7th: strength please...

96K 1K 31
                                    

[A.N:
:..Guys, sorry po ulit sa super late update... Sobrang busy lang po sa work.. Anyway, hope you enjoy this update..

Please do read din po pala yung isa ko pang story na OUR 24 HOURS LOVE STORY... And, penge nalang din po ng comment nyo... Haha.. Short story lang po ito and completed na po... Thanks a lot!! mwaah... ]

————————————————————————

Apat na araw na ang lumipas ng huli kaming magkita ni Inigo. Mula ng ihatid nya ako mula sa pagbi-baby sit sa mga pamangkin nito ay hindi pa ito nakakapasok.

Note lang ang tanging iniwan nito sa table ko na nagsasabing nag-out of the country ito at ilang araw daw itong mawawala na sa totoo lang ay ikinakatampo ko ngayon.

Ano ba naman yung magtext manlang sana ito, o kaya naman ay tumawag diba?

"Bakit ano ka ba nya? Girlfriend ka ba nya?"bulong ng kabilang bahagi ng isip ko.

Nalukot tuloy lalo ang mukha ko dahil sa naisip ko. Nakakainis! Di ko tuloy mapigilang awayin ang sticky note na dinikit nito sa computer ko.

"Secretary kaya nya ako! Di ba pwedeng tumawag o magtext sa secretary? Alam ba nya na nag-aalala ako baka napano na sya? Ni hindi ko nga sure kung ilang araw yung tinutukoy nya sa "few days" na sinulat nya dito! Apat na araw na kaya pero wala parin sya? Sweet-sweetan pa man din sya nung nasa kanila ako and he even attempted to kiss me! Ano yun? Wala nalang? Tapos, ngayon, ikaw lang na sticky note ang iiwan nya sa akin? Hmmp!" parang timang na bulyaw ko sa sticky note na hawak ko. Sa sobrang inis ko ay nilukot ko ito.

"Uhmm.."biglang singit ng kung sino sa harapan ko na sanhi upang mapaangat ako ng tingin. Pero tila mas gugustuhin ko pa na bumuka nalang itong simento at lamunin ako ng buo, dahil ang taong tinutukoy ko ay nakatayo na ngayon sa harapan ko!

Mukhang kanina pa ito doon at narinig nito ang lahat!

"Ahhmm.. H-hi Sir." kiming bati ko dito. "Kanina ka pa?" My Gosh.. nakakahiya!!!

"Hi and yes."he answered and smile. I can clearly saw the amusement in his eyes.

"Y-You heard everything?"nahihiyang tanong ko.

Nakangiting tumango ito bago magsalita.
"Sorry kung hindi manlang ako nakatawag o nakapagtext sayo. I just settled some important things. But don't worry, it won't happen again. I promise." apologetic na sabi nito.

Di ako makakibo. Hindi ko alam kung dahil iyon sa hiya kasi narinig nito ang mga pinagsasasabi ko kanina o dahil sa sinserong tingin at pagpapaumanhin nito ngayon sa akin.

"Can't you accept my apology?"anito at tila nagpapaawa pa.

I flushed. Bigla akong nahiya sa paghingi nito ng pasensya na tila ba obligasyon nito iyon. Parang ang kapal ko naman pala kasi ito pa ngayon ang nagsosorry sa harap ko samantalang, empleyado lang nya ako. Napayuko tuloy ako. "You don't have to apologize Sir. Ikaw naman ang boss kaya wala akong karapatang magreklamo. Sorry po..."

He smiled and touched my cheek.

"Can we go out?"he suddenly said.

"Ha?"nagtatakang sabi ko.

"Ahh... I mean, naglunch ka na ba?"

Umiling ako.

"Lets go then. My treat. I wanted to make it up to you." nakangiting sabi nito.

Tatanggi pa sana ako pero biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko, indikasyong gutom na ako na ikinatawa nito.

"Sabi ko nga eh, gutom na ako."nakalabing sabi ko. "Tara na nga."pag-aaya ko nalang dito para mapagtakpan ang hiya ko.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon