19th: Date??

49.7K 535 34
                                    

Back to the real world...

Nandito na naman ako sa Chaussure, at syempre, busy na naman sa trabaho. Pero kahit na gaano pa ako ka-busy, hindi ko parin makuhang iwaglit sa isip ko lahat ng nangyari ng nakaraang araw.. Pilit akong nagko-concentrate dahil yun naman ang dapat kong gawin dahil tambak ang trabaho ko ngayon pero sa tuwing naalala ko ang mga nangyari ay bigla akong napapahinto at napapatulala.


Pakiramdam ko kasi ay nasa tsubibo ako.. Hindi parin ako makapaniwala.. Dalawa agad ang umamin sa akin na may gusto daw sila sa akin at ang dalawang taong ito ay hindi basta-basta dahil Best friend at Boss ko lang naman ang mga ito! Nakakawindang.. Nakakahilo.. In short, NAKAKALOKA! haha..


4 am kaming nagbyahe kanina as planned. Pero hindi kami solong nagbyahe ni Iñigo dahil nakisabay sa amin si James. Sa apartment ko narin ito bumaba at sinabing doon muna daw tutuloy ng ilang araw dahil hindi pa daw tapos ayusin ang unit nito. Ayaw naman daw nito tumira muna sa hotel dahil nagtitipid daw ito. As if naman maniniwala ako doon pero hindi na ako nakipag argumento pa dahil tiyak na hindi din naman niya ako titigilan hanggat hindi ako pumayag. Tulad sa bahay namin, tila may sarili narin itong kwarto sa apartment ko. Ito kasi ang malimit na gumagamit ng guest room ko kaya halos lahat ng mga gamit na nandoon ay pagmamay-ari nito.


Mula pa ng mga bata kami ay palagay na ang loob namin sa isa't-isa. Sa katunayan nga ay mas madalas pa na ito ang kasama ko kaysa sa mismong kapatid ko at kahit na may pagka istrikto noon ang magulang ko sa akin when it comes to men, basta pagdating sa binata ay pinapabayaan lang nila ako. Ang katwiran nila ay kampante daw sila na hindi ako mapapahamak o maliligawan basta si James ang kasama ko. Okay lang naman iyon sa akin kasi dahil sakanya, nagawa kong iwasan lahat ng mga lalakeng gutong lumigaw sa akin noon.


'Pero paano na ngayon? Gusto ko din bang iwasan si Iñigo?' tanong ko sa sarili ko.


Kasi napuna ko na pagkatapos kaming ihatid ng binata sa apartment ko ay kita ko ang disappointment sa mukha nito ng malaman na sa bahay din tutuloy si James. Hindi ko din tiyak kung sinadya ito ni James dahil wala naman itong nababanggit sa akin kagabi habang magkasama kami. Hindi ko din naman magawang magalit kay James dahil mula't-mula naman ay nakagawian na talaga nitong tumuloy sa apartment pag naisipan nito.


'Pero iba naman kasi ang lagay ngayon.. Umamin na siya sa iyo na may gusto siya sa iyo diba?' kontra ng isang bahagi ng isip ko.


Oo nga.. Hindi ba dapat magkaroon na ng boundaries sa pagitan namin dahil nga may feelings ito para sa akin?


"Pero ang sabi niya sa iyo, walang magbabago sa treatment ninyo sa isa't-isa.. Liligawan ka din niya, but your friendship will be the same.. And you agreed to him Leanne Gabrielle. Kaya anong nirereklamo mo ngayon?'sermon ko pa sa sarili ko.


Oo nga.. Wala talaga akong karapatang magreklamo dahil pumayag ako sa set-up na sinabi ni James. Pero paano ko nga ba pakikitunguhan ang binata gayong inamin na nito sa akin ang nararamdaman nito? Pareho parin ba sa dati? Act normal as if nothing happened? Sa totoo lang ay ganun ang gusto kong gawin dahil ayokong magkaroon kami ng gap dahil lang sa feelings nito, pero kakayanin ko kaya? Kanina pa nga lang ay nakadama na ako ng awkwardness habang magkakasama kaming tatlo sa sasakyan ehh.


'Hayyys! Bahala na nga si Batman!' sabi ko nalang sa sarili ko dahil kung iisipin ko pa iyon hanggang mamaya ay baka talagang hindi na talaga ako makapagtrabaho.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon