaan ka. Pero ayaw niyang sabihin. Nagpasya si Humpy na tumuloy muna kami doon sa rest house nila na dapat sana ay pupuntahan natin, nag-isip kami ng plano. Kung paano ka makukuha, kung saan ka namin pupuntahan. Halos mabaliw na kami kakaisip, sinasabayan pa ng paulit-ulit na tawag at text nila Daren na nagtatanong kung nakarating ba tayo ng maayos sa rest house nila Humpy. Wala akong maisagot sa kanila kaya hindi ko pinapansin ang mga tawag at text nila. Hanggang sa kaninang umaga. Tinawagan ako ulit ni Kyle at pinapupunta na rito. Habang tulog ka. Sinabi nila ni Ms. Rifa sa akin ang katotohanan."

"Ang hirap tanggapin ng mga sinasabi nila, Aries."

"I know. But I think, it was really the sign."

"The sign?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"That you and I, are really meant together, Aika. Wala ng complication."

"Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba talaga 'tong nangyayari, Aries. Para bang araw-araw mas lalong gumugulo ang isip ko."

Ipinatong ni Aries ang kamay niya sa kamay kong nasa ibabaw ng mesa.

"Nandito ako, Aika. I'll help you."

"Salamat. Kung alam mo lang kung gaano mo pinalalakas ang loob ko, Aries. Dahil sayo kaya nanatili akong matatag."

Nginitian niya ako. "I love you."

That three words, was really a magic word na nagpapabilis ng heart beat ko at tila nagpapagaan ng kalooban ko.

"Mahal na mahal din kita." Napaiyak na naman ako kaya pinunasan ni Aries ang tumulong luha sa pisngi ko.

"I hate seeing you cry. It breaks my heart."


Pagkatapos naming kumain ni Aries ay pinuntahan ko naman si Ms. Rifa sa veranda. Naabutan ko siyang tahimik na nakaupo sa couch na naroon habang hawak niya ang isang tasang may lamang kung ano. She's not drinking coffee, so maybe milk, tea or hot chocolate ang laman ng tasa niya.

"Ms. Rifa."

Mabilis siyang napalingon sa akin at biglang tumayo. Halatang nagulat siya sa pagdating ko.

"Pasensya na po kayo kung, hindi ko agad matanggap ang mga sinabi niyo-"

"I understand. Pasensya narin kung nabigla kita. Ayoko kasing nahihirapan ka. At nakita ko yon, dahil sa pinaniniwalan ng marami na mali ang relasyon niyo ni Aries. I want you to be happy. Gusto kong maging malaya kayo. At ang buksan ang katotohanan sa pagkatao mo ang naisip ko na tanging paraan para maging tama ang pagmamahalan niyo."

"Thank you because you did it on purpose. You did it because you wanna help us. Thank you."

"I can do everything for you, Shaidine."

Dahan-dahan kong nilapitan si Ms. Rifa at sa ikalawang pagkakataon ay ako naman ang yumakap sa kanya.

Aaminin ko. Dito sa puso ko, ramdam na ramdam ko yung sinasabi nilang lukso ng dugo. Ito pala yon, ito pala yung madalas kong maramdaman kapag nakikita ko siya. Noon pa'man nararamdaman ko na 'to pero hindi sumagi sa isip ko na lukso ng dugo ang tawag dito. But now I know.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 713K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
15.8M 780K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
28.1M 711K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...