I'm inLUST with my BOSS

By therealsweetyjasmine

2.6M 30.2K 2K

Dumudumi ang isip ko sa tuwing nandiyan sya. Sh*t!! More

Intro: In-LUST with my Boss
Commercial lang saglit..
1st: I wanna EAT you!
Thank you and SORRY!
2nd: Touch me....please!
3rd: Shyness attack!
4th: Start of something new?
Papampams...
5th: he is coming...
6th: Baby-Sit on me....
7.2: lucky
8th: Is it really happening?
9th: Bitter-sweet kisses..
A-10-TION READERS.. :)
10th: Jealous?
11th: Confession part 2!
12th: Surprise?
13th: Unexpected VISITOR..
14th: Back for good?
15th: Awkwardness...
16th: Contest?
17th: Competition part 1
18th: His story...
19th: Date??
20th: Confused 2.0
21st: Bebot # 2
22nd: Confused 3.0
23rd: the Boss' POV
24th: Space..
Paumanhin
25th: Dying inside..
26th: And I responded..
27th: It's official.. :)
28th: Her's opinion
29th: Visitors Day!
30th part 1: Happy 1st!
30th part 2: Happy 1st year!
31st: unknown girl

7th: strength please...

96K 1K 31
By therealsweetyjasmine

[A.N:
:..Guys, sorry po ulit sa super late update... Sobrang busy lang po sa work.. Anyway, hope you enjoy this update..

Please do read din po pala yung isa ko pang story na OUR 24 HOURS LOVE STORY... And, penge nalang din po ng comment nyo... Haha.. Short story lang po ito and completed na po... Thanks a lot!! mwaah... ]

————————————————————————

Apat na araw na ang lumipas ng huli kaming magkita ni Inigo. Mula ng ihatid nya ako mula sa pagbi-baby sit sa mga pamangkin nito ay hindi pa ito nakakapasok.

Note lang ang tanging iniwan nito sa table ko na nagsasabing nag-out of the country ito at ilang araw daw itong mawawala na sa totoo lang ay ikinakatampo ko ngayon.

Ano ba naman yung magtext manlang sana ito, o kaya naman ay tumawag diba?

"Bakit ano ka ba nya? Girlfriend ka ba nya?"bulong ng kabilang bahagi ng isip ko.

Nalukot tuloy lalo ang mukha ko dahil sa naisip ko. Nakakainis! Di ko tuloy mapigilang awayin ang sticky note na dinikit nito sa computer ko.

"Secretary kaya nya ako! Di ba pwedeng tumawag o magtext sa secretary? Alam ba nya na nag-aalala ako baka napano na sya? Ni hindi ko nga sure kung ilang araw yung tinutukoy nya sa "few days" na sinulat nya dito! Apat na araw na kaya pero wala parin sya? Sweet-sweetan pa man din sya nung nasa kanila ako and he even attempted to kiss me! Ano yun? Wala nalang? Tapos, ngayon, ikaw lang na sticky note ang iiwan nya sa akin? Hmmp!" parang timang na bulyaw ko sa sticky note na hawak ko. Sa sobrang inis ko ay nilukot ko ito.

"Uhmm.."biglang singit ng kung sino sa harapan ko na sanhi upang mapaangat ako ng tingin. Pero tila mas gugustuhin ko pa na bumuka nalang itong simento at lamunin ako ng buo, dahil ang taong tinutukoy ko ay nakatayo na ngayon sa harapan ko!

Mukhang kanina pa ito doon at narinig nito ang lahat!

"Ahhmm.. H-hi Sir." kiming bati ko dito. "Kanina ka pa?" My Gosh.. nakakahiya!!!

"Hi and yes."he answered and smile. I can clearly saw the amusement in his eyes.

"Y-You heard everything?"nahihiyang tanong ko.

Nakangiting tumango ito bago magsalita.
"Sorry kung hindi manlang ako nakatawag o nakapagtext sayo. I just settled some important things. But don't worry, it won't happen again. I promise." apologetic na sabi nito.

Di ako makakibo. Hindi ko alam kung dahil iyon sa hiya kasi narinig nito ang mga pinagsasasabi ko kanina o dahil sa sinserong tingin at pagpapaumanhin nito ngayon sa akin.

"Can't you accept my apology?"anito at tila nagpapaawa pa.

I flushed. Bigla akong nahiya sa paghingi nito ng pasensya na tila ba obligasyon nito iyon. Parang ang kapal ko naman pala kasi ito pa ngayon ang nagsosorry sa harap ko samantalang, empleyado lang nya ako. Napayuko tuloy ako. "You don't have to apologize Sir. Ikaw naman ang boss kaya wala akong karapatang magreklamo. Sorry po..."

He smiled and touched my cheek.

"Can we go out?"he suddenly said.

"Ha?"nagtatakang sabi ko.

"Ahh... I mean, naglunch ka na ba?"

Umiling ako.

"Lets go then. My treat. I wanted to make it up to you." nakangiting sabi nito.

Tatanggi pa sana ako pero biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko, indikasyong gutom na ako na ikinatawa nito.

"Sabi ko nga eh, gutom na ako."nakalabing sabi ko. "Tara na nga."pag-aaya ko nalang dito para mapagtakpan ang hiya ko.

"Yes ma'am. Ladies first."he said and pointed the door.

Inirapan ko lang ito at nagpasya ng maglakad palabas. Sinabayan naman niya akong maglakad at maya-maya lang ay magaan na kaming nagkwentuhan.

I was so thankful because he didn't put so much attention on what he heard a while ago. Kasi, malamang hindi ko na ito matingnan ulit kung sakaling pagusapan namin iyon.

Paglabas namin ng office ay dumiretso na kami sa sasakyan nito. Ang akala ko, sa Taste-it ulit kami kakain pero nagtaka ako ng lumagpas kami doon.

"San tayo kakain Sir?"I asked.

"Nakalimutan mo na yata name ko? It's Inigo. Anyway, to answer your question, may pupuntahan tayo."

"Where?" Tiningnan ko ang oras. 12:32pm na. "Baka malate ako niyan. 28minutes nalang before 1pm."

He chucked. "Parang nakalimutan mo yata na boss mo ang kasama mo?"

"Oo nga pala. Pero saan nga tayo pupunta?"

"Basta. Anyway, eat this first. Gutom ka na diba?" sagot nito saka ako inabutan ng muffins.

"Wow. Chocolate marble! Galing naman, favorite ko to. Pero kakain naman na tayo nyan diba? Baka mawalan na ako ng ganang kumain mamaya."kunwa'y pagpapakipot ko pero sa totoo lang ay natatakam na ako sa binigay nito.

"May gagawin muna kasi tayo bago tayo kumain. Saglit lang naman yun, pero kanina ka pa nagugutom kaya kung okay lang sana, yan muna ang kainin mo."

'Gagawin? Naming dalawa?' Singit na naman ng malanding parte ng isip ko.

Nagtatakang tiningnan ko ito.

"Why?"nakatawang tanong nito. "Wala akong gagawin sayo na hindi mo magugustuhan. I promise." he answered and winked at me.

"Okay." kunway balewalang sagot ko at sinimulan ng lantakan ang binigay nito, pero deep inside, kinikilig ako!

Inalok ko ito na kumain din pero dahil nagmamaneho ito sinenyasan nya ako na subuan ito.

"Sorry gutom narin kasi ako. Please.." pagpapa-cute pa nito.

"Ahh, sige." Tipid na sagot ko at inilapit sa bibig nito ang isang muffin upang maka-kagat ito.

"Hmmmm, ang sarap." Nakangiting sabi nito habang ngumunguya.

Hindi ako nakasagot agad kasi parang tumigil ang tibok ng puso ko sa eksena namin.

'Luhh.. Namamaligno na yata ako? Bakit parang feeling ko ang sweet sweet namin?' Piping bulong ko.

Pasimple kong ipinilig ang ulo ko. 'Maghunus-dili ka Gab. Nag-iilisyon ka na naman. Nagdadrive kasi sya kaya lang sya nagpasubo sayo no!'

Huminga muna ako ng malalim upang pasimpleng pakalmahin ang sarili ko.

"Sabihin mo lang kung gusto mo pa ha?" Tanong ko dito pero hindi ko na ito nagawang tingnan dahil baka lumabas na ang puso ko sa kinalalagyan nya kapag nakita ko na naman ang mga ngiti nya.

"Sige mamaya ulit. Thank you." Magaan na sagot naman nito.

Habang ngumunguya ay busy din ang isip ko. 'Ano kayang nangyayari sakin? At saan naman kami pupunta? Date na ba to? Saka ano yung gagawin namin na magugustuhan ko? Yung 'ano' na ba yun? My gosh.. Prepared na kaya ako? Grabe. Iniisip ko palang, parang nag-iinit na ko! Grrr..'

Naputol ang pag-iimagine ko ng huminto kami sa isang mall.

"Wait. Magmo-malling tayo at this hour?"nagtatakang tanong ko.

'Dito ba namin gagawin yung 'ano' na magugustuhan ko? Ano ba yan! Parang ayoko naman dito. Ayaw ko naman na sa public place ang maging first time ko!' himutok ng maduming parte ng utak ko.

"Come on." Tanging sagot nito at inalalayan na ako pababa ng kotse.

Sinundan ko nalang ito kahit na sa totoo lang ay naghihimutok parin ako.

Dumiretso kami sa isang boutique at kapuna-puna na agad kaming nilapitan ng hindi lang isa, pero tatlong sales lady. Nginitian naman ang mga ito ng binata kaya lalong nagpa cute ang mga talipandas na mga babae. Kulang nalang ay hilahin nila si Inigo na ngayon ay nakatayo sa tabi ko. Bahagyang napataas ang kilay ko.

"Pag ako lang kaya ang pumasok dito, ganito din kaya sila ka-attentive?" bulong ko sa sarili ko pero narinig pala nito.

"Baka akala nila artista ako." bulong nito sa tenga ko.

Inirapan ko nalang ito at naglakad palabas. "Antayin nalang kita dito, tutal marami namang nag-a-assist sayo." I response sarcastically.

I heard him laugh and hold my hand. "You really looked so cute My Leanne. Wag ka na sumimangot. They cannot bite me. Besides, hindi ka pwedeng umalis kasi hindi ko naman pwedeng sukatin yung mga bibilhin ko."malapad ang ngiting sabi nito at bahagya pang pinisil ang pisngi ko.

Alam kong nagbibiro ito pero wala ako sa mood kaya hindi ko ito pinansin. "Why me? Edi ipasukat mo sa kanila."nakangusong sagot ko.

Ngumiti lang ito at inakay na ako ulit sa loob. Daig pa namin ang magjowa sa ginawa nito. Napuna ko ang pagsimangot ng mga sales lady na siya namang sikretong ikinatuwa ko. Feel na feel ko tuloy na umaktong girlfriend nya. At syempre pa, eto na naman ako. Madikit lang ng konti sakanya, nag-iinit na agad ang pakiramdam.

Pinilig ko na lang ang ulo ko. 'Hoy Gab. Nasa public place ka! Umayos ka muna.' panenermon ko sa sarili ko.

Kung kanina, ang lapad ng ngiti ko nang bumalik kami papasok sa boutique, but a few minutes later, para na akong hilong-talilong sa dami ng mga damit na pinasukat nito sa akin. Hindi ko din alam kung dapat ko pa bang ikatuwa ang mga nangyayari dahil pagod na ako sa kakapalit-palit ng mga damit na hindi naman sa akin.

"Inigo, plano mo bang magtayo narin ng boutique at ako ang balak mong maging mannequin? Kaloka ka, nakakapagod ah!"di nakatiis at nakapameywang na reklamo ko dito.

"Sorry, I enjoyed watching you. And tama ka, you really look like a mannequin to me. You're so beautiful in every clothes you wear." I saw fondness in his eyes which made my heart pound and my cheeks became reddish. Pero pilit ko parin itong tinago at piniling tarayan ito para pagtakpan ang kilig na kaninang-kanina ko pa nararamdaman.

"Tama na ang pambobola. Ilang damit pa ba ang ipapasukat mo? Nalusaw na yata lahat ng kinain kong muffins kanina eh. At para kanino ba lahat ng mga ito at ang dami naman?"

"Sayo."tipid na sagot nito at nagpakuha pa ng ilang damit sa sales lady.

"What?"gulat na sagot ko at saka tiningnan ang price tag ng mga damit na ipapasukat pa nito. Susmiyo, t-shirt lang ito pero P4,400 na! And yung pants, P10,595? Pangbayad ko na ng renta sa apartment yun ah!

"Seriously? Wala akong pambayad sa mga ito."mulagat na sabi ko dito.

"Ate, pakibalik na po itong mga ito at lahat ng mga iyan." binalingan ko yung sales lady na tila dineadma lang ang litanya ko at ngayon ay nakangiti na sa akin. "Ma'am, bayad na po yan lahat. Bagay mo nga po halos lahat ng sinukat mo Ma'am. At bagay na bagay din po kayo ni Sir." Ngumiti pa ito pero halatang inggit na inggit naman.

'Ang plastic ni ate. Bigla hindi na ako sinisimangutan? Porke naka-quota sila dahil sa dami ng mga damit na to?Hmmp.' bulong ng isip ko.

Tiningnan ko naman si Inigo na prente paring nakaupo. Nilapitan ko ito, "Para saan ba kasi ito? Di ko naman kailangan ang mga ito. Kuntento na ako sa mga damit ko."

"Yun na nga ang nakakapagtaka eh. Hanggang kailan mo ba patuloy na itatago ang sarili mo?"

Natahimik ako. 'Kung alam lang niya ang dahilan ko.'

"Hayaan mo na kasi. At least, iwas manyak." sagot ko nalang dito.

"Subukan lang nilang kantiin ka. Ako ang makakalaban nila."he answered seriously.

"Sus. Parang totoo naman! Ah basta. Isoli mo na ang mga ito. Masyadong mahal! Mauubos savings ko dito!" tinuro ko ang ilang hilera ng paper bags.

"Di na nga pwede. Kasi bayad na lahat yan. Just consider this as your payment for baby sitting my nephews."

"One day lang yun ah? Pero kung bibilangin ko lahat ito, halos umabot na yata ng P100,000! Grabe ka naman magpasahod ng Yaya!"eksaheradong sagot ko dito. Ang mahal naman pala nitong magpasahod! Mag-yaya nalang kaya ako?

"It's my treat remember?"malapad ang ngiting sagot nito.

"Pero-"

"No more buts."pagputol nito sa anumang sasabihin ko. "Come on. I'm starving. Para makaalis na tayo at makakain na, isukat mo na yan. At sige, last na yan."

I just sigh and decided to wear the last pair of clothes that he bought. 'Bahala na!'

Alam ko naman na hindi ako mananalo dito.

It was an off-shoulder blouse and simple pants. Tumingin ako sa salamin at nasiyahan naman sa nakita ko, 'simple, yet sexy. Ewan ko lang kung hindi ka maakit sa akin Inigo. Wahahaha!'pilyang bulong ng isip ko. Napabungisngis tuloy ako bago nagdesisyong lumabas na ng fitting room.

"Bagay ba?"nahihiyang tanong ko dito.

Di ko naman alam kung anong klaseng ekspresyon ang nakita ko dito. Mukha kasi itong naengkanto sa pagkakatitig sa akin. Nang hindi parin ito nagsasalita ay nilapitan ko na ito, "Huy, okay ka lang?"takang tanong ko dito.

He nodded. "Ang ganda mo talaga."tila wala sa sariling sagot nito na ikinapula na naman ng pisngi ko, at parang ikina-basa ng....hmm..

"M-matagal ko nang a-alam yan. O ano, shall we eat?"tanging nasabi ko para mapagtakpan ang kilig na nararamdaman ko.

He smiled and nodded.

'Jusko Lord! Bakit po ang gwapo at ang yummy ng Boss ko! Give me more strength please!' Lihim na panalangin ko dahil di ko alam kung hanggang kailan pa ako makakapagpigil....

Continue Reading

You'll Also Like

35.2K 1.7K 18
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
1.7M 68.2K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
75.8K 1.4K 82
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...